$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Brad Mahal Kita, Matagal Na (Part 9)

Be Mine By: RyanTime Matapos nilang mananghalian ay nagyaya si Zion na pumanik ng kwarto. Upang ihanda ang damit na susuutin niya para...

Be Mine

By: RyanTime

Matapos nilang mananghalian ay nagyaya si Zion na pumanik ng kwarto. Upang ihanda ang damit na susuutin niya para sa play nila bukas.

"Tulungan mo akong mamili dito."

Tawag pansin niya kay Luke na noon ay nakaupo sa sofa at naglalaro ng cellphone.

"Ikaw na, kaya mo na yan. Tapusin ko lang tong isang game." Wika nito habang tutok na tutok ang mga mata sa cellphone.

"Mamaya ka na maglaro." Diing sabi ni Zion.

Nasa harapan siya ng kabinet niya, isa-isang tiningnan ang mga damit na nakasampay roon.

"Wag kang magulo.!..shit!! Shit!! Fuck!!" Malulutong nitong mura na tutok na tutok pa rin sa nilalaro. Lamang kasi ang kalaban nila..

Napatingin si Zion kay Luke.

"Ah puta!! Pinagtulungan ako.. ang ingay mo kasi, namatay tuloy ako.!" Paninisi nito kay Zion dahil sa pagkamatay niya sa laro.

Aburido ang mukha nito.

"Maya ka na. Tutulungan kita. Tapusin ko lang tong isang game." Sabay balik tingin sa nilalaro.

Napailing nalang si Zion at ibinalik ang tingin sa ginagawa.

Hindi niya talaga malaman kung ano ang susuutin. Kailangan niya ng opinion ni Luke. Kaya iniwan niya muna ang ginagawa at nagtungo sa kama at padapang ibinagsak ang katawan. Nag-browse nalang siya ng facebook sa phone habang hinihintay matapos si Luke.

Mayamaya ay natapos din si Luke sa nilalaro. Mukhang talo ang team nila dahil nakabusangot ito. Tumayo at nagtungo sa kinaroroonan ni Zion.

"Halika na, tulungan na kita." Pagtawag nito kay Zion.

"Teka brad, mayamaya. Maaga pa naman." Wika ni Zion na abala sa pagba-browse ng cellphone.

Napatingin si Luke sa wallclock na nakasabit doon. Ala-una y media palang.

Iginala nalang muna ni Luke ang paningin sa kwarto ni Zion.

Napadako ang tingin niya sa bookshelves na nakalagay dalawang metro mula sa kama ni Zion. Katabi lang din ito ng computer table.

Lumapit siya doon at tiningnan ang mga nakalagay roon. Isa't kalahating metro ang lapad nito. Halatang mamahalin dahil sa uri at texture ng kahoy na ginamit para mabuo ito.

Sa dalawang shelves sa ibabaw ay may mga nakaayos na encyclopedia. Tingin niya, nilagay lang ito roon bilang display, mukha kasing hindi pa nagagamit.

Sa pangatlong shelf naman ay may mga collection ng Justice League superheroes. May maliliit, malalaki at may mga nasa kahon pa. Organisado itong nakasalansan.

Napangiti si Luke. May collection din kasi siya nito sa bahay nila. Katunayan nga tatlong school bags niya ay may disenyo ng Justice League.

"Mahilig ka rin pala mangoleksyon ng Justice League?. Astig!" Nakangiti niyang tanong kay Zion. Nakatuon pa rin ang pansin niya sa collection.

Agad namang bumangon si Zion at lumapit sa kanya. Tila excited na inabot ang isa sa mga nakakahong super heroes. Pagkakuha ay nagsalita ito.

"Tingnan mo tong isang to." Excited na sabi ni Zion habang dahan-dahang inilabas sa kahon ang super hero.

Nang mailabas niya na ay inabot ito kay Luke na noon ay busy sa kakatingin ng collection.

Napatingin naman si Luke sa bagay na inabot sa kanya at dali niya itong inabot.

Nanlaki ang mata ni Luke sa pagkabigla.

