$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Buhay ng Doktor (Part 1)

By: Kentu10 Beep. Kahit mahina ang tunog ng message alert tone ko, nagising pa rin ako. Mababaw ako matulog. Nakasanayan ko na ang gano...

Buhay ng Doktor

By: Kentu10

Beep.

Kahit mahina ang tunog ng message alert tone ko, nagising pa rin ako. Mababaw ako matulog. Nakasanayan ko na ang ganoon dahil parati akong on call.

1 message received

“Doc, stat OR. Appendicitis. Scrub in ka daw. Wala si Doctor Bernardo nasa States.”

Dali dali akong bumangon para maghanda. Walang sinayang na oras. Di pinaghihintay ang ganito kaselang mga operasyon. Matapos maligo, nagbihis na ako at halos patakbo na sumugod sa hallway patungong elevator.

Agad tinungo ang kotse at paharurot na umalis. 2:30 ng madaling araw kaya alam ko na wala akong dadaanang traffic sa Ortigas papuntang ospital. Alam ko na mabilis akong makakarating doon.

Pagdating sa ospital, pinuntahan ko muna ang pasyente sa ER para i assess ang kaso. Matapos basahin ang chart at mag perform ng abdominal exam, alam ko kelangan buksan na ang pasyente.

“I suggest we do this immediately. Di na natin hihintayin ang blood chem results. Ipahanda na ang OR. Sabihan na ang team” ang instructions na binigay ko.

Nang maihanda na ang lahat, naghanda na din ako. Nag proceed na din ang operasyon na walang aberya.

In 45 minutes, natapos ng team ko ang lahat. Direcho na sa recovery room ang pasyente.

Tumingin ako sa relo. 4:00 am

Dahil naputol ang tulog ko, nagpasya na muna ako umuwi. Matapos magayos muli at magbihis, agad kong tinungo ang kotse ko at umalis na sa ospital.

Iyan ang buhay ng isang gaya ko. Kulang sa tulog. Walang social life maliban na lang ang makipagkulitan sa mga nurses at staff ng ospital. Ganoon araw araw.

Isa akong Gastroentorologist. Matagal din ang ginugol sa pag aaral kaya eto, 33 na single pa din. Sabi nga ng mga tita ko, tatanda na lang daw akong binata.

Ulila na ako. Wala na din akong mga magulang. Nagiisa akong anak kaya sa mga tita at tito ako lumaki. Di naman ako nakaramdam ng awa sa sarili kasi madami naman akong pinsan. Yung iba eh, kasing edad ko din.

“Doc, good morning. Inumaga na naman tayo ah.” Bati ni Mang Caloy na guard sa condo namin.

“Oo nga po eh. Eto antok na po” magalang kong sagot.

Ng marating ko ang kama ko, agad akong nakatulog. Panibagong araw na naman kaya kailangan ihanda ang sarili para sa demanding na buhay ng isang gaya ko.

—-

Tanghali na ng magising ako. Lunes na pala. Wala akong clinic ngayon. Dahil ako ang may hawak ng oras ko, minabuti ko talaga na huwag magtrabaho kapag Lunes.

Dumirecho ako sa banyo para maligo. Tiningnan ang sarili sa salamin.

Matangakad ako. 6’1″, Siguro nasa 210 pounds. Chinito, may stubble ng kaunti. Gusto ko ang ganoon kasi mukha akong totoy kapag malinis ang ahit. Madalas ako tumakbo at mag exercise kaya ok naman ang hubog ko. Mabalahibo ang chest ko. Namana ko ata sa tatay kong balbon. Gayun din ang aking braso at binti. Malapad din ang aking balikat, banidoso din ako kahit paano. Kailangan kasi presentable pag humarap sa mga pasyente.

Makapal ang aking mga kilay at may dalawang dimple sa magkabilang pisngi. Pero ang best feature ko daw ay ang aking light brown na mata, na namana ko naman sa aking ina.

Matapos suriin ang itsura at magustuhan naman ang nakita, tinungo ko ang shower at naligo na.

Madami din akong magagawa ngayon – Grocery, Banko, Laundry, Work out, Linis ng bahay. Yan ang mga nakapila sa mga gawain ng isang gaya kong single at magisa sa buhay.

Nang matapos maligo, agad nagbihis at sinimulan ang mahabang araw.

Nauna kong puntahan ang bangko. Sinunod ko ang mag grocery. Matapos nun, kinarga ko na sa sasakyan ang labada para dalhin sa laundry shop.

Sunod namang pinuntahan ang gym.

“Ayos, walang masyadong tao” sabi ko sa sarili.

Ganoon ang eksena sa gym pag Lunes. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit mas pinipili ko mag punta doon ng ganoong araw. Nagsimula na ako agad mag warm up para masimulan ang aking routine.

Maya maya nakarinig ako ng sigawan na parang may nagkakagulo. Galing sa katabing grupo na noo’y nagyoyoga

“Help!! Tulong, someone. Anyone” sigaw ng mga babae na tarantang taranta.

