Ray Of Hope By: RyanTime Zion "Get in! It's open!" May kalakasang sigaw ko sa kumatok sa kabilang panig ng pinto. S...
Ray Of Hope
By: RyanTime
Zion
"Get in! It's open!" May kalakasang sigaw ko sa kumatok sa kabilang panig ng pinto.
Si Leah, from procurement department.
"Sir Zi, may problem po tayo." Mediyo uneasy niyang bungad sa akin. May hawak siyang mga papel.
"What is it?" Wika ko na hindi tumitingin sa kanya habang abala sa pagbubuklat at pagpipirma ng mga papers na kailangan ng approval from my end.
"I got a call from one of our suppliers, hindi daw nila ma-provide ng kumpleto ang inorder nating mangoes from them."
"Meron tayong contract sa kanila, kelangan nilang iprovide ang kailangan natin. Alam nila yan." Walang kabuhay-buhay kong sabi. Tutok sa ginagawa.
"Sinubukan na rin po nilang maghagilap sa ibang farm pero wala daw po talaga. Kaya naman po nilang i-provide ang order natin, kaso hindi nila kayang ibigay lahat on time."
Hindi ko pwedeng ilagay sa alanganin ang time frame ng production kung hihintayin ko pang makapag provide sila sa walang tiyak na panahon. Kailangan din namin makapag-provide on time sa mga sinusuplayan namin. Or else maaapektuhan ang reputasyon ng company.
Kung ipagdidikdikan ko ang nakasaad sa kontrata sa pagitan ng dalawang kumpanya, siguradong madedehado kami sa oras.
"Then, subukan niyo yung ibang suppliers natin baka may magawa silang way na ma-cover ang kulang natin." Abala pa rin ako.
"Sir, We've tried na po."
Naipaliwanag niyang mababa daw ang production ng mangga sa buwan na ito dahil sa weather at sa tumataas na demand.