Pigura ito ni superman na may sukat na four inches. Maganda ang pagkakagawa nito at mukhang mamahalin.

Nang mahimasmasan ay napangiti si Luke. Makikita mo ang sobrang saya na nakarehistro sa mukha niya, na tila bang may naalala siya sa bagay na yon.

Naaliw naman si Zion sa reaksyon ni Luke.

"Di ko alam na mahilig ka rin pala sa ganito." Wika ni Luke.

"Thank you gift sa akin yan." Masayang wika ni Zion.

"Actually, hindi naman talaga ako mahilig manguleksyon niyan. Mula noong binigay sakin yan, nagsimula na akong nagkainteres." Tila ba may sentimental value ito sa kanya.

"Astig!" Pagpuri ni Luke. Nakangiti parin ito.

Binalik ito ni Luke sa kanya at agad niya naman pinasok sa kahon at maayos na ibinalik sa dating kalalagyan.

Bibihira lang ang mga pagkakataon na makita ni Luke ang kakaibang side na inaasta ni Zion. Tila ba nagiging childish ang dating tigasing Zion. Maswerte siya at isa siya sa mga taong pinapakitaan ng ganoong ugali nito. Ibig sahihin lamang ay kumportable itong makasama siya.

"Tara na, tulungan mo na akong maghanap ng masusuot."

Sumunod naman si Luke.

Matapos silang maghanap ng maisusuot, napadako ang tingin ni Zion sa labas ng glass wall.

Biglang sumama ang panahon. Makulimlim sa labas at umaambon.

"Patay, uulan ata ng malakas brad.! Magpatila muna tayo bago umalis." Wika ni Zion.

"Ano pa nga ba."

Nag-isip si Zion ng mapaglilibangan habang hinihintay na tumila ang ulan. Tantiya niya kasing magtatagal pa ang buhos ng ulan.

Mayamaya ay naglakad ito patungong kabinet. May kung anong dinukot ito sa loob.

Isang bote ng alak.

Tumingin ito kay Luke at ngumisi habang minumwestra ang hawak na alak.

Napangisi na rin si Luke at nagbigay ng tingin na para bang sinasabing "Why not!"

Bumaba muna si Zion para kumuha ng mga gagamitin, chichirya at ice cubes. Inayos naman ni Luke ang center table na pagpapatungan nila ng iinumin.

Nang maihanda na nila ang lahat, pumuwesto sila sa magkabilaang side ng center table at pasalampak na umupo sa sahig.

Mag-aalas kwatro pa lang ng hapon pero eto sila nagsisimula nang mag-inuman.

Nagsalang sila ng mapapanood na pelikula, ngunit nang mabagot ay pinatay na nila ito at minabuting magkwentuhan nalang.

Kung anu-anong bagay lang ang pinagkukwentuhan nila.

Nalaman ni Zion na dati palang taga Bulacan si Luke at lumipat lang ng Zambales.

"Talaga? Katagal na nating magkakilala hindi mo man lang sinabi sakin." Manghang tanong ni Luke.

"Di ka naman nagtanong. Tsaka di naman mahalaga yon."

"Bakita nga pala kayo lumipat sa Zambales?" Segunda ni Zion.

"Ako lang ang lumipat, sa bahay ni Lola... Mediyo mahabang kwento.. Family problem.. basta." Sagot ni Luke.

Nahimigan naman ni Zion na parang ayaw ni Luke na pag-usapan pa.

"Maiba tayo brad. Marunong ka bang mag gitara?" Tanong ni Zion.

"Sakto lang.. bakit may gitara ka ba?"

Agad namang tumayo si Zion at lumabas. Pagkabalik ay may bitbit na itong gitara.

Bumalik sa pagkakaupo at inayos ang tono nito.

"Basic lang alam kong tugtugin." Wika ni Zion habang nakatutok sa ginagawa.

Tingnan lang siya ni Luke.

Nang matapos ayusin ni Zion ang gitara ay iniabot niya ito kay Luke.

"Oh. Ikaw muna."

