$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Ben and Troy (Part 1)

By: thelonelyboy Hindi ko na tiningnan ang aking relo at diretso na lamang bumaba ng taxi at naglakad papalapit sa kotseng nakahandusay ...

By: thelonelyboy

Hindi ko na tiningnan ang aking relo at diretso na lamang bumaba ng taxi at naglakad papalapit sa kotseng nakahandusay sa gilid ng kalsada. Sa kanto ng gutter ay nakaupo si Troy. Nakayakap ang mga braso sa kanyang mga tuhod, nakayuko at hindi gumagalaw. Sinenyasan ko na hintayin kami ng taxi na siya namang ginawa ng tsuper. Dahan-dahan kong kinalabit ang kanyang balikat na siyang dahilan nang pag-angat ng kanyang ulo. Ayaw ko sanang isipin kung ano man itong pumasok sa aking isipan, ngunit hindi ko maiwasan nang makita ko ang kanyang mga mata.

“An..andito na ako, Troy.”, mahinahon kong tugon. Nakatutok parin ang kanyang mga inaantok na mga mata sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay kaharap ko ang isang batang nagsusumamong iuwi ko na. “I’m sorry.”

Nang marinig niya ako ay agad bumusangot ang kanyang mukha at nag-irap lamang sa akin. “Tangina, ang tagal mo.”,masungit niyang sagot.

Napabuntong hininga na lamang ako. Nilingon ko ang aking kaliwa’t kanan sa di ko malaman na dahilan. Marahil ayaw kong makita ang kanyang mukha. Kasalanan ko rin naman kasi. Binalik ko sa kanya ang aking tingin at binigay ko sa kanya ang aking palad. Tinitigan lamang niya ito nang ilang segundo. “Tara na?”, nakangiti ako nang matipid nang alukin ko siya.

Hindi ko siya narinig na magsalita at sa halip ay hinawakan lamang niya ang aking kamay at nagpa-akay na lamang sa kanyang pagtayo. Sabay ko naman siyang hinila upang makatayo siya ng maayos. Pinagpag niya ang kanyang puwetan dahil maalikabok ang kanyang inupuan. Pinagpag ko narin ang kanyang likod dahil may mga nadikit rin doon na dumi. Napalingon siya sa akin kaya’t napatigil ako. “Madumi ang likod mo.”, diretso kong sagot. “Tara na?”, sunod kong sabi nang hindi na naman siya magsalita.

“Ar..are you feeling guilty?”, natigilan ako nang marinig ko iyon mula sa kanya. Napatutok lamang ako sa kanyang mga mata ngunit agad naman siyang nag-iwas.

“Gusto mo ba?”, sagot ko. Pinapalakpak ko ang aking mga kamay upang mapagpag ko ang alikabok na dumikit dito. “Okay… Sige… Oo.”.

Sabay kaming napalingon dahil sa nakakabinging busina ng taxi. Bumaba ang salamin ng bintana at dumungaw ang mukha ng tsuper, magkasalubong ang mga kilay at tila naiinis sa aming dalawa. “Mga Sir, sasakay pa ba kayo? Eh kanina pa kasi ako hinihintay ng asawa ko eh.”

Nagkatitigan lamang kami ni Troy.

“Good. Dapat lang. Muntik na akong mamatay kanina kakahintay.”, ang huling sinabi niya bago siya naglakad papuntang taxi at iniwan akong nakatayo. Pinagmasdan ko lamang ang kanyang likod. Binuksan na niya ang pintuan at pumasok na doon. Napatakbo na lamang ako pasakay.

“Sorry po, Kuya.”, ang tila nahihiya kong sabi sat super.

“Hmm. LQ?”, nakatitig sa akin ang mga mata ng tsuper na kitang kita ko sa rearview mirror.

“Ha?”, ang halos pasigaw na sagot ni Troy. Nagkalingunan kaming tatlo at binalot ang buong taxi ng nakakailang na katahimikan. Nagpalipat-lipat an gaming mga mata sa isa’t isa. “S-sina-sabi mo Kuya!”, segundang reklamo niya.

