By: Loverboynicks Kinabukasan ay inubos namin ni Gino ang oras namin sa pagligo sa beach. Sinamahan kami ni Addy nang umagang iyon. Na...
By: Loverboynicks
Kinabukasan ay inubos namin ni Gino ang oras namin sa pagligo sa beach. Sinamahan kami ni Addy nang umagang iyon.
Naging masaya naman ang pagligo namin nang magsimula kami. Dahil hindi pa tuluyang magaling ang paa ko ay halos sa mababaw na parte lang ako ng beach naligo.
May mangilan-ngilan na ring guests na naliligo sa di kalayuan. Dahil sa nasa mababaw na parte lang ako ng dagat ay nakaupo lang ako sa buhangin habang nakababad ang katawan ko sa tubig.
Medyo mahina lang naman ang mga alon dahil napakaganda ng panahon kaya safe kami maglalangoy dito.
Habang nakamasid ako sa dalawa na ngayon ay nasa parteng malalim na ay napansin ko ang malalagkit na titig ni Gino kay Addy.
Kakaiba rin ang paraan ng mga paghawak niya sa katawan nito. Parang may pagnanasa at parang sinasadya na niyang lamutakin ang mga muscles nito habang naghaharutan sila.
Heto namang si Addy ay parang sarap na sarap pa sa mga panakaw na himas ni Gino sa katawan niya.
Hanggang sa bigla silang humarap sa akin na halos magkatabi na sila. Pinagmamasdan ako mula sa malayo.
Nakita ko na gumagalaw ang kamay ni Gino malapit sa bandang harapan ni Addy na para bang may kinakapa siya doon.
Nakita ko rin ang pagbabago ng reaksyon ni Addy na tila nasasarapan siya. Akala siguro nila ay hindi ko sila nakikita dahil sinadya ko na isuot ang shades ko at hindi nakapaling sa kanila ang ulo ko.
Nang makita kong lumayo si Addy kay Gino ay hinubad ko na ang shades ko saka ako nahulog sa malalim na pag-iisip dahil sa mga nakita ko kaya hindi ko namamalayan na nakatulala na pala ako.
Natauhan lamang ako nang maramdaman ko ang pagdampi ng maiinit na halik ni Addy sa mga labi ko.
"Ang lalim ng iniisip mo ah." bulong niya sa akin saka niya ako muling hinalikan sa labi. Nakita ko naman ang masamang tingin ni Gino sa amin.
Marahil ay hindi niya napapansin na nakikita ko siya pero nang mapasulyap siya sa akin ay bigla siyang umiwas ng tingin.
Bahagya kong itinulak si Addy sa matipunong dibdib niya para mapalayo siya ng kaunti sa akin. "Ano ka ba may mga tao sa paligid natin."
"Ano naman ngayon?" nakangisi niyang sagot. "Pakialam ba nila?"
Nainis naman ako sa sinabi niya. Sa mga nakaraang buwan ay muli ko na namang nakikita kay Addy ang dating sarili niya. Hindi na lang ako nagsasalita pero napapansin ko iyon.
"Napag-usapan na natin ang tungkol sa bagay na iyan diba? Nakalimutan mo na ba?" sabi ko na hinaluan ko ng pagkainis ang tinig ko.
"Sorry na. Namiss lang kasi talaga kita." sabi niya.
Hindi ko siya sinagot pero hindi ko rin hinayaan ang nais niyang mangyari nang abutin niya ang kamay ko saka niya sana ipapasok sa loob ng shorts niya.
Mabilis kong hinila ang kamay ko saka na ako tumayo para umahon.
Mabilis namang nakasunod sa akin si Addy saka na siya sumama sa akin hanggang sa makarating kami sa silid ko.
Papasok pa sana siya nang bigla ko siyang hawakan sa dibdib niya upang pigilan siya.
Nagsalubong naman ang mga kilay niya saka niya ako malakas na hinawakan sa magkabilang braso.
