$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Someone Else's Story (Part 3)

By: Patroclus A/N: Hi readers, pasensya na medyo na tagalan ako for this one, sana naman natatandaan niyo pa ang flow ng story. I know me...

By: Patroclus

A/N: Hi readers, pasensya na medyo na tagalan ako for this one, sana naman natatandaan niyo pa ang flow ng story. I know medyo confusing kase may present at past na set up ang kwento kaya napag pasyahan kong stick muna ako sa kung ano ang mga nangyari before.

By the way, salamat sa mga nagcomment at nag hit ng recommend. Please, comment pa kayo para ganahan ako haha. Sorry ako na ang vain, gusto ko lang talaga malaman kung maganda ba para sa inyo ang kwento ko o hindi para naman aware ako sa kung ano ang opinyon niyo :)

Lastly, please comment haha. Active ako and I'm very much willing to reply to all of you :*

--------------------------

"Have you ever been in love?"

I was kind of taken aback with the question.

Tumagilid ako't hinarap siya, this is awkward but interesting. I like him. Humarap din sya saken at saglit na nagkatitigan sa mata.

"Are you hitting on me?" Panunukso kong tugon sa kanya. Nginitian ko siya at natawa ako sa reaksyon niyang ewan.

"If I say yes, iiwas ka na naman ba?" Sagot niya, tang ina tong taong to ah!

"Well, I would allow you to flirt me but you said you're straight, tsaka wala akong planong maging iron bender"

He sighed. "Bakit ba big deal kung straight ako o hindi?" Did I make him upset?

"Because..." hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sumingit sya.

"Because it's pointless. I don't like labels, I have the right to flirt, date, like, and love anybody regardless of what's between their legs." Kalmado niyang litanya. I liked him even more.

Nginitian ko siya. Si Patrick yung tipong hindi mo na kailangan pang e-explain ang mga paninidigan mo kase alam niya kung bakit ganito o di kaya'y ganyan ang mga pinaniniwalaan mo. Malawak ang kaisipan at matalino.

"Why are you smiling?" Inosente niyang tanong. What more can I say?

I always love it when someone makes me speechless because of their eloquence.

"So, to answer your question whether I'm hitting on you, the answer is yes" Aniya. Puta!

Hindi ko mapigilan ang matawa ng konti. Tinakpan ko ang aking mukha sa hiya. Ganito pala ang feeling when someone appreciates you. I composed self at pilit na pinakalma ang dibdib kong kanina pa nag iingay.

"Ganito ka ba talaga ka straightforward?" Tanong ko sa kanya.

"Only to those people I like." I think I blushed a little.

Natameme na naman ako. Gosh, this guy doesn't know when to stop.

"Well, to be fair, I'll answer your question." huminga muna ako ng malalim.

"I think hindi pa ako na-iinlove. Pero I have this person in mind that I really like." I told him, thinking of Kuya Roy. Don't get me wrong, I like Patrick pero mas gusto ko si Kuya Roy, hindi ko rin alam kung bakit pero feeling ko mahuhulog ako anytime kay Kuya Roy, magpakita lang siya ng konting motibo, katapusan ko na.

Patrick looked at me intently, yung tipong binabasa kung ano ang iniisip ko.

"Pero may boyfriend na siya diba, bakit hindi ka nalang mag hanap ng iba?" Dumbstruck for the nth time.

"Ha? ah..eh, bakit..mo naman nasabi aber? Kilala mo ba tinutukoy ko?"

"Hindi ka naman ganun ka hirap basahin eh, plus Ivan and Sam told me that you look at Kuya Roy with passion"

"Hmm. Paki sabi sa mag nobyo nayun na pakyu silang dalawa!" Pakunwaring iritable kong sabi sa kanya.

He giggled. Ang cute!

"Kung ayaw mong masaktan at makasira ng relasyon, kung ako sa'yo, titigilan ko na 'yan hanggang maaga pa. Pwede ka pang tumakbo." Sermon niya.

Umupo ako at tiningnan siya. It took me some time to answer him. Hindi ko alam ang sasabihin.

"Don't worry, kung mawala man 'to, sayo ako tatakbo. Hahaha" Biro ko sa kanya. Don't blame me.

Bigla siyang sumimangot at tinalikuran ako.

