$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Wisik (Part 2)

By Daisuke02 Una thank you Admin for changing the title. Swak! Dun sa naghintay ng part 2. Sorry po, masyadong madaming ganap lang due t...

By Daisuke02

Una thank you Admin for changing the title. Swak! Dun sa naghintay ng part 2. Sorry po, masyadong madaming ganap lang due to Covid-19. Dami din workloads so I rarely had the spare time to write and focus on this.

---

“Shin. Shin. ‘tol gising na.”, mga sinasabi ni Zach habang inaalog ang kaibigan na natutulog sa sofa bed nila. Ilang beses din niya itong ginawa at sa panglima pagkakataon nagising na ang kanyang kaibigan.

“Tangina ka! Kanina pa kita ginigising. Tulog mantika kasi.” dagdag nito.

Tila hirap gumalaw sa kinahihigaan si Shin. Marahil dala na rin ng tama ng alak kagabi nung mag one to sawa silang uminom ni Zach dulot ng pangyayari ng gabi ding yun. “Sorry na sir, napasarap lang po ng inom.”

“Yan kasi magyaya maginom ang hina naman ng tolerance.” usal ni Zach.

“Wow ha! Hindi naman mahina tolerance ko ah. Ikaw kaya ‘tong sunog atay. Nakatatlo kaya tayong empi. Sa tingin mo normal yun?” paliwanag naman ng kaibigan.

“Hmmmm. Oo normal lang.”

“Mukha mo! Dalawang tayo uy! Pero at least tipsy lang naman ako.”

“O sya, magayos ka na. Kumuha ka na lang sa kwarto ng tuwalya at damit pampalit at maligo ka na. Baho mo! After samahan mo na akong magbreakfast. Pinagluto ka ni Mama ng paborito mong hungarian omelet.” sunusunod na utos ni Zach.

“Ang bait talaga ni tita. The best!”

“Ewan ko nga, ikaw siguro yung anak. Pag ako nagrerequest na gumawa siya nyan madaming excuses tapos pag ikaw makita ka lang matic! So ano ampon ako? or kapatid kita sa labas?”

“Ang drama. Bisita ako uy, you know. At least pareho tayo makakain nyan today.”

Tumango na lang si Zach at gumayak naman si Shin sa kwarto nito upang sundin ang utos ng kaibigan.

Dumating na ang pasukan.

ZACH’s POV

As usual, ito ako ngayon sa tapat ng apartment ni Shin. Magkakasakit na ata ako sa leeg kakatigin sa pintuan at relos ko ng salitan. Ang tagal ng mokong magayos.

Ako nga pala si Zacharias Asence. Business Management student. Ako yung guy na wallflower lang. Which is beneficial for me. Pero itong si Shin minsan ang dahil kung bakit may times na extrovert ako pero most of the time nangyayari lang yun kapag kasama ko siya. Ayaw nya kasi ng mga pangmalakasang introvert kasi dapat pagsiya ang kasama mo magphase up ka sa kanya. Minsan nga nung umattend kami ng College Acquaintance Party dumistansya ako sa crowd at sinabi ko sa kanya sobrang nahihiya ako. Ay ang mokong ginawa ba naman hinatak ako sa gitna ng dance floor at hinamon akong dance challenge palibsa magaling maghiphop. Tangina lang sobrang hiya ko nun. Namumula ako pero wala nandun na ako. So sinakyan ko lang. Nairaos naman. May times kasi na nakikita kong sumasayaw ang mokong so pinagmamasdan ko lang kaya kahit papano marunong naman ako.

Magkaroon ka talaga ng kaibigan na walang hiya magiging ganon ka din. Sya nga pala si Shin ay matagal ko nang kaibigan since hayskul kami. So alam ko lahat ng kwento ng buhay niya ganon din naman siya sa akin. Maliban lang sa isa. Which is malalaman nyo as this story progresses.

Ayan, nakapagshare na ako sainyo pero ang Luis nasa loob pa rin. Ganito na lang ba araw-araw? After 15 mins linuwa na rin ng pintuan ang kumag.

“Hoy Luis, hindi mo ako pinapasweldo para maghintay sayo ng araw araw.” bungad ko sa kanya nung makalapit kung saan ako nakaparada.

“‘Tol, kalmatology.” Sabay niyang itaas ang parehong palad sa ere.

“At bakit ka naman nakauniporme?” tanong ko sa kanya. Next week pa maguuniform eh.

“So yun nga. Kaya ako natagalan from the usual, kasi yung Student Recruitment Office kanina lang akong umaga tinext na magdala ako ng uniform today at may pictorial kami para sa posters and flyers. Eh hindi ko pa naman ito napplantsa so yun.”