Nakapasok kami sa silid saka niya inilock ang pintuan. "Ano bang problema mo? Bakit bigla ka na lamang nagsusungit na naman? Sabihin mo nga, naglilihi ka ba?"
Alam kong may halong biro ang sinabi niya dahil ganito naman talaga siya. Kapag sinusungitan ko siya ay inaasar niya ako palagi pero iba ito. May nararamdaman akong kakaiba sa kanilang dalawa ni Gino.
Kung tama ang hinala ko ay isa lang ang ibig sabihin nito. Bumalik na naman si Addy sa bisyo niya at hindi siya tumupad sa pinagkasunduan namin.
Mas lalo pa akong nainis nang mapagtanto ko kung sino ang bagong laruan niya. Hindi miminsang sinabi sa akin ni Gino na ishare ko daw si Addy sa kanya.
Hindi ako pumayag dahil gusto kong tuparin ang pangako namin ni Addy sa isa't isa. Pero sadya yata talaga na nasa dugo na niya ang kalandian.
Oo naging malandi rin ako minsan sa buhay ko pero sinisikap ko nang magbago ngayon at natututo na akong makuntento sa kung ano lang ang pwede.
At si Gino. Hindi ako makapaniwala na nagawa niya ito sa akin. Kahit sabihin man niya na hindi naman kami opisyal na magsyota ni Addy dahil wala namang feelings na involve sa relasyon namin.
Masakit pa rin para sa akin na malaman ang kalokohang ginagawa nila. Lalo na at kung hindi ko pa nahalata ay hindi ko pa malalaman.
"Umamin ka sa akin. Anong meron sa inyong dalawa ni Gino? Bakit mo siya pinasama sa akin dito?" pagalit na tanong ko.
Nakita ko ang pagkabigla sa mga mata niya. Umilap ang mga iyon at hindi na siya makatingin ng diretso sa akin.
"Wala. Ano ba yang mga iniisip mo? Pati kaibigan mo pinag-iisipan mo ng masama." naiirita niyang sagot.
Alam kong nagsisinungaling siya. Hindi siya ganito kapag nagsasabi siya ng totoo. Nakakatingin siya ng diretso sa mga mata ko.
Hindi katulad ngayon na tumagilid pa siya mg tayo sa akin saka niya hinihimas ang sentido niya.
Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa aming dalawa bago siya mabilis na bumaling sa akin saka niya ako niyakap.
"Renz makinig ka okay? Wala akong ginagawang masama. Nagsasabi ako ng totoo sayo. Walang namamagitan sa amin ni Gino." frustrated niyang paliwanag.
Natawa naman ako ng pagak saka ko siya binigyan ng isang malakas na sampal sa kaliwang pisngi niya.
"Nangako ka sa akin Addy. Wala man tayong opisyal na relasyon ay tinupad ko ang pangako ko sayo na hindi na ako magpapagamit pa sa kahit na sinong lalaki maliban sayo. Dahil gusto ko na pareho tayong tuluyan nang makawala sa masamang nakaraan natin. Pero ako lang pala ang tumutupad."
"Renz!" tawag niya sa pangalan ko. Magpapaliwanag pa sana siya pero hindi niya naituloy iyon dahil nagsalita na kaagad ako.
"Hindi naman ako magagalit sayo kung sasabihin mo lang sa akin ang totoo. Kaya ngayon pa lang sabihin mo na bago ko pa tuluyang matuklasan ang kababuyan ninyong dalawa ng haliparot kong kaibigan."
Nagtagis ang mga bagang ni Addy at nakita ko ang pagkuyom ng mga kamao niya. Pagkatapos ay matalim ang mga titig niya nang humarap siya sa akin.
"Para saan ang palabas mong ito Renz? Napapansin na kita. Mula pa nang dumating kayo dito ay palagi ka na lang galit sa akin. Tapos ngayon ay pagdududahan mo pa ako?"
