$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Someone Else's Story (Part 1)

By: Patroclus Author's Note: Hi KM readers, tulad ng iba sa inyo, matagal na rin akong nagbabasa dito. Maraming beses na akong napa i...

Someone Else's Story

By: Patroclus

Author's Note: Hi KM readers, tulad ng iba sa inyo, matagal na rin akong nagbabasa dito. Maraming beses na akong napa iyak, napa tawa, at nalibugan sa site na ito. Maraming beses na rin akong nag tangkang magsulat ng storya ko dito. Actually, pangalawang entry ko na 'to pero kahit ni isa sa mga naisulat ko, wala pa akong natapos. Pero sa pagkaka taong ito, susubukan ko. Unang chapter pa lang to, hindi ko alam kung maganda ang pagkaka sulat ko.

Si Patrick ang may pakana bakit ko 'to isinulat, libre niya raw ako ng gym for three months para sa balik alindog project ko at dahil alam niya ang sakit ko as manunulat, may libre daw akong 2 months supply ng red Marlboro. At dahil cheap akong kaibigan, I will grab it hahaha.

By the way, kathang isip lang po ang storyang mababasa niyo, altough totoong naranasan ko ang lahat ng mga nangyari dito, especially yung part na seven years akong tanga. Anyway, hindi ko na inedit ang lahat, kung may grammatical error man, sorry na, kayo na magaling haha joke. Intindihin niyo na lang. Sa mga may gusto naman ng storyang maraming bastusan, hintay lang. O sige na, simulan niyo nang magbasa, sorry ang daldal ko.

To RFC,

Pitong taon na ang nakalipas pero mahal pa rin kita. Putang ina mo! Kahit one night stand lang, okay nako. Huhuhaha. Bye!

---

It's already 2AM and I'm lying in bed with nothing but the idea of what could have been's, I guess missing someone and not being able to see them is the worst feeling ever. Do you agree with me? Yung feeling na wala ka nang ibang magawa kundi magbalik tanaw sa mga araw na nagsasama pa kayo, pero ang totoo niyan, wala namang kayo. Shit! There isn't a day that goes by where I don't think of him. Nagsimula akong magbilang sa isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, hangang pito! Pitong taon! Pitong taong pangungulila, pitong taong umaasa, at pitong taong nasasaktan. Hindi ko naman din siya sinisisi, pero hindi ibig sabihin niyan wala na siyang kasalanan. Initially, it was not his fault that I fell for him, it became his when he started playing the game. When he told me he's not just in it for the win. I could have played the game of Patrick, baka ngayon masaya ako. But again, I can never blame him, hindi naman siguro niya kasalanan kung hanggang ngayon ay hindi pa ako nakaka move on sa kanya, baka nga hindi na niya ako kilala. Pero pag ganito ang nararamdaman mo, ano ba usually ang ginagawa? Pano ba talaga mag move on? yung effective ha! 'Wag yung naka base lang sa Google, kase lahat ng yun, ginawa ko na! Pero fail pa rin.

Should I find someone new? Magpaka pokpok, ganun? I feel like I'm waiting for something that is not going to happen.

I was their friend, it all started 7 years ago. I was first year college, both of them are graduating. I was 17, sila naman ay 21. I joined their acting club, Kuya Roy was the president at si Kuya Rence naman ang vice president. Unang tingin ko pa lang sa kanila during the interview, alam kong mag jowa na sila. The way they look at each other made me wish I had my own.

************

"So, tell us something about yourself." Seryosong panimula ni Kuya Rence, hindi man lang naka ngiti. Diba dapat naka ngiti? Para naman mawala nerbyos ng mga nag o-audition.

Naka upo lang silang dalawa at nasa harap naman ako't naka tayo. Hindi kalakihan ang silid pero kasya ang limang tao at sound proof. So kahit na magsisi-sigaw ako dito for the audition, hindi ako maririnig sa labas.

Huminga ako ng malalim at salitang tiningnan silang dalawa sa mata.

