$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Brad Mahal Kita, Matagal Na (Part 8)

It's Babe Time By: RyanTime Sa pinakalikurang bahagi ng bus sila nakaupo. Pangtatluhang upuan ang napwestuhan nila. Sa tabi ng bin...

It's Babe Time

By: RyanTime

Sa pinakalikurang bahagi ng bus sila nakaupo. Pangtatluhang upuan ang napwestuhan nila. Sa tabi ng bintana si Zion at sa tabi naman ng aisle si Luke. Gustuhin man ni Zion na magtabi sila, ngunit sadyang napaka-ilap nitong si Luke na sinadyang maglaan ng espasyo sa pagitan nila.

Halos mapuno na ang loob, tatlong upuan nalang ang bakante, saka ito lumarga.

Hindi naman nagtagal ay muling huminto ang bus upang magsakay ng nag-aabang na pasahero.

Tatlong tao ang pumasok. Ang isa ay sumulyap sa gawi nila. Matangkad ito, maputi at may itsura. Ngunit mapapansin mong may pagkamalamya ang kilos. O tinatawag sa panahon ngayon na 'Paminta'

Napansin ni Zion ang mga tingin nito na animo'y gustong lapain ng buhay ang baby Luke niya. Kaya hindi siya mapakali.

Nang makalapit na ito sa kinaroroonan nila ay isiniksik ang sarili upang pumwesto sa gitna nila.

Maagap naman itong si Zion kaya pinigilan niya itong tuluyang makaupo. Pwersahang hinatak ang braso ni Luke at sumenyas dito na umurong sa tabi niya.

"Aray!" Angal ni Luke.

"May uupo, umurong ka dito." mahina pero puno ng otoridad ang boses ni Zion.

Tumingin muna si Luke sa taong nasa harapan niya. Saka muling binaling ang tingin kay Zion.

"Pwede naman siya sa gitna ah." Pagrereklamo ni Luke.

"Hindi ka uurong?." Sabi niya na may seryosong mukha.

Hindi pa man nakasagot si Luke ay ubod ng pwersa siyang hinatak ni Zion at nagtagumpay naman ang huli sa gusto nitong gawin.

Napamura nalang sa isip itong si Luke at inayos ang sarili. Kunot noo at pakibotkibot ang bibig na wala namang boses na lumalabas.

Saka marahan na pumuwesto ang ground black pepper.

Sa biyahe ay payapang nakasandal si Luke na nakapikit ang mata. Habang si Zion naman ay hindi maipinta ang mukha sa tuwing nakikita niyang sumusulyap ng may pagnanasa kay Luke ang katabi nito.

Sa tuwing magsasalubong ang tingin nila ay tinitingnan niya ito ng masama. Titigil sa ginagawang pag sulyap ngunit maya-maya rin ay susulyap ulit.

Hindi matagalan ni Zion ang ganoong sitwasyon. Kaya ginising niya si Luke.

"Brad..brad." Tinapik niya ito sa hita.

Nagmulat naman ng mata si Luke.

"Bakit?" Tamad na sagot nito.

"Palit tayo ng pwesto."

"Bakit?"

Hindi agad nakaimik si Zion at bahagyang napaisip.

"Ah.. kasi nangangalay na ata ako dito sa pwesto ko."

Nagtataka man ay sumunod nalang si Luke dahil sa antok.

Tuluyang nakalipat si Luke at isinandal ang ulo sa may gilid ng bintana.

Bago pa man umupo si Zion. Tinapunan niya ng nagbabantang tingin ang ground black pepper. Nakuha naman agad nito ang mensahe niya kaya tumigil ito sa ginagawang pagsulyap kay Luke.

Nakahinga ng maluwag si Zion.

Maya't maya niya sinusulyapan si Luke. Hindi niya mapigilang mapangiti. Napakagaan ng pakiramdam niya kapag kasama si Luke. Lalo ngayon, nakikita niyang mahimbing na natutulog.

Kinuha niya ang cellphone sa bag upang kuhanan ng picture ang natutulog na si Luke. Hindi niya maiwasan ang mangiti habang ginagawa yun.

