Umupo sa tabi ni Josh si Eman at sinimulan niya itong halikan sa labi. Maya’t maya pa ay kapwa wala ng saplot ang dalawa sa ibabaw ng kama...
Umupo sa tabi ni Josh si Eman at sinimulan niya itong halikan sa labi. Maya’t maya pa ay kapwa wala ng saplot ang dalawa sa ibabaw ng kama ni Eman. Matindi pa rin ang halikan ng dalawa. Tulad ng una nilang mainit na pagtatalik, baligtaran ang kanilang posisyon at naging abala sa pagsuso ng ari ng isa’t isa hanggang sa labasan sila. Matapos ang isa na namang mainit na tagpo sa pagitan ng dalawa ay pinagsaluhan nila sa paghiga ang makipot na kama ni Eman.
“Bakit nakaya mo ang mag-blow job? Paano ka natuto?” ang tanong ni Josh kay Eman.
“Nakasanayan ko na rin sir. Di ba sa dati kong trabaho. Syempre noong simula ay hindi ko masikmura. Mumog at toothbrush lang naman ang katapat nun.” ang tugon ni Eman.
“Kayo sir, kailan nyo unang ginawa iyon?” ang tanong naman ni Eman kay Josh.
“Matagal na iyon. Nag-aaral pa ako. May naging barkada ako noon, si Daniel. Classmate ko rin siya. Isang varsity player siya sa school namin. Mahilig di ako magbasketball noon pero hindi makapasa bilang varsity player. Ewan ko kung bakit gusto ko siyang makasama palagi. Masaya ako kung kasama ko siya. Super bait niya kasi lalo na sa akin. Minsan meron kaming assignment na nahihirapan siyang sagutin. Pinapunta ko siya sa bahay para matulungan ko siya. Gabi na ng matapos kami sa aming assignment kaya sa bahay ko na siya pinatulog.” ang panimulang kwento ni Josh.
“Kaya nagkaroon ka ng pagkakataon na i-rape ang kaibigan mo.” ang biro ni Eman.
“Hindi naman rape. Nakahiga na kami noon na magkatabi ng bigla niyang akong tanungin kung gusto ko daw ba siya. Syempre nabigla ako at todo tanggi ako. Subalit ng ipahawak niya ang kanyang alaga at parang nakuryente na ako at sumunod na lamang sa nais nyang mangyari. Yung ang fisrt time ko. Simula na iyon ng aming relationship. Una ko iyon pero pangalawang lalaki na daw ako sa buhay niya. May naging girlfriend din siya. Pero mas magaling daw magmahal ang kapwa niya lalaki. Kaya naman tumagal kami hanggang sa makapagtapos na kami.” ang patuloy na kwento ni Josh.
“Nasaan na siya? Anong nangyari na sa kanya?” ang tanong naman ni Eman.
“Kapapasa lang namin noon sa board exam ng umuwi muna siya sa Davao. Taga-Davao kasi siya. Nayaya siya ng mga barkada niya na umakyat ng bundok. Yun naman kasi ang nakahiligang adventure niya at ng mga barkada niya sa Davao. Nagkaroon ng aksidente. Nahulog siya sa isang bangin kasama pa ang isa sa kanyang mga barkada. Kapwa sila nasawi ng hindi agad sila na-rescue. Sayang na sayang. Napakabait pa naman niyang tao. Napamahal na siya ng lubusan sa akin.” ang kwento pa ni Josh.
