$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Ang Varsity Captain (Part 2)

By: Cassie10 Naging malapit kami ni Ysrael sa isa’t isa, lagi kaming magkasabay sa mga minor subjects nmin, mayroong mga oras na hinahati...

Ang Varsity Captain

By: Cassie10

Naging malapit kami ni Ysrael sa isa’t isa, lagi kaming magkasabay sa mga minor subjects nmin, mayroong mga oras na hinahatid nya ako sa bahay, madalas magkasabay kami mag lunch, yung mga teammates nya nga inaasar na kaming dalawa kung mayroon ba kaming relasyon na sinasagot naman nya ng tawa at ako naman napapatungo nalang kasi kinikilig ako at masyado na atang namumula yung mukha ko, naging mag study buddy din kami, everytime na may project or quizzes lagi kaming nag rereview ng sabay sa minor subjects lang aah, naipakilala ko na din sya sa daddy ko at maganda naman ang pakikitungo ng dad ko sakanya, ganun din ang parents nya, sobrang bait nila. Gusto nyo bang malaman kung naulit ba ulit yung nangyari sa amin sa sakyan? Isang malaking HINDI, hindi na din nya pinapaalala yung nangyari sa sasakyan nya, nakakainis nga eh nag eexpect pa naman ako, hahahah pero okay lang, atleast malapit na kami sa isat isa, tanggap nya ako kung ano talaga yung tunay na ako, kaya kuntento na ako, mahal ko sya ng mas higit pa sa isang kaibigan at mahal naman nya ako bilang isa kaibigan, atleast mahal! Akala ko noong una hndi na ako masasaktan gawa ng dahil sakanya, pero mali pala ako. Papasok ako sa gate ng school ng makita nya ako, nakita ko sya na parang tuwang tuwa, at bigla syang nagtatakbo, nagulat ako ng makalapit sya sa akin at bigla nya akong niyakap ng mahigpit na parang bata, syempre ako na froze ako for a moment, then bigla nya din kinalas yung pagkakayakap nya sa akin.

“Alam mo ba, ang saya saya ko ngayong araw na to?” Tuwang tuwa nyang sabi sa akin.

“Bakit naman tuwang tuwa ang isang Ysrael Castro ngayon? Ha? Dahil ba sa akin? Hahahaha” bigla naman nya akong kinurot sa pisngi tapos hinila nya ako, nagtataka naman ako pero nagpahila ako, papunta kami dun sa babaeng nakatayo malapit sa sasakyan nya, teka? Si Iris to ah? Bigla akong nakaramdam ng kaba. Magandang babae si Iris, matangkad mestiza matangos ang ilong, kaya lalong tumingkad ang ganda nya.

“Cas, gusto ko ikaw unang makakilala sa babaeng mahal ko, si Iris nga pala, girlfriend ko sinagot nya ako kahapon.” Napatitig ako skanya, gusto kong umiyak nung oras na yun, pero nung tiningnan ko sya sobrang saya nya, ayaw ko naman sirain tong araw niya, kaya I managed to smile kahit na masakit. Tumingin din ako kay Iris, nakatingin sya sa akin then ngumiti, ang ganda nya.

“Hi Iris, nice to meet you, you’re in good hands, sobrang bait nitong si Ysrael, sana magtagal kayo.” I managed to smile at her, to them kahit na sa kaloob looban ko gusto kong maiyak. “Ahhh, sige una na ako I will be late kasi for my plating subj, gotta go! T’was nice meeting you again Iris! Ge bro!” Tapos tumakbo na agad ako, di ko na hinintay na magsalita si Ysrael. Dito din pala nag aaral si Iris, di ko lang napapansin kasi nga focus lang ako kay Ysrael. Dumaan yung dalawang major subj ko, lutang na lutang ako, naaalala ko yung mukha ni Ysrael nung mga oras na pinapakilala niya ako sa girlfriend nyang si Iris, sobrang saya nya, pag magkasama kami, di ko naman sya nakikitang ganyan kasaya, naiinggit ako kay Iris. Chineck ko yung cp ko kung may text sa akin si ysrael, sabay kasi kami ng lunch ngayon eh,chineck ko baka sakaling may text para ayain akong sabay mag lunch, pero ni isa walang text, OKAY! Sino bang niloloko ko! May girlfriend na sya malamang magkasama sila! Shit!

