$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Fireplace Song (Part 10)

By: Mckenzie Isang araw ay may isang lalaking lumapit sakin. Nagulat pa ako nang tawagin niya ako sa pangalan ko. Siya kaya si Pogi sla...

Fireplace Song

By: Mckenzie

Isang araw ay may isang lalaking lumapit sakin. Nagulat pa ako nang tawagin niya ako sa pangalan ko.

Siya kaya si Pogi slash Mr. Yabang?

Ang bata naman, tiyak na high school pa lang ang isang ito.

"Ako si Luigi, pinsan ako ni Kuya Chester."

Oh nose…

Kumunot ang noo ko pagkarinig sa pangalan ni Chester. Napansin kong may looks din si Luigi.

"Okay, can I help you?"

"Magpapaturo sana ako ng sayaw sayo. Kasali kasi ako sa Mr. University sa High School Division. Second year high school palang kasi ako eh."

Halos pareho nga sila ni Chester sa mga kilos at pagsasalita.

"Bakit hindi ka sa kanya magpaturo? Nagsasayaw din naman ‘yun ah."

"Mas magaling ka daw kasi sa kanya. Saka maiksi pasensya ni kuya hehe. "

Kainis, hindi na yata talaga mawawala sa buhay ko ang Chester na ‘yan.

"Sige na naman, turuan mo na ako. Malapit na kasi ang competition. Three days na lang at laban ko na." paawa effect pa ang bata.

“Uhmmm…”

Haay, pumayag na rin ako. -____-

Kinuha niya ang phone number ko, kinuha ko rin yung number niya syempre. Sinabihan ko siyang tuturuan ko siyang magsayaw every afternoon pagkatapos ng classes ko. Nag-thank you naman siya.

---

Kinabukasan ay nag-practice nga kami ng sayaw ni Luigi.

Madali naman siyang turuan pero hindi masyadong magaling mag-execute ng steps. Mga 6pm na noon at nagulat na lang ako nang biglang dumating si Chester at pinanood ang pagtuturo ko kay Luigi.

Hindi man lang niya ako pinansin kaya naman deadma ko lang din siya. >.<

Natapos naman namin ni Luigi ang steps kaagad. Polishing na lang ang kailangan. Nakaupo lang si Chester sa isang tabi at nagse-cellphone, nagte-text.

Ako naman tong si gago, iniisip kung sino kaya ang ka-text niya.

Ayt, parang nagseselos pa yata ako. >.<

Oo nga, mahal ko pa siya. Pero wala na talaga kami. Wala na akong magagawa. Kahit na ano pang nararamdaman ko ay hindi na mahalaga ngayon.

Pinagsayaw ko si Luigi nang hindi ko sinasabayan. Para naman makita ko kung nakabisado niya yung steps na itinuro ko sa kanya.

Nagsimulang magsayaw si Luigi. Nakita ko namang nagte-text pa rin si Chester.

Nakakainis! >.<

Tunog nang tunog ng cellphone ng hinayupak. Mukhang maraming katext.

Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan kung may message ba ako.

2 messages received. Ang lahat ay galing kay Pogi slash you know what.

Unang message: Musta po? sana ok ka ngaun.

Second message: Momo, miss na nman kita. mgtxt ka nman oh.

Kahit na medyo naiinis ako kay Pogi ay ni-replyan ko na rin siya. Para lang makasabay ako kay Chester. Lol.

Hindi man lang kasi niya ako tinatapunan ng tingin at apura lang ang text sa cellphone niya.

Sinigurado kong hindi na naka-silent ang phone ko para marinig din ng Chester na ‘yun na may katext din ako. Lol. Gantihan lang yan.

Si Luigi naman ay tuloy lang ang sayaw sa harap namin. Para bang nawala na siya sa pakialam namin ni Chester. Biglang tumunog na naman ang message alert ni Chester.

"Aherm!" sabi pa ng lintek! >.<

Papansin! Kainis!!

