“Sandali lamang ito.” ang tugon naman ni Eman na patuloy pa rin ang paghalik kay Jenny samantalang abala ang kanyang mga kamay na galugari...
“Sandali lamang ito.” ang tugon naman ni Eman na patuloy pa rin ang paghalik kay Jenny samantalang abala ang kanyang mga kamay na galugarin ang maseselang parte ng katawan ng dalaga.
“Si Yaya Lucring, baka magtaka kung bakit matagal ako dito.” ang nasabi na naman ni Jenny na pilit kumakawala kay Eman.
“Ako ng bahalang mag-rason sa kanya.” ang pagpipilit ni Eman na noon ay halos nahubaran na niya si Jenny.
Hindi na nga napigilan ni Jenny si Eman. Marahil sa tagal na nilang nagsasama ni Josh ay na-miss niya ang pakikipagtalik sa babae. Animoy isang baliw si Eman na ginagahasa ang isang dalaga. Nang mahubad na ni Eman ang lahat ng saplot ni Jenny ay inihiga niya ito sa kama. Siya naman ay tuluyan na niyang tinanggal ang nakatapis na tuwalya. Kitang-kita ni Jenny ang malaki at matigas na ari si Eman lalo na ng itinatapat na ni Eman iyon sa kanyang hiyas upang pasukin. Ibinuka naman ni Jenny ang kanyang mga paa upang malayang magawa ni Eman ang pakay.
“Dahan dahan lang Eman. Ahhhhhhhh……………” ang mga katagang nasabi ni Jenny habang bumabayo si Eman.
“Ang sarap pa rin pala ng pekpek.” ang nasabi naman ni Eman.
Nagpatuloy pa sa pagbayo si Eman at paminsan-minsan naman ay sinususo ang mga dibdib ni Jenny. Hindi nagtagal ay narating na ng dalawa ang sukdulan. Nanlupaypay si Eman na nahiga sa tabi ni Jenny. Ilang sandali pa ay biglang tumayo si Jenny at iniayos ang sarili at agad na rin lumabas ng silid. Naiwan si Eman ng nakahiga pa rin sa ibabaw ng kama habang hubo’t hubad pa rin. Bigla siyang natauhan sa pagsara ni Jenny ng pintuan. Naalaala niyang bigla si Josh.
“Patawarin mo ako Josh sa nagawa ko.” ang pabulong na nasabi ni Eman sa litrato ni Josh ng damputin niya ito mula sa side table ng kama.
Ang buong akala ni Eman ay magagawa na niyang iwasan si Jenny. Subalit talagang malaki ang pagtingin ni Jenny kay Emay. Kaya naman nakakagawa pa rin ng paraan si Jenny na magkasarilihan sila ni Eman. Nagtatagumpay naman si Jenny na mauwi sa pagtatalik nila ang mga sandaling iyon. Hanggang sa dumating ang araw na kinatatakutan ni Eman.
“Buntis ako Eman. Mga two months na daw. Ano na ang gagawin natin?” ang pagtatapat ni Jenny kay Eman.
“Akala ko ba nagpi-pills ka. Bakit ganoon?” ang nalilitong tugon ni Eman.
“Nasabi ko lang sa iyo yun. Pero hindi naman talaga ako nagpi-pills. Binata ka at dalaga ako. Wala naman siguro masama kung mabuntis at pakasalan mo ako.” ang tugon naman ni Jenny.
“Kasal? Naloloka ka na ba. Hindi pa ako handa na magpakasal. Hindi lamang yun. Magiging kumplikado ang aking buhay. May masasaktan akong mahal ko sa buhay.” ang nasabi ni Eman na ipinagtaka ni Jenny.
“Huwag mong sabihin may asawa ka na. Hindi ka na nga ba malaya?” ang tanong na naman ni Jenny.
“Wala pa akong asawa. Pero malaki na ang responsibilidad at pananagutan ko sa buhay.” ang tugon naman ni Eman.
