By: thelonelyboy2020 February Malamig ang hangin na humahampas sa aking mukha habang nakatitig ako sa mga matatayog na kabundukan n...
By: thelonelyboy2020
February
Malamig ang hangin na humahampas sa aking mukha habang nakatitig ako sa mga matatayog na kabundukan ng Benguet. Hindi ko maipaliwanag kung bakit di ko mapigilian ang pagragasa ng dugo sa aking mukha at ang nakakabinging musika ng kaba sa aking dibdib. Dahil ba unang beses akong aakyat sa bundok na iyon, o dahil nakasandal ang ulo niya sa aking balikat? Ayaw ko sana siyang gisingin ngunit biglang nagpreno ang Monster Jeep kung saan kami nakasakay. Tila naalimpungatan siya sa nangyari. Nagkusot siya ng mga mata at nag-unat ng kamay at leeg. “Saan na tayo?”, namamaos pa ang kanyang boses. Tumitig sa akin ang mga mapupungay niyang mga mata. Iginalaw ko lamang ang aking balikat na para bang sumasagot sa kanya ng Hindi Ko Alam. Iniwas ko ang aking mga mata at lumingon sa harapan kung saan nandoon sila Maam Kristine at Sir Joel. Bakit nga ba kami huminto?
“Lahat ng gustong mag-topload, akyat na”, pasigaw ni Sir Joel. Lumingon siya sa aming mga nasa likuran at ngumiti. “Basta kapit lang.”, pahabol ni Maam Kristin na abala sa kanyang cellphone. May tatlo kaming kasamahan ang lumabas ng jeep at nagsimulang umakyat upang pumuwesto doon sa itaas. Nagkatitigan kaming dalawa ni Miggy, tila nababasa namin ang kung ano mang nasa isipan ng bawat isa. Ngumiti siya sa akin.
Tangina. Pakisusap huwag ngayon, Miggy.
Napaubo ako ng mahina. Wala akong sakit ngunit ginawa ko iyon upang maputol ang aming pagkakatitigan. “Tara na”, sabi ko. Kinagat lamang niya ang kanyang labi. Nauna akong lumabas at sumunod naman siya sa akin.
Umakyat ako ng jeep at pumwesto sa pinakadulo. Tumabi siya sa akin. Hinigpitan ko na lamang ang pagkakahawak ko sa mga bakal na naka-angkla sa bubong ng jeep. Magkadikit ang aming mga braso habang nakaupo, pinagmamasdan ang lahat ng nadadaanan namin. Mabilis ang takbo ng jeep ngunit hindi naman namin naramdamang sumakit ang aming mga mata dahil sa hangin dahil nakatalikod kami sa pa-abanteng direksyon ng biyahe. Amin lamang ang mga tanawin sa likuran.
Biglang huminto na naman ang Jeep at napahawak ako sa braso ni Miggy. “Sorry”, bulong ko. Hindi ako tumingin sa kanya at pinagpatuloy ko lamang na pagmasdan ang mga tanawin. Ang mga ulap. Ang mga bundok. Ang mga rice terraces. Ang mga malilit na bahay at mga mababanong Pine Trees. “Kapit ka nalang sa akin para di ka mahulog”, narinig ko ang malalim niyang boses. Napalingon ako at nag -belat ako sa kanya. “Hinding-hindi mangyayari yun”, at tumawa kaming dalawa.
“Sino nga pala yung kausap mo kanina sa terminal?”, nakataas ang kanyang kilay habang nagtatanong sa akin.
“Si Freddy.”, diretsong sagot ko.
“Uh… Freddy?”
Tumingin lamang ako sa kanya at tila naiinis sa kanyang pag-uusisa sa akin. “Si Freddy.”
“Bakit mo nga siya kausap?”
“He was supposed to join us, pero papaiwan nalang daw siya ng Baguio. Kaya binigay niya sa akin flash light niya.”, umupo ako ng maayos. “Weird, right? Sabi niya he’ll just spend the weekend there and have coffee… I’m still surprised.”, sabi ko habang nginunguya ang baon kong Cloud 9. Hinugot ko ang isa pang piraso mula sa aking bulsa at inabot sa kanya. Kinuha niya iyon at binuksan. Nag-umpisa narin siyang kainin iyon. Naramdaman ko lang naman na gutom na rin siya.
“Surprised about what?”, sagot niya sa akin.
“Na nag-volunteer ka talagang sumama sa akin considering na ang-snob mong tao. Wala kang kakilala dito sa grupo maliban sa akin… At ako pa talaga ang sinamahan mo.”
“Hmm. For a change”, iyon lang ang binigay niyang sagot sa akin. “Until now awkward ka pa rin sa akin? At seriously, snob talaga ha?”, pagtatanong niya. Nakatingin siya sa akin at nakataas ang isang kilay.