Maya-maya'y nilagyan niya na ng earphone ang magkabilaang tainga. Kinalikot ang spotify at nagpatutog.

Ang dating rock music playlist na pinapatugtog ay napalitan ng love song.

There are days

I wake up and I pinch myself

You're with me, not someone else

And I am scared, yeah, I'm still scared

That it's all a dream

Sinilip niya ang natutulog na si Luke. Mahimbing pa rin ito. Pinagmasdan niya ang payapang itsura nito. Pinag-aralang maige ang bawat detalye.

Napansin niyang na uuntog-untog ito sa bintana.

Marahan niyang inilipat ang pagkakasandal ng ulo nito sa balikat niya.

Ngumiti siya.

'Cause you still look perfect as days go by

Even the worst ones, you make me smile

I'd stop the world if it gave us time

'Cause when you love someone

You open up your heart

When you love someone

You make room

If you love someone

And you're not afraid to lose 'em

You probably never loved someone like I do

You probably never loved someone like I

Payak na sandali ngunit napakasarap sa pakiramdam ni Zion. Narealize niya, sa piling ni Luke matatagpuan ang kakaibang saya, gising man ito o tulog.

'Sana alam mo kung gaano ako kasaya sa mga sandaling ito' sa isip niya.

Hindi niya mawalawala sa mukha ang ngiti.

Humigit-kumulang isang oras din ang naging byahe nila, saka nila narating ang bahay ng pamilya ni Zion.

Matataas ang bakod nito na gawa sa kongkreto. Bago pumasok ay dadaan ka muna sa gate na sadyang ginawa para sa tao, katabi lang mismo ng gate na dinaraanan ng sasakyan.

"Kuya Efren! Kamusta?" Magiliw na bati ni Zion sa gwardyang nakabantay.

"Sir Zi! Naparito ata kayo?" Nakangiti naman nitong tugon.

"May kukunin lang ako kuya, uuwi din kami mamaya... kaklase ko pala.. si Luke." Masayang pagpapakilala niya.

"Good morning po." Nakangiting bati naman ni Luke.

Tiningnan siya ng gwardiya na parang may inaalala.

"Good morning din po sir Luke.. Parang pamilyar po kayo sa akin sir.."

"Po?" Tanong ni Luke.

Mayamaya'y gumuhit ang pagkabalisa sa mukha niya. Napansin naman ito ni Zion, kaya napakunot ng noo ang huli.

"Ba.. baka may kamukha lang po ako." Depensa niya na sinabayan ng pilit na ngiti.

"Ah.. baka nga po sir." Magiliw na sabi ni kuya Efren.

"Nandito ba sila mommy?" Sabat naman ni Zion.

"Opo sir nasa office niya po sa itaas ang mommy niyo. Ang daddy mo naman umalis, sa martes po ata ang balik."

"Sige kuya, pasok na kami."

Naglakad na sila papasok.

Modernong dalawang palapag ang bahay nila Zion. Bago ka makarating sa mismong bahay ay dadaan ka muna sa garden. Maganda ito, makikita mo ang landscape na may iba't ibang bulalak at orchids at man made na falls na nakadikit sa mataas na pader.

Sa kanang banda naman ng lugar na yun, may hindi kalakihang swimming pool pero sapat na upang paliguan ng isang buong pamilya. Maganda rin ang nature inspired design nito.

"Hindi mo naman sinabi brad, ganito pala kayo kayaman." Manghang sabi ni Luke.

"Hindi naman, may kaya lang. Tsaka hindi ko naman kailangang ipagkalat na may kaya kami.. hindi ko naman pera ang pinangpagawa ng mga iyan." Humble na pagkakasabi ni Luke.

Sabagay, pansin rin naman ni Luke na hindi nagyayabang ng mga materyal na bagay itong si Zion.

Napahanga lalo si Luke nang makapasok sila sa loob ng bahay. Napakalawak nito at napakaaliwalas ng disenyo.

Pinaupo muna siya ni Zion sa sofa sa may salas. Nagpaalam itong pupuntahan ang mommy niya.

