$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Tadhana Ni Ricky (Part 1)

By: ArJim Ako si Richard, “Ricky” sa mga taong malalapit at nakakakilala sa akin. Panganay ako at may kapatid na babae ang pangalan ay Da...

Tadhana Ni Ricky

By: ArJim

Ako si Richard, “Ricky” sa mga taong malalapit at nakakakilala sa akin. Panganay ako at may kapatid na babae ang pangalan ay Dawn. Fan ang nanay ko nina “Richard Gomez” at “Dawn Zulueta” kaya ipinangalan kaming magkapatid sa dalawang artista.

Sa kasamaang palad maaga kaming naulila sa mga magulang. Naaksidente ang bus na sinasakyan nila mama at papa papuntang Sagada. Tandang tanda ko pa noon na malakas ang ulan ng matuloy ang retreat ng mga commentator at lector ng simbhan dito sa amin. At dahil parehong active members ng simbahan eh sumama sila sa retreat. Iyun na ang huling beses na nakita naming buhay ang mga magulang namin.

Lubos kaming nalungkot at nahirapan ni Dawn. Ang kaunting naipon nila mama at papa ay unti-unting nabawasan at naubos. Halos kaunting tulong lang din ang naitulong sa amin ng mga kamag-anak dahil na rin sa hirap ng buhay.

Nakatapos ako ng high school sa edad na 18. Sa aming dalawang magkapatid, si Dawn ang may uhido sa pag-aaral kaya nagdesisyon akong tumigil para suportahan sya. Nangako naman si Dawn na magtutulungan kami para parehong guminhawa sa buhay. Lingid sa aking kaalaman, ito pala ay isang pangako na mapapako lamang.

Unang taon pa lamang ni Dawn sa kolehiyo ng ito ay mabuntis. Ayaw panagutan ng lalaki ang kapatid ko at bigla na lamang itong nawala ng parang bula. Hindi na namin ma contact at malaman kung saan na nagpunta. Tumigil sa pag-aaral si Dawn. Sinoportahan ko sya hanggang sa makapanganak. Halos lahat na ata ng trabaho eh pinasok ko maliban na lang sa magbenta ng katawan para maitawid ko kami sa gutom.

Pitong buwan matapos makapanganak si Dawn ng mag-apply sya sa isang agency papuntang Singapore. Madali syang natanggap at naiisip namin na magandang oportunidad ito para mapagaan ang buhay namin at ng pamangkin ko kaya tinulungan ko syang mag asikaso ng papeles para makapangibang bansa. Lumipas ang ilang buwan ay nakaalis si Dawn. Halos maubos ang luha ko sa pag-iyak sa airport at halos walang tigil ang pag papaalala na lagi syang tatawag at mag-iingat.

Naging maayos ang unang tatlong buwan doon ni Dawn. Palagi syang tumatawag at nagpapadala ng pera kada kinsenas subalit di ito nagtagal. Unti-unting dumalang tawag ni dawn. Swete na kung magusap kami isang beses sa isang linggo. Ang sabi nya busy sya. Lumipas ang dalawang linggo na hindi ko na sya nakakausap kaya laking gulat ko ng tumawag sya sa akin habang ako ay nasa trabaho.

“O Dawn kamusta ka na? Bakit ngayon ko lang napatawag? Nag-aalala na ako sayo. Okay ka lang ba?” sunod-sunod na tanong ko sa kanya

“Oo kuya okay lang ako…. May sasabihin sana ako sayo…” bakas ang pag-aalinlangan sa boses nya

“Ano yun? May problema ba?” Kinutuban na ako na may bad news siya sa akin.

“Kuya pasensya ka na, may nakilala ako ditong Singaporean at gusto nya kong pakasalan….”

“O eh bakit ka humihingi ng dispensa? Hindi naman ako tutol Kung talagang seryoso sya sa iyo. Basta ba mabait at tanggap ka at si Kiel eh wa-“ (Kiel ang pangalang ng pamangakin ko) hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil siningitan na nya ako.