“Tss. Move on.”, sagot ko. Tumawa ako ng mahina at tinaasan ko rin siya ng kilay bago ko ibinaling ng tuluyan ang aking atensyon sa mga masisiglang berde na mga puno ng Pine na nadadaanan namin.
***
THREE MONTHS EARLIER
“Si Miggy na, si Miggy na”, bulalas ni Roger. Kinuha niya ang boteng nakahiga at nakatapat kay Miggy mula sa gitna ng mesa. Maingay ang aming mga kasamahan, halatang kating-kati nang usisain si Miggy. Unang impresyon naman naming lahat sa batang ito: Misteryoso. Mag-lilimang buwan na siya sa aming opisina ngunit unang beses niyang sumama sa amin na lumabas, kaya naman hindi maitago ng mga kasamahan ko, lalo na ng mg ka-opisina kong babae ang kanilang kyuryusisad sa binata. Halos limang taon ang tanda ko sa kanya ngunit hindi bakas sa kanyang hitsura ang pagiging bente dos anyos. Sabi nga ni Sheryl, malakas ang sex appeal. Sa tutoo lang naman, hindi ko itatanggi ang kanyang kakisigan. Noon una nga ay naiilang ako sa tuwing nagkakasabay kami sa pantry habang nagtitimpla ng kape, o sa tuwing nagkakasabay kami sa elevator. Kinalaunan ay nagiging malapit na kami sa isa’t-isa dahil narin magkalapit lamang ang aming mga mesa. Madalas ay sa akin siya sumasama tuwing pumupunta ako sa labas upang bumili ng kape. Minsan nga ay tinutukso akong Pedophile ng palabiro kong ka-opisinang si Sheryl. Hindi naman sikreto ang aking sekswalidad. Sabi niya, hindi naman daw halata at nahirapan siyang maniwala noong una. Hindi ko din naman ito sinasabi noong una, ngunit sadyang may mga taong malakas lamang ang Gaydar at mahilig magtanong. Hindi ko naman ito tinatanggi.
Palakaibigan naman si Miggy. Hindi siya nailang sa akin nang malaman niya ang tungkol sa aking pagkatao. Hindi ko naman iyon sasabihin kung hindi lang niya ako tinanong. Sa katunayan ay mas naging malapit kami dahil doon. Aaminin ko na noong una, nahumaling ako sa kanya ngunit mas nangibabaw sa akin ang katutuhanang hindi maaaring mabahiran ng kung ano man ang lugar kung saan aako nagtatrabaho, at masyado din siyang bata kung iisipin. Matagal ko nang ibinasura ang pagbabakasakaling iyon. Hindi din naman ako matutulungan noon dahil pagkatapos ng apat na buwan, itutuloy ko na ang aking plano na umalis sa kumpanya. Matagal ko nang napagdesisyunan iyon, at tanging Christmas bonus at 13th Month Pay na lamang ang aking hinihintay.
“Baby boy ikaw na naman”, panunukso ni Sheryl kay Miggy. Siya naman kasi ang pinakabata sa aming lahat.
Sinabayan din ng mga malakas ng panunukso at pang-aalaska mula sa iba pa naming mga kasamahan. Sa mesa kung saan kami nagsisiyahan, tumayo si Sheryl at iniangat ang hawak niyang maliit na basong may laman na brandy. Dahil magkatabi kami, umiwas ako sa mga malilikot niyang galaw. Nakikita kong tumatawa lamang si Miggy sa aking harapan. Bakas na sa mukha niya ang tama ng alak. Mamula-mula na ang kanyang mga pisngi at halos sarado na ang kanyang mga mata sa tuwing ngumingiti siya o tumatawa.
Chinito.
Iniabot ni Sheryl ang baso sa kanya. Matapos inumin ay bumunot na siya mula sa plastic bowl na nasa bandang gilid ng mesa. Hinablot iyon ni Marcus at binasa ng malakas.
“One-minute French Kiss a person.” nagkukurutan ang tatlong babaeng hindi matigil kakahiyaw. Si Sheryl naman, hindi parin umuupo. Si Celine ay ibinaon ang mukha sa throw pillow na kanina pa niyang yakap. Tumawa lamang si Miggy at humingi ulit ng isang shot.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga oras na iyon. Oo, matagal ko nang ibinaon sa hukay ang pagkahumaling ko sa kanya ngunit sa pagkakataong iton, tila nararamdaman ko ang bigat sa aking dibdib sa kung sakali mang halikan niya si Angela. Sino ba naman kasi ang hindi pa nakakakilala kay Angela sa buong kumpanya? Nagkataon pang malapit din sila sa isa’t-isa dahil pareho silang tubong Norte. Kung iisipin, bagay naman silang dalawa.
Bakit ko ba iyon inaalala?
Wala akong pakialam.