“Okay. Courtesy of informing perhaps? Para alam ko at muntik nang uminit ulo ko?”

“Sorry na. Libre na lang kita mamaya pag lunch.” At nagtwinkle eyes ang pota.

“Mukha mo, may twinkle eyes ka pang nalalaman. Tara na at baka malate pa tayo.”

Pasalamat na lang kami at walang masyado traffic. Nagpark ako sa likod ng college building namin. Mabilis kaming bumaba ni Shin at naghiwalay ng landas at napagusap na magkita na lamang kami sa canteen by 10:30AM.

---

Mabilis naman natapos si Shin sa kanila promotional pictorial. At gaya nga na napagusapan tumungo agad ito sa canteen.

Shin’s POV

Ano kayang pagkain ngayon? Agad kong hinugot ang pitaka na nasa aking bulsa. Tiningnan ang laman kung tama pa ito para sa aming dalawa ni Zach. Pag may atraso kasi ako sa kanya at pag sinabi ko na lilibre ko siya ay sagad kung humirit.

Nakarating na ako sa canteen. Wala pa rin siya. Baka late pinalabas ng Prof nila. Naghanap muna ako ng mauupuan at saka ko siya tinext kung nasaan na parte ako ng canteen. Nagreply naman ito na okay daw. Tama nga ako on-going pa rin class nila. So naghintay na lang ako. Hindi pa naman ako masyadong gutom dahil may pagkain naman kanina sa shoot.

Habang kinakalikot ko ang cellphone ko. Alam kong may upo sa harap na silya ng mesa kung nasaan ako. Naamoy ko ang pabango nung nasa harap ko. Alam ko ang pabango ito. Dahil sa halos araw-araw ko ito noon na naaamoy at ako pa mismo ang pumili ng scent na ito. Mukhang alam ko na kung sino siya. Ilan lang sa campus ang may ganong suot na pabango at alam ko din ang amoy kapag nagsama ang pawis at ito nung taong kilala ko.

Hindi ko na lamang nilingon bagkos ay nanatili akong nakayuko at nakatutok sa aking cellphone.

“Shin”, bangit nito sa mahinang boses.

“I am busy, do you need anything?”, matabang na sagot ko.

Natahimik siya ng ilang sandali.

“Shin, I’m sorry about last time.”, mahina parin boses niya pero mukhang nahihikib.

“Don’t cry. You’re in public space. This is not you.”, ang aking muling tugon pero hindi ko pa rin linilingon.

“Can’t help it. This is you’re effect on me.”, klaradong boses na ang aking naririnig mula sa kanya. “Sorry, I really do. And I still love you. Aalis na ako. At least nakausap pa din kita kahit papano. I know you’re not in the mood. Bye.”

Gaya ng pagupo niya ay gayun din ang kanyang pagalis napakaingat. Naamoy ko pa rin ang pabango kahit wala na ang taong yun. Sa utak ko sabi, tangina ka Enzo! Ang daming hirap pinagdadaan ko sayo! Napabuntong hininga na lamang ako ng malalim at biglang napatingin sa kisame ng canteen. Hanggang sa may tumapik sa aking likod.

“Uy! Anyare sayo ba’t ka nakatingin sa itaas?”, Bati at tanong ni Zach.

“Ah wala. Tara kain na tayo? Anong order mo?”, sagot ko.

“Yes, makakabawi din!”

At yun, sandamakmak ang inorder nito kumpleto may sopas, main course, dessert, drinks at ipihabol pa ang takeout na merienda niya mamayang hapon. Wala naman akong nagawa kundi bilhin. Wala naman kaso sa akin. Dahil yung na din naman ang aking way of saying thank you sa lahat na tulong naginawa nito for me Nawalang kapalit.

Hindi ko na sa kanya kinwento yung nangyari kanina. Alam ko na naman sasabihin niya sa akin. Na ako yung taong sobrang hard at pokerface. Hindi naman ah!

---

Gabi ng linggo. Nagmessage naman ulit itong Yu Perez.

Yu: Hello! Sakit naman ignored lang ako.

Yu: Anyway see you tomorrow! Goodnight!

Sa isip ko, tangina ang creepy nitong Yu na ito. So ginawa ko binlock ko.

Kinaumagahan sa school.

On the usual day ko. I am always running late! Dikit-dikit pasok ko pag TTHS. Yung sunod ko kasing klase after nung first subject ko ay sa engineering building which is 5 buildings away sa college building namin. Yung Management Science kasi na class ay non-block so mixed up ang estudyante tapos ang pagkakaalma ko yung Prof ko for ay isang Engineer logically dun talaga yun room niya.