"Hi, ako nga po pala si Jay. 17 years old at nag babakasakaling maka sali sa inyong organization" Diretsong sagot. Hindi ko man lang nagawang ngumiti, nakaka badtrip kase.

"Yun lang?" Diretsong tanong ni Kuya Rence. Hindi muna ako naka sagot, ngayon ko lang naalala, ako pala may kailangan sa kanila, so dapat mag pa impress ako.

"Wala akong kapatid, prolly the reason why I like joining clubs, it allows me to experience the things that I never have. I like reading books and watching movies, usually Oscar nominated films. I'm also very critical about them, I like to talk mostly about books, movies, music, artists and politics." I stopped after seeing Kuya Roy na naka titig lang sa akin. It made me uncomfortable, ang gwapo niya kase!

"Well, thank you Jay." Sabi ni Kuya Roy sabay ngiti ng napaka sarap, "Are you ready for the actual audition?" dagdag niya.

May hawak na fish bowl si Kuya Rence at inabot niya ito sa akin.

"Kuha ka ng isa, read it and show it to us. That would be the scenario that you are going to act." sabi niya sabay abot ko naman sa bowl at kumuha ng isang pirasong papel.

Kinabahan ako nang binuklat at mabasa ko ang naka sulat sa papel.

"It says, Break-up" binasa ko sa kanilang harapan. Napalunok ako, not because I dont know how to act, but because I personally dont have any experience about break-ups and being broken hearted.

"Hmmm, that's interesting,have you ever been into a relationship?" Tanong sa akin ni Kuya Rence.

"Wala pa po but I think every person has at least one secret that would break your heart" tugon ko na kanila namang ikinamangha.

"I like you! I like your spirit!" Sabi ni Kuya Roy na agad ko namang ikina-ngangal, bwisit tong lalaking to. Hindi niya ba alam na crush at first sight ko siya? Isang banat pa, baka maibigay ko na virginity ko.

"Ehem!" Si Kuya Rence, napatingin ako sa kanya at kitang kita ko ang pagkaka irita niya sa akin. Tumayo na lamang ako ng tuwid at yumuko. Tumahimik.

"Okay,here's the scenario. I'll be your boyfriend,5 years na tayo at makikipag hiwalay ako sayo because I already fell in love with your best friend." I never had a boyfriend, wala rin akong bestfriend, how am I going to pull up this shit? Tanong ko sa sarili ko. Pero sa binigay na scenario ni Kuya Rence, biglang kumirot dibdib ko. Sa kawalan ng kaalaman, sa kawalan ng kaibigan, at sa kawalan ng nobyo. Im not pressuring myself to have those, I know I'll have my season in the sun pero kahit best friend man lang ba't wala ako? Sa idea palang nun, naiiyak na ako.

"Gets mo ba?" Kuya Rence snapped at bumalik ang wisyo ko sa realidad.

"Pardon?" tanong ko. Hindi ko namalayang, teary eyes na pala 'ko.

"Di ka naman nakikinig eh!" Iritableng sita ni Kuya sa akin/

"C'mon Hon! Give him a chance, ang init naman ng ulo mo" mahinanong sabi ni Kuya Roy sabay akbay kay Kuya Rence na agad namang huminahon. So, Honey pala? Naka tingin lamang ako sa kanila na tila ba nagbabasa ng storya na kailanma'y hindi mapapasaakin.

"Sorry po Kuya, ready na po ako" Sagot ko nalang ng hindi sila tinitingnan.

I always though I have enough confidence pero bakit parang wala akong masabi sa kanila? Takot? Hiya? Kaba? I dont think so. Inggit? Siguro, baka nga Oo. Bakit ba nakikita ko sa kanila ang mga bagay na wala ako? Yung mga bagay na hindi ko ni minsang naranasan.

"Okay, so just follow my lead okay?" Umupo ako sa sahig matapos yun sabihin ni Kuya Rence.

Alam kong nagtinginan silang dalawa sa aking ginawa kaya naman ay ipinag patuloy ko na lamang at naghintay sa senyas nila.

"Jay, let's talk." Mahinahong bati niya sa akin, nagsisimula na.

