Sorrow By: RyanTime Even with our fists held high It never would have worked out right We were never meant for do or die It start...
Sorrow
By: RyanTime
Even with our fists held high
It never would have worked out right
We were never meant for do or dieIt started with the perfect kiss then
We could feel the poison set in
"Perfect" couldn't keep this love aliveYou know that I love you so
I love you enough to let you go(Already gone -Sleeping at Last version)
Kahit papaano ay nahimasmasan ako sa maaligamgam na tubig na dumaloy sa buong katawan ko.
Kasalukuyang nakatukod ang dalawang kamay ko sa ibabaw ng lababo sa loob ng banyo. Habang pinagmamasdan ko ang repleksiyon ng isang tao sa salamin.
Yung taong buong buhay ay inaakala kong matapang at walang inuurungang laban.
Sa isang iglap, nagbago ang paniniwala ko sa taong yun.
Siya rin ang mismong nanakit sa pinakamamahal niya. Sa pinakamamahal niyang walang ibang ginusto kundi ang mahalin siya ng buong puso na walang hinihintay na kapalit.
Bakit ba nagagawa nating saktan ang ating pinakamamahal?
Pinagmasdan ko siya nang may hinanakit at galit.
Galit ako sa sarili ko sa ilang beses na kagaguhan at pananakit na nagawa ko kay Luke. Galit na galit ako sa kaduwang ginawa ko.
Sinayang ko ang pagkakataong maamin sa kanya ang nararamdaman ko. Sa halip ay nagmistulang baldadong nakikinig sa hinaing niya.
Unti-unting tumulo ang mga luhang dulot ng pinaghalu-halong nararamdaman.
"GAGO KA ZION!!!" Kasabay ng suntok na dumapo sa salamin.
Nabasag ito.
Hindi ako na kuntento. Sinundan ko pa ito ng suntok.
"DUWAG KA!! GAGO KA!!"
Pangalawa at nahinto sa pangatlong suntok.
Natauhan nalang ako nang nakaramdam na ako ng hapdi at kirot sa kamay kong pinansuntok ko sa salamin.
Dumudugo ito.
Wasak na wasak ang salamin.
Mahapdi at kumikirot ang kamay, ngunit mas nanaig ang sakit na nararamdaman ng puso ko.
Sinabunutan ko ang sarili gamit ang dalawang palad at nauwi rin sa pagtakip nito sa mukha ko.
Umatras ako at napasandal sa pinto.
Nanginginig ang katawang unti-unting dumausdos pababa. Hangang sa tuluyang makaupo habang nanatiling nakasandal sa pinto ng banyo.
"Napakagago ko! Napakagago ko!"
Kasabay ang mga luha at hagulgol.
Nanariwa sa isipan ko ang nangyari kanina.
Hindi ko makalimutan ang mukha niyang puno ng paghihinagpis.
Hindi mawala sa isip ko ang bawat salita, hagulgol at hikbi niya.
Ang totoo niyan, noong mga oras na yun ay hindi ko maintindihan ang halu-halong nararamdaman ko. Nahirapang iproseso ng utak ko ang mga nangyayari.
Ang pagkagulat dahil sa katotohanang narinig. Ang galit sa sarili dahil nagawa ko siyang saktan at insultuhin. Pagkakonsensiya dahil nagawa niya pa mismong humingi ng tawad dahil sa pagmamahal niya sa akin. Na kung tutuusin ay hinihiling ko naman ito.
Buong akala ko ako lang ang nagmahal. Hindi ko naalintanang mas nauna niya akong mahalin bago ko pa malamang mahal ko siya.
Nakuha niya akong mahalin sa kabila ng pagkagago ko, nakuha niya akong mahalin ng walang hinihintay na kapalit.
Nang mga oras na yun gustong-gusto ko siyang patigilin sa pag-iyak. Pero namalayan ko nalang na ayaw ng gumalaw ng katawan ko habang gising na gising naman ang utak ko kaya malinaw kong nakita, narinig at naramdaman ang lahat.
