$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Fireplace Song (Part 8)

By: Mckenzie Pagka-ayos ko ng mga gamit ko sa kuwarto ni Dex, nagpaalam na ako sa kanya dahil kailangan kong pumunta sa school para mag-r...

Fireplace Song

By: Mckenzie

Pagka-ayos ko ng mga gamit ko sa kuwarto ni Dex, nagpaalam na ako sa kanya dahil kailangan kong pumunta sa school para mag-resign sa dance troupe. Naintindihan naman ni Dex kung bakit kinakailangan ko pang i-quit yung pagsasayaw ko.

Nagpunta ako sa PE faculty room para kausapin si Ms. Gwen. Tinanong ako ni Ms. Gwen kung bakit ako nagku-quit. Sinabi ko na lang na personal problems ang dahilan.

Fireplace Song Part 8

---

Pagka-ayos ko ng mga gamit ko sa kuwarto ni Dex, nagpaalam na ako sa kanya dahil kailangan kong pumunta sa school para mag-resign sa dance troupe. Naintindihan naman ni Dex kung bakit kinakailangan ko pang i-quit yunpagsasayaw ko.

Nagpunta ako sa PE faculty room para kausapin si Ms. Gwen. Tinanong ako ni Ms. Gwen kung bakit ako nagku-quit. Sinabi ko na lang na personal problems ang dahilan.

Pumunta din ako sa lockers para makuha yung iba ko pang gamit na nandoon. Medyo natagalan ako at inayos ko pa kasi yung mga gamit ko sa pagsasayaw.

Papalabas na ako ng locker room nang marinig ko ang boses ni Chester at Billy. Parang nag-aaway na naman ang mga gago.

Hindi muna ako lumabas para hindi nila ako makita lalung-lalo na ni Chester.

Galing din pala si Chester kay Ms. Gwen at malamang ay nasabi na sa kanya ang ginawa kong pagku-quit.

"Nasan si Momo?!" tanong ni Chester kay Billy. Galit na galit ang itsura.

"So, umalis na pala sayo si Momo. Natauhan na rin pala siya." sagot naman nung si Billy.

"Alam kong alam mo kung nasaan siya kaya mabuti pang sabihin mo na."

"Hindi ko alam. At sana kung nasaan man siya, hindi mo na siya makita pa. Wala ka kasing kwenta!" bulyaw ni Billy kay Chester.

Agad na sinuntok ni Chester ang kausap sa mukha. Napaupo agad ito sa sahig.

Aiszt gulo na naman. T.T

Pumagitan sa dalawa ang mga estudyanteng nadoon para hindi na sila mag-abot.

"Ikaw ang gusto ni Momo kaya sigurado akong alam mo kung nasaan siya! Alam kong sayo lang siya pupunta!" sigaw ulit ni Chester. Humihingal sila pareho.

"Sana nga ay tama ang sinasabi mo, dahil kahit kelan, hindi niya ako nagustuhan. Ikaw itong tatanga-tanga dahil hindi mo alam na ikaw lang ang minahal niya simula pa nung umpisa." mahabang sagot ni Billy. Umiling-iling pa ito habang tumatawa.

"Mabuti nga sayo at nilayasan ka na niya. Matagal na niya dapat ginawa iyon!"

Pagkarinig niyon ay patakbong umalis si Chester. Hinintay ko munang makaalis din si Billy bago ako lumabas ng locker room.

Hindi ko maisip kung ano pa ang kailangan ni Chester sakin. Bakit kailangan pa niya akong hanapin?

Dahil ba sa ‘pag nawala ako ay wala na rin siyang katulong sa bahay? Wala na siyang mapaglalaruan? Wala nang aapihin? Wala nang sasaktan?

Nakakainis talaga siya. Fuck him. Hinding-hindi na ako lalapit pa sa kanya. Hanggang dito na lang talaga kami. Hindi ko na siya hahayaan pang masaktan ako.

Pagkauwi ko, sinabihan ko si Dex na huwag sasabihin kay Chester na sa bahay niya ako tumutuloy. Umoo naman siya kaya hindi ako natunton ni Chester hanggang sa natapos ang night duties ko.

Okay naman ako ngayon pero hindi ko pa rin mapigilan ang maging malungkot sa tuwing maaalala ko yung past namin ni Chester. Siguro ay si Kim na ang kasama niya ngayon sa apartment. Siyempre, sa pagkakakilala ko sa Kim na ‘yun ay hinding-hindi niya palalampasin ang pagkakataon.

Matagal na niya ring gusto si Chester at ito na ang opportunity niya para mapasakanya ito.

Something’s telling me to take a vitamin today.

You’re like my favorite song on the radio, I could listen to you all day..

-+

Kinabukasan..

“OMG, OMG!..”

Ano na naman kaya ang problema nitong si Dexteronimo?

Lumapit sakin ang bakla na parang sinasapian na naman. Napansin kong parang may hawak itong kung ano.

“Ano yan?”

“Best, it’s negative!! I’m so happy walang nabuo!”

“PT ba yan?” =__________=

“Yes best! Negative ang pregnancy test! OMG!”

“Ano pinatak mo d’yan? Tae?” tanong ko.

“Tanga, ihi ang pinapatak dito!”

Ako pa ang tanga ngayon!

“Ilan guhit?” tanong ko na lang.

“Isa..”

“Ah akala ko tatlo..” =_________=

“You’re so tanga talaga.”

Mahabang katahimikan..

“May PT ka pa ba d’yan?”

Nagkatawanan kami bigla. Lol.

“I wouldn’t know what to do kung positive ang result ng pregnancy test.”

Ayaw pa din tumigil ng bakla sa paghahallucinate. =____=

“Masisira ang kinabukasan ko. Ikamamatay ko.” sabi pa nito.

“Edi ipapalibing.. Problema ba ‘yun?”

Umirap na naman si Godzilla. Haha.

Tapos natahimik na naman ako. Alam ko na pinapasaya lang ako ni Dexter.

Napansin siguro ni Dexter na tahimik lang akong nakaupo sa sofa.

“You are thinking about him, him, and… Oh… Him!” simula na naman ng bakla.

“I’m fucking not, bitch.” -____-

“Best ganito lang yan, Text MOVE ON and send to 2366.”

Sinenyasan ko siya ng “talk to the hand”.