“Sorry, Sir. Akala ko kasi…”

“Troy, wag ka ngang sumigaw.”, siniko ko ang kanyang braso.

“Tsismoso eh”, ang bulong niya sa kanyang sarili, ngunit narinig ko parin.

Napabuntong hininga na lamang ako. “Sorry din po Kuya.”, ibinaling ko ang aking atensyon sat super na nagkakamot ng ulo. “Pero wala pong LQ. May girlfriend po ako. Hindi ko rin type tong katabi ko. Never ko pong naisip yun—aray!”, kinurot niya ang aking tagiliran. Napahimas ako sa aking bilbil dahil napalakas yata ang kanyang pagkurot.

“Taas naman ng standards mo, girlfriend mo mukha mo.”, sumandal lamang siya at ipinatong ang kanyang kanang braso sa bintana. “Kung papatol man ako sa lalake, sisiguraduhin kong hindi sayo!”

“Shut up. Isara mo ang bintana.”, ang tanging ganti ko.

Kung hindi pa naubo ang tsuper ay hindi kami titigil ni Troy sa aming bangayan. Nagkatinginan na lamang kami at nahiya sa aming inasal. Tumahimik na lamang ako at siniko ulit si Troy. Nang tingnan niya ako ng masama ay nakanguso kong tinuro ang bintanang hindi parin niya sinasara. Pailing-iling niyang pinindot ang butones ng bintana bago nag-irap sa akin.

“Kuya, tara na po pala.”, pinilit kong tumawa ngunit pakiramdam ko ay naiipit lamang ang aking pisngi sa aking ginagawa.

Agad nang pinaandar ng tsuper ang taxi at binaybay na namin ang kahabaan ng kalsada.

“OA mo.”, bulong ko habang umaayos ng upo. May espasyo sa aming pagitan kaya’t sumandal na lamang ako sa may bintana at pinagmasdan ang tanawin sa kalsada. Hindi ko siya narinig na sumagot sa akin, at sa halip ay dumungaw narin siya sa bintana habang tumatakbo ang aming sinasakyan.

Ilang minuto rin ang lumipas na tanging musika lamang sa radio an gaming naririnig. Nilingon-lingon ko si Troy sa aking tabi ngunit nakadikit ang kanyang mukha sa bintana. May kung anong pwersa ang nagtutulak sa akin na abutin ang kanyang kamay na nakapatong sa kanyang tuhod. Nais ko sanang humingi ulit ng pasensya sa aking ginawa. Alam kong ayaw na ayaw ni Troy ang maiwang mag-isa, lalo na sa dilim. Hindi ko lubos maisip kung paano ang naging sitwasyon niya kanina. Dalawang oras din siyang naghintay sa akin. Ngunit ayaw ko namang pag-isipan niya ako ng masama. Bakit ko naman hahawakan ang kamay niya?

Umayos ako ng upo at nag-unat bahagyan bago ko isinadal ang aking likuran at ulo upang matulog. Napadilat ako nang maramdaman ko ang paggalaw-galaw ni Troy. Napatingin ako sa kanya. “Oh, bakit?”, ngunit hindi niya ako pinansin at sa halip ay umusog siya papalapit sa akin at nagkadikit na ng tuluyan ang aming mga braso at hita. “Wag kang gagalaw. May utang ka pa sa akin.”, ang tanging narinig ko mula sa kanyang pagbulong. Agad niyang ipinatong ang kanyang ulo sa aking balikat at niyakap ang isa kong braso. “Pag gumalaw ka, sasabihin ko to lahat kay Mama.”. Napangiti ako sa aking narinig at sa halip na makaramdam ako ng takot dahil sa kanyang pagbabanta—na alam ko namang hanggang doon lamang ang kaya niyang gawin, ay nakuha ko pang magbiro sa kanya.

“Sasabihin na para kang batang babae sa kindergarten na nakayakap sa crush niya, ganun ba?”, sinabayan ko ito ng tawa. Ngunit agad akong napa-aray ng mahina nang maramdaman ko ang pagbaon na kanyang ngipin sa aking balikat. Pinitik ko ang kanyang noo dahil doon.