Tumayo si Miggy at nag-umpisang maglakad-lakad paikot. Tila nag-iinspeksyon sa kung sino man ang mamalasin na mahalikan niya. Ngunit bago paman tuluyang magkagulo, bigla akong napatayo at pinigilan ang lahat, lalo na si Miggy. “Let’s stop this. Ang problematic ng dare. Iba nalang.”, ang aking pag-angal.
“Hala, anong problematic dun?”, sagot naman ni Sheryl. “Worried ka no, baka hindi ikaw ang halikan ni Babyboy?”, at pinagkaisahan na naman ako ng grupo. Habang pinagtatawanan nila ako, tahimik lamang si Miggy at nagkakamot ng ulo, naguguluhan at di alam ang gagawin. Umupo narin siya kasabay ko.
“You!”, tinuro ko si Miggy gamit ang hawak kong tinidor. “I’m not worried. I don’t care whoever is in your mind. I just thought that the dare was too much for you. No other reasons.”, tumusok ako ng isang piraso ng liempo at sinubo ko iyon. Ibinaling ko sa iba kon gmga kasama ang aking paningin.
“Booh, panis ka talaga Teddy kahit kailan.”, ang sabi sa akin ni Roger. “Ang init na sana eh.”
Inabot ko ang throw pillow na hawak ni Freddy at binato iyon kay Roger. Umilag siya sa pamamagitan ng pagharang gamit ang kanyang kamay, kaya’t nahampas na iyong unan at tumama sa mukha mismo ni Miggy. Tumawa lamang ang bata.
“Ma, Sorry, Ma”, ang panggagaya ni Roger sa isang sikat na linya mula sa isang pelikulang Pilipino. “Si Teddy kasi Ma”, pahabol nito. Lahat nagtawanan pagkatapos ng kanyang pagbibiro.
“Fuck you.”, ang tanging nasabi ko.
-----
(Author’s Note: This is supposed to be a one-part story but characters have exceeded the limit so I’m splitting it. Thank you. Charot)
Habang nagmamaneho at binabaybay ang payapang EDSA ay inalok ako ni Miggy ng hawak niyang menthol candy. “Thanks”, kumuha ako at kinagat iyon. Dahan-dahan kong tinutunaw ang candy gamit ang aking laway at dila. Buti na lamang at naisip niya akong bigyan, dahil hanggang ngayon ay nauumay parin ako sa kinain kong Sisig ant Liempo. “Can I have more?”, tanong ko habang nakatutok lamang ang aking atensyon sa kalsda.
“Sure”, narining kong sinabi niya. Tumunog ang pakete ng ilang beses dahil kumuha ulit siya ng isang candy. Nagulat ako dahil biglang nakadikit na sa aking bibig ang candy na hawak hawak niya. “Uy, ano ba!”, pagsaway ko. “Akin na yan.”, iniwas ko ang aking mukha sa kanyang kamay at kinuha ang candy.
“Sinusubuan na nga eh. Arte talaga nito.”, pagrereklamo niya.
“Ano ako, bata?”, nararamdaman ko na naman ang pagkalat ng nakakaginhawang sensasyon sa aking lalamunan dahil sa pagkatunaw ng candy. Wala nang nagsalita sa aming dalawa pagkatapos noon.
Naisip kong magpatugtog ng musika kaya naman nais kong ikunekta ko ang aking telepono sa speaker ng sasakyan upang maging mas malakas ang tugtog. Dahil nagkabuhol-buhol ang mga gamit sa aking bag, inagaw iyon sa akin ni Miggy at siya na mismo ang naghalungkat doon.
“Sir. Teodoro Alfonso, you are a reckless driver.”, ang kanyang pagrereklamo habang hinahanap ang aking telepono. “Seriously, akala ko ikaw ang pinaka organized na tao. Puta ang kalat.”, ang sunod-sunod niyang pahayag.
“Akin na kasi yan baka kung ano pang mak---“, tinangka kong agawin ang aking bag ngunit nabitawan ko ulit iyon dahil ayaw kong mawala ang atensyon ko sa kalsada. Dinahan-dahan ko ang pagliko upang makapasok ng Ayala Avenue. Masigla parin ang ilaw ng Makati kahit mag-aalas dos na ng madaling araw.
Hinagis niya ang aking bag sa likod at bumagsak ito sa upuan. “Akin na kamay mo.”, hinila niya ang kanang kamay ko at inilapat ang aking daliri sa Home Button upang mabuksan ang aking telepono. Napareklamo ako sa kanyang ginawa dahil napwersa ang pagmanipula niya sa aking mga daliri. Na huli ay nabuksan niya ang aking telepono at naikunekta sa speaker gamit ang Bluetooth. Binuksan niya ang aking playlist at natawa nang makita niya ang mga kantang nakalista.