Syempre hindi naman makakalampas sa pandinig ko ang tunog ng cellphone niya no! Hindi ako bingi! Dafuq!

Nang-iinis lang talaga.

Ang cellphone ko naman ang tumunog. Dalawang message na magkasunod. Turn ko na para mang-inis din.

"Aherm-herm!" syempre dalawa yung nareceive ko, kaya aherm-herm. LMAO. XD

Napansin ko namang nakatitig sakin si Chester kaya naman todo ang ngiti ako habang binubuksan ang mga messages ko.

Sinigurado kong makikita niya na masaya ako para lalo siyang mainis. :P

Ang unang message ay galing kay Pogi.

Nagdinner knb? Wag kang mgpa2gutom ha.

Natuwa naman ako talaga sa message ni Pogi kaya naman hindi na natanggal ang ngiti ko habang nagta-type ng sagot ko sa kanyang message.

Sinabi ko kay Pogi na hindi pa ako kumakain pero busog pa naman ako. Nagpasalamat na din ako sa kanya dahil lagi siyang nagpapakita ng concern sakin.

Narinig ko na namang tumunog ang cellphone ni Chester. Naasar na naman ako.

Pero syempre, hindi ko iyon ipinahalata. Nakangiti pa rin ako habang binubuksan ang pangalawang message na natanggap ko.

Pinilit ko pa ring hindi tanggalin ang ngiti ko sa mukha kahit na ang nabasa ko sa message na na-receive ko ay..

Natigil na ang iyong.... Chu chu ek ek keverlu keverlu and all that!..

Waaaah! Ngayon pa nakisabay ang expiration ng unli ko! ‘Pag naman talagang tinamaan ka ng malas. >.<

Buti na lang at may extra load pa ako kaya lang ay hindi na yun sapat para makapag-unli ulit ako. Hinayaan ko na lang, uubusin ko na lang ang natitira kong load.

Nagpatuloy ang pagte-text at pagtunog ng mga cellphone namin. Ayaw talagang magpatalo ng isa't-isa. Para bang kung sino ang unang bibitiw sa cellphone ang siyang matatalo. Naging contest pa ngayon ang pakikipagtext. Lol. xD

Talagang itinuon ko ang attention ko sa pagtetext kay Pogi. Hanggang sa napansin kong nakaupo na pala sa harap ko si Luigi at nakangiti.

"Tapos na." sabi pa ng bata habang hindi pa rin nawawala ang ngiting para bang napakapilyo. Namula naman ako pagkasabi niya nun.

"Very good. Uh, kaunting practice na lang." sabi ko na lang para mawala ang pagkapahiya ko.

Ang totoo niyan ay hindi ko naman napanood ang pagsasayaw niya.

Maya-maya ay si Chester na ang nagtuturo kay Luigi. Ako naman ay nakatingin na lang sa magpinsan. Sinasabihan ni Chester si Luigi na ayusin ang pagsasayaw. Itinuturo nito ang tamang galaw tuwing makikita nitong hindi maganda ang pagkakasayaw ni Luigi.

Natuwa naman ako sa pinapanood ko. Natapos din kami nang bandang 8pm. Nag-prisinta silang dalawa na ihatid ako sa bus terminal.

Wala na kasing jeep nang mga oras na yun kaya magba-bus na lang ako. Hindi na ako tumanggi sa paghatid nila sakin.

---

Nagkita ulit kami ni Billy kinabukasan. Kumain kami sa school canteen. Binabalak ko na rin na sabihan si Billy na tigilan na namin ang paglabas-labas nang magkasama dahil gusto ko nang maging fair sa kanya.

Ayaw ko nang palakihin pa ang mga pagkakamali ko. Lately, nararamdaman ko rin na parang unti-unti nang dumidistansiya si Billy sa akin. Hindi na kami ganun kadalas magkasama tulad ng dati.

Nagsimula iyon nung nakita niya yung picture namin ni Chester. Natapos kaming kumain ay hindi ako nakakuha ng tiyempo.

