$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Motions Cafe (Part 1)

By: lonelyboywrites_2020 2019 | SUMMER | Motions Café | 2 pm Yakap ko ang metal na tray at tumatagos ang lamig nito sa aking polo kaya...

By: lonelyboywrites_2020

2019 | SUMMER | Motions Café | 2 pm

Yakap ko ang metal na tray at tumatagos ang lamig nito sa aking polo kaya't bahagyang nararamdaman ng aking dibdib ang sensasyon galing dito. Ngunit ang aking atensyon ay nakababad lamang sa telebisyong nakakabit sa pader malapit sa Bar Counter. Nakakunot ang aking noo habang nagbabasa ng subtiles dahil naliliitan ako sa mga iyon. Natiyempo pang naiwan ko ang aking salamin sa bahay dahil sa aking pagmamadali kaninang umaga. Nilingon ko sandali ang mga mesang okupado at nang wala namang dapat ikabahala, bumalik ako sa aking panunood. Inilapag ko ang tray sa lababo at sumandal ng patagilid sa Cake Chiller.

Halos lahat ng kumakain ay napalingon sandal kay Sandy nang bigla itong mapatili dahil katulad ko rin, naghalikan bigla ang mga karakter sa koreanobelang pinapanood namin. Siniko ko siya ng mahina upang matauhan. Nagtakip siya ng bibig at tila nagtago sa aking likuran nang mapansin niyang nakatingin narin sa kanya ang mga kumakain.

"Buti nalang wala si Madame.", mahigpit ang kanyang pagkakahawak sa aking braso at inalog alog niya ang aking katawan. Tinulak ko siya kaya naman napabitaw siya sa akin. Itinaas ko ang aking hintuturo sa kabilang kanto at itinuro ang CCTV na nakasabot sa kisame. Napabuntong hininga lamang siya ng malalim. "Arte kasi.", ang sabi naman ni John mula sa gilid. Napa-aray naman ito matapos batukan ni Sandy.

Humarap ako sa isang lalaking nakatayo sa counter at binate siya. Kinuha ko ang kanyang order. Binigay ko ang kanyang sukli pagkatapos kong kunin ang kanyang bayad at sinabihang ihahtid ko na lamang sa mesa niya ang kanyang biniling Iced Coffee at Banana Cake.

Tumungo ako ng kusina at kumuha ng baso. Nilagyan ko ito ng Cooncentrated Coffee Mix pinaabot sa kalahati ng baso bago ko inihinto ang piraso ng yelo bago ko ito ilagay sa tray. Kumuha ako ng isang hiwa ng Banana Cake mula sa Chiller at nilagay ito sa isang puting platito. Inihatid ko ang kanyang oder na may kasama nang kutsara, tinidor, tissue paper at straw.

"Enjoy", nakangiti ko siyang binati. Nagpasalamat naman siya sa akin. Akmang tatalikod na ako nang marinig kong tumunog ang mga maliliit na butingting na nakasabit sa pintuan. Tumayo muna siya sa pintuan at tila inusisa muna ang buong silid. Tinggal niya ang kanyang suot na Sunglass kaya't nalaman kong sa akin pala siya nakatingin. Bahagyang nakataas ang isa niyang kilay na siyang nagpapasungit pa lalo sa kanyang mukha. Sinuklay niya ang kanyang buhok at inayos dahil narin siguro sa mainit ang temperatura sa labas kung saan siya galing. Nakabukas ang unang dalawang butones ng kanyang polong puti kayat nakikita ko ang nunal sa kanyang dibdib. Hindi ko na inaksaya ang oras upang titigan siya. Dumiretso ako ng Storage Room at kinalkal ang aking bag. Hinugot ko doon ang aking USB. Nakatalikod na siya at nakasandal sa bar nang lumabas ako. Kinalabit ko na lamang ang kanyang baliakt kaya't napaharap siya sa akin. Inilapag ko ang USB sa ibabaw ng bar na siya namang kinuha niya. Ipinasok niya iyon sa bulsa ng kanyang maong at tumango lamang.

"Sir, coffee po?", pag-aalok ni Sandy. Hindi naman ito sinagot ni Troy.