"Second choice isn't the best choice, don't ever say that to a person who likes you." Narinig kong sabi niya. Teka, biro lang naman yun eh!

"Oy hindi ka naman mabiro, hooy!" Kinalabit ko siya at pilit na pinaharap sa akin. Para tuloy akong gago.

"Oy Patrick, biro lang naman eh! Ano ka ba" Kinuha ko ang unang naka pagitan sa amin at nilapitan siya. Kiniliti ko siya para harapin niya ako at effective naman. Pero mukhang mas na bwisit siya sa ginawa ko.

"Ano ba!" Mahinang sigaw niya. Napahinto ako sa pagkiliti sa kanya.

"Sorry na nga diba? Biro lang naman yun eh"

Umupo na din siya at huminga ng malalim.

"Oo na, okay na ako. Halikan kita jan eh!" Balik niyang biro at ngumiti na parang aso.

"Gago! Narealize mo bang ngayon lang tayo nagkita at pormal na nagkakilala pero minamanyak mo na 'ko?"

"So you want it smooth then? Okay, I can do that. hehe" Sabi niya at nginitian ako.

"Matulog na tayo, inaantok na 'ko eh" dugtong niya.

Humiga na kaming dalawa matapos ang harutan, in all fairness to Patrick, he's very intelligent at very sport. I like the way his mind works, very complex yet madali mo lang ma gets kase alam niya kung paano i-explain ang side niya.

Days went by and the four of us became close to each other. Successful and event at opisyal na kaming miyembro ng acting club. Naging close din kaming apat kina Kuya Roy at Kuya Rence, pati na rin sa mga old members ng club. The experience is great, marami kaming natutunan sa kanilang lahat at may paparating din kaming workshop in preparation for our next project which is a play na gaganapin sa University Studio Theater (UST). Malaki ang proyektong ito, dahil halos 500 din ang manonood at higit sa lahat, this is a fund raising program in support of the charity na sinusuportahan ng aming club. Hindi pa determined kung sino sino ang magiging bida at supporting roles, kaya daw kailangan namin ng workshop to know kung sino ang makaka kuha ng lead role at iba pa.

Ás for Patrick, sinunod niya naman yung sinabi niyang magiging smooth siya saken, but Kuya Roy has always been the apple of my eye. Ewan ko pero iba ang atensyon na binibigay sa akin ni Kuya. Matapos ang aming

culmination program, niyakap niya ako sa back stage nung mga oras na walang tao. Mas naging close din kaming dalawa, ewan ko lang kung napapansin ni Kuya Rence pero after that event, he has become more concerned and caring, which is very flattering by the way. May mga oras na tinatawagan niya ako, nagtatanong kung kumain naba ako o di kaya'y nagungumusta at kung ano ang aking ginagawa. Hindi ko nalang masyadong pinapansin ang dahilan kung bakit siya ganyan sa akin, ini-enjoy ko nalang ang atensyon na nanggagaling sa kanya.

Minsan kapag out of town si Kuya Rence, he invites me to visit their house which I refused for the third time. Naghahanap ako ng rason upang hindi maka punta sa bahay nila, kinakabahan kase ako na kapag may maka alam baka kung ano ang isipin. Kalat pa naman sa college na mag boyfriend sila, even Kuya Roy's parents knew about their relationship. I really like to be closer with him pero parang may mali.

One day, when Ivan, Sam, Patrick and I are having our dinner sa apartment, in the middle of our talk Kuya Roy called me. Hindi ko sana sasagutin pero kanina pa kase vibrate ng vibrate ang phone ko. So Patrick took my phone from the table at pinatay niya. Pinabayaan ko lang siya, he's been doing that ever since nalaman niyang parating nagpaparamdam si Kuya. Most of the time, tinatawanan ko lang, pero minsan nakaka-irita na. Okay lang naman, I allowed him to do that.

"Wow ha! Over protective? Jowa ba kayo?" Tanong ni Sam. Tiningnan ko lang si Patrick na kanina pa naka simangot. Don't get me wrong, I know he likes me, he made that clear since day one pero alam niya rin namang gusto ko rin si Kuya Roy. Napag-usapan na namin yan at ang sabi niya mag-aadjust daw siya. I told him that's not necessary kase parang ang cruel ko naman kung ganon, pero siya ang nag i-insist eh.