Naglakad siya patungo sa kinatatayuan ko. Nakadama naman ako ng kaba dahil sa nakikita kong anyo niya ay hindi ko masasabi kung ano ang kaya niyang gawin.
Kilala ko si Addy. Hindi siya bayolenteng tao pero hindi ko pa rin hawak ang utak niya ngayon. Akala ko noon ay kabisado ko na siya pero hindi pa pala.
Habang papalapit siya sa akin ay siya namang pag-atras ko hanggang sa mapaupo na ako sa kama.
Nang makita niyang napaupo ako at puno ng takot ang mga mata ko ay huminto siya sa paglapit. Napangisi siya ngunit hindi umabot iyon sa mga mata niya.
"Dahil kay Kuya Kiel diba? Nagkita na ulit kayo at umaasa ka na naman na magkakaroon kayo ulit ng ugnayan. Kalimutan mo na siya Renz. Pinabayaan ka na nga niya noon diba? Sino ang nasa tabi mo nang mga panahong hindi mo alam ang gagawin mo sa buhay mo? Hindi ba ako?"
Hindi ako nakasagot. Totoo ang mga sinabi niya pero hindi pa rin maiaalis sa isip ko ang mga nakita ko. Kailanman ay hindi pa ako nagkakamali sa mga kutob ko.
Per dahil nirereverse ni Addy ang sitwasyon ay hahayaan ko muna siya sa mga kalokohan niya. Ako mismo ang tutuklas sa mga kagaguhan nila ng haliparot kong kaibigan.
"I'm sorry! Hindi kita dapat pinagdudahan. Hayaan mo. Iiwasan ko na si Kuya Kiel mula ngayon." nakayuko kong sambit sa kanya.
Umaliwalas naman ang anyo ni Addy saka siya ngumiti sa akin. Hinawakan niya ang baba ko saka niya ako itiningala sa kanya.
Nakita ko ang tuwa sa mga mata niya dahil sa wakas ay pinaniwalaan ko siya.
"Mabuti kung ganun. Kailangan ko nang magbihis. May kakausapin akong tao mamayang lunch. Magtext ka sakin kapag may kailangan ka ha?" malambing na sabi niya saka niya ako ginawaran ng isang mainit na halik sa labi.
Nang kumalas siya sa paghalik sa akin ay naglakad na siya palabas ng pintuan at naiwan akong nakatulala sa pintuan na nilabasan niya.
Hindi na ako lumabas pa ng silid kahit nung oras ng tanghalian. Tinatamad na kasi ako kaya nagpadeliver na lamang ako ng pagkain sa room ko.
Hindi rin ako dinaanan ni Gino para kumain ng lunch. Hindi na ako magtataka kung busy na naman siya sa paglalandi niya. Kung alam ko lang na magiging ganito ang mangyayari ay hindi ko na sana siya isinama pa.
Hindi ko na inexpect pa na pupuntahan ako ni Gino pero nagkamali ako nang yayain niya akong mag-ikot sa beach nang hapon na iyon.
Dahil gusto ko na mahuli sila mismo ni Addy sa akto na gumagawa ng kalokohan ay nagkunwari ako na okay kami ni Gino.
Tutal napakaplastic naman niya ay nagpakaplastic na rin ako. Kumilos ako ng normal na parang wala akong alam sa mga kalokohan niya.
Nakikitawa, nakikingiti pero deep inside ay gusto ko nang sapakin ang napakatigas niyang mukha.
Hindi maubos-ubos ang kwento niya kung gaano siya nagagandahan sa lugar ay kung gaano siya nasisiyahan sa pagbabakasyon namin dito.
Ako naman ay sinasakyan ang bawat sinasabi niya na parang natutuwa rin ako na kasama siya.
"Ikaw naman kasi kung saan saan ka pa nagpupunta napilayan pa tuloy ang paa mo. Kaya nga hindi na kita masyadong dinadaanan sa silid mo eh. Mabobored lang ako kung nandoon lang tayo maghapon." sabi niya.
