$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Bagong Tutor (Part 2)

By: Kentu10 Nag-early dinner ako sa may isang tapsilugan sa school. Mula kasi sa tutorial office, dadaan muna ng campus bago makarating s...

Bagong Tutor

By: Kentu10

Nag-early dinner ako sa may isang tapsilugan sa school. Mula kasi sa tutorial office, dadaan muna ng campus bago makarating sa tinutuluyan kong boarding house, kaya dito na lang ako kumain. Isa pa, gusto ko munang maglakad-lakad sa school. Lagpas alas-sais na nun, kaya medyo madilim na, pero marami pa rin namang tao.

Nag-iisip-isip lang ako habang naglalakad. Ano na kaya ginagawa ni Niccolo? Kumakain ng early dinner. Kasama niya ang supladong si Johan. Baka kinakain na siya ni Johan. Ugh. Kinabahan ako. Di nga kaya? Pansin ko nga, laging nakatingin si Johan kay Niccolo. May gusto kaya siya dun? Di ako magaling kumilatis kung silahis ang isang lalake, pero kung iisipin, siguro nga silahis si Johan, at type niya si Niccolo. Kaya siguro nainis sa ‘kin ang suplado. Kaya siguro gusto niya sumama kay Niccolo. Kaya siguro, baka ngayon, kinakain na niya si Niccolo. Naalala ko yung inimagine ko kanina, yung nagsesex sila sa classroom. Naiinis ako. At di ko alam kung bakit.

Huminto ako sa isang open field sa school kung saan maraming mga puno. May nagtitinda ng fishballs, etc. sa tapat ng isang building malapit dun kaya bumili muna ako at umupo sa may damuhan sa field. May mga naglalaro ng frisbee, mga batang namumulot ng plastic bottles, mga nagjojogging at nagbibisikleta at mga estudyanteng palakad-lakad.

Ansarap ng fishballs. Haha. Gusto ko lang i-clear ang utak ko sa mga nangyari. Wala naman talaga nangyari, di ba? May nakilala lang akong mga bagong tao. Normal lang yun dahil may bago akong trabaho. Pero bakit ganun? Di ko maalis ang isip ko kay Niccolo. Yung mga mata niya. Yung labi niya. Yung pag-crinkle ng ilong niya. Yung ngiti niya, lalo na pag diretsong nakatingin sa akin. Nakakatunaw. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganun. Parang yung naramdaman ko sa ex-girlfriend ko nung high school. Pero iba eh. Ibang-iba. Isa pa, sa lalake pa. Hindi ko alam kung ano gagawin ko. Let go with the flow na lang siguro. Kung may gusto ako sa kanya, eh ano naman? Pwede ko naman siya makita araw-araw kung magtuturo ako at kung magpapaturo siya. Walang kaso dapat. Parang tropa lang dapat. Parang kaibigan lang.

Isusubo ko na sana yung huling piraso ng fishball ko nang may biglang kumalabit sa ‘kin. “So, fishballs pala aasikasuhin mo ngayon?” Si Niccolo.

Nakanganga lang ako. Lintek. Ba’t andito siya? Di ba umuwi na siya ng bahay? Kasama pa nga niya si Johan di ba?

“Huy? Ano, ba’t andito ka? Kala ko may aasikasuhin ka?” tanong niya, sabay upo sa tabi ko.

“Ah, mamaya. Nagpapahinga lang ako. ‘Kaw, ba’t andito ka?”

“La lang. Nakita kita eh,” tipid niyang sagot. “Penge nga niyan,” sabay turo sa fishball.

“Wala na,” sabi ko sabay subo sa huling fishball. “Ubos na.”

“Ibang balls na lang,” sabi niya sa ‘kin. “Hehe. Squid balls.”

Eto na naman siya. “Ba’t ba di ka pa umuwi? Ba’t ba andito ka pa? May pasok ka pa bukas ah.”