“Ouch!”, reklamo ni Troy.

“Ikaw kaya ang kagatin ko!”, bulalas ko.

Napansin naming pasulyap-sulyap ang tsuper sa aming dalawa gamit ang rearview mirror kaya’t napilitan kaming umakto nang maayos. Nakaramdam ako ng kaunting hiya at pagkailang dahil doon. Pinikit ko na ang aking mga mata. Narinig ko siyang bumulong sa akin.

“Edi kagatin mo ako.”, kahit pabulong iyon ay narinig ko ang tila pigil niyang pagtawa. Pinitik ko ulit ang kanyang noo nang mahina at hindi na lamang siya pinansin.

“Tahimik.”, pagsaway ko. Kinagat ko lamang ang aking labi dahil hindi ko mapigilang mapangiti. Siguro dahil hindi naman pala siya galit sa akin. Nang makita ko ang kanyang mga mata kanina, nakaramdam ako ng labis na pag-aalala dahil matagal-tagal naring maayos ang kalagayan ni Troy. Ayaw ko sanang alalahin pa iyon ngunit hindi ko mapigilan ang panunumbalik ng mga alalala. Nais ko iyong kalimutan dahil naaawa at nabibigatan ako.

“Troy?”, bulong ko habang nakapikit. “Tulog ka na?”, nang maramdaman kong tulog na nga siya ay kinapa ko ang kanyang kamay at hinawakan iyon ng mahigpit. Minulat ko ang aking mga mata at pinagmasdan lamang ang mga ilaw a kulay na tila binubura dahil sa bilis ng takbo na aming sinasakyan. Isinandal ko ang aking pisngi sa ulo niyang nakalapat sa kanyang balikat. Nakaramdam ako ng biglang paghigpit nng pagkakahawak ng aming mga kamay. Napangiti ako nang maramdaman ko ang init ng kanyang balat na bumabalot sa aking palad at mga daliri.

----------

2008

Nakasandal sa makapal na salamin ng school bus ang gilid ng noo ni Ben habang nakasaksak sa kanyang bibig ang straw ng halos paubos na niyang Chokolait. Kahit na halos mag-aanim na buwan na nang lumipat siya sa pribadong Elementary School na ito, ay nahihirapan parin siyang makisalamuha sa mga batang ayon sa kanya ay mga anak-mayaman. Sabi ng mama niya ay huwag munang galawin ang baon niya at maghintay na lamang sa sasabihin ng kanilang adviser kung kailan na puwedeng kumain, ngunit sadyang paborito lamang talaga niya ang mga matatamis na pagkain at inumin. Hindi siya nakapagpigil. Mukhang malayo-layo pa ang destinasyon ng kanilang Class Fieldtrip.

Napalingon siya sa kanyang tabi ng gumalaw si Troy habang naglalaro sa kanyang PSP. Naririnig pa niya itong mamura ng pabulong. Pinagmasdan lamang niya ang magkasalubong na kilay ng katabi niyang bata. Naalala niya bigla iyong unang araw kung kailan dinala siya sa bahay ng pamilyang pinagtatrabahuan ng kanyang ama. Sariwa parin sa kanyang isipan ang malalaking salamin na bumabalot sa halos lahat ng kanto ng malaking bahay na kulay puti. Malalaki at magagara ang mga kagamitan doon, at natagpuan na lamang niya ang kanyang sarili na nakaupo sa isa sa mga malalambot na sifa doon. Doon niya unang nakilala si Troy. “Magiging classmate mo na ang anak ni Sir Fred.”, ang masayang balita sa kanya ng kanyang ama.

“Stop staring at me.”, ang walang kabuhay-buhay na monologo ni Troy habang nakatutok sa PSP niyang hawak. “Crap! Namatay tuloy.”, napailing ito at binagsak ang PSP sa kanyang tuhuran nang hindi ito binibitawan. Lumingon siya sa katabing si Ben na nakatingin parin sa kanya. “Hm, bakit?”