Yung feeling na nakikita ko syang masaya sa piling ng iba. Kaya ito mag lulunch ako ulit ng mag-isa, pagkapasok ko ng canteen, sobrang ingay, kaya pala! Nandoon kasi yung buong basketball team, pati si Iris, pinakilala na din ni ysrael sa mga teammates niya kaya hiyawan sila ng hiyawan, kitang kita mo naman na kinikilig si Iris, kasi tinutukso sya ng mga ka teammates nitong si ysrael, habang naglalakad ako, napalingon si ysrael sa skin, nagkatinginan kaming dalawa, ineexpect ko pa naman na tawagin nya ako o kaya nginitian, pero wala akong nakuhang reaction sakanya, pagkatingin nya sa skin siguro mga 2seconds lang yon tapos tumingin na ulit sya kay Iris, nakaramdam naman ako ng kirot sa dibdib, ganon nalang ba yon?! Porket wala ng kailangan eh bigla nalang iiwan sa ere? Sa bagay ano nga ba naman ako? Kaibigan lang naman!? Kaya pala parang wala lang sakanya yung nangyari sa amin, kasi ano?! Taglibog lang sya ng oras na yon kaya nagawa nyang pumatol ganon ba?!

Imbis na bumili ng pagkain, tumkbo ako sa pinakamalapit na cr, tapos pumasok ako sa cubicle then dun ko nilabas ng sama ng loob ko, di naman ako humagulgol, pero enough yung lakas ng hikbi ko para marinig pag may pumasok na tao. Inaasahan ko na may mag c-comfort sa akin, pero wala, mag-isa na nga lang yata ako ngayon.

Lumipas yung dalawang buwan, ang dami kong nalaman sa mga nakalipas na araw, kukunin na pala kami ni mommy para mag migrate sa Canada, nung una nainis ako kasi dalawang taon nalang magtatapos na ako, tpos mag mimigrate nalang kami bigla di man lang nila ako sinabihan. Tatlong linggo nalang matatapos na yung sem, I heard going strong daw sila ysrael and iris, well good for them. Ako? Ito di pa din ako nakaka move on, ayos din eh no? Di naman naging kami pero kailangan ko magpakatatag, masakit, oo, pero kakayanin, minsan nga nagkasalubong kami, pero parang wala lang sakanya, pag classmates kami, sa ibang upuan na sya nakaupo, lalo akong nasaktan tska nainggit ng sinupresa ni ysrael si iris sa school, grabe sobrang effort nya, pinapangarap ko na sana may gumawa din sa akin nyan or sana magawa ko yan sa taong mahal ko.

Natapos yng classes ko, kaya umuwi agad ako sa amin, napansin ko na ang aga ni dad sa bahay, nung mag d-dinner na kami, nagulat nalang ako ng biglang nag collapse si daddy sa sahig, kaya nataranta yung mga katulong nag ka conscious naman agad si daddy, pero kailangan ko pa rin syang dalin sa ospital, di naman ako marunong mag drive kaya agad naman akong humanap ng pwedeng makatulong sa amin, naalala ko si ysrael kadi medyo malapit lang sya dito, kaya tinawagan ko sya pero no response, tinawagan ko ulet pero ganon pa din, tinext ko sya pero di din nag rereply, naghanap ako ng pwede ko pang hingan ng tulong, at tinawagan ko si jude, buti nalang malapit sya dito sa amin kasi pinuntahan nya daw yung pinsan nya dito na malapit sa amin, kaya agad na nakapunta si jude.

Nung nakapunta na kami sa ospital agad syang sinugod sa ER kasi kahit na conscious na sya eh baka naman may complikado kaya mas mabuti na yon, lumabas sa findings ng doctor na over-fatigue and stress ang dahilan kung bkit nag collapse si daddy kanina, naka confine sya for 2 hours para sa mga test and laboratories para kung may iba pang diperesnya eh maagapan na agad. Bumili ako ng pagkain namin ni jude at pinuntahan ko sya, nagpasalamat ako at humingi ng tawad dahil na istorbo ko pa sya, pinapauwi ko na nga sya at sabi ko mag t-taxi nalang kami ni daddy pauwi, pero mapilit sya at sabing maghihintay nalang daw sya, nag-aalala din sya para kay daddy, ngiti nalang ang sinagot ko at binigay ko na sakanya yung pagkain. Naalala ko nanaman si Ysrael, ganon nalang ba sya makalimot sa pagkakaibigan namin? Di ko mapigilang maiyak, kaya nagulat ako ng bigla akong niyakap ni jude.