“Kanino? Kanino? Bakit hindi mo sabihin kung kanino? At bakit hindi mo pa sinabi noong una pa man.” ang panunumbat ni Jenny.
“Di mo na kailangan pang malaman. Basta!” ang tanging naisagot ni Emay sabay layo kay Jenny.
“Eman, Eman, anong gagawin ko?” ang naitanong pa ni Jenny habang tuluyang ng tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata.
Hindi na iyon inintindi ni Eman. Iniwan na lamang niya si Jenny na naupo na lamang sa isang upuan at nagpatuloy sa pagluha.
Simula ng magtapat si Jenny kay Eman ng kalagayan nito ay hindi na mapalagay si Eman. Lagi itong balisa at tila wala sa sarili. Hindi ito nakaligtas sa pakiramdam ni Josh. Kahit anong gawing pag-usisa ni Josh ay walang inaamin si Eman at tanging ang dami ng trabaho niya sa repair shop ang dinadahilan. Ganoon pa man ay naiisip pa rin ni Eman na ipagtapat ang kalagayan ni Jenny kay Josh. Subalit sa tuwing magtatangka siyang sabihin ay kinahihinaan siya ng loob. Isang araw ay masinsinan siyang kinausap ni Josh.
“Nagkakaigihan na pala kayo ni Jenny. Bakit hindi mo man lang nasabi ito sa akin?” ang bungad ni Josh.
“Anong nagkakaigihan? Sinong nagsabi naman sa iyo?” mga tanong din ang tugon ni Eman.
“Si Jenny. Mahigit dalawang buwang buntis na daw siya. Hindi pa lang daw ninyo napaplano ang kasal ninyo. Kinukuha pa nga daw ninyo akong ninong.” ang tugon ni Josh.
“Patawarin mo ako. Hindi ko naman mahal si Jenny. Alam mo naman na ikaw lang ang tangi kong mahal.” ang pagsusumamo ni Eman.
“Kung hindi mo siya mahal, bakit mo sya ginalaw? Ang masama pa doon, bakit binuntis mo pa.” ang mga tanong ni Josh.
“Dala ng libog ng katawan. Palay na ang lumalapit sa manok. Tao lang ako at madaling matukso. Patawarin mo ako.” ang tugon ni Eman na patuloy pa rin humihingi ng tawad kay Josh.
“Alam mo naman na noon pa ay natatakot na akong magmahal muli. Lagi na lang nawawala ang minamahal ko. Ang masakit pa nga ay niloloko ako ng minamahal ko.” ang panunumbat na ni Josh kay Eman.
“Hindi kita niloko at hinding hindi kita iiwan.” ang nasabi ni Eman sabay yakap kay Josh.
“Eh anong tawag mo sa kalagayan ngayon ni Jenny. Matutuwa ba ako nun? Sana noon ka pa nagsabi sa akin. Maiintindihan ko naman iyon na mai-inlove ka rin sa isang babae. Alam ko naman na balang araw ay mangyayari iyon pero sana naging tapat ka sa akin. Hindi yung tinatago mo ang lahat ng iyon sa akin. Iyon ang masakit.” halos mapaluha na si Josh sa mga nabitiwan niyang salita.
“I’m really sorry. Sana kung naging matatag lang ako ay hindi nangyari ang ganito. Patawarin mo ako.” ang muling pagsusumamo ni Eman.
Hindi na sumagot si Josh. Iniwan nya na lamang na nag-iisa sa kanilang silid si Eman. Walang nagawa si Eman kundi ang mapaluha at pasisihan ang nangyari. Mahal na mahal nya si Josh. Subalit sa nagawa niyang masaktan ang pinakamamahal niya ay mas higit pa doon ang sakit na kanyang nadarama sa mga oras na iyon.
Hinintay niyang pumasok sa silid muli si Josh. Subalit hanggang sa makatulog na si Eman ay hindi pa rin bumabalik si Josh. Kaya naman kinabukasan sa paggising ni Eman ay si Josh ang una niyang hinanap.
