$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Elevator, Truth and the Past (Part 1)

By: thelonelyboy2020 Bahagyang sumasayaw ang mga dahon at sanga ng mga punong nakahilera sa bangketa kasabay ang malamig na ihip ng hang...

By: thelonelyboy2020

Bahagyang sumasayaw ang mga dahon at sanga ng mga punong nakahilera sa bangketa kasabay ang malamig na ihip ng hangin. Hindi naging dahilan ang maulap na umaga upang bumaba ang enerhiya ng kakagising pa lamang na Bonifacio Global City. Naalala kong hindi ko nailagay ang aking payong sa aking bag kaya naman napakunot ang aking noo habang iniisp kung anong mangyayari sa akin kapag inabutan ako ng ulan sa aking pag-uwi mamayang gabi.

“Good Morning Sir”, ang pagbati sa akin ng guwardiya. Pinagbuksan niya ako ng pintuan. Sinuklian ko naman iyon na isang maayos na pagbati bago ako tumungo sa Elevator Lobby. Pinilit kong iangat ang aking braso upang mapunasan ang aking pawisang noo gamit ang manggas ng aking polong suot habang binabalanse ang hawak na kape at take-out doughnuts. Bumukas ang Elevator at pumasok ako. Pumuwesto ako sa dulong kanto para umiwas doon sa isa kong kasabay. Napasandal ako sa malamig na metal at salamin. Napabuntong hininga na lamang ako. Bago paman tuluyang sumara ang pintuan ay isang kamay ang tumapik sa dalawang bakal na pintuan na siyang dahilan upang bumukas ulit ang mga ito. Nabigla ako sa lalaking pumasok. Suot niya ang kanyang putting polo na medyo hapit sa hubog ng kanyang katawan. Ang mga manggas nito ay nakatupi ng ilang beses at inilalantad ang kanyang mga kamay at braso. Hindi parin nagbabago ang kanyang maputlang kompleksyon. Nasilayan ko ang kanyang mukhang nakatitig sa babaeng nasa kabilang kanto. “Thank You”, sambit ng lalaking kakapasok lamang. May kakapalan ang kanyang buhok ngunit maayos itong nakabagsak na siyang nakakapanibagong tingnan lalo na’t hindi ito ang ayos ng buhok niya na aking nakasanayan. Simple lamang ang buong ayos ngunit alam mong maraming napapalingong babae―at mga pusong babae. Bago paman siya makatalikod sa aming dalawa ay hindi ako nakaligtas sa kanyang mga nagkasulubong na mga kilay. Makakapal ang mga ito ngunit maayos na waring sinuklay upang sumunod sa curba ng kanyang struktura. “Moy?”, ang nagtataka niyang tanong. Malalim ngunit tila paos ang kanyang boses. Sumara ang pintuan at hindi parin ako nakakasagot. Tila natulala ako sa aking nakita. “You work here?”, ngumiti na siya sa pagkakataong iyon, tila pinagmamayabang ang kanyang maayos na ngipin at maninipis na labi.

“U-uh, Oo. What are you d-doing here?”, pautal-utal kong sagot. Napalunok ako ng laway habang pinipilit kong tumayo ng maayos. Yumuko ako upang tingnan kung maayos ba ang pagkakatupi ng aking pantalong Khaki. Nasilayan ko ang suot niyang katad na sapatos na kasing kayumanggi nang sa akin.

“I just started last Monday. Wow, small world!”, ang masigla niyang pagbati.

“W-wow”, hindi ko maintindihan ang kaba at pagkabigla na aking nadarama. Sa lahat ng lugar at pagkakataon, dito at ngayon pa talaga kami magtatagpo ulit.

“What floor?”, tumabi siya sa akin at nagkadikit ang aming mga braso. Lumingon ako at sinubukang tingna siya sa mata habang sinasagot siya ngunit nabalot ako ng pagkailang kaya’t napatitig na lamang ako sa pintuan.

“16”

“Nice. Sa 17 lang ako”, sa tingin ko naman ay tila nasisiyahan ang tono ng kanyang pananalita. Ako lang naman ang hindi mapakali.

Tumunog at bumukas na ang pintuan nang dahan-dahan at ako’y umayos na sa aking pagkakatayo at naghandang maglakad papalabas. Napalingon ako sa kanya at nagpa-alam. “Uh-I’m h-here. 16th floor. S-sige.”, pinilit kong ngumiti ngunit marahil bakas ang aking pagkailang kaya’t hindi narin siya sumagot at tumango na lamang.

Naglakad ako patungo sa aking istasyon na tila ba lumilipad ang aking isip kung saan man. Tila naiwan yata sa elevator. Pailing-iling ako na tila ba pilit na pinagsawalang bahala ang tao na aking nakita at nakausap. Inilapag ko ang aking kape, take-out dougnuts, at bag sa ibabaw ng mesa at umupo sa aking di kalambutang silya. Hindi ako agad nakahigop ng Latte dahil napako ang aking mga mata sa salaming bintana na katabi ko. May kadiliman ang umagang iyon at tanaw ko ang mga di mabilang na sasakyang nagpapaligsahan sa kalsada.

“Okay ka lang?”, ang tanong ni Karen sa akin. Dumukot siya ng doughnut mula sa paperbag na nakalapag sa aking mesa.

Hindi ako sumagot.

“Hoy!”, tinulak ng kanyang huntuturo ang aking noo kaya’t bahagyang napaliyad ang aking ulo.

“Ha?”, ang gulat kong sagot.

“Ewan ko sayo.”, ang pagsusungit niya sa akin. “Ano, sama ka na mamaya?”, tanong niya. Nakaupo siya sa dulo ng aking mesa. “Nope. May tinatapos akong series.”, sagot ko. Itinuon ko ang aking atensyon sa pag-aayos ng aking mga gamit.