“Hindi naman obvious na fan ka no?”, nakataas ang kanyang kilay habang nakatitig sa akin. Naaninag ko ang kanyang mukha dahil sa ilaw mula sa screen ng telepono. Nais kong titigan pa siya ng matagal ngunit binale-wala ko na lamang ang pag-aasam na iyon.
“Sakto lang.”, sagot ko.
“Shuffle ko ha?”
“Up to you.”
Nagsimula nang tumunog at umalingawngaw ang musika. Hindi pamilyar kay Miggy ang mga kantang nakalista sa aking Spotify kaya’t napakunot lamang ang noo nito. Dahil kabisado koi yon, hindi ko na pinigilan ang sarili kong sumabay sa liriko, ngunit hininaan ko lamang ang aking boses. Inilapag niya ang aking telepono sa aking tabi.
Put your lips close to mine
As long as they don't touch
Out of focus, eye to eye
'Til the gravity's too much
Kinuha niya ulit ang aking telepono at tinitigan ang screen. Marahil nais niyang alamin ang titulo ng musikang tumutugtog. “Treacherous?”, binasa niya iyon.
This slope is treacherous
This path is reckless
This slope is treacherous
And I, I, I like it
“You’re listening to her?”, tila naging matanong siya dahil sa kantang narinig. “Eh diba mga pang-elementary songs nito? It’s strange listening to this now.”
“Please, it’s obvious that you never tried listening to her albums. She’s a gifted and evolving song-writer.”, sagot ko sa kanya. “And her fans? Tingin mo sa akin, bata?”
“Well, you look like a baby to me.”, nagbelat siya pagkatapos niyang sabihin iyon.
“Tae mo.”, narinig ko siyang tumawa. Inirapan ko lamang siya pero tinago ko ang tuwa na aking naramdaman ng sabihin niya iyon.
Lumiko ako at gumarahe sa gilid ng tila abandonadong Legazpi Street. Sa di kalayuan ay nandoon ang tinutuluyang Condominum ni Miggy. Patapos na ang kanta nang huminto ako, at saktong pamilyar ang sumunod. Nakasandal lamang ako habang nakatitig sa aking katabi. “We’re here”.
“Tapusin ko lang tong kanta?”, nasaksihan ko ang pagsabay niya sa liriko nito. Ginalaw-galaw din niya ang kanyang ulo upang sabayan ang ritmo. Bakit parang inaakit ako ng batang ito? “Buti nalang may Bruno Mars sa playlist mo.”, ngumiti siya ng masama pagkatapos niya akong tanungin. Umiling lamang ako. Hindi ko alam kung bakit natitiyempong tumugtog ang mga kantang iyon. Pumikit ako at kumanta narin ng mahina. Bago namin marating ang chorus, ay agad niyang hininaan ang musika.
“Oh, bakit?”, pagtatanong ko. Napadilat ako at napalingon sa kanya.
“Honest answer only”, ang kanyang sinabi. Tinanggal niya ang pagkakakabit ng kanyang seatbealt at umayos ng upo upang mas makaharap niya ako. Bahagyang nakatagilid na siya.
“Huh?”
“Bakit mo ako pinigilan kanina?”, seryoso ang kanyang mga tingin sa akin. Nabigla ako sa kanayng tanong kaya hindi ako agad nakapagsalita. Para bang naipit ang aking dila at ayaw gumalaw. “Yun ba talaga ang dahilan?”
Hindi parin ako nagsalita. Nabalot ako ng hiya at naramdaman kong bumibilis na naman ang agos ng dugo sa aking mukha at leeg kaya nag-iinit na naman ang aking pakiramdam. Bakit ba niya ako tinatanong ng ganito?
“B-bakit mo natanong?”, ang tanging nasabi ko. Umiwas ako ng tingin at tumutok na lamang sa kalsada.
“I’ve never had a French Kiss.”, bigla akong napalingon sa kanya. Kahit mapungaya ang mga mata niya at kitang kita ko ang mga maiitim na bilog na tila pumapako sa akin. Pakiramdam ko ay ang talas talas ng pagtutok niya. “Or kung French Kiss nga ba talaga ang tawag dun. Basta, you know what I mean.”
Hindi ako nakapagsalita dahil hindi ko rin naman alama ang sasabihin. Mahirap paniwalaan ang kanyang ikinumpisal. Sa hitsura niyang ito, tila imposible ang kanyang sinasabi.
“It was my chance to kiss someone like that. Alam mo bang hindi ako marunong, ha!”, tila gumagaspang ang tono ng kanyang pananalita. Hindi ko alam ngunit pakiramdam ko ay nagagalit siya sa akin.
“Are you serious?”, tanong ko. Tumango lamang siya. Nakabusangot ang mukha habang magkasalubong ang mga kilay nito.
“I’m sorry. I’m wasn’t expecting this. Are you sure?”
“Mukha ba akong nagbibiro? “
“Hindi.”, tumahimik lamang siya at hindi parin niya inaalis ang kanyang pagkakatitig sa akin na siyang dahilan upang magpalipat-lipat ang aking mga mata kung saan saan.