“Wag ka mag-alala, magiging okay din ang lahat, babalik din sa dati ang lahat” kaya napa-akap nalang din ako kay jude. Maraming salamt at may natitira pa akong kaibigan.

Dalawang linggo nalang, bakasyon na, at sa dalawang linggo na yon, aalis na din ako ng Pilipinas. Nandito ako ngayon sa bahay, kasi cut na yung classes, may faculty meeting with the board of the directors daw eh so ayon pinauwi nalang kami, Pagka-uwi ko sinalubong agad ako ni daddy, oo nga pala, maaga na yan kung umuwi kasi nga diba over-fatigue and stress, pinagbawalan ko na din mag pagabi ng uwi. Nung nasa kwarto na ako, biglang nag ring yung phone ko at pagtingin ko tumatawag si Ysrael, nag-iisip ako kung sasagutin ko ba yung tawag nya, may part na gusto kong sagutin kasi matagal ko ng di sya nakakausap kaya namimiss ko na din yung boses nya, at may part din sakin na taasan ko yung pride ko at wag sagutin, nanaiig sa skin yung pride kaya hinayaan ko lang na mag ring, hanggang sa naputol na yung tawag, sumunod naman text naman ang pinadala nya, sunod sunod na text siguro nasa 23 na yung messages galing sakanya pero di ko pa din binabasa, kaya nag decide nalng ako na patayin yung phone ko para di na din nya ako ma contact.

Maaga akong pumasok sa school, although wala na din naman ginagawa completion of requirements nalang din naman. Naglalakad ako sa field namin papasok dun sa gate ng biglang may humila sa akin at nagulat ako ng si Ysrael pala iyon, bakas sa mukha nya ang matinding galit, pagkapikon at lungkot, napatitig ako sa mata nya at napansin kong namumugto ito at namamaga sa kakaiyak.

“Bkit hindi mo sinasagot yung mga tawag at text ko sayo? Pinatayan mo pa ako ng cellphone!” Pagalit pero hindi pasigaw nyang sabi sa sakin, parang naginit naman yung ulo bigla dahil ang lakas nyang kwestyunin ako ng ganon.

“Bkit? Obligasyon ko bang sagutin yung mga tawag mo hah?” sabi ko sa kanya na kinagulat naman nya.

“NASAN NA BA YUNG DATING CASIMIR NA KAIBIGAN KO? YUNG DATING CASIMIR NA NAHIHINGAN KO NG TULONG PAG MAY PROBLEMA AKO!? BIGLA MO NALANG AKONG INIWAN SA ERE!!!” This time pasigaw na nyang sabi. Lalo akong naginit ng ulo sa sinabi nya, ang lakas nyang sumbatan ako ng ganon eh samantalang sya ganon din naman.

“EH BKIT HINDI KA HUMINGI NG TULONG JAN SA GIRLFRIEND MO HAH!? BKIT KAILANGAN SAKIN PA?! AT ANG LAKAS MO NAMAN SABIHING AKO ANG NANG IWAN SA ERE, PWEDE ISIPIN MO YANG MGA SINASABI MO!” pasigaw kong sinabi sakanya, nakakahiya dahil pinagtitinginan na kmi ng ibang studyante dito at gumagawa kami ng eksena.

“Wala ka kasing oras sa akin, kaya hindi mo alam na naghiwalay na kami ni iris, alam mo ba kung gaano kasakit hah? Nagtiis ako noon na wala akong masabihan ng problema, pero hindi ko na makaya kaya kita tinatawagan kahapon para sabihan ko para gumaan ang pakiramdam ko pero wala din pala akong mapapala” diin nyang sabi, malumanay pero alam kong nandun pa din yung galit nya.