Alanganin naman itong abutin ni Luke.

"Basic lang din alam ko dito." Sabay kapa sa strings. "Ano ba gusto mong kantahin?" Dugtong ni Luke.

"Tunog lata boses ko brad." Si Zion.

"Alam ko hahaha.. di ko naman sinabing kailangan galingan mo. Halos mawalan nga ng customers yung videokehan na pinag iinuman natin kapag kumakanta ka." Sinabayan ng halakhak.

"Puta! Dinurog mo ako dun ah.. pakayabang mo!" Tumatawang sabi ni Zion.

"Dali na, wag ka nang magdrama diyan. Anong kakantahin mo?"

Nag-isip muna si Zion.

"Iris"

"Goo goo dolls?... sige kapain ko muna."

Matapos alalahanin at kapain ang chords.

"Sige game."

Napahanga naman itong si Zion. Hindi lang kasi basic ang ginagawa ni Luke, magaling ito.

Mayamaya ay sinabayan na ni Zion nang pagkanta.

Matawatawa naman itong si Luke habang naggigitara dahil sa mala boses latang pagkanta ni Zion.

Tawanan sila nang matapos itong kantahin ni Zion. Napakalikot naman itong si Luke na animo'y nabasagan ng eardrums.

"Taena! Galing mo palang maggitara. Ano bang hindi mo alam na gawin?!" Bakas ang paghanga sa boses na sabi ni Zion.

Nag request ulit siya ng kanta at sinabayan niya ito. Nasundan pa ulit ito ng isa pa at isa pa. Hanggang magsawa na siya.

"Ikaw naman kumanta. Pagod na ako." Reklamo ni Zion at sinabayan ng pag-inom ng alak.

Uminom muna si Luke, saka muling nag gitara.

She's always on my mind

Napalagok at dahan-dahang binaba ni Zion ang baso sa mesa.

Ilang words palang ng kanta ay nakuha na aga ni Luke ang paghanga ni Zion sa boses niya.

Nakatingin sa ibang direksyon si Luke habang kumakanta.

From the time I wake up 'til I close my eyes

She's everywhere I go

She's all I know

Halos mapanganga si Zion sa paghanga. Nakapako ang tingin nito kay Luke. Habang ang huli naman ay nakapikit, tila damang-dama ang kinakanta.

And though she's so far away

It just keeps gettin' stronger, every day

And even now she's gone

I'm still holding on

So tell me where do I start

'Cause it's breakin' my heart

Don't want to let her go

Sa mga minuto na yon, may bumabagabag sa isipan ni Zion. Lalo siyang humanga kay Luke. Nacha-challenge siya sa misteryosong personality nito. Marami itong magagandang katangian na dahan-dahang nadidiskubre ni Zion. Ngunit sa kabilang banda ay ramdam niya ang kirot sa pagkakakanta ni Luke.

'Sino kaya ang inaalayan niya ng kantang ito. Yon bang sinasabi niyang minahal niya?'

Nalungkot si Zion sa isiping yon. Lalo't nararamdaman niya ang kirot sa bawat salitang lumalabas sa bibig ni Luke. Mukhang napakahalaga ng taong ito sa kanya.

Maybe my love will come back some day

Only heaven knows

And maybe our hearts will find a way

Only heaven knows

And all I can do is hope and pray

'Cause heaven knows

Saka dumilat si Luke at tumingin kay Zion na noon naman ay kakabawi lang mula sa pagkakahanga.

Lumawak ang ngiti nito.

"Puta! Ang galing mo! Akin ka nalang brad!?" Wala sa kamalayang biro ni Zion.

"GAGO!" Sinabayan ng tawa na mayamaya'y nauwi sa matamis na ngiti.

Tawanan sila.

"Cheers muna!" Si Zion.

Sabay nilang tinaas ang baso at pinagdikit saka sabay na nagsabi ng "CHEERS!"

"Puta! Tao ka pa ba? Magaling magbasketball, magaling mag gitara, magaling kumanta, higit sa lahat guwapo pa!" Bulalas ni Zion.