“Okay… Next time, I won’t interefere. I’m sorry, nasira ko dskarte m okay Angela.”
“It’s fine. May next time pa naman.”, sagot niya. Kung ganoon, si Angela talaga ang gusto niyang halikan kanina. Hindi kami nag-imikan pagkatapos ng kanyang sinabi. Nakaramdam ako ng tila mabigat nang sabihin niya iyon.
Nang matapos ang musika, pinatay ko na ang aking telepono at isinilid ulit iyon sa aking bag. Kinalabit ko ulit siya upang sabihing tapos na ang kanta. Nais ko na siyang pauwiin dahil nakakailang na an gaming sitwasyon. Inaantok narin ako.
“The song’s done. Hindi kpa ba uuwi?”
“Teach me”, ang tanging sagot nito. Tumagilid na naman siya upang maiharap niya ang kanyang katawan sa akin. “Teach me how to kiss that way. French Kiss. One minute.”
“Loko ka ba?”
“One minute and we’re quits. Wala ka nang utang sa akin.”, hindi niya inalis ang pagkakatitig s akaing mga mata. Naramdaman ko ang paggalaw ng kanyang mga kamay at siya mismo ang nagtanggal sa aking seatbelt. Magkahalo ang aking naramdaman. Takot, hiya, pananabik at libog. Nakaramdam ako ng tigas at pagnanasa dahil sa knayang sinabi kaya’t hindi na ako nagdalawang-isip na hilain ang kanyang mukha at idampi ang kanyang labi sa akin. Hindi siya gumalaw at nagpaubaya lamang. Inilayo ko ng bahagya ang kanyang mukha at pinagmasdan ito.
“This will take more than a minute.”, sabi ko. Tumango lamang siya. “And we shall forget this night. Regular days after this. We’re still friends like nothing happened. No awkwardness. Nothing. Clear?”, ang aking huling pahayag at bigla ko ulit siyang hinalikan. Hindi nagtagal ay tila sumunod siya sa ritmo ng aking pakikipaghalikan sa kanya. Taas, baba. Baon,Hila. Dila, Laway. Lahat ng pwedeng gawin ng aming mga bibig ay hindi napigilan. Ramdam ko ang pagkaipit na aming mga paghinga sa tuwing naiipit din an gaming mga ilong sa labis na pagkakadiin ng aming mga mukha. Labas masok ang aming mga dila, at di maiwasang tumulo na an gaming laway.
Humiwalay ako at huminga ng malalim. Dumilat siya at ngumiti lamang. Pinunasan ko ang gilid ng aking mukha gamit ang aking daliri dahil umabot doon ang laway naming dalawa. Hinugot ko ang aking panyo at umaktong pupunasan din ang kanyang bibig ngunit hinablot niya ito at hinagis sa likuran. Hawak niya ang aking kamay at idinampi iyon sa kanyang pisngi. Tila ipinadulas niya ang aking kamay at ipinasok ang aking daliri sa kanyang bibig. Parang batang dumidede, iyon ang aking nasaksihan. Hinawakan niya ang aking pisngi at isinubo sa akin ang kanyang daliri. Natawa ako sa kanyang ginawa ngunit napigilan ko iyon. Ilang segundo pa lamang ang lumipas nang sunggaban niya ako ng halik. Sa pagkakataong iyon, napasandal na lamang ako dahil sa pwersang tila pumapako sa akin.
***
Matapos ang orientation, health check-up at kaunting pagpapaalala nina Maam Kristin at Sir Joel, nag-ayos na kami n gaming mga gamit sa pansamantalang matutuluyan. Isang maliit na bahay ang tutuluyan naming grupo, at kami ni Miggy ang pumuwesto doon sa pinakamaliit na kwarto sa gilid. Humiga ako sa kutsong nakalatag sa sahig, samantalang si Miggy naman ay umupo sa kama. “Ikaw na dito, Teddy.”, hindi ako pumayag. Mas gusto kong matulog sa sahig, at ayaw ko iyong maliit na kamang tumutunog sa tuwing gagalaw ako.
---
Napaidlip ako pagkatapos mag-ayos, nagising bandang hapon na. Wala si Miggy sa kwarto kaya naman naisip kong lumabas ng bahay. Isinoot ko ang aking Jacket bago lumabas. Dikit-dikit ang mga bahay sa Sitio na iyon at maraming mga bata ang nasa labas ng bahay. Nanginig ako ng maramdaman ko ang malamig na hangin pagkalabas ko ng bahay. Buti na lamang at naisip kong magsuot ng sapatos. Ipinasok ko ang aking mga kamay sa bulsa ng aking makapal na jacket, ibinaon ko ang kalahati ng aking mukha sa suot kong scarf, at naglibot-libot sa maliit na bayan upang hanapin si Miggy. Naisip ko narin na kumain at humigop ng mainit ng sabaw ng tinola sa isa sa mga karenderya doon. Mag-aalas singko na kaya naman bagya nang madilim ang paligid. Tila nababalot ng ulap ang buong bayan na siyang nagpapalamig pa doon. Tila anino na lamang ang hitsura ng mga Pine Trees na nakapalibot sa buong lugar. Nakakamangha at nakaka-relax ang mamalagi sa lugar na ito.
