$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Flicker (Part 63)

By: Loverboynicks Doon na ako nagpalipas ng oras sa loob ng silid ko hanggang sa dumating ang oras ng hapunan. Kinatok ako ni Kuya Kiel ...

By: Loverboynicks

Doon na ako nagpalipas ng oras sa loob ng silid ko hanggang sa dumating ang oras ng hapunan. Kinatok ako ni Kuya Kiel pero hindi ako bumangon.

Hinayaan ko lang siya na kumatok nang kumatok kagaya ng mga kaganapan noon sa bahay nila sa tuwing sumasama ang loob ko sa kanilang magkakapatid at ayaw kong magpagalaw.

Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi galit kay Kuya Kiel ang dahilan ko kung bakit hindi ko siya pinagbuksan.

Hindi ko siya pinagbuksan dahil nahihiya ako sa kanya. Napakatapang ko na sungitan at tarayan siya sa bawat pagkakataon na lumalapit siya sa akin.

Dahil ang buong akala ko ay tinalikuran na niya ako noon at pinabayaan na lamang matapos ang mga kaganapan sa amin nina Tito Benjie sa loob ng bahay nila.

Pero ang totoo ay sinubukan niya akong patawarin at muling tanggapin. Hindi nga lang nakarating ang mga sulat at messages niya sa akin dahil hinaharangan pala iyon ni Addy.

Madilim na ang buong paligid pero ako ay nanatili pa ring nakahiga sa kama. Nakatitig sa kisame habang naglalaro sa isipan ako ang libu-libong tanong.

Hindi na ako nag-abala pa na magbukas ng ilaw kahit man lang ang lampshade sa tabi ng kama ko. Gusto kong iiyak ang lahat ng sama ng loob sa kadiliman ng silid na ito.

Nagsimulang umulan ng malakas sa labas. Marahil ay ito na nga ang simula ng paparating na bagyo sa lugar.

Shit! Ito ang dahilan kung bakit delayed ang flight namin ni Gino pabalik ng maynila. Dahil sa paparating na bagyo.

Sinabi sa balita na super typhoon daw ito at tatama sa bahaging ito ng bansa kung saan kami naroon.

Nag-inform na rin sa akin ang airline na nirebook nila ang flight namin sa lunes.

Miyerkules pa lamang ngayon at kasabay dapat namin ang flight ni Kuya Kiel sa sabado. Hindi ko lang alam kung anong oras ang sa kanya.

Ilang sandali muna akong nanatiling nakatanga sa madilim na kisame bago ako nagpasya na gumalaw na.

Bumangon ako saka na ako nag-ayos ng sarili. Pagkatapos ay lumabas na ako ng silid ko para kumain ng hapunan.

Habang nakasakay ako sa elevator ay narinig ko ang pinag-uusapan ng dalawang babae sa harapan ko.

Busy sila sa mga cellphones nila kaninang pumasok sila kaya sigurado ako na hindi nila ako nakilala.

"Grabe siya nga yun Alice!" sabi nung isa.

Sumulyap naman ang babaeng tinawag na Alice sa screen ng cellphone nung isa. Matapos ang ilang sandali ay nagkomento ito.

"Napakalandi rin naman pala niya. Hindi ko masisisi ang asawa niya kung bakit pinagtaksilan siya nito." ani Alice.

"Pero nakakadiri naman yung asawa. Mangangaliwa na lang sa bading pa." sabi nung kasama ni Alice.

Tumaas naman ang kilay ko nang dahil sa sinabi niya. Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa. Kung makapanlait sa akin akala mo kung sinong maganda. Samantalang napakachaka naman niya.

"Kaya nga. Napakaswerte ng baklita na yun. Alam mo ba ang issue? Pamangkin pala siya nung haliparot na babae sa video. Tapos sa kasalukuyan daw ay tinutuhog niya yung dalawang anak ng tiyahin niya." sabi ni Alice.

Napakurap ako sa narinig ko at naiinis akong sumulyap kay Alice. Hayop na babaeng to. Napakatsimsosa ng punyeta.

"My gosh! Napakabobo naman ng magkapatid na yun. Sayang pareho ko pa naman silang crush." sabi nung chakang pintasera.