Tumaas naman ang kilay ko pero hindi ko ipinahalata sa kanya na naiinis ako sa sinabi niya. "Kung ganun bakit mo ako niyaya ngayon dito? Hindi ba dapat nagpahinga na lang ako tapos ikaw namasyal ka na lang. Dapat nagpasama ka kay Addy."
"Hay naku friend busy si Addy ngayon. Siya nga ang unang niyaya ko kanina kaso sabi niya ikaw na lang daw ang isama ko para masanay ang paa mo na naglalakad." sagot naman niya.
"Ganun ba?" sagot ko naman. "Tara bumalik na tayo sa hotel medyo pagod na rin ang paa ko. Pakisabi kay Addy hindi na ako makakasabay magdinner mamaya dahil kailangan ko magpahinga. Kayong dalawa na lang ang kumain sa baba at magpapadeliver na lang ako ng pagkain ko." sabi ko.
Ngumiti naman siya at halata ang tuwa sa nakakainis niyang pagmumuka dahil sa sinabi ko. Masosolo ni gago si Addy kaya tuwang-tuwa siya.
Nginitian ko rin siya ngunit kaplastikan lang din katulad ng mga ngiti niya sa akin.
Naglalakad na kami sa beach pabalik sa hotel nang makarinig kami ng mga yabag ng kabayo mula sa likuran namin.
Sabay pa kaming napalingon ni Gino saka namin nakita ang paglapit sa amin ng itim na stallion na medyo malayo pa ang agwat mula sa kinatatayuan namin.
Natigilan ako nang makilala ko kung sino ang sakay ng paparating na kabayo. Pareho kami ni Gino na nakatitig sa makisig na lalaki na ngayon ay papalapit na sa amin.
Hindi binago ng panahon ang taglay na kakisigan ng lalaking ito. Bagkus ay mas lalo pa siyang naging kaakit-akit ngayon.
At aaminin ko na sa mga sandaling ito ay napakabilis na ng tibok ng aking puso. Tama ang sinabi ni Addy.
Hanggang ngayon ay may parte pa rin sa puso ko ang umaasa na magkakaroon pa rin kami ng pagkakataon ni Kuya Kiel na magkaayos.
Pero alam kong napakalabo nang mangyari iyon. May pamilya na siya. May asawa at anak. Kahit alam kong sinadya lang talaga ni Natalie na magpabuntis noon upang maitali niya si Kuya sa kanya.
Mali pa rin na bigla akong papasok sa eksena upang maging lover ng taong may asawa na.
Nadala na ako sa pagkakamali ko kay Tito Benjie noon at hindi ko na iyon uulitin pa sa ikalawang pagkakataon.
Tuluyan na kasing nagkahiwalay ang mag-asawang Velasco nang dahil sa nangyaring kaguluhan sa amin at ayon sa kwento sa akin ni Addy ay nangibang bansa na rin si Tito Benjie kasama ang babae nito na nabuntis pala niya.
Kaya kahit na alam kong hindi naman talaga healthy ang relasyon nila ay hindi pa rin maganda lalo na sa image ko na ako ang naging dahilan kaya may mag-asawang magkakahiwalay.
Hindi ko na uulitin pa ang minsan ko nang pagkakamali. Lalo na kay Kuya Kiel.
"Gosh Renz nakita ko na ang lalaking mamahalin ko." kinikilig na sabi sa akin ni Gino na ngayon ay titig na titig sa hubad at pawisan na katawan ni Kuya Kiel.
Ilang sandali pa ay huminto ang kabayo malapit sa amin at nagsalubong ang mga tingin namin ni Kuya Kiel.
Napasulyap ako kay Gino at nakita ko ang paghanga sa kanyang mukha habang pinagmamasdan si Kuya Kiel na papalapit sa amin.
Nang maabutan na niya kami ay huminto ang stallion saka siya tumingin sa akin.