Papasok na ako ng karenderia nang bilang may tumapik sa aking balikat. “Kanina pa kita hinahanap.”, ang tugon na lalaking matangkad sa aking tabi. Nakasweater ito ngunit kita ko na hindi ito kakapalan, at nakashort lamang. Halatang nanginginig na ang kanyang mga paa dahil nakatsinelas lamang ito. “Sabaw?”, pag-aalok ko habang nakaturo ang aking daliri sa kaderong umusok. Amoy na amoy ko ang tinilang manok. Tumango lamang siya at umakbay sa aking balikat.
“Umaakbay ka na naman… Ate dalawang Tinola po.”, sabi ko habang kinukuha kumakaway sa tinderang nakaupo at naglalaro ng kanyang telepono. Tumayo ang babae at nag-umpisa ng lagyang ang dalawang mangkok sa tray na nakalapag.
“Oh, may magagalit ba?”, ang pabiro niyang sagot.
“Tapos dalawang kanin po… Magagalit sayo o sa akin?.”, sumadok siya ng kanin mula sa umuusok pang kaldero.
“Basta sa akin wala.”, sabi niya. Tinaggal niya ang pagkakaakbay sa kain at kinuha ang tray kung saan nakalagay ang aming pagkain. Itinuro niya ang mesang nasa kanto kung saan kami uupo. Nauna akong umupo sa mesa. Inilapag niya ang pagkain at nag-umpisa na kaming kumain.
“Bakit wala?”, pagtatanong ko.”Anong nangyari sa inyo ni Angela?”
“Anong Angela?”
“Ha, ka diyan.”, binuhaghag ko ang kanin sa aking plato at kumuha ng sabaw mula sa mangok. Isinahog ko iyon sa aking kanin.
“Sino ba kasing may sabi niyan?”, pagtatanong niya sa akin.
“Napansin ko lang.”, Napapikit ako dahil sa pagnamnam ng aking pagkain.
“Tell me, bakit mo naisip yun?”, hindi siya mapakali sa aking tanong.
“Wala. Sabi mo kasi diba na gusto mo siyang halikan noon. Remember, yung… basta.”, naalala ko ang gabing iyon. Natigilan ako at naisip na ibahin na lamang ang usapan.
“Wala naman akong sinabi ah!”, malakas ang boses niya kaya napatingin sa aming ang ibang mga kumakain. Napalingon lamang ako sa mga taong umiwas agad ng tingin. “So nag-assume lang ako?”, tanong ko habang hindi parin tumitingin. Tumutok na lamang ako sa aking pagkain.
“Wala akong sinabing hahalikan ko siya.”, ang huling narinig ko bago timahimik ang lahat. Tumango lamang ako at pinagpatuloy ang pag-ubos sa aking hapunan.
Ilang sandal pa lamang ay bigla niyang ibinagsak ang kanyang mga kubyertos na hawak sa babasaging pinggan. Nangangalahati pa lamang siya sa kanyang kinakain. Nakakunot ang noo at magkasalubong ang mga kilay, tumitig siya sa akin. “Kaya pala.”, bigla siyang nagsalita habang may laman pa ang kanyang bibig. Napailing lamang ako dahil hindi ko siya naintindihan. “Kaya pala hindi mo na ako pinapansin. Kaya palagi mo akong iniiwasan.”, tila naduduling ako sa hintuturo niyang nakatutok malapit sa aking mukha.
“Teddy, coffee tayo… Busy ako… Teddy, Dinner tayo… Busy ako… Busy ako, busy ako. Bwesit ka!”, napapalakas na ang kanyang boses. Hinampas ko ang kanyang daliri gamit ang aking kamay dahil nakaramdam ako ng inis sa tono ng kanyang pananalita. Nahihiya din ako dahil napapatingin na naman iyong ibang tao sa loob ng karenderya.
“Wag mo akong tinatawag na buwesit. Wala kang respeto. Let me remind you kid, I’m five years your senior.”, hinawakan ko ulit ang ang nabitawan kong kubyertos. “Buwesit ka.”, pahabol ko.
“Akala mo ba gusto ko si Angela? Akala mo ba siya ang gusto ko ha? Hindi ka man lang nagtanong, tapos jinudge mo na agad ako. Tangina ka.”