Pagkababa ni Zion ay kasama na ang mommy nito.

Kung tatantiyahin, mukhang nasa sengkwenta na ito. Maganda parin at professional ang dating. Nabanggit nga ni Zion dati na presidente ang mommy niya sa kilalang university sa lugar na yon. Mediyo may pagkakahawig ito kay Zion.

Napansin ni Luke na mukhang mabait ito dahil malumay magsalita at palangiti. Pinakilala ni Zion ang dalawa sa isa't isa. Winelcome naman si Luke ng mommy ni Zion. Wag daw siyang tawaging Ma'am, Tita nalang daw.

Hindi rin nagtagal ay nagpaalam itong babalik sa trabaho niya sa taas. Bago tuluyang umakyat nagtanong muna ito kung kumain na ba kami. Nasabi naman namin na tapos na.

"Tara." Pag-aaya ni Zion.

"Saan?"

"Sa kwarto ko." Sinabayan pa nito ng pagkindat at ngiting nang-aakit.

Napakunot ang noo ni Luke.

"Bakit ka kumikindat diyan?"

Tumawa lang si Zion. Saka nagdahilan.

"Tanga..napuwing lang." Sabay hawak sa mata.

"Aw.. natanga pa ako." Umiling si Luke. "Akalain mo yung ganung ginang may anak pala na ganito ang ugali?" Saka tumawa.

Malaki ang kwarto ni Zion. May sariling sala set sa loob at malaking LED TV sa harap nito. Isang buong glass wall na natatakpan ng kurtina ang nagsisilbing bintana ng kwartong yun. Mula roon tanaw mo ang hardin at swimming pool sa baba. Maganda naman ang pagkakaayos ng queen size bed na animo'y nasa isang hotel. Hindi naman nakakapagtaka yun dahil may katulong sila.

Umupo si Luke sa sofa na naroroon.

Naghubad naman ng damit si Zion at tanging brief lang ang natira. Tila proud na proud itong ibalandra ang kamachohan.

Hindi naman nakalagpas sa paningin ni Luke yon. Sa pagkailang ay ibinaling niya sa ibang direksyon ang paningin.

Mayamaya'y pinukol ni Zion sa ulo ng damit si Luke at ikinagulat nung huli.

"Magbihis ka muna." Wika ni Zion.

Kulay puting magkapares na jersey yon na may nakatatak na numerong trese.

"Wag na okay na itong suot ko."

Tukoy ni Luke sa suot niyang walking short at simpleng blue t-shirt na pinaresan ng Jordan shoes.

"Pagpapawisan ka! Wala kang pamalit." Sabi ni Zion na noo'y nagbibihis ng katulad rin ng jersey na hinagis niya.

Sumunod nalang din si Luke. Tumayo ito at tumungo sa may gawing banyo.

"Oh san ka pupunta? Dito ka na magbihis. Pareho naman tayong lalake."

Tumuloy pa rin sa banyo si Luke. Bago isara ang pinto ay nagsalita ito.

"Dito na ako sa banyo. Manyakis ka eh, baka manyakin mo pa ako." Tumatawang isinara nito ang pinto.

Mayamaya ay kumatok si Zion.

"Bakit?" Pasigaw na tanong ni Luke upang marinig siya nito.

"Buksan mo! Tingnan natin kung kanino mas malaki!" Sinabayan ng halkhak.

"G@GO!"

Bago lumabas ng banyo, naulinigan niyang may kausap si Zion sa phone.

"Pare sige na, ngayon lang to."

'Ano kaya pinag-uusapan nila' sa isip ni Luke.

Hindi muna siya lumabas, dinikit niya ang tainga sa pinto upang mas marinig niya si Zion.

"Sige na pare! Ngayon nga lang ulit ako nagyaya sa inyo ng basketball. Isama niyo nalang mga kakilala niyo. Mapapahiya ako sa kaibigan ko. Nandito siya sa bahay ngayon." Pangunglit ni Zion sa kausap sa phone.

'Akala ko ba may nag-aya sa kanya ng basketball? Ibig sabihin ba gawa-gawa niya lang yung sinabi niya kagabi?' Tanong ni Luke sa isip.