“Sandali kong nalimutan ang yugtong iyon ng aking buhay ng ipadala ako ng aking mga magulang sa Amerika upang maging dalubhasang doctor. Pag-aaral muli ang inatupag ko sa Amerika. Nakapagbakasyon lang ako muli sa Pilipinas ng mamatay ang aking mga magulang sa isang car accident. Kahit nagdadalamhati ako noon ay bumalik pa rin ako sa Amerika upang tapusin ko ang aking pag-aaral. Si Carmi, yung napangasawa ko ay isang nurse sa hospital na pinasukan ko sa aking pagbabalik sa Pilipinas. Siya ang una at kaisa-isang girlfriend ko. Sya na rin ang pinakasalan ko. Hindi nga boto si Yaya Lucring sa kaya. Pati na rin ang mga naging kaibigan kong doctor ay may hindi magandang nasasabi tungkol kay Carmi. Subalit talaga yatang matinik si Carmi. Nabihag nya ang aking puso. Kahit ano pa ang sabihin ng iba ay balewala iyon sa akin dahil sa sobrang pagmamahal ko kay Carmi.” ang patuloy na salaysay ni Josh sa kanyang buhay.
“Ano naman sir ang naging dahilan ng pag-alis ni Mam Carmi?” ang tanong na naman ni Eman.
“Ilang buwan na rin kaming kasal noon ni Carmi ng matuklasan niya ang aking lihim. Yung mga pinakatago-tago kong alaala ni Daniel. Yung mga lawaran namin. Kahit anong tanggi ko sa kanya ay hindi niya ako pinaniniwalaan. Hindi kasi maipagkakaila yung isang larawan ni Daniel na may dedication pa siya at may mga katagang ‘I love you’. Tanga lang daw ang maniniwala sa akin at hindi daw siya tanga. Iyon na ang simula ng madalas naming pagtatalo. Lingid sa aking kaalaman na inaasikaso na ni Carmi ang mga papers niya papunta sa Amerika kahit alam niyang nagdadalangtao na siya. Nabigla na lamang ako ng magpaalam siya at tuluyan ng nakipaghiwalay sa akin.” ang malungkot na kwento pa ni Josh.
Naramdaman ni Eman ang kalungkutang iyon ni Josh dahil sa kanyang mga naikwento. Niyapos na lamang ni Eman ang katabi.
“Ako sir, hinding hindi ko kayo iiwan at talagang pakamamahalin habang buhay.” ang binulong ni Eman sa amo.
Tila nabingi-bingihan lamang si Josh sa kanyang narinig. Wala itong nasambit na salita sa nasabi ng kanyang driver. Tila inaasahan na ni Eman na ganoon lang ang magiging reaction ng kanyang amo.
“Basta ako sir, mamahalin kita at pagsisilbihan hanggang ako’y nabubuhay.” ang idinugtong na lamang ni Eman.
Kahit papaano ay nalampamsan ni Josh ang lungkot na dulot ng huli niyang naging suliranin. Sa tulong ni Eman ay muling lumiwanag ang buhay ni Josh. Isang araw sa isang mall ay naganap ang tila ayaw mangyari ni Eman sa harapan ng kayang mahal na amo.
“Eman, Eman………” ang biglang tawag sa kanya habang naglalakad sila sa loob ng isang mall.
“Ikaw nga si Eman.” ang dugtong pa ng lalaking tumawag sa kanya ng magkalapit na sila.
“O ikaw pala Richard. Kumusta na?” ang tanong naman ni Eman.
“Uy mukhang bigating ka na ah. Dahil ba sa papa mong iyan.” ang nasabi ni Richard sa halip na sagutin ang tanong ni Eman.
“Pare, huwag mo naman ganyanin ang amo ko.” ang pakiusap ni Eman dahil dinig na dinig ni Josh ang nasabi ni Richard.
“Amo mo? Syempre naman, boy toy ka yata nya kaya amo mo nga sya.” ang nasabi pa ni Richard na lalong ikinairita ni Eman.
“Baka pwedeng umextra sa papa mo? Mukhang malaking magbayad yan. Para naman magka-datung din ako. Alam mo na, mahina na ngayon ang kita sa masahe.” ang dugtong pa ni Richard na mas lalong ikinagalit ni Eman.