---

Nung hapon na yun ay nagpractice ulit si Luigi ng sayaw para sa laban niya kinabukasan. Ayos naman at nakita kong magaling na ang pagkakasayaw niya ng mga steps. Nandun pa rin si Chester pero hindi pa rin kami nagpansinan.

Ininvite ako ni Luigi na panoorin ang laban niya bukas. Pumayag naman ako. Sinabihan ko siya na itext na lang ako para hindi ko makalimutang pumunta.

Ayt, absent na naman ako sa mga subjects ko. Hindi malayong mabagsak na ako neto. Lol.

Malaki naman ang tiwala ko na mananalo si Luigi. Pogi kasi ito at may talent naman talaga. Maganda rin naman ang hubog ng katawan nito kung tutuosin.

Pagkatapos ng practice ay inihatid ulit ako ng magpinsan sa terminal ng bus at doon ay nagpasalamat sakin si Luigi.

"Salamat Momo ha. ‘Wag kang mag-alala, gagalingan ko talaga bukas. Para sa inyo ni Kuya Chester. Hehe."

Kumunot ang noo ko pagkarinig sa sinabi niya. Magsasalita pa sana ako nang bigla na itong tumalikod at lumapit sa gawi ni Chester. Kumaway pa ito bago sila umalis. Si Chester naman ay nakatingin lang.

Haay ewan.. >.<

---

Nung gabi naman ay si Mr.Yabang/Pogi ang inasikaso ko. Gusto ko na talagang malaman kung sino siya. Sinabi kong magkita na kami para makapag-usap kami nang personal kung ano man ang ginawa niyang kasalanan sakin. Nag-reply naman ito agad at sinabing hindi pa raw siya handa na makipagkita sakin.

Nyeh, sa loob-loob ko. Ganun ba kalaki ang kasalanan niya para kailanganin pa niyang paghandaan? >.<

Pogi : bsta ptawarin mo ako sa mga kslanan ko sayo ha.

Momo: Depende yan kung ano ba ang kslanan mo sakin. Mukhang madami ah, kelangan n tlga natin mgkita.

Pogi : Ok cge, bukas sa hi-skul competition. Pink polo shirt ang suot ko.

Momo: Wait, bka hindi ako pede bukas. Sa ibang araw na lang.

Pogi : Bukas n tau mgkita.

Momo: Baka nga hindi tayo mgkita bukas. wag kang mkulit. >.<

Baka kasi kailanganin ako ni Luigi bukas sa laban niya. Kaya kelangan ay nasa tabi lang ako ni Luigi bukas. Baka kasi kabahan ito at ma-blangko sa stage at kung anu-anong sayaw ang gawin.

Pero hindi na ulit nagreply si Pogi.

Nakakainis you know!

Nagtext pa ulit ako sa kanya at sinubukan siyang tawagan pero hindi naman niya sinasagot.

---

Kinabukasan, malapit nang magsimula ang contest.

Kasama ako ni Luigi sa backstage. Wala naman doon si Chester. Napansin siguro ni Luigi na parang may hinahanap ako.

"Mamaya pa siya dadating. May dinaanan pa kasi sa bayan." sabi bigla ni Luigi.

"Sino?" tanong ko naman.

"Si Kuya." simpleng sagot ni Luigi.

"Hindi ko siya hinahanap no."

"Alam ko na ang lahat sa inyo. Haha."

O.o

Hindi na lang ako sumagot. Walangyang Chrster ‘yun.

Pero parang okay lang naman kay Luigi. Mukang natutuwa pa nga ito.

---

Maya-maya lang ay nagsimula na ang contest. Malakas talaga ang laban ni Luigi dahil angat siya sa karamihan ng mga contestants.

Nag-aalala naman ako sa pagkikita namin ni Pogi. Wala akong idea kung kelan siya susulpot sa harapan ko.

Lagi ang pagsulyap ko sa lahat ng direksyon para lang makita kung may naka-pink na polo shirt sa paligid.

Ang daya talaga!