“Wow! Yan lang ba? Dahil sa iniwan ka nya?” Nakita ko na nagalit nanaman yung mukha nya “eh paano naman ako? Diba tinatawagan din kita noon? Nag r-ring pa nga yung phone mo diba? Tinext pa kita? Wag mong sabihin na hindi mo natanggap yon! Alam mo ba yung time na yon? Nag collapse si daddy? Wala akong mahingan ng tulong! Naalala kita kasi alam ko naman na malapit ka lang sa amin! Pero ano!? Diba di mo ako pinansin? Diba? Kasi busy ka sa girlfriend mo at nakalimutan mo yung KAIBIGAN MO! Pero di ako nagtanim ng galit sayo, eh ano mo lang naman ako diba? HAMAK NA KAIBIGAN LANG NAMAN! Pero ang kinainis ko sayo, alam mo kung ano!? Sana man lang? Tinanong mo ako kung ano nangyari, pero wala eh! Kaya wala kang karapatan na sumbatan ako kasi, kaibigan lang din kita! At wala akong paki-alam kung nag break nakayo ng shota mo!” Talagang dinidiin ko yung mga salitang kaibigan sakanya, totoo naman diba!? Kaibigan lang ako. Natahimik sya sa sinabi ko at nakita kong may namumuong luha sa mga mata nya.

“Sorry……. I’m sorry…..” Nasabi nya habang nakayuko. “Sorry kung napaka selfish kong kaibigan…sorry kasi sarili ko lang iniisip ko” bigla nyang kinuha yung kamay ko at tinitigan ako sa mata, nakita ko yung sincerity sa mga mata nya pero talagang nangingibabaw sa puso ko yung galit at inis. “Wag ka na mag-alala okay na si daddy, salamat kay jude kasi nag effort syang pumunta sa amin.” Sabi ko “sorry talaga…patawarin mo ako…babawi ako sayo promise! Di na kita iiwan ulet.” Ngumiti ako, tinignan ko sya sabay nag shake ako ng head, dun ko na nakita na tumulo yung luha nya, at hinigpitan nya yung kapit nya sa kamay ko na hinahawakan nya “please…please…Casimir, importante ka para sa akin wag mo naman akong layuan oh please.. Mahalaga ka para sa akin..parang awa mo na..” Para syang batang nagmamaka-awa sa akin, pero sadyang naging kasing tigas na ata ng bato yung puso ko at hindi ko sya pinansin, sinusubukan kong kunin yung kamay ko at nag tagumpay ako sabay alis na duon at di ko na sya nilingon pa.

Lagi kong nakikita si Ysrael na malalim ang iniisip, minsan balisa sya at parang wala sa sarili, gusto ko sya yakapin at kausapin, pero pag naaalala ko konting araw nalang, aalis na ako, ayaw ko ng ma-attach pa kay Ysrael mahihirapan lang ako. Nakapag-paalam na ako sa teammates ko sa volleyball, at ginoodluck ko sila sa susunod na taon para sa competition na sasalihan nila, at sinabi ko na galingan nila at wag nila akong i-disappoint as a former team captain nila, noong araw na yon wala yung mga varsity team ng basketball, kaya malakas ang loob ko sabihin sakanila na aalis na ako, naiiyak ako pag na-aalala ko na nag salute sila isa-isa sa akin para magbigay pugay sa narating namin ngayong taon, marami rin kaming naipanalong laro kaya proud na proud ako sa mga teammates ko, kay Jude ko pinasa yung trono ko, at nangako naman syang gagalingan o hihigitan pa nya yung mga narating ko as their team captain, kaya lalo akong naging proud sakanila, noong araw na din iyon naglaro kami ng masaya at nakangiti, nagkaroon din kami ng team dinner.

Papalabas na ako ng school noon ng biglang may nag back hug sa akin, amoy palang kilalang kilala ko na ang may ari walang iba kundi si ysrael. “Kailan?” Ang paunang tanong nya sa akin, alam ko na kung ano yung tinutukoy nya, ang bilis naman kumalat non, pero wala na nalaman na nya, wala ng dahilan para itago pa. “1 week from now” tipid kong sagot, lalong humigpit yung pagkakayakap nya sa akin at bigla akong naginit nung pinatong nya yung ulo nya sa shoulder part ko. Nararamdaman ko yung init ng hininga nya. Nagtataka ako kung bkit parang nakakaramdam ako ng basa sa balikat ko, nalaman ko nalang na umiiyak pala siya dahil narinig ko yung mga hikbi nya. “Kung aalis ka dahil sa mga nangyari sa atin, promise lalayuan na kita, di na kita guguluhin wag ka lang umalis… Di ko kayang hindi kita makita” pagsusumamo nya sa akin.