“Lolo ikaw ba yan? Minsan na nga lang tayo mag KTV. Besides, it’s Friday.”, naubos na niya ang doughnut na kinakain niya.

“Alam mong bawal kumain dito diba?”, ang pagsaway ko sa kanya. “Baka Makita ka ni Miss Rama.”, pahabol ko.

Inirapan lamang niya ako. “Anyway, maaga pa naman. Tsaka isasama daw ni Arthur yung friend niyang taga 17th.”, dinidilaan niya ang mga natirang tsokolate sa kanyang daliri.

“T-taga 17th?”, natigilan ako sa aking pag-aayos at nag-umpisa ulit na makaramdam ng mabilis na pag-agos ng dugo sa aking mukha.

“Ahuh, yung bagong assistant supervisor sa Tech. Tsaka balita ko schoolmate mo daw yun”

Hindi ako nakagalaw. “Pass”, ang mabilis kong sagot.

“Walang pass-pass. Basta. Mamaya, kita tayo sa lobby. Treat kita sa ambag, total birthday mo naman last week.”

Hindi ako sumagot at umiling lamang. Sa tutoo lang, hindi ako mahilig sa mga gala na panggabi. Ayaw ko ding uminom dahil maliban sa mabilis akong tamaan ng alak, ayaw ko rin sa mga maiingay at madidilim na lugar. Ayaw na ayaw ko ang mga padalos-dalos kong kilos at salita sa tuwing napapasobra ng inom. Ngunit ang pinakadahilan ko kung bakit ako nag-iisip kung paano makakatakas sa aking mga kaibigan ay iyong taong makakasama namin mamaya. Hindi ko lubos maisip na magkikita parin pala kami matapos ang apat na taon.

“Remind ko lang, Mr. Amorsolo Pueblas ll., bente kwatro ka na.”, nakapamaywang si Karen na tila nanay kong naglilitaniya. Yumuko siya at bumulong, “Pogi daw, feel ko bet mo”, at kinulbit niya ang aking tagiliran. Napabakwis ako ng bahagya dahil sa kiliti na naramdaman ko, at iniangat ko ang aking kamao at inilapit iyon sa kanyang mukha. Alam ni Karen kung gaano kaigsi ang pisi ko sa mga birong ganoon. “Joke. OA nito.”, tumawa siya at nag-umpisang malakad patungo sa kanyang istasyon. Naiwan akong nakatunganga lamang sa kakaisip. Huminga na lamang ako ng malalim.

---

2015 | College of Engineering and Architecture

Isinara ko ng pabagsak ang aking laptop matapos ang pag-uusap namin ng nanay ko sa Skype. Napabuntong hininga ako dahil labis na akong nag-aalala sa kung paano ko itatawid ang aking Thesis, at kung paano ko ipo-proseso ang pag-pagpapaalam sa mga kaibigan kong nakasama ko simula pa noong unang taon ko sa kolehiyo. Kung tutuusin, iilan lang naman ang mga kaibigan ko. Umilaw ang aking telepono at lumitaw ang mensahe mula sa aking ina. “Nalimot kug ingon, Muuli imong Papa sa Graduation. Dungan na dayun tang tulo ug larga”, (nakalimutan kong sabihin, uuwi ang Papa mo sa Graduation mo, tapos sabay na tayong aalis) ang sabi sa kanyang mensahe.

“Mahal kaayo ang ticket, Ma” (Mahal masyado ang ticket, Ma), ang sagot ko.

“Ang Abu Dhabi mabalikan pero ang Graduation dili. Panagsa rana”, (Ang Abu Dhabi, nababalikan pero ang Graduation. Minsan lang yan).

“Okay Ma”, bago ko paman mailapag ang aking telepono sa mesa ay biglang tumabi sa akin si Calvin at Meg. Pinagitnaan nila ako. Ipinasok ko ang aking laptop sa aking bag at itinabi sa pader kung saan nakadikit ang mesang pinagpuwestuhan naming tatlo. Iniabot ni Meg ang aking Wintermelon Latte na may mga malalamig na butil ng tubig pa na tumutulo. Isinaksak ni Calvin ang Straw sa kanyang Taro Milk Tea at humigop doon. Kagat-kagat ni Meg ang kanyang Empanada nang hinablot niya ang aking telepono. Wala na akong nagawa nang basahin niya ang mensahe ng nanay ko.

“Hmm. Chu weeks af-fer grag-wey-shum… then alis na kayo?”, pinagsabay niya ang pagsasalita at pag-nguya sa kinakain. “Tangina ang init.”, Agad siyang uminom ng Ice Coffee.

“Ang baboy kasi.”, ang pagsaway ni Calvin. “Paano yung bahay niyo?”, tanong niya.

Wala naman akong magagawa kahit ayaw kong iwan ang syudad. Dalawang taon narin akong mag-isa sa bahay namin, at nagkikita lamang kami ng nanay ko tuwing bakasyon kung saan pumupunta ako ng Maynila. Di maiwan-iwan ng nanay ko ang trabaho niya, kaya’t praktikal narin na ako ang pumunta sa kaniya kaysa naman siya pa ang bumiyahe. Sayang din ang kanyang leave credits. Matanda na rin ang nanay ko, kaya’t kahit makapagtapos na ako ng kolehiyo, sasamahan ko parin siya doon sa Maynila habang hindi pa humihinto ng kayo dang tatay ko sa ibayong dagat. “Tatlong taon nalang, anak”, ang sabi ng huling mensahe niya sa akin sa Facebook. Kung tutuusin, sapat ng pang-umpisa ng pangkabuhayan o negosyo iyong kinita ng mga magulang ko sa pagbenta ng aming bahay. Hindi na masama para sa isang Bungalow na may tatlong kwarto, garahe, hardin at Roof Deck. Pero sabi nga ng nanay ko, tatlomg taon na lang naman. Nakakalungkot lang isipin na sa loob ng ilang buwan na lamang ay kailangan ko nang magpaalam sa lahat ng kung ano mana ng mayroon ako dito.

