Walang naging reklamo si Josh sa pagpapatuloy ni Eman sa pagmamaneho sa kanya. Tuluyan na ngang nakapalagayang loob ni Josh si Eman. Sa ta...
Walang naging reklamo si Josh sa pagpapatuloy ni Eman sa pagmamaneho sa kanya. Tuluyan na ngang nakapalagayang loob ni Josh si Eman. Sa tagal-tagal na rin ng panahon na di nanonood ng sine si Josh ay naisipan niyang yayain si Eman na samahan siya sa panonood ng sine. Nais daw kasi ni Josh mapanood sa big screen ang pelikulang iyon para ma-appreciate niya ang special effects. Nahihiya man si Eman ay sinamahan niya ang kanyang amo dahil ayaw nitong mag-isa sa loob ng sinehan. First time ni Eman makapasok sa ganoong sinehan na high-tech at napakamahal ng ticket. Matapos ang pelikula ay nagyaya na rin mag-dinner si Josh sa isang restaurant para hindi na nila maistorbo si Yaya Lucring sa pag-uwi nila.
Naikwento iyon ni Eman kay Yaya Lucring kinabukasan ng usisain siya nito kung saan sila nagpunta ng gabing iyon. Natuwa naman si Yaya Lucring sa nabalitaan. Alam nya kasi na matagal-tagal na rin hindi gumigimik ang kanyang alaga. Noon na din naikwento ni Yaya Lucring kay Eman ang napagdaanan ni Josh.
May asawa na si Josh. Ikinasal sa siya mga tatlong taon na ang nakakaraan. Pero makalipas ang halos isang taon nilang pagsasama ng kanyang asawa ay nabigla si Yaya Lucring ng maghiwalay ang mag-asawa. Buntis na noon ang asawa ni Josh ng maghiwalay sila at nagtungo ito sa Amerika. Hindi malinaw kay Yaya Lucring ang dahilan ng hiwalayan nilang mag-asawa. Ang tanging nasabi ni Josh sa kanya ay ang pagpilit ng asawa ni Josh na manirahan na lamang sila sa Amerika na hindi naman sinang-ayunan ni Josh. Alam ni Yaya Lucring na mababaw na dahilan iyon kasi nga buntis ang asawa ni Josh ng mga panahong iyon. Hindi na naman nag-usisa pa si Yaya Lucring sa kung ano pang dahilan ng kanilang paghihiwalay.
Natanggap na rin sana ni Josh ang hiwalayang iyon. Ang labis na ikinasasakit ng loob ni Josh ay ang agarang pagpapakasal ng kanyang asawa sa isang Amerikano at ang hindi nito pagpapakilala kay Josh ng kanyang asawa sa kanyang anak. Hindi rin malaman ni Yaya Lucring kung bakit hindi na ipinaglaban ni Josh ang karapatan niya sa kanyang anak. Nanahimik na lamang ito at naging malungkutin. Kahit ganoon pa man ay pinilit pa rin mabuhay ng maayos ni Josh. Nag-concentrate na lamang siya sa pagiging dalubhasang doctor at sa pamamahal na rin sa kanilang farm na naiwan sa kanya ng kanyang mga magulang ng mamatay ang mga ito sa isang aksidente noong bagong doctor pa lamang si Josh.
Subalit ngayon ay nakitaan na ni Yaya Lucring si Josh ang kaunting pagbabago. Madalas na rin kasing mapansin niya si Josh na nakangiti at tila wala ng pait na nararamdaman sa nangyari sa kanila ng kanyang asawa. Hindi ito maipaliwanag ni Yaya Lucring. Pero masaya na rin siya na ganoon na nga ang asal ng kanyang alagang si Josh na simula ng isinilang sa mundo ito ay siya na ang nag-alaga at itinuring na niyang tunay na anak. Ang pagmamahal ni Yaya Lucring sa alaga at sa pamilya nito ang tila naging dahilan na rin ng hindi na pag-aasawa ni Yaya Lucring.
Isang araw ay kapwa nabigla sina Eman at Yaya Lucring sa pagyaya ni Josh sa kanilang dalawa.
“Maghanda kayong dalawa at pupunta tayo sa inyo Eman sa Cagayan.” ang anyaya ni Josh sa dalawa.
“Ha! Bakit po?” ang biglang naitanong ni Eman.
“Oo nga iho. Bakit naman?” ang pagsegunda ni Yaya Lucring.
“Wala lang. Hindi ko pa nararating ang parteng iyon ng Luzon. Basta gusto ko lang makita ang Cagayan.” ang sagot ni Josh.
“Iho, dito na lang ako. Walang magbabantay ng bahay.” ang pakiusap ni Yaya Lucring.
“Hindi yaya. Kailangan nyo rin ng bakasyon.” ang pagpipilit ni Josh.