Inirapan lang ni Patrick si Sam. Nagkatinginan naman kame ng saglit ni Ivan, mga matang nangungusap at nagtatanong. Ano daw ang nangyayari kay Patrick.

Binalik niya ang phone sa tabi ng plato ko. Ngumiti siya, parang timang naman tong taong to.

"Happy?" Tanong ko sa kanya. Tumango lang siya bilang tugon.

"Palagi ba siyang tumatawag sayo Jay?" Tanong ni Sam. They know I like Kuya Roy pero hindi nila alam na we are communicating, baka kase akalain nilang nilalandi ko ang Presidente ng club.

Tiningnan ko muna si Patrick at bigla niyang iniwas ang kanyang mata saken. Traydor!

"Hindi naman masyado, pag may kailangan lang" Tugon ko sa kanya.

"Talaga ba?" Sabat ni Ivan na nanunukso.

"Kase kung e-babase natin sa reaction ni Patrick, may iba eh. Hahaha" Dugtong niya.

"'wag nga kayong ganyan, nilalagyan niyo ng malisya yung pagtawag ng tao, baka may ibang makarinig." Sabi ko sa kanila.

"Sino bang makakarinig saten dito eh tayong apat lang naman sa bahay mo. Tsaka, pansin ko lang kase, parang may iba din kay Roy pagdating sayo, diba hon?" Tugon ni Ivan at tumango naman si Sam. Si Patrick naman tahimik lang. Alam niya kase ang lahat.

That night I told them everything, including things na hindi alam ni Patrick about what is the score between me and Kuya Roy. I told them na kapag wala si Kuya Rence sa campus o di kaya'y pag gabi, tinatawagan ako ni Kuya para mangumusta. He always asks what's going on, I also told them na maraming beses na akong iniimbitahan ni Kuya Roy na pumunta sa bahay nila to meet his parents and to have dinner pero tinatanggihan ko lang. Yun ang part na hindi ko pa sinasabi kay Patrick, baka kase magalit na siya saken.

"May mali na ba? I mean hindi naman ako ang unang lumalapit diba, tsaka umiiwas naman ako eh." Depensa ko sa sarili ko.

"Hindi ka naman namin hinuhusgahan, don't worry. Ang amin lang is to protect you from him. It's obvious, he likes you, pero may nobyo na siya eh. So hindi pwede." Paliwanag ni Ivan.

Tiningnan ko silang isa-isa. Wala akong masabi. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, natatakot ako, pero may part saken na natuwa ng sabihin ni Ivan na Kuya Roy likes me.

"Umiwas ka nalang habang maaga pa, Jay." Singit ni Sam.

Ngumiti na lamang ako at ipinag patuloy ang aming pagkain. Si Patrick hindi na nagsasalita, pansin ko ring parang hindi siya tumitingin saken.

Kaya sila nandito sa apartment dahil sabay na daw kaming pupunta bukas sa workshop. Baka kase ma late na naman sila kaya pinakiusapan ko nalang na dito matulog. Wala din naman akong kasama, buti natong andito sila.

Matapos kaming kumain, nag presenta na si Ivan at Sam na maghuhugas ng pinggan. Galing kaming lahat sa klase ngayong araw kaya pagod. Pinabayaan ko na ang mag nobyo sa kusina at tumungo na ako sa kwarto para makaligo. Pinasama ko narin si Patrick na hanggang ngayon ay tahimik parin. Tabi na naman kase kaming matutulog, sa kabilang kwarto naman si Sam at Ivan.

"Bakit ang tahimik mo, Pat? Galit ka ba?" Tanong ko sa kanya ng maka pasok kame sa kwarto.

Humiga siya sa kama at hindi pa rin sumasagot. Maraming beses ko na siyang nakasama at naka tabi sa kama, maraming beses narin kaming nagtalo sa maraming bagay pero ngayon lang siya naging tahimik. Kadalasan nama'y inaaway niya ako kaya hindi ako sanay kapag tahimik siya. Parang ang sakit lang.

"Sa tingin mo?"

Tiningnan ko siya. I felt guilty all of a sudden, unfair kase ang sitwasyon nato para sa kanya. Hindi ako maka sagot sa tanong niya. Paano ba? Tinalikuran niya ako ng hindi ako sumagot sa kanya.