"My gosh sis! Nakita mo ba yung katawan nung Kiel? Katawan pa lang ulam na. Laglag pantu ko sa kanya nung nakaraan." kinikilig na tili ni Alice.

"Saka yung Addy naku napakasarap din ng abs. Kung ikakama ako ng kahit sino sa kanila hindi ako papalag." dagdag pa ng chakang babae habang halos mamilipit sa kilig ang puta.

Sabay pa silang tumili at halos mapatalon sa kilig.

"Kaya nga napakaswerte niya girl! Siguro gumagamit ng gayuma si beks!" sagot naman ni Alice.

Nang hindi ko na makayanan ang mga pinagsasasabi nila ay tumikhim ako ng malakas.

Sabay pang napalingon sa akin ang dalawa habang mababakas ang labis na pagkagulat at pagkapahiya sa mga mata nila.

Sakto naman bumukas ang elevator sa ground floor. Mabilis na lumabas yung dalawa pero nahabol ko sila at nahila ko sa buhok yung chakang pintasera.

Napatili pa siya saka ko siya hinila palapit sa akin. "Akala ba ninyo ay nakalimutan ko na yang mga pangit na pagmumukha ninyo? Hindi ko lang kayo nakalbo noon dahil pinigilan ako ni Kuya Kiel. Pero ngayon sisiguraduhin kong makakalbo kita."

Mahihigpit ka sabunot ang inabot sa akin ng babaeng ito. Sinusubukan niya akong labanan pero dahil nasa likuran niya ako ay nahihirapan siyang abutin ako.

"Ahhhhh! Ouch! Ahhhhh! Alice tulungan mo ako!" sigaw ng chakang pintasera habang kinakalbo ko siya.

Walang pakialam ang mga tao sa paligid na nakakakita sa amin. Mas busy pa sila sa pagkuha ng video at sa pag-usyoso sa nangyayari.

Mabilis namang lumapit sa amin si Alice saka niya tinulungan ang kasama niya. Mahihigpit na sabunot din ang inabot ko mula sa kanya habang sinasabunutan ko ang kasama niya.

Hindi nagtagal ay nakawala yung chakang pintasera saka nila ako pinagtulungan na dalawa.

Natumba ako habang hila pa rin ni Alice ang buhok ko. Pinagsasampal naman ako ng kasama niya at wala na akong nagawa kundi sanggain ang mga iyon gamit ang mga kamay ko.

"Hayop kang bakla ka akala mo ba kaya mo kaming dalawa?" galit na sigaw ng chakang babae saka niya ako inambahan ng napakalakas na hampas ng bag niya sa ulo ko.

Napapikit na lang ako peo ilang sandali na ang lumipas ay hindi pa rin tumatama iyon sa ulo ko. Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata at nakita kong hawak ni Kuya Kiel ang braso ng babae saka niya ito tinulak palayo sa akin.

Lumapit naman si Kuya Kiel sa napatangang si Alice at siya na mismo ang nag-alis ng mga kamay nito mula sa pagkakasabunot nito sa akin.

"Hindi bagay sayo yung nakikipag-away miss. Sayang ka napakaganda mo pa naman. Kaya lang galit ako sa mga warfreak na babae." maawtoridad na sabi ni Kuya Kiel saka na niya tuluyang inalis ang mga kamay ng babae sa buhok ko.

"S-sorry!" nauutal na sagot naman ni Alice. "Siya kasi ang nauna. Pinagtanggol ko lang yung kaibigan ko." pangangatwiran pa nito.

Umiling naman si Kuya Kiel. "No! Mali ka pa rin. Sana imbes na tinulungan mo yung kaibigan mo. Inawat mo na lang sila. Hindi ka na sana sumali pa sa gulo." malumanay na sabi ni Kuya Kiel ngunit mababakas sa napakagwapong mukha niya ang pagkainis.

Tinulungan niya akong makatayo pagkatapos ay sumulyap siya sa dalawa na ngayon ay magkatabi nang nakatayo sa harapan namin ni Kuya Kiel.

