$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Reflections At The Esplanade

By: Aristotle May kalamigan na ang aking kape nang makahigop ako matapos kong makalimutan nang panandalian na nasa bakasyon nga pala ako....

Reflections At The Esplanade

By: Aristotle

May kalamigan na ang aking kape nang makahigop ako matapos kong makalimutan nang panandalian na nasa bakasyon nga pala ako. Naging abala ako sa loob ng halos isang oras kaka-chat sa kay Ate Ninay, naninigurado kung nasunod niya ba ang lahat ng tugon ko.

1. Pakainin si Vic

2. Paliguan si Vic (ngayon at sa isang araw. Mahigpit kong habilin na may pagitang isang araw sa bawat araw ng pagpapaligo. Baka sipunin si Vic )

3. Gamitin ang natatanging Shampoo na binili ko para kay Vic. Wala nang iba.

4. Ilakad si Vic tuwing alas cinco ng hapon.

5. Wag kalimutan ang tali ni Vic.

6. Kapag nakalimutan mo, sumbong kita kina Mama.

"Basta pasalubong ko Addie!"

Tumingala ako sandali sa maaliwalas ng kalangitan. Malinis ang paligid. Hindi amoy usok ang hangin. Mainit, ngunit organisado ang paligid. Tunayo ako at iniwan na lamang ang kapeng malamig sa mesa at nag-umpisang maglakad papalapit sa sikat na Merlion. Kumuha lamang ako ng litrato mula sa di kalayuan. Bagamat hindi ito ang unang pagkakataong makapamasyal ako syudad na ito, kakaiba parin ang pakiramdam na makatungtong ka sa isang bansang mas maliit pa sa kapuluan ng Luzon, ngunit napakaimportante at katangi-tangi sa pangdaigdigang ekonomiya.

Pamilyar sa akin ang mga kalsada at lugar na pwedeng pasyalan. Kung tutuusin, maiikot mo lamang ang buong Singapore ng walang masyadong inaalala. Ligtas, malinis at maayos. Naglakad lakad ako hanggang sa marating ko ang Downtown Core at walang ginawa kung hindi ang maglakad lakad lamang. Nasabihan na nga akong weirdo dahil daw sa kakaiba ang aking paraan upang maglibang. Marahil ay tama nga sila.

Ang pagbibiyahe ko naman ay di na bago sa akin o sa aming pamilya, ngunit ito ang unang pagkakataong wala akong kasama man lamang sa aking biyahe. Ako lamang mag-isa. Hindi ko alam kong talaga bang mahal ako ng mga magulang ko kaya't naisipan nilang bigyan ako ng ganitong klaseng regalo, o gusto lamang nilang magdusa ako ng walang kasama sa loob ng apat na araw. "Matuto ka nang maging independent, Addie.", ang paulit ulit na litaniya ng aking ama. Marahil parehong tama and dalawa kong hinala.

***

Mula sa aking pag-iikot ng Raffles Place, dinere-diretso ko na ang mahabang daanan kung saan ako nanggaling kanina. Naisipan kong mananghalian na lamang sa malapit na Hawker Center (Food Court nila) na siyang typical na kainan dito. “Adobo. Adobo.”, paulit-ilit kong bulong sa aking sarili habang inisa isa ang bawat food stall doon.

Dahil wala akong napili, umorder na lamang ako ng isang bowl ng Chinese noodles at Iced Coffee. Chinese Noodles. Sagarin ko na lang din, tutal Intsik naman ang mga magulang ko. Pero kahit na siguro gaano kasingkit ang aking mga mata ( Pero hindi naman masyadong singkit ang aking mga mata. Sa katunayan ay ako ang may pinakabilugan ang mata sa aming pamilya ), o ka-strikto ang magulang ko sa Feng Shui, purong puro ang aking pagiging Pilipino. Sa puso man o panlasa. Punuan ang kainan kaya’t tumungo ako sa isang mesa malapit sa hallway. Tiyempo at iisa lamang ang taong nakaupo doon at eksaktong mas malakas ang bentilasyon. Habang naglalakad ako ay kung may sino mang bumangga sa aking tagiliran na siyang dahilan upang maalog ang dala kong tray. Tumalsik ang sabaw ng Noodles at may kaunting napunta sa malaking mama na siyang bumangga sa akin. Tila hindi ko maisip ang aking sasabihin dahil inunahan ako ng takot. “Whaaat did ye du?”, galit na pagtatanong sa akin ng isang Indiano. “Leek at my Shert”.