"How about water, Sir?", pagtatanong naman ni John ngunit sa inaasahan, hindi nga sumagot sa kanya ang binata.

"Nasa PSYCHOLOGY naka-save yung file. May attachment din ako sa e-mail kagabi, check mo nalang.", ang sabi ko habang pinupunasan ko ang tray na aking hawak. Tinitigan lamang niya ako mula ulo hanggang paa ng ilang segundo na tila ba inuusisa na naman ako. Napagtanto ko kung bakit niya iyon nagawa.

"Bakit ngayon mo lang sinuot?", nakatitig siya sa akin. Nakahalukipkip ito at tila nagsusungit na naman. Umiwas ako sa kanyang mga malalim na mga mata. Napansin kong nagpapalipat-lipat lamang ang mga mata ni John at Sandy sa aming dalawa, nagmamasid at nakikiramdam.

"Ngayon ko lang naisip.", ang tanging sagot ko.

"Ang dami ko nang mga binigay sayo ah, tapos yan pa lang sinusuot mo."

"Oo na, nakalimutan ko lang."

"Kaya ka hindi nagkakagirl-friend eh, bulok sense of fashion mo.", narinig kong natawa ni Sandy. Napabakwis siya nang kurutin ni John ang kanyang baywang.

"Hindi ko kailangan ng girlfriend.", diretso kong sagot.

"Ah, so boyfriend kailangan mo.", tila nang-aasar ang ekspresyon sa mukha ni Troy. Hindi na lamang pintulan ang kanyang sinabi kahit nakaramdam ako ng kaunting pagkadismaya sa kanyang sinabi. Titingnan ko ng masama sina Sandy at John at agad naman silang umiwas at bumalik sa kanilang mga ginagawa. Marahil nakaramdam narin sila sa posibilidad na mag-iba ng timpla ang aking ugali matapos marinig ang mga iyon kay Troy.

Tumitig lamang ako sa kanya at naaasiwa sa kanyang mga tanong. Hindi na ako nakasagot nang tumunog ulit ang pintuan.

"Welcome, Maam!", sabay-sabay kaming bumati nina John at Sandy.

Napaubo na lamang ako ng mahina. "May customer.", nakanguso akong tinuro ang kakapasok pa lamang na babae.

Umiling lamang si Troy at nag-akma nang aalis ngunit natigilan siya nang bigla siyang nagsalita ulit. "Mag-early out ka nalang mamaya. Hatid mo yung print-out ng emails mo kina Angel.", naglakad na siya patungong pintuan. Sinenyasan ko si Sandy na kunin ang order ng bagong customer at nagmadali kong hinabol si Troy na kakalabas pa lamang.

"Hoy, teka lang.", nilingon niya ako. Suot na ulit niya ang kanyang sunglass. "What?"

"I-print mo nalang kaya sa Student Center. Bakit ko pa dadalhin dun. Besides, ang layo ng bahay nila Angel. Alam mo ba kung magkano magtaxi dun?"

"Kaya ka nga pinapa-sweldo ni Mama diba? Problema ko ba yun?"

Napakamot ako sandali sa aking ulo dahil pakiramdam ko ay sinasadya na naman niyang inisin ako. "Hoy, kaya ako nagtatrabaho dahil sabi ng Mama mo, para daw maipon ko ang sweldo ko buong summer for the next semester. Wag ka ngang abusado.", Napaliyad ang kanyang ulo ang itulak ko ang kanyang noo gamit ang aking hintuturo. Hinampas niya ang aking kamay kaya't naibaba ko ito. Kahit naman sinasagot-sagot ko siya ay alam ko namang hindi niya ako isusumbong sa kanyang mga magulang dahil sa hawak kong "ebidensya." "Atsaka di ko kasalanang di mo mapasa-pasang yang Psychology na yan. Wag kasing absent nang absent."

"Hoy, crew ka ng Mama ko sa kusina, hindi guidance counsellor.", ginantihan niya ako at ginawa sa akin kung paano ko idinuro-duro ang kanyang noo kanina. "Besides, hindi ko pa kayo sinusumbong na pinapalitan niyo ang photo slideshow niya sa TV ng pabebeng k-drama na yan."

