By: Nickolai214 Nathaniel's POV Makalipas ang bagong taon ay kaagad na bumalik sa amerika ang mga magulang ko. Samantalang ako ay ...
By: Nickolai214
Nathaniel's POV
Makalipas ang bagong taon ay kaagad na bumalik sa amerika ang mga magulang ko. Samantalang ako ay muling naiwan sa Carmen para tapusin ang highschool.
Bumalik din sa normal ang takbo ng buhay ko ngunit sa bawat araw na dumadaan ay nangangamba ako sa maaaring mangyari.
Tatlong buwan na lamang ay graduation na namin. Hindi pa rin ako makaisip ng matinong idadahilan kina Mama kung bakit ayoko nang sumama sa kanila sa amerika.
Natatakot ako. Natatakot ako na baka hindi ko magawan ng paraan ang problema ko at tuluyan na kaming magkahiwalay ni Mark.
Hindi ko rin magawang sabihin sa kanya ang tungkol sa plano ng mga magulang ko dahil hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya.
Isang araw ay inimbitahan kami ni Mark dahil may party raw sa bahay nila. Birthday ng Daddy niya.
Hindi naman namin siya matanggihan dahil minsan lang siya magrequest at gusto daw niya na naroon kaming lahat.
Siya na rin ang bumili ng isusuot ko.
"Sana lahat binibilhan mo." sabi ni Joey.
"Syota ba kita? Syotain mo ko bibilhan kita." biro ni Mark.
"Eeeee!" tila nandidiring sagot ni Joey. "Sige wag mo na lang akong bilhan."
Nagtawanan kaming lahat dahil sa reaksyon niya.
Dumating nga ang gabi ng party at mukhang puro mayayaman ang mga bisita nila.
Bumati lamang kami pagkatapos ay iniabot namin ang regalo namin sa Daddy ni Mark.
Sinaluhan na rin kami ni Mark na kumain sa iisang table.
Nagpatuloy pa ang party hanggang sa tumugtog ang malamyos na musika para sa mga gustong sumayaw ng love song.
Nabigla ako nang bigla akong hablutin ni Mark at dinala niya ako sa isang tagong bahagi ng lugar nila.
Mula sa kinatatayuan namin ay maririnig ang musika na tumutugtog.
"Bakit mo ako dinala dito?" tanong ko sa kanya.
Ngumiti naman siya saka siya lumapit sa akin nang nakalahad ang kamay niya.
"Gusto kasi kitang isayaw. Can I?" tanong niya.
Hindi ako kaagad nakasagot.
"Hindi kita maaaring isayaw doon dahil makikita tayo ng lahat. Pero ayokong matapos ang araw na ito na hindi ko naisasayaw ang taong mahal ko."
Napangiti naman ako saka ko mabilis na tinanggap ang palad niya.
[Nahanap ko sa 'yong mga mata
Ang ligayang dati 'di ko makita
Nasilip ng aking pusong ligaw
Nang tinuturo ng tadhana ay ikaw]
Interlude
Nagsimula kaming magsayaw ni Mark na para bang nasa gitna rin kami ng party.
Siya lang at ako. Magkahinang ang aming mga mata habang sinasabayan ang tugtugin.
[Nais kong malaman ng mundo
Na ikaw ay akin at ako'y sa'yo
At kung nagtugma lang sana'ng panahon
E 'di sana'y masaya tayo ngayon]
Hindi ako sanay na magsayaw ng ganito ngunit magaling si Mark. Nadadala ako ng bawat galaw niya.
Hindi rin niya hinahayaan na mawala ako sa tono. Siya na mismo ang sumasabay sa bawat galaw ng mga katawan namin.
[Ngunit hindi pupuwede
Hindi tayo sinusuwerte
Mas mabuti pang maging sikreto
Ang pag-ibig nating delikado]
Hindi nagtagal ay parang wala na kaming sinusundan na steps. Ang tanging mahalaga na lamang ay ang presensiya ng isa't isa.
"Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya ngayon Nat." nakangiting sambit niya na sinagot ko rin ng matamis na ngiti.
Naramdaman ko ang paglapit ng mukha niya sa akin at ginawaran niya ako ng masuyong halik sa noo.
Napapikit ako saka ko dinama ang pagmamahal ni Mark.
Ilang sandali pa ay bahagya nang lumayo si Mark. Nagkatitigan muli kami bago niya dahan-dahan na inangkin ang mga labi ko.
[Delikado, delikado, delikado
Magagalit ang mundo, galit ang mundo, galit ang mundo]
Kasabay ng saliw ng tugtugin na nagmumula sa may lawn ng mansyon nila ay tahimik kami na magkayakap ni Mark sa di kalayuan.
Sa likod ng mga halamanan kung saan walang makakakita sa amin. Magkahinang ang mga labi sa ilalim ng bilog na buwan sa madilim at mabituin na kalangitan.
[Delikado, delikado, delikado
Sa atin na lang 'to, atin na lang 'to, atin na lang 'to]
Kasabay ng paghinto ng tugtugin ay ang paghihiwalay ng aming mga labi makalipas ang mahabang sandali.
"Mahal na mahal kita Nathaniel Rodriguez! Kahit ano pa ang mangyari ay wag na wag mong aalisin sa isip mo yan." puno ng emosyong sabi niya habang seryoso siyang nakatitig sa mga mata ko.
Nakangiti naman ako na tumango saka ko siya niyakap ng mahigpit.
"Mahal na mahal din kita Mark." bulong ko saka ko mas isiniksik ang mukha ko sa dibdib niya.
Hindi ko alam kung gaano katagal kami na magkayakap bago ako niyakag ni Mark na bumalik na sa party.
Nang makabalik nga kami sa party ay kaagad kaming nakita ng mga magulang ni Mark.
May mga kausap silang bisita at isang magandang babae na halos kaedaran lang namin ang nakangiting lumapit sa amin saka niya sinalubong ng mahigpit na yakap si Mark.
"D-denise?" sambit ni Mark dahil sa pagkabigla.
Kahit ako ay natulala sa kanila. Nanatili lamang ako na nakatanga habang nakatingin sa dalawa.
Hanggang sa may isang malakas na kamay ang humatak sa akin palayo sa kinatatayuan ko. Nilingon ko siya. Si Joey. Seryoso ang anyo at kasama niya sina Errol at Kath.
Muli kong sinulyapan si Mark. Hindi pa rin nawala ang tingin ko sa dalawa kahit hinihila na ako ni Joey.
Nakita ko pa ang pagkalas ng yakap ng babae kay Mark pagkatapos ay isang masuyong halik sa pisngi ang ginawa niya.
Nanatili lamang na nakatayo doon si Mark at parang naestatwang nakatingin lang sa babae. Hanggang sa lingunin niya ako kung saan ako nakatayo kanina.
Nang hindi niya ako nakita ay lumikot ang tingin niya sa paligid ngunit nakalayo na kami nina Joey.
Nasa malayo na kami nang bitawan ni Joey ang kamay ko. Binalingan ko siya at naguguluhan ako na pinagmasdan sila isa isa. Lahat sila ay may simpatya na nakatitig sa akin.
"Siya si Denise Basco." sabi sa akin ni Joey. "Kababata siya ni Mark at siya rin ang babaeng gustong ipakasal sa kanya ng Daddy niya."
"Ipa... ka... sal?" shock na tanong ko.
Tumango sila.
"Anak si Denise ng sikat na business tycoon na si Mr Rodman Basco. Malapit na kaibigan si Mr Basco ng Daddy ni Mark." sabi ni Errol.
"Si Denise rin ang first love ni Mark, Nat!" malungkot na dagdag ni Kath.