“Pero tuloy tayo sa amin ha? Tatlong araw lang eh.”, ang pagpapaalala ni Calvin sa amin. “Tsaka sasama naman sila Javi. Dala lang kayo ng extra jacket at kumot. Malamig sa Bukidnon. Sarap mag-bonfire dun with hot choco.”.

“Basta ikaw bahala sa lahat”, tinapos ni Meg ang kanyang empanada.

“Loko ka, ambagan tayo sa pagkain no”, ganti ni Calvin.

Nagpaalam akong pupunta muna ng kubeto. Ikinandado ko ang pintuan at humarap sa salamin. Umalingawngaw iyong sinabi ni Calvin. “…sasama naman sila Javi.”, ang parang sirang plaka na bumubulong sa aking isipan. Umiling-iling ako at nagpunas na lamang ng mukha. Inayos ko ang aking buhok ng ilang ulit dahil nabasa ito. Inayos ko din ang aking polo. Nagpakawala ako ng buntong hininga. “Sasama siya”, ang bulong ko sa aking sarili.

Sa lahat ng pag-aalala at pag-iisip ko sa lahat ng mangyayari bago at pagkatapos ng Graduation, sadyang napapangiti parin ako sa tuwing naiisip o naririnig ko ang pangalan niya. Naghilamos ako at tinitigan lamang ang aking repleksyon sa salamin. Nararamdaman ko ang pag-bilis ng kabog ng aking dibdib, at ang pag-agos ng dugo sa aking mukha na para bang nag-iinit ito. Kahit tila nahihiya ako sa aking sarili, hindi ko naman nais magkibit-balikat sa aking nararamdaman. Noong una ay akala ko simpleng paghanga lamang ang aking nararamdaman nang nasubaybayan ko siya sa kanyang paglalaro ng Volley Ball bilang kasapi ng mga manlalaro ng aming Departamento. Madalas ko na siyang nakakasalubong sa pasilyo, nakakasabay sa Elevator at napapansin sa silid aklatan. Hindi ko namang masasabing masungit siyang tao, at hindi naman ako umasang mapapansin niya sa tuwing nangyayari iyon. Ang tanging engkuwentro ko lamang sa kanya kung saan unang narinig ko ang kanyang boses ay noong naging magkaklase kami sa isang Minor Subject. Tinawag ako ng aming propesor upang marinig ang aking opinyon sa tanong niyang Is Truth Relative.

“I-I personally don’t believe that truth is relative, but I also believe that there are sets of truth that are not absolute. Truth should be absolute, but yes, it can be subjective. That’s how I see it, Sir.”, hindi rin ako sigurado sa aking sagot. Tumango lamang ang aming propesor ngunit agad akong napalingon sa bandang likuran nang biglang magsalita ang taong nakaupo roon.

“So how do you determine what’s relative from what’s absolute?”, malalim ngunit namamaos ang boses ni Javier Anthony Macarandan.

“A-ah… Water in America is water. Water is Manila is Water. That’s absolute truth. Tea is the best for the English, Coffee is the best for… others. That’s relative. My statement isn’t about dividing the truth into two… bodies, but pointing out that Truth is an absolute trunk with branches that are somehow… subjective―some of them. As I have said, Truth is or should be absolute if we talk about the concept of perfect society, but there are pre-existing subjective truths in our culture which are impossible for us to change if we plan to.”

“Then tell us where to look for the absolute truth as reference. Kailangan natin yun as human beings.”.

“It’s unknown.”, iginalaw ko lamang ang aking balikat dahil hindi ko rin naman alam ang sagot sa tanong niya. Umupo ako sa aking silya at ginawa ang lahat upang huminahon. Nanginginig ako at pinagpapawisan.

Oo, ilang beses kong sinubukang kunin ang kanyang atensyon sa pamamagitan ng kunwari pag-aayos ko ng aking salamin sa tuwing nagkakasalubong kami, o magkunwaring tumatawa upang maipakita ko naman na masayahin ako at masaya akong kasama. “Shabu pa more?”, ang pang-aasar minsan sa akin ni Calvin sa tuwing napapansin niyang hindi tipikal kanga king mga reaksyon. “Fake an accident in front of your crush.”, ang sabi sa isang artikulo sa intertnet na aking nabasa. Naging mananaliksik din ako kahit paano dahil dito. Ayaw ko na sanang subukan pa iyon dahil una, nakakahiya at pangalawa, magmumukha akong desperado. Bakit ko ba iyon susubukan kung alam ko naman sa sarili ko na una, hindi ko dapat ginagawa itong pagpapapansin ko sa kapwa lalaki at pangalawa, hindi ko dapat ito nararamdaman.

Pilit kong pinoproseso ang lahat ng tila ipo-ipong emosyon at impormasyon na gumugulo sa aking pagkatao. Sa huli, tinanggap ko narin sa aking sarili na hindi ako tulad ng iba. Hindi ako tipikal, at umiibig ako sa aking kapwa. Siguro nga ay ito na ang sagot sa kung bakit ako naiiba kumpara sa aking mga kababata. Siguro nga ay ito ang sagot sa kung bakit hindi ko masagot ang tanong ng aking kaklase noong elementary na “Who’s your crush?”. Hindi ko lang alam kung paano ko ipapaliwanag sa aking ama na malaki ang tsansang hindi ko maipapasa ang apelyido niya sa kanyang apo―handa ako sa posibilidad na tumanda akong mag-isa. Ngunit napaisip ako, kung alam na ng nanay ko noon pa, alam din kaya ng tatay ko? Mas nahirapan akong umamin kay Calvin at Meg kaysa ikumpisal iyon lahat sa aking ina. “Buang, karon paka kabalo nga bayot ka?” (Baliw, ngayon mo lang nalaman na bakla ka?), ang pagbibiro ng nanay ko.