Naalala ko ring nagmamakaawa siyang sabihin ko kung kailangan niya nang lumayo at kahit masakit ay gagawin niya ito para sa akin.
Sa halip na sagutin ko siya ng 'ayoko siyang mawala'. Naging pipi ako. Ayaw sumunod ng mga bibig ko upang sabihin ito.
Mas lalo akong nasaktan sa huli niyang sinabi.
"Hayaan mo. Hindi mo na ako makikita pang muli."
Sinabi niya ito nang nakatalikod sa akin. Sa mga oras na yun, bumuhos ng walang humpay ang mga luha ko.
Sa takot kong iwan niya ako ay unti-unti akong dumapa para makita siya at mapigilan. Tinatawag ko siya ngunit mahihina ang mga boses na lumalabas sa bibig ko.
Halos masira ang ulo kong nakikita siyang papalayo.
Pinilit kong tumayo kahit na pakiramdam ko ay parang walang sumusuportang buto sa buong katawan ko.
Hindi ako humintong tawagin siya, pero hindi niya na ako naririnig. Marahil sa lakas ng pagbuhos ng ulan.
Pinilit kong utusan ang sarili kong kumilos ngunit ayaw sumunod nito. Halos pagapang akong umusad para lng habulin siya.
Kaso huli na. Kinain na siya ng dilim at tuluyang nawala sa pangin ko.
Pero pilit ko pa rin siyang hinabol.
Pinuntahan ko siya sa kwarto niya para aminin ko sa kanya na mahal ko rin siya at hindi niya kailangang iwasan ako dahil hindi ko rin kaya.
Pero wala siya roon.
Nag-abang ako sa labas ng kwarto niya ng ilang oras pero hindi siya dumating.
Sinubukan kong tawagan siya ng ilang beses ngunit nakapatay ang cellphone niya.
Gustong gusto ko na talagang sabihin sa kanya ang totoo. Wala akong pakealam kung nagkabalikan sila nung ex niya.
Aagawin ko siya, lalo na't alam kong ako ang mahal niya.
Patuloy akong nakiusap sa hangin. Ngunit hindi din nadinig ng langit ang hiling kong makausap siya.
Kagaya ng inasahan ko, mas malungkot ang mga sumunod na araw, dahil hindi ko na siya muling nakita pa.
Kahit ang tropang M nagtataka sa biglang pagkawala ni Luke. Ramdam nilang may kinalaman ako sa pagkawala niya, pero wala silang makuhang sagot mula sa akin.
Naroon yung mayamaya ay sumusulyap akong may dadating na Luke. Pero wala talaga.
Sinayang ko ang pagkakataong sabihin sa kanya ang totoo.
Anduwag-duwag ko!
Mula nung gabing yun, oras-oras akong nagdurusa. Araw-araw akong kinakain ng konsensya.
Hindi ako matahimik dahil hindi ko alam kung nasan si Luke.
Labis akong nangungulila.
Kinakain ng galit at poot.
Hanggang sa naisip kong, baka ayaw niya na talaga akong makita.
Hindi ko naman siya masisisi. Nagmahal siya ng gagong katulad ko.
Ang ginawa ko sa kanya ay walang kapatawaran.
Hanggang dumating ang bakasyon ay hindi ko na nabalitaan si Luke.
Kahit na umuwi na ako sa bulacan ay palagi akong bumabalik sa kwarto niya nagbabakasakaling makita ko siya. Ngunit bigo ako.
Natapos na ang unang buwan ng bakasyon at muli akong bumalik sa dormitory. Nagbabakasaling bumalik siya upang kunin ang mga gamit niya. Ngunit bigo pa rin akong makita siya.
Naisipan kong magtanong sa namamahala ng dorm.
Nagpunta raw si Luke upang kunin ang mga gamit niya.
Hindi ko man lang siya naabutan.
Nawalan na ako ng pag-asang makita siya.
Naisipan kong dumaan sa school at tumambay sa bench na madalas kong tambayan kapag gusto kong mapag-isa.
Habang nakaupo ako pinapakiramdaman ko lang ang payapang paligid.