“Kuya ayaw nya kay Kiel… papakasalan nya ako pero ayaw nyang may kinalaman sa anak ko o sa iyo…. Gusto nyang magsimula ako ng panibagong buhay kasama sya” tapos niya

“Eh gago pala yang kumag na yan! Sabihin mo sa kanya na di ka interasado! Alangan naman ipagpapallit mo itong anak mo sa kanya!!! Iwanan mo nayang hayop nayan!!! Hindi mo kailangan kung ano man ang karangyaang kaya nyang ibigay sayo dahil mas important-“ hindi ko na natapos ang paglilintanya ko dahil ang sumunod na katagang lumubas sa bibig ni dawn ay nakapagpaguho ng mundo ko.

“Kuya pumayag ako…. Sorry kuya… ayoko nang maghirap… pagod na ako sa buhay dyan sa pinas…”

“Seryoso ka??!!!” para akong binuhusan ng malamig na tubig.

“Kuya ikaw na ang bahala sa anak ko. Magpapadala ako ng 100,00 pesos sa bank account mo. Ito na ang huling pag-uusap natin” sabi nya

“Putcha Dawn anong kalo-“ hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil dial tone na lang ng telepono ang narinig ko sa kabilang linya…

Delivery boy ako ng isang fast food restaurant at halos di ako nakapagtrabaho ng maayos nang araw na iyun. Ang pagod na nararamdaman ko sa pag pagmamaneho buong maghapon ay napalitan ng lungkot, galit at pagkadismaya. Napilitan akong umalis ng trabaho ng maaga dahil sa sobrang bigat ng aking nararamdaman.

Hindi muna ako umuwi. Naglakad lakad muna ako para makapag isip.

“Ano ba ang nagawa kong mali? Mabait naman akong tao pero bakit lahat ng mahal ko eh iniiwan ako” ito ang mga tanong na tumatakbo sa isip ko.

“Una ang mga magulang ko tapos ngayon ang kapatid ko!!!” halos mangiyak ngiyak ako sa sama ng loob. Puro na lang ako paghihirap at pagsasakripisyo… tapos ako parin ang talunan sa bandang huli.

Ilang sandali ang lumipas at hindi ko na namalyan kung saan ako nakarating. Napasandal ako sa isang poste sa isang eskenita habang lumuluha. Inisip ko kung ano na ang mangyayari sa amin ng pamangkin ko. Papaano ko sasabhin sa kanya na ipinagpalit sya ng sarili nyang ina, para sa maranyang buhay.

Naisip ko ang maamong mukha ni Kiel. Naisip ko ang nakakaliw nitong tawa at ang cute nitong dimple. Isang munting sanggol na hulog ng langit at walang kamuwang muwang sa mga nangyayari sa paligid nya.

“Kailangan kong maging malakas at matatag!” sabi ko sa sarili ko. “Kung hindi para sa akin at least para na lang sa pamangkin ko”

Kung kaya kaming kalimutan ng kapatid ko, hindi rin namin sya kailangan sa buhay namin. Unti-unting nabuo ang mga plano ko. Magsusumikap ako para kay Kiel. Kung ano man perang ipapadala sa akin ni Dawn ay ilalaan ko lang para sa pag-aaral at kinabukasan ng pamangkin ko. Minsan talaga magandang motivation ang galit para tumibay ang isang tao. Nagging determinado akong palakihin si Kiel na ako kinikilalang magulang.

“Simula na ng bagong buhay!!!” bulong ko sa sarili.

Tumayo ako sa aking pagkakasandal at huminga ng malalim. Walang magagawa ang pag-iyak ko. Kailangan ayusin ko ang sarili ko dahil naghihintay at umaasa sa akin si Kiel. Akma na sana akong aalis at maglalakad pabalik papuntang sakayan ng biglang may humablot sa balikat ko.

“Shit! Ano ba namang kamalasan to??!!! Mahohold-up pa ata ako!!!” sa isip-isip ko. Sinusubok ata talaga ako ngayong araw na ito.

Lumingon ako sa humablot sa kin para magmakaawa.

“Boss maawa napo kayo. Wag nyo po akong sasaktan. Wala po akong per-“ hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil hindi isang holdapper ang tumambad sa akin kundi isang bugbug sarado, puro pasa at duguang lalaki!

“Please HELP me” sabi nito bago tuluyang bumagsak at nawalan ng malay.

Sobrang bilis ng mga sumunod na pangyayari. Napasigaw ako sa takot at kaba. Takot dahil baka nasa tabi tabi lang ang bumugbog sa lalaki at baka maisipan akong isunod. Kaba dahil baka mamatay ang lalaking ito sa mga kamay ko.