Hindi na ako sumagot at umiling na lamang. Pinunasan ko ang pawis sa aking noo at huminga ng malalim. "Oh, ano namang meron mamaya kina Angel. Hindi naman siya naka-summer class ah."

Nagpigil siya ng ngiti dahil kahit sinusungitan ko siya, nakukuha na niya ang ibig sabihin ng aking tanong. "Wag ka nang matanong. Di naman kayo close. Basta, 9 PM andun ka na. Alis ka nang maaga dahil traffic lalo na't Friday.", tumitig lamang ito sa akin. "Sabay ka nalang sa akin pauwi para di ka na magtaxi. Naawa naman ako sayo.", naglakad na ito ng mabilis patungo sa malapit na parking lot. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa niyang dalhin ang kotse niya dito. Kung tutuusin, kaya namang lakarin ang unibersidad mula rito.

"Bayaran mo ako ng pang-taxi ko!", sigaw ko mula sa likod. Huminto siya sa kanyang paglalakad at humarap sa akin. Umiling lamang siya bago lumapit. Hinugot niya ang kanyang pitaka mula sa bulsa sa kanyang puwetan at binuksan iyon. Pinapanood ko lamang siya at nagbibilang din ako sa aking isipan. Bigla niyang kinuha ang aking kamay at idiniin sa aking palad ang apat na daang piso. Sinara niya ang aking mga daliri at itinulak ang aking kamay sa aking dibdib. Napaaray lamang ako sa kaniyang ginawa. Agad kong inayos ang mga nakakumpol na pera sa aking palad. "Loko ka, ginusot mo ang pera!", pagrereklamo ko. Pilit kong plinantsa ang mga perang papel gaming ang aking palad. "Ginagawa mo!"

"Daming mong satsat. Bumalik ka na nga doon.", napaliyad na naman ang aking ulo nang itulak niya ang aking noo gamit ang kanyang kamay. Bigla siyang tumakbo papalayo.

Huminga ulit ako ng mamalim at umiling-iling. Bumalik ako sa loob ng Café at inasikaso ang mga bisita. Tumungo ako sa banyo upang maghilamos dahil labis akong nainitan kanina sa labas. Nakaharap ako sa salamin nang maalala ko kung kailan at bakit binigay sa akin ni Troy ang polong suot ko. Napangiti ako nang bumalik ang eksenang iyon sa aking isipan. "Oh, relief goods.", ang masungit niyang sabi nang ihagis niya sa akin ang malaking paper bag maraming buwan na ang nakakaraan nang nilapitan niya ako sa Food Court sa aming unibersidad. Tiningnan ko ang laman ng mga iyon at nakitang iba't ibang klase ng damit pala ang laman na may iba't iba ring mga tatak. Hindi na ako nagtaka doon dahil hindi naman iyon ang unang beses na binibigyan niya ako ng mga napaglumaang damit. "Benefactor" ko nga raw si Troy, ang pang-aasar sa akin ng mga malapit kong kaibigan. Pasalamat ko narin at hindi na kailangang gumastos ng aking magulang upang makapagsuot ako ng T-shirt na may maliit na imahe ng buwaya sa bandang dibdib.

Halos sampung taon naring driver ng ama ni Troy ang tatay ko, kaya't noon pa man ay nakilala ko na ang buong pamilya nila. Hindi na iba ang turing nila sa amin, kaya't malaki rin ang aming utang na loob sa pamilya Sevilla. Halos nakasabay ko nang lumaki si Adrian at basang-basa ko na ang timpla ng kanyang moda. Kahit madalas ay masungit ito, alam ko naman na mabuti ang puso niya at malaki ang respeto niya sa aking mga magulang.

Tinupi ko ng ilang beses ang aking mahabang manggas upang hindi ito mabasa sa aking paghuhugas ng kamay.

"Ben, tapos ka na?", ang sabi mula sa likod ng pintuan. Lumabas na ako pagkatapos kong maghugas ulit ng kamay at nagmadaling pumasok si John sa banyo. Bumalik na ako ng counter at ipinagpatuloy ang aking trabaho.

