$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Someone Else's Story (Part 2)

By: Patroclus A/N: Hi Guys, it's me again. Eepal sa blog na 'to. Thank you very much for those who took time to read the story. P...

Someone Else's Story

By: Patroclus

A/N: Hi Guys, it's me again. Eepal sa blog na 'to. Thank you very much for those who took time to read the story. Paki subaybayan niyo na lang kung may time kayo haha. Please leave a comment if you like the story or click recommend. If you have any suggestions on how the story should go, you can always tell me. I'm still open for suggestions. Thank you!

Tinanggap ko ang hamon. Alam kong magiging mahirap pero kakayanin ko. I have to make an impression.

Matapos ang dinner namin, kinuha ko ang number ng lahat ng myembro ng club. Including Kuya Roy and Kuya Rence.

As for Ivan, Sam and Patrick. I already talked to them, we will meet later for an overnight planning. Apat lang kami, kaya ako kinakabahan kase baka hindi namin kayanin. Pero everytime I remember Kuya Roy's face when he told me that he trust me, nawawala ang pag-aalinlangan ko. Ang overnight ay dito lang din sa apartment ko, hindi kase kasya doon sa boarding house ng tatlo. Room mates lang pala sila, kaya madali para sa akin ang ipunin sila. I still havent met Patrick, pero siya ang ka text ko and he's funny. I dont know pero turn on kase sa akin pag napapatawa at napapa reply ako kaagad sa text, hindi ko kase hilig yun.

It's already 5PM at ang usapan ay pupunta sila dito ng 6:30. I already prepared our food for dinner, snacks at pati ang kwarto.

Maliligo na sana ako nang marinig kong may kumakatok sa pintuan.

"Sandali!" Sigaw ko, masyado kaseng malakas ang pagkaka katok niya.

Nagulat ako ng pagbukas ko ng pinto ay nakita ko ang isang hindi pamilyar na mukha. Nabasa niya siguro ang takot sa akin kaya bigla siyang nagsalita.

"Huy! Si Patrick to, baka kung ano na iniisip mo jan! Hahaha" wika niya. Natauhan naman ako at nawalang bigla ang takot na siyang napalitan ng inis.

Sumimangot ako habang naka tingin sa kanya.

"Dapat kase nagpapakilala o nag tetext man lang." Sabi ko sa kanya. Tinawanan niya lang ako. Gago to!

"Di mo ba ako papapasukin?" Tanong niya habang naka ngiti. In fairness, cute siya. Matangkad at may kapayatan. Yung mga tipong twink? haha. Unang tingin ko pa lang sa kanya, alam ko nang pilyo siya.

"Pasok ka sir!" sarkastiko kong tugon sa kanya habang umiirap. Natawa lamang ang gago.

Naglakad kami papuntang sala at manghang mangha siya habang tumitingin sa paligid. Kesyo mayaman daw ako, ang laki daw ng apartment ko, bakit daw kulay blue ang lahat ng gamit ko, bakit ang bango ng apartment, bakit ang ganda ng sala at...

"Ang gwapo mo."

I blushed for a second, not knowing what to say. I didn't get much compliment when I grew up. Kung meron man, that's because of my brain, not because of my physical appearance.

"Nilalandi mo ba ako?" tanong ko sa kanya habang naka pamewang. Umupo siya sa sofa habang ako nama'y naka tayo lang at tinitingnan siya. Gwapo nga.

He looked at me intently. "Bakit, nagpapalandi ka ba?" sagot niyang tanong sa akin and then I realized, I just made the atmosphere awkward.

Gago 'tong lalaking 'to ah! This is our first meeting and he just created a very very naughty impression. At dahil hindi ko na alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Inirapan ko na siya at tumungo na sa CR para maligo.

"Make yourself comfortable, Mr. Naughty guy. Maliligo lang ako." Bigkas ko bago tuluyang pumasok sa banyo. Narinig ko naman siyang pumalag sa sinabi ko. Hindi daw siya naughty, nice lang daw. Nice sa mukha niya! Kaming dalawa pa naman ang tao dito sa apartment, baka kung ano magawa ko sa kanya. Hahaha

Trenta minutos ako nagbabad sa tubig at nang matapos ay lumabas ako at tinungo si Patrick sa sala, baka kase ano na ang ginagawa niya.