Bigla na lang pinisil ni Dexter ng magkabilang pisngi ko. Hindi tuloy ako nakapagsalita nang maayos.

“Aneng ginegewe me? Yer sew pathetic!!”

“Sa itsura mo na ‘yan, mukhang kelangan mo ng happy meal.”

=________=

"Alam mo, lagi ka na lang mukhang malungkot. Ano ka ba, i-forget mo na siya no.." sabi pa nito.

“Bitewen me nge mune eng mukhe ke..”

-_____-

Bumitiw naman ang bakla, salamat.

"Oo nga, pero hindi naman agad-agad nakakalimutan ‘yun no. As if naman overnight lang ang healing process. Ano ‘yun, hang-over?” sagot ko.

“Bigyan mo lang ako ng ilang araw at back to normal na ulit ako, promise." sabi ko pa.

"Good. Ganyan dapat."

"Ganyan dapat ka pang nalalaman, pektusan kita diyan eh."

"Ke-arte-arte mo kasi diyan, may healing process ka pang nalalaman."

Kelan kaya kami magkakaroon ng matinong usapan ng baklang ito?

Abnormal eh. +______+

At kumanta pa ang bakla.

"I had it all but I let it slip away

Couldn’t see that I treated you wrong

Now I wander around feeling down and cold"

Napangiti na lang ako at napapailing sa pang-aalaska niya sakin. Tuloy-tuloy lang siya sa pagkanta..

"Love takes time to heal when you’re hurting so much

Couldn’t see that I was blind to let you go

I can’t escape the pain inside, love takes time

I don’t want to be here alone

Sintunado naman. Tuloy pa din siya. Jusko, parang umiiyak na baka.

Losing my mind from this hollow in my heart

Suddenly I’m so incomplete

Lord I’m needing you now, tell me how to stop the rain

Tears are falling down endlessly"

Sumabay na ako sa pagkanta ni Dex. Gusto ko rin kasi ‘yung kinakanta niya. Lol.

Trying to believe that you’re gone…

Si Dex talaga, maaasahan mo lagi pag may problema ka. Papasayahin ka ‘pag nalulungkot at makiki-join sa saya mo pag masaya ka. The best talaga. ^^,

“Dexter!”

Biglang dumating si Tita Jessica, mama ni Dex.

“Ikaw ba yung nadidinig ko na kumakanta?!”

“Yes Ma. Bakit?”

“Bakit?! Ha, Bakit?!”

Haha maloko din ang mama ni Dex, sigurado laughtrip na naman to.

“Bakit nadinig kong kumukulot and boses mo? Ha?!”

“Ma! May kelangan kang malaman!” sinakyan na ni Dex ang nangyayari. Haha.

“Ano?! Magsalita ka!”

“Lalaki!” sigaw ulit ni Dex.

“Ka! Lalaki ka anak! Hindi dapat kumukulot ang boses mo ‘pag kumakanta!”

“Hindi Ma!” Parang naiiyak pang arte ng dinosaur. Lol.

“Lalaki! Lalaki din ang gusto ko! Nais kong magmahal at mahalin din ng isang lalaki. Bakla ako Ma!”

“Hindi anak! Hindi pwede! Gulpi ka sa Papa mo, leche kaaaa!!”

Hahaha. Natatawa lang ako sa isang sulok.

“Ma, matagal ko na itong itinatago. Matagal ko nang gustong sabihin sa inyo. Bakla ako! Bakla, bakla bakla BAKLAAAA!!!!!!!”

Biglang sinampal ni Tita Jessica si Dex sa mukha. Totoong sampal! Hahahaha sobrang lakas. Totoong naiyak din si Dex sa sakit. LMAO.

Nahulog na ako sa sahig kakatawa. XD

“Hindi anak, naguguluhan ka lang alam ko! Confused ba, ganun. Magbihis ka, ipapatawas kita.”

Hahaha adik talaga ang mag nanay na ‘to. Nakalimutan ko problema ko. :D

-+

Tamang-tama naman at end na ng first semester kaya hindi na talaga kami nagkita ni Chester hanggang sa mag-sem break. Nagpalit na rin ako ng cellphone number. Si Dex lang ang nakakaalam ng number ko at si Ms. Gwen. Lagi akong pinipilit ni Ms. Gwen na bumalik sa dance troupe pero wala na talaga akong balak bumalik.

Pero sinabi sakin ni Dex na nakuha ni Billy ang number ko nang hiramin nito ang cellphone niya.

Kaya naman nakakatext ko rin ngayon si Billy.

Inubos ko ang oras ko sa Youtube at panonood ng K-drama at movies.

Palagi rin akong sinasabihan ni Billy na siya na lang daw ang iboyfriend ko.

Kainis, ang adik niya! >.<

Sa totoo lang, wala ka nang hahanapin pa kay Billy. Pogi na, super bait pa. Lalo pa kaming naging close dahil nga sa lagi kaming magkatext at magkausap sa phone.

-+

Nung pasukan, kami agad ni Billy ang magkasama. Magkasabay sa pagkain at pag-uwi.

Masaya naman talaga siyang kasama pero friends pa lang kami. Ewan ko, pero parang medyo nahuhulog na ang loob ko sa kanya or guni-guni ko lang yun?

Hindi ko alam eh. >.<

Iba pa rin kasi yung naramdaman (or still, nararamdaman?) ko kay Chester kesa sa nafi-feel ko kay Billy ngayon.

Hay naku, normal na talaga ako ngayon. Magulo na naman kasi ako eh.

-+

One morning, lumabas ako para mag-jogging. Sa bahay ni Dex ako natulog nung nakaraang gabi. May malapit na park sa kanila so dun ako nagpunta.

Sakto, makulimlim ang panahon. Bukod sa maaga pa ay marami ding ulap na nakatakip sa langit.

Mabagal akong tumatakbo habang nakikinig ng music sa earphones ko. May nag-overtake sakin.

Yabang, ang bilis tumakbo. =_____=

Bigla itong humarap sakin.

0______o

Si Billy pala. Ang lapad ng ngiti nito.

“Ang bagal mo..” nadinig kong sabi niya.

-__________-

Deadma. xD

Patuloy lang ako sa pagtakbo nang mabagal. Kinuha ko yung cellphone ko at inadjust yung volume ng music pababa.