Tumawa si Luke.

"Haha, inlove ka na sa akin niyan?" Birong wika ni Luke.

"Oo! Kung babae ka lng pakakasalan kita eh!" Masaya at walang malay na pagkakasabi ni Zion.

Nagkatinginan tumatawa sila dahil sa biro ni Zion.

Mayamaya'y ang tawa ni Luke ay naging ngiti, nailang at nung huli ay napalitan ng lungkot. Saka muling naglagay ng alak sa baso, halos kalahati ata ng baso ang nailagay niya. Mabilis niya itong inimom na walang tigil kahit na ba ay purong brandy ito. Saka uminom ng tubig.

Napapikit siya sa pait ng alak saka nag buntong hininga.

Napansin naman yon ni Zion.

"Ayos ka lang pare?!"

"Oo brad! Ayos lang.. kanta pa tayo. Sabayan mo ako." Tila umiiwas na sabi ni Luke.

Tumayo si Luke at muling nag gitara. Nung nag simula na at pamilyar naman ito sa pandinig ni Zion kaya tumayo na rin siya at sumabay siya sa pagkanta.

Matagal ko ng gustong malaman mo

Matagal ko ng itinatago-tago 'to

Tila nag ko-concert ang dalawa. Umiindayog pa ang mga katawan nilang sumasabay sa tempo ng kanta. Kunwari ay may invisible mic na hawak si Zion.

Nahihiyang magsalita at umuurong aking dila

P'wede bang bukas na

Ipagpaliban muna natin 'to

Dahil kumukuha lang ng tiyempo

Upang sabihin sa iyo

Nagtinginan sila na pailing-iling ang ulo. Saka nagpatuloy.

Mahal kita pero 'di mo lang alam

Mahal kita pero 'di mo lang ramdam

Mahal kita kahit 'di mo naman ako tinitignan

Mahal kita pero 'di mo lang alam

Matagal ko ng gustong sabihin 'to

Matagal ko ng gustong aminin sa'yo

Sandali, 'eto na, at sasabihin ko na nga

Ngayon na, mamaya, o baka p'wedeng bukas na

Dahil kumukuha lang ng bwelo upang sabihin sa iyo.....

Napa 'woooo' pa sila nang matapos nila ang kanta. Pareho na silang may tama.

(Sa alak? O sa puso?)

Sa alak.

"Oh ikaw naman. Pagod na ako." Sabay abot ni Luke ng gitara kay Zion.

Tinanggap naman ito ni Zion at inilagay sa ibabaw ng sofa.

"Maya nalang ulit."

Tumagay ulit sila.

Kwentuhan.

Tawanan.

Mayamaya'y may kung anong kinalaykay si Zion sa ilalim ng center table. Kumuha siya ng isang itim na papel mula sa mga papel na nakasalansan doon. Kasinlaki ito ng 1/4 na illustration board.

Lumapit siya kay Luke at ipinakita ang itim na papel. Walang ano mang nakasulat doon, blangko lang ito. Umupo siya sa tabi ni Luke.

"Pare tingnan mo to." Sabay abot kay Luke ng papel. Mediyo lumapit ang ulo niya kay Luke na para bang may gustong ipakita ito sa kanya.

"Bakit anong meron dito?" Nagtatakang tanong ni Luke.

"Pumikit ka at magbilang ng limang segundo, pagmulat mo tingnan mo ng maige ang itim na papel na ito. Makikita mo ang mapapangasawa mo." Seyosong sabi ni Zion.

"Ano namang kabaduyan ito?" Mangitingiting sabi ni Luke.

"Basta gawin mo, subukan mo lang.. bago mo gawin, umupo ka ng tuwid, itapat mo sa mukha mo yan saka bumuntong hininga.. akin na, samplolan kita."

Kinuha ni Zion ang papel. Umupo ito ng tuwid, itinapat nito ang papel na tila nakaharap sa salamin saka bumuntong hininga.

Binalik niya ito kay Luke. At pailing-iling namang inabot ito ni Luke.

"Sige na gawin mo na."