To give him space, naligo nalang muna ako para makag isip kung paano ako magpapaliwanag sa kanya tungkol sa mga nangyayari. Alam kong alam niya halos lahat pero kailangan ko paring magpaliwanag sa kanya. Siya lang super close ko aside from Ivan and Sam at siya lang umiintindi saken kapag may drama ako. Hindi ko kayang mawala siya dahil lang hindi ko kayang iwasan si Kuya Roy.

Matapos akong maligo, nadatnan ko si Patrick na natutulog na. Tiningnan ko ang orasan at 8:20PM pa lang. Hindi ko na siya ginising at nagbihis ako. Lumabas ako ng kwarto at tinungo si Ivan at Sam sa kusina, kakatapos lang din nilang mag hugas ng plato at maglinis ng lamesa. Kung hindi mo sila kilala, hindo mo aakalaing mag nobyo sila. Masyado kaseng pormal at hindi man lang ganun ka sweet sa isa't isa.

"O, bakit gising ka pa?" Tanong ni Sam.

"Hindi pa kase ako inaantok eh, tsaka kakatapos ko lang maligo."

"San na yung isa?" Tanong naman ni Ivan.

"Ayun sa kwarto, natutulog na. Parang galit yata saken." Tumungo ako sa coffee maker, kumuha ng kape, at umupo.

Umupo din ang dalawa sa harapan ko, si Sam naglalaro sa phone niya at si Ivan naman naka tingin lang saken.

I took a sip of my coffee at patay malisyang ngumiti kay Ivan. I know he want's to say something.

"You need to avoid him as much as you can, Jay." Panimula ni Ivan.

I sat silent for a while, pondering what to say. What if I can't? What if I like the attention he's giving me and there's no way I can refuse something I've been wanting to feel since a very long time?

We just talked for about an hour about Kuya Roy and Kuya Rence, they warned me not to be overwhelmed by the attention and care, ma me-meet ko rin naman daw ang para saken. They told me also about the feelings of Patrick towards me at baka daw masyado nang nasasaktan si Patrick. Pilit ko mang iwasan ang topic na yun, alam kong kailangan kong makinig sa kung ano ang sasabihin nila saken. They are the only people I have right now and I don't want to waste their concerns.

The conversation ended well, I dismissed some topics but I answered them about Patrick, I told them I will be careful from now on and will do my best not to hurt our friend.

Pumasok na ako sa kwarto at dun naman sila sa guest room. When I entered the room, Patrick is awake at naka tunganga lang siya. Tiningnan niya ako at ngumiti. Lumapit ako sa kanya at umupo.

"Am I hurting you that much?" Tanong ko sa kanya. Bila naman siyang sumimangot.

"Pano mo naman yan nasabe?" Balik niyang tanong saken.

"Because I'm an idiot?" Sagot ko sa kanya.

"Don't worry about it, we are too young to understand things. Nilalawakan ko nalang ang pag-iisip ko, I know also that I'm too young to understand what I really feel. Kaya siguro minsan kaya kong balewalain ang mga pangyayari because I have that in mind. I don't pressure myself to overthink. Hindi kase healthy."

I was again dumbfounded by the way he thinks. Halos mag kasing edad lang kame pero minsan hindi ko nagawang isipin yun para sa sarili ko. Sige lang ako ng sige at go lang ng go.

"Buti ka pa naiisip mo yan, ako wala ako masyadong alam sa buhay. I am the only child, my parents never liked me, I don't have much friends, I basically doesn't know how to refuse attention when it present itself. I'm like the loneliest person I know"

I curled myself. Feeling vulnerable for the confession I told him. It's really comfy when he's around, I feel like pwede akong magpaka totoo kapag si Patrick ang kasama ko. Walang plastikan.

Naramdaman ko ang kamay niya saking likod, kahit ang kanyang mga haplos ay nakakawala ng stress at pagod. I know I'm being very dramatic again but it does hurt when people know what to do with their lives and you don't have any idea what to do with yours.

Hinila ako ni Patrick palapit sa kanya at nagpaubaya naman ako.

"Is it really selfish to ask something I never experienced?" sa pagitan ng hikbi't hinagpis, niyakap niya ako ng mahigpit. Ginantihan ko rin siya ng yakap dahil sa kauna-unahang pagkakataon, naramdaman kong merong tunay nag-aalala.

"Please don't leave me."