“‘Pag naunahan mo ako hanggang sa park entrance, bibigyan kita ng isang wish.” nakangiti pa din ito habang sinasabi iyon.

Wow isang wish daw! ^______^

“Pero ‘pag ako ang nanalo, you’ll grant MY WISH.”

Amp!

“Game!” at bigla itong tumakbo nang mabilis.

Aba! Sandali lang. Ang daya! >______<

Lumalaki ang distance niya sakin so I ran faster. Kelangan ko manalo! >.<

Malapit ko na siya abutan so binilisan ko pa.

At naunahan ko na siya.. XD

Kunwari ay hindi ko siya napansin habang tumatakbo ako. Haha. Binilisan ko pa pero bigla na naman siyang nauna.

Binunggo pa ako! >___<

Ayt, kakainis! Binilisan ko ulit. Binunggo ko din siya nung inabutan ko.

Belat! :P

Malapit na ako sa finish line! Ako pa din nauuna! Haha. Ako mananalo..

Just about 20 meters more.

Amp, pagod na ako! T______T

Hindi pala masaya magjogging, kakapagod. Mabuti pang matulog hanggang tanghali. Lol.

Tapos overtake na naman siya! >____<

Ayt, ang duga talaga neto! At siya na nga ang nauna sa park entrance!

Napahinto ako sa sobrang hingal. Grabe kapagod talaga! Kasalanan niya ‘to!

“I won..” nadinig kong sabi niya.

Tiningnan ko siya ng matalim.

“Hindi naman ako pumayag ah!” sigaw ko habang hinihingal pa din.

“Hindi daw. Weh… Now let’s talk about my wish.”

Ayt!

“Wish mo mukha mo!” >.<

“I wish, ako na ang magiging fly swatter mo starting today.”

Napakunot ang noo ko.

“Yup, si Chester ang blowfly.”

Ang gulo… =________=

“Nani?”

“Lagi kita babantayan para hindi sayo makalapit si Chester.”

O__O

“I promise, I’ll help you forget that jerk.”

---

“How was it?? Did you enjoy your blind date?” tanong sakin ni Dex.

Huh? Blind date daw?

At this point pa lang, feeling ko nananaginip ako. Sasakyan ko na lang.

“It was really fun!” It wasn’t really, im just trying to be nice. =________=

Pinilit ko magkuwento para maconvince ko ang dinosaur na masaya nga ako sa blind date na sinet-up niya para sakin.

Though, wala akong idea kung ano ang itsura ng blind date ko, saan kami nagpunta, or ano ang mga ginawa namin!

Nananaginip nga ako.

Tuloy lang..

“Tigilan mo nga ako!” Biglang sumigaw si Godzilla.

O___________O

“Masaya nga ako ngayon. Thank you best.”

“Naiinis na talaga ako!”

Naguguluhan ako kay Dex, may mood swings din pala ang mga dinosaurs.

“Masaya ka nga pero hindi ko na kaya ilihim sayo.”

Nakatitig lang ako. Mukhang seryoso siya. Pag jino-joketime ako nito, sasapakin ko talaga siya sa lalamunan!

“Bakit ano bang problema mo ha?!” tanong ko na lang.

“Sobrang saya mo ngayon pero si Chester…”

….

….

“Ano?! What about Chester? ”

“Uhm..” Ayaw pa din sumagot ng bakla..

Ipinakita ko sa bakla na isinasara ko ang mga kamao ko.

“Eto naman!! Mananapak agad! Siyempre umeemote pa ako!”

“Isa..”

“Dalawa…”

“Si Chester at Kim ikakasal na ngayong araw!!”

O___________O

“Oo!! Nandun na sila sa simbahan ngayon at ikinakasal na sila!!”

“Damn, this can’t be true!!” drama ko.

“Eh kung yung dinadrama mo eh lumipad ka na papunta dun, baka mapigilan mo pa sila!”

Lumipad daw?..

Uhm, panaginip lang naman, sige!

“Transform!!” sigaw ko.

At naging unicorn si Dexter. Hahaha.

In fairness ang gandang unicorn ni bakla. White unicorn with pinkish purple tail and hair. May silver stars pang nakaprint mula sa ibaba ng tenga hanggang sa likod. Ang horn naman nito ay kulay turquoise at may malalapad na pakpak. Sobrang pino ang mga balahibo niya at emerald green ang mga mata.

Sumakay ako sa unicorn at agad kaming lumipad. Sobrang bilis namin, parang nagta-transport sa oras. Dumadaan kami sa sobrang daming liwanag.

I closed my eyes. This is just a dream..

I felt something hit my chest. Then nasa lupa na kami ulit. Sa harap ng isang malaking simbahan.

Sobrang laki, parang isang castle.

Something strong pulls me inside the church. I couldn’t control myself and next thing I knew, nasa likod na ako ng dalawang ikinakasal.

The guy is wearing a black tuxedo..

It’s Chester.

The other one is wearing something that looks like a black and white ballerina dress.

It’s Kim..

Kim looks like a marionette. I became conscious of myself..

I have silky grey-blonde-white hair covering the right half of my face. Shoot, with the clothes I have on, I looked like an RPG priest.

Back to the wedding..

“You are now husband and wife.”

“No!”

Sabay pa silang humarap sakin..

“You’re in perfect timing. Late.” sabi ni Kim.

I chose to ignore Kim. I was shocked to see Chester’s face. He looked emotionless. His jet black eyes staring at me.

“Ch-chester..” my voice trembling.

Then there was something. His eyes twinkled, it seems like he remembered something. It seems like he is awakening from the hypnotism. Then he walked towards my direction.

He reaches to me with his right hand.

He is moving closer..

And closer…

I didn’t know what to do. Aabutin ko ba yung kamay niya? Shocks namang panaginip ito. Ang hirap!

Malapit na siya. Maaabot na niya ako..

Then he said something..

“Momo..”

I automatically looked into his eyes. His eyes not emotionless, not anymore..

I felt my heart thumping like 808 drums.

An inch away. Then he stopped. I heard two gunshots. Pain and shock reflected on Chester’s face.

He fell to the ground. Kim’s gun smoking.

Chester’s dead. Kim killed Chester..

I didn’t know what to do. My chest feels exploding because of mixed emotions.

