Nang gabing iyon ay halos hindi makatulog si Jorge. Hindi niya matanto kung bakit ganoon ang huling nabanggit ni Albert at kung ano ang tunay na pakay ng guard sa kanya.
“Mama, ito na po ba ang bago nating bahay?” ang naitanong ni Jorge sa kanyang ina sa pagbaba nila sa kotse sa harap ng isang bago at malaking bahay.
“Oo anak. Ito yung nabili namin ng Papa mo bago siya bumalik sa Dubai.” ang sagot naman ng ina ni Jorge.
Sinalubong sila ng Administrator ng subdivision na iyon at bahagyang pinaliwanagan sa mga house rules ng subdivision na iyon. Si Jorge naman ay sabik na sabik na mapasok ang loob ng bahay. Kaya naman iniwan niya ang ina sa pakikipag-usap sa Administrator. Ilang minuto pa ay dumating na ang truck na kung saan lulan ang lahat ng mga kasangkapan nina Jorge. Isa-isang ibinaba ang mga ito at ipinuwesto sa loob ng bahay. Tanghali na ng maibaba ang lahat ng kanilang kasangkapan kaya naman inutusan si Jorge ng kanyang ina na sumaglit sandali sa malapit ng fastfood para may makain sila pati na rin ang mga trabahador na nag-aayos ng kanilang gamit. Gamit ang kanilang kotse ay madaling nakabalik si Jorge dala-dala ang pagkaing pinabili ng kanyang ina.
Natapos ang maghapon na hindi pa rin tapos sina Jorge sa pagtatanggal sa kahon ng kanilang mga gamit kasama ang kanilang katulong at dalawa pang pansamatalang inupahan ng ina ni Jorge para makatulong sa pag-aayos ng bago nilang bahay. Matapos ang hapunan ay hindi na nakataagal si Jorge sa pagtulong sa pag-aayos ng bahay. Dahil sa pagod at sa pananabik na rin na magamit ang kanyang bagong silid na una niyang inayos sa kanilang pagdating ay agad ng natulog si Jorge. Nang magising si Jorge ay muli niyang natunghayan ang pag-aayos ng kanyang ina at ng kanilang katulong sa pagkakabit ng mga kurtina.
“Ma, hindi ba kayo natulog? Ang aga-aga pa ay pag-aayos na naman ang inaatupag nyo.” ang tanong ni Jorge.
“Natulog naman kami ni Eva. Pagpasok mo sa silid ay nagpaalam na yung dalawang inupahan ko para mag-ayos. Tapos natulog na rin ako at si Eva.” ang tugon naman ng kanyang ina.
“Bakit naman ang aga mong magising? Eh madilim-dilim pa naman.” ang pagtataka ng ina ni Jorge.
“Wala lang po. Gusto ko lang mag-jogging. Wala pa akong alam na malapit na gym dito kaya jogging na lang muna ako ng hidi ako tumaba tulad ni Papa.” ang tugon naman ni Jorge.
“Ikaw bata ka. Kinutya mo na naman ang katabaan ng Papa mo.” ang nasabi naman ng ina ni Jorge.
Matapos makapag-banyo at makapagpalit ng damit na pang-jogging ay nagpaalam na si Jorge sa ina nito.
“Ma, sige po. Bago lumiwanag ay nakabalik na po ako.” ang paalam ni Jorge.
“Mag-ingat ka iho. Hindi mo pa kabisado ang subdivision. Huwag na huwag kang lalabas ng gate ng subdivision.” ang bilin ng ina bago tuluyang lumabas si Jorge.
Exclusive ang subdivision na iyo sa isang bayan sa Laguna. Malalaki ang mga naitayo ng bahay na mangilan-ngilan pa lamang. Maayos ang mga kalsada na natataniman ng maliliit pang punong-kahoy sa gilid nito. Ganadong-ganado naman si Jorge na mag-jogging dahil bukod sa walang pollution ay napakatahimik ng lugar at secured ang pakiramdam niya dahil sa ilaw sa mga poste. Nag-paikot-ikot siya sa loob ng subdivision hanggang sa hindi na niya matandaan ang pabalik sa kanilang bahay. Nagpatuloy lamang siya sa pagjojogging hanggang sa makakita siya sa di kalayuan ang isang guard house sa tabi ng isang gate.
Hindi iyon ang gate na pinasukan nila. Dahil tila hindi pa maayos ang pagkakagawa dito. Minabuti pa rin niyang lapitan ito upang maitanong man lamang sa nagbabantay na guard ang daan pabalik sa bahay nila. Sa paglapit niya doon ay napansin niya ang dalawang lalaki na naliligo sa tabi ng guard house. Hindi na sana tutuloy si Jorge dahil napansin niya na pawang naka-brief lamang ang dalawang lalaki. Subalit napansin na siya ng isa sa mga lalaki. Kaya naman nagpatuloy na lamang siya sa paglapit sa guard house.
“Sir, pwede po bang magtanong?” ang bungad ni Jorge na noo’y kaharap na ng malapitan ang dalawang lalaking naliligo.
“Ano yun iho?” ang naitanong ng mas nakakatandang lalaki na mas lumapit sa kanya.
“Medyo nalito po ako sa mga kalye ng subdivision. Saan po yung street na tumbok ng main gate. Hindi ko alam ang street name pero alam ko na tumbok iyon ng main gate.” ang tanong ni Jorge.
“Kayo ba yung lumipat kahapon lamang?” ang tanong ng nakatatandang lalaki.
“Opo. Kami nga po. Kaya nga po di ko na matandaan saan ang daan pabalik sa amin.” ang tugon naman ni Jorge ng sa mga sandaling iyon ay hindi napigilan na sulyapan ang nakabukol sa harapan ng kausap niya.
Parang balewala lamang ito sa kanyang kausap na humarap sa ibang tao na halos kitang-kita na ang kanyang sandata na naaaninag sa basang brief niya. Habang ibinibigay ang tamang direksyon kay Jorge ay hindi din naiwasan ni Jorge na mabaling ang kanyang paningin sa isang pang lalaki na patuloy pa rin sa pagligo. Mas bata ito ng di hamak sa kausap niyang lalaki at mas may itsura pa. Di rin nakaligtas sa mga mata ni Jorge na sipating ang nakabukol sa harapan ng brief ng nakababatang lalaking iyon.
Napansin siya ng lalaking ito. Sa halip na tumalikod kay Jorge ay nangiti lamang ito at mas lumapit kina Jorge. Kinabahan si Jorge sa paglapit ng lalaking ito kaya naman hindi pa tapos maibigay sa kanya ang kumpletong direksyon ay nagpaalam na siya. Hindi na jogging ang kanyang ginawa papalayo kung medyo mabilis ng takbo. Hindi na siya lumingon pa upang makita ang reaksyon ng dalawa.
Kahit papaano ay nakabalik din siya sa kanilang bahay. Matapos makaligo at makakain ng almusal ay muli siyang tumulong sa pag-aayos ng kanilang sari-saring kasangkapang pangkusina at panghapagkainan. Nang nagpahinga siyang saglit sa kanyang silid ay muling nanumbalik ang nangyari sa kanya ng umagang iyon. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang kanyang naramdaman ng makakita siya ng mga naka-brief na lalaki at kung bakit parang kainteresado siyang makita ang nakabukol sa brief ng dalawang lalaking nakita niyang naliligo.
Lumaki kasi si Jorge na halos walang nakakasamang matandang lalaki sa kanilang bahay. Ang ama niya ay nakagisnan na lamang niyang pabalik-balik sa abroad. Halos kada dalawang taon lamang niya ito nakakapiling sa maikling panahon din lamang. Tanging ang kanyang ina ang laging nasa tabi niya. Hindi din nakahiligan ni Jorge ang bumarkada sa lalaki man o sa babae. Computer games ang nakahiligan niya dahil sa simula ng magkaisip siya ay sari-saring computer games ang ibinibili sa kanya ng kanyang ama. Nang tumungtong lamang siya sa college ay nagsimula ang hilig niya sa sports at pagpunta sa gym. Medyo chubby kasi siya noong high school. Kaya naisipan niyang pagandahin ang katawan niya upang di sya matulad sa kanyang ama. Alam kasi niya na lahi sila ng tabain.
Naputol lamang ang pagmumuni-muni niya kung bakit ganoon ang kayang iginawi ng makakita siya ng dalawang lalaki na ang tanging suot ay brief nang tawagin na siya ng kanyang ina upang kumain na ng pananghalian. Noon niya namalayan na matagal-tagal na rin pala siyang nagmumuni-muni sa loob ng kanyang silid.
Kinahapunan ay nagpasya muling lumabas ng bahay si Jorge upang tuluyan na niyang makabisado ang kanilang subdivision. Naenganyo kasi siyang lumabas ng medyo kumulimlim na panahon at medyo mahangin pa. Nang makaramdam si Jorge ng gutom ay nagpasya siyang lumabas sa may main gate ng subdivision upang makakain sa isang malapit ng fastfood doon. Sa pagdaan niya sa gate ay laking gulat niya ng mamukhaan niya ang guard na nagbabantay doon at ganoon din naman ang guard na iyon sa kanya. Yung guard na iyon ay yung mas nakababatang lalaki na nakita niyang naliligo na naka-brief lamang.
“Magandang hapon bosing.” ang bati ng guard sa kanya.
“Magandang hapon din.” ang sagot naman ni Jorge na di nagpahalata na nahihiya siya sa guard na iyon.
“Baka maligaw ka muli dyan sa labas. Alam mo ba ang pupuntahan mo?” ang tanong ng guard sa kanya.
“Oo naman. Dyan lang ako sa kabila ng daan. Kakain lang ng burger.” ang naging tugon ni Jorge.
“Ganoon ba. Ingat lang sa pagtawid bosing. Madaming pasaway ng driver ng bus at jeep na dumadaan dyan.” ang paalala ng guard kay Jorge.
“Salamat.” ang tanging naisagot ni Jorge.
Dali-daling tumawid ng daan si Jorge at pumasok sa loob ng fastfood. Matapos maka-order ng pagkain ay umupo siya sa mesa na natatanaw niya ang gate ng subdivision. Di niya malaman kung bakit parang nais niyang makita ang guard na iyon. Napansin ni Jorge na sandya yatang magalang ang guard na iyon dahil lahat ng dumadaan ay kinakausap niya at kinakausap naman siya ng mga binabati niya na may mga ngiti sa kanilang pisngi. Kaya naman sa kanyang pagbalik ay binilihan niya ang guard na ito ng burger at softdrinks.
“Salamat bosing.” ang nasabi ng guard ng iabot niya ang binili niya.
“Walang ano man. Kumain ka muna ng hindi ka mapagod agad sa pagbukas mo ng gate sa pagpasok at paglabas ng mga nakatira dito.” ang nasabi naman ni Jorge.
“Okey lang yun. Trabaho ko naman yun. Ako pala si Albert. Pasensya ka na sa ayos namin ng makita mo kami ni Chief na naliligo. Wala naman talagang dumadaan sa gate na iyon kaya doon na kami naliligo.” ang nasabi naman ni guard kay Jorge.
“Oo nga eh. Bakit wala ba kayong palikuran dito?” ang tanong naman ni Albert.
“Meron naman dito sa main gate kaya lang malayo ito sa quarters namin. Meron din sa quarters namin pero madalas walang tubig. Yung guard house doon sa kabilang gate malapit ang quarters namin at malakas doon ang tubig. Ayaw na naming mag-igib pa ng tubig upang dalhin sa quarters namin kaya doon na lang kami naliligo. Dahil wala naman dumadaan doon at wala pang bahay na malapit doon, kaya wala naman makakapansin sa paliligo namin doon.” ang paliwanag naman ni Albert.
“Sige uwi na muna ako.” ang paalam ni Jorge kay Albert.
“Magjojogging ka ba uli bukas? Bukas kasi doon uli ako maliligo at ako lang mag-isa. Day-off ni chief bukas na lagi kong kasama sa pagligo.” ang biglang naitanong at nasabi ni Albert na para bang may ibang ibig iparating kay Jorge.
Hindi na nakasagot si Jorge. Nangiti na lamang siya kay Albert at umalis na rin siya agad papauwi sa kanila. Nang gabing iyon ay halos hindi makatulog si Jorge. Hindi niya matanto kung bakit ganoon ang huling nabanggit ni Albert at kung ano ang tunay na pakay ng guard sa kanya. Maaga pa ay nagising na si Jorge. Subalit hinintay lamang niya ang tamang oras ng pag-alis niya sa kanilang bahay upang sa pagdating niya sa guardhouse sa kabilang gate ay yung oras din na narating niya iyon noong nakaraang umaga. Ewan ni Jorge kung bakit niya gagawin muli iyon. Hindi niya matanto kung ano ang mangyayari pagdating niya doon. Timing nga ang pagdating ni Jorge sa guardhouse na iyon.
“O nandyan ka na pala.” ang bungad ni Albert na makitang paparating si Jorge.
Tama nga si Albert. Nag-iisa lamang siya na naliligo. Tulad ng dati, naka-puting brief itong naliligo. Nakailang buhos na rin ng tubig si Albert bago makarating si Jorge. Kaya naman basang basa na ang kanyang brief na kung saan bakat na bakat ang kabuuan ng kanyang alaga.
“Maupo ka muna dyan.” ang alok ni Albert kay Jorge na tila pinaghandaan ang pagbabalik ni Jorge dahil sa inihandang plastic na upuan.
“Salamat.” ang tanging nasabi ni Jorge.
Naupo si Jorge sa upuan at si Albert naman ay nagpatuloy sa paliligo sa harapan ni Jorge. Kitang-kita ni Jorge ang lahat ng ginagawa ni Albert. Ganoon pa man ay patuloy pa rin sa pakikipag-usap at pagtatanong si Albert kay Jorge. Medyo kabado na si Jorge ng mga oras na iyon. Kaya maiikli lamang ang kanyang mga naging tugon sa bawat katanungan ni Albert. Hanggang sa tanungin siya ni Albert ng isang katanungan na hindi niya inaasahan.
“Gusto mo bang tikman ito?” ang tanong ni Albert kay Jorge sabay sapo sa kayang bakat ng alaga sa kanyang brief.
“Ah…….eh……. Anong ibig mong sabihin?” ang tanong ni Jorge na tila di alam ang kahulugan ng tanong ni Albert.
“Itong alaga ko. Gusto mo bang makita, o mahawakan o matikman kaya?” ang tanong muli ni Albert.
Namutla ng todo si Jorge at di malaman kung ano ang isasagot.
“Ito Jorge o.” ang muling nasabi ni Albert at bahagya niyang inilabas ang kanyang alaga sa kanyang brief.
Mas lalong hindi nakasagot si Jorge. Napatingin na lamang siya sa itinuturong alaga ni Albert.
“Sandali lang at tatapusin ko muna ang paliligo ko. Dyan tayo sa loob ng guardhouse ng walang makakita sa atin.” ang dugtong pa ni Albert.
Nagpatuloy si Albert sa paliligo. Nang matapos na siya ay niyaya niya si Jorge na pumasok sa loob ng guardhouse.
“Mukhang first time mo ah.” ang biglang nasabi ni Albert kay Jorge ng mapansin niya na kabadong-kabado ito sa pagpasok nila sa loob ng guardhouse.
Hindi pa rin nakasagot si Jorge.
“Huwag kang mag-alalala. Tuturuan ka ng iyong instinct kapag naroroon ka na sa akto.” ang nasabi ni Albert.
Hinubad ni Albert ang kanyang basang brief at pinunasan ng tuwalya ang kanyang buong katawan. Nang matapos na siyang magpunas ng katawan ay sinabihan na nya si Jorge na game na.
“Anong game na?” ang inosenteng tanong ni Jorge.
“Pwede mo ng laruin ang junior ko.” ang maikling nasabi ni Albert.
“Ano?” ang tanong ni Jorge na animo’y hindi alam ang pakahulgan ni Albert.
“Sige na. Huwag ka ng mahihiya. Libre lang ako. Mas masarap na ang ganoon kaysa magmaryang-palad pa ako.” ang pakiusap ni Albert.
Umupo si Jorge sa upuan at tumapat naman sa kanya si Albert. Itinutok ni Albert ang kanyang alaga sa mukha ni Jorge. Si Jorge naman ay unti-unting ibinuka ang bibig at pinapasok ang alaga ni Albert. Sa simula ng pagpasok nito ay maliit at malambot pa ito. Subalit ng makailang ulit ng naglabas-pasok iyon sa bibig ni Jorge ay tumigas na ito at lumaki ng mahigit anim na pulgada. Sarap na sarap si Albert ng mga sandaling naglalabas-pasok ang kanyang sandata sa bibig ni Jorge. Samantalang si Jorge ay noon lamang niya naramdaman ang kayang pagkakagusto sa ginagawa niyang iyon. Tama nga si Albert. Yung instinct ni Jorge ang nagtuturo sa kanya ng dapat niyang gawin.
“Ang sarap ng bibig mo Jorge………. Ahhhhhhh………. Ang sarap kantutin……… Ahhhhhhhhh………….Ohhhhhhhh……….. “ ang mga katagang paulit-ulit binibigkas ni Albert sa paglabas-pasok ng kanyang sandata sa bibig ni Jorge.
Halos umabot ng bente minuto na naglabas-pasok ang sandata ni Albert sa bibig ni Jorge bago tuluyang bumulwak ang napakaraming katas mula sa naninigas na alaga ni Albert. Si Jorge naman ay nabigla din sa pagputok ng katas ni Albert. Agad niyang iniluwa ang alaga ni Jorge at idinura din niya ang katas na pumasok sa loob ng kanyang bibig.
“First time mo nga.” ang biglang nasabi ni Albert kay Jorge ng makita niya ang biglang pagdura ni Jorge ng tamod niya sabay tawa ng malakas.
“Pasensya na. Hindi ko talaga alam gawin yun.” ang nasabi na lamang ni Jorge na tila nahihiya pa rin kay Albert.
“Huwag kang mag-alalala. Uulit-ulitin pa natin ito kapag libre tayong dalawa at wala si Chief.” ang nasabi naman ni Albert. “Para matuto ka at mas mapaligaya mo pa ako.” ang dugtong pa ni Albert.
Hindi pa nakakabihis si Albert ay agad ng nagpaalam si Jorge baon ang una niyang karanasan sa kapwa lalaki na isang taga-bigay ng seguridad sa mga tao at sa mga ari-arian sa kanilang subdivision na kilala din natin sa tawag na JAGUAR.
COMMENTS