"Ayos!! Sige kita nalang tayo sa court.. Oo yung court malapit dito sa amin... sige pare!" Pagpapaalam niya sa kausap.

Saka lumabas si Luke. Hindi siya nagpahalata na narinig niya ang usapan.

'May NAGYAYA ka pang nalalaman kagabi, hindi mo nalang ako derechahin' sa isip niya.

Sa court.

Bale anim lang silang manlalaro, hindi kasi pwede ang ibang kaibigan ni Zion. Si Brenan at Carlo lang ang kakilala niya. Ang dalawa ay mga kaibigan lang din ng mga kaibigan niya.

Full covered court ito ngunit half court lang ang pwede nilang paglaruan, dahil sa gitna nito ay may nakaharang na volleyball net.

Warm up muna saka sila nagsimulang maglaro.

Si Brenan at Luke ang nasa kupunan ni Zion.

Nadiskubre ni Zion na magaling rin palang maglaro si Luke. Malinis gumalaw at may mga diskarte itong hindi kaagad nababasa ng kalaban.

Sa loob kasi ng kulang-kulang dalawang taon nilang pagkakaibigan ay hindi niya pa nakasama itong maglaro. Panay kalokohan, inom at gala lang kasi ang inaatupag nila.

Lalong humanga si Zion kay Luke at mas ginanahang maglaro.

Halos hindi makahabol ng puntos ang kabilang kupunan. Bakas sa mga mukha nito ang disappointment. Yung tipong gugustuhin ng daanin sa dahas para lang maka puntos.

Kalagitnaan na ng laro at mas lalong pinag-igihan nila Zion.

Drinible ni Zion ang bola, pinasa ito kay Brenan. Dribble ulit at humanap ng tyempo na maihagis ito kay Luke na noon ay malapit sa ring. Nang makahanap ng tyempo ay hinagis niya ito kay Luke. Mediyo napataas ang pagkakahagis kaya kailangang tumalon ni Luke upang saluhin ang bola.

Sa di kalayuan ni Luke ay may nagbabantay na desperadong kalaban. Nang makita niyang lulundag na si Luke ay mabilis niya itong nilapitan at sadya niyang itinulak si Luke gamit ang braso at siko.

Dahil nasa ere na itong si Luke hindi niya na nagawang depensahan ang bola dahil tumilapon na siya sa lakas ng pagkakatulak ng kalaban.

Masakit ang pagkakalapag ni Luke mula sa pagkakatilapon. Bumagsak siyang nakaupo at alanganing naitukod ang kanang kamay at nagdulot ito ng sakit.

"AAAHHH!!" Halos mamilipit sa sakit na sigaw ni Luke.

Samantalang tuloy-tuloy pa din sa pag dunk ang kalaban na animo'y walang pakealam sa ginawa niyang pagtulak kay Luke. Nakapuntos ito.

Mabilis namang dinamayan ni Zion si Luke.

"Brad! Ayos ka lang?" Puno ng pag-alala ang boses nito.

Hinimas niya niya ang kanang kamay ni Luke upang maibsan ang sakit. Inalalayan niya itong makatayo. Nang makatayo na ay agad na tumalikod upang harapin ang taong gumawa nito kay Luke.

Salubong ang kilay at nagbabaga ang tingin. Malalaking hakbang ang ginawa niya upang mabilis na makalapit sa kalaban.

"ANONG PROBLEMA MO??!!!" Tila kulog na dumadagundong na sita ni Zion sa kalaban at sinabayan ito ng malakas na pagtulak na naging sanhi ng pagkatumba ng kalaban.

Mas matangkad ito at mas malaki ang katawan. Pero hindi mo makikitaan ng pagkatakot ang mukha ni Zion.

Mabilis na tumayo ang kalaban at sinugod ng suntok si Zion. Nailagan naman ito ng huli. Mabilis na bumawi at malakas niyang sinuntok sa sikmura ang hunghang.

Agad namang umawat ang mga kalaro nila, maging si Luke na noon ay may iniindang sakit ay nakiawat na din.