Anger, grief, revolution, sadness..

REVENGE..

I held Chester’s body. Tears fell from my eyes as I see him dissolving into cold ash.

“Kung hindi rin lang siya magiging akin, mabuti pang mawala na lang siya. F-O-R-E-V-E-R..” I heard Kim said.

I so hate him I could kill him right at this moment. A gun suddenly popped on my right hand. I aimed to shoot Kim.

He was faster. He shot the gun outta my hand.

“You dare gunfight with me, are you motherfucking dumb?!”

“You will die too.” Kim walked towards me.

I felt hopeless. I couldn’t move because of fear. Next second, he’s grabbing me in the neck. His gun on my tummy.

I heard one more gunshot. I felt burning pain on tummy. At this point I totally forgot this is just a dream. It feels so real. Bakit hindi pa ako magising?!!

I fell sitting, clutching my stomach. I sensed him moving.

“Goodbye moron..”

I knew he’s gonna finish me off. I couldn’t move even a single finger.

“I love you..”

I felt a rush of immeasurable energy flowing in every part of my body. That energy building up tenfold second after second.

I’m certain I heard Chester’s voice..

Kim moved closer to me.

I heard Chester say I LOVE YOU.. I also heard ticking sounds coming from Kim’s chest.

He aimed his gun on my chest.

I put my index finger on the red button on his chest. Kim looked puzzled.

I pushed the button and Kim’s eyes went instantly blank. The gun fell to the ground.

I feel numb on my gunshot wound.

“I love you too..”

I felt the light coming to get me. I am so tired. I closed my eyes..

---

I feel sick!!! >____<

I took one from my vitamin bottle. Malapit na iyong maubos.

When we’re not together, I always miss you so bad..

Langyang panaginip ‘yan! Ang sakit ng buong katawan ko! Parang totoo talaga! Haha.

“Ugh, it’s such a nice day today!”

“So nice that it’s pissing me off!”

“Stupid breeze, as gentle and familiar as the caress of a lover..”

“Who does the sun think it is?! Embracing the whole of my being in a comforting warmth like this…”

“God, just look at this beautiful damn flower. Look at it!”

“I hate you so much.”

Ayt feeling ko ako si Squidward. Tinawagan ko na lang si Dex. Nakuwento ko sa kanya ang panaginip ko.

“Panaginip lang yun! Baliw ka na ba?!”

“Oo, alam ko! Ikaw ang baliw!”

“Pero may wings talaga ako?! Ayyy bet ko yan! Hahaha. ” tawa pa ng bakla.

Sinabi ko sa kanya na isa siyang tikbalang sa panaginip ko. Este unicorn pala. Lol.

Nalaman ko rin na hindi pala tumutuloy si Kim sa apartment ni Chester. Medyo gumanda ang pakiramdam ko nang malaman ko ‘yun.

Pero that doesn't mean na babalik na ako sa kanya. Lelong niya no. >:[

Kahit nag- I LOVE YOU pa siya sa dream ko!!! +______+

I should not be living in the past. Sometimes you have to forget what’s gone, appreciate what still remains and look forward to what’s coming next.

Enough is enough. What good is love when it keeps on hurting me? Tama na yung mga pinagbayaran ko sa kanya. At isa pa, parang wala na rin naman siyang pakialam sakin eh. Bakit ako magpapakatanga na bumalik pa sa kanya? Mas masaya yung ganito. Simple, walang problema, walang sama ng loob.

Haay, iba talaga ‘pag single. Sarili lang ang iniisip. Ayaw ko na ng complicated na mga situations. Allergic na ako diyan.

---

Sa paglipas ng mga araw, masasabi kong nakakapag-move on na ako.

Yes, lagi ko pa ring naiisip ang kolokoy na yun. Si Chester, sino pa ba?! Pero hindi na dumadating sa point na napapaiyak ako. No more tears. >.<

Sa totoo lang, parang naiinis pa nga ako sa kanya ngayon dahil sa mga pinaggagawa niya sakin noon.

Or dahil sa hindi ka niya hinahanap man lang?

Fuck you. -________-

Seryoso, asar talaga ako kay Chester ngayon. Hindi ko na lang talaga mai-elaborate kung bakit. xD

Aral at pagtambay lang ang lagi naming ginagawa ni Dex. Tapos napapadalas din ang hang-out namin ni Billy. Sa bilyaran, sa canteen, sa skate park at sa kung saan-saan pa. Naging regular na rin ang paglabas-labas namin. Ewan ko kung date ang tawag dun. Pero unti-unti ko nang nae-enjoy ang company niya.

Very vocal pa rin ako kay Dex. Alam niya ang lahat ng nangyayari sakin. Happy naman siya para sakin.

Natutuwa daw siya at ngayon ay nagiging masaya na ulit ako. "Bumabalik na yung dating Momo." sabi pa ng bakla.

I must have cried a thousand times. Yes, I was hurt but I learned a lot along the way. And I know, after all the rain I’ll see the sun come out again.

-+

Minsan magkasama kami ni Dex sa library. Sobrang dami nitong dalang pagkain. Akala siguro ay canteen ang library. =____=

“Mahilig ka talaga lumamon no?”

“Excuse me, pihikan ako sa pagkain. Hindi ako malakas lumamon.” sagot nito.

“Wow ha, pihikan! ‘Pag tinapon kita sa dagat, pwede ka nang butanding eh!”

“Ang sama mo talaga! I hate you.” arte ng bakla.

Tahimik na kumain ang butanding. xD

“What is love?”

Huh? Ako ba tinatanong ng butanding?

Malay ko... =_________=

“What is love?”

Ang kulit!!!

“You can try to count the stars in the sky and you’ll know. ” sagot ko na lang.

“So it’s infinite?”

“No, it’s just a waste of time.”

“Ampalaya bitter herbs?”

“Shut up. Pakyu ka.”

"Uy, alam mo, nakita ko si Chester kahapon. Mukhang kawawa nga eh. Kinumusta ka niya sakin."

Who the hell cares? Hindi na lang ako sumagot sa sinabi niya.

Medyo matagal ang lumipas na oras bago siya nagsalita ulit.

"Hoy Momo, talaga bang gusto mo na si Billy? Baka naman pagsisihan mo na naman ‘yan?"