“I’m so-sorry, Sir… But it was you who-“, pilit kong pinapaliwanang ang aking sarili ngunit maliban sa nakakatakot iyong lalaki, wala na siyang tigil kakasalita sa akin. Nahihirapan din akong intindihan ang Ingles niya. Hindi ko minamaliit ang kanyang pagsasalita, ngunit hindi ako sanay makipag-usap sa taong may British-Indian Accent. Nahihiya nadin ako dahil pinagtitinginan na kami ng mga taong nasa Hawker. Nag-iinit na ang aking mukha at nag-iisip ako ng kung ano mang pwedeng isagot sa kanya nang isang boses na may kalaliman ang biglang umalingawngaw at nagpatahimik sandali sa Indiano.

“Hey, how much is you shirt?”, ang sabi ng lalaki mula sa aking likuran. Hindi ko maikakailang Pilipino iyong lalake base sa kanyang pagsasalita. “I’ll pay you so you can leave.”, tumitig ng masama sa kanya ang Indiano bago niya inilipat sa akin ang kanyang mga mata. Ilang segundo pa ay tumalikod na ito at umalis. Maging ako man ay nabigla sa mga pangyayari, ngunit nangibabaw sa akin ang pasasalamat sa kung sino man itong matulunging tao sa aking likuran. Hinarap ko siya para pasalamatan.

“Thank You Si-“, natigilan ako bigla nang makita ko kung sino man iyong lalake sa aking likuran.

“Addie?”

***

“Kumusta naman si Kate?”, tanong niya sa akin habang nginunguya niya ang kanyang Satay.

“Happily Married. She’s actually expecting twins by September”, sagot ko. Buong pag-uusap namin ay nakakapanibago. Pilit kong pinupustura ang sarili ko na para bang normal lamang ang aming pag-uusap. Marahil sa kanya, oo, normal lamang ito ngunit sa akin ay hindi. Kailan man ay hindi ito magiging isang normal o typical lamang na pag-uusap.

“Congrats. UNCLE Leonardo Salazar Uytico… the Third!”, pang-aasar niya sa akin.

Iniwas ko lamang ang aking mga tingin at pinagtuunan ko na lamang ng atensyon ang bagong Noodles na inorder ko. “So, what are you doing here Kuy---Kuya Victor”, nag-aalangan akong tawagin siyang Kuya Victor. Hindi ko alam kung dahil sa halos anim na taon na kaming di nagkikita o sadyang ayaw ko lamang siyang tawagin ng ganoon. Maging pangalan niya ay nakakailang banggitin.

“Kuya Victor talaga ah”, Hindi muna siya nagsalita habang tinatapos ang natitirang karne sa kanyang pinggan. Matapos noon ay nag-umpisa na siyang magkuwento tungkol sa mga bagay bagay na parang wala naman akong naintindihan. Marahil ay naging palutang lutang lamang ang aking utak kakaisip na sa tagal ng panahon na hindi kami nagkita o nakapag-usap, nagtagpo parin ang aming landas. Naging palutang-lutang ang aking pag-iisip kakausisa sa bawat detalye ng kanyang mukha. Bukod sa mas lalong nagkalaman ang kanyang pangangatawan, nakakamangha na din ang kanyang kulay kayumanggi. Ganoon ba talaga kainit sa Dubai? Wala ba siyang Aircon doon? Hindi ko din maiwasang titigan ang kanyang tattoo sa kaliwang leeg.

“Bakit?”, bigla niyang pagtatanong na siyang nagpagising sa akin. “Kanina ka pang malagkit tumingin ah”, tumawa siya ng mahina bago niya ako kinindatan.

“It’s a wolf.”, tinuro ko ang kanyang tattoo. “Why?”

“Nah. Basta. But hey, ikaw. Anong ginagawa mo dito?”

“Graduation Travel? I don’t know. Tanungin mo sila Mama.”

“Mama. Hanggang ngayon Mama ka parin ng Mama. Still the baby boy I knew. Tapos kaka-graduate mo pa lang? Delayed ka ng---”

“Two years”, ako na ang tumapos sa kanyang pagsasalita. Tumitig lamang siya sa akin. Nagbitaw lamang ako ng buntong hininga na para bang sumasang-ayon ako sa kanyang panghuhusga sa aking pagiging Mama’s boy. Tutoo naman talaga.

Nag-umpisa na kaming maglakad lakad. Hindi namin alam kung saan kami patungo basta’t pinagpatuloy lamang namin ang aming pag-uusap. Napag-alaman kong bukas ng gabi ang lipad niya papuntang Maynila upang umuwi na at doon na mamalagi. Nasiyahan ako ngunit di ko lamang pinahalata. Agad namang napalitan ng pagkadismaya ang panandaliang saya sa aking puso nang malaman kong uuwi na siya sa kanyang pamilya.