------

8:45 PM | The Canaan Hills | Pinto Residence

Kahit nasa loob pa lamang ako ng taxi at nakadungaw lamang sa binatana kung saan tanaw ko na ang malaking bahay nila Angel, alam ko na sa aking sarili kung ano ang pinunta ko. Bumaba ako pagkatapos iabot sa akin gang aking sukli. Isinilid ko iyon sa aking bulsa at inayos ang nagusot kong polo at inayos ang aking buhok gamit ang aking mga kamay. Tila tinubuan ako ng hiya nang marinig ko ang ingay mula sa loob ng bahay.

"Sabi ko na nga ba", ang bulong ko sa aking sarili. Pinindot ko ang doorbell at pinagbuksan ako ng isa sa mga kasambahay nila. Sinamahan niya ako papasok sa malakawak nilang sala at umalingawngaw ang musikang nanggagaling sa malalaking speakers. Kinawayan ako ni Angel at inimbitang samahan sila. Nakahilata si Tommy sa isa sa mga sofa at naglalaro na kung ano sa kanyang laptop katabi ni Greg. Si Lorry at Candice naman ay nakaupo sa sahig at nagpapakasaya sa mga chichiriyang nakalapag doon. Inabutan ako ni Troy ng isang bote ng beer. Hindi ko ito tinanggap at tinitigan lamang siya. Idinuro niya iyon sa aking dibdib kaya't nahawakan ko ang bote sa takot na matapon ang laman sa aking damit. Umupos iya sa isa sa mga ottoman katabi ni Vance. Tinapik ni Troy ang katabi niyang ottoman, senyas na doon niya ako nais umupo. Hindi narin ako nagdalawang isip na tumungo roon. Inilapag ko ang bote ng beer sa maliit na mesa sa gilid at binuksan ang aking bag. Iniabot ko sa kanya ang mga nakatuping papel na kanyang hinihingi kanina, ngunit napatingin ako sa mga papel na nasa coffee table.

(Author's Note: Thank You so much for reading my stories here. You can also check on me at wattpad - @lonelyboywrites_2020. I just started last month so... charot )

"Ang tagal mo kasi. Nagprint nalang ako.", uminom siya ng beer at nag-umpisang makipag-usap sa kanyang mga kaibigan. Ito ang isa sa mga misteryo sa akin, dahil hindi ko malaman-laman ang dahilan kung bakit ibang-iba ang ugali niya noon kumpara ngayon. Nagising na lamang ako isang araw at hindi ko na siya makausap ng maayos. Mapagbigay parin siyang tao at marespeto sa aking mga magulang, ngunit pagdating sa akin ay tila empleyado na ang tingin niya sa akin.

"Sana nagtext ka nalang no?", ngunit tila hindi niya ito narinig. Magsasalita pa sana ako nang magulat akong may biglang yumakap sa kanya mula sa likod. Lumugay ang kanyang mahabang buhok nang mapayuko si Troy dahil sa pagdikit ng kanyang katawan sa likod niya. Naaamoy ko pa amoy rosas niyang pabango. Sino naman kaya ito, pagtatanong ko sa aking isipan. Nakatingin lamang ako sa kanilang dalawa at nakikinig sa kanilang pinag-usapan. Hindi ko alam kung bakit ngunit tila nag-iinit ang aking ulo sa inaasal ng dalawa.

"Let's go home na. Why are we still here?", ang halos pabulong na sabi ng dalaga. Napansin ko ang mapungay niyang mga mata na siyang nagpapa-amo ng kanyang mukha. "Come on, my mom's been calling me kanina pa."

"Wait lang, tapusin ko lang to.", inalog ni Troy ang halos paubos na niyang beer at hinaplos ang mga brasong nakakapit sa kanya. Napatingin ako sa kisame at hindi na lamang umimik sa aking nakita. Sa aking isipan, tila nasasagwaan ako sa aking nakikita.

"You're Ben, right?", nakatingin sa akin ang dalaga. Tumango ako at pinilit na ngumiti. "I'm Kim.", pagpapakilala nito.