"Walang kami ni Billy.” seryoso ako. "Masaya kami ‘pag magkasama. Yun lang.”

Nagpatuloy ako sa pagbabasa ng reviewer ko.

"So mahal mo pa si Chester?" walang patumanggang tanong ng bakla.

Natahimik na naman ako. As usual, hindi ko na naman alam ang dapat sabihin.

"Kung mahal mo pa rin si Chester, dapat siguro ay hindi ka mag-pretend na nai-in-love ka na kay Billy."

"Hindi ako nagpre-pretend no! Ayaw ko na kay Chester at hindi kami ni Billy." sagot ko sa bading.

Pero hindi pa rin papipigil ang bakla na para bang bida ako sa commercial ng Safeguard! As in siya yung conscience ko.

"Ayaw mo lang na makasama ulit si Chester pero hindi ibig sabihin noon ay hindi mo na rin siya mahal!"

“Best wag ka sumisigaw nang ganun, kita ko na esophagus mo.”

“Did you like it?” sabi ng bakla. =_____=

“Your esophagus? Na-disturb ako. It was the most disgusting thing I’ve ever seen.”

“Hoy! Pinkish ang esophagus ko no?!”

"Whatever. Dexteronimo Ventura Jr., ang pagkaka-alam ko, HRM ang course mo, hindi BS Psychology. Kaya tigil-tigilan mo na yang mga pinagsasasabi mo tungkol sa FEELINGS ko for Billy and Chester. Para kang bakla."

"Eh ano ako? Babae? Hindi dahil malungkot ka eh hahanap ka na ng bago agad agad. Hindi ka dapat gumagawa ng decisions ‘pag malungkot ka. Huwag mong gawing panakip-butas si Billy. Tao din yun, may nararamdaman. Kung gagamitin mo lang siya para makalimutan si Chester, hindi yun tama! Sooner or later, magtatanong ‘yan kung ano ba talaga ang meron sa inyong dalawa. I don’t think masasagot mo siya pagdating ng time na ‘yun. Mag-isip ka nang mabuti, baka ikaw din ang masaktan at pagsisihan mo na naman ‘yan sa bandang huli."

“Oh my gosh best, 200 words per minute! Ang haba ng sinabi mo, hindi ko tuloy naintindihan. ” =________=

Nagsalita pa nang nagsalita ang dinosaur na gusto yata maging talk show host. Tumahimik na lang ako. Hindi titigil ang dinosaur na ito ‘pag sumagot pa ako.

“Pero in fairness, pogi din si Billy. I like his lips. Very kissable..” dreamy face pa ang baklang Godzilla.

"Gusto mo maging kissable din lips mo?”

Inirapan na naman ako ng halimaw.

“‘Wag mo akong takutin, matagal na akong takot!”

“Whatever, hindi ko siya ginagawang panakip-butas. At pwede ba, tigilan mo na ako. Kailangan ko pang aralin ang mga lessons ko." sabay tayo at lipat sa kabilang table.

Nasa kabilang table na ako pero tuloy pa din sa pang aasar ang dinosaur.

“So what’s the real score between you and Billy?”

“Flying kick gusto mo?”

“Best, wala kang no choice but to listen to what I say..”

“I wish I can go somewhere else.” bulong ko.

“Best, halatang obvious naman na there’s something going on between you two..”

“Halata na, obvious pa. ” =________=

“Sumasakit ang headache ko sayo best.”

I decided to just ignore the dino.

“Tumataas ang highblood ko sayo..”

Lord, pwedeng pumatay ng tao? Isa lang oh. T___T

Hindi din ako nakapag-aral nang maayos.

-+

Today’s vitamin:

Holding hands never made me feel this way.

That’s one of the last capsules.

Nagkita na naman kami ni Dex paglabas ko ng main gate ng school.

“Ang cute mo naman best!”

“Thank you, sana ikaw din.”

"Tse, parang may lakad ka ah. Saan na naman kayo magkikita ng Billy na yan?"

"Diyan lang sa skate park. Tara, sama ka." sabi ko.

"Hindi, ‘wag na. Napagod ako kanina at gusto ko nang umuwi para matulog. Sige, enjoy na lang kayong dalawa." at tumalikod na siya sakin.

Pumunta ako sa terminal ng tricycle at nagpahatid sa skate park. Nandun na si Billy at nakaupo na sa isa sa mga mesa. Umorder kami ng shawarma on rice saka fries at coke.

Masaya kaming nagku-kuwentuhan nang makita ko si Chester na papalapit.

Fuck, pagkakita ko pa lang sa kanya, narealize ko kaagad kung gaano ko siya na-miss. Wala siyang kasama at nagtuloy-tuloy sa isang mesa at doon naupo. Maya-maya ay umorder din siya ng sarili niyang pagkain. Hindi man lang niya ako tinatapunan ng tingin kaya hindi ko na lang din siya pinansin.

Parang nakahalata naman si Billy.

"Okay ka lang?”

"Uh, ayos lang ako."

Nagpatuloy kami sa pagkain. Parang nawala ang saya namin ni Billy kanina. Pinilit kong kalmahin ang sarili ko para hindi mawala ang composure ko.

Pero napansin ni Billy na tulala lang ako habang kumakain.

“Hello! Alam mo ba kung nasaan yung kadate ko? Nawawala eh..”

Parang natauhan naman ako sa nadinig ko. “Gomenosai!”

Hanggang sa matapos na namin ni Billy ang pagkain. Nagprisinta siyang ihahatid na ako sa terminal pauwi. Pumayag naman ako.

Tumayo kami ni Billy at nadaanan namin si Chester na nakatitig sa pagkaing hindi pa man lang niya nagagalaw.

Naglakad kami hanggang sa makarating sa terminal ng jeep. Nag-goodbye na kami ni Billy sa isa't-isa.

Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. Iba pa rin talaga ang nararamdaman ko pagdating kay Chester.

Mahal ko pa rin siya..

Oo. Mahal ko pa rin siya, ‘yan naman ang gusto ninyong mabasa diba?! >.<

Hindi ko talaga maitatanggi na sobrang miss ko na si Chester. Akala ko ay okay na ako, hindi pa pala. Siya pa rin talaga.

Si Chester pa rin talaga..

---

One evening, naglalakad ako. Pauwi na from school. Napadaan ako sa shop ng mga action figures. Napahinto ako. I stood in front of the shop looking at the displays through the glass window.