Marahil matagal na akong ganito, ngunit unti-unti ko itong nakumpirma noong hindi ko mapigilan ang aking sarili sa paghaluglog sa kanyang mga Social Media accounts na tila naghahanap ako ng kung ano mang impormasyonng hindi ko rin maipaliwag. Naging ugali ko nang sikretong sulyapan siya sa tuwing natityempo ko siya sa silid aklatan. Ngunit ang pinakarebelsyon sa aking pagkatao ay iyong sa unang pagkakataong mapanood ko siya, sa isang mainit na hapon ng 2013, na sa bawat pagpalo niya ng bola habang makintab ang balat niya dahil sa pawis, ay tila hindi ako makahinga. Basa ang kanyang buhok. Tila nabibinat ang kanyang kalamnan sa bawat galaw. Buong laro ay halos lumuwa ang aking mata at mapunit ang aking pisngi sa labis na pagngiti. Hindi ko maipaliwanag ang aking naramdaman sa araw na iyon. Tila nabingi ako sa lakas ng dagundong sa aking dibdib. Mas malakas pa iyon sa sigawan ng mga tao sa loob ng Gymnasium. Mas nakakabingi pa iyon sa tili at hiyaw ng mga babae at iba pa niyang taga-hanga. At sa bawat pagpalo at pagtalon niya’y nanginginig ako sa tuwing nakikita ko ang kanyang kili-kili. Sa pagtaas ng mga kamay niya upang abangan ang bolang lumilipad ay tila bumabagal ang galaw ng mga eksana: braso, kamay, binti, leeg, mga labi. Lahat ng detalye niya ay tila naging litrato sa aking utak. Nakailang ulit siyang lumingon sa dako namin, kung saan nakaupo ang halos lahat ng taga College of Engineering and Architecture. Napaisip ako, nakikita kaya niya ako? Itong may kapayatan na studyanteng nakalamin, pawis, at suot ang isang Kodaline T-shirt? Itong taong nakaupong pigil na pigil sa pag-sigaw sa bawat puntos na naipapasok niya?

Ano nga bang inisisip ko noon?

Naghiyawan ang mga kababaihan bandang ibaba namin, isang hilera lamang ang pagitan sa aming inuupuan. Bumaba ang aking mga mata sa mga babaeng tila paos na sa kakasigaw ng pangalan ni Javi. Napaisip ulit ako, kung ganoon si Angel Pinto pala ang kanyang sinusulyapan? Tumatalon talon ang dalagitang may katangkaran rin. Suot nito ang puting t-shirt na may kaluwagan at katerno ang isang kupas na maong na hapit sa kanya. Kahit pawis, nakikita ko ang maaliwalas niyang mukha. Makinis, may kaputian at maamo. Marahil ay siya iyong nililingon palagi ni Javi. Hindi magkamayaw ang komosyon. Nilingon ko si Calvin sa aking tabi na kumuha ng Video, at si Meg naman ay may dala pang pahabang lobo na winawagayway niya sa ere. Nanghina ang aking loob nang mapagtanto kong nag-iisip ako ng imposible. Natawa ako sa aking sarili. Nakakatawa kung iisiping tila Buwan ang pinagpapantasyahan kong maabot. Marahil ay puputi muna ang uwak bago niya ikonsiderang magkagusto sa akin. Natulala lamang ako sa huling parte ng laro, at kahit nanalo na nga ang kupunan ng aming kolehiyo ay tila bumaba narin ang aking enerhiya, at nagyayang umuwi na agad pagkatapos ng laro kaysa piliing sumali sa pakikipaglitrato sa kupunan.

Sabay-sabay na kaming naglakad pabalik ng unibersidad. Mag-aalas kwatro na at tila ginto ang kulay ng sikat ng araw na tumatama sa mga Acacia na nakahelera sa daanan papuntang kapilya. Ilang liko pa ay nasa Building 12 na kami kung saan ang sunod naming klase. Napalingon kaming dalawa ni Calvin sa biglang pagtili ni Meg habang nagbabasa ng isang mahabang pahayag sa Facebook Confessions ng aming unibersidad. Sa tutoo lang, hindi naman iyon akreditado ng administrasyon ngunit maharahil dala narin ng panahon, at dahil 2015 na ay hindi mapigilan ng aking henerasyon ang maki-usyuso sa kung ano man ang nasa pahagayang iyon.

“ACEECE!”, huminto si Meg habang hinihintay ang aming reaksyon. Naguluhan kami sa kanyang sinabi dahil hindi namin iyon maintindihan.

“ACEECE. Someone named ACEECE posted sa Confessions.”, nakataas ang isa niyang kilay.

“Then?”, tanong ko.

“Come on! ACEECE! ACE-ECE. Sino pa bang ACE ng ECE?”, sino nga ba?

“Javier Anthony Macarandan!”, inirapan niya kami at nag-umpisang maglakad ulit. Ipinaliwanag niyang tila nagpapahayag iyong taong iyon na mayroon siyang pagtingin sa isa sa mga magagandang dilag sa aming kolehiyo. Ano pa nga bang mapupulot ng mga kabataan sa mga Confessions nay an kung hindi iyong mga mabababaw ng bagay tulad ng tsismis at paninira?