"You also love fishes?" Tanong niya sa akin habang naka tutok lang sa aquarium ko, yep, I love fishes. They keep my mind peaceful. Lumapit ako sa kanya at tumabi. Maliit lang aquarium ko at dalawang itim na Telescope eye goldfish lang ang laman.

"Meet, Achilles and Patroclus" at tinuro ko ang mga isda. Walang kamalay malay sa paligid, walang pakialam.

Tiningnan ako ni Patrick. Amazed. As if I said something that brought him down the memory lane.

"I love Achilles and Patroclus" wika niya habang naka tingin lang sa akin at manghang mangha.

"Yeah, I think they would've been a great couple" sabi ko sa kanya. Which is true, I've read the Iliad when I was a kid, I did not understand it all but I know, Achilles loves Patroclus, more than just a brother. Their relationship is other worldy and has transcended into something only them could fathom.

Tumayo ako para maibsan ang awkward na pagtatagpong iyon. Naka tapis lang kase ako ng twalya at wala nang iba, si Patrick naman, kung maka tingin, parang ginagahasa ako in a good way. Haha meron ba nun?

"But I think, Homer did not realize how relevant these characters could have been if he labelled them as a couple. We need Achilles and Patroclus now, more than ever." Naging seryoso siya habang sinasabi yun. Now, I'm amazed. I've never met someone as passionate as him when it comes to Achilles and his lover, minsan kase, most kids of my age, kung nadidiscover nila ang Iliad or any greek mythology stories, focus lang sila sa gods and goddesses. They have way bigger stories written about them, more songs sang for them, but the greatness of Achilles and Patroclus' love to each other deserves more than the Iliad.

Then upon thinking all of this, I remembered how painful it was when I read their story. It gets to me, all the time. On how it felt like I've always been Patroclus with out an Achilles. The thought suddenly saddens me. Then I felt something wet touches my face, reminding me that I am alone.

Alam kong nakita ni Patrick ang mukha ko, pero bago pa man siya maka pag react, mabilis akong tumakbo patungong kwarto.

Dito ako magaling, ang mag drama. Kaya siguro mas madali sa akin ang sumali sa drama club kase lahat nalang ng bagay, nahuhugutan ko.

Nagdamit ako at inayos ang sarili bago lumabas ng kwarto at agad na tinungo sa Patrick.

"Are you okay?"Tanong niya sa akin.

"Yup, I just read too much kaya ganun, may naalala lang" sabi ko sa kanya habang naka ngiti. Tinabihan ko siya sa sofa at tinanong kung papunta naba ang dalawa dito sa apartment. Sabi niya papunta na raw.

"Come, help me prepare the food para kain nalang muna tayo before we start our meeting" sabi ko sa kanya. Tumango lamang siya at ngumiti.

Tinungo namin ang kitchen at tinulungan niya akong ilagay ang mga niluto ko sa lamesa.

"I also read the Iliad when I was a kid. I did not understand much of it. hehe" wika niya habang nilalapag ang mga plato sa lamesa.

"Ako rin naman eh, pero sa part ni Achilles at Patroclus, dun ko lang naintindihan ang lahat." Tugon ko sa kanya. Pero bago pa siya maka sagot ay narinig naming may kumakatok sa pintuan.

"Dito ka nalang muna, ako na ang magbubukas ng pinto" sabi ko sa kanya at ngumiti.

Tinungo ko ang pintuan upang buksan ito, at nakita ko si Sam at Ivan na naka tayo sa harap.

"Hi, pasok kayo" bati ko sa kanila. Agad naman silang pumasok at nakipag beso sa akin. They know I'm gay, that's the reason for the courtesy.

"Wow, ganda naman ng apartment mo!" manghang mangha si Sam ng sinabi niya yun.