"H-hi.", ang tanging sabi ko bago ako tumahimik at bumalik sa pagmamasid sa aking paligid. Nakakunot ang aking noo habang pinapanood si Kim na nakakapit sa likuran ni Troy. Si Troy naman ay nakahawak sa braso ni Kim, at pinagpatuloy ang pakikipag-usap sa kanyang mga kaibigan.

Padabog kong kinuha ang mga papel sa mesa at isinalpak iyon sa aking bag. Dali-dali ko iyon isinara at nagpaalam na doon ako sa hardin maghihintay. "Tawagin mo nalang ako kung uuwi na kayo.", tumungo ako sa veranda nila Angel at umupo sa may hagdan. Bahagya akong nakaharap sa sala kaya't kita namin ang isa't isa, at tanging salamin lamang ang naghihiwalay sa amin. Binuklat ko ang librong hiniram ko mula sa Book Shelf nila Angel at nag-umpisang basahin iyon. Ngunit tila wala akong naiintindihan sa aking binabasa dahil pasulyap-sulyap ako sa kanila ni Troy. Hindi ko maitago ang aking kyuryusidad sa kanilang dalwa. Tinatago ko ang aking mukha gamit ang librong hawak ko at umaktong nagbabasa. Nagkakatinginan kami madalas ni Troy, ngunit agad naman akong tumututok sa aklat kaya't hindi na niya napapansin ang aking pagmamasid sa kanya.

Saglit akong natigilan nang gulat akong lumingon sa aking likuran nang may biglang tumapik ng aking balikat. Nag-paalam siya kung puwede siyang tumabi sa akin. Pumayag naman ako.

"What are you doing here?", tanong ni Francis sa akin. Suot niya ang kanyang maluwang na t-shirt at khaki short. Nakapaa lamang ito.

"Can't relate, eh", sabay kaming tumawa dahil sa aking sinabi.

"Bookish ka pala.", tinuro niya ng librong hawak ko. Nakaupo siya sa sahig ng veranda na parang monghe.

"Ah, sakto lang. Pero favourite ko si Khaled Hosseini.", pagtatanggol ko.

"Hmm. Kaya pala kayang-kaya mong basahin kahit baliktad yung libro.", tinawanan niya ako kaya't agad kong isinara ang libro nang mapagtanto kong baliktad nga ito. Napaubo lamang ako ng mahina at pilit siyang sinabayang tumawa kahit labis na akong nahihiya. Hindi na ako nakapagsalita pagkatapos niya akong sitahin.

"It's okay. We do silly things for some people.", napalingon ako dahil sa kanyang sinabi. "Sometimes, too silly that they become stupid."

"Hmm", hindi ako sumagot. Hindi ko ako sigurado kung ano at sino ang stupido, iyong aking ginagawa o ako?

Malamang, pareho.

"But I'm not saying na ikaw yun",tumawa ulit siya nang sabihin niya iyon. Napailing lamang ako dahil sa aking ginawa. Sa huli, nagawa ko ring tawanan ang aking sarili. Nawala ang hiya na aking nararamdaman dahil tila nakahanap ako ng taong nakakaintindi sa akin.

-------

Nakaupo ako sa likod habang nagpalipat-lipat lamang ang aking mga mata kay Troy na nagmamaneho at kay Kim na nasa tabi nito. Nakasandal lamang ako at tahimik. Katabi ko ang aking bag at nag-iisip lamang kung dapat ba akong magsalita dahil tila nakakabingi ang katahimikan. Tumingala ako sa kisame at napabuntong hininga na lamang. "Bakt ang tahimik?", ang tanong ko sa aking isipan.

Nagkasalubong ang mga mata namin ni Troy sa Rear View Mirror. Itinaas niya ang kanyang kilay bilang pagtatanong kung ano ba ang nais kong sabihin, ngunit umiling lamang ako dahil wala naman akong gustong itanong sa kanya. Tumingin ako sa kinauupuan ni Kim at minabuting tanungin ko saan siya uuwi. Napag-alaman magkalapit lamang ang aming tinitirahan at ang Village nila Kim. "Kung ganun, ikaw pala una naming ida-drop.", ang suhestyon ko dahil mas mauunang madadaanan ang kanilang Village kaysa sa amin.

