By: eroticstoryteller Lumipas ang maraming taon at naging malapit kami ni Bernard at ng kaniyang nobyo na si Santino. Lagi kaming umiino...
By: eroticstoryteller
Lumipas ang maraming taon at naging malapit kami ni Bernard at ng kaniyang nobyo na si Santino. Lagi kaming umiinom kapag may pagkakataon at naging mabuti silang magkaibigan ng aking nobya.
Nagpasya kaming magpakasal ng aking nobya dalawang taon pagbalik niya sa pilipinas mula sa pagtatrabaho niya sa Canada. Dalawang buwan pagkatapos naming ikasal, kinailangan na niyang bumalik sa Canada dahil may naiwan siyang trabaho doon.
Habang ako ay nasa pilipinas at may sarili din namang trabaho, inaayos ko yung mga papeles ko para sumunod sa aking asawa dahil nagpasya kaming dun na manirahan at magkaroon ng magandang buhay para sa pamilya namin.
Halos isang taon din ang tinagal ng kailangang kong papeles bago maayos at makakuha ng plane ticket papuntang Canada.
Ngayun, limang taon na kami sa Canada at magdadalawang taon na ang aming kambal na si Andrei at Denise.
Marami ng nabago sa aking buhay at kapag naaalala ko yung mga karanasan ko nung mga panahong sobrang nakakahiligan ko pa ang makipaglaro...isa na lang etong maganda at masayang ala-ala.
Mga ala-ala ng mga karanasang hindi ko makakalimutan....mga karanasang hindi ko pinanghinayangan dahil natugunan neto ang pangangailangan ng aking katawan.
Simula nung nagpasya akong pakasalan ang aking asawa, pinangako ko sa sarili ko na magbabago na ako...na hindi ko na gagawin yung mga bagay na yun at sa awa ng diyos...nakakapagtimpi pa naman ako.
Ginugol ko na lang ang sarili ko sa akign pamilya at trabaho. Naging manager na ako sa isang supermarket sa Toronto at may maayos na buhay ang aking pamilya at kahit na may sarili na akong pamilya, hindi ko pa rin naman nakakalimutang tulungan ang aking mga magulang at kapatid sa pilipinas.
Ang mga kaibigan ko na naiwan sa pinas ay kaibigan ko pa din naman at kapag may oras ako, nakakausap ko pa din sila kahit videocall lang.
Maikli lang ang buhay natin...gawin natin lahat ng mga bagay na makakapagpasaya sa atin. Enjoy life to the fullest.
WAKAS
COMMENTS