Nagkagulo ang mga tao. Yung iba para tumulong at yung iba para umusyoso. Awa ng Diyos ay may nagmagandang loob na tricycle driver na nag-offer na dalhin sa pinakamalamit na ospital ang lalaki.

Eksakto na may dalawang pulis na nagroronda sa may ospital nang isugod namin ang lalaki. Agad kaming inasist ng mga nurse habang kinukuhanan naman ako ng pahayag ng dalawang police.

“Sir paki-iwan na lang ang contact details nyo sa partner ko para kung sakaling kailanganin naming kayo eh macontact naming kayo” Ibinigay ko ang hinihingi nilang detalye at umalis para tingnan ang kalagayan ng lalaki.

“Miss nasan na yung doctor? Bakit wala pa?” usisa ko sa nurse na naglilinis ng sugat ng walang malay na lalaki.

“Nai-page na namin si Dr. Delgado. Papunta na sya dito sa ER” mahinahong paliwanag ng nurse. “Huwag kayong mag-alala wala naman syang malalim na sugat. Hintayin na lang natin si doc.” Dag-dag pa nito.

Habang naghihintay sa doctor ay may lumapit sa akin na isa pang nurse para hingan ako ng detalye. Ipinaliwanag ko ditto ang nangyari. Sinabi ko na hindi ko kilala ang lalaki at ako ay nagmagandang loob lang. Sabi ko na mukhang nakursunadahan at nahold-up ito dahil mukhang mayaman base sa pananamit nito. At kahit na madumi at puno ng pasa at sugat ang lalaki ay hindi pa rin maikakaila na kutis mayaman ito.

“Julie ano ang kondisyon ng pasyente?” tanong ng isang medad na lalaki.

“Doc so far wala pong malay ang pasyente. Nalinis na po namin ang mga sugat at na check na rin po naming ang vitals nya. Normal lahat doc” sagot nito

Lumingon ang doctor sa akin. “kaano-ano mo ang pasyente Iho?”

“Tinulungan ko lang po doc. Mukha po kasing nahold-up.” sagot ko

Tango lang ang isinagot nito at tinungo ang lalaking walang malay na nakahiga sa kama.

Tatanungin ko palang sana ang doctor kung ano ang lagay ng lalaki ng bigla itong napasigaw. “Oh my god Iho what happen to you???” gulat nitong tanong habang dali daling tiningnan ang kondisyon ng lalaki.

“Julie prep him for x-rays and CT scan asap” utos nito sa nurse. “This man here is my nephew!!! Tatawagan ko lang ang kapatid ko to inform him about this and I want everything ready when I get back” pahayag nito.

Lumayo sandali ang doctor para tumawag sa cellphone habang busy ang mga nurse sa pagaasikaso sa pamangkin nito. “Tingnan mo nga naman ang liit talaga ng mundo…” sabi ko sa sarili.

Dahil alam ko na nasa mabuting kamay na ang lalaki ay pasimple na akong umalis. Naiisp ko na kung kailangan akong kausapin ng mga pulis ay sila na ang ko-contact sa akin. Sa ngayon may sarili akong problema na dapat kong asikasuhin.

Lingid sa aking kaalaman na ang lalaking iniligtas ko ay magiging malaking bahagi ng buhay ko…

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Tadhana Ni Ricky (Part 1)
Tadhana Ni Ricky (Part 1)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEi3yOn8j2jGiD_XzJgrBvo8ifTWGTRH6WE_fulfFFaEhxE2kphFPtR_JgFVx1bVF6SkKzrnF5dKcblhfpMNYFOIq3QKQYzcYaCcsjYZT1UNonajbgULCz2kRv7RU7kGF8Zvsb92PUT5bYAf/s1600/37404511_508106362952566_2976016370208079872_n.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEi3yOn8j2jGiD_XzJgrBvo8ifTWGTRH6WE_fulfFFaEhxE2kphFPtR_JgFVx1bVF6SkKzrnF5dKcblhfpMNYFOIq3QKQYzcYaCcsjYZT1UNonajbgULCz2kRv7RU7kGF8Zvsb92PUT5bYAf/s72-c/37404511_508106362952566_2976016370208079872_n.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2018/09/tadhana-ni-ricky.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2018/09/tadhana-ni-ricky.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content