“Murahin mo pa ako, tutusukin ko mata mo gamit ‘tong tinidor na hawak ko.”, itinutok ko ang aking tinidor malapit sa aking mukha. Binalot ako ng pagkairita at pagkahiya sa aming inaasal. Bakit ko ba pinapatulan ang bata?
Tumingin lamang siya sa aking ng masama. Iniwas ko ang aking mga mata dahil hindi ko alam kung ilang oras niya ako balak titigan na para bang pinapatay niya ako. Bakit ba sya nagagalit sa akin, dahil ba sinabi kong gusto niya si Angela, o dahil umiwas na ako sa kanya pagkatapos noong gabing iyon?
Uminom ako ng tubig. Inilapag ko ang kubyertos sa gilig ng pinggan. Napaubo ako ng mahina bago magsalita. “Sorry.”, tumingin ako sa kanya ngunit agad ko din ibinaling sa iba ang aking paningin. “Sorry that I got awkward after that night. Parang kinain ko lang yung mga sinabi ko.”, sinigurado kong mahina ang aking boses upang walang ibang makarinig.
“Hmm”. Tumango lamang siya at inubos ang tubig sa kanyang baso. Sumandal siya sa inuupuan niyang plastik na silya at tinaasan lamang ako ng kilay. “Besides, you benefited from it. Wala nang nangtsitsismis sayo.”, ang sabi ko. Nag-irap lamang siya sa akin at tumingin sa labas ng karenderya. Pinaliwanag ko ring may magandang naidulot ang pag-iwas ko sa kanya. Bukod sa maraming palabiro sa opisina, marami din iyong mga spekulasyon at bulong-bulungan tungkol sa aming dalawa ni Miggy. Dahil ako ang mas matanda at mas matagal na sa opisina, naisip kong nararapat lamang na mahinto na iyon. Naisip ko rin naman ang epekto ng mga ganoong usapan sa aming dalawa, lalo na sa kanya dahil kakasimula pa lamang niya. Tutal, aalis na rin naman ako.
Nawala ng kakaunti ang lamig na nararamdaman ni Miggy matapos naming kumain. Nakabukas narin ang ilaw ng lahat ng bahay ng buong sitio. Maraming mga turista ang nasa kalsada, katulad namin ay aakyat din kinabukasan. Naglakad-lakad kami at tumingin tingin sa mga paninda doon. May nagtitinda ng mga memorabilia, damit, baston at kung ano-ano pa. Hindi man ako bumili, inusisa ko ang mga iyon dahil nakakatuwa silang pagmasdan. Nagpakuha din ako ng litrato kasama ang mga bata. Nakakatuwa dahil mapupula ang mga pisngi nila. Napansin ko din ang palaging pag-ihip ni Miggy sa kanyang kamay. Pinapainit niya ang mga ito dahil malamang, nagyeyelo na ang kanyang nararamdaman ngayon. Tinggal ko ang makapal na scarf mula sa aking leeg at ikinalawit iyon sa kanyang leeg. Hindi siya gumalaw nang inayos ko iyon. “There. Extra heat.”, tinapik ko ang magkabilang balikat niya bago tumalikod at umunang maglakad. Narating namin ang isang kantong tahimik at di matao. Tanaw parin namin ang ilaw ng sitio at ang mga nagka-camping sa isang dako. Ngunit ang mas nakakamanghang tanawin ay ang tila walang bilang nag a bituing nagkikislapan sa kalangitan. Hinugot ko ang aking telepono at binuksana ng Camera. Nadismaya ako dahil hindi ganoon kaganda ang camera ng aking telepono. “Ah, crap.”, kumuha ulit ako ng isa pang litrato habang nakatingala. Narinig ko ang tunog ng camera ni Miggy. Kumukuha din siya ng litrato.
Habang tinititigan ko ang mga nakuha kong litrato ay biglang ipinasok ni Miggy ang kanyang mga kamay sa bulsa ng aking jacket. Ramdam ko ang mainit niyang hininga sa aking batok. Marahil ay nakayuko siya sa aking likuran upang maipasok ang kanyang kamay sa aking bulsa. Hindi ako umiik at nagpanggap na wala lang sa akin iyon. Ngunit sa tutoo lang, nabibingi na ako sa dagundong ng aking dibdib.
“Let’s go? Kanina ka pa nilalamig.”, pag-aalok ko.
“Mamaya na. Ang ganda kasi.”, tumangi siya.
Napatingin ulit ako sa mga bituin sa itaas.
“Maganda nga.”
---
Mag-aalas otso na ng gabi nang sabay na kaming lumapag sa aming mga higaan. Doble ang kumot na pinahiram sa amin upang maging kumportable naman ang aming tulog. Nakatingala lamang ako sa kisame habang nakikinig sa mga huni ng isektong nasa labas. Hindi ko alam kung tulog na ang iba pa naming kasamahang nasa kabilang kwarto, ngunit pinili na din namin humiga upang makatulog ng maaga. Alas dos ang umpisa ng akyat kaya importanteng makatulog kami agad sa gabing ito.
