$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Brad Mahal Kita, Matagal Na (Part 7)

Find Ways By: RyanTime Matapos silang mag ensayo ay nagpaalam na din si Zion. Alas singko na rin ng hapon sila natapos. Pagkalabas...

Find Ways

By: RyanTime

Matapos silang mag ensayo ay nagpaalam na din si Zion.

Alas singko na rin ng hapon sila natapos.

Pagkalabas ni Zion ay tulalang isinara ni Luke ang pinto.

Tumungo siya sa upuan sa harap ng study table niya.

Okupado ang isip tungkol sa naganap na practice nila kanina.

Napahawak siya sa labi at marahan itong hinaplos ng daliri niya.

Nanariwa sa isip niya ang bawat sensasyong naramdaman nang mga oras na yun. Maging siya man ay hindi niya malaman kung bakit nangyari yon.

“Anong ginagawa sakin ng taong yon? Sa tingin niya ba laro lang ang ginawa niya?.. Ang usapan namin ay walang halikang magaganap ngayon.. Pero teka, bakit nga ba ako nagpadala kanina? At parang.. may something sa halik niya...” sa isip niya.

“Bakit parang umaasa akong totoo yun?.”

“Ah... Luke isipin mo practice lang yun... masyado lang mapangahas yang kaibigan mo. Diba nga ilang beses ka na nyang hinalikan? Para namang hindi mo kilala ang isang yun. Sira ang ulo nun..”

“Wag ka nang umasa, masasaktan ka lang.. ULIT.. panindigan mo ang desisyong kalimutan ang lahat.”

Napailing nalang siya.

Mag aalas syete na ng gabi at naantala ng tunog ng katok ang pagbabasa ni Luke ng libro.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo at dahan-dahang nagtungo sa pinto at binuksan ito. Bumungad ang tila balisang si Zion.

“Oh brad.. naparito ka?” Tanong niya.

“Ah.. ku.. kumain ka na ba??” Tila may pagkailang na tanong ni Zion.

“Ano kayang nangyayari sa isang to? Magtatanong lang naman kung kumain na ako, pero bakit parang tensyunado siya?” Sa isip ni Luke.

“Ah... hindi pa.. pero baka hindi na ako maghapunan, busog pa din ako nung kinain nating meryenda kanina..” sagot niya.

Inobserbahan niya si Zion. Naguguluhan siya sa inaasta nito.

“Ah... ganun ba?... sige brad, alis na ko.” Pilit itong ngumiti na may pagkadismaya at dahan-dahang tumalikod.

Naiwan namang nagtataka si Luke. Pailing-iling at marahang isinara ang pinto.

Babalik na sana siya sa pwesto upang ipagpatuloy ang pagbabasa ngunit muling may kumatok sa pinto.

Binuksan niya uli ito at si Zion pa rin ang bumungad sa kanya. Nakapamulsa ito.

“Ma.. may lakad ka ba bukas?” Nag-aalangang tanong nito.

“Bakit brad?” Balik tanong niya rito.

“Ah... ah... aayain sana kita sa amin sa Bulacan.. May nag-aya sa akin ng basketball...” napahinto ito at napaisip na pahimashimas pa ng hintuturo sa baba, saka muling nagsalita. “Tama! Tama, may nag-aya sa aking maglaro ng basketball.. isasama sana kita kung pwede ka.. Tsaka.. tsaka..may mga kukunin din akong damit na susuutin para sa Lunes.. Tama! Yun nga.. magbabasketball tayo tapos kukuha ako ng damit ..” mahabang sabi niya.

Halatang balisa ito at parang batang gumagawa ng dahilan para maaya niya si Luke.

Patabinging pinagmasdan ni Luke si Zion na lalong ikinailang ng huli.

“Ayos ka lang ba?” Tanong ng pagtataka.

“Ha?..” hindi ito makatingin ng tuwid.

“May sakit ka ba?” Hinipo niya ang noo nito at agad na binawi nang maramdamang normal naman ang temperatura nito.

Napapigil pa ito ng hininga sa ginawa niya.

(Pasingit lang, mas updated ang story na ito sa wattpad @RyanTime01)

“Dati-rati, kung ayain mo ako, hindi ka naman humihingi ng permiso ko... Luke magbasketball tayo.. Luke tara uminom tayo.. Luke gisingin mo ako baka malate ako..”

Nabigla ata ito ngunit agad namang bumawi.

“Ah.. ga..ganun ba?” Napahimas ng batok at pilit na ngumiti. Senyales na napahiya ito.

Muling ipinasok ang mga kamay sa bulsa at nagsalita.