Umiling lamang si Ben. Hindi rin niya alam kung bakit niya pinagmamasdan ang mukha ni Troy.

“Bakit mo kinain ang baon mo?”

“Sorry…”, ang mahinang sagot ni Ben. Nakaramdam siya agad ng hiya nang titigan siya ni Troy.

“Bakit ka nagsosorry?”

“Kasi kinain ko ang baon ko.”

Napabuntong hininga lamang si Troy at humugot ng isang paperbag mula sa kanyang backpack sa paanan. Inilapag niya iyon sa tabi ni Ben. “Buti nalang, my mom prepared for two.”, bago ito kumindat.

Napayuko lamang si Ben at kinuha ang paperbag. Nagpasalamat ito at inabot ang kanyang bag sa paanan. Binuksan niya ito at isinilid ang baong kakabigay pa lamang ng kanyang katabi.

“Uh, Troy?”

“Yeah?”

“Magkaibigan na tayo diba?”

“What? What do you think?”

“Kasi di mo naman ako pinapansin kapag kasama mo sila.”

“What are you saying?”, masungit na sagot ni Troy. Agad itong naglipat ng atensyon dahil natamaan siya sa tanong ng batang katabi. “Sinong sila sinasabi mo!”

“Sila...”, Tumalon ang mga mata ni Ben mula kay Troy papunta sa kabilang mga hanay ng upuan kung saan nakaupo ang mga magugulong kaibigan ni Troy.

Hanggang ngayon, naiisip parin ni Ben na marahil ay nahihiya si Troy na maging kaibigan niya. Sabagay, anak lang naman siya ng driver ng ama ni Troy. Kaya nga siya nabigyan ng pagkakataong makapag-aral sa isang eksklusibong paaralan dahil dito.

“Ewan ko sayo.”, ang taning nasabi ni Troy bago ito tumayo at umaktong makikiupo sa kabila kung saan naroon ang kanyang mga kaibigan. Ngunit sinaway siya ng kasama nilang Guro at Marshall kaya naman napabalik ito ng upo. Busangot ang mukha nito at nakahalukipkip. Hindi na lamang siya pinansin ni Ben.

--------

6 PM

Nagkakagulo ang mga studyanteng nagkukumpulan sa lobby ng museo at pilit na pinapakalma ng guro ang kanyang sarili. Hawak niya ang kanyang noo habang pinapaypayan siya ng kanyang kasama. Nakatitig lamang si Ben sa kasama nilang Marshall na mahinahon parin matapos ang mga nangyari. Kausap ng isa pa nilang kasamang guro ang mga guwardiya ng museo, at pati ang iba pang miyembro ng administrasyon.

Kumakabog ang dibdib ni Ben dahil sa labis na pag-aalala at takot. Nilingon niya si Tommy at Greg, ang kasa-kasama ni Troy nang magsimula ang kanilang Museum Tour. Hindi maiwasang kumunot ang noon ni Ben dahil sa hindi rin alam nila Tommy at Greg kung nasaan na ngayon si Troy.

“He said he was just going to take a piss… I don’t know.”, ang nauutal na bulong ni Tommy.

“Shut up!”, nanginginig ang batang si Greg nang sikuhin niya ang tagiliran ng kaibigan. Natatakot silang dalawa sa kung ano man ang pwedeng mangyari sa kanila, lalo na’t sila ang huling kasama ng nawawalang bata.

Tiningnan lamang ni Ben ang dalawa ng ilang segundo bago siya magpakawala ng malalim ng buntong hininga. Troy, nasaan ka?, ang tanong ni Ben sa kanyang isipan. Kusang nabuo ang mga kamao niya sa gilid ng kanyang bulsa at nag-iinit ang kanyang pakiramdam. Saan na si Troy?