“Sino pa ba ang ACE ng Electronics Communications Engineering. Hello? He’s the Ace sa College Team?”, tugon ulit ni Meg.

“Uh, ACE din kaya si Arthur. Technically, Arthur Charles Elizalde. Mas qualified siya maging si Mr. ACE-ECE.”, sagot ni Calvin.

“May point”, kahit nag-aalangan ako at nagdududa, kahit di ko man maamin na interesado ako sa kung ano man ang nakapaskil sa Confessions, pilit kong pinkitang hindi ako apektado sa mga sinabi ni Meg. “And since when did that stupid confessions interest you?”, pahabol kong tanong.

“Ang jeje―”, Hindi natapos si Calvin sa kanyang pagsasalita dahil agad sumingit si Meg.

“Speaking of the Devil”.

Ilang metro na lamang ay tanaw ko na kung ano man iyong tila malaking alon na raragasa akin. Sino ba ang hindi malulunod dahil sa alon na may taas na anim na talampakan, puno na pwersa at hindi mapipigilan?

Marahil ako lang.

Matapos ang maikling batian at impormal na kamayan, nakuha pang magbiro ni Arthur. “Teka, ikaw si ACEECE no?”, ang patawa niyang pagtatanong. Tinapik niya ng mahina ang balikat ni Javi.

“Fuck, pati ba naman kayo?”, kumunot ang noo niya ngunit nakuha pa rin niyang umiling at tumawa ng malakas. Kahit daw sa klase nila, siya din iyong tampulan ng tukso simula pa kaninang umaga. Kung iisipin, mayroong apat na Block ang ikalimang lebel ng ECE, kaya’t ibang tao nga siguro iyong nagpaskil ng “paghahayag ng damdamin”. Kung ganoon, magkatulad kami ng opinion ni Javi pagdating sa Confessions na iyon. “Ang jeje.”, tila naaasiwang pahayag niya. “Oh, Moy, balita ko alis ka na raw after Grad? Saklap naman. Hindi pa tayo close ah?”, tunog paos ang boses ni Javi ngunit malalim. Buo at hindi matalas. “Sama na kami sa Bukidnon.”

“Bilis ng tsismis”, iniangat ko lamang ang aking balikat na tila ba sinasabi kong “ewan”, bago ako tumawa na rin. Agad na sumingit si Meg at nagtanong kung nasaan sina Arthur at Stacy. Naikwento ni Javi na palabas na siya upang pumunta sa isang Coffee Shop. Hinihintay na siya doon ng dalawang kasamahan.

Nagpaalam narin siya at umaktong didiretso na ng lakad ngunit bigla siyang napahinto at nagtanong, “Kelan defense?”.

“Feb 21 si Calvin at Meg. Feb 23 ako.”, sagot ko. Buti nalang at hindi nila nahalata ang pag-iba ng timbre ng aking boses.

“Hmm. Two months from now. Nood kami.”, bago siya umalis.

(Author’s Note: Kung napost man ito, YES! As early as Part 1, I’m already asking that you forgive the errors/typos of the whole story. I did my best to write everything in formal Filipino, avoiding taglish slangs as much as possible. Just bear with me for I tried to slow-burn the narration. I’m thankful for KM for posting this (if ever?), as this is the only venue for my Filipino stories. I also tried wattpad but I guess this place makes it easier for readers to access the content without creating an account. Thank You. Feel free to comment/criticize. This is pure fiction. Thank you for the 21 hearts for Cruel Summer. Felt like I needed to change my alias into something cringier. HAHA.)

********

Eksaktong ala sais ng gabi nang mag-alsa balutan ako upang umuwi na. Hindi naman umulan buong araw kaya hindi ako mapapagastos ng taxi. Hindi na ako nagpa-alam kay Karen dahil sa iniiwasan kong makipagbangayan sa kanya at dumiretso na ako ng Fire Exit upang magmadaling bumaba. Nakakahingal ang bumaba ng nagmamadali mula sa ika-labing anim na palapag ngunit ito lang naman ang naiisip kong paraan upang maipuslit ang aking sarili nang hindi nakikita nila Karen. Ayaw ko ding maabuatan nila ako sa Elevator lobby, dahil doon lang din ang pintuang labasan ng Fire Exit Stairs. Isinabit ko ang aking sling bag sa aking kaliwang balikat at naglakad ng mabilis upang tumungo sa dulo ng lobby. Napansin ko ang isang pamilyar na pigura na papasok. Binati siya ng mga guwardiya at receptionists ngunit hindi man lang ito lumingon. Kulay makintab na tsokolate ang kanyang buhok na tanaw ko na mula sa kinatatayuan ko. Suot niya ang kanyang tipikal na Business Attire. Takot ang lahat sa matataas na takong ng kanyang sapatos. Literal niya itong binabato sa kung sino mang “Stupido” ang makita niya. Binagalan ko ang aking lakad at huminto. “Good Evening Ms. Rama”, ang mahinahon kong pagbati.

Huminto siya at tumingala sa akin. Sadyang maliit talaga siyang babae kahit suot pa niya iyong limang pulgada niyang takong ng sapatos. Hindi umimik at tumitig lamang. “I like your hair, Mr. Pueblas.”, ang tanging sinabi niya bago maglakad patungong Elevator Lobby. Nagpasalamat ako ngunit alam kong hindi niya iyon narinig. Napabagal ang aking paglalakad kakaisip kung sarkastiko ba ang kanyang sinabi, o sadyang iba lang ang ihip ng hangin ngayong araw. Napailing na lamang ako at nag-paalam narin sa Guwardiya. Bago paman niya mabuksan ang salaming pintuan, isang matinis na boses and nagpahinto sa akin. Hindi ako agad nakaharap dahil tila nahihiya akong marinig ang aking pangalan sa isang mataong lugar.