Naalala ko ang mga pinagsamahan namin ni Luke. Yung mga times na masaya kaming nakaupo doon habang nagkukwentuhan. Yung mga panahon na pinapakilig ko siya na pilit naman niyang itinatago ang kilig na yon.
Bigla na lang sumagi sa isip kong tingnan ang isinulat ko dati roon.
[Sorry brad! Ayokong iwan mo ko ='( --Zi]
Nagulat nang mabasa kong may isa pang nakasulat doon sa babang bahagi ng isinulat ko.
[Hinding-hindi mangyayari yun -- L]
Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Nagkaroon ako ng pag-asa at dali-daling nilisan ang lugar na yon.
Ginamit ko ang connections ko para malaman ang mga lugar kung saan maaaring matagpuan si Luke.
Umuwi ako ng Bulacan.
Kinabukasan rin ay napagpasyahan kong hanapin si Luke.
Dala-dala ang kotse ni Daddy.
First stop ko sa address nila sa Bulacan. Pero nabalitaan kong wala na pala ang pamilya ni Luke doon. Kasalukuyan na daw itong hinahanapan ng pagbebentahan.
Last resort ko ang address nila sa Zambales. Sa bahay ng Lola niya kung saan siya nakatira.
Hindi naman ako nahirapang tuntunin ito dahil kumpleto ang address na nakuha ko.
Ngunit sadyang mailap ang chance kong makita si Luke.
Ang lola niya ang nakausap ko. Sabi nito wala raw si Luke doon. Kinulit ko pa ito kung pwedeng magbigay ng kahit anong contact ni Luke.
Ngunit nagmatigas ito.
Ramdam kong itinatago nito si Luke.
Bigo akong umuwi.
Pero hindi ako tumigil.
Maraming beses akong pabalik-balik sa Zambales. Nakuha ko pang magsisigaw sa labas ng matataas na bakod nila, nagbabakasakaling marinig ako ni Luke. Ilang beses ko ring kinulit ang lola niya pero sadyang matigas ito at binantaan akong ipapapulis sa susunod na bumalik pa ako.
Para akong pinagsakluban ng langit at lupa noon. Nawalan ng pag-asang makausap pa ulit si Luke.
Sadyang mahirap hanapin ang taong ayaw magpahanap.
Halos masira ko na ang buhay ko noon. Halos linggo-linggo akong nakikipagbasag ulo.
Kahit ang tropang M ay hindi nila ako makausap ng matino.
Kahit sila Mommy at Daddy hindi nila malaman kung anong gagawin sa akin.
Nandun yung binubugbog na ako ni Daddy at tutukan ng baril habang si Mommy naman ay umiiyak kaka-awat kay Daddy.
Pero wala talaga silang magawa.
Ang alam ko lang nung mga panahon na yun ay gusto ko nang mawala sa mundo.
Miss na miss ko na si Luke.
Mahal na mahal ko siya kahit ansakit-sakit na.
Araw-araw na sinisira ng galit sa sarili ang buhay ko.
Isang taon din akong nanatili sa kalagayan na yun.
Walang ibang ginawa kundi magmukmok sa kwarto at halos gabi-gabing umiinom.
Hanggang sa isang araw. Hindi na matiis ni Mommy ang makita ang kalagayan ko.
Nasa kwarto ako noon nang pumasok si Mommy. Pinipilit niyang kausapin ko siya pero hindi ako kumikibo.
Narinig ko na lang na umiiyak siya.
Kahit na mabagsik si Mommy sa university na pinamamahalaan niya, pero pagdating sa mga anak ay malambot ang puso niya.
"Hanggang kailan mo ba balak gawin sa buhay mo yan Zion?" Umiiyak niyang sabi.
Hindi ako umiimik.
Nakaupo lang ako sa kama ko na nakayuko.
"Anak kausapin mo naman si Mommy. Hirap na hirap na akong makita kang ganyan." Patuloy sa pag-iyak.
Nanatiling nakatikom ang bibig ko.