Sabay-sabay napalingon ang mga studyante sa kinaruruonan ng Marshall nang tawagin ang kanilang atensyon. “Alright, please don’t panic. I’m asking everyone from class 6B to please sit down on the floor. Okay?”, ang nakangiting pasuyo niya. Kahit pinipilit niyang maging kalmado ay bakas parin sa kanyang pananalita at kilos ang labis na pagkabalisa at pag-aalala. Saan kaya sila maghahalughug upang hanapin si Troy? Tatlong magkakarugtong na gusali ang museo, at bawat gusali ay may tatlong palapag. Imposible namang mawala siya, diba? Sa pagkakaalam nilang lahat, wala pa namang kaso na tulad nito dati. Pilit niyang kinukumbinse ang sarili na marahil ay naligaw lamang ang bata sa isa sa mga “restricted” rooms na kasalukuyang nasa-retrofitting stage pa lamang. Sana naman. Paano na lang ang kanilang year-end evaluation? Hindi siya maaaring bumagsak.

Bago pa makaupo si Ben ay napalingon siya sa kanto kung saan nagdudugtong ang lobby at ang pangunahing pasilyo ng museo. Doon ay kakalabas pa lamang ng Class 6A. Nakapila ang mga studyante at marahil ay didiretso na nang labasan. Napako ang mga mata niya kay Logan at sa dalawa pa niyang kasamahan. Hindi niya maipaliwanag kung anong mayroon sa kanilang malalim na pagtititigan, at bigla na lamang siyang napatakbo ng papasok sa isa sa mga pasilyo. Sunod-sunod ang pag-saway ng mga guro, ng Marshall at ng dalawang guwardiya sa tumatakbong si Ben ngunit dahil sa bilis nito, bigla na lamang siyang nawala matapos lumiko-liko sa tila labirintong pasilyo ng museo.

Nagkakamali lang kaya siya? Maari. Ngunit kahit hindi sigurado si Ben sa kanyang kutob ay tumuloy tuloy parin ito. Hingal na hingal na siya nang takbuhin ang bawat pasilyo na tinahak nila kaninang hapon. Sana tama. Sana nasa Buiding C nga si Troy. Sana nandoon pa siya. Sana maiuwi na niya ang kaibigan sa lalong madaling panahon.

Dahil sa hindi na niya masyadong tinitingnan ang dinadaanan ay muntik na siyang humandusay sa isa sa mga kanto, ngunit naibalanse parin niya ang kanyang katawan kaya’t naipagpatuloy niya ang pag-akyat sa ikat-long palapag. Pinikit niya ang kanyang mga mata at nag-umpisang magbilang. Hindi niya alam kung bakit, ngunit mas nakakapag-isip siya sa tuwing ginagawa niya iyon. Minulat niya ang kanyang mga mata at nakita ang isang lumang pintuan sa pinakadulo ng pasilyo. Troy, ano bang ginagawa mo dito? Paano ka ba napadpad dito? Biglang naalala ni Ben ang eksena kaninang hapon kung saan kumalas si Troy kasama ang dalawang kaibigan sa grupo. “Saan ka puupunta?”, tanong ni Ben, nag-aalala at nalilito.

“Shh, wag ka maingay. CR lang kami.”, inilapat ni Troy ang kanyang daliri sa labi ni Ben na para bang sinasabing huwag nang magsalita. “Let’s go.”, ang bulong nito sa dalawang kasama. Nagsisisi si Ben kung bakit hindi pa niya pinigilan ang kaibigan. Alam niyang pasaway talaga ito, ngunit dapat ginawa parin niya ang nararapat.

Hinihingal si Ben at lumapit sa saradong pintuan. Narra? Hindi niya alam. Wala naman siyang kaalam-alam sa kung ano man iyon, basta’t halos nangingitim na ang kulay ng kahoy. Malaki. Mabigat. Nakakatakot. Bakas sa mukha ng pintuan ang pagkabura ng alikabok nito. Mga bahid ng kamay, iniisip niya. Kaya’t hindi siya nagdalawang isip na itulak iyon.

Pa-iwas siyang yumutuko uapang hindi niya matamaan ang mga scaffoldings sa loob ng makipot na kwarto. Marahil pasilyo rin iyon, hindi lang siya sigurado.