“Hoy Amorsolo!”, ang pangalawang pagtawag niya sa akin. Kasabay niya ang apat pa naming kasamahan sa opisina. Hindi ko man ibaling sa kanila ang aking paningin, alam ko na kung sino iyong nasa likod ni Arthur. Inabot ni Karen ang aking kamay at kumapit sa aking braso.

Pinilit kong umakto ng normal. At dahil nahuli na ako, sumama narin ako. Binati ko narin si Arthur at ang kanyang bagong ka-opisina na kakilala ko raw. “Long time no see”, nakangiti kong sabi. Hindi ko alam kung yayakap ba siya o makikipagkamay lamang dahil umakto akong mag-fist bump. Tila hindi namin alam ang gagawin kaya’t nakipagkamay na lamang siya sa akin. Agad kong hinablot ang aking kamay dahil alam kong naramdaman niya ang labis ng lamig nito. Ipinasok ko ito sa aking bulsa at ibinaling sa iba kong kasama ang aking atensyon. Natahimik sila sa nakakailang na sitwasyon ngunit agad naman itong nasundan ng pag-iingay ni Karen. Nagpasalamat narin ako dahil hindi ko kailangan makipag-usap kay Javi, dahil abala silang lahat sa pag-usisa sa kanya.

Nakalutang sa kung saang ere ang aking isipan kaya’t hindi ako lubusang maikonekta ang aking sarili sa grupo na abala sa alak, karaoke, at interogasyon sa buhay ni Javi. Tumango-tango lang ako sa mga sagot niya na tila ba hindi ko alam ang mga iyon. Karamihan sa mga bagay na pilit inuungkat nila Karen at Camille ay kanyang buhay pag-ibig, na siyang sinagot naman ni Javi ng walang pag-aalinglangan. “Your last girlfriend was your college girlfriend?”, tumango lamang si Javi sa tanong ni Karen. “Tapos three years ka nang Single?”, ang tanong ni Camille. Marahil dahil naka-tatlong bote narin siya ng vodka kaya naman maluwang na ang bisagra ng kanyang dila. Namumula-mula narin ng bahagya ang kanyang pisngi, noo at parte ng kanyang leeg. Tila pumupungay na ang kanyang mga mata.

May mga pagkakataong napapasa sa akin ang pagsagot dahil pati si Arthur, mukhang sinasadya ang pagpasa sa akin ng mga tanong. “Moymoy?”, nakakunot ang noon ni Karen nang marinig niya ang salitang iyon kay Javi.

“Nickname niya yan.”, ang sagot naman ni Javi.

“Hoy, nakita ko yun. Don’t you roll your eyes on us lalake ka!”, ang pagsusungit sa akin ni Karen. “Mahigit tatlong taon na tayo magkaibigan tapos never kang nagkuwento!”.

Hindi ko maiwasang mag-irap sa inaasal ni Arthur dahil alam kong nais niya na makaramdam ako ng labis na pagkailang. Maging kay Arthur, hindi naging madali ang aking pakikitungo sa mga unang buwang magkasama kami sa trabaho. Hindi ko maalala kung paano kami humantong sa pagiging magkaibigan, na kung iisipin ay tila naputol na lamang biglaan ang aming koneskyon noong nasa kolehiyo pa lamang kami. At kung tutuusin, alam niya ang halos lahat ng nangyari dati. “Let’s leave everything in the past”, ang aking pahayag noong nagkataong nagkausap kami. Kakasimula pa lamang ni Arthur sa trabaho noon. Minsan ay napapansin niyang napipikon ako sa mga biro niya kaya naman tumitigil din siya sa panunukso. Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit hanggang ngayon, tinutukso parin niya ako sa sinapit ng pagkakaibigan namin ni Javi.

“Naging groupmates kami sa isang Engineering Math. “, ang pagpapaliwanag ko kung bakit kami magkakilala. Sa pagkakaalala ko, ang paggiging magkagrupo namin noon ang dahilan kung bakit nagwakas ang pagiging ekstranghero ko sa kanya.

“Amorsolo? What a name!”, ang gulat niyang reaksyon noong magpakilala ako sa kanya habang nagkakaroon kami ng pag-aaral pang-pakat. “Look who’s blushing”, sinundot ni Meg ang pisngi ko sa pagkakataong iyon ngunit parang wala akong maramdaman. Sa pagkakaalala ko, nais ko na lamang magtago sa pagkakataong iyon. Nakakahiya. Nabasa kaya niya ang aking nararamdaman base sa mga reaksyon ng katawan ko na hindi naman boluntaryo?

“Buang!”, (Baliw!), ang tanging naging reaksyon ko, at pilit akong tumawa. Alam naman nilang dalawa na naiilang parin ako sa tuwing tinatawag ako sa buo kong pangalan.

“Call him Moy. Naasiwa siya sa buong pangalan niya. His parents call him that way… All of his close friends, too.”, ang sagot ni Calvin habang nagkakalkula ng mga sinasagutan naming aralin. Tumigil siya at tumitig lamang sa akin habang tinataas-baba niya ang kanyang mga kilay. Bumalik siya sa kanyang ginagawa hawak ang ballpen at calculator. Alam naman kasi ni Calvin kung kailan ko kailangan ng tulong, lalo na tuwing nalalagay ako sa alanganing sitwasyon gaya nang labis na pamumula dahil sa nakakaasiwang sitwasyon. Hindi narin ako magtataka kung may alam man siya tungkol sa pagtingin ko kay Javi.