“Yaya Lucring, nasaan po ba si Sir Josh?” ang tanong ni Eman.
“Kanina pang madaling araw siya umalis. Kasama nya si Sam. Siya nga lang ang nagmaneho ng kotse. Doon yata muna daw sila sa Batangas pansamantala.” ang tugon ni Yaya Lucring.
“Isinama po ba nila si Jenny?” ang tanong na naman ni Eman.
“Hindi na. Pinauwi muna ni Josh. Pinagbakasyon muna siya.” ang tugon ni Yaya Lucring.
“Pero bago umalis si Jenny ay ibinigay niya itong dalawang sobre na naglalaman daw ng sulat. Yung isa para sa iyo at yung isa naman ay para kay Josh.” ang dugtong pa ni Yaya Lucring.
Binasa ni Eman ang sulat ni Jenny sa kanya. Laking gulat niya ng humihingi ito ng kapatawaran sa nagawa niya sa relasyon nila ni Josh. Hindi na rin niya pipilitin na pakasalan pa siya ni Eman. Hiniling na lamang niya na sa pagkapanganak niya ay ihahabilin niya ang kanyang anak sa kanya at sila na lang ni Josh ang magpapalaki sa bata. Hindi kasi siya mapapatawad ng kanyang mga magulang kung malalaman nila ang kanyang pagdadalangtao. Magpapakalayo muna siya sa kanyang pamilya hanggang sa makapanganak siya. Kapag nasa pangangalaga na nila ni Josh ang kanilang anak ay doon muli siyang uuwi sa bahay nila sa probinsya.
Humihingi din si Jenny ng kapatawaran dahil sa mapangahas nitong pakikinig sa usapan nila ni Josh ng gabing iyon. Hindi nya daw iyon sinasadya. Nang mapadaan siya sa pintuan ng silid nila ni Josh ay narinig niya ang kanilang pag-uusap ng nababanggit pa ang kanyang pangalan. Kaya naman inalam niya ang dahilan ng pagbanggit sa kanyang pangalan sa usapan nila ni Josh.
Naaawa man si Eman kay Jenny ay parang nabunutan ng tinik si Eman sa kanyang dibdib. Kaya naman hindi na siya nagdalawang isip pa na sundan sina Josh sa Batangas dala-dala ang mga sulat ni Jenny.
Hindi nalalayo sa nilalaman ng liham ni Jenny kay Eman ang liham naman nito kay Josh. Humihingi din siya ng kapatawaran kay Josh at inamin din niyang siya lamang ang pumipilit kay Eman na makipagtalik sa kanya at alam niya na wala talagang pagmamahal sa kanya si Eman. Dahil sa mga sulat ni Jenny ay muling nagkaayos sina Josh at Eman.
Makalipas ang mahigit anim na buwan ay nakatanggap ng tawag si Eman mula sa isang hospital. Ibinalita ng hospital na iyon na nanganak na ang kanyang misis at kailangan na daw niyang sunduin. Laking pagtataka ni Eman ng una niyang marinig iyon. Subalit ng maalaala niya ang sinabi ni Jenny ay agad na niya itong ibinalita kay Josh. Agad namang sumugod ang dalawa sa hospital na tumawag kay Josh.
Sa isang nursery sila itinuro ng nurse na napagtanungan nila. Isang malusog na baby boy ang napansin nilang may pangalang Eman Jr. na nakasulat sa may paanang parte ng higaan nito. Kahawig nga ni Eman ang sanggol na iyon at tuwang-tuwa naman si Eman at si Josh na pagmasdan. Hinanap nila si Jenny pero pati ang nurse ay nagulat ng hindi nila ito nadatnan sa kanyang silid. Sa halip ay isang papel sa ibabaw ng kama ang kanilang napansin na may sulat na “Alam ko na mamahalin ninyo si Eman Jr. kaya inihahabilin ko na siya sa inyo. - Jenny”
- WAKAS –
COMMENTS