Ginawa ito ni Luke, sinunod ang mga sinabi ni Zion. Pag mulat niya ng mata, wala naman siyang nakita.

"Wala naman! Inuuto mo lang ata ako."

"Ha? Mag concentrate ka kasi..ulitin mo!" Matigas na sabi ni Zion. Saka ito tumayo pabalik sa pwesto na nakharap kay Luke.

Napansin niyang hindi naman ginawa ni Luke kaya minanduhan niya ulit ito.

"Sige na! Gawin mo na!"

Pakunot noo namang tumugon si Luke.

Ginawa niya ulit yung utos ni Zion. Umupo ng tuwid, tinapat sa mukha ang itim na papel na parang nanalamin, buntong-hininga, pinikit ang mata, nagbilang ng limang segundo, saka iminulat ang mata.

Pilit niyang hinanap ang sinabi ni Zion na 'future mapapangasawa' daw. Wala naman siyang makita.

Dahan-dahan niya ibinaba ang papel upang balikan si Zion at sabihing wala naman siyang makita.

Pagkababa niya ay..

"PUTANG-INA!!!"

Gulat na bulalas niya. Naitapon niya ang papel. Paano ba naman, pagkababa niya ng papel ay ang nakangiting-asong mukha ni Zion ang nasilayan niya.

Humalakhak si Zion. Habang asar talo naman si Luke.

"Ano, nakita mo ba yung mapapangasawa mo?" Hindi parin ito matigil sa katatawa.

"Tang-ina mo! Gago!"

Ang pagkainis ay mayamaya lang ay napalitan ng ngiti at tawa.

Napasarap sila nang inuman. Napagdesisyunan narin nilang magpahatid nalang sa driver nila Zion kinabukasan. Hindi parin naman tumitila ang ulan.

Mag-aalas nuebe na rin natapos ang inuman nila. Hindi naman sagad ang kalasingan nila. Nakakapagsalita at nakakakilos pa naman sila ng maayos.

Naligo muna sila. Binigyan naman ni Zion si Luke ng extrang toothbrush at pinahiram ng pajama para magamit nito.

Magkatabi silang humiga at natatakpan ng iisang malaking comforter ang kalahati ng kanilang katawan. Nakatihaya si Zion, samantalang naka tagilid naman si Luke patalikod sa kanya.

"Luke."

"Hmmm." Tila antok na tugon ni Luke.

"Bakit hindi ka nalang nag singer? Sa ganda ng boses mo.. kung ganyan kaganda boses ko hindi ko ikakahiya. Daig mo pa nga yong ibang sikat na singer diyan eh.?"

Dahan-dahang tumihaya si Luke.

"Hindi pa ba tayo matutulog? Maaga pa tayo bukas." Tanong niya.

"Bakit nga?" Pangungulit ni Zion.

Ilang sandali muna ang lumipas bago sumagot si Luke.

"Binubully ako noong araw."

"Ohh?? Ikaw binubully?" Di makapaniwalang tanong ni Zion.

"Oo, maniwala ka man at sa hindi.. dahil dun, takot akong kumanta sa harap ng maraming tao. Takot mapahiya."

Nakaramdam ng awa si Zion.

"Ah kaya."

Mayamaya'y tumagilid si Zion paharap kay Luke. Itinukod ang siko at pinatong ang ulo sa palad. Tila nagpapakita ito ng interest sa mga ikukwento ni Luke.

"Sino nambubully sayo?.. tara balikan natin.!"

Napangiti nalang si Luke.

"Wala na yon, matagal na yon." Wika niya.

Bumalik sa pagkakahiga si Zion.

Mga tatlong minuto rin, saka muli itong nag salita.

"Luke."

"Oh?" Tugon naman ni Luke na nakapikit.

"Tungkol ito sa play natin bukas."

"Bakit anong meron sa play?"

Hindi kaagad nakapagsalita si Zion.

"Yung kissing scene natin."

"Bakit?" Nakapikit pa rin niyang tugon.

"Praktisin ulit natin? Kahit yung kiss lang."