“Kararating ko lang eh. Ayaw mo ‘ko kasama?” sabi niya sabay ngiti nang mapang-asar.

“Ayaw.”

“Wushu,” sabi niya. “Eh ‘kaw, ba’t di ka pa umuuwi? Gabi na ah?”

“College na ako.”

“So?”

“So you don’t need to tell me when I need to get home.”

“Ako rin. You don’t need to tell me din when to get home,” mayabang niyang sabi.

“At tsaka,” dugtong ko, “My class starts at 1pm. Okay lang na late ako umuwi at matulog.”

“Malapit lang boarding house mo dito?” tanong niya.

“Oo, isang ikot lang. Tas konting lakad.”

“Punta tayo sa inyo,” yaya niya.

“Sira, umuwi ka na. Don’t you have exams tomorrow.”

“Dapat alam mo kung may exam ako bukas. Kaw tutor ko eh,” sabi niya.

“Si Johan ang tutor mo. Substitute lang ako,” sabi ko. Sumikip ang dibdib ko.

Nag-iba ang mukha ni Niccolo. “Di na. Sa’yo na ‘ko magpapaturo. Di naman niya major ang math.”

“Simpleng math lang naman yun,” sabi ko.

“Tsaka may iba akong natututunan sa’yo,” sabi pa niya.

“Huh? Math pa lang kaya.”

Ngumiti lang siya at tumayo. “Tara na kasi sa inyo. Di ako magpapagabi masyado. Pramis, sir.”

Tatanggi pa ba ako? Siya na nga lumalapit. Fine. Sabi ko nga kanina, go with the flow lang. Tumayo na rin ako. Tumawid kami para sumakay na sa jeep.

Tahimik lang kami sa biyahe, mga 20 minutes. Magkatabi kami sa tabi ng driver. Kapag nakatingin siya sa kalsada, tinititigaon ko lang siya. Minsan, nahuhuli ko siyang tumitingin sa ‘kin sa side mirror. Umiiwas ako ng tingin. Pagbaba sa jeep, niloko ko pa siyang umuwi na kasi gabi na. Tawa lang siya. “Ayaw mo talaga sa ‘kin ha. Masyado ba akong mahirap turuan?” sabi niya habang naglalakad na kami papuntang boarding house ko.

“Sakto lang. Simple pa naman yung lessons eh,” sagot ko.

Umakbay sa’kin si Niccolo habang naglalakad. Mas matangkad siya sa akin ng mga dalawang pulgada. Hindi na siya mukhang high school student sa suot niyang pambahay na damit, pero mukhang boy-next-door pa rin. Marahan ang pagkakapatong ng kamay niya sa balikat ko.

Sa second floor ng boarding house ako tumutuloy. May apat na palapag, kasama na ang rooftop. Sa first floor may isang laundry shop at bantay na rin sa bawat papasok na boarder at bisita. Binati ko ang bantay at pinakilala si Niccolo. “Tropa ko po,” sabi ko.

Pag-akyat sa second floor, makikita ang isang maliit na kusina kung saan pwedeng magluto at kumain ang mga boarders. Pwede rin dito mag-aral. Sa bandang kanan makikita ang pintuan ng kwarto.

“Tropa mo pala ako?” sabi ni Niccolo.

“Bakit, ano pa ba gusto mo?” tanong ko.

“Wala, kala ko sasabihin mo, estudyante mo ako.”

Natawa ako. “Sira. Parang magmumukha kasi akong matanda pag ganun.”

“Di naman siguro. Di naman halatang 25 ka na,” sabi niya sabay ngiti, yung pang-inis.

“Umuwi ka na nga.”

“Hehe. So, ilan kayo sa kwarto?” tanong niya.

“Apat kami ngayon. May tatlong double decks. Yung dalawang bunks unoccupied. Tinatambakan nila ng mga gamit.”

“Ah, tapos, dito shower?” tanong niya sabay turo sa isang pintuan.