"Bigay sa akin ng magulang ko" tugon ko sa kanila.

I told them to put their things on the sofa at dumiretso na kami sa kusina kung saan nandun si Patrick naghihintay. Alam ko pagod o di kaya'y gutom sila kaya plano ko after eating, usap usap nalang muna.

"Ang aga natin ah! May plano na ba?" Biro ni Ivan kay Patrick ng madatnan naming naka upo na siya.

"Nakaka hiya ka naman, baka isipin ni Jay hindi ka namin pinapakain sa bahay! Hahaha." dugtong ni Sam.

"Pake niyo ba, ang bagal niyo kaseng gumalaw eh." tugon naman ni Patrick sa kanilang dalawa.

Pumwesto na kami at umupo.

"Mamaya na yang harutan, kain na tayo" sita ko sa kanilang tatlo. "I don't pray, so if you want to, you can and you may." dugtong ko. Baka kase religious sila at ma offend kung kumain ako ng hindi nagdadasal.

"Haha don't worry walang Diyos ang mga gagong to."sabat ni Ivan. Kahit kailan talaga, pilyo.

We started eating but none of them are talking, nahiya siguro sa akin. So I broke the silence by asking them about things para mas makilala ko sila. Im gonna deal with these men so I need to know them more. Una kong tinanong si Ivan about his background. Mawili naman siyang sumagot, energetic na bata at halatang pala biro.

"By the way, Im gay" casual nitong sinabi sa akin, sa amin at based sa reaction nila, they already knew. Ako naman, shookt to the highest level.

"Oh! That's surprising" Sabi ko sa kanya na halatang nagulantang. Seriously? Sa kanilang tatlo kase, Ivan would be the last person na pag iisipin kong bakla.

"Haha, masyado mo namang ginulat si Jay, Ivan!" Biro ni Sam.

"By the way, I'm gay too. Hehe" dugtong pa nito na halos ikahulog ko na sa upuan.

"What the actual fuck?!" sabi ko sa kanila at tumawa lang ang tatlong mokong.

"So, mag nobyo kayo?!" Tanong ko sa kanilang dalawa. Nagtinginan lang sila. Napahinto ako, alam ko ibig sabihin nang ganung tingin. Kuya Roy at Kuya Rence. So sila nga.

"Yup, hehe. Hndi pala halata?" Sagot at tanong ni Sam. Lingo lang ang tanging naging reaction ko sa kanya.

Tiningnan ko naman si Patrick, as if to tell him na sabihin niya ring bakla siya.

"No, he's not, ayon sa kanya." Sabat naman ni Ivan. Nabasa niya ang mukha ko.

"According to him, hindi daw siya bakla. Pero ewan ko lang talaga! Hindi nalang ako mag co-comment." Sam said.

Natawa naman ako dun, pero at the same time, parang may kumirot. I don't know, prolly because I thought he's gay and I thought I could like him or he can like me, but because of what they told me. Gumuho yung katiting na pag-asang baka siya na. O baka ambisyoso lang talaga ako. Hindi niya naman kasalanan.

"Uy! tumahimik nga kayo!" sabi naman ni Patrick na parang wala lang sa kanya ang lahat. I knew it.

Nagpatuloy nalang akong kumain at nanahimik, I know they felt the change of my mood kaya siguro nagpatuloy nalang din silang kumain. 'cant blame myself. Nang matapos kaming kumain, I composed myself to be lively again. Nag presenta ang mag nobyong maghugas ng plato at kami ni Patrick naman ay tumungo na sa kwarto to fix things para naman ready na kami for the planning.

"'wag gumawa ng kalokohan Patrick ha!" sigaw ni Ivan bago kami naka pasok sa kwarto.

"Gago talaga tong si Ivan, pag pasensyahan mo na" sabi niya habang kinakamot ang ulo at nahihiya.

"It's okay, I'll get used to it." Sagot ko sa kanya habang naka ngiti.

"Sooo, is it true? Are you straight?" Tanong ko sa kanya ng matapos kaming maglinis sa kwarto ko. Nakaupo siya sa bed, ako naman naka higa. Hinarap niya ako.