Lumuhod siya sa aking harapan. Hinawakan ang aking mukha upang maiangat ng bahagya. Enough to see my face. Halatang nagulat siya ng makita niya akong umiiyak na. Naka tingin lamang ako sa kanyang mga mata. Hindi bumibitaw habang walang humpay na tumutulo ang mga luha.

"How did you know?" Listong tanong niya sa akin na animo'y iiyak ano mang oras. Namangha ako sa kanya. Bukod sa pagiging gwapo niya, ang galing niya ring magpa kita ng emosyon sa mukha. Selos.

"You were..." putol kong tugon. Hinayaan kong luha muna ang kumausap sa kanya. "You were with him last night". This feels like a real one, my throat hurts trying not to let out a loud a cry.

"I'm sorry, for not being there. For falling out of love" at tuluyan na siyang umiyak. Ramdam ko sa boses niya ang pagsisisi at awa. Hindi ko narin napigilan ang sarili ko sa pag hagulgol. Nangyayari ba talaga to sa totoong buhay? Ano ba dapat ang sabihin sa taong aminadong hindi ka na mahal?

Hindi muna ako naka sagot. Hindi dahil sa hindi ko alam ang sasabihin, kundi masyado akong nadala sa sitwasyon at emosyon naming dalawa. Umiyak muna ako sa loob ng limang minuto, eto na yata ang isa sa mga pinaka masakit na pinag daanan ko sa buhay. To feel and live someone else's story.

Humugot ako ng lakas ng loob. Huminga ng malalim at sinabing, "It's not your fault for not being there. It's my fault for thinking you would always be." sabay ngiti at hawak sa kanyang kanang pisngi. Sinigurado kong kabisado ko ang mukha niya. Namumugto at nagsisising mga mata, sana naman hindi mangyari sa akin 'to.

Lumapit ako sa kanyang mukha. No! Im not gonna kiss him! Tumungo sa tenga at binulungan siya.

"Malaya ka na," Siguro hindi kailangang mahaba ang usapan kapag may nakikipag hiwalay sayo, tama na ang isa o dalawang salita. Kasi kahit anong haba ng explanation ang ibigay niya, hindi mo na rin naman mababago ang katotohanang, magkasama nga kayo pero wala na siya sayo.

Tumayo ako at dahan dahang nag lakad paalis pero bago ko pa man marating ang pinto nasa harapan ko na pala si Kuya Roy. Tumingala ako at nakitang pati siya ay umiiyak rin. Dun ko lang napagtantong, nasa audition pala ako.

Pumalakpak siya at niyakap ako ng napaka higpit. Kumawala na naman ang mga luha ko, lalo na ng maramdaman kong may isa pang taong yumakap sa akin sa may likuran. Si Kuya Rence.

"You're in!" sabay nilang sinabi sa akin.

---

4:OOAM na. May lakad pako mamaya pero hanggang ngayon hindi pa rin ako nakaka tulog, hindi na rin naman ako umaasang makaka idlip pa ako sa lagay kong to. Pinilit kong tumayo sa pagkaka higa at tumungo sa banyo. May malaking salamin ang sasalubong sa'yo pag bukas kaya kita ko agad kung gano ka haggard ang mukha ko.

"Look at yourself, you stupid fuck!" Bulong ko sa sarili ko.

Lumabas ako ng banyo at lumabas ng kwarto, nagtungo sa kusina at binuksan ang refrigerator para uminom ng fresh milk. Kinuha ko ang yosi sa ibabaw ng ref at lumabas ng bahay. Kumuha ako ng isang yosi at sinindihan ito.

7 fucking years, that's how long I've been suffering from the pain they caused me. I know malandi ako in nature, but you will know naman eh if someone is taking advantage of your innocence. I don't want to claim also that I am the victim, I'm tired of acting like ako ang naagrabyado at ako ang kawawa, ang akin lang naman is how to stop the pain. How am I going to stop the bleeding. I wish I could hurt him the way they hurt me, but I know if I had a chance, I wouldn't do it.