"Naliligaw yata kayo?" maangas na tanong ni Kuya Kiel habang nakatitig pa rin sa akin. Para akong matutunaw sa paraan ng pagtitig niya sa akin.
Hindi ko alam kung galit ba o tuwa ang makikita sa mukha niya. Kahapon lang ay napakasweet niya. May pahalik-halik pa siyang nalalaman pagkatapos ngayon ay parang galit na naman siya?
Napakahirap niyang basahin ngayon hindi tulad noon na palagi na lamang maamo ang kanyang aura. Lalo tuloy akong nagduda sa totoong motibo niya sa paglapit niya sa akin.
Sa pagkakataong ito ay mapapansin mo talaga ang malaking kaibahan niya sa Kuya Kiel na nakikala ko noon.
At minahal! bulong ng utak ko.
Nanuot sa buong pagkatao ko ang malamig at lalaking lalaki na tinig niya.
Napatingin naman ako sa katabi kong si Gino na todo kapit sa braso ko at parang uod na binuhusan ng asin sa sobrang kilig at kakatihan habang nakatitig siya sa matipunong lalaki na nakasakay sa kabayo.
Inalis ko ang kamay niya sa braso ko saka ko siya bahagyang tinulak palayo sa akin. Nakasimangot naman siyang umayos ng tayo saka muling tumitig sa nangingintab na katawan ni Kuya Kiel.
Nakadama ako ng inis sa kaibigan ko dahil sa lantaran niyang pagpapacute kay Kuya Kiel. Kanina kay Addy. Ngayon naman pati kay Kiel?
Muli akong tumingala sa gwapong adan na nasa harapan namin saka ako sumagot. "Hindi kami naliligaw. Sinadya lang talaga namin na ikutin ang lugar." masungit sa sagot ko sa kanya.
Naalala ko na naman kasi bigla ang huling pagkikita namin four years ago. Hindi man lang niya ako binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag noon.
At ang pinakamasakit sa lahat ay basta na lamang siya umalis nang hindi kami nakakapag-usap man lang.
Nagpakasal pa siya sa haliparot na Natalie na iyon samantalang nung nagtapat siya sa akin tungkol mga sikreto niya ay sinabi niyang wala siyang nararamdaman na pagmamahal kahit katiting sa babaeng iyon.
Humarap ako kay Gino saka ko hinila ang kamay niya. "Tara na nga at baka gabihin pa tayo dito sa beach. Papalubog na ang araw oh." turo ko sa langit.
Nakita ko pa ang tila naaamuse na pagtawa ni Kuya Kiel saka na niya muling pinatakbo ang kabayo palayo sa amin.
"Grabe bakit mo naman siya sinungitan? Gosh Renz ang gwapo niya. Saka nakita mo yung katawan niya? Ganung klase ng lalaki ang pinapangarap kong maikama!" excited na tili niya.
Nag-init naman nang tuluyan ang uli ko dahil sa narinig ko. Sa tinagal-tagal namin na magkasama ay hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang nakikita ang tunay na kulay ng haliparot na baklitang ito?
"Pwede ba Gino? Tigilan mo na yang kalandian mo at baka masapak na kita. Kapatid siya ni Addy at wag mo nang tangkain pa na landiin siya dahil may asawa't anak na siya." naiinis kong sermon kay Gino saka na ako naunang naglakad sa kanya.
Naiwan siyang nakanganga dahil sa biglaang pagtataray ko.
Mabuti na lang talaga at wala kaming binabanggit ni Addy kay Gino tungkol kay Kuya Kiel.
Kasabay kasi ng pangako namin noon na hindi na kami magpagalaw sa iba ay napagkasunduan na rin namin na ibaon na sa limot ang lahat ng tungkol kay Kuya Kiel.
Maliban na lang kung pati iyon ay hindi rin tinupad ng makating lalaki na iyon at sinabi niya sa haliparot na si Gino ang tungkol sa amin ng kapatid niya.
COMMENTS