"Please nak, maawa ka na kay Mommy. Kung hindi ka naaawa sa sarili mo. Kahit sa akin man lang, maawa ka. Ayokong nakikita kang ganyan." Humahagulgol na siya.
Wala akong kibo.
Dahan-dahan siyang lumapit. Umupo sa tabi ko at yumakap sa akin.
Naramdaman ko ang simpatiya niya. Nangingilid ang mga luha ko. Pero hindi parin ako kumikibo.
Nanatili siyang nakayakap sa akin habang umiiyak.
"Zion, I want you to know na mahal na mahal kita.. you can always tell me what's in your heart." Malumanay niyang sabi kasabay ng pagsinghot dahil sa pagluha.
Tumagos sa puso ko ang mga sinabi niya. Mistulang kamay na humaplos sa puso ko.
Hanggang sa hindi ko na mapigilan at sumabog lahat ng sakit ng nararamdaman ko. Halos manginig akong lumuha kasabay ng malalim na paghinga.
Gumanti ako ng yakap sa kanya at mas hinigpitan niya pa lalo ang pagyakap. Tila ba gusto niyang maramdaman ko ang pagmamahal niya at handang makinig sa lahat ng pinagdadaanan ko.
"I'm sorry mom.."
Hinaplos niya ang buhok ko at naramdaman ko sa balikat ko ang pagtango ng ulo niya.
Mas lalo akong naiyak sa ginawa niyang pag ko-comfort sa akin.
"I'm sorry.." ulit ko.
"Mom will always be here for you anak.. and you know that right?" Patuloy sa paghaplos ng buhok ko.
Ibinuhos ko sa yakap at balikat niya ang bigat na nararamdaman ko. Halos mabasa na ito dahil sa mga luha ko.
Nanatili lang akong nakayakap sa kanya. Sa mga panahong ito, yakap ni Mommy ang kailangan ko.
Nang natigil na ako sa pagluha. Ay dahan dahan akong bumitiw sa kanya. Nakayuko ako habang hinawakan niya naman ang dalawang palad ko gamit ang mga palad niya.
"Sobrang tagal na since the last time I saw you crying.. bata ka pa noon. Bibihira ka lang naman ding umiyak noon nak.. Actually namiss ko rin yung Zion ko na kapag umiiyak ay lumalapit sa akin.. yayakapin lang kita noon tapos titigil ka na."
Tila musika sa pandinig ko ang mga salita ni mama. Pinapalambot nito ang puso ko.
"So.. sasabihin mo na ba kay Mommy kung anong problema?"
Pinahid ko muna ang natitirang luha At humugot ng malalim na hininga.
"Bakla ako." Sinabi kong hindi nakatingin sa kanya.
Hindi ko man nakita ang reaksyon niya, ramdam ko nabigla siya. Ilang sandali kasi ang lumipas bago niya muli akong niyakap.
Umiiyak siya.
"Gago ako"
Lalo siyang umiyak.
"Hindi ko alam kung matatanggap niyo pa ako. Pero hindi ko na mababago ang katotohanang nagmahal ako ng kapwa ko lalake."
Buong tapang kong sinabi sa kanya.
Dahil sa totoo lang hindi ako natatakot na hindi nila matanggap ang pagkatao ko. Wala akong magagawa, nagmahal ako eh. Kung kabaklaan man ang tawag doon. Ayos lang sa akin.
Patuloy lang siya sa pag-iyak na nakayakap sa akin.
"Will you still love me Mom?"
Hindi siya umimik. Hindi ko rin siya masisisi kung nagulat siya. Buong akala niya kasi lalakeng-lalake ako. Ganun din naman kasi ang paniniwala ko noon.
"Will you?"
Kumalas siya sa pagkayakap. Hinanda ang sarili sa sasabihin.
"Honestly, nagulat ako nak. Who would have thought na ganyan ka.. but please nak, don't get mad kung sasabihin kong nahihirapang i-process ng utak ko ang revelation mo.. but I'm still your Mom and I love you at hindi magbabago yun. I took care of you for nine months inside my belly hanggang sa paglaki mo.. for sure matatanggap ko rin ito anak." Ngumiti siya.