Ayaw pa sanang magpaawat ni Zion, dalawa ang pumipigil sa kanya pero halos hindi siya kayaning awatin ng dalawa. Tumigil lang siya nang maramdaman niyang payakap siyang inaawat ni Luke. Ang kanang kamay nito ay nakaalalay sa leeg niya habang ang kaliwa ay nasa bandang tiyan niya. Mas huminahon siya nang maramdaman ang katawan ni Luke na nakadampi sa likod niya.

"Tama na brad, laro lang to." Pagpapahinahon ni Luke.

"Bitawan niyo ko!" Matigas niyang sabi sa tatlo.

Hindi na sumugod ngunit matatalim na titig ang pinukol niya sa kalaban, tila nagbabanta ito. Saka tumalikod at naglakad palayo. Sumunod maman si Luke, dinaanan niya muna ang water bottle na nakalagay sa gilid ng court saka patakbong sinundan si Zion.

Habang naglalakad sila ay sumagi sa isip ni Luke ang ginawa ni Zion kanina. Hindi kasi ugali ni Zion ang umatras sa suntukan ng hindi napupuruhan ang kalaban. Kahit gaano pa ito karami at kahit gaano pa karami ang umawat sa kanya.

Pero hindi naman dapat gawin ni Zion yon. Laro lang naman yon at normal na sa laro ang mga ganoong dayaan.

Pakiramdam niya ay napaka protective ni Zion sa kanya at nahimigan niya na sincere ang pag-aalala nito sa kanya kanina.

'Wag ka nga masiyadong mag-isip diyan, normal lang na gawin ni Zion yun dahil dayo ka sa lugar nila at kaibigan ka niya.' Sa isip niya.

Sabagay nga naman.

Winaksi niya na sa isipan ang mga isipin na yon.

Habang naglalakad ay may nadaanan silang sari-sari store. Sinabihan siya ni Zion na umupo muna sa may bench sa gilid ng tindahan na naliliman ng malagong puno. Saka ito nagtungo upang bumili.

Pagpunta nito sa pwesto niya ay may dala na itong yelo. Tumabi ito sa kanan niya at inabot ang kanang kamay niya.

Nang mawari niya kung ano ang gagawin nito ay tumanggi siya.

"Ako na gagawa niyan." Pagtanggi niya.

"Wag kang malikot diyan! Ako na!" Pagmamatigas nito.

Hinayaan niya nalang.

Dahandahan nitong inilapat ang yelo sa kamay niya na noon ay mediyo namamaga na.

Tinginan niya nalang ang ginagawa nito. Hindi maman nakatakas sa kanya ang seryosong mukha ni Zion. Tinitigan niya ito.

Hindi malabong mainlove ang mga babae dito, presence palang ni Zion ay naghuhumaling na mga kababaihan, paano nalang kaya kung makaranas sila ng pag-aalagang tulad nito.

Ngumiti ang puso niya.

'May ganitong ugali naman pala si Zion.' Sa isip niya.

"Masakit pa ba?" Wika nito na nakatingin pa din sa ginagawa.

"Hindi na masiyado." Tipid niyang tugon.

Nakatitig pa rin siya kay Zion.

"Tigilan mo na yang pagtitig sa akin, baka mainlove ka." Seryosong biro nito.

Pakiramdam tuloy ni Luke namula siya. Guilty kasi siya, nakatitig naman talaga siya kay Zion.

'Paano niya nalamang nakatitig ako sa kanya? May mata ba siya sa bumbunan?' Sa isip niya.

"Kapal mo brad! Tingin mo maiinlab ako sayo? Lakas!!" Depensa niya upang matago ang kahihiyan.

"Sa ngayon hindi pa, malay mo bukas o sa susunod na araw." Tumawa ito.

"Bwisit!!" Nakitawa nalang din siya upang hindi mahalata.

Katahimikan..

"Brad yong kanina... hindi mo dapat ginawa yon. Laro lang naman yon."

Seryosong tiningnan siya ni Zion.

"Eh sinaktan ka ng g@gong yon! Sa tingin mo tatahimik na lang ako?!" Galit nitong sabi.