Ngumiti lamang si Javi at tanaw ko ang maayos niyang mga ngipin. Iyong dalawang nasa gitna ay mas malaki ng bahagya kumpara sa iba kaya naman prominente ang mga iyon sa tuwing ngumingiti siya. Ibinaling ko ang aking mga mata sa aking kwaderdno upang maiwasan ang mga iyon.

“Architect Amorsolo Pueblas ll. Sounds… Great, actually”, tumitig lamang siya sa akin at gumanti lang din ako ng ngiti. Kahit nakakailang man iyong hangin na umiihip, napanatag narin ako sa mga sinabi niya. Bukod sa mahina ako sa Matematika, mabilis din akong mahulog sa mga salita niya.

Apat na taon man ang lumipas, tila napapatulala parin ako sa mukha niya. Napaisip ako, ano ba ang ginawa ko sa apat na taon na iyon at hanggang ngayon, hindi parin nagbabago ang inaasal ko. Napabuntong hininga ako at umiling na lamang upang sa ganoong paraan, maiwas ko ang aking atensyon sa kanya. Kahit naman sintunado siyang kumanta, papakinggan ko parin. Kahit naman nabubulol na siya sa pananagalog niya, hindi ako tumatawa. Hindi ko siya pagtatawanan dahil nakakatawa ang intonasyon ng kanyang tagalog, ngunit dahil “cute” ito sa aking pandinig.

“Cheers!”, itinaas ni Philip ang kanyang bote na siyang sinundan naman ng iba kong kasamahan. Sinabayan nila ito ng maiingay na mga pagbati sa pagdating ni Javi sa companya. Nagpasalamat si Javi at isinubo na ang bote ng vodka. Inamoy ko muna ang tila nakakahumaling na bango ng alak mula sa butas ng bote, ngunit agad akong napatingin kay Javi. Iniangat niya ang bote niya na para bang iniimbita akong iangat din ang akin. “Cheers”, ngumit ako sa kanya bago uminom. Alam kong hindi ko binalak na uminom sa gabing iyon ngunit ginawa ko na rin. Uminom ulit siya bago nagkahiwalay ang aming ilang segundong pagtititigan. Napalagay narin ako. Marahil ay matagal na niyang nakalimutan ang nakaraan. Siguro ay matapos ang apat na tao, hindi talaga siya nabahala o minulto ng mga sinapit naming dalawa. Siguro mabuting balita narin iyon upang maipaliwanag ko sa sarili ko na ayos na ang lahat. Hindi ko alam kung ang may nararamdaman parin ako para sa kanya, o sadyang hindi ko lang talaga maiwasang mahiya at maasiwa sa presensya niya dulot ng lahat ng nangyari noon. Ako’y naguguluhan din at nais ko sanang makapag-isip at malinawan.

*********

February 2016 | After Thesis Defense

“I’m impressed. You rank Fourth as Best Thesis. Presentation was impressive.”, nakasandal siya sa pader. Bagamat maalikabok ng kaunti ang konkretong sahig, umupo parin kami at hindi ininda kung madumihan man ang mga pambaba na suot namin.

“Tss. Fourth”, ang sagot ko. Nakatingala lamang ako sa mga bituing kumikislap. Dinig ko ang ingay mula sa baba. Ang matinis na boses ni Meg habang bumibirit ng Halik. Ang pautal-utal na pagsaway ni Arthur at Calvin sa kanya. Si Stacey naman ay tanaw namin sa duyan na nakabitin sa isang malaking balete sa kanto ng hardin namin. Hindi ko alam kung nasaan si Angel. Importante pa ba iyon?

Hindi kataasan ang lokasyon namin at hindi kalakihan ang roof deck kung saan kami nagpalipas ng oras, ngunit mas pinili parin naming manatili doon kaysa makipag-bangayan sa baba kung sino ma ang kakanta at tutugtog ng gitara. Si Arthur lang naman ang marunong mag-gitara sa aming lahat.

“Ah, don’t be hard on yourself.”

“I’m hard.”, natawa ako sa aking sinabi ngunit hindi parin ako lumilingon sa kanya. Mas pinili kong tumingala parin upang hindi niya makita ang aking mukha.

“You’re drunk.”, siniko niya ako ng mahina. Sinakyan narin niya ang aking pagbibiro.

“I’m not. My tongue may be loose but I’m not.”

“How loose is it?”, hindi ako sumagot sa tanong niya. Gaano ka dulas? Di ko rin masabi.