Nasa kanya ang decision kung magpapakita pa siya sakin. Samantalang ako dito ay praning na praning. Nagtetext ako sa kanya pero hindi naman siya sumasagot. Kainis talaga.

Nanatili lang akong nakaupo malapit sa stage kung saan nakatayo ang lahat ng mga naglalaban. Kitang-kita talaga kay Luigi ang confidence. Parang naglalaro lang ito sa stage. Saka siya rin talaga ang tinitilian ng karamihan sa audience.

Ang daming malandi! Makatili parang walang bukas?

Kaya naman lalong lumalakas ang loob ng loko.

---

Malapit nang matapos ang competition ay hindi pa rin nagpaparamdam man lang si Pogi.

Tae talaga. Wala na yatang balak magpakita sakin, hindi man lang magsabi para naman mapanatag na ako sa kinauupuan ko.

Sobrang nako-conscious ako sa itsura ko dahil feeling ko ay lagi lang siyang nasa malapit at abot-tanaw ako.

Haay, kainis.

Sandali lang at matatapos na ang contest, sasabihin na ang mga nanalo.

Unang tinawag ang second at first runner up. Hindi naman natawag ang pangalan ni Luigi. Malakas talaga ang pakiramdam ko na siya ang mananalo.

Ang natitira na lamang ay ang grand winners ng contest.

Unang tinawag ang nagchampion na babae. Wala naman akong pakialam sa kanya syempre. Lol.

Si Luigi lang talaga ang ipinunta ko dito.

Nawala na ang pakialam ko kahit kay Pogi na baka nasa gilid-gilid lang at naghihintay ng tamang tyempo para magpakita sakin. Sandali lang at ini-announce na ang nanalo sa mga contestants.

Si Luigi!

Agad naman itong lumakad sa harap ng stage at hinintay na ibigay sa kanya ng mga judges ang kanyang trophy at sash, certificate at envelope.

Umakyat din sa stage ang parents ni Luigi. Nagkislapan ang mga camera sa harap ni Luigi.

Deserving naman talaga siyang manalo dahil sa angkin niyang kagwapuhan.

Napakagaling din niya sa talent portion. Bawat galaw niya sa pagsasayaw ay madidinig ang mga tili ng malalantod na mga babae na naroroon. Maganda rin naman ang kanyang naisagot sa question and answer portion.

Talagang siya ang mananalo. Alam ko na ‘yun kaagad.

Maya-maya lang pagkatapos ng mga kuhanan ng pictures ay nagpunta na sa baba ng stage ang mga candidates.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at nagtype ng "Congratulations!" sa phone ko para maisend kay Luigi.

Naglalakad na ako palayo nang tumatakbong lumapit sakin si Luigi. Kasunod naman nito ang mga parents niya at si Chester.

Si Chester.

Pagkakita ko sa kanya ay naramdaman ko na naman ang pagmamahal ko sa kanya.

Haay.. T.T

"Momo, salamat ha." sabi ni Luigi pagkalapit sakin.

"Hindi ako mananalo kung ‘di dahil sayo. " sabi pa.

"Ano ka ba. Ikaw talaga ang mananalo kahit hindi ako ang nagturo sayo. Ang galing mo kaya kanina!" sagot ko. ^.^

"Basta, salamat." Hindi ko naman napansin na papalapit pala sa tabi ko si Chester.

Iniabot niya sakin ang sash na napanalunan ni Luigi sa pagiging best in talent portion.

"Dapat ay para sayo ito." sabi ni Chester. Diretso ang tingin sa mga mata ko.

"Naku naman, hindi naman ako ang kasali sa contest." aktong ibabalik ko sa kanya ang sash na iniabot niya sakin.

Feeling ko ay namumula ang mukha ko dahil nakatingin silang lahat sakin.

Pati na ang parents ni Luigi na nakita kong nakangiti.

"Sige na, para sayo talaga yan." sabi naman ni Luigi nang nakangiti rin.

Wala na akong nagawa kundi ang tanggapin ang sash.