"Normal lang yon sa laro." Segunda niya.

Tintigan lang siya nito. Yumuko at itinuloy ang ginagawa.

"Sa halip na mag thank you, kinampihan mo pa ang g@gong yon." may himig na pagtatampo sa boses nito.

"Hindi naman sa ganon."

Hindi na ito umimik.

Hinayaan niya nalang din. Tingin niya wala namang mapupuntahan ang usapan na yon.

Nagpatuloy na sila sa paglalakad, mag-aalas dose na kasi ng tanghali kaya mediyo masakit na sa balat ang sinag ng araw. Kahit sa gilid ng daanan sila naglalakad, kung saan may mangilanngilang lilim ng puno silang nadadaanan, ay marami pa ding parte ang hindi nalililiman.

Naghubad si Zion ng jersey shirt. Pinagpag at marahan niya itong inilagay sa ulo ni Luke.

Nailang naman si Luke sa inasta ni Zion.

"Wag na!" Pag tanggi niya.

"Tanga mainit! Sakitin ka pa naman." Seryosong sabi nito.

"Ambaho kaya ng pawis mo!" Kunwari niyang sabi.

Ang totoo niyan, hindi ito mabaho. Naghalo ang amoy araw, lalaking-lalake na amoy, mamahaling deodorant at sabon na ginamit ni Zion kanina. Mabango naman talaga ito sa pang-amoy ni Luke.

"Ang arte mo! Hahanap-hanapin mo din yang amoy na yan loko!"

Tumawa nalang si Luke.

Ang totoo niyan ay na-touch siya sa ginawa nito.

'May kasweetan din pala ang damuhong ito.' Sa isip niya.

Napangiti nalang siya.

Naglakad tuloy si Zion na walang pang-itaas na damit. Sabagay sa ganda ba naman ng katawan niya, hindi dapat ikinakahiya yun.

Napansin niyang napapadalas ang paghawak ni Zion sa batok. Marahil ay nararamdaman nito ang tindi ng init ng araw. Namumula na rin kasi ang batok nito.

Hinubad niya rin ang jersey niya, pinagpag at marahan na inilagay sa ulo ni Zion.

Nagulat man ay hindi maitago ni Zion ang mga ngiti sa ginawa ni Luke.

"Ang sweet mo ah.!" Nakangiting sabi ni Zion.

"Baka mangitim ka at pumangit, kaya wag ka ng umarte diyan." Seryosong sabi ni Luke na halata namang nagpipigil ng ngiti.

"Thanks babe!" Sabay kindat na wika nito.

"FU{K YOU!" Bulalas ni Luke. "BABE." Dugtong niya.

Minura ngunit tinawag ding babe sa huli.

Nagtawanan nalang sila.

Hindi man ganoon kalaki ang katawan ni Luke, ngunit maganda naman ito at pwedeng pwede ipagmalaki.

Pinagtitinginan tuloy sila ng mga dumadaang sasakyan at mga taong nadadanan nila habang naglalakad.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Brad Mahal Kita, Matagal Na (Part 8)
Brad Mahal Kita, Matagal Na (Part 8)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiqUubzcS4U5P3uCWiuUcJdrj0MGrzwqegCOdBvgPFurOAUca1dQce1XtbRVTEa3amh0wVF_Tyi79EsejUAMl_sd6Lfz-bcanDGjMs_LopsrKqnpqpoSv7Jy-_l4ieyH030nKZWY1KF0i7P/s320/Brad+Mahal+Kita%252C+Matagal+Na.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiqUubzcS4U5P3uCWiuUcJdrj0MGrzwqegCOdBvgPFurOAUca1dQce1XtbRVTEa3amh0wVF_Tyi79EsejUAMl_sd6Lfz-bcanDGjMs_LopsrKqnpqpoSv7Jy-_l4ieyH030nKZWY1KF0i7P/s72-c/Brad+Mahal+Kita%252C+Matagal+Na.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2020/06/brad-mahal-kita-matagal-na-part-8.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2020/06/brad-mahal-kita-matagal-na-part-8.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content