“Oo, yang magkatabi. Toilet yung isa, pero pwede naman maligo dyan pag may tao sa shower.”

“Maliligo ka na?” sabi niya, sabay ngiti.

Nagsimula na naman siyang mambuwisit. “Mamaya na pagkaalis mo.”

“Di naman ako aalis eh. Dito ako matutulog. Gabi na kaya,” sabi niya, sabay upo sa isang silya.

“Sira ka rin eh nuh?” sabi ko sabay pasok sa kwarto para ibaba ang mga gamit ko. May isa akong roommate, nakahiga sa kama niya, nagbabasa. Di ko siya binati. Busy eh. Isa pa, di kami masyadong close. Lumabas ulit ako pagkababa ng mga gamit ko.

“May kasama ka?” tanong ni Niccolo pagkalabas ko.

“Oo, bakit?”

“Ba’t di mo ko pinapakilala?”

“Ba’t naman kita papakilala?”

“Siyempre,” sabi niya. “Para kilala ko friends mo.”

Nangiti lang ako. “Sira, di ko siya friend. Roommate lang.”

“Weh? Eh ba’t ako, wala pa ngang isang araw, tropa agad?” sabi niya, mayabang ang tono.

“Nasagot ko na yata yan?”

Sumimangot siya. “So, di tayo friends?”

“Palagay mo?”

“Di ako taga-Assumption.”

“Yang mga bagay na yan, hindi na dapat tinatanong. Parang kasing-abnormal lang yan ng kapag may nagtetext sa’yo na random number ng ‘Hi! Can we be friends?’, kasi sa tunay na buhay, wala namang manghaharang sa’yo sa daan at itatanong ang ganyang bagay.”

Tahimik lang si Niccolo.

“At tsaka,” dugtong ko, “nararamdaman mo naman yun. Kung pakiramdam mo eh kumportable ka sa isang tao na maging totoo sa harap niya, at kaya mo siyang pakisamahan at damayan nang walang kapalit, sa tingin ko, alam mo na kung anong relasyon ang meron kayo.”

“Magsyota?” sabi niya, nakangiti.

“Sira,” sabi ko sabay sipa sa kanya. “Friends ang pinag-uusapan, napunta naman sa syota.”

“So, pakikisamahan at dadamayan mo ako nang walang kapalit?” tanong niya.

“Oo naman, ba’t hindi,” sabi ko.

“Yes!” sabi niya. “Libre na ang tutorial sessions.”

“Sira ka talaga.”

Nakangiti lang siya. “So, totoo ka sa harap ko?”

“Gago. Hinde,” sabi ko sabay ikot ng mata ko.

Nakangiti pa rin siya. “Halata naman eh.”

“Ano? Anong halata?”

Biglang lumabas ng kwarto ang roommate ko. May mga dalang gamit panligo. Natigilan kami ni Niccolo. Tumingin ako kay roommate at tumango. Tumango rin si roommate at ngumiti, at tsaka pumasok sa banyo.

Nakatingin lang sa ‘kin si Niccolo. “Ba’t di mo pa ko pinakilala kay kuyang roommate? Mukha namang close kayo.”

“Tsaka na, pag di na siya maliligo. Haha. Umuwi ka na nga. Gabi na.”

“Di nga ako uuwi ‘di ba?” sabi niya.

“San ka matutulog? Sige, sa sahig.”

“Okay lang. Nakakatamad umuwi eh. Pero teka, matitiis mo na sa sahig lang ako matulog? Ba’t di na lang sa kama mo?”

Nagsimulang manigas ng titi ko sa ideyang tabi kami sa kama. “Sira, di tayo kasya. Anlaki mong yan. Malikot ako matulog.”

Kumunot ang noo niya. “Ha. Bakit, kala mo tabi tayo? Ikaw sa sahig. Ako bisita kaya ako sa kama.”

“Kapal mo rin eh nuh? Uwi na nga.”

Tumayo na siya at naglakad papasok sa kwarto. “San dito kama natin?” sabi pa niya.