“Oh sige!....Luke, samahan mo ako bukas sa Bulacan. Ayos na ba??” Napabuntong hininga pa ito at bakas pa rin ang pagkaalangan.

“Anong oras ba?”

“Alas singko ng umaga. Baka kasi matraffic tayo..” wika niya.

“Ha?? Ang aga naman.. humihilik pa ako niyan. Tsaka linggo bukas brad, walang traffic..”

“Ah.. oo nga pala.” Patango-tangong tugon nito.

“Sige, samahan kita bukas. Alas ocho!”

Hinihintay lang ni Luke na umalis si Zion. Pero parang nag-iisip pa ito, saka dahan-dahang tumalikod..

Isasara niya na sana ang pinto nang muli itong humarap sa kanya.

“Oh.. may sasabihin ka pa ba?” Mediyo iritable niyang tanong.

Napahimas ulit ito ng batok.

“Ah.. ano kasi.. sira kasi yung aircon ko sa kwarto. Pu-pwede bang makitulog muna ako sayo?..” ngumiti ito ng alanganin.

Nagmistula itong batang nagpapacute, na tuliro, na ewan.. Pero naging cute ito sa paningin ni Luke. Biruin mo ang isang tigasing Zion, may ganito palang tinatagong ugali.

Tinugon lang siya ni Luke ng mapagdudang tingin.

“Sige na brad..” nagpapacute itong nagmamakaawa.

“Ganoon ba? sige silipin ko ang aircon mo baka magawan ko ng paraan.” Hahakbang na sana siya.

Bigla siya nitong pinigilan sa pamamagitan ng paglapat ng kamay sa dibdib niya. Na parang nakadakma sa boobs ng babae.

Sabay silang napatingin sa kamay na nakalapat sa dibdib niya. Agad naman itong binawi ni Zion nang mapagtantong, malaswa pala ang dating ng pagkakadakma niya.

Nang makabawi.

“Hi..Hindi na brad.. nasilip ko na yun. Ayaw talaga gumana.”

Hindi pa rin kumbinsido si Luke, nahihimigan niyang nagsisinungaling lang ito.

“Titingnan ko nga.” Hahakbang na uli sana siya, nang pigilan siya ulit nito.

Tinapunan niya ito ng mapagpunang tingin.

“Oo siya! sige na. Walang sira ang aircon ko.” Napabuntong hininga nalang ito.

“Hay! Ang hirap naman nito....Okay Luke, ako si Zion.. diyan ako matutulog sa kwarto mo.”

Matigas nitong sabi at derederechong pumasok sa kwarto niya.

Hindi malaman ni Luke kung matatawa siya sa inaasta ni Zion. Makikitulog lang pala, andami pang sinasabi.

Napailing nalang siyang nagsara ng pinto.

Nakakapagtaka naman talaga ang inaasta ni Zion nitong mga nakaraan. Ang kilala niya kasing Zion ay siga, basagulero, babaero, hindi marunong humingi ng permiso at higit sa lahat kapag may gugustuhin gagagawa at gagawa ng paraan para mapasakanya ito.

Kapag may kailangan ito kwarto ni Luke ay kusa nalang itong pumapasok at kukunin kung ano ang kailangan nito, saka magpapaalam kung kelan hawak-hawak niya na. Madalas ding dumerecho ito sa personal ref niya at nangangalkal ng kung anong makakain. Nagugulat nalang din siya minsan na may naghihilik na sa upper deck.

Pero itong Zion na nasa loob ng kwarto niya ngayon ay iba. Ibang-iba.

“Hoy! Nagsa-shabu ka ba?”

Ngunit hindi na siya pinansin nito.

Nagtataka man ay napangiti nalang si Luke sa mga isipin na yun.

“Pero teka, kung iisipin kong maige. Nagsimula siyang nailang sa akin nung nag-away kami dahil sa babae, tapos nasundan pa nung mga halik. Pero ibang-iba yung pagkakailang niya ngayon..” napaisip siya ng malalim.

“Hindi kaya dahil sa halikan namin kanina? May naramdaman rin kaya siya?” Kumabog ang dibdib niya sa isiping yun.

Pilit niyang inalis sa isip yun.

“Kung ayaw mong masaktan ulit. Wag kang mag-isip ng kung anu-ano” Sermon ng utak niya.

---

Nakapatay na ang ilaw at tanging lampshade nalang ang nagbibigay liwanag sa apat na sulok ng kwartong iyon.

Nakapuwesto na sila upang matulog. Si Luke sa lower at sa upper deck naman si Zion.

May bagay na bumabagabag kay Zion. Isa ito sa dahilan kung bakit gusto niyang matulog sa kwarto ni Luke, upang itanong ang tungkol sa tanong niya kaninang hapon.