“Pare pwede ba lubayan mo na kami. Matagal ko ng iniwan ang hanap-buhay kong iyan. Driver ako at amo ko siya.” ang pagalit na nasabi ni Eman kay Richard.
Si Josh ay nanahimik na lamang at tila ayaw na rin patulan ang kakilala ni Eman na kakaiba ang tabas ng dila.
“Boss, pwede ako ngayon. Di hamak na mas magaling akong magserbisyo kaysa dito kay Eman.” ang biglang sinabi ni Richard kay Josh na mas higit na ikinagalit ni Eman.
Isang malakas na suntok ang ibinigay ni Eman kay Richard. Tila natauhan si Richard ng mga sandaling iyon at hindi nakaganti kay Eman.
“Taran na Eman. Nakakahiya kung papatulan mo yan. Tama na.” ang pag-awat ni Josh kay Eman.
Naging sentro ng atensyon ang tatlo sa mga taong nakasaksi sa kanila. Nang papalapit na ang guard ay tila umiwas na lamang sina Josh at Eman na mausisa pa kung anong nangyari. Si Richard naman ay lumayo na rin agad sa lugar na iyon.
“Pasensya na sir sa nangyari kanina.” ang paghingi ng paumanhin ni Eman sa amo habang binabaybay nila ang daan pauwi sa bahay.
“Hindi mo na sana pinatulan ang mokong na iyon. Nakakahiya tuloy sa mall.” ang nasabi naman ni Josh.
“Sorry po sir. Pero binabastos na po kayo. Kung ako lang ang babastusin niya ay okey lang. Pero iba na ang usapan kung kayo na ang babastusin.” ang naging tugon naman ni Eman.
“Sino ba yun?” ang tanong ni Josh.
“Dati ko po siyang kasamahan sa massage parlor na pinapasukan ko. Maangas talaga yun kahit noon pa man. Malakas kasi siyang humakot ng customer kaya paborito siya ng may-ari. Kahit inis na inis na ang mga kasamahan namin sa kanya ay hindi siya magalaw kasi baka sila pa ang matanggal.” ang naging tugon ni Eman.
“Next time control your temper. Hindi maganda yang padalos-dalos.” ang nasabi na lamang ni Josh kay Eman.
“Sige po sir. Pasensya na po.” ang muling paghingi ng paumanhin ni Eman.
Inis na inis si Eman ng gabing iyon. Hindi siya tuloy dalawin ng antok. Pilit sumasagi sa kanyang isipan na nagsisimula na ang kanyang karma dahil sa masamang hanap-buhay niya noon bilang isang masahista at sa pagbebenta na rin niya ng kanyang katawan. Naisip nya tuloy na parang hindi na niya matatakasan ang kanyang nakaraan. Sa pagkakakilala nya kay Josh ay muli niyang naranasan ang pakikipagtalik sa kapwa lalaki na sa halos dalawang taon niyang pag-alis sa dati niyang trabaho ay parang hinahanap na rin ng kanyang katawan. Si Josh ang naging tugon sa pagkauhaw niya sa ganoong klaseng pagtatalik. Subalit ngayon ay wala na itong kabayaran. Buong puso niyang pinagkakaloob kay Josh ang kanyang katawan kasama ang kanyang puso.
Subalit ang mga dating kasamahan at ang mga naging customer nya, hindi niya malaman kung magiging balakid pa rin sila sa pagbabagong buhay niya. Tulad ng eksena kanina sa mall, ilan pa kayang dati niyang kasamahan ang pagtatagpuin ang kanilang landas. Tulad din kaya ng inasal ni Richard ang magiging tagpong iyon. Ang kanyang mga naging dating customer, baka kakilala nila si Josh at ano na lang ang sasabihin nila kay Josh kapag nakita silang magkasama. Baka hingin din kay Josh ang kanyang serbisyo. Papaano na kaya kung sakaling mangyari ang mga iyon. Ang mga katanungang ito ang bumabagabag kay Eman ng gabing iyon.