“Arigato.”

“Maraming salamat hijo.” sabi ng mama ni Luigi.

“Naku, wala po iyon.”

Nanatili namang nakatayo si Chester sa harap ko. Nakatitig lamang ako sa hawak kong sash nang bigla na naman siyang magsalita.

"Wala ka bang napapansin sakin?" tanong ni Chester sa mahinang boses.

Unti-unti nang lumayo sa pwesto namin si Luigi at ang mga magulang nito. Nag-angat ako ng paningin at tumingin sa mukha ni Chester.

Naguguluhan ako sa tanong niya at siguro ay nag-reflect ang confusion ko sa aking mukha kaya siya napangiti.

"Naka-polo shirt ako. Pink." sabi niya habang nakatitig pa din sa mga mata ko.

---

Matagal bago ko nakuha ang sinabi niya.

Pink polo shirt.

Hindi ko na kailangan pang magbaba ng tingin para makita kung ano nga ba ang kulay ng suot niya. Sa pagkakatitig ko sa kanyang mukha ay nakikita ko na rin ang kanyang damit.

Siya si Pogi.

Siya si Mr. Yabang.

Siya si Pogi slash Mr.Yabang na may malaking kasalanan sakin.

Hindi ko alam kung paano magre-react.. (Insert reaction here, please..)

Didn’t you at one point, think that maybe it was him? My heart kind of sank into my stomach.

Naisip ko na baka siya nga si Pogi pero hindi pa rin pala ako handa sa situation na ito.

Iniiwas ko ang tingin ko sa kanya at tumalikod para umalis.

Sometimes I get tunnel-visioned, and everytime it happens, I find myself walking away from the place I got the uncomfortable feeling from.

Naglakad lang ako hanggang sa makarating ako sa classroom namin. Hindi ko matandaan na dito pala ako nagpunta. Basta dinala na lang ako dito ng mga paa ko.

Pumasok ako sa classroom nang nakatulala. Nagtuloy-tuloy sa upuan ko at naupo habang ang mga classmate ko ay natahimik pati na rin ang professor namin na napatigil sa pagsasalita.

Hindi ko naman pansin ang reaction ng lahat sa pagpasok ko nang pabigla-bigla.

Hindi naman nagtanong ang teacher namin kung bakit ako na-late nang napakatagal. Maya-maya lang ay nagpatuloy na ito sa kanyang discussion. Wala pa rin akong pakialam sa paligid. Physically present pero mentally absent ako sa klase.

---

Lumipas ang ilang araw nang maayos. Hindi ko na lang inisip ang mga huling nangyari sakin. Ang sakit sa ulo. Ayaw ko na ng gulo.

Mag-aaral na lang ako..

Uuwi, kakain, matutulog…

Kahit ang pagtetext ay nakatamaran ko na rin. Gusto ko na talagang maging simple ang lahat.

Madalas pa rin akong itinetext at tinatawagan ni Chester, also known as Pogi. Hindi na lang ako nagrereply at hindi ko din sinasagot ang mga tawag niya

Minsan ay nakulitan ako at sinagot ko na rin.

“Momo..”

“Please stop what you are doing. I’m better off without you. Nananahimik na ako. Don’t message me, do not call, don’t even think about me, okay!”

Matagal bago siya nagsalita.

“I just wanted to say I’m sorry for everything. That’s it, thanks for answering this phone call. Ingat ka lagi.”

I felt empty.

That’s fine. I’m used to this feeling.

---

Palapit na ang dance concert at puspusan na ang practice namin. Minsan ay ginabi kami sa pagpa-practice.

Hindi kasi kami pinauwi ni Ma’am Gwen hanggang hindi namin natatapos ang isang sayaw. Maya-maya ay nagpaalam na sakin si Dex.

"Best, mauna na ako sayo, may dadaanan pa kasi ako sa bahay ng tita ko eh." sabi ni Dex habang nag-aayos ng gamit sa bag.