Napamulat naman si Luke sa pagkabigla at napalunok.

Dahil nga sa tulong ng alak, derecho itong nasabi ni Zion kay Luke nang hindi nahihiya.

"Seryoso ka ba?" Kabadong tanong ni Luke na nakatingin kay Zion.

"Mukha ba akong nagbibiro?" tumingin ito kay Luke.

"Tsk.. matulog na tayo! Maaga pa tayo bukas."

Sabay talikod.

Dahil sa kagustuhan ni Zion na gawin yun. Kinulit niya si Luke.

Kinalabit niya sa balikat, ngunit hindi ito kumibo. Isang kalabit pa, hindi parin kumibo. Pinasok niya ang kamay sa loob ng comforter at hinimas ang pwetan nito. Saka napabalikwas ito at humiga.

"Tssskk!! Kulit mo!" Pagrereklamo nito.

"Sige na, isa lang." Pagpapacute na pagmamakaawa ni Zion.

"Oi.... Dali na." Nakanguso pa ito at nag puppy eyes. Parang bata ang asta nito.

Kung babae lang ang nakasaksi sa pagpapa-cute na ginawa ni Zion. Sigurado susunggaban agad ito.

Bumuntong-hininga si Luke. Naguguluhan siya sa mga inaasta ni Zion. Ibang-iba ang Zion na kasama niya ngayon. Napapansin niya ring nagiging iba ang pakikitungo nito sa kanya nitong mga nakaraan.

"Tsk, sige isa lang, nang matahimik ka na." Inis nitong sabi.

Lumawak naman ang ngiti ni Zion at mabilis na umusog papunta kay Luke.

Para kay Zion hindi lang talaga practice ang gagawin niya, gusto niya lang talagang halikan si Luke. Sa tuwing nakikita niya ang mga labi ni Luke ay hirap siyang pigilan ang sarili. Para sa kanya, parang droga ito, nakakaadik.

"Wag mo ng banggitin ang lines mo. Basta hahalikan nalang kita." Walang hiyang sabi ni Zion.

Pumikit nalang si Luke, ayaw niyang makita ang pagnanasang nakabakas sa mukha ni Zion. Tila sobrang excited kasi ito sa gagawin.

Naramdaman niya nalang na lumapat ang mainit na labi nito sa labi niya. Nanatili lang itong nakadikit.

Mayamaya ay iniwas na ni Luke ang labi niya sa labi ni Zion at mahinang itinulak ng kamay si Zion.

"Okay na. Tulog na tayo."

Dismayado namang parang nabitin itong si Zion. Tila ba hindi ito papayag na hanggang ganun nalang.

"Ano? Smack lang yon. Hindi pa tapos." Pangungulit nito.

Napabuntong hininga nalang ulit itong si Luke.

Pumikit.

"Oh sige na bilisan mo."

Lumapat muli ang labi ni Zion sa labi niya. Pero sa pagkakataong ito, hindi lang ito bastang nakadikit. Nilalaro nito ang mga labi niya. Tila hindi ito titigil hanggang hindi niya tutugunin ang mga halik nito.

Hindi naman tumagal ay nagsimula na ring nadala si Luke sa sarap na dulot ng halik na yon. Mas pinaige pa ni Zion ang paghalik noong maramdaman niyang gumaganti na si Luke sa pakulo niya.

Muling nag-alab ang katawan niya at mas ninais na pag-igihin pa ang paghalik. Halos hindi niya na makontrol ang apoy na lumulukob sa kanyang pagkatao.

Hindi niya namalayang dahan-dahan niya nang inilapit ang katawan sa katawan ni Luke. Hanggang sa tuluyan na siya makapatong sa ibabaw ni Luke.

Naramdaman niyang tumatanggi si Luke dahil bahagya siya nitong tinutulak. Kaya mas ginalingan niya ang paghalik. Nagtagumpay naman siya dahil nilalamon na rin ito ng apoy na sinimulan niya. Tumigil ito sa pagtutulak sa kanya. Napayakap ang isang kamay nito sa katawan niya habang ang isa ay nakakapit sa batok niya.