Sa kanyang Stacy.

Nakaramdam ako ng kaunting pagsisisi kung bakit pa akong pumayag sumama sa kanya kumain. Ngunit ano bang gagawin ko.

Bagamat nalungkot ako ay pilit parin akong umasta na parang wala lang sa akin na may pamilya na siya. Sana di niya nahalata dahil hindi pa naman ako magaling magpanggap. Sabi sa akin ng ate kong si Kate, kung may taong pinagpala na maging sablay sa pagsisinungaling, ako daw iyon.

Isa-isa kong sinagot ang mga tanong niya sa sakin.

“Four days… Tomorrow Universal Studios. The next day Flower Dome. Third day Sentosa, and who-knows-where. Maybe Chinatown.”, ramdam ko ang pagiging matabang ng aking pagsagot. Walang emosyon o kung ano man. Dahil ayaw kong mahalata niya ang aking pagkabalisa tungkol sa mga nalaman ko (nakakahiya naman kasi), naglakad ako ng mabilis na siyang halos magpatakbo sa kanya at habulin ako. Tiyempo din kasing wala ng mga punong nakahilera sa pedestrian walkway.

***

(6 years ago. Second Year College )

Walang dahilan upang mag-aral dahil tapos na ang final exam. Lumagi lamang ako sa Sala namin at nagpatuloy sa aking pagbabasa ng paborito kong libro. Ilang minuro pa ay nakarinig ako ng ingay mula sa gate na siyang dahilan upang dumungaw ako sa bintana. Nakita kong kinukuha ni Ate Ninay ang bag ng ate ko mula sa kanya, ngunit may kasama pa ang aking kapatid. Si Ate Nikki, Ate Dianne, Kuya Ross, at si Victor.

“Overnight na naman”, sambit ko sa aking sarili. Nasaulo ko na ang Sistema na ginagawa ng ate ko at ng kanyang barkada. Kada tapos ng exam o tuwing walang pasok ay lumalagi sila dito sa bahay at palaging dito nagpapalipas ng gabi. Buong gabing gising at nag-iingay lamang. Lalo na ngayong isang lingo na lamang at graduation na nila. Iyon ang dahilan kung bakit nasaulo ko na din ang barkada niya. Hindi ko din maalis ang inggit sa ang aking kapatid dahil ganoon na lamang sila kalapit ng kanyang mga kaibigan. Magkaklase na sila simula elementarya, hanggang mag high school at kahit ngayong colegio na, magkakaibigan parin sila kahit magkaiba ng unibersidad. Ako naman, homeschooled noon. Si Victor ang pinakakilala ko sa kanilang lahat. Bukod kasi sa magkaibigan sila ng kapatid ko, Tatay ko ang dentista nilang magkakapatid. Sa katunayan, saksi ako sa bawat pagbisita niya sa clinica ng aking ama simula pa noon ako ay nasa ikalawang taon ng high school. Halos sabay o magkasunod kaming inaayusan ng “braces” isang beses sa isang buwan. May kaunti akong inis na nararamdaman kay Victor, kaya siguro di ko siya matawag na Kuya kahit anong pilit pa ng aking mga magulang sa akin. Irespeto ko daw ang mga matatanda sa akin. Pero ayaw ko. Makulit siyang bata noon paman. Palagi niya akong napapagtripan sa tuwing nakatalikod ang aming mga magulang o tuwing nagsasabwatan sila ng aking kapatid. Ngunit kahit na ganoon siya, masasabi kong siya rin ang pinakamalambing na taong nakilala ko, maliban sa aking pamilya. Naiinis ako dahil hindi ko makontrol ang aking panginginig sa tuwing magkakausap kami. Madalas akong mamula o magpawis sa tuwing binibiro niya ako. Madalas naman ay may ibang kahulugan ang mga biro niya. Minsan naiisip kong gumanti gamit ang aking kamao at puntiryahin ang kanyang mukha ngunit naiisip kong sayang naman ang mukha niya kung sisirain ko. May ugali siyang sinusuklay ang buhok niya gamit ang kanyang kamay. Mula noo, hinahawi niya ang kanyang buhok pataas hanggang umabot ang kamay niya sa kanyang batok. Iyon ang nagpapalakas ng kabog sa aking dibdib. Mahilig siyang kumindat. Hindi ko alam kung may diperensiya din siya sa mata, o sadyang pilyo lamang talaga ang kanyang personalidad. May ugali din siyang mangiliti sa leeg at tagiliran ko, at mangyakap sa akin ng walang dahilan. Minsan, sinasakal niya ako ng yakap hanggang sa magpumiglas na ako upang kumalas.