“Malayo ang byahe. Mukhang hindi ko kakayanin iyon.” ang pagdadahilan pa ni Yaya Lucring.
“Sige yaya. Kung ayaw mong sumama sa Cagayan ay idadaan ka na lang namin sa Nueve Ecija. Doon sa kapatid mo at ng makapagbakasyon ka na rin.” ang nasabi naman ni Josh.
“Kabibisita lang nila sa aking noon isang buwan. Okey na ako dito.” ang pagpipilit muli ni Yaya Lucring na huwag makasama.
“Si Yaya naman. Okey lang iyon. Iba din ang nasa probinsya ikaw. Dadaanan ka rin namin pag-uwi namin ni Eman.” ang pagpipilit naman ni Josh.
“O sige na nga. Para naman makita ko ang iba ko pang pamangkin.” ang pagpayag ni Yaya Lucring.
Laking pagtatakha ni Eman sa naging balak gawin ni Josh. Subalit wala naman siyang magagawa kundi ang sumunod.
“Sir, wala pong hotel na malapit sa amin at wala din pong resort na matutuluyan doon. Puro bukid lang po ang lugar namin.” ang nasabi ni Eman sa amo.
“Huwag mong alalahanin iyon. Eh di makikituloy tayo sa bahay nyo. Ayaw mo yatang patuluyin ako sa bahay nyo.” ang biro ni Josh kay Eman.
“Hindi naman po sa ganoon. Kaya lang po eh….” ang tugon naman ni Eman na hindi na niya natapos ng sumabat na si Josh.
“Walang problema sa akin iyon. Kahit pa kubo ang bahay nyo at kahit anong itsura nito ay doon tayo makikitulog kung gusto mo.” ang nasabi naman ni Josh.
“Kayo pong bahala.” ang tanging nasabi na lamang ni Eman.
“Huwag mong alalahanin ang alaga ko. Nakailang attend na iyan sa survival trainings and adventures dito sa Pilipinas at sa ibang bansa na rin. Kaya niyang mabuhay sa gubat kung kinakailangan.” ang nasabi naman ni Yaya Lucring na natawa pa sa naging reaksyon ni Eman na tila nahihiyang patuluyin ang amo sa kanilang bahay.
“Huwag mo akong problemahin Eman.” ang dugtong naman ni Josh.
Matapos makaimpake ng mga gamit ay tinahak na nila ang daan patungong norte. Inihatid muna nila si Yaya Lucring sa Nueva Ecija bago tuluyang baybayin ang daan patungong Cagayan. Malalim na ang gabi ng marating nila Eman ang kanilang bahay. Tulog na ang kanyang mga magulang at ang isa pa nitong kapatid na dalaga. Nabigla ang mga magulang nito sa pagdating nina Eman. Hindi kasi naipaalam ito ni Eman dahil wala namang celphone sa kanilang bahay.
“Inay, Itay, magandang gabi po. Kasama ko po ang amo ko. Si Sir Josh.” ang bungad ni Eman.
“Bakit naman napaluwas kayo? May problema ba?” ang pagtataka ng ama ni Eman.
“Walo po Itay. Naisipan ko lang po na makita ang lugar ninyo.” ang tugon naman ni Josh.
“Pasok kayo. Pasensya na kung ganito ang bahay namin.” ang anyaya ng ina ni Eman sa kanilang dalawa.
“Okey lang po iyon. Ako nga po ang dapat magpaumanhin at naistorbo namin kayo.” ang nasabi naman ni Josh.
“Kumain na ba kayo? Teka muna at magahahanda lamang ako.” ang tanong ng ina ni Eman.
“Huwag na po kayong mag-abala. Nakapaghapunan na po kami ni Eman.” ang tugon naman ni Josh.
“Siguro pagod na pagod na kayo sa naging byahe ninyo. Baka gusto ninyong magpahinga. Eman, gisingin mo nga ang kapatid mo sa kabilang silid at palipatin mo sa silid namin. Ihanda nyo na rin ang matutulugan ni Sir Josh.” ang utos ng ama ni Eman sa kanya.
“Huwag nyo na pong istorbohin ang kapatid ni Eman. Dito na lang po kami sa sala matutulog.” ang nasabi naman ni Josh.
“Okey lang iyon sir. Doon na kayo matulog sa isang silid at ako na lamang dito sa sala.” ang nasabi naman ni Eman.
“Kung saan ka matutulog ay doon din ako.” ang pabirong pagpipilit ni Josh kay Eman.
“Mabuti pa ay doon na kayong dalawa sa silid matulog.” ang nasabi naman ng ama ni Eman.
“Sige po.” ang tanging tugon ni Eman.
Ginising nga ni Eman ang nakababatang kapatid at ipinalipat sa silid ng kanyang mga magulang. Dalawa lang ang silid ng bahay nina Eman. Yari sa semento at yero ang kanilang bahay subalit wala itong pintura. Ang entrada sa mga silid ay natatabingan lamang ng makapal na kurtina. Nang maisaayos na ni Eman ang silid ay tinawag na niya ang kanyang amo.