"Isang beses ko lang sasabihin ito sa inyo. Ayoko nang makita pa ulit na sinasaktan ninyo si Renz. Dahil hindi ninyo magugustuhan kapag ako na ang nagalit sa inyo." banta niya saka niya hinila ng mahigpit ang palapulsuhan ko bago siya naglakad ng mabilis.

Naiiyak naman akong napasunod sa kanya dahil nga hila-hila niya ang kamay ko. Habang naglalakad kami ay nakakadama ako ng deja vu.

Nangyari na ito noon. Katulad na katulad ng paghila niya sa akin noon ang nangyayari ngayon matapos akong makipag-away.

Binitawan lang niya ang kamay ko nang makalabas kami sa garden. Sa bungad lang dahil malakas ang ulan sa labas ng hotel.

Marahas siyang sumulyap sa akin. Naniningkit ang mga mata niya habang pinagmamasdan ako.

Pero nawala ang pagkainis sa mukha niya nang mapansin niya na umiiyak na ako. Napapikit siya habang nakatingala bago siya muling tumingin sa akin.

Sa pagkakataong ito ay hindi na pagkainis ang nakikita ko sa mga mata niya. Malungkot ang mga iyon at tila ba sinasabi na nasasaktan siya sa nakikita niya.

"Ganyan na lang ba palagi ang gagawin mo? Makikipag-away ka pagkatapos iiyak ka? Renz hindi ka na bata." galit na sermon niya sa akin ngunit ang galit na naririnig ko sa tinig niya ay hindi ko mahagilap sa gwapong mukha niya.

"Hindi ko naman sinabi na ipagtanggol mo ako." galit ko ring sagot sa kanya. "Sana hinayaan mo na lang ako na saktan ng dalawang yun kaysa naman sa sinesermunan mo ako nang ganyan." hiyaw ko.

Mabuti na lamang at walang tao sa paligid kaya kahit sigawan ko siya ay hindi nakakahiya.

Lumambot ang anyo niya saka niya ako hinila payakap sa kanya. Naramdaman ko ang mga braso niya na yumakap sa katawan ko.

"Hindi ko na kasi masikmura ang mga pinagsasasabi nila sa akin kaya inaway ko na sila." sumbong ko bago ko siya niyakap ng mahigpit.

Ibinaon ko ang mukha ko sa maskuladong dibdib niya saka ako umiyak nang umiyak doon. Nakasuot lamang siya ng navy blue na sando at kitang kita ko ang mga muscles niya sa braso pero wala doon ang pansin ko.

Nabasa na ang parteng dibdib ng damit niya dahil sa luha ko. Kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan ay ang patuloy na pagdaloy ng mga luha mula sa mga mata ko.

"Shhhhh! Tumahan ka na. Sorry kung nasermunan kita. Ginawa ko lang naman yun para malaman mo na hindi sa lahat ng pagkakataon ay kailangan mong makipag-away kapag dumarating ang ganyang mga sitwasyon."

Naramdama ko ang paghagod niya sa likod ko kasunod ng pagdampi niya ng masuyong halik sa buhok ko.

"Sana hinabaan mo na lang ang pasensya mo at hinayaan mo na lang sila. Hindi mo mapiplease ang lahat ng tao."

"Nais kong malaman mo na hindi mahalaga ang iniisip ng ibang tao tungkol sayo. Hindi ka naman nila lubusang kilala. Mas kilala mo ang sarili mo."

Naramdaman ko ang lalong paghigpit ng mga yakap niya kasabay ng pagpapagaan niya sa kalooban ko.

"Hindi ko na itatanong pa kung tungkol saan ang ikinagalit mo sa kanila. Basta lagi mo lang tatandaan na hangga't magkasama tayo ay hindi ko papayagan na masaktan ka ng kahit na sino." he paused.

"Palagi lamang akong narito para sayo dahil mahal na mahal kita. Lagi mo sanang tatandaan yan Renz."

"Ilang araw na lamang ang ilalagi ko rito. Sana kapag wala na ako ay matuto ka nang pangalagaan ng mabuti ang sarili mo. Ayoko na napapahamak ka nang dahil diyan sa ugali mong pabigla-bigla."