Gusto ko iyon. Ngunit may boses sa aking isipan na na nagsasabing mali ang aking nararamdaman. Mali kahit saang anggulo ko pa tingnan ang magkagustosa kapwa ko.

Agad akong umayos ng upo nang makapasok sila at nagpatuloy sa pagbabasa. Binati nila ako isa-isa ngunit dire-diretso ang lakad nila paakyat ng kwarto na ate ko. Yakap-yakap ni Kuya Ross ang bag niyang alam ko na kung ano man ang laman. Huling umakyat si Victor at lumingon siya sa akin at ngumiti. Nakakapanibago ang mga ngiti niya. Mas lalo kong napapatunayan kung gaano kakisig ang kanyang mukha, lalo na at wala na siyang braces.

Tumitig lamang ako sa kanya ng walang ekspresyon at agad na bumalik sa pagbabasa. Kahit hindi ako diretsong nakatingin sa kanya, alam kong kumunot ang noo niya sa inasal ko. Maging ako man ay napatanong sa aking sarili kung bakit ko iyon ginawa. Naisip ko bigla na graduation na pala nila sa susunod na linggo at kung may kung ano mang pumitik sa dibdib ko.

“Addie”, narinig kong tinawag niya ako mula sa hagdanan.

“Hm?”, sumagot ako ngunit hindi ko inalis ang aking atensyon sa aking binabasang libro. Sa tutuo lang, hindi ko na naiintindihan ang aking binabasa. Ayaw ko lamang talagang kausapin siya.

“Addie”, pagtawag niya ulit.

“Why”

“Ewan ko sayo. Baliktad yang libro mo, just in case di mo alam”, ang huli kong narinig bago ako nakarinig ng malalakas na yapak sa hagdanan. Malakas din ang tunog ng pagsara ng pintuan ng kwarto ni ate kaya’t alam kong sinadya niyang ibagsak ito. Agad naman akong binalot ng hiya kaya’t binitawan ko ang libro ko at ibinaon ang muka ko sa throw pillow. Bumaluktot ako sa sofa at kinatok-katok ang aking ulo.

“Stupid as always”, bulong ko sa aking sarili.

***

Gumulong-gulong ako sa aking kama upang subukan ang lahat ng posisyon na magiging kumportable para sa aking pagtulog. Magulo ang aking isipan dahil sa mga nangyari kanina. Biglang bumukas ang pintuan ko at dumungaw ang ulo ng tatay ko. “Addie, you forgot your book”, at hinagis niya iyon sa aking kama ngunit tumama iyon sa aking mukha. “Pa!”

“Ay, sorry anak!”, patawa-tawa pa ang aking ama habang papalapit sa akin. Hinimas niya ang aking noo at ginulo lamang ang aking buhok. “Pansin kong kanina ka pa wala sa sarili. Ano bang problema?”

“Nothing”

“You can always tell me everything”, ngunit para sa akin, may mga bagay na ayaw kong ibahagi kahit na sa aking pamilya.

“Wala nga, Pa. Good Night”, tsaka ako nagtalukbong ng kumot. Naririnig ko ang mga yapak ng aking ama papalabas ng aking kwarto, ngunit bago niya maisara ang pintuan, nakuha pa niyang magsalita patungkol sa akin. “Binata ka na talaga”.

Narinig ko ang langitngit ng aking pintuan. Hindi ito naisara ni Papa ng tuluyan at bumukas ng bahagya na siyang dahilan upang maaninag ko ng kaunti ang hallway sa labas. Kahit na man ganoon, tila ayaw kong bumangon at isara ang pintuan ko. Hinayaan ko na lamang iyon hanggang sa makatulog na ako. Naririnig ko ng kaunti ang mga tawanan mula sa kabilang kwarto. Katabi ng aking kwarto ang entertainment room kung saan mayroong TV at karaoke set. Boses ni Ate Dianne ang masasabi kong pinakamalakas habang kumakanta siya ng isang tagalog na awitin.

“… Hirap na umibig sa isang kaibigan,

Di masabi ang nararamdaman…

Paano na kaya…”

Gumulong ulit ako at hinarap ang blankong pader kung saan nakasandal ang kabilang parte ng aking kama. Marami ang mga pumasok sa aking isipan, ngunit ang mga iyon ay tungkol lamang sa iisang tao. Si Victor. Nakakalungkot isiping ga-graduate na sila sa susunod na linggo. Marahil ito na ang huling pagkakataong makikita ko siya. Naikwento niya noon sa akin na pagkatapos ng graduation ay pupunta na siya ng Makati upang doon magtrabaho. Matagal na niyang planong pumunta doon dahil mag-iisang taon nang naroon ang kanyang pamilya. Tanging siya na lamang mag-isa ang naiwan dahil ayaw na niyang lumipat ng paaralan. Sa Kanyang pinsan siya kasalukuyang nakatira habang tinatapos ang huling taon sa colegio. At ngayon, malapit na siyang umalis. Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.