Akala ko hindi na ako iiyak. Pero hindi ko mapigilan nang dahil sa mga sinabi niya.
Wala nang tutulad sa pagmamahal at suporta ng ina sa kanilang mga anak.
Hindi ako takot na umamin sa kanya. Nadala lang ako ng emosyon ko, knowing na handa siyang makinig at handa siyang tanggapin kung anuman ako.
Muli kaming nagyakapan.
"I'll support you anak, no matter what.. ikaw pa rin naman ang baby Zion ko."
Naikwento ko sa kanya ang dahilan kung bakit sinisira ko ang buhay ko. Sinimulan ko kung paano nagsimula ang nararamdaman ko kay Luke hanggang sa hindi na nagpakita si Luke.
Matiyaga naman siyang nakinig.
"Mom, anong gagawin ko? Mahal na mahal ko si Luke kaso nasaktan ko siya. Kung saan saan ko siya hinanap pero nabibigo lang ako."
"Just give him time nak. He has all the right para layuan ka. Sa ngayon ayusin mo na muna ang sarili mo. Hmmm tingnan mo andungis at ang baho mo na.." tumawa siya.
"Mom!" Pagmamaktol ko pero napangiti na rin sa bandang huli.
Tinanong niya ako, kung bibigyan ba ako ng pagkakataong makausap ko si Luke at madatnan niya ako sa ganitong kalagayan, sa tingin ko ba raw, magugustuhan ni Luke ito?
From that moment, narealize kong may point si mama. Kailangan kong ihinto ang paninira ko sa buhay ko. Kailangan kong magsimula.
Para kay Luke.
At para sa sarili ko.
Kailangan kong buuhin ang sarili at tuluyang baguhin para sa ikabubuti ko. Para kung dumating ang panahon na makakausap ko ulit si Luke. Handa at maayos kong ihaharap ang sarili ko sa kanya. Kahit na walang kasiguraduhang makukuha ko pa ulit siya.
Ang mahalaga ay mapatawad niya ako.
Pero kailangan munang patawarin ko ang sarili para tuluyan akong makapagbago.
Noon una nahirapan ako, nangungulila kasi talaga ako sa kanya.
Lumipas ang mga panahon, tuluyan namang natanggap ni mommy na ganito ako. Mas madalas na nga niya akong pagtuunan ng pansin. Ipinaparamdam niya ang suporta niya sakin.
Si Daddy naman, nung malaman niya ay muntik na akong patayin. Kahihiyan daw ako sa pamilya. Pinalayas niya rin ako. Pero dahil sa suporta ni mommy at dahil sa nakikita niyang unti-unti na akong nagbabago ay unti-unting ring natanggap ni Daddy ang pagkatao ko.
Pero bago nangyare yun, sobrang hirap naman ang dinaanan ko para lang matanggap niya.
Mas naramdaman ko ang suporta ni Daddy mula noong maayos kong namanage ang Rice Mill business namin.
Naasar nga lang ako sa kanya, tawagin ba naman niya akong "My princess".
Hindi naman kasi ibig sabihin na umamin ako ay kailangan na ituring niya ako bilang isang dalaga. Lalake pa rin naman ako, nagmahal nga lang ng kapwa lalake.
Sa kabila ng lahat ng dinanas ko. Makipot at masikip man ang daan ay nagtagumpay naman akong patawarin at baguhin ang sarili ko.
Unti-unti hanggang sa naiwasan ko nang gawin ang mga bagay at kalokohan na ginagawa ko dati. Mahirap noong una, pero sa tuwing naiisip ko si Luke, nakayanan ko na.
Ngunit umaasa pa rin akong hindi pa huli ang lahat para sa amin ni Luke.
'Dadating ang araw na mahahanap din kita Luke. At pag dumating ang araw na yon, gagawin ko ang lahat makuha lang kita ulit.'
Sana hindi pa HULI...
Through the trees
I will find you
I will heal the ruins left inside you(Through the Trees- Low Shoulder)
COMMENTS