"Kaya kita hinila palayo kanina ay dahil mainit na ang mga mata ni Tito Frederico sayo. Narinig ni Errol kanina na nagsusumbong si Elizer tungkol sa kumakalat na tsismis sa campus na may relasyon kayo ni Mark." sabi ni Joey.
Si Elizer ang pinsan ni Mark na madalas niyang makaaway sa campus dahil sa sobrang kayabangan nito. Masyadong maliit ang tingin niya kay Mark dahil sa pagnanais niya na maging future general manager ng Redelicia Distillery.
Si Mark ang pinakamalapit na kakompetensya nito sa posisyon kaya lahat ng magagamit niyang paninira sa image ni Mark sa ama ay ginagawa niya.
"Alam niyo mabuti pa umalis na tayo. Bago pa maipit si Nat sa gulong ginawa ni Elizer." suhestyon ni Errol.
"Iuwi na ninyo si Nat. Baka kailanganin ako ni Mark dito." singit naman ni Joey.
"Hindi kayo aalis dahil kakausapin pa kita." sabi ni Tito Frederico habang nakatingin siya sa akin.
Bumundol ang matinding kaba sa dibdib ko dahil sa takot ko sa lalaking kaharap ko. Hindi ko lubusang kilala si Mr Redelicia at kung papipiliin ako ngayon ay mas gugustuhin ko pa na lamunin na lamang ng lupa kesa makausap siya.
Dinala ako ni Mr Redelicia sa second floor ng napakalaking bahay nila. Mula sa terrace ay natatanaw ang buong kapaligiran.
Tahimik lang ako na nakatayo sa likuran niya habang siya ay nakatanaw sa malawak nilang lupain.
"Siguro naman ay alam mo na kung tungkol saan ang gusto kong pag-usapan natin." sabi niya sa malinaw at awtorisadong tinig.
Hindi ako sumagot. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.
"Napakabata pa ng anak ko para makulong siya sa mundong ginagalawan mo." simula niya.
"Pinalaki ko siya na matigas at matapang para hindi siya maging kahihiyan ng pamilya namin."
"Lalaki ang anak ko. Hindi mo siya katulad. Sigurado ako doon. Nagsimula lang naman siyang maguluhan mula nang madikit siya sayo. Ikaw ang sumisira sa pagkatao ni Mark. Kaya gusto ko na layuan mo na siya."
Tumigas naman ang anyo ko dahil sa masasakit na sinabi niya.
"Hindi ko po siya lalayuan dahil lang sinabi ninyo. May sariling pag-iisip na po si Mark..."
"Na nilalason mo!" putol niya sa sinasabi ko. "Marami pa akong plano para sa kanya. Pagkalipas ng ilang taon ay magpapakasal sila ni Denise at siya na rin ang magpapatakbo ng mga negosyo namin. Babae ang nararapat sa kanya dahil tunay na lalaki siya."
Sinikap kong patigasin ang anyo ko kahit ang totoo ay parang mauupos na ang mga tuhod ko dahil sa sobrang kaba at sama ng loob na nararamdaman ko.
"Lalayuan ko lang si Mark kapag siya na mismo ang nagsabi sa akin na layuan ko siya. Hindi kayo o kahit na sino mang mapanghusgang tao na nakapaligid sa aming dalawa."
"Hindi kailanman naging para sa lalaki ang kapwa niya lalaki. Kapag ipinagpatuloy pa ninyo ang kalokohan ninyo ay siguradong pagsisisihan ninyo."
"Wala po akong pinagsisisihan sa lahat ng ginawa ko. Mahal ko si Mark at hindi ko siya lalayuan dahil lamang sinabi ninyo. Excuse me po!" sabi ko saka na ako mabilis na naglakad palayo sa kanya.
Kinabukasan ay hindi ako pumasok sa school. Nagkulong lang ako sa silid ko maghapon. Nagdahilan ako kina Lola na masama ang pakiramdam ko.