***

Nagising na lamang ako bandang alas tres ng madaling araw dahil nakaramdam ako ng matinding uhaw. Pinunasan ko ang aking mga mata gamit ang aking kamay at humikab. Kinapa-kapa pa ng aking mga paa ang aking tsinelas sa sahig ngunit ibang bagay ang aking natapakan. Isang mainit at malambot ng bagay. Parang balat ng tao. Halos magpumiglas ako sa gulat ngunit agad naman akong bumalik sa pagiging kalmado ng malaman kong si Victor pala iyon. Paa niya pala ang aking natapakan. “Uy, Sorry.”, ang narinig kong sabi niya. “Nakabukas ang pintuan mo. Pero sinara ko na.”. Mula sa liwanang na nanggagaling sa bintana ko ay naaaninag ko siya ng malinaw. Nakaupo siya sa sahig at nakasandal sa gilid ng aking kama. “I’m thirsty”, namamaos pa ang aking boses nang sagutin ko siya.

“Ehto oh”, Inabot niya sa akin ang isang bote ng beer. Bawas na iyon. Umiling lamang ako.

“Sige na. 17 years old ka na kaya ayos na yan.”

Hindi ako sumagot ngunit kinuha ko iyong bote at uminom ng kaunti. Nasira ang aking mukha nang makailang lunok din ako. Hindi ako sanay uminom ng alak. Narinig kong humalakhak siya ng mahina bago niya tinapik ang sahig katabi niya. Napalingon ako sa ginawa niya at naintindihan kong nais niyang tumabi ako ng upo sa kanya. Nag-aalangan man ay ginawa ko iyon. Tila may kung anong pwersa ang nagtulak sa akin na gawin iyon. Marahil ay dahil gusto ko din. “May ticket na ako papuntang Manila. The day after graduation, I’m leaving”, sabi niya habang binabalik ko sa kanya ang bote ng beer. Matindi ang amoy ng alak ang nanggagaling sa hininga niya. Sa tono din ng kanyang pananalita, alam kong kanina pa siyang babad sa beer. Nagtayuan ang buhok sa aking batok nang maamoy at marinig ko siya. Agad akong umayos ng upo nang may kaunting distansiya mula sa kanya. “Wala ka bang sasabihin?”, bigla niyang pagtatanong sa akin. “Mami-miss mo ba ko?”. Dahil wala akong masabing iba, inabot ko ang stuffed toy ko na bigay pa sa akin ng ninang ko noong ako ay pitong taong gulang pa lamang. Binigay ko iyon sa kanya. “Si Chowchow. Remembrance.”, sabi ko.

“Mami-miss mo ba ko?”, inulit niya ang tanong niya sa akin.

“I don’t know.”

“You don’t know?”

“I don’t kn—“, hindi ko natapos ang aking pagsagot nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya at nasaksihan ko ang kanyang mga ngiti. Halos magdikit na ang aming mga mukha noon. Mas nanghina pa ako sa sunod niyang ginawa sa akin. Inilapat niya ang kanyang mga labi sa akin nang biglaan na siyang nagging dahilan upang masemento ako sa aking posisyon.

“Mahal mo ba ako?”, nagtanong siya ulit sa akin. Hindi ako nakasagot dahil muli, hinalikan na naman niya ako. Napapikit ako at parang nilamon na ako ng matinding pagnanasa sa kanyang ginagawa sa akin. Unang beses kong humalik at wala akong kaalam alam kung papaano iyon. Basta’t ginaya ko na lamang siya. Naging matagal ang halikan naming hanggang sa maramdaman ko ang mga kamay niyang kung saan saan nang parte ng aking katawan napupunta. Ginawa ko din iyon. Naghubaran kami hanggang sa nangyari nga ang isang bagay na hindi ko alam kung pagsisisihan ko ba. Gustong gusto ko ang nangyayari sa aming dalawa kahit na alam kong mali at nakakatakot. Gusto ko.

Mahal ko na nga talaga siya. Pinagsaluhan namin ang gabing hinding hindi ko makakalimutan.