“Tulog ka na?”, tanong ko.
“Not yet.”, sumagot siya mula sa ibabaw ng kama.
“Tulog ka na.”, pakiramdam ko ay nagpapa-cute ako sa sinabi kong iyon. Tumagilid na lamang ako at humarap sa kahoy na pader dahil naisip kong ang sagwa ng aking ginagawa. Ipinikit ko ang aking mga mata.
“Gusto kitang isama this Summer. My dad has a small resthouse in Nasugbu.”, malumanay ang kanyang pananalita. Mahina ngunit malinaw.
Hindi ako nakasagot sa kanyang sinabi. Naalala kong hindi na ako aabutan ng Marso sa opisina. Sinekreto ko lamang ang pagpasa ko ng resignation dahil ayaw kung maging usap-usapan pa iyon sa opisina. Ayaw ko na ding gawin pang mas madrama ang pag-alis ko.
“So, is it a yes?”, sunod niyang tanong.
“Miggy”, sinagot ko siya habang nakapikit parin. “Nag-resign na ako.”
“What?”, narinig ko ang ingay ng kama, at sa tingin ko ay gumalaw siya mula sa kanyang pagkakahiga. Marahil ay nakaupo na ito o hindi naman kaya ay nakatutok na sa akin. “Are you serious?”
“Last month pa. I was planning to tell you, pero not now. Siguro bago ako umalis? Last day ko sa 28. ”
Hindi siya nakaimik sa aking sinabi at natahimik na lamang. Naisip kong imulat ang aking mga mata at tingnan siya. Nakatingin lamang siya sa akin habang nakaupo sa kama niya. “I-I’m sorry.”, ang tanging nasabi ko.
“It’s two weeks from now! Tangina, bakit ka ganyan, Teddy?”, nakakunot ang kanyang noo, halatang nadismaya dahil sa aking pag-amin. Bumaba siya ng kama at umupo sa kutson sa sahig. Tumabi siya sa akin. Nakatingin lamang ako sa kanyang malungkot na mukha habang siya naman ay nakayuko lamang at tila sinaksak ako ng matitinding titig Napakagat ako ng labi at napabuntong hininga na lamang. Nakokonsensya ako.
Inabot niya ang kanyang unan na nasa kama at inilapag iyon katabi ng akin. Tahimik lamang siya at humiga katabi ko. Hindi ko umimik kahit na nabigla ako sa kanyang ginawa. Hinayaan ko lamang siya. Inabot niya ang kumot ko at binalot niya kaming dawala. Dahil hangang baywang lamang niya ang natatakpan ng kumot, umusog ako upang pareho kaming mabalot ng telang iyon. Naramdaman ko ang kanyang braso na kumapit sa aking baywang. Niyakap niya ako mula sa aking likuran. “It’s too cold.”, bulong niya sa akin.
“Okay.”, at hindi na ako nagsalita pagkatapos noon. Nakapikit akong nag-iisip sa inaasal naming dalawa, at sa pakikitungo niya ngayon sa akin. Hindi ba niya alam na halos bumaliktad na ang aking puso sa mga ginagawa niya sa akin? Nahihirapan akong tanggapin na binibigyan ko na nga ng ibang kahulugan ang kanyang mga inaasal. Paano ko ba ito iiwasan? Pwede ko bang itanong? Paano kung iba ang makuha kong sagot? Masyado na akong matanda upang makipaglaro ng ganitong uri ng pakikipagparamdaraman.
“Miggy.”
“Hm?”, sumagot siya mula sa aking likuran, nakayakap sa akin. Dama ng aking batok at tainga ang init na lumalabas sa kanyang ilong at bibig.
“Why are you doing this?”
“Doing what?”
“You know you’re not supposed be here beside me. You’re not supposed to be hugging me tonight on the same bed. I think this is already too much for the both of us. I can’t help but ask if this is more than what friends do.”, hindi ko ba alam kong bakit ko pa sinabi iyon. Hindi naman bago sa akin ang mga ganitong bagay. Ngunit isang misteryo nga talaga sa tuwing mahuhulog ka sa isang tao. Minsan naliligaw ka sa panandaliang panaginip. “This is sending me different signals. Ayaw kong mag-assume, alam mo yan. I’m too old for that shit. Pero sobra na kasi. Why are you doing this?”.
“Can we talk tomorrow? 2am pa call-time natin”, ang tanging narinig ko.
“Sige.”, huminga lamang ako ng malalim at sinubukang matulog na upang hindi na masyadong makapag-isip na kung ano pa. Naiintindihan kaya niya ang mga sinabi ko? May dahilan ba talaga ako upang isiping may ibig sabihin ang lahat ng ito? Sana naman.
Kung wala man, wala naman din akong magagawa.
COMMENTS