“Luke! Gising ka pa ba?” Pagtawag pansin niya dito.

“Bakit brad?”

“May gusto lang akong itanong.” Ramdam sa boses ni Zion ang hiya.

“Ano yon?”

“Ah.. sabi mo kanina.. nailove ka na, pero wala ka pang girlfriend..”

“Oh tapos?”

“Pwede ba yun?”

Di agad sumagot si Luke.

Maya-maya.

“Pwede naman.” Tipid niyang sagot.

Katahimikan.

“---”

“---”

“Ma..maganda ba siya?.. ah..ibig kong sabihin.. saan mo siya nakilala at paano ka nainlove sa kanya.? Inlove ka pa rin ba sa kanya?” Sunud-sunod niyang tanong.

Habang binabanggit ni Zion yun, may kakaiba siyang naramdaman. Hindi niya matukoy kung ano. Selos?

“Hahahaha.” Tanging tawang sagot ni Luke.

“Bakit ka natawa?” Sinabayan ng pekeng tawa.

“Seryoso ka ba talaga sa tanong mo?”

“Bakit naman hindi?.. Hindi ba pwedeng.. gusto lang kitang makilala pa?..” lakas loob niyang sabi.

“Hahaha.. nakakapanibago lang. Ang weirdo mo loko!”

Di maiwasan ni Luke ang mapangiti.

“Gago! Seryoso nga.. sabihin mo na.”

Mga tatlong segundo rin bago siya nagsalita.

“Freshman highschool ako nun..”

“Tapos?”

“Tapos.. bigla na lang siyang sumulpot para tulungan ako.. Hindi ako nagkaroon ng chance na magpakilala sa kanya, dahil umalis kaagad siya.. Noon una, hinahangaan ko lang siya.. Gusto ko ngang mapalapit sa kanya, pero nahihiya ako.. Tapos..”

Huminto si Luke. Bumalik kasi sa alaala niya yung sakit.

Naramdaman niyang, hindi niya muna dapat sabihin ito. Minabuti niya ng huwag ituloy.

“Tapos?” Naghihintay na tanong ni Zion.

“Brad.”

“Oh?” Si Zion.

“Saka nalang.. inaantok na ako. Sa ibang araw ko nalang ikukwento.”

“Daya naman nito.” Pagmamaktol ni Zion.

Gusto niya talaga kasi itong malaman.

“Sige na. Maaga pa tayo bukas. Kapag tinamad akong gumising, hindi na kita sasamahan.” Pagbabanta niya.

“Tsk!.. Oo na! Sige na.. di na ako mangungulit.”

Maya-maya ay narinig ni Luke na nagmu-murmur si Zion.

“Ano yon?”

“Wala!” Sa tonong parang batang hindi pinayagan maglaro sa labas.

Katahimikan...

“Luke.” Mahinang pagtawag niya.

“Oh?” Sagot niya sa boses na inaantok.

“Good night.” Tipid pero napakalambing pakinggan na sabi ni Zion.

Hindi na sumagot si Luke. Sa halip ay napangiti nalang siya.

Oo, makwento si Zion dati, pero hindi siya parang batang matanong na tulad ngayon. Siya yung tipong puro pagbibida sa sarili ang bukambibig.

Kailan pa siya nagkainterest malaman ang buhay ng iba.

Nakatulog si Luke na may ngiti sa mga labi.

Habang si Zion naman, hindi mapakali sa kakaisip dahil hindi siya nakakuha ng sagot.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Brad Mahal Kita, Matagal Na (Part 7)
Brad Mahal Kita, Matagal Na (Part 7)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiqUubzcS4U5P3uCWiuUcJdrj0MGrzwqegCOdBvgPFurOAUca1dQce1XtbRVTEa3amh0wVF_Tyi79EsejUAMl_sd6Lfz-bcanDGjMs_LopsrKqnpqpoSv7Jy-_l4ieyH030nKZWY1KF0i7P/s320/Brad+Mahal+Kita%252C+Matagal+Na.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiqUubzcS4U5P3uCWiuUcJdrj0MGrzwqegCOdBvgPFurOAUca1dQce1XtbRVTEa3amh0wVF_Tyi79EsejUAMl_sd6Lfz-bcanDGjMs_LopsrKqnpqpoSv7Jy-_l4ieyH030nKZWY1KF0i7P/s72-c/Brad+Mahal+Kita%252C+Matagal+Na.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2020/05/brad-mahal-kita-matagal-na-part-7.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2020/05/brad-mahal-kita-matagal-na-part-7.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content