Kinabuksan ay nagising akong mag-isa sa aking kama. Suot ko parin ang maluwang kong t-shirt ngunit wala akong pang-ibaba. Tiningnan ko ang aking orasan at pasado alas diez na pala. Nagsuot ako ng shorts at pumunta ng entertainment room. Nadatnan kong tulog pa sila sa sahig ngunit wala si Victor. Nagtungo ako ng kusina at sala ngunit di ko parin siya nakita. “Addie, sabihin mo sa ate mong umuwi na kanina ng maaga si Vic”, sabi ni Ate Ninay sa akin nang mapansin niyang paikot ikot ako ng bahay. “…Tsaka, dala na niya si Chowchow”, tinaasan niya ko ng kilay at ngumiti nang nakakaduda.

“Why?”, kumunot ang noo ko habang tinatanong ko siya.

“Wala”, tumawa siya at bumalik sa kusina.

Napakagat ako ng labi habang inaalala ang mga nangyari kagabi. Bumalik ako ng kwarto na nahiga ulit. Kinuha ko ang aking cellphone at tinext si Victor. Hindi ko alam kung bakit, ngunit buong araw yata akong nakangiti.

***

Sa dami ng napagkuwentuhan naming ni Victor, hindi naming namalayang nagpaikot-ikot na pala kami sa Esplanade. Papalubog na ang araw at ang kalangitan ay nag-uumpisa nang maging kulay rosas. Pasado alas otso na sa mga oras na iyon, ngunit may kaliwanagan parin ang langit. Iba naman kasi ang takbo ng oras sa Singapore. Naging magaan din ang aura niya sa akin. Marahil napapalagay na naman ako sa kanya. “Wag kang gumalaw. Diyan ka lang”, umatras siya mula sa akin at itinaas ang kanyang cellphone. “Wag kang gagalaw. Okay. 1,2,3…”, kumuha siya ng litrato ko. Ako naman ay nailang sa ginawa niya ngunit sinunod ko lamang siya. Habang ginagawa niya iyon sa akin tuloy tuloy ang aking pagngiti sa camera. Binaba niya ang camera at tumitig lamang sa akin. Nagsuklian lamang kami ng titig at ngiti. Ngunit sa kabila ng tilang pwersang pilit na dumudugtong sa aming mga paningin, tila may kung anong nagtulak sa akin na umiwas.

Na umilag.

Agad akong lumingon sa gusaling hugis durian. Ilang minuto kong ginugol ang aking pag-inspeksyon sa bawat detalye ng ikonikong istruktura. Bawat kanto, bawat talim ng disenyo. Nakatingala lamang ako nang bigla siyang lumapit sa akin at nagsalita ng marahan, “Addie”.

“Hm?”, mahina kong sagot. Hindi man lang ako lumingon sa kanya. May kakaiba akong bigat na naramdaman sa mga oras na iyon.

“Addie”

“Why”

“Napatawad mo na ba ako?”, sa pagkakataong iyon ay agad napalingon ako sa kanya. Tila “dam” na nagmistulang sasabog ang aking mga mata. Nangingilid man ang mga luha ay ginawa ko parin ang lahat upang mapigilan iyon. Hindi ko alam kung nagtagumpay ako sa pag-pigil ngunit ang alam ko, nakangiti ako sa kanya.

Kahit na ang mga ngiting iyon ay tila sagot sa kanyang katanungan.

“I don’t know”

“You don’t know?”

Nakapamaywang ako na tila ba parang tinatamad tumayo habang kaharap ko si Victor. Binaling ko ulit sa kung saan ang aking paningin at pinunasan ang luha gamit ang kanang kamay ko. “Does it matter?”, marahan kong pagsagot sa kanya. “It’s been 5…6 years? A lot of things have changed, Vic. A lot of things are more important than that”. Nagbitiw ako ng buntong hininga na para bang gusto kong ipakitang ayos lang ako, napuwing lang at napagod kakalakad.

“Will things get better if I kiss you right now?”

“Huh. Go ahead and have a taste of the judgemental world”, napatawa ako ng kaunti sa sinabi niya. Alam kong hindi iyon gagawin ni Victor. Bagamat walang nakakakilala sa amin sa bansang ito, isang malaking pagkakamali parin ang gawin iyon sa publikong lugar.

Mali.