Nagtagumpay si Zion na ipasok ang dila niya sa bibig ni Luke. Tumugon naman si Luke at sinalubong na rin ng dila nito ang dila niya.

Hindi na magkandaumayaw si Zion sa labis na kapusukang naramdaman. Dahan-dahang ipinasok sa loob ng damit ni Luke ang isang kamay niya at buong pagnanasang hinaplos ang katawan ni Luke.

Dahil sa sarap na naramdaman, gumanti narin si Luke sa paghimas ng katawan ni Zion at dahandahang hinubad ang pang-ibabaw na damit ni Zion.

Bumitiw muna sila at nagkatitigan. Walang pagkailang na bumabakas sa mukha nila. Tanging pagnanasa ang nakikita nila sa mata ng bawat isa. Bumibigat ng bumibigat ang bawat hininga nila.

Hinubad na rin ni Zion ang damit ni Luke. Saka itinuloy nila ang paghahalikan.

Balat sa balat, init sa init.

Lalo silang nabaliw sa sensayong naramdaman lalo na't magkalapat na ang kanilang mga katawan.

Niyakap ni Zion si Luke ng buong higpit at tila gustong ibaon ang katawan nito sa loob ng katawan ni Luke. Sinimulan nitong umindayog sa ibabaw ni Luke. Ramdam nilang pareho ang matitigas na bagay na nagkikiskisan sa bandang baba nila.

Nang magising ang diwa ni Luke. Ay malakas niyang itinulak si Zion.

Bakas sa mukha ang pagkabitin nito.

Tumihaya.

Sabay silang hinihingal. Hingal na may kasamang naudlot na kapusukan.

Nagsuot ng damit si Luke at tumagilid patalikod kay Zion.

Pakiramdam ni Luke nawala ang kalasingan niya dahil sa kaganapan na yon. Tila may nagtatalo sa isipan niya.

Ilang sandali ang lumipas saka muling nag salita si Zion.

"Mahal mo pa ba siya?" Derechong tanong ni Zion.

Wala siyang nakuhang sagot.

Hanggang ngayon kasi ay bumabagabag parin sa isip ni Zion ang kwentuhang naudlot tungkol sa taong minahal ni Luke.

"Akin ka nalang."

Seryoso ang pagkakasabi ni Zion na tila ba hindi ito nababaklaan sa mga sinabi. Para bang napakahirap paniwalaan na ang isang katulad ni Zion ay nagsasabi ng mga ganitong bagay sa kapwa niya lalake.

Para kay Zion, gustong-gusto niya na si Luke. Halos ayaw niya nang mawalay ito sa kanya. Kung kailangan niyang maging sweet lagi kay Luke gagawin niya ito. Kung kabaklaan mang tawagin ang ginagawa niya, wala na siyang pakealam.

Kapag gusto niya, kukunin niya kahit gaano pa ito kahirap.

Katahimikan.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Brad Mahal Kita, Matagal Na (Part 9)
Brad Mahal Kita, Matagal Na (Part 9)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiqUubzcS4U5P3uCWiuUcJdrj0MGrzwqegCOdBvgPFurOAUca1dQce1XtbRVTEa3amh0wVF_Tyi79EsejUAMl_sd6Lfz-bcanDGjMs_LopsrKqnpqpoSv7Jy-_l4ieyH030nKZWY1KF0i7P/s320/Brad+Mahal+Kita%252C+Matagal+Na.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiqUubzcS4U5P3uCWiuUcJdrj0MGrzwqegCOdBvgPFurOAUca1dQce1XtbRVTEa3amh0wVF_Tyi79EsejUAMl_sd6Lfz-bcanDGjMs_LopsrKqnpqpoSv7Jy-_l4ieyH030nKZWY1KF0i7P/s72-c/Brad+Mahal+Kita%252C+Matagal+Na.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2020/06/brad-mahal-kita-matagal-na-part-9.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2020/06/brad-mahal-kita-matagal-na-part-9.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content