“Sir Josh, pasok na po kayo.” tinawag ni Eman si Josh.
“Pasensya na po at manipis na foam lang ang nakapatong sa higaang yari sa kawayan. Wala po kaming aircon o electric fan. Binubuksan na lang po namin ang lahat ng bintana para presko. May kulambo po naman para hindi malamok.” ang dugtong pa ni Eman.
“Okey nga ito. Preskong presko.” ang nasabi naman ni Josh.
“Dyan na po kayo sa kama matulog at dito na lang ako sa sahig.” ang dugtong pa ni Eman.
“Maluwag naman itong higaan. Dito ka na sa tabi ko at walang kulambo diyan. Lalamukin ka dyan.” ang pagpipilit ni Josh kay Eman.
“Masisikipan po kayo sir nyan.” ang pagtanggi ni Eman.
“Hindi naman ako malikot matulog kaya okey lang. Nasaan ba ang banyo ninyo at ng makapaligo muna bago matulog?” ang tanong ni Josh.
“Halika sir. Nandito po. Sasamahan ko po kayo.” ang tugon naman ni Eman.
Sinamahan ni Eman ang amo sa palikuran sa badang likuran ng kanilang bahay. Ipinag-igib muna niya ito ng tubig bago niya iniwang naliligo. Muli niyang binalikan ang silid upang ayusin ng maigi ang tutulugan ng amo. Ilang minuto pa ay muling pumasok sa silid si Josh na nakatapis lamang ng tuwalya.
“Sige sir matulog na po kayo. Maliligo din muna po ako. Nakakahiya naman pong tumabi sa inyo kung mabaho ako.” ang biro ni Eman sa amo.
Natawa na lamang si Josh sa narinig. Nagbihis na si Josh at si Eman naman ay naligo na. Makalipas ng ilang minuto ay bumalik na rin si Eman sa silid at nakatapis din lamang ito ng tuwalya. Nakahiga na sa loob ng kulambo si Josh ng mga sandaling iyon subalit hindi pa natutulog. Sa liwanag ng ilaw ay kitang-kita niya ang lahat ng ikinikilos ni Eman. Tila hindi makapagsalita si Josh ng mga sandaling iyon sa nasasaksihan niya sa loob ng silid. Tila ba isang magnet ang katawan ni Eman at hindi maibaling sa iba ang tingin ng mga mata ni Josh.
Kitang-kita ni Josh ang lahat ng gagawin ni Eman ng mga sandaling iyon. Binuksan ni Eman ang dala-dala niyang bag at kumuha ng isang boxer shorts. Isinuot muna niya iyon bago tuluyang tanggaling ang nakatapis na tuwalya. May kanipisan ang shorts na iyon kaya bakat ang ari ni Eman na mukhang may kalakihan kahit malambot pa ito. Doon sa parteng katawang iyon ni Eman napako ang tingin ni Josh habang abala sa pagpupunas ng buhok si Eman. Hindi na inalintana ni Josh na mapansin siya ni Eman. Para bang nawala na rin siya sa kanyang sarili ng mga sandaling iyon. Natauhan lamang siya ng pumasok na sa kulambo si Eman na tanging suot ay ang kanyang boxer shorts.
“Pasensya na po sir kung ganito lang suot ko. Ito po kasi ang nakasanayan ko.” ang biglang nasabi ni Eman ng mapansin niyang nakatitig sa kanyang katawan ang amo.
“Ah, eh, walang problema yan.” ang tugon na lamang ni Josh.
“Ay sandali lang. Nalimutan kong patayin ang ilaw. Okey lang po ba sir na walang ilaw.” ang tanong ni Eman.
“Sige patayin mo. Hindi rin ako sanay ng may ilaw.” ang tugon ni Josh.
Pagpatay ni Eman ng ilaw ay muli siyang nahiga sa tabi ng kanyang amo.
“Sige po sir. Matulog na po tayo.” ang huling binigkas ni Eman bago tuluyang natulog.
Hindi na nakasagot pa si Josh na tila nalilito sa mga sandaling iyon. Tuluyan na nga siyang hindi dinalaw ng antok dahil sa kanyang nasaksihan. Dahil sa liwanag ng buwan na sumisilip sa mga bintana ng silid na iyon ay naging tamang liwanag na rin upang mapagmasadan ni Josh ang katabi na tuluyan ng nakatulog dahil sa pagod sa pagmamaneho. Mula ulo hanggang paa ang paglalakbay ng malilikot na mga mata ni Josh na biglang napako sa gitnang parte ng katawan ng katabi ng tumihaya ito. Natunghayan niya ang unti-unting pagbukol sa harapan ni Eman.
COMMENTS