Nang weekend na iyon ay nagyaya si Josh sa Batangas upang bisitahin muli ang kanyang farm. Sa pagkakataong iyon ay sa isang silid na natulog ang dalawa. Kaya naman sinamantala na ni Eman na malaman ang totoong saloobing ng amo niya sa kanya. Matapos ang isa pang mainitan nilang pagtatalik ay sinimulan na ni Eman na tununging ang kanyang amo.
“Sir masaya po ba kayo na magkasama tayo?” ang tanong ni Eman.
“Oo naman. Napakabait mo at naiintindihan ako.” ang sagot naman ni Josh.
“Alam nyo sir, di pa rin ako makapaniwala na magugustuhan nyo ako.” ang nasabi naman ni Eman.
“May mga pangangailangan din ako. Syempre ikaw ang naging sagot sa pangangailangang iyon ng aking katawan.” ang naging tugon ni Josh.
“Noon pa man sa bahay namin sa Cagayan, alam ko naman lahat ng ginawa mo sa akin noong una pang gabi tayong nagtabi.” ang pagtatapat ni Eman.
“Noon pa man ay gusto ko ng sabihin sa iyo na buong puso kung ipagkakaloob ang katawan ko basta kailanganin mo.” ang dugtong pa niya.
“Ganoon ba!” ang tanging nasabi ni Josh at natawa na lamang sa narinig sa mga labi ng driver.
“Sir naman. Totoo iyon. Hindi lamang katawan ko, pati puso at kaluluwa ko ibibigay ko sa inyo.” ang pagtatapat pa ni Eman.
“Huwag na natin munang pag-usapan yan. Ang mahalaga masaya ako at masaya ka.” ang tanging nasabi ni Josh.
“Hindi nyo po ba ako mahal? Talaga nga bang katawan ko lang ang habol at gusto nyo sa akin?” ang mga tanong ni Eman.
“Hindi naman sa ganoon. Ayaw ko lang magmahal muna. Lagi na lamang silang nawawala. Masasaktan na naman ako.” ang mga nasabi ni Josh.
“Pangako, hinding-hindi ako mawawala sa buhay nyo. Ganoon na kita kamahal.” ang pagsusumamo ni Eman.
“Papaano ang girlfriend mo? Tunay kang lalaki at babae din ang hahanapin mo balang araw. Hindi ko na makakaya pa ang magmahal muli tapos mawawala din sa buhay ko.” ang pagtanggi ni Josh.
“Wala na po kami ni Mariel. Mas pinili nya ang mangibang-bansa kaysa sa akin. Okey lang po iyon. Habang maaga pa ay nalaman ko na kung sino at ano ang priority niya sa buhay. Tutal mas masaya naman ako na mapagsilbihan ang taong pinakamamahal ko.” ang naging tugon ni Eman.
“Masaya ako na kapiling kita. Higit pa sa isang driver ang turing ko sa iyo. Sa tingin ko nga eh hindi lamang manubela ng kotse ko ang hawak mo, pati ang manubela ng buhay ko ay tahan-tahan mo na.” ang nasabi naman ni Josh.
“Talaga po sir. Ibig bang sabihin ay mahal nyo rin ako.” ang tuwang-tuwang nasabit ni Eman.
“Hep, hep, hep. Wala akong sinasabing ganoon.” ang biglang kabig ni Josh.
“Ganoon na rin po iyon. Alam nyo sir ako na yata ang pinakamasayang tao sa mundo.” ang dugtong naman ni Eman.
Sa labis na kagalakan ni Eman ay hinalikan niya sa mga labi ang kanyang amo. At sa pangalawang pagkakataon sa gabing iyon ay muli silang nagtalik. Mas hinigitan pa ni Eman ang romansa niya sa amo upang lalong maligaya ito. Madaling araw na ng makatulog ang dalawa.
COMMENTS