So yun para akong nakikipagmarathon makarating lang on time dahil ito yung first meeting naming at kadarating lang ni Prof from abroad (sya na!). After 5 mins na takbok nasa classroom na ako. Hingal na hingal tapos nagstart na sila. Pumasok ako sa likod na pinto at nagbigay na sign for saying sorry sa Prof ko for coming in late. Sakto may isang bakanteng upuan dun na ako naupo.

“Alright sakto dating mo magsisimula pa lang kami halos, mukhang hingal na hingal ka?”, Mga salitang narinig ko sa Prof ko na alam ko ako ang kinakausap niya.

“Yes sir, I’ve ran from CBA building going here from my previous class.”, sagot ko na medyo nahihiya at alam kong nakatingin mga kaklase ko sa akin.

“Ang layo nga naman. Anyways, further instructions ulitin ko lang, I’ll call your name one by one then just give me your nickname, course and year, then hobby. After our intro we formally begin the class.”

Bumalik si Prof sa lectern at tinawag kami paisa-isa alphabetically.

“A… B… C…

“Tan, Uriel Andre”. Biglang nagtilian ang merlat sa loob ng klasrum. Sa isip ko ano kaganapan ito? Yung lalaki na nasa likod din isang upuan ang pagitan sa aking ang tumayo. Napatingin din ako sa kanya at ang mga babae ay nagsipagtilian. Nacurios ba. Sa tingin ko 5’7 ang tangkad nito, maputi, buhok parang si Rukawa ng Slum Dunk (Ang messy tingnan) pero gwapo at may killer smile. Malamang hindi ako nagpahalata. Lahat check sa aking listahan.

“Please call me Drei po. ECE 2nd Year, I love mountaineering”, pahayag niya in his deep bed voice.

Biglang huminto yung oras ata ng saglit. Parang kilala ko yung boses na yun. Hindi ko lang matandaan. Parang bigla may kung anong dumaloy sa akin. Nagbalik lang ako sa ulirat ng may pinahabol na tanong si Prof.

“So ilan nang bundok na akyat mo?”

“Apat ho.”

I have short attention span kaya bigla lang ‘di ko na isip yung boses ni Drei kanina. At dumating na yung tinawag ako. “Zaldua, Luis Nicanor”. Agad naman akong tumayo. Gaya nung iba nakatingin din sila sa akin.

“I am Shin! Accountancy 1st Year. I love running, isn’t obvious?!”, nagsmirk ng slight pagkatapos kong magsalita at nagsipagtawanan ang nasa loob ng silid.

“I like you! Ang layo ata ng napadparan mo?” sabi ni Prof.

“Opo. Kasi I am an irregular first year. I have 9 units advances po this semester and this subject ay available lang sa non-block so yan.”

“Ayaw mo naman mapagod no?” pahabol ni Prof at nagtawanan ulit.

---

So far smooth naman yung flow ng buhay ko sa school. Si Enzo minsan nagpaparamdam pero iniignore ko lang. Gusto ko din naman kasing magmove on na. Marahil nagtataka kayo kung bakit sobrang tigas ko kay Enzo kahit siya na mismo ang nagmamakaawa sa akin na balikan ko na siya. Sino ba naman ang aayaw pagganyan na sayo yung taong minamahal mo ng sobra. Pero may mabigat kasing dahilan kung bakit hindi na mabuo muli tiwala ko sa kanya.

Akala ko nga over na ang kwento naming dalawa after nung last na nagkita kami sa canteen. Pero mali ako. Dumating ang araw na malalaman ng lahat kung bakit ayaw ko nang balikan si Enzo. Kasi kahit yung malalapit na kaibigan namin hiningan na niya ng tulong para suyuin ako. Nagtataka nga ako kung bakit ni minsan itong si Zach ay hindi na ako pinush simula nung gabi naganap sa harap ng bahay nila.

Pero dumating yung isang bangungot na pilit kong tinatakasan.

“Shin, mukhang ang pula mo at parang matamlay ka?”, tanong ni Zach nung lapitan ko siya sa may batibot.

Itong araw na ito ay talagang masama ang aking pakiramdam. Sinabi ko kay Zach na mauna na akong umuwi matapos kong ibigay sa kanya yung kopya ng notes ko dati sa isang subject na ngayon siya naman ang kumukuha. Sinabi niya na ihahatid nya na lang ako at magskip na lang sa next class niya pero pinigilan ko siya. Sabi ko kaya ko naman.

Naglalakad na ako palabas ng school ng biglang may humila sa akin ng paatras. Hinila niya ang sling bag ko kaya muntik na akong maout balance pero napigilan ko. Nahulog ang dala kong libro. Pinulot ko ito saka ako lumingon sa taong nahumila sa akin. Isang babae. Mukhang mainit ang ulo nito at alam kong may galit ang kanyang mga tingin sa akin.