I'm going to meet Kuya Roy later, kakarating niya lang galing Singapore but I'm not sure if that would be a great idea knowing the state I am in. After 5 years of staying there, ngayon pa lamang siya makakauwi sa pinas. Nag chat siya sa akin kahapon, asking me to come and visit him sa bahay niya. Of course, I said I can't do that. I can't just bring myself to his house and act phony as if nothing happened. After my cold 'no', tinawagan niya ako.

"For old time's sake, di na ka na ba talaga pwedeng bumisita?" Tanong niyang may halong pag-mamaka awa. I don't know what to say.

"I'd love to--"

"So okay na? I'll cook something you'd love and of course may dala akong Marsh mallows, the one that we used to eat before"

"You don't understand. I'd love to. But I can't."

I don't know if I am speaking my truth. But when I said that, I felt like I'm closing the only open door that connects me to his world. It felt like I'm pushing away the only person that can make me happy. Breaking my heart again.

"Hindi mo pa rin ba ako napapatawad?"

"But hatred never really came" I never heard of that line before.

"Pero bakit nga hindi pwede?" Tanong niya

"I don't know, try to ask yourself Kuya. What could be the reason why I can't just show up into your house? Have you imagined the torture?" Iritable kong tanong sa kanya. I can hear his disappointment. I tried so hard, so fucking hard not to break down. But naramdaman ko nalang ang walang humpay na luhang umaagos mula saking mga mata. Fuck!

"Hey, sorry. I understand, by the way, my house is still open. You know the way." I ended the call.

"Let me think about it" bulong ko.

---

With my epic audition, I managed to join the drama club and became very close with Kuya Roy and Kuya Rence. Hindi naman pala ganun ka suplado ang gago.

"It was part of the act, para naman seryoso ang atmosphere ng screening. Kapag ako kase ang nagsasalita, hindi ko mapigilan ang mag biro, so someone has to act intimidating, so Rence did it"

Paliwanag sa akin ni Kuya Roy habang kumakain kami ng dinner sa malapit na Fastfood sa university. Kasama rin namin si Kuya Rence, of course, na siya namang busy sa kaka text sa mga bagong recruit din sa club.

Apat lang kaming naka pasok out of 15 applicants. They need people kase sampu nalang silang natitira sa club pero ayaw rin kase nilang ma compromise ang quality just because of it. Kaya I consider myself very lucky.

"Sam and Ivan are on their way, si Patrick naman baka hindi na daw siya makapunta dito" Sabi ni Kuya Rence sabay baba ng cellphone niya sa lamesa.

"May plano na po ba kayo sa kung anong story ang gagawin natin sa susunod na play?" Tanong ko sa kanilang dalawa.

Nagtinginan muna sila, prolly trying to figure out who is going to answer. Ang cute. Selos.

"Hmmm, actually hindi pa kami nakaka gawa ng script for the play, though we already have the concept." Sagot ni Kuya Rence habang naka ngiti.

"We will tell you more about it during our orientation, so chill baby boy." Singit ni Kuya Roy. I blushed upon hearing him call me baby boy.

Tapos na kaming kumain ng dumating si Sam and Ivan. Freshmen din tulad ko, both 17 and have the same course as me.

Ivan is tall, slim and handsome,purong pinoy pero sobrang puti. Parang lumaklak ng Gluta ang puta, kamukha niya si James Reid, but of course mas gwapo si James, kahawig lang ng 50%. Si Sam naman ay cute, the typical baby boy ika nga, hindi masyadong matangkad, moreno pero may hitsura.

"Hi guys, sorry we're late." paumanhin ni Ivan, I can sense the alpha aura. Ewan ko pero hindi ko minsan nagustuhan ang mga lalaking brusko ang dating, yung mga mayayabang at masyadong intimidating. But it's too early to judge.

"You better not do it the next time, or else, I'll have you removed" striktong wika ni Kuya Rence, I dont know if nasa character pa ba siya o totoo na ang ipinapakita niya.

"Sorry Kuya" yun na lamang ang taning nasabi ng dalawa.