“I miss you..” bulong ko.

Naalala ko, nagpunta kami noon dito.

Noon.

Nakatayo pa din ako. Siguradong wala na akong masasakyang jeep neto. Sa bus station na lang ako sasakay.

So I turned to my left to start walking. And there was him, standing about twenty feet from where I do.

Our eyes entwined..

I blinked the tears away so he won’t notice. We stood there for at least half a minute.

“I need to walk.” I reminded myself.

And so I did.

He started walking too. Towards me.

“I need to get past him..” I whispered.

I tried not to look at him in the eyes. I tried not to look back even when I felt he stopped walking when we got shoulder to shoulder.

I kept on walking. My feet got me to the bus station. Bumili ako ng drinks. Parang nauhaw ako bigla.

Then sumakay na ako ng bus. I took a center aisle seat. Half occupied palang yung bus so I have to wait a bit longer.

I finished my coke and put my earphones on. I need to relax.

But then nakita ko si Chester, sumasakay sa bus and then he sat on the center aisle seat beside me on the other side of the bus.

Problema neto! >.<

He wasn’t looking at me so I didn’t bother to look back. Nagtulog tulugan na lang ako.

Naramdaman kong umandar na yung bus. Medyo binuksan ko ang kanang mata ko to see kung bumaba siya before the bus left.

Pero nakatingin din siya sakin!

Ampupu! Huli ako. -________-

Sa kabilang side na lang ako humarap. Sa bintana lang ako nakatingin buong byahe.

San kaya pupunta ang panget na ‘to?!

Stress! >_____<

Sa bahay nila Dexter ako uuwi ngayon. Matagal tagal din ang biyahe. Mga 45 minutes yata. Medyo malamig din kasi gabi na.

Nabother talaga ako sa mokong na ‘to. Ayt. Ano na naman kaya ang gusto neto?

Malapit na ako sa babaan so tumayo na ako.

Tumayo din siya!

Tiningnan ko siya ng matalim.

Pero nag iwas lang siya ng tingin! Ayt nakakapikon!

So bumaba na ako. Alam ko bumaba din siya.

I started walking. Mga 10 minute walk din yung bahay nila Dexter from the highway.

I know he is following me.

Lakad lakad.

Ayaw ko tumingin sa likod ko, ayaw ko tumingin sa kanya!

Kung may gusto siyang sabihin, bakit ayaw niya ako tawagin?

Adik yata eh? -_______-

Lakad pa din hanggang malapit na ako sa bahay.

I went to the door. Alam ko nakatayo siya sa likod ko. Mga 20 feet pa din ang distance.

Ayt. Inilabas ko na ang keys ko. Binuksan ko ang pinto. Dahan dahan akong pumasok.

Naiyak na ako nang tuluyan nang isinasara ko ang pinto. Napasandal ako sa pinto pagkasara ko niyon.

Bahala ka dyan! >___<

Ampupu. >:(

Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ako makalayo sa sinasandalang pinto.

Momo, think! What should you do?!

Fuck it!

I heard my heart beating loud and fast. Hinubad ko ang jacket na suot ko. I opened the door and ran outside.

……..

……..

……..

But he was not there. Nasaan na yun?!

Hinanap ko siya. Lakad-takbo akong bumalik sa nilakad ko kanina papuntang highway.

Badtrip!

Hindi ko pa din siya makita. Kasama ko siya sa bus kanina diba?

Bumaba din siya nung bumaba ako diba?

Naglakad din siya nung naglalakad ako,

DIBA?!

Nasaan na siya? T.T

Napaiyak na naman ako pagdating ko sa highway.

“Nakakainis kaaaaaa!!!” hindi ko na napigilan sumigaw.

“I fucking hate you..” bulong ko sa sarili habang tumutulo ang mga luha ko.

Pinunas ko ang mga mata ko. Sayang lang ang iyak ko dito.

I turned around to go back home.

“Bakit mo ako hinahanap?” Nakangiti siya nang alanganin.

Nang-iinis pa yata! Ayt, lagi na lang niya ako pinapahiya!

Tiningnan ko siya ng masama. Sana mahiwa siya sa talim ng tingin ko! >.<

Naglakad ako pabalik at ibinigay ko sa kanya pahampas ‘yung jacket.

“Umuwi ka na!” sigaw ko sa kanya at tumakbo na ako pauwi kila Dexter.

Sarap pumatay ng tao! >_______<

-+

Sumunod na araw, I have five vitamins left..

I think about you and your eyes all the time..

Kasama ko na naman si Dex at sabay kami na nagpunta sa library. Nagpapatulong siya sa kanyang assignment. Pero dahil sa magkaiba kami ng course ay hindi ko rin siya talaga natulungan.

Wala akong alam sa mga ginagawa niya. Nandun lang ako para samahan siya.

Habang nagsusulat ay sinabi ko sa kanya na nagkita kami ni Chester sa skate park nung isang araw at kagabi.

"Talaga?! Anong nangyari?" tanong ni Dex.

"Wala, hindi niya ako pinansin eh, siguro dahil kasama ko si Billy or talagang wala na kami." sabi ko sa mahinang boses. Nasa library kasi kami at bawal mag-ingay.

“Tapos kagabi ang weirdo niya!”

“Bakit?”

“Wala, forget it.”

"Uh, baka naman nagkataon lang yung pagkikita n’yo?.."

"Siguro nga."

"Kasi naman masyadong public yung pinupuntahan n’yo ni Billy ‘pag nagde-date kayo eh."

"Hindi kami nagde-date no! Nagka-ayaan lang kaming sabay na kumain bago umuwi kahapon, Itch!!"

“Itch?..” tanong niya.

“Silent B.”

=________= ← mukha niya.

"Well, you are correct, I feel especially bitchy today…”

“And how is that different from any other day?” =________=

“Shut up, may lakad ka na naman ba mamaya?" tanong pa nito.

"Huh? Ah eh, mag-ja-Jollibee lang kami mamaya ni Billy."

"Sus, ‘yan ba ang hindi date? Lagi kayong magkasama. Nag-eenjoy ka naman ba?"

"Okay lang naman, masaya."

"Sigurado ka?"

"Naku bading, nagsisimula ka na naman."