"Does it really matter?" Tanong niya.

"Not really, I just don't like to go beyond things or have assumptions about you." Diretso kong sagot sa kanya.

"Plus, I'm going to deal with you from now on." I added which sounded wrong. Baka ano ang isipin niya.

"Hahaha. Don't worry, I'll let you know." Aniya at humiga.

I like him.

At pumasok na sina Ivan at Sam. Grinning. I know that look.

"So, nagkaka developan na ba?" Tanong ni Ivan habang naka ngisi na parang aso. Pumunta sila sa bed at umupo. My bed is big so it's okay. Plus I don't really have an issue if masyadong comfy ang mga tao sa bahay ko kahit na first time pa nilang pumasok dito. That's exactly the reason why we create homes, to make other people comfortable away from their own. Drama ba? Haha

"Sana, kaso straight daw siya eh" biro kong sagot. Natawa naman ang dalawa at si Patrick naman ay halatang nahiya.

"Yun oh! Haha. Lakas talaga ng alindog ng kaibigan namin, first meeting palang yan ha" sabat ni Sam habang hinahampas hampas ang braso ni Patrick.

Tawanan lang kami the whole time, it's too early pa din kase to work. Plus, I don't want to stress ourselves over this thing. Anjan naman si Kuya Roy at Kuya Rence to make things work, sabi nila tawagan ko lang sila if mahirapan ako.

Alas 9 na ng gabi ng magsimula kaming mag-usap about the orientation. The theme, the food that we are going to serve, who is going to prepare this, who will be assigned to that. This and this and this.

All of us are passionate in what we are doing at kung ano ang pinasok namin, kaya siguro naging madali for us to brain storm and to work.

"So what do you think about our Pres and Vice?" Panimulang tanong ni Sam matapos kaming matapos sa discusion at planning. Tiningnan ko siya at napa isip.

"I actually like them, I think they are nice" Sabi ko sa kanya, tumango naman si Patrick. He agrees with me.

"Kuya Roy is okay, but si Kuya Rence, I don't know, something is off about him" dugtong naman ni Ivan. Well, maybe.

"Judgmental ka kamo" Biro naman ni Patrick sabay hampas ng unan kay Ivan. Tumawa kami ni Sam.

"Hoy hindi ah, pero ewan. Baka nga, feel ko kase hindi niya ako gusto because of my audition." Sagot ni Ivan. Oo nga, I never asked them about their auditions.

"I forgot to ask you guys about that, how was your audition?" Tanong ko sa kanilang tatlo. By this time, magkatabi na kaming naka higa ni Patrick pero sapat lang ang layo. Not invading each other's personal space.

"They asked me to act as a male prostitute" Plain na sabi ni Patrick. Napatingin naman ako sa kanya, Ivan and Sam prolly know about this already.

"Hmm. Interesting. Tell me about it hahaha." Panunukso ko sa kanya.

Napakamot lang siya at halatang napipilitan but I'm interested to know how it went.

"They asked him for a blowjob! Hahahah" sabat ni Ivan. Patrick looked startled and embarrassed. Tinawanan lang siya ng dalawa because of his reaction. Ako naman, halatang nagulat rin.

"Hoy baka kung ano na ang iniisip mo ha! It was part of the act." Depensa niya.

"The scene was how am I going to offer myself as a prostitute to a gay couple, which is them, and make them say yes for a threesome in a very expensive night." Sabi niya. Eloquent speaker, I thought. I like the way he speak.

"Sinabi mo bang malaki titi mo? Hahahha" biro ni Sam na siya namang ikinatawa naming lahat.

I looked at him and realized that sa aming apat dito sa loob ng kwarto, siya ang may pinaka masayang ngiti. The one that you would envy because you know you don't have or can't have. Ganun.