Umupo sila sa aking tabi, at si Kuya Roy at Kuya Rence naman ang nasa harap namin. Nag-uusap usap lang sila apat at ako naman ay naka tanga lang sa cellphone ko. Trying to think and write my memo entry for this day.

October 13, 2011

Jealousy is just a lack of confidence. Maybe, maybe not, but I why do I feel intense self loathing every time I see them so happy and in love. Is this how human nature works? To feel alone if you see someone have the things you don't have? Jealousy?

Inilapag ko ang aking cellphone matapos kong ilagay ang entry na yun.

"Saan ka ba galing Jay?" tanong sa akin ni Kuya Rence. At bigla na lang akong natauhan. Tiningnan ko silang lahat na kanina pa pala naka tingin sa akin.

"I..I'm sorry, may iniisip lang ako" nakaka hiya! Pero tanging ngiti lang ang ibinigay sa akin ni Kuya Roy, kinilig naman ako ng konti.

"So, I was saying we'll have our orientation next week, Friday at ang mga bagong recruits ang bahala sa program, normally, ang old members ang gumagawa niyan, but iba kami dito sa club. It would be like introducing yourselves to all of us but of course, we'll have our response, for you to know how the organization works."

"Oh. Okay, that's fine."

"Nope, that's not all, ikaw ang assigned to lead the group so bagahe mo ang tatlong mokong" dagdag pa ni Kuya Rence.

Napalunok ako ng laway at tiningnan si Sam at Ivan na tanging pang-iinis lang ang isinukli. Ngumiti na lamang ako kahit hindi alam kung paano ba maging leader.

---

So what if I show up, what if puntahan ko siya pero madatnan silang dalawa? Do I have the courage and energy to confront them? To do the thing I never did before? Reconciliation? Takot. Awa. Selos?

Pero kahit anong away ang gawin ko sa sarili ko, nandito pa rin ako. Naglalakad patungo sa bahay nila. Hindi naman ganun ka layo, kaya nga masyado akong nasasaktan kase araw-araw kong nakikita ang bahay nila at nasasalubong ang Mommy niya na noo'y anak narin ang turing sa akin.

Ilang hakbang na lang at nasa harap na ako ng kanilang bahay. Pamilyar ang pulang gate na halos kasing tangkad ko lang. I used to hang around this house, this used to be my home. You really cant keep the things that are not yours. I actually have a checklist of the things that I missed in this house.

I pressed the doorbell. Plano ko, kung hindi siya lumabas ng bahay sa isang pindutan ay uuwi na lang ako. Will settle with the idea that I did visit him but he never came. Pero hindi paman nag-iisang minuto ay narinig ko na nag pagbukas ng pinto ng bahay nila. Bigla akong kinabahan. Should I run?

I suddenly felt nauseous, pati sikmura ko ay tila alam kung ano ang dapat kong reaksyon at maramdaman sa katangahang ginagawa ko. It's as if to remind me never to take the things that made me sick before. Is this how reality works? You stood up for something, you build a wall only to be destroyed by someone who became the reason why you did it? Stupidity at its best.

"You came!" Masiglang bati ng pamilyar na boses. Pamilyar. Halo halong emosyon ang sabay na aking naramdaman. Pwede pa bang umatras?

Tumungo ang aking paningin sa kanyang direksyon at sa isang iglap lang, bumalik ang lahat. Pait, sakit, hapdi at kirot, nangingibabaw ang sakit. Punyeta, pitong taon ko ring iniwasan ang mga bagay na 'to. At heto ako't kusang loob na lumalapit sa kanya, sa kanila, at sa sakit.

"Yeah..I. I guess, I did." Wala sa wisyo kong sagot sa kanya na naiilang na makita ang mukha niyang walang pinag-bago. Ang parehong mukha na noo'y sinamba at kina baliwan. Ang parehong tao na sumira sa akin at aking nasira. Siguro nga, this is a good decision, to make amends, to have a closure and to finally see if I can let go. Kung kaya ko na ba.