Narinig kong tumawa si Troy na tila ba nang-aasar. "Ikaw una kong iuuwi. Baka bugbugin pa ako ng tatay mo.", lumiko kami at binaybay ang kalsada paunta sa aming bahay. "Besides, may pupuntahan pa kami.", tanaw ko ang masamang ngiti ni Troy kahit nasa likuran ako nakaupo.

"Uh, akala ko ba hinahanap na si Kim ng mama niya?", tanong ko.

"Ayun, so you were listening to our conversation kanina.", may hinugot siyang kung ano sa kanyang bulsa. Hinagis niya ito sa likuran na siyang aking sinalo. "Kailan ka pa naging tsismoso?"

"Tss... Ano naman to?", nagtataka ako dahil binigay niya ang kanyang pitaka sa akin.

"Malamang pitaka.", sinabi niyang nasa loob ang aking USB. Binuksan ko ang nakatuping itim na pitaka at kinupit ang aking usb na nasa isa sa mga masikip ng bulsa nito. Binuksan ko ang maliit na bulsa ng aking bag at nilagay doon ang aking USB.

Hinawakan ni Kim ang batok ni Troy at tila hinihimas ito nang dahan dahan. "Where are we going?", hindi ko alam kung nag-aalala o natutuwa si Kim. Hindi ko mabasa iyon base sa tono ng kanyang pananalita.

"Basta.", patawa-tawang sagot ni Troy. Bumitaw ang isa nitong kamay sa manibela at hinawakan inabot ang kamay ni Kim na nasa kanyang batok. Hinawakan niya ito at ipinatong sa kanyang tuhod.

"Duh", napatingin na lamang ako sa bintana.

"May sinasabi ka?", tanong ni Troy. Nakatingin sa akin si Kim at tila ba naguguluhan ang kanyang mukha.

"Drop mo lang ako sa kanto malapit sa tindahan.", ang tanging sinabi ko. Kinuha ko na lamang ang aking headset at isinaksak iyon sa aking tainga at nakinig ng musika. Pinikit ko ang aking mga mata at sinabayan ang liriko sa aking isipan. Idinilat ko kaunti ang aking mata upang matingnan sila, ngunit nahuli ako ni Troy na sumusulyap sa Rear View Mirror kaya't napapikit ako ulit at nagsimulang kumanta ng mahina. Nag-iinit ang aking mukha dahil sa hiya na aking nararamdaman at ayaw ko nang dumilat pang muli.

--------

Gumasgas ang metal na gate sa konretong sahig n gaming maliit ng garahe kaya't nagdahan-dahan akong sinara iyon. Naging maingat ako sa aking pagpasok ng bahay dahil ayaw kong magising ang aking mga magulang. Magaalas dose na at malamang, nahihimbing na ang mga iyon. Kinandado ko ang aming pintuan at hindi na binuksan ang ilaw sa aming sala. Hawak ko ng isa kong kamay ang rubber shoes na aking suot at naglakad nang dahan dahan dahil nadudulas ako sa sahig. Suot ko pa ang aking medyas. Nagulat na lamang ako nang biglang bumukas ang ilaw sa kusina. Andoon pa pala si Mama.

"Ma?", napatayo ako ng tuwid. Inilapag ko ang aking sapatos sa pinakaunang hakbang ng aming maliit ng hagdanan. Tumungo ako sa kanya at nagmano. "Gising ka pa?".

"Hindi ako makatulog kaya't nagtimpla ako ng gatas.", ang mahinanong sagot nito. "At alas dose na, saan ka galing?".

"Eh, may pinuntahan lang kami ni Troy.", napakamot ako ng ulo. Kumuha ako ng baso at pinuno ito ng tubig mula sa dispenser. Uminom ako habang nakapikit ang aking mga mata.

"Benedicto.", hindi ko natapos ang aking iniinom nang tawagin ako ni Mama sa buo kong pangalan. "Wag kang masyadong sumasama diyan sa mga gala ni Troy. Mabait na bata si Troy, pero alam mo naman ang luho ng batang iyon.", nilagay niya ang kutsaritang hawak niya sa paltito kung saan nakaaptong ang maliit niyang tasa. "Baka masanay ka."