Uminom ako ng Beer mula sa hawak kong bote. “Wanna try?”, iniliko ko ang aking ulo upang matingnan ang reaksyon niya. Mamula-mula ang kanyang pisngi dala na din ng alak. Nakangiti parin ako dahil una, hindi ko inaasahang masasabi ko rin ang mga bagay na iyon at pangalawa, nakakaya kong paghaluin ang pagbibiro ko at ang aking mga pantasya. Narinig ko lamang siya tumawa ng mahina at maiksi. Hindi ko mabilang kung ilang segundo kaming nagtitigan ngunit ang alam ko, parang tumigil ang mundo at tila naging yelo ang paligid ko. Tila nahinto ang galaw ng mga bagay sa aking kapaligiran. Wala akong marinig na kahit na ano kung hindi ang tila kulog na kabog ng aking dibdib. Nais na nitong sumabog at kumawala. Bumaba ang aking mga mata sa mga maninipis niyang labi na ngayon ay kagat-kagat na niya. Tumaas ang aking kilay dahil tila naging misteryoso at kakaiba ang reaksyon niyang iyon sa biro ko. Wala akong ibang maramdaman sa oras na iyon kung hindi ang mainit, malambot at mamasa-masang mga labi na biglang bumulusok sa aking bibig. Tila tumirik ang aking mga mata na pakiramdam ko ay ikakatunaw ko na sa pagkakataong iyon. Wala akong idea kung paano humalik ngunit tila automatikong lumalabas ang mga eksena sa mga pelikula at pornograpiks na aking napanood. Naging agresibo kaming dalawa sa aming halikan at ang aking mga kamay ay tila bumabiyahe na sa kanyang balikat at leeg. Ang aking kamay ay pumunta sa kanyang batok na tila ba pinupuwersa ko ang kanyang ulo upang mas lalo pang dumikit sa akin. Naramdaman ko ang kanyang mga bisig na unti-unti akong hinila papalapit sa kanyang katawan. Nagpaubaya ako sa pwersa niya at bigla akong kumapit sa malaman niyang struktura. Tila pinapako ko siya sa pader kasabay ang paglabas-masok ng dila ko sa bibig niya. Maging siya ay pilit na dinidiinan at binabaon ang kanyang bibig at dila sa akin. Hindi ko inakala magiging ganoon ang epekto sa amin ng alak, at hindi ko rin inakalang magpapalitan kami ng laway, amoy at pawis sa gabing iyon. Tila isang ambisyoso at imposibleng kahilingan ang dininig ng buwan at ibinigay sa akin. Ramdam ko ang pagpisil niya sa aking pwet na tila bang nais na mga kamay niyang paputukin iyon. Hindi ako umangal, sa halip at ipinasok ko ang aking kamay sa kanyang pantalon. Narinig ko siyang umungol ngunit hindi ako tumigil sa pakikipaghalikan. Mainit at matigas. Maselan. Maugat. Iyon ang tumatak sa aking isipang punong-puno ng ng libog. Kinagat ko ang labi niya nang maramdaman ko rin ang kamay niyang pumasok sa aking shorts at hinihimas ang aking katigasan. Tila mga batang naglalaro at naggagantihan sa bawat isa. Tumigil ako at sandaling huminga ng malamin. Para akong nauubusan ng hangin. Dinig at ramdam ko ang hingal at panginginig niya, ngunit bago pa ako bumalik sa kanyang mga labi, isang nakakakuryenteng salita ang pinakawalan niya.

“Suck Me.”

---

March 2016 | Two Weeks Before Graduation

“Javi”, napahinto siya nang marinig niya ang aking boses. Tila naging kakaiba ang aking naramdaman sa mga oras na iyon dahil hindi man lamang siya lumingon patalikod upang harapin ako. Tila may enerhiyang nagpabagal sa aking paglalakad papalapit sa kanya. Nais kong kalabitin ang kanyang balikat ngunit tila ang bigat ng kamay ko. Pakiramdam ko ay nababasag ang aking boses ngunit pinilit kong buuin iyon.

“J-Jav...”, agad siyang naglakad ng mabilis papalayo. Marahil patungo sa Gymnasium upang mag-ensayo sa nalalapit naming Graduation. Doon din naman ako pupunta, ngunit hindi man lang niya ako nilingon. Tatawagin ko pa sana siya ngunit pinigilan ako ng aking sarili dahil tila iba ang timpla ng panahon. Iba ng ihip ng hangin na tinatangay ang mga bulungan ng mga tao sa pasilya. Iba ang lagaslas ng mga punong nagsasayawan dahil tila mga tambol ng mga salita mula sa kung saan man iyon galing ang bumibingi sa akin. Ang talim ng mga tingin. Tagos hanggang kaluluwa.

Pinagmasdan ko lamang siyang naglalakad hanggang marating niya ang dulo ng pasilyo. Mula sa di kalayuan ay kinawayan ako ni Angel. Nagkatitigan lamang kami ng ilang segundo bago niya inabot ang kamay ni Javi at tumalikod. Sabay silang lumiko, magkahawak ang mga kamay at naglaho na parang mga anino na nasinagan ng liwanag.

Naramdaman kong nag-vibrate ang aking telepono sa bulsa kaya naman hinugot ko iyon at sinagot ang tawag ni Meg. “Where are you?”, ang tila pasigaw niyang pagtatanong mula sa kabilang linya.

“Hallway near Cafeteria.”, ang walang ekspresyon kong sagot.

“Meet me at Cecil’s. On the way na si Calvin. Meet me ASAP, okay?”

“Okay.”

“Moy!”

“Hm?”

“We’re here for you, alam mo yun.”

“Okay.”

Binaba ko ang aking telepono at pinansin ang napakaraming mensahe na hindi ko pa binubuksan simula pa kagabi. Binuksan ko ang mensahe sa akin ng nanay ko. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga.

“Wedsneday dating namin ng Papa mo. 2pm nasa Airport ka na dapat. See you Moymoy.”

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: Elevator, Truth and the Past (Part 1)
Elevator, Truth and the Past (Part 1)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiNr3XIm7UEnTe4LFgCvK6CA9mgS1jTgVAMVpJYmLT7GhYoA6xDiQPd6rPbcRwQ8DHd8MDdqNo3_KnnBZWhBK4zYS3X3B3gsm3iMYZzWErAsblmnhE0l7o2bfRkvRun2o2G0SwZkQQoFdd_/s1600/robert.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiNr3XIm7UEnTe4LFgCvK6CA9mgS1jTgVAMVpJYmLT7GhYoA6xDiQPd6rPbcRwQ8DHd8MDdqNo3_KnnBZWhBK4zYS3X3B3gsm3iMYZzWErAsblmnhE0l7o2bfRkvRun2o2G0SwZkQQoFdd_/s72-c/robert.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2020/04/elevator-truth-and-past-part-1.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2020/04/elevator-truth-and-past-part-1.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content