Binuksan niya ang gate at hindi pa man ako nakaka hakbang ay sinalubong niya na ako ng mahigpit na yakap. Yakap, check. He still smells like his old perfume. Amoy, check. Hindi ko alam na sobra ko pala talagang na miss ang init ng yakap niya. God, why can't it be?

"You don't have any idea how much I missed you bunso." Bulong niya habang naka yakap pa rin sa akin. I actually don't have any idea, pero alam ko wala din siyang ideya sa nararamdaman ko. Patas lang ang laban.

"I...I missed you too, Kuya" tugon ko na lamang at bumitaw na sa pagkakayakap niya. Alam kong nabigla siya sa ginawa ko pero base sa naging reaksyon niya, alam ko ring naiintindihan niya kung bakit ako naiilang sa kanya.

"Pasok ka. I prepared food for our lunch. You're gonna love it." Masaya niyang paanyaya sa akin. Pumasok naman ako't isinara ang gate. Sinundan ko siya ng tingin habang mabagal na naglalakad papuntang bahay. Tiningnan ko rin ang paligid, walang pinagbago. Fountain, check. Bonsai, check! fish pond, Talisay tree, bird house, check! check! check!

Pagpasok ko ng bahay, agad akong sinalubong na mabangong pagkain. Adobo, check!

"'Lika sa kusina, kain na tayo." aya niya saken. Tumungo naman ako sa kitchen at agad na umupo. Nagmasid ako ulit sa paligid. It feels like I was here yesterday, wala man lang nabago.

"Tayo lang bang dalawa?" diretso kong tanong sa kanya. Gusto ko lang namang makasiguro.

Lumingon siya sa akin at tinitigan ako ng ilang segundo bago kinumpirma na kami lang dalawa sa bahay. Pero alam kong iniiwasan niyang mabanggit si Kuya Rence.

"Let's eat?" ngumiti siya at umupo. Magkaharap kami sa lamesa at nakahain na ang paborito kong adobo. Patibong na naman kaya ito? Actually, hindi adobo ang nakapag pasuko sa akin. Mallows. Confectioneries, the only price he had to pay for me to drop my pants off.

Tumango ako sa kanya at nagsimula nang kumain. Hindi ko alam kung ano ang pag-uusapan namin, kaya kahit ang pagnguya ay iniiwasan kong maka gawa ng tunog.

"Ehem.." napatingin ako sa kanya. "Ang tahimik mo naman bunso. Magsalita ka naman oh." mungkahi niya. Pero hindi ko talaga alam kong paano magsimula ng conversation.

"Kamusta ka?" Tanong niya sa akin.

Gusto kong sabihin na okay lang, pero magsisinungaling ako sa sarili ko kung gayunpaman. Gusto kong sabihin sa kanyang nagbago na ang lahat simula ng iwan niya ako, ng iwan niya kame ni Kuya Rence sa ere. Gusto kong sabihin kung bakit hindi niya kayang panindigan ang isa sa amin, gusto kong malaman niya siya parin. At kahit na siya parin ang nasa puso ni Kuya Rence, gusto kong sabihin sa kanya na ngayo'y ako naman ang piliin niya. Gusto kong malaman niyang, sa pitong taong wala siya sa buhay ko, nagbago na ang lahat. Hindi ko na kilala ang sarili ko, hindi ko alam kung paano pa ako tatayo sa araw-araw na ginawa ng Diyos na wala siya.

Pero hanggang, "Okay lang naman, buhay pa. hehe" lang ako.

Nagpatuloy kaming mag usap habang kumakain, "Kamusta ang college?", "Kamusta ang buhay guro?", "Okay lang naman, busy pa rin", "Nakaka pagod minsan pero humuhugot lang ako ng lakas sa Drama club, the new kids are amazing and talented. You should meet them". Simula kase noong naka graduate sila Kuya Roy at Kuya Rence, ako ang naatasang mag lead sa club sa loob ng tatlong taon at ng akoý makapag tapos at nagsimulang magturo sa department, ako na rin ang ginawa nilang adviser.