Tiningnan ko lang siya ng blanko dahil may dinaramdam nga ako. Pero bigla na lang akong sinampal. Nasa gitna pa naman din kami ng hallway. Nabigla ako. Ano ba ang problema ng babaeng ito. Hindi pa siya umiimik. Ako wala ako sa mood makiaway. Akmang sasampalin nya ulit ako ng may sumagang na kamay at binawi ang kanya na malapit n asana sa mukha ko. Si Enzo.

“Bitawan mo nga ako Enzo. Ba’t mo pinagtatanggol yang malanding yan?”, tura nung babae.

“Tumigil ka Liz! Wala siyang alam!” pasigaw na sagot ni Enzo habang inaawat niya ang babae.

Sa isip ko. Tangina, siya pala! Inayos ko sarili ko. Alam kong maraming matang nakatingin pero hindi ko ginawang kaawa-awa ang aking sarili.

“Siya ang dahilan kung bakit ka ganyan, Enzo. Siya ang dahilan kung bakit ayaw mo na sa akin. Siya! Ang malanding bakla na yan kung bakit nagkaganito tayo.”, suno-sunod na dabog ni Liz na pilit pumipiglas sa mga braso ni Enzo.

Tamaan ka naman ng magaling walang breeding. Ang lakas mang eskandalo ka babaeng tao. Ito ang mga salita na lumalaro sa masakit kong ulo.

“Siya kang pokpok!” dagdag ni Liz. At dito ko na hindi napigilan ang aking sarili. Quota na siya. Ang mga estudyante ay nagkukumpulan na at pinaguusapan na kami. Si Zach nakita ko nasa may likod ko. Sabi ko sa kanyang wag na siyang lumapit kaya ko na.

Lumapit na rin ako sa kanila dalawa. Pero may distansya pa rin ng konti at baka may pagkakabayo itong babaeng bigla na lamang sumipa.

Una kong ginawa binigyan ko ng tatlong slow clap saka ako nagsalita ng malakas at madiin. “Hindi ka na hiya. Lakas mong mangeskandalo na kesyo ako ang malandi at ako ang pokpok. Please take a look at the mirror! I hope you’ll see yourself well. For your information pati na sa lahat na nandito. Hindi ko inagaw si Enzo sayo. Ilang buwan na ba kayo? Tell me. Isa? Dalawa? Tatlo? Apat? Sabihin mo ilan?” Hinihintay kong sumagot siya pero wala akong narinig kaya nagpatuloy ako. “I petty you dahil hindi mo alam ang totoo. Bago pa man naging kayo ni Enzo ako ang boyfriend nya.”, napatingin na lang ito kay Enzo pero si Enzo ay nakatingin sa akin. Ang mga nanunuod may nag chitsismisan na rin sa mga narinig nila.

Ang buong akala siguro ni Enzo wala akong ideya sa lahat ng kalokohan na ginawa niya nung kami pa.

“Oo. Umieksena ka kami pa! So sino ang malandi ngayon? Sino ang ahas? Ako o ikaw? Sabagay wala kang alam.” Ang huling puntong binigay ko. Tumalikod ako at maglalakad na sana ako paalis nang magsalita si Enzo.

“Shin, please magusap naman tayo. I’ll fix this! But please let me talk to you?”

“Enzo, I had enough for this day. Ayusin mo gusot na ginawa mo. Bye!”

“Shhhhinnnnn!”, sigaw ni Enzo.

Hindi ko alam nung nakakailangan hakbang pa lang ako bigla pala akong natumba at nawalan ng malay.

Thank you po. Sa next part dun ko na ikkwento ang mga sexscapade ng mga bida. If hindi ako makapagupdate agad, sorry in advance. Bugbog lang po sa trabaho.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Wisik (Part 2)
Wisik (Part 2)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEg7s3pb4yVhICAJLKQie6fsmmPg0yicW_h_2as_zG7FQCs4EuBT-gF2_MEcqz0zoARGflQHj9UhugdNKe18minFXe-YpigK2qcsacq6PMgKjwRtH7gYzZzSPRj5QlWAtox-QRfVfctBeIdd/s400/romart-lagura.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEg7s3pb4yVhICAJLKQie6fsmmPg0yicW_h_2as_zG7FQCs4EuBT-gF2_MEcqz0zoARGflQHj9UhugdNKe18minFXe-YpigK2qcsacq6PMgKjwRtH7gYzZzSPRj5QlWAtox-QRfVfctBeIdd/s72-c/romart-lagura.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2020/06/wisik-part-2.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2020/06/wisik-part-2.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content