"Gago ka Sam haha. Yup, I said that but of course, hindi naman ganyan ang una mong sasabihin in actual life diba?" Tanong niya sa aming tatlo, as if, all of us knew what it's like to be a prostitute. I mean, I have nothing against them, I admire the prostitutes because not all of us have the guts to one. If I get a chance to help them, I'd make a law that would protect and help them, para wala ni isa sa kanila ang magka STD, HIV at AIDS. My principles are twisted, I know. Don't blame me.

"Oy, wala kaming alam diyan ah! Hindi pa kami pokpok" birong sagot ni Ivan.

"So how did you start the scene?" Tanong ko sa kanya. As what I have said, I'm interested.

"Wag na hehe. Nakakahiya eh. Akala ko nga hindi ako makakapasok because of what I did" aniya. Nalungkot ako sa sinabi niya. But of course, if he don't want to talk about it. Okay lang, I will respect it.

Nag-usap lang kami the entire night. Ivan and Sam shared their auditions. Sabi ni Ivan, matinding iyakan ang ginawa nila, ang eksena ay tungkol sa dalawang magkapatid, si Kuya Roy ang Kuya, si Ivan naman ang bunso. May sakit si Kuya Roy at tanging siya lang ang pamilyang natitira kay Ivan. I imagined them doing the act, kung nandun ako, malamang umiyak na ako kahit hindi pa nagsisimula. Ivan did well according to Kuya Rence. Si Sam naman ay hindi malayo sa eksenang ginawa ko during the screening, ang sa kanya lang is siya ang nangloko. Paano niya raw ipapaliwanag kay Kuya Rence, who acted as his boyfriend, na wala na siyang nararamdaman dito. Napa-isip ako, mine I guess was easier, pero yung role ni Sam, I don't know. How do we tell our lovers that the love is gone?

"Ikaw Jay? How about yours?" tanong ni Sam sa akin.

Napatingin ako sa kanila bigla. Shit!

"Konektado lang yung akin sa'yo. Yung akin lang is, ako ang ipinagpalit. Ako ang iiwan." Sabi ko sa kanila. Napaupo naman si Patrick nang sinabi ko yun. Tang ina. I felt the obligation to share mine too!

Si Sam at Ivan ay naka upo na rin sa malaking bed. Naghihintay silang tatlo sa sasabihin ko.

"At first, natakot ako, kase wala naman akong karanasan sa ganun. Hindi pa nga ako nagkaka nobyo eh. So how would I know?" Panimula ko.

"Really?" Sabat ni Patrick na animo'y hindi makapaniwala. Binato siya ni Ivan ng unan sa mukha.

"Wag ka ngang epal Patrick. Mamaya na nayang landi mo!" Sita ni Ivan sa kanya, natawa kaming dalawa ni Sam.

Tumango namn ako kay Patrick. As if to say, "yup!"

"I think I did fine. I didn't say a lot of words actually, sa isip ko nun, what can I say? When Kuya Rence said, "Let's talk", I knew that was the queue so I start crying habang naka upo sa sahig. At first I never thought I can pull it off, pero sa galing ni Kuya Rence, akala ko mamatay ako sa sakit ng dibdib ko." Litanya ko sa kanila. Nagtinginan saglit ang mag nobyo at si Patrick naman ay naka tingin lang sa akin. More?

"That scene was cruel. Two hearts are broken because of love. The first was too much, the other was because it's gone." Dugtong ko habang naka yuko. Then suddenly, I felt I dropped something on my bed sheet - luha.

They saw it, of course! I have more talent in embarrassing myself than acting. Now the atmosphere is awkward. None of them would like to say something. Inangat ko ang aking mukha at agad na ngumiti sa kanilang tatlo na taimtim na naka tingin lang sa akin.

"Sorry. Minsan talaga ganito ako hahaha." Pilit kong biro sa kanila. I know hindi yun effective pero pilit na tumawa si Ivan at Sam.

"'wag kang mag-alala, walang makaka alam na iyakin ka! Hahaha." Biro ni Ivan sa akin.

"We all have our weak spots. Tsaka maganda yang nailabas mo. Magpalabas ka lang." dugtong niya. Napahinto ako at agad na tumingin sa kanya. Ngiting aso ang gago!