---

Pagdating ng uwian, nagpunta na ako sa Jollibee. Wala pa doon si Billy nang dumating ako.

Umupo ako sa isang bakanteng mesa na pang-dalawahan. Nagtext ako kay Billy na iniintay ko siya sa second floor ng Jollibee.

Nag-textback naman siya at sinabing hintayin ko siya. Hindi muna ako umorder. Hihintayin ko muna si Billy.

Nagulat na lang ako nang makita ko si Chester na papalapit sa kasunod na mesang kinauupuan ko. Nagbaba ako ng tingin at kunwari ay nagte-text sa cellphone.

Ibinaba niya ang kanyang bag sa ibabaw ng mesa at muling bumaba sa ground floor.

Pagbalik ni Chester ay may dala na siyang tray ng pagkain. Mukhang kakain na naman siya nang mag-isa. Pang-isang tao lang kasi yung inorder niyang food.

Hindi man lang ako nilibre.

Hahaha. Joke lang. xD

Nagsimula siyang kumain. Magkaharap kami. May dalawang mesang nakapagitan saming dalawa.

Parang hindi man lang niya ako napansin katulad kahapon. >,<

Nagtext ako kay Billy:

Fly swatter, and2 si blowfly..

Pinilit kong huwag siyang tingnan hanggang sa dumating na si Billy at umorder na kami. Tulad nung isang araw, wala kaming imikan ni Billy dahil nandun nga si Chester.

Kainis talaga. Nag-aya tuloy si Billy na ihatid ako agad pagkakain namin.

---

Nang mga sumunod na araw, lalong napadalas ang paglabas-labas namin ni Billy. Mas napalapit ang loob ko sa kanya at medyo nalilito na ako kung gusto ko na ba siyang maging boyfriend or what.

Mabait naman kasi talaga siya at masarap kasama. Laging hyper at laging may baong jokes. Napaka-thoughtful pa niya. Hindi siya nakakalimot na kumustahin ako kahit sa text lang.

Hindi naman talaga mahirap mahalin si Billy. Pero dahil nga sa kagagaling ko lang sa isang major break-up, parang hindi pa ako handa para mag-entertain agad ng kasunod.

-+

Sa mga paglabas namin ni Billy ay lagi namang nagkakataon (nagkakataon pero lagi?) na nagkikita kami ni Chester. Para bang natutunugan niya kung saan ang mga lakad namin.

One day, kasama ko si Billy sa school canteen. Sabay kaming nagla-lunch.

"Oo nga pala. Ipinatatawag ka ni Ms. Gwen sa office niya mamaya." sabi ni Billy.

"Kung pababalikin niya lang ako sa dance troupe, pakisabi na wala na talaga akong balak bumalik." sagot ko.

"Kung nag-aalala ka tungkol kay blowfly, nagquit na rin siya."

Nagulat ako sa sinabi niya pero hindi ko iyon ipinahalata. Ayaw kong malaman ni Billy na may feelings pa ako para kay Chester. Na may pakialam pa ako.

"Kulang kasi kami ng dancers para dun sa dance concert namin next month. Baka naman daw pwedeng magsayaw ka for the last time."

"Ewan ko lang din.”

"Please.." sabi ni Billy. Shit, paawa ang mukha ng loko. Gusto niya talaga akong pagsayawin sa concert.

"Sige na, magsasayaw na." sagot ko na lang. Gustung-gusto ko talagang magsayaw.

Napapayag na rin ako kasi wala na rin naman si Chester sa dance troupe. Napaisip ako kung bakit nagquit din siya.

Masayang-masaya naman si Billy sa pag-oo ko.

---

Two days after, inaya ko si Dex na manood ng sine pero tumanggi na naman ang bakla.

Bitch talaga ang dinosaur ‘yun. Ayaw na yatang dumikit-dikit sakin kaya si Billy na naman ang naaya ko.

Agad naman siyang pumayag at nagpunta kami ng SM Baliwag para doon manood ng movie.

Nasa SM na kami nang tumawag si Dex.

“Oy best, saan ka nanood ng sine? Sama ako.”

“Gago ka kasi, inaaya na kita kanina. SM kami..”

“Ano? May static sa line. Hindi kita maintindihan!”

“Best, spell STATIC.”

….

< Mahabang katahimikan..>

….

“Uhm best, malabo kasi yung linya, hindi kita madinig masyado..”

Hahaha. XD

“Sabi ko, dito kami sa SM ngayon.”

“Ay, kasama mo na naman si Billy? ‘Wag na lang pala, out of place lang ako d’yan.”

“Hala, sunod ka na dito best.”

*toot toot toot..*

Naputol na. =______=

Isa pa talagang peste ‘yang si Dex. Napakaraming arte sa katawan. Kainis.

Masaya naman ang naging panonood namin ni Billy. Puro kulitan at kilitian. (Walang hipuang naganap dahil medyo wholesome ako ngayon). XD

Pagkatapos ng movie ay lumabas na kami at naglakad-lakad sa loob ng SM.

And guess what.. >.<

Nandun na naman si Chester.

Nakita ko siyang kinakausap ‘yung saleslady ng mga slippers.

Nagtataka na ako. Hindi ko alam kung paanong nagkakataon na nagkakatagpo kami sa iisang lugar. Parang hindi naman niya kami napapansin kaya binalewala ko na lang din ang presence niya.

Nagpatuloy lang kami sa paglilibot hanggang sa napagpasyahan namin na umuwi na.

-+

Today’s dose:

I cherish every moment I am with you. I could not ask for more..

Minsan namang nasa isang computer shop kami ni Billy ay nakita na naman namin si Chester. Naiinis na talaga ako sa pagsunod-sunod niya samin. >.<

Hindi man niya aminin, alam kong hindi nagkakataon lang na lagi siyang sumusulpot sa mga lugar kung nasaan kami ni Billy.

"Nandyan na naman siya, si blowfly mo.." sabi sakin ni Billy.

Nakaupo kami noon nang magkatabi. Ako ang nasa harap ng computer at nakaupo naman sa tabi ko si Billy. Umupo si Chester sa katabing computer.

Sa sobrang inis ko ay hindi ko napigilan ang sarili ko.

"Hayaan mo nga siya at wala lang ‘yang magawang matino sa buhay." sabi ko, sinigurado kong maririnig niya iyon.

Nakakaasar na talaga siya. Hindi ko malaman kung ano ba ang gusto niyang palabasin or talagang nang-iinis lang siya?

Hindi naman ako pinansin ng walanghiyang si Chester. Nagpatuloy lang siya sa pagta-type sa keyboard at ang lalo ko pang ikina-inis ay nang magsuot pa siya ng headset pagkarinig niya sa sinabi ko! Grrrrr. Peste talaga.

---

One time naman, naglalakad ako sa skate park. Ayt, namimiss ko na mag skate. :(

Dati kasi ay nagskate kami dito ni Chester. Malapit lang kasi ito sa apartment. Naalala ko pa nun ikinakabit niya sakin ung headgear.

“Kelangan pa ba nito?” parang nakakailang kasi, nakahelmet pa ako. Mag roller skate lang naman kami.

“Oo, kelangan mo ‘yan. Baka kasi mabuwal ka. Tanga ka pa naman..” sabi pa ng luko-luko.

Habang ikinakabit niya yung strap ng helmet ay palapit nang palapit yung mukha niya sa mukha ko.

Napapangiti na lang ako. >__<

Malapit na malapit na, so ako naman, expecting!

Huminto siya habang ikinakabit pa din ang helmet sakin. Nakatingin pa din ako sa kanya.

“Ikikiss mo ba ako?” -____-

“Hindi ah.”

Ngiting aso siya! Nakakainis, haha.

Hanggang natapos ang pagkabit niya sakin ng helmet, hinalikan na nga niya ako.

*Kilig! Haha :p

Paglabas namin ng boardinghouse ay nakaroller skate na kami.

Hindi nga pala ako sanay magskate noon kaya tumama ako sa basurahan. Tawa naman nang tawa ang loko habang tinutulungan ako tumayo.

Ayt. Kakainis yun.

Nung araw din na ‘yun ay natuto akong magskate. ^^.

Napapangiti pa rin ako tuwing naaalala ko ‘yun.

Kami pa noon..

Masaya pa kami NOON..

Wala na kami NGAYON.

---

Nasundan pa nang nasundan ang pagbuntot samin ni Chester. Lagi na lang siyang ume-eksena sa mga lakad namin ni Billy.

Minsan ay nagpunta naman kami ni Billy sa Music Warehouse, at hindi na ako nagulat nang makita ko si Chester na papababa ng hagdan at pumwesto ng upo sa sulok.

Enjoy na sana namin ni Billy ang pagpunta namin doon dahil sa magaling yung mga nagpeperform sa stage.

Kaya lang, panira na naman ang presence ni Chester. >.<

Sa inis ko ay hindi ako napigilan ni Billy na magparinig.

"As usual, nandito na naman siya. Panira ng gabi." sabi ko. Halata ang inis sa boses.

As usual din, hindi na naman ako pinansin ni Chester. Lalong tumindi ang asar na nararamdaman ko.

Sa inis ko, tumayo ako at lumapit sa kinauupuang mesa ni Chester. Nakainom din kasi ako kaya medyo malakas ang loob mang-away.

Naupo ako sa upuang nakaharap sa kanya at ibinaba ang mga kamay ko sa ibabaw ng mesa.

"Ano pa ba’ng gusto mo?”

“Are you aware of what you made me feel?! Sinaktan mo ako, binale-wala!”

Hindi ito sumasagot.

“It’s all thanks to you, I feel so pathetic and miserable right now!”

Nakayuko lang siya. Nakakainis!

“Kung wala ka nang kailangan sakin, pwede ba, tigil-tigilan mo na ang pagsunod-sunod samin? Para kang aso!" galit na galit ako habang sinasabi ko iyan.

Pagkatapos ba naman ng lahat ng pagpapahirap na ginawa niya sakin. Pagkatapos ng lahat ng sama ng loob, guguluhin pa rin niya ako?

Sinusubukan ko na nga siyang kalimutan pero ayaw pa rin niya akong tigilan.

Nanatili lang siyang nakayuko at hindi ako pinapansin. Nakakapikon!

Magsasalita pa sana ako nang bigla siyang nag-angat ng tingin.

Nanatiling nakabukas ang bibig ko. What the fuck?! Naputol ang balak kong pagsasalita.

Nakita ko ang mga namumuong luha sa mga mata niya.

Si Chester? Iiyak?..

Ganun ko ba siya nasaktan sa mga sinabi ko?

Nakaramdam ako ng lungkot pagkakita ko sa mukha niya.

Sa isang iglap, naalala ko na mahal na mahal ko pa rin pala siya.

Aktong hahawakan ko ang mukha niya nang bigla siyang tumayo.

Tuluyan nang bumagsak ang mga luha niya na agad naman niyang pinunasan.

Napansin ko sa kanyang braso na suot niya ang stainless bracelet na regalo ko sa kanya nung birthday niya.

Natulala ako. Fuck this!

Ang akala ko ay binalewala na niya ang regalo ko na iyon sa kanya.

“B-bakit s-suot mo yan?”

Tumalikod siya sa akin at nagtuloy-tuloy na lumabas, umakyat sa hagdan papalabas ng warehouse.

Naiwan akong nakatulala. Hindi ko alam ang gagawin ko.

I was dumb, I was blind to let him down.

-+

TO BE CONTINUED.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: Fireplace Song (Part 8)
Fireplace Song (Part 8)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEggWy6wocMaNg7jpuTrfIUBcPUe_N6oeF0UKj_3JSgRGvGJNU5lvX4T_-qXIwb0z2ZR6qLiTBEudx_mNcrpmCGUi1mBvVu_tucA_VUfe_jC-G3uWsMItTDcdb9dnMOJhjTEPmnBWd6jLpTZ/s1600/40652199_313236846106212_5730288485446394885_n.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEggWy6wocMaNg7jpuTrfIUBcPUe_N6oeF0UKj_3JSgRGvGJNU5lvX4T_-qXIwb0z2ZR6qLiTBEudx_mNcrpmCGUi1mBvVu_tucA_VUfe_jC-G3uWsMItTDcdb9dnMOJhjTEPmnBWd6jLpTZ/s72-c/40652199_313236846106212_5730288485446394885_n.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2018/10/fireplace-song-part-8.html
https://www.mencircle.com/

true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content