Ano bang magagawa ko? Wala naman eh, gusto ng mommy ko na dun na muna kami tumira ng dalawang taon lang naman eh. Humarap ako sakanya para makita ko yung mukha nya, I cupped his face para magkatinginan kami, kasi nakayuko sya kaya di ko masyado makita, “gustuhin ko man pero wala na akong magagawa” tanging yun lang ang lumabas sa isip ko at lumakad na ako palayo. Nang makarating ako sa bahay, bigla nanamang pumasok sa isip ko yung mukha ni Ysrael kanina, I know he’s hurt, napaupo ako dun sa couch sa sala, and then I started to cry, I couldn’t help it, na mimiss ko ang lahat sakanya, yung ngiti nya yung tawa nya, yung labi nya, lahat lahat.

I heard some footsteps pababa ng hagdan, it was my dad, I stopped crying para di mahalata ng daddy ko tumungo nalang ako, pero I was wrong, father’s instinct I guess, “aren’t you excited to see your mom?” My dad asked, “I am, really excited, I miss her so much!” I try to say it lively as I could para di halata na malungkot ako. Actually excited naman talaga ako, pero at the same time malungkot. “Eh bakit ka malungkot?” He asked again “di aaaah sobrang saya ko nga eh hahahahha” I tried to laugh it away, pero hindi talaga eh “your mouth is telling you you are happy, but your eyes say otherwise” and then I cried, I cried out loud with my dad sitting beside me, I felt a pair of hands hug me, “kung tungkol yan kay Ysrael, wag mo ng sayangin yung mga panahon mo, puntahan mo sya at pakita mo na mahal mo sya.”

I stared at my dad, pano nya nalaman? Ngumiti sya sa akin “anak kita, at syempre nararamdaman ko yun, alam kong mahal mo sya pero natabunan lang ng galit yang puso mo kaya nagagawa mo syang layuan, pero deep inside your heart, I know, you really do love him, so don’t waste your chance to show him how much you love him” I hugged my dad really tight, and yun din yung ginawa nya, Nagpasalamat ako sakanya then tumayo sya akmang aakyat na sa taas ng bigla syang tumigil sa akin then may hinagis sya sa aking susi, tinignan ko sya na prang nagtatanong kung ano to? “Susi yan ng resthouse, mag stay kayo don for 1 day and 1 night umuwi din kayo ng monday kasi flight na ntin ng tuesday” and with that pumanik na sya. Habang nasa kwarto ako, past 8pm na ng gabi, pinag-iisipan ko yung sinabi ni daddy, tawagan ko ba? Or hindi na! And I end up calling him anyway.

(Ako & Ysrael)

Y: Hello?

A: Ysrael. (Cold kong pagsabi, nahalata nya sigurong boses ko kaya di agad nya nakapagsalita)

Y: Cas……Casimir?

A: Pick me up here at our house 7am sharp, when I said 7am sharp, di ka dapat ma late kundi iiwan kita, magdala ka na din ng damit at shorts and underwear. (Call Ended)

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: Ang Varsity Captain (Part 2)
Ang Varsity Captain (Part 2)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiN_FVRpe7vcq4O4w5fe_KRjNVNc71PmEa8E8bWc47R4CcY-yRj7musnhDn7832Nb3vfSc33zN4DlYiPxDJG_xPzegqRSQZ7ibe7_XoDyVGwmKRsCKUHvZliJAvIghAmsjllrs1hoTfDd_P/s1600/43064780_1945670028803107_1258873782203988919_n.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiN_FVRpe7vcq4O4w5fe_KRjNVNc71PmEa8E8bWc47R4CcY-yRj7musnhDn7832Nb3vfSc33zN4DlYiPxDJG_xPzegqRSQZ7ibe7_XoDyVGwmKRsCKUHvZliJAvIghAmsjllrs1hoTfDd_P/s72-c/43064780_1945670028803107_1258873782203988919_n.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2018/10/ang-varsity-captain-part-2.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2018/10/ang-varsity-captain-part-2.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content