“Kama ko. Diyan,” sabi ko sabay turo sa isang double deck sa may bintana.

“Ah. Cool. Top o bottom?” tanong niya.

“Sa ibaba ako natutulog. Hassle pag sa top bunk,” sagot ko.

“Eh di bottom ka?”

Nanlaki ang mga mata ko. “Hindi ah!”

“Ha?” kumunot ang noo niya. “Kala ko ba sa ibaba ka?”

Tangina. Oo nga naman. “Ah, oo, oo. Sa ibaba nga.”

Nakangiti lang ang loko. May sira talaga ‘to.

“Lumabas ka na nga at umuwi. Ihahatid na kita sa sakayan.”

Biglang pumasok ulit si roommate. May nalimutang gamit panligo. Tahimik lang kami ni Niccolo hanggang lumabas ulit si roommate.

“Sige na nga, uwi na ako. Hehe. Wag mo na ‘ko ihatid. Gawa ka na lang assignments mo,” sabi niya nang makalabas si roommate.

“Okay. Ihahatid na lang kita sa ibaba.”

Ngumiti lang si Niccolo.

---

Mag-iisang buwan na. Bawat hapon, ako na ang tutor ni Niccolo. Dalawa hanggang tatlong oras ko siya tinuturuan, mula alas-kwatro ng hapon. Hindi lang math ang tinuturo ko sa kanya. Madali naman siya turuan. May utak ang bata. Sa math at physics siya medyo nahihirapan kaya dun madalas ang atensyon namin. Buti na lang daw engineering ang course ko. Sa ibang subjects, minsan self-review na lang siya. Yung mga essays na pinasusulat sa kanila, pinababasa na lang niya sa ‘kin para icheck kung tama yung grammar, form, spelling, etc.

Kapag naman di mabigat ang araw niya, nagkukuwentuhan na lang kami. Minsan, sabay pa naming tuturuan yung ibang estudyanteng bata kapag hindi pumapasok ang mga tutors nila. Nakikialam lang siya. Nag-eenjoy naman ang mga bata, kaya hinahayaan ko na lang din. Mga isa o dalawang beses sa isang linggo, kapag maaga kaming natatapos, sumasabay siya sa ‘kin pauwi sa boarding house ko. Doon kami nagmemeryenda o kaya naglalaro kami ng online games sa malapit na internet cafe, kahit na di naman ako gaanong marunong. Masaya lang ako kapag kasama siya. Minsan nakakabuwisit, dahil di talaga maalis ang kakulitan niya at mga pasimpleng hirit ng kalibugan na hindi naman namin pinag-usapan kelanman. Pero natutuwa ako kapag nandiyan siya. At mukhang ganun din naman siya sa ‘kin.

Sa bawat araw, lalong tumindi ang pagtingin ko kay Niccolo. Kapag umaga, hindi ko mahintay ang maghapon na magkasama kami. Kapag gabi, iniisip ko lang siya. Masyado akong naging concerned din sa grades niya. Gusto ko, mataas ang makukuha niya, dahil pakiramdam ko, repleksiyon yun ng bawat hapon na tinuturuan ko siya ng mga nalalaman ko.

Minsan, di ko sinasadyang makitang nakaipit sa notebook niya ang isang homework. Di ko matandaang pinacheck niya sa ‘kin yun. Lumabas saglit noon si Niccolo dahil kinausap siya ni Ma’am Lisa. Malapit na kasi magtapos ang isang quarter at tinatanong malamang kung magpapatuloy pa sa pagpapatutor si Niccolo. Binuklat ko yung nakatuping homework, may isang maliit na check na pula, tanda na nacheckan na ng teacher ang ginawa niya. Binasa ko. Isa palang sulat yun. Ito ang nakasulat:

J,

Sumulat ako ng kanta. Gumawa ako ng komposisyon sa intermediate pad, para pantay-pantay ang linya, dahil alam kong medyo OC ka. Bawat notang nilagay ko, tugma sa taas-baba ng tono, parang pagsasama natin, yung kakulitan ko at pagkareserved mo. Bawat letra, isinulat nang maayos, dahan-dahan, yung hindi ko maririnig ang reklamo mo kung gaano kagulo at bakit paliku-liko ang sulat ko. Bawat tugma sa salita, matamis pakinggan, parang boses mo kapag tumatawa ka o kahit kapag naiinis ka. Sinulat ko yung kanta bago ako kumuha ng quiz. Hindi naman ako makapagconcentrate sa pagrereview ng mga linya at anggulo, kaya iba na lang ginawa ko. Sinulat ko yun para sa’yo. At sa tingin ko, iyon ang pinakamagandang nagawa ko.

Sumulat ako ng kanta tungkol sa unang paghawak natin ng kamay. Hindi naman ako handang makilala ka nun, pero sadyang may kuryente nung naglapat ang mga palad natin. May sparks. Naramdamn mo kaya yun? Tumahimik ang mundo ko, at di ko alam kung bakit, pero sa sandaling ‘yon, gusto kitang makilala pa, at inisip na hindi na pakakawalan pa. Sumulat ako ng tungkol sa’yo, sa atin, kung paano natin turuan ang isa’t isa. Ikaw, kung paano mo ako turuan sa math. Ako, kung paano kita turuang mag-DOTA. Kung paano natin turuang mahalin ang isa’t isa. Sumulat ako ng awiting hindi ko pa nakakanta kahit kanino man, may mga damdaming hindi ko pa nababanggit kahit kelan. Damdaming noon ko lang naman inamin sa sarili ko. Damdaming gusto kong aminin sa’yo. Tungkol sa lahat ng yun ang kanta ko. At sa tingin ko, yun ang pinakamagandang nagawa ko.

Tinupi ko yun, dahan-dahan, malinis, maayos. Dinikit ko sa ilalim ng desk sa classroom. Hindi sa upuan ko kasi mapagkakamalang kodigo. Gusto kong makalimutan kung saan ko nilagay yun. Basta nandun yun, sa kung saan. At sa tingin ko, yun ang pinakamagandang nagawa ko.

Hayaan mong subukan ko ngayon na isulat ulit yun. Maalala ang mga eksaktong salita, ang mga parehong tugma, ang galaw ng mga nota, ang himig at ritmo, at umasang katulad pa rin ng nauna iyon. Hayaan mong magkamali ako. Hayaan mong magkamali ako ulit. Hayaan mong magkamali ako nang paulit-ulit. Hayaan mong ang bawat pagsubok ko ay pangalawa lamang sa pinakamagandang nagawa ko. At sa araw na mahanap mo ang awiting nauna ko nang nagawa, wag mong sasabihing nabasa mo na. Idikit mo ulit sa kung saan at sabihin mo sa aking naiwala mo. At buong-galak kong isusulat muli.

Nagmamahal,

Niccolo

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Bagong Tutor (Part 2)
Bagong Tutor (Part 2)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjUbc8-qcMPXS4pCntoGGNi1g-iq9mCzzuk4qB2rQFrL_4zj0zvSdjMpp5NFGd-eadh_gAWb9vMKHst-gQlMId8ObRfY7mCfpaAH0jG_GA9obVIbx633yYCsctFb9QihhcVvvo_PXuZvMAU/s1600/43779178_1010431039128877_8484929422750334794_n.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjUbc8-qcMPXS4pCntoGGNi1g-iq9mCzzuk4qB2rQFrL_4zj0zvSdjMpp5NFGd-eadh_gAWb9vMKHst-gQlMId8ObRfY7mCfpaAH0jG_GA9obVIbx633yYCsctFb9QihhcVvvo_PXuZvMAU/s72-c/43779178_1010431039128877_8484929422750334794_n.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2018/10/bagong-tutor-part-2.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2018/10/bagong-tutor-part-2.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content