"Napagdaanan ko na iyan noon at isa iyan sa mga bagay na labis kong pinagsisihan. Dahil sa mga kilos kong pabigla-bigla ay nawala ka sa akin."

Kumalas ako sa mga yakap niya saka ko siya tinitigan sa mga mata. Pagkatapos ng ilang araw ay alam kong magkakahiwalay na naman kami ni Kuya Kiel.

Ngayon pa lang ay parang pinipiga na ang puso ko dahil sa kaalamang hindi na siya magtatagal pa sa tabi ko.

Kung sana ay kaya ko lang sabihin sa kanya na wag na lang siyang umalis at manatili na lamang siya sa tabi ko habang buhay.

Pero alam ko na hindi na maaari pang mangyari iyon. Gustuhin ko man ay napakarami na ng nangyari sa aming dalawa.

Nakakalungkot lang isipin na ngayon ko lang napatunayan sa sarili ko na napakahalaga pala talaga ng lalaking ito sa akin.

Siya lang at wala nang iba pang lalaki ang kaya kong mahalin ng katulad ng pagmamahal ko sa kanya.

"I'm sorry Kuya! Sorry kung naging masyado akong malandi noon. Pero maniwala ka sana na matagal ko nang pinagsisihan ang mga kasalanan kong iyon."

Tumango siya. "I know! Hindi mo na kailangan pang ipaliwanag sa akin iyan dahil kahit hindi mo sabihin ay nakikita ko naman sayo. Patawarin mo rin ako kung hindi kita nagawang ipaglaban noon."

"Siguro ay karma ko na rin itong nangyari sa atin dahil sa dami ng mga kasalanan na ginawa ko noon. Ngayon ay tanggap ko na na kahit mahal natin ang isa't isa ay hindi talaga tayo nakatakda na magsama habang buhay."

Nanatili lamang akong nakatanga sa kanya. Nadarama ko pa rin ang sobrang sakit sa dibdib ko na lalo pang pinatindi ng mga sinabi niya.

Ibig bang sabihin nito ay tuluyan na niya akong sinukuan? Ang mga salita ba niya ay nangangahulugan na nagpapaalam na siya ng tuluyan sa akin?

Napapikit ako at humugot ako ng napakalalim na buntong-hininga at hindi ko namamalayan na napahikbi na pala ako.

Sabihin mo na kasi na mahal mo rin siya at pigilan mo na siyang umalis. Magmakaawa ka na wag ka na niyang iiwanan ulit at aminin mo na kailangan mo siya sa buhay mo.

Bulong ng utak ko pero hindi mabigkas ng dila ko. Sasabihin ko na sana iyon pero iba ang lumabas sa bibig ko.

"S-siguro nga Kuya Kiel. Masaya ako na kahit papano ay naging parte ka ng buhay ko. Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga panahong nagmahalan tayo."

Ngumiti naman siya saka niya pinahid ang luha ko gamit ang mga kamay niya.

"B-babalik na ako sa silid ko at magpapadeliver na lamang ako ng pagkain. Hindi na maganda ang pakiramdam ko. Siguro ay dahil sa nangyari kanina. Hayaan mo. Hindi ko na uulitin iyon. Tatandaan ko lahat ng sinabi mo sa akin kanina." sabi ko.

Tuluyan na akong naiyak saka ako naglakad palayo sa kanya pero nakakailang hakbang pa lamang ako ay tuluyan ng bumigay ang mga tuhod ko.

Napakapit ako sa pader saka ako tuluyang bumangsak paupo sa sahig. Kasabay ng pagbagsak ko sa sahig ay ang muling pagpatak ng mga luha ko.

Mabilis naman akong nilapitan ni Kuya Kiel at nagulat na lamang ako nang bigla niya akong buhatin.

Tumanggi ako pero hindi niya ako hinayaan na makaiwas. Naramdaman ko na lang na lumulutang na ako sa ere habang buhat buhat ako ng dalawang matipuno at malalakas na braso niya.

"Wag ka nang mag-inarte pa diyan. Sa ayaw at sa gusto mo ay iaakyat na kita sa taas. Hindi mo na kayang maglakad pa." seryosong sabi niya saka na siya magsimulang maglakad patungo sa elevator.