“Troy?”, narinig niyang tila umuulit ng ilang beses ang kanyang boses. Kinilabutan siya ng marinig niya iyon, ngunit napagtanto niyang sarili niyang echo lamang ito. “Troy, andito na ako.”

“Troy!”

“Troy!”

Bakit ba hindi mo ako naririnig, Troy?

“Troy!”

Lumiko si Ben at nakita ang nakaukang pintuan sa dulo. Nanlaki ang kanyang mga mata nang sa napagtanto niyang sapatos ni Troy iyong nakatiwangwang sa kanto. Pabilis nang pabilis ang kabog ng kanyang dibdib habang hindi na niya ininda ang init at hingal na nararamdaman niya. Tinakbo niya ang dulo at hinila ang pintuan. Doon, sa loob ng napakaliit at maruming kwarto, nakasandal ang nakapikit na si Troy. Hindi niya suot ang isa niyang sapatos. May pasa sa gilid ng kanyang mata, at sugatan ang kanyang labi. Madungis ang suot niyang polo. Nakapikit. Tumutulo ang luha. Tahimik.

Napaluhod si Ben sa tabi ng kaibigan. Bila niyang hinawakan ang magkabilang balikat nito. Dahan-dahan niyang ginising si Troy sa pamamagitan ng pag-alog sa kanyang katawan. Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima. Anim. Pito… Troy, ako ito!

Hindi alam ni Ben kung bakit tumutulo ang kanyang luha. Luha nga ba iyon, o pawis lamang?

Pawis lamang, ang pagkukumbinsi niya sa kanyang sarili.

Bakit ba siya nababaliw sa mga oras na ito kakaisip kung ano nang nangyari kay Troy? Hindi naman siya pinapansin nito sa harap ng mga kaklase nila, kung tutuusin. Kaibigan? Kakilala? Anak ng boss ng kanyang ama? Troy, hindi ko alam kung bakit ka mahalaga.

“Andito na ako. Wag ka nang umiyak, please?”, ang pagsusumamo ni Ben. Agad na tumigil si Troy sa kanyang paghikbi. Bagamat madilim ang kwarto ay kitang-kita ni Ben ang takot sa mukha ng kaibigan. Hinila niya ang nakapikit paring si Troy at binalot ng napakahigpit na yakap. Hinimas-himas niya ang likuran nito at pinatahan.

“Wag ka nang umiyak, okay?”, sabay ng kanyang pagsinghot sa kanyang sipon. “Iuuwi kita sa bahay niyo.”

Hindi niya alam kung gaano katagal ang kanyang hinitay upang maramdaman ang mga kamay ni Troy sa kanyang likuran. Nagyakapan ang dalawa sa loob ng maalikabok at madilim ng kwarto. Marahil ay naiintindihan na nga ni Troy ang tunay na kahulugan ng Pagkakaibigan, dahil agad na tumigil ang kanyang pagluha kasabay ng pagmulat ng kanyang mga mata.

“Ben…”

“Hm?”

“T-th-thanks…”

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Ben and Troy (Part 1)
Ben and Troy (Part 1)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiD1ndUXKgHg7uf-xUQBkPNB9sToLuABlQbdBo3Q4Ipdw5nf7cL5MX_4Oqm2lDdMI72FEwTIdRUG1mF8EcRkQN4OVgf-pfhOlVqOVOVMb_sL4Tb6V2kGNdLAdzlS7W6IQmHLERapovxBlWZ/s400/104272826_184619832943026_1965625323822627770_n.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiD1ndUXKgHg7uf-xUQBkPNB9sToLuABlQbdBo3Q4Ipdw5nf7cL5MX_4Oqm2lDdMI72FEwTIdRUG1mF8EcRkQN4OVgf-pfhOlVqOVOVMb_sL4Tb6V2kGNdLAdzlS7W6IQmHLERapovxBlWZ/s72-c/104272826_184619832943026_1965625323822627770_n.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2020/06/ben-and-troy-part-1.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2020/06/ben-and-troy-part-1.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content