He tapped my back and lead us to lay down. Sumunod lang ako at magka harap kami habang naka higa. I stared at his face and saw sincerity and concern.

"You don't have to say anything, I'll be here as long as you want me to"

I didn't answer, I don't want to ruin the serene moment. Nagtitigan lang kame and I did it. Lumapit ako sa kanya at marahang hinalikan ang kanyang labi. We both closed our eyes as we continued tasting each other for the first time, not thinking what could happen after all this. He touched my face and allowed him to do so. This is my first kiss and I'm glad I offered it to him.

I opened my mouth so that he can enter his tongue, I went closer to him hanggang sa naka patong na ako sa kanya. Naramdaman ko ang init ng kanyang katawan, the kind of body heat I never felt before. I feel like I'm burning and I don't know if it came from him or from mine. I felt his crotch and felt the unfamiliar hardness I never knew I like.

I let my hands roam, pababa sa kung saan may matigas na bagay. Both of us moaned for the intimacy we discovered from each other. Pinasok ko ang aking kamay sa loob ng kanyang underwear and felt starving.

"Aaaahhh" Napa singhap siya ng higpitan ko ang ang aking pagkaka hawak. Nagpatuloy parin kame sa paghahalikan habang dahan dahan kong tinataas baba ang aking kamay sa malaki niyang alaga.

His mouth smells like candy and tastes like one. The kiss is passionate, walang nag mamadali. Ang lambot ng labi ni Patrick which kind of turned me on to the highest level, I wonder how it feels to kiss Kuya Roy.

The thought made me stop. Fuck! Huminto ako sa aming ginagawa at napa tigil din siya. Parehong dumilat ang aming mga mata ng mahimasmasan. Napa upo kami.

"Mali ba to?" Tanong ko sa kanya. He touched my face.

"Only if you think of him instead of me"

"I'm not that cruel, you know" I touched his hand and felt his warmth.

"I know, let's go back to sleep. May workshop pa tayo bukas"

I mouthed "sorry", mahina pero alam kong narinig niya.

Humiga kaming dalawa, tumalikod ako mula sa kanya at niyakap niya ako mula sa likod. Nagulat ako sa ginawa niya pero hindi siya pinigilan. He deserves this and I thought, I don't deserve him.

Naka tulog kaming magkayap at nagising ng magkayap. Wala namang issue saken yun eh, kaso pag gising namin ni Patrick, nasa harapan namin si Ivan at Sam na may malawak na ngiti sa mukha. Pareho silang may hawak na phone and I'm pretty sure they are documenting our cuddle moments.

Naka tihaya si Patrick at ang ulo ko ay naka unan sa dibdib niya, pareho kaming naka yakap sa isa't isa.

Napuno kami ng tuksuhan at tawahan habang kumakain ng breakfast. Most of them came from Ivan who never stopped talking about how we looked like we just came from a morning sex. Tinawanan ko lang ang lahat ng banat nilang mag nobyo pero si Patrick, halatang naiilang at hindi mapalagay. Sinasabayan ko na nga lang para hindi maging awkward ang paligid.

By 7:00AM tapos na kaming lahat mag prepare. Malapit lang naman ang theater kung saan gaganapin ang workshop kaya nilakad lang namin.

On the way, Patrick is acting all strange and awkward kaya inakbayan ko siya to make him feel that it's okay. That after all what happened last night, walang pagbabagong mangyayari sa aming dalawa.

Nakarating kame sa venue ng workshop at si Kuya Rence, Kuya Roy, Queen at Monica pa lang ang tao. There are 14 members, including Patrick, Sam, Ivan and I.

"Oh, andito na pala ang F4 naten eh" Bati sa amin ni Monica. Nasa gitna ng theater ang stage, Arena stage ang set up ng venue kung saan nasa apat na sulok ng gusali ang audience. What they are planning is a 30-minute play kaya kahit na it seems short, ang preparation na gagawin ay hindi basta basta. From stage design, costume, floor directing, props, script and the actors, all of these will need intense preparation and we only have a month to do all that things.

Binati namin sila ng makalapit kami. Tiningnan ako ni Kuya Roy at ngumiti lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya after turning off his call last night. Binati rin ako ni Kuya Rence at sinuklian ko yun ng ngiti. Normal pa naman ang lahat, kahit na medyo nagiging aggressive minsan si Patrick for protecting me, cool lang siya.