"Bastos ka talaga! Kala mo naman gano ka galing sa kama!" Sabi ni Sam na siyang ikinatawa ko na.

"But you said wala ka pang experience diba? Bakit parang naka relate ka sa eksenang yun?" Sabat ni Patrick na kanina pa naka tingin sa akin. Napahinto naman si Sam at Ivan sa harutan nilang dalawa. Sasagot pa sa na si Ivan, pero inunahan ko siya.

"Remember that there are two reasons why we are hurt because of love? Yung too much at yung wala na. Mine was the latter. Dahil wala nga akong alam, at dahil wala akong ganun, kaya nasasaktan ako. The emptiness is too great to ignore." Explain ko sa kanila. But of course hindi na ako umiyak.

"Ganito ka ba talaga ka lalim always?" Tanong ni Patrick.

"Uy! Interesado! Hahaha.Bakit Pat, mahaba bayan?" Biro na naman ni Ivan. Muntikan nakong mahulog sa bed sa sinabi niya.

Lumapit si Patrick kay Ivan at hinila ang buhok nito. Naghaharutan na silang dalawa at panay tawa lang kame ni Sam.

"Hey, it's getting late. Di pa ba kayo inaantok?" Tanong ko sa kanila. Tiningnan ko kase ang relo ko at halos mag a-alas onse na ng gabi.

All of them stopped what they are doing when I said that. I looked at our bed and thought that even if it is big enough to accommodate four bodies, baka hindi pa rin mag kasya.

"I can leave the three of your here at doon nalang ako sa kabilang kwarto para siguradong kasya kayo." Sabi ko sa kanila.

Ivan stood up smiling, I don't like what he's thinking.

"Why not kaming dalawa nalang doon ni Sam at kayong dalawa dito ni Patrick? Para naman makilala niyo pa ang isa't isa hahaha"

I cringed a little on the thought na magtatabi kami ng Patrick, not because wala akong tiwala sa kanya, pero dahil wala akong tiwala sa sarili ko. Hahaha. Hindi man lang nag protesta ang mokong.

Hindi na ako nagreklamo at nagpaka choosy. Napag desisyonan naming tabi nalang kami ni Patrick matulog at sa kabilang kwarto naman ang mag syota.

At first, it was awkward. Aside from the fact na bago ko lang silang lahat nakilala, nailang ako kay Patrick when I turned of the main light at binuksan ang lamp. The room is dim. Romantic sana kung mag syota kami, pero ang nakaka inis kase, bigla siyang tumahimik at hindi pa naman ako ganun ka galing mag open ng topic. Magkatabi kami but enough lang na hindi namin ma invade ang personal space ng isa't isa. I waited for him to talk but he didn't, I know gising pa siya.

"Have you ever been in love?"

Then it all started with that one question.

---

I sincerely regret those times when I've chosen the dark side. I've wasted enough time not being happy. I wish life had a rewind button para maibalik ko ang mga pagkakamaling nagawa ko. But of course, all that I can do right now is to move on and think na ang lahat ng mga nangyari sa akin ay magandang ala-ala. Hahaha.

So when I saw Kuya Rence, my body cringed. Sino ba naman ang hindi, baka kase sampalin niya ako, ang mas malala pa eh baka suntukin niya ako. I have a very small tolerance towards pain.

"O Kuya!" Bati ko sa kanya habang naka ngiti. Nagulat siya sa inasal ko. You don't have any idea how much I changed.

"Kamusta ka?" Tanong ko sa kanya, sabay lapit at yakap. Muntikan na akong matawa sa mukha niya, akala niya siguro ay matatakot ako, o di kaya'y tatakbo, pero hindi. I know how to play this game, I know now. Thanks to them.

"It's so nice to see you again, Bunso. Okay lang ako, eto, nangangayayat na", aniya. Tiningnan ko siya, wala namang pinag bago. Mukha ka pa ring gago!

So the game is on.

"Thank you Kuya, nice to see you also" tugon ko sa kanya, "Parang hindi naman eh, ganun pa rin katawan mo. Sexy pa rin. Hehehe" dugtong ko.