Lahat ng nakakasalubong namin ay sa amin nakatingin at ang iba ay nagbubulungan pa. Nakadama ako ng labis na pagkapahiya at pakiramdam ko ay napakabigat ng ulo ko at pulang-pula na ang buong mukha ko.

"Ibaba mo na ako. Nakakahiya sa mga tao." bulong ko kay Kuya Kiel pero parang wala siyang narinig at patuloy lamang siya sa paglalakad.

"Shut up!" nakangiting sagot niya bago niya pinindot ang button sa loob ng elevator. May nakasabay pa kaming dalawang matandang babae na todo ngiti habang nakatingin sa amin.

"Aba'y nakakatuwa naman ang magkapatid na ito. Binubuhat pa siya ng kuya niya kahit malaki na siya." sabi ng isa.

Ngumiti naman si Kuya Kiel bago siya sumagot. "Lampa po kasi itong si bunso kaya binuhat ko na. Hindi po niya kayang maglakad." sabi naman ni loko.

"Ganoon ba? Aba'y nakakatuwa naman kayong pagmasdan. Bihira sa magkapatid ang ganyan kasweet. Kadalasan ay nag-aaway lalo na sa ganyang mga edad." puri ng isa.

Ngumisi naman siya saka muling bumaling sa matatanda. "Mabait po kasi akong kuya. Maalaga pa. Kaso pasaway po kasi talaga itong si bunso kaya lagi na lamang napapahamak."

Kinurot ko siya sa dibdib. "Aray! Totoo naman eh." reklamo niya.

"Lampa!" pang-aasar pa niya.

"Umayos ka." sabi ko sa kanya.

Ngumiti lang siya at hindi na nagsalita pa. Bumukas ang elevator at nagpaalam na si Kuya Kiel sa dalawang matanda.

"Sige po mga lola. Kailangan nang magpahinga ni bunso. Mag-ingat po kayo." malambing na paalam niya sa dalawa.

Nakadama naman ako ng tuwa dahil sa ginawa niya. Napakalambing talaga ni Kuya Kiel. Hindi lamang sa akin kundi pati sa matatanda.

"Sige iho. Dalhin mo na yang kapatid mo at baka nangangawit ka na sa kakabuhat sa kanya. Mukha pa naman siyang mabigat." sagot pa ng isa saka sila humagikgik na dalawa.

Napangiti naman ako saka na nagsara ang pintuan. Naglakad na si Kuya Kiel patungo sa silid niya.

Nagsalubong ang mga kilay ko saka ako nagtatakang tumingin sa kanya. Balewala naman sa kanya ang mga tingin ko at nagpatuloy lang siya sa pagbubukas ng pintuan.

"Alam ko gwapo ako. Hindi mo na kailangan pang ipangalandakan na nakatitig ka sa akin." sabi niya.

"Gagi!" sagot ko naman saka ko siya tinampal sa mukha. "Yabang mo! Ibaba mo na ako kaya ko nang maglakad patungo sa silid ko." sabi ko.

"No! Dito ka matutulog ngayong gabi sa silid ko. Kasama ko. At sa iisang kama tayo matutulog. Bawal kang tumanggi." seryosong sabi niya at tuluyan na niya akong ipinasok sa silid niya.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Flicker (Part 63)
Flicker (Part 63)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjb_GyRn-e6NgB3biuivWIfIkzNJVTrovQSbWdiFSY-v3uIGjxlY9iM5XjmN62eGQVc63-n2h6Zd09bgF6qtUu_Jzb227BKTgO0bZRTzfkLTgNVyhOHyjkqFIQvzloN2bsn0GcDBDjO2F2V/s320/Flicker.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjb_GyRn-e6NgB3biuivWIfIkzNJVTrovQSbWdiFSY-v3uIGjxlY9iM5XjmN62eGQVc63-n2h6Zd09bgF6qtUu_Jzb227BKTgO0bZRTzfkLTgNVyhOHyjkqFIQvzloN2bsn0GcDBDjO2F2V/s72-c/Flicker.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2020/05/flicker-part-63.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2020/05/flicker-part-63.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content