Nang makarating ang lahat sa venue, tinawag kame ni Kuya Rence na pumunta sa may stage at umupo. Tatlo naman silang nasa harapan namin, si Kuya Roy, Kuya Rence at si Queen. Sila ang main leaders ng club.

"Magandang umaga sa inyong lahat." Bati sa amin ni Queen at binati rin namin siya. Magka tabi kami ni Patrick.

"I hope you had a good night rest kase gagamitin namin kayo today. Hahaha" Biro niya samen at nagtawanan ang lahat. Natawa naman ako sa sinabi niya at tiningnan si Patrick. Inirapan niya lang ako at kinurot ko naman siya sa pisngi.

"Lakas maka KathNiel ah!" Tukso sa amin ni Sam na nasa likuran lang pala namen. Ang pucha, lahat nalang yata ng gagawin namin makikita nila. Nanigas na naman si Patrick, gago talaga.

"Seryoso ako, ano ba! hahaha. Gagamitin namin kayo for today's workshop and trust me, what we have in our hand is not easy. Remember, this is a fund raising event and we need your 101% commitment to justify our cause." dinig kong sinabi ni Queen. Napatiningin kami sa dako nila at nakita ko si Kuya Roy na naka tingin lang saken. Seryoso.

Everyone agreed with Queen. Actually gusto kong makuha ang lead role, kung ano mang play yan kaya tinatak ko sa ulo ko na gagalingan ko ang workshop para mapili ako.

"I will let Roy discuss all of the details sa mangayayaring workshop today. So please listen."

Kuya Roy stepped forward.

"Thank you, Queen. At thank you sa inyo for showing up. By the way, we'll be announcing the title and details of the play after the workshop so please galingan niyo today kung gusto niyong maging lead role. Okay?" Panimula ni Kuya Roy. I need to be the lead role, they say hindi na daw a-acting si Kuya Roy at Kuya Rence, since sila ang magiging head director ng play so I need to impress them.

"So before the actual workshop, we'll have our warm up first: Relaxation, Vocal Warm-up, Physical warm-up, Focusing the mind and communicating with others. After the warm up, we'll start with the actual workshop so be ready." Aniya. Tumango lang kameng lahat, I'm excited kase this will be the first time I'll be seeing my friends act.

Matapos ang discussion ni Kuya Roy, si Kuya Rence naman ang nag take over. We started scattering at hinarap ang stage, dun niya kase sinabe ang mga instructions for the warm up. Sa relaxation, dapat lang namin kalimutan ang mga problema at tensyon namin in the mean time, which is kind of hard kase hindi naman ganun kadali eh, tapos deep breathing lang for about 5 minutes. Sa vocal warm-up naman, they took a small board on stage na may nakalagay na tongue twister such as the common 'Minekaniko ni Moniko', 'Peter piper' at iba pa. Tawanan nga ang lahat kapag nahihirapan. Kanya kanya kaming laro saming mga dila. For the physical warm-up naman, we did a 3 minute aerobics para daw ma kondisyon ang katawan namin. As for focusing the mind, they told us na lumabas ng theater at kumuha ng isang bagay na makakapag describe sa feelings namin for today, anything will do and for communicating with others, we will share our thoughts about the object in front of everyone for 1 minute.

Very relaxing ang warm up. After ng instruction ni Kuya Rence na pwede na kaming lumabas to get an object, kanya kanya na kaming exit at kuha ng mga bagay bagay sa labas. Gusto sanang makisabay ni Patrick saken pero I told him na it would be better if wag muna para hindi niya malaman kung ano ang object na napili ko. Si gago naman, ayun nag tampo agad.

After a few minutes of going outside, isa-isa narin kaming pumasok. Naghihintay na sa loob sina Kuya Roy, tumungo naman kaming lahat doon.

"Anong dala mo?" Tanong saken ni Patrick, lumapit din samen sina Sam at Ivan na may dala dalang

"Hindi ba pwedeng suprise nalang?" Sagot ko sa kanya sabay irap.

"Sungit mo naman!" Tampo niyang sabi.

"Tumigil nga kayong dalawa, napaghahalata-an kayo eh!" Sita naman ni Sam. Napa tiigil nalang kame ni Patrick.