"Uuwi ka na ba? Pasok ka muna, matagal din tayong hindi nagkita eh. How long has it been?"

"Ah! 7 years? Yes, pitong taon." Putang ina ka! Huminga muna ako ng malalim at pilit na kinakalma ang sarili. Alam kong mapakla ang tono niya at kahit na wala na akong pakialam, may kirot pa rin.

"Oo, uuwi na ako Kuya, may gagawin pa kase ako eh, tsaka nakuha ko narin naman ang gusto ko." Alam kong wala akong karapatang mag asim o mag taray sa kanya, pero wala din siyang karapatang husgahan ako sa kasalanang hindi ako ang nagsimula.

Tiningnan niya ako ng masama, hindi niya pa rin ako napapatawad.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at nilagpasan siya, ayoko na ng ganitong drama. Patrick, kailangan kita!

"Sinira mo na kami noon, ang kapal kapal na ng pagmumukha mo kung gagawin mo pa 'yun ngayon!" Aniya habang naka talikod ako. Hindi ko alam ang isasagot ko. Sana naman may queue para alam ko kung kailan ako aatake, pero wala eh. Nandito na ako, hindi ko man lang inisip na baka magpunta siya dito at magkita kami.

Sa inis ko, hinarap ko siya.

"Alam mo? Bakla ka na nga, ang dami mo pang drama! Bakit ba? Akala mo ba, sa mga panahong akala mong inaahas kita eh walang kasalanan ang boyfriend mo? Tang ina naman Kuya, naturingan pa naman kitang mentor pero kahit konting konsiderasyon, hindi moko binigyan!" Bara ko sa kanya. Nanginginig man ang katawan ko sa kaba, pilit kong pinapakalma ang utak ko. Gago siya! Naka tunganga lang siyang naka tingin sa akin, halatang hindi inakalang sasagutin ko siya. Sa loob ng pitong taon, malaki na ang binago ko sa sarili ko, isa na 'to dun.

"Did it ever occur to you na baka hindi ako ang nauna? Na baka hindi ako ang nagpumilit?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko na napigilan ang maiyak. Ang lakas kase maka gago ng mga paratang niya sa akin.

Cheating has never been an accident! I know that. Pero pinag sisihan ko na ang lahat ng mga nagawa ko.

"Pero bakit pinili mo pa ring bisitahin siya dito?" tanong ng utak ko.

I don't know, I really don't know. When you fall in love and when you fall hard, I think things like this will happen.

"I know I can't do anything for you to forgive me, I'm sorry for raising my voice. Don't worry, you won't see me again, just make sure you tell Kuya Roy not to contact me anymore." mahinahon kong sabi sa kanya.

Hindi ko na siya pinasagot, naglakad na ako papalayo kase feeling ko, kung magsasalita pa siya against me, baka hindi ko na makayanan ang sakit.

Nang makarating ako sa kabilang kanto, I took my phone, dialed his number at umupo sa may malapit na tindahan.

"Patrick, pwede mo ba akong sunduin?" Paki-usap ko sa kanya habang umiiyak.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Someone Else's Story (Part 2)
Someone Else's Story (Part 2)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEh-o966jmybEm_3uoy2rvQK6__M9kqgdX7CAjP-_ToApAIVGbiQDftV9MB86CeakFYMBQLZbnlNkDtJ3PPLHy5TiCDyZjrxyrxkFiiIBZWj-Q1U-6c-dDU4o0jJSMLbGpGy-DO6X364rFG_/s1600/graham.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEh-o966jmybEm_3uoy2rvQK6__M9kqgdX7CAjP-_ToApAIVGbiQDftV9MB86CeakFYMBQLZbnlNkDtJ3PPLHy5TiCDyZjrxyrxkFiiIBZWj-Q1U-6c-dDU4o0jJSMLbGpGy-DO6X364rFG_/s72-c/graham.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2018/11/someone-elses-story-part-2.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2018/11/someone-elses-story-part-2.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content