Ngunit tumigil panandalian ang pagproseso ng aking utak sa paghatak niya sa akin na siyang dahilan upang mapaharap ako sa kanya at bigla niyang hinawakan ang aking kamay. May pwersa siyang pinamalas nang hatakin niya ang aking katawan papalapit sa kanya ngunit napigilan ko lamang iyon. Ilang pulgada lamang ang distansya ng aming mga mukha at katawan kaya’t ramdam na ramdam ko lahat ng kung ano mang ibig sabihin ng mga pawis namin, nang mga titig na tila nakakatunaw, ng mga pagkagat ng labi, nang mga kumakabog na dibdib. Tila elektrisidad ang dumaloy sa aking katawan nang hinila niya ako. Patakbo kaming pumasok ng Metro Station. Patakbo kahit nakasakay ng escalator. Siksikan kaming dalawa sa loob ng tren, kahit di naman kasikipan. Doon, sa kanyang hotel na tinutuluyan ay nangyari ang isang pamilyar na bagay. Isang bagay na pilit kong binabaon sa limot ngunit di ako nagtatagumpay na gawin iyon. Isang bagay na nakatatak sa aking pagkatao. Walang usapan. Puro pakiramdaman lamang. Siguro hindi na kailangan ng salita o kung ano man, dahil bawat halik, haplos at mapwersang pagkuskos ng mga balat ay alam na naming iyon ang gagawin. Sa ikalawang pagkakataon, bumigay ako sa init na dala ni Vic. Buong buo kong ibinigay ang sarili ko sa kanya. Sa kanyang pagkayog sa akin. Sa kanyang mga halik. Lahat ay ibinigay ko.

Napatulala ako sa bintana habang nakaupo sa gilid ng kama, habang siya ay nakahiga sa bandang likuran ko. Hindi ko mahanap ang mga wastong salita na dapat sabihin. Masyadong mabilis ang pagragasa ng init. Ngunit mas mabilis ang paglamon sa akin ng pagsisisi. “Another mistake”, mahina kong pagbulong sa hangin, sapat lamang upang marinig niya. “After this night, we become strangers again. You’ll go on with your life while me…”, huminto ako at tumayo. Tumungo ako sa bintana at sumandal sa pader. Umupo ako sa sahig. “while me… Well, it’s always me who gets stuck.”

Wala akong marinig na kung ano man kay Victor. Kahit kakaunti lamang ang ilaw ang naaaninag ko parin ang kanyang mga makahulugang titig sa akin. “It’s always me who will end up with nothing”

“I’m sorry, Addie”

“First time, huh.”, sa unang pagkakataon ay narinig ko ang pinakaninanais kong marinig mula sa kanya. “Two words for the years of guilt and shit.”

“Please Addie. Let’s not do this”, tumayo siya at tumungo sa akin. Lumuhod siya at pilit inaangat ang aking mukha upang magkaharap kami. Hindi ko siya matingnan ng diretso. Tumayo ulit siya at pumasok ng banyo. Ilang minuto pa ay bigla siyang lumabas at nagsalita. “Akala mo ba madali sa akin yun? Minahal kita. Pero… It wasn’t that simple, Addie. It wasn’t that simple”

“But it was simple for you to leave me hanging”, sumagot ako ng diretso.

“Hindi ko intensyong iwan ka nang ganun, alam mo yan”

“Not your intention to block me. Not your intention to shut me out when I went to see you on your graduation, when I went to your house the following day, when I found chowchow at the trash… thank goodness I was at your gate before the tuck arrived… when I flew all my way from home to your fucking dream city. Not your intention to make me a joke in my family when they found out. Well, at least they understood after… Not your intention to leave me like that after fucking me. Great. Who am to not understand that everything you did was never your intention.”

“Wala kang karapatang sabihin yan, Addie. Hindi mo alam lahat ng pinagdaanan ko. You don’t know anything about my pain”

“It’s not my obligation to know your pain, Victor Lacsamana. It’s not your obligation to know mine, too. We’re just strangers, right? We just fuck and then we go home…But... But just in case you’re interested about my pain, it’s all because of you. I did my part. I did my best to reach you out, to at least save the friendship, or to at least make a closure about us, though I was dying for an US… that it was indeed a crazy mistake, that we should just forget about it”, tumingala ako sa kanya habang pinagmamasdan ang kanyang mukhang nakatitig lamang sa labas ng bintana. Naghihintay ako ng sagot ngunit wala siyang binigay.

“Am I really just a mistake?”, yumuko ako dahil hindi ko na kayang pigilan ang aking sarili sa kung ano man ang pwedeng kumawala sa aking mga mata. Nagmadali akong tumayo, magbihis at lumabas ng kwarto. Hindi ko ininda kung may mga nakapansin man sa akin sa labas. Hindi ko na inisip kung mistulang sira-ulo ang tingin nila sa akin. Hindi ko naisuot ang aking t-shirt na maayos. Baliktad. Ngunit ang nangibabaw sa akin ay hindi hiya sa kung ano man ang tingin nila sa akin, ngunit hiya sa sarili ko. Nahihiya ako sa ginugol kong anim na taon. Anim na taon pilit na kinakalimutan ang lahat.

Pilit na kinakalimutan siya.