Hapon na nang marinig ko ang mahihinang mga katok sa pintuan ngunit hindi ko iyon pinansin.
Ilang sandali pa ay bigla iyong bumukas ngunit hindi ko na rin inabala ang sarili ko na sulyapan pa iyon. Malamang ay si Lola lang.
Nakatagilid lang ako sa kama saka ako pumikit. Ilang sandaling katahimikan ang lumipas bago ko naramdaman ang paglundo ng kama sa bandang likuran ko.
Kasunod ng pagyakap sa akin ng malalaking bisig na ikinamulat ng mga mata ko.
"Masama daw ang pakiramdam mo." bulong ni Mark. "Hindi ko gusto na nagkakasakit ka. Kanina hinanap kita sa school hindi ka rin nagpaalam. Nag-alala tuloy ako sayo."
Hindi ko siya sinagot nanatili lang ako sa posisyon ko at hinayaan ko siya na yakapin ako. Kahit paano ay nakagaan sa pakiramdam ko ang ginagawa niya ngayon.
Nakakadama ako ng kakaibang init na nagmumula sa katawan niya. Mas naramdaman ko pa ang paghigpit ng mga yakap niya kaya muli na lang akong pumikit at dinama ang init ng mga yakap niya.
Dahil sa pagpikit ko ay isang solitary tear ang tuluyang kumawala mula sa mata ko.
Isang linggo matapos ang pangyayaring iyon ay dinala ako ni Mark sa lawa.
Bumalik na sa dati ang lahat dahil wala naman siyang nababanggit tungkol sa mga problemang inaalala ko. Bakit ko ba kasi iniisip ang mga iyon? Kung si Mark naman mismo ay walang sinasabi tungkol doon. Ibig sabihin walang problema sa kanya.
Nagyaya siya na maligo peronsa pagkakataong ito ay hindi na niya ko hinatak patungo sa tubig. Hinayaan niya ako na makapaghubad ng pang itaas dahil noong nakaraan ay nilamig kami pareho sa biyahe pauwi.
Naging masaya naman ang pagligo namin naghahabulan. Nagkakarera at kung anu ano lang na simpleng biruan. Nahahawa tuloy ako sa mga halakhak ni Mark. Sana ganito kami palagi. Masaya. Magkasama. Nagmamahalan.
Pabalik ako sa pampang nang bigla niya akong hilahin at yakapin ng mahigpit. Napahawak tuloy ako sa matitigas na dibdib niya.
Nagkatitigan kami at kasabay ng pagkikislapan ng tubig sa kulay kahel na sinag ng papalubog na araw ay nakita ko kung gaano kagwapo si Mark.
Ilang sandali pa niya akong tinitigan bago niya masuyong inangkin ang mga labi ko. Napapikit ako nang maramdaman ko ang pagdampi ng mga iyon.
Masuyo. Matamis. Nakakagaan ng pakiramdam. Sa simpleng paghalik niya ay kakaibang kilabot ang binubuhay niya sa bawat himay ng katawan ko.
Nakakalunod at para bang ayoko nang matapos pa ang mga sandaling ito.
Nagsimula na ako na tugunin ang mga halik niya na nagsilbing sign sa kanya upang mas palalimin pa ang mga halik niya.
Napakapit na ako sa batok niya habang siya naman ay hawak na ang batok ko.
Naramdaman ko ang pagpasok ng dila niya na mas nagdulot sa akin ng kakaibang kilabot.
Ilang sandali pa ay marahan na siyang kumalas sa mga halik niya ngunit hinabol pa ng labi niya ang mga labi ko kaya sa isa pa uling pagkakataon ay naglapat ang mga iyon bago tuluyang naghiwalay.
Kapwa kami naghahabol ng paghinga nang bigla siyang mapangisi at niyakap niya ako ng mahigpit.
---
Background Music:
Delikado - Marion Aunor
COMMENTS