Nanaig sakin ang kagustuhan tumulong kaya dali dali akong tumakbo sa kinaroroonan nila. May ilan ding mga instructor ang tumakbo doon para tumulong.

“Anong nangyari dito?” tanong ko. Mahinahon akong lumuhod at sinuri ang nakahandusay na babae sa sahig.

“She fainted. After our last pose, she fell to the floor” sagot ng isa pang kolehiyala na katabi ng nahimatay.

“Ok, everyone. Please clear the space” utos ko para lumayo ang mga usyoso

Agad kong sinimulan ang mag administer ng first aid. Parang may checklist sa utak ko.

Airway – Clear

Pulse – Present

Breathing – ok

Iniayos ko ang pagkakahiga ng pasyente at itinaas ang mga paa para bumalik ang sirkulasyon ng dugo sa utak at magkamalay. Isang sarcastic na comment ang bigla kong narinig.

“Dude, wag ka nga magmarunong jan. Baka kung mapaano pa yan. Tumawag ka na lang kaya ng ambulansiya”

Di naman ako pikon, pero iba ang dating noon sa akin. Hinarap ko na lamang siya at sinagot.

“I am a doctor. I spent 10 years studying to earn my degree here and abroad. So I know what I am doing. Why don’t you just fucking shut your trap and get lost.”

Noo’y biglang nagkamalay ang babae.

Akala ko’y tapos na ang lahat. Bigla akong naalarma ng bigla itong nagsuka. Alam ko hindi ito normal sa mga kasong ganito kaya naisip ko na kailangan nitong dalhin sa ospital.

“Can I borrow a phone?! Anybody?!” sigaw ko sa mga nakapalibot doon.

Napansin ko ang lalaking nag komento kanina at nakitang hawak niya ang telepono niya. Tumayo ako at inagaw yun sa kamay niya. Wala siyang nagawa dahil alam niyang emergency. Nagdial ako agad.

“Stace, Dr. Suarez. get me an Ambulance here quick. Acropolis. Gold’s Gym. I have a patient here, syncope. She vomited and needs to be brought to the ER, kung naka duty si George, siya ang pasamahin mo”

Namamayani pa din ang inis ko kaya halos padabog kong ibinalik ang cellphone niya.

Dumating naman agad ang medical team. Andoon si George, isa sa mga pinaka magagaling na ER nurse na kilala ko. Matapos ang mabilisang paliwanag ng mga nangyari, niayos na ang pasyente para dalhin sa ambulansiya at madala sa ER.

Di ko na tinapos ang work out ko. Tinungo ang shower at naligo.

—-

Habang nasa shower isang nakakairitang tunog ang aking paulit ulit kong naririnig.

Click. Click. Click.

Inisip ko na may pervert na kumukuha ng pictures sa mga naliligo. Nagtapis ako ng tuwalya at lumabas ng stall.

Nanggaling lang ang tunog sa katabing shower stall.

Kinatok ko agad iyon.

“Stop being freaky and get out or there you perv!” sigaw ko. Biglang bumukas ang pinto .

“What’s your fucking problem dude?” ang sagot ng tao doon.

Siya na naman. Ang sarcastic na nagcomment sa gitna ng kaguluhan kanina.

Wala itong suot. Kitang kita ko ang kanyang buong katawan. Lean. Di gaanong bulky. Mga nasa 5’11” din ito. Maputi. Di gaanong balbon. Halatang parating nasa gym kasi maganda ang tabas ng mid-section niya. Malapad ang shoulders niya. Di gaanong malaki ang mga braso pero may cuts. Halatang athlete ito, suspetsa ko swimmer siya. Maganda din ang umbok ng kanyang pwet. Mahaba ang lean niyang legs.

Noon ko lang din natitigan ang mukha niya. Chinito. Mukhang bata pa. Sa tantya ko mga nasa 23 to 25 lang ito.

“Haven’t you taken a selfie before?” angas niyang sagot.

“Sorry. Kala ko kasi…” napahiya akong sumagot.

Isinara na niya ang pinto at tinapos ko na ang maligo. Agad nagbihis at umuwi.

Matapos kong maghapunan, tinungo ko ang sala at binuksan ang tv. Nag surf ng channels. Nababato na ko noon, pero muntik na akong malaglag sa sofa ng mailipat ko ang channel sa isang sikat na TV station.

Siya yun! Ang lalaki sa gym.

Isang soap/drama anthology-series ang palabas. Di ako maaring magkamali. Yung mukha niya, di ko makakalimutan yun. Kumulo ang dugo ko ng naalala ko kung gaano siya ka sarcastic kanina.

Magaling naman ito umarte. Puro iyakan.

Pero nababaduyan na ako.

Di ko mapigilan mainis.

Pinatay ko ang tv at naghanda na matulog.

Siya pa rin ang naisip ko bago ako tuluyan nakatulog. Di ko maintindihan. Pinilit ko na lang ipikit ang mata ko.

—-

Nagpatuloy lamang ang buhay gaya ng dati. Hospital, Bahay. Kain, Trabaho, Tulog. Paminsan minsan nakakalabas labas naman kapag naaya magkape o kumain, pero The Fort o Eastwood lang ang pinakamalayo kong nararating.