***

Pasado alas tres ng hapon nang magising ako. Magkahalong sakit ng ulo at gutom ang aking naramdaman nang maisipan ko nang bumangon. Nagmadali akong naligo at lumabas ng tinutuluyan kong hotel upang magtungo sa pinakamalapit na coffee shop. Hindi ko naisip na magpadala ng mensahe sa bahay o kung ano man. Wala akong naisip na iba maliban sa nangyari sa amin ni Victor kagabi.

Naglakad lakad ako at tinungo ang pamilyar na ruta papuntang Esplanade. Parehong lokasyon bago paman nagtapos ng tuluyan ang lahat sa amin ni Victor. Bitbit ko ang kapeng may kalamigan, umupo ako sa isa sa mga hagdanang konkreto doon habang pinagmamasdan ang Marinay Bay sa ilalim ng malinaw na kalangitan. Tumingin ako sa aking relo at inabot na ako ng alas otso. May kung anong kulay ang naghahalo sa langit na nagbibigay sa akin ng magkahalo ding emosyon. Hindi ko maintindihan, ngunit sa kabila ng bigat at sakit, nakuha ko paring tumitig doon at magdasal. Pinagdarasal kong maging maayos na ang lahat, hindi ko alam kung kalian, basta’t aasa akong darating ang panahong iyon. Nag-uumpisa nang magliwanang ang mga gusaling nagtatayugan at naaaninag ko na ang mga makukulay nitong repleksyon sa tubig na kalmado sa aking harapan. “8pm”, bulong ko sa aking sarili. Ngayon ang lipad niya pauwi ng Maynila. Pinikit ko ang aking mga mata at nilasap lamang ang hangin at ingay ng paligid. Humigop ako ng malamig na kape at inilapag iyon sa gilid ko, ngunit may kung anong init at sensasyon ang bumalot sa aking isang kamay.

“It’s a wolf”, isang boses na pamilyar ang umalingawngaw sa aking tainga. Nilingon ko siya at di ako gumalaw.

“Wolf… because I was a moron. Hindi ko inalagaan si chowchow. Tinaga ko na lang sa balat ko para di ko makalimutan”

Nanatili akong walang imik at pinagmamasdan lamang siya, habang siya naman ay nakatutuk sa mga gusaling nakahilera sa kabilang dako ng Marina Bay.

“I shut you out because I was scared. Takot ako sa lahat. Alam ko hindi sapat iyon na dahilan kaya naman ayoko nang tumakbo. Pagod na akong matakot…”

“Chowchow is a husky”, sagot ko.

“Pero kamukha naman niya tong wolf sa leeg ko eh… Pwede ko bang hingin ulit si chowchow? Gusto kong alagaan eh”

“Your family is waiting in Manila. Why are you still here?”

“Well, my daughter’s birthday—Stacy, is still next week. I booked another flight. Magsi-six years old na siya. You should meet her… Si Trixie naman… ano bang paki ko dun sa babaeng yun. Mas nauna pang magka-lovelife kesa sa akin eh. Wala pang six months after ng annulment eh nagboyfiend na agad. By the way, kung gusto mo akong ligawan, I’ve been single for three years na”, tumawa siya ng mahina bago tumitig sa akin. Sa repleksyon ng mga makukulay na ilaw, sa ingay ng paligid, sa may kadiliman nang kalangitan, wala akong ibang naririnig o nakikita o nararamdaman kung hindi ay siya.

“Sira na si Chowchow eh. Sinira na ni V—Vic”

“Vic?”, pagtatanong niya sa akin.

“My husky.”

***

Author’s Notes: Thank You! Again, this is me asking for consideration that I might’ve not spotted errors in my story. Feel free to leave comments. I appreciate everything, may it be positive or not.

End

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Reflections At The Esplanade
Reflections At The Esplanade
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhElLPVGUtbc0LSx3qM0UAO0pFfP3UcR3lLJZGK3NbEimLBq7N_-gOTZpaS7PYqsySQ2TIhKE1i6Wv22P2rPQ-c0PAGrwKOe4aKb72PZ4xw8x-3_L5CcMdNDiSdqk2eYaSNETvK1sYYSbG5/s1600/39316589_2057390224292123_8425606849742503936_n.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhElLPVGUtbc0LSx3qM0UAO0pFfP3UcR3lLJZGK3NbEimLBq7N_-gOTZpaS7PYqsySQ2TIhKE1i6Wv22P2rPQ-c0PAGrwKOe4aKb72PZ4xw8x-3_L5CcMdNDiSdqk2eYaSNETvK1sYYSbG5/s72-c/39316589_2057390224292123_8425606849742503936_n.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2018/09/reflections-at-esplanade.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2018/09/reflections-at-esplanade.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content