"Ma, ano ka ba?", nakakunot ang aking noo dahil sa sinabi niya. "Hanggang ngayong ina-underestimate mo parin ako.", nakatitig lamang ako sa kanya. "Magkaibigan kami, pero alam ko naman kung saan ako lulugar. Tsaka, hindi naman kami gumala. May pinuntahan lamang kami. School-related. Wala nang iba.", nakasandal ang aking tagiliran sa pader kung saan naroon ang Water Dispenser.

"Benedicto, hindi ko sinasabing kaawaan mo sarili mo. Hindi rin mabuti iyon. Kailangan mo rin mag-enjoy habang college ka pa pero ang akin lang—", hindi ko pinatapos si Mama.

"Ma!", hawak ko na ngayon ang dalawa niyang balikat. Inaalog-alog ko siya habang nagpapaliwanag. "Ma, fourth year na ako next sem, at alam ko ang priorities ko, okay?", nakataas ang kilay nito at nakatitig lamang sa akin. Kinurot niya ang aking mga kamay kaya't napabitaw ako sa pagkakahawak.

"Aw!"

"Pinapaalala ko lang, baka makalimutan mo!", naghugas siya at pinahid ang kanyang kamay sa T-shirt niyang maluwang. "Patayin mo ang ilaw bago ka umakyat."

"Okay, Ma.", pinanuod ko lamang siya maglakad patungong sala kung nasaan ang hagdanan. Umakyat siya patungo sa ikalawang palapag at naiwan na lamang akong mag-isa sa kusina. Inayos ko ang mga tray ng itog na patong-patong doon sa mesa sa sulok. Inihilera ko rin ng maayos ang mga kagamitan ni mama sa pagbi-bake. Bumalik ulit ako sa ref at nakita ko ang tatlong hulma ng cake sa loob. Chocolate, Banana, at Carrot. Naisip kong magpahatid na lamang kay Papa bukas papuntang Café dahil day-off naman niya. Mahirap sa akin ang bitbitin ang tatlong kahon ng cake lalo nat nagcocommute lang ako.

Bago paman ako makaalis n gaming kusina, tumunog ang aking cellphone kaya't hinugot ko ito mula sa aking bulsa. Umilaw ang screen at bumukas ang mensahe mula kay Troy. "Pick me up right now. I've got a flat tire.", tila walang enerhiya ang tono ng kanyang pananalita.

"Magtaxi ka uy. Anong oras na oh."

"Tangina, di mo binalik yung wallet ko!", ang bulalas niya mula sa kabilang linya.

"Binal—", hindi ko natapos ang aking sinasabi. Agad akong napatakbo at binuksan ko ang aking bag. Doon ko nakita ang kanyang wallet. Napapikit ako dahil nahihiya ako sa aking ginawa. Binalik ko sa aking tainga ang cellphone.

"Hoy! Sagot!", ang sunod-sunod na litaniya ni Troy. Napasinghap na lamang ako dahil wala narin akong ibang magagawa.

"Saan ka ba ngayon?", tanong ko.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Motions Cafe (Part 1)
Motions Cafe (Part 1)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiQ2dfkWlNCAmsMJgEQ7PyHnKK5BITox4BhBQEdQbz7yo4KamIUiqmw28SYgJS1bALmfEJ1icCCmwypRqU3AxSyp5OcogC2VENKohSfuB5dj8oXrvOcl0LOWjB9USHVjN-VrKDRCzL7uvJm/s400/35290238_452867118490291_4119122083542204416_n-819x1024.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiQ2dfkWlNCAmsMJgEQ7PyHnKK5BITox4BhBQEdQbz7yo4KamIUiqmw28SYgJS1bALmfEJ1icCCmwypRqU3AxSyp5OcogC2VENKohSfuB5dj8oXrvOcl0LOWjB9USHVjN-VrKDRCzL7uvJm/s72-c/35290238_452867118490291_4119122083542204416_n-819x1024.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2020/05/motions-cafe-part-1.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2020/05/motions-cafe-part-1.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content