Minsan naisipan kong bumili ng kape sa isang sikat na coffee shop sa baba ng ospital.

“One Hot Irish Cream Latte for Marco!” sigaw ng barista. Di pa man ako nakakalapit, sumigaw na ito ulit.

“One Iced Caramel Macchiato for Ernest”

Halos magkasabay kaming tumungo sa bar para i-claim ang kape. Nagtama ang panigin namin.

“So you are really a doctor!” sabi niya. Naka puting blazer pa kasi ako noon kaya siguro niya nasabi.

“And you are still annoying” sagot ko.

Natawa lang siya. Binuksan ang pinto para makalabas kami.

Di ko na siya pinansin at tinungo ang entrance at elevator para makabalik sa clinic ko. Tinawag niya ako.

“Marco!”

“How did you know my name?” sagot ko sa kanya ng lingunin ko ito.

Itinuro niya lang ang cup ng coffee na hawak ko. Nakasulat nga pala doon ang pangalan ko.

“What?” sarcastic na tanong ko sa kanya.

“Hey, sorry for being brash. At the gym. Ang serious mo kasi. I know, I know. I was sarcastic and that is not a good impression. But I’m really not like that. Lets do this the right way. Im Ernest” sabay extend ng kamay niya for a handshake.

Mukha naman siyang ok, sabi ko sa sarili. Tinaggap ang handshake na alok

“Marco” sagot ko.

“Busy tayo today, Doc?” tanong niya.

“Di naman. Its almost 5 pm na kaya patapos na clinic hours ko.” Sagot ko sa kanya.

“Ganon ba. Sige Doc. Nice meeting you” at tumalikod na ito. Umakyat na ako sa taas, at ng ma confirm na wala na akong pasyente, inayos ang gamit at pumunta na ng parking lot.

Naisip ko na lamang mag take out ng pagkain. Pagod na ako at ayaw ko na magluto. Binaybay ko ang C5 para dumaan ng Eastwood. Doon umorder ako ng pizza at 2 boteng beer.

Isang pamilyar na boses ang narinig ko habang binubuksan ko ang kotse ko.

Si Ernest. Papalapit ito at papunta sa direction ng kotse na katabi ko.

“Nice Ride! Is that a Toyota 86?” tanong niya

“Yes” sagot ko. “yours aint bad too, Subaru XV” bati ko sa kotse niya.

“Thanks” sagot niya.

“Wala ka bang taping? Ano ginagawa mo magisa kang gumagala dito?” tanong ko.

“Wala eh. Saka na shoot na yung soap hanggang finale. Saka nakahingi ako ng pahinga sa manager ko. Kaya guestings at Sunday shows muna ako ngayon.” sagot niya.

“So I’ll just see you around?”

“Wait. I know this sounds weird pero may lakad ka ba?” tanong niya.

“Bakit?” lito kong sagot.

“Wala naman Doc, kasi…”

“Ano yun?” tanong ko.

“Don’t get me wrong, pero baka gusto mo lang kumain sa labas. I know I made a bad impression kaya gusto ko bumawi”

“Nakabili na ako ng pagkain kasi, baka sa bahay na lang ako kakain, salamat. Pero dont worry kinalimutan ko na yun. You seem nice naman pala, kaya ok na” sagot ko.

“Ganoon ba. Boring kasi kumain mag isa. Saka busy yung friends ko sa mga projects nila. Kaya eto bored.”

Naawa naman ako sa itsura niya. Malungkot siguro ang maging siya. Kilala. Parating laman ng balita. Di ko alam kung anong nagtulak sa kin noon, lalo na ng ako na ang mag alok.

“I have pizza and beer? You can come to my place.” Alok ko.

Lumiwanag ang mukha niya. Tumango siya

Napagkasunduan namin na sa condo ko kami kumain. Doon, walang nakakakilala sa kanya. Kaya makakain kami ng walang mag mamalisya sa amin pag nakita na magkasama kami. Sa kotse ko kami sumakay. Ihahatid ko na lamang siya ulit sa Eastwood pagkatapos ng hapunan namin.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Buhay ng Doktor (Part 1)
Buhay ng Doktor (Part 1)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjMwF8wfIAqRyLshKBDpGbJSvzAeZp94hw97AHULCtPYDmsxIvj0BZHO8N79gEj6zdTWC0Wgo72hY3B4VQSbr72hqFdSuGfBs_eB28HcdJUwNqU639zpm3mngu8M2n2GHsVuWavH5k1G831/s1600/43358132_2187160154905393_7279691781850728829_n.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjMwF8wfIAqRyLshKBDpGbJSvzAeZp94hw97AHULCtPYDmsxIvj0BZHO8N79gEj6zdTWC0Wgo72hY3B4VQSbr72hqFdSuGfBs_eB28HcdJUwNqU639zpm3mngu8M2n2GHsVuWavH5k1G831/s72-c/43358132_2187160154905393_7279691781850728829_n.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2018/10/buhay-ng-doktor-part-1.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2018/10/buhay-ng-doktor-part-1.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content