"Sige, ingat best, ‘wag tanga.”

“Excuse me, ako?? Tanga?!”

“Hindi mo nadinig?” xD

Roll eyes siya. Jusko, nagpuro puti ang mata ng bakla. Lol.

Naghahanda na din akong umuwi. Natapos na ako sa pag-aayos ng gamit at hinintay si Billy para ayusin din ang mga damit niya.

Ihahatid daw niya kasi ako sa sakayan ng jeep kaya naman pinauna ko na ang mga kasamahan namin.

Kami na lang ni Billy ang nasa gym. Maya-maya ay may limang lalaki na lumapit kay Billy.

Mga barkada niya.

Kinausap siya ng mga ito. Matagal-tagal din ang kanilang pag-uusap kaya naman inip na inip na ako. Hinintay ko pa rin na lapitan niya ako sa aking kinauupuan.

Pero habang tumatagal, parang hindi na niya napapansin na nandoon ako at naghihintay sa kanya.

Aiszt gusto ko na talaga umuwi dahil pagod na ako. >:(

Pinagmasdan ko lang siya habang masaya siyang nakikipagkuwentuhan sa mga kaibigan niya.

I think this is the best time. The right time.

A few minutes after, lumapit na siya sakin.

“Momo.” nakangiti siya.

“Billy, can we talk?”

“Uhm, sure.”

Ayt hindi ko alam kung paano sisimulan..

“I just need to tell you something.”

Nakangiti pa din siya habang nakatingin sa mga mata ko.

“You’re thinking we should stop this? Now?” his smile steady.

Exactly.. T.T

Napatango lang ako sa sinabi niya..

“Thanks baby..”

Napatingin ako sa mukha niya.

“Thanks for being honest. I appreciate it.”

My eyes became teary.

“Billy, I wouldn’t like to hurt you in any way. I’m sorry..”

“Oh don’t cry. It’s okay..”

Niyakap niya ako nang mahigpit.

“Ihahatid na kita..”

“Uhm, no need. I know you’re tired too.”

“Pero-..”

“I’m okay.”

Nabasa siguro niya ang ibig kong sabihin kaya pumayag na din siya. We should start keeping distance. And now is the best time to do that.

Tuloy-tuloy na ito. As in plain na lang ang buhay ko simula ngayon.

Naglakad ako papalabas ng gym at agad na tumawag ng tricycle. Gabi na noon at nakakatakot nang maglakad sa daan. Malayu-layo rin kasi ang gym sa terminal ng jeep pauwi sa amin.

Naalala ko si Chester. I just wish he’s doing good. Bumalik na naman sa isip ko lahat-lahat ng masasayang memories namin.

Memories..

They’re all I’ve got.

Lumilipad ang isip ko habang nakasakay sa tricycle. Nagulat ako nang biglang inihinto ng driver ang tricycle sa parteng walang tao.

Lalo akong nagulat nang makita ko na may hawak siyang ice pick. Nakatutok iyon sakin.

"Akin na ang cellphone mo."

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Fireplace Song (Part 10)
Fireplace Song (Part 10)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEggWy6wocMaNg7jpuTrfIUBcPUe_N6oeF0UKj_3JSgRGvGJNU5lvX4T_-qXIwb0z2ZR6qLiTBEudx_mNcrpmCGUi1mBvVu_tucA_VUfe_jC-G3uWsMItTDcdb9dnMOJhjTEPmnBWd6jLpTZ/s1600/40652199_313236846106212_5730288485446394885_n.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEggWy6wocMaNg7jpuTrfIUBcPUe_N6oeF0UKj_3JSgRGvGJNU5lvX4T_-qXIwb0z2ZR6qLiTBEudx_mNcrpmCGUi1mBvVu_tucA_VUfe_jC-G3uWsMItTDcdb9dnMOJhjTEPmnBWd6jLpTZ/s72-c/40652199_313236846106212_5730288485446394885_n.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2018/11/fireplace-song-part-10.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2018/11/fireplace-song-part-10.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content