"Ang layo na ng narating mo bunso. I'm so proud of you".

Ngiti lang ang tanging naisagot ko. Aside from confectioneries, isa rin ang compliments niya sa mga kahinaan ko. He knew that. I know where this is going. So I stood up to put my empty plate sa hugasan.

"Do you really hate me that much?" I was shocked by his question. Sa tingin mo?

"Oo!" Sagot ko habang naka talikod sa kanya. "You think I'd be glad to see you after all these years? Alam mo ba ilang taon?" Nanginginig na ako sa galit. What the fuck! I've been trying so hard not to let this out.

Humarap ako sa kanya at nakitang maging siya ay nagulat sa tono ko. Tiningnan ko siya ng diretso sa mga mata. He might have realized that I am more angrier than I sound by seeing my face.

"I know you're no good for me but it's worse without you! Even when I try not to want you I end up needing you." There, I said it. Hindi pa ito ang lahat ng gusto kong sabihin sa kanya pero this is the least I can do for myself and for my heart.

"I tried to hate you but the only thing I hated is how much I.. how much I loved you!"

Hindi ko na pinigilan ang mga luhang noon ko pa sana inilabas. And every drop seems heavier than I thought. Lumapit siya sa akin, thinking that him, coming near, is the remedy to all of my pain.

Just when he's about to embrace me, I stopped him. I composed myself.

"Please Kuya..Don't make me do things that I would regret. I don't hate you. I just don't want to give you the opportunity to hurt me again" pagmamakaawa ko sa kanya. Sumikip ang dibdib ko sa kakaiyak, pero kahit anong gawin niyang lapit sa akin, bayolente ko itong pinipigilan.

But just when I thought I win, nayakap na niya ako. At doon, sa oras na yun, umiyak ako na parang bata na ni minsa'y hindi pa nakaka kain sa Jollibee.

"I'm so sorry" bulong niya. But that's not enough. Hindi matutumbasan ng sorry ang sakit na naidulot niya.

Kumalas ako sa yakap niya at pilit na kinakalma ang sarili. This journey has been very arduous. May karapatan naman siguro tayong mapagod diba?

"I'm really glad I came" at dahan-dahan na akong naglakad palabas. Kuya Roy, no check.

Saktong paglabas ko sa gate, nagka salubong kami ni Kuya Rence. Oh great! Treason. Nahinto ako sa paglalakad at tila ba naka kita ng multo. Hindi ko rin naman ma ipinta ang reaksyon sa kanyang mukha pero halatang alam niyang nandito ako sa bahay ni Kuya Roy. Nagka balikan ba sila? Paano na ako? Selos.

"Bunso.."

Tumayo ang mga balahibo ko ng marinig ang boses niya.

---

AN: Pasensya na kung pangit haha. Pero nagsisimula pa naman eh, so sana naman bigyan niyo ako ng chance. By the way, this story will be divided into four chapters or five, depende nalang sa kung ano gusto ko. At dahil tamad akong magsulat baka maka update ako every two weeks kaya please pag pasensyahan niyo na kung matagalan hehehe.

Salamat sa pagbabasa. Abangan niyo po ang susunod na kabanata :*

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Someone Else's Story (Part 1)
Someone Else's Story (Part 1)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEh-o966jmybEm_3uoy2rvQK6__M9kqgdX7CAjP-_ToApAIVGbiQDftV9MB86CeakFYMBQLZbnlNkDtJ3PPLHy5TiCDyZjrxyrxkFiiIBZWj-Q1U-6c-dDU4o0jJSMLbGpGy-DO6X364rFG_/s1600/graham.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEh-o966jmybEm_3uoy2rvQK6__M9kqgdX7CAjP-_ToApAIVGbiQDftV9MB86CeakFYMBQLZbnlNkDtJ3PPLHy5TiCDyZjrxyrxkFiiIBZWj-Q1U-6c-dDU4o0jJSMLbGpGy-DO6X364rFG_/s72-c/graham.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2018/10/someone-elses-story-part-1.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2018/10/someone-elses-story-part-1.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content