Tinawag kami ni Kuya Rence na pumunta sa may harapan ng stage. Tumungo kame sa kanila at isa isa kameng tinawag to present the things that best describe our day. Huling tatawagin ang mga bago kaya nauna na ang mga old members.

Napuno ng tawanan ang silid dahil sa presentasyon ng iba. Meron pang umiyak at ang dala niya ay tuyong dahon na sumisimbolo sa pagiging dry ng sex life niya.

"Patrick Llenares" tawag ni Kuya Rence, umakyat naman si Patrick ng marinig niya ang kanyang pangalan. Ano kaya ang dala niya?

May dinukot siya sa kanyang bulsa at nakita ko kung ano 'to.

"I was trying to look for a rose but unfortunately puro morning glories ang nasa labas." Panimula niya, napa ngiti ako at dumako ang kanyang tingin saken. I blushed.

"So I went to the nearest garbage can kase alam kong puno ito ng mga bagay na hindi na ginagamit ng tao at mga bagay na akala natin hindi na naten gagamitin pero may silbi pa pala sa iba." Inangat niya ang sirang headset upang makita ng lahat.

"Sa unang tingin ay parang okay pa naman pero kung susuriin mo ng maigi, malapit na siyang maputol. Ganito din ako ngayon, hanging. People think I'm fine but not really. For some reason, I feel like I'm this trash." Then he bowed. Matapos niyang sabihin yun, napuno ng guilt ang katawan ko, hindi ko man lang alam na may pinagdadaanan siya. Napuno naman ng "Oooooh" at palakpakan ang silid dahil sa reaction ng mga tao. Bumaba siya sa stage at hindi ako maka tingin sa kanya, naramdaman ko nalang na may umagbay saken at nakita si Ivan. He smiled.

"Don't. Everybody is going through something, it's not your fault if you don't know." Aniya. Hindi ako naka sagot.

"Thank you very much Patrick. Well, I guess after that, everyone will think twice na kung itatapon ba nila mga headset nila. Hehe" Biro ni Queen, at tumawa naman ng mahina ang iba.

"Jay Paul Vera, ikaw na." Tawag saken ni Queen. Nagka salubong kame ni Patrick pero hindi ko siya pinansin, nilampasan niya lang din ako. Nakaramdam ako ng kirot. Ilang linggo palang naman kameng nagsasama bilang kaibigan pero nakakalungkot kase hindi ko pa pala talaga sia kilala. Pero ang pinaka bumabagabag talaga saken is ang ideyang baka isa ako sa mga dahilan kung baket hindi siya okay ngayon. Hanging?

I stood up on the stage in front of them. Took a deep breath at kinuha ang bagay na napulot ko kanina sa labas.

"Piso." panimula ko.

"Sino mag-aakalang ang mga bagay na dapat pinapahalagahan ay makikita mo lang na naka tiwangwang sa daan. Pinulot ko ang piso because I know exactly how it feels to be left behind. Ang nakaka lungkot pa dito, dahil piso lang 'to, hindi malalaman ng may-ari na may pisong nawawala sa kanya." I felt bad about how I feel, it seems like everything in me is composed of pity misfortunes. I hate myself for having this kind of life, for having nothing.

I bowed my head. I can hear them murmuring something but everything is gibberish.

'wag kang umiyak, Jay! Kailangan mong maging matatag!

---------------------------------------

A/N: Masyado bang maikli? by the way, hahabaan ko sa susunod na part.

Abangan...

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Someone Else's Story (Part 3)
Someone Else's Story (Part 3)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEh-o966jmybEm_3uoy2rvQK6__M9kqgdX7CAjP-_ToApAIVGbiQDftV9MB86CeakFYMBQLZbnlNkDtJ3PPLHy5TiCDyZjrxyrxkFiiIBZWj-Q1U-6c-dDU4o0jJSMLbGpGy-DO6X364rFG_/s1600/graham.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEh-o966jmybEm_3uoy2rvQK6__M9kqgdX7CAjP-_ToApAIVGbiQDftV9MB86CeakFYMBQLZbnlNkDtJ3PPLHy5TiCDyZjrxyrxkFiiIBZWj-Q1U-6c-dDU4o0jJSMLbGpGy-DO6X364rFG_/s72-c/graham.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2019/12/someone-else-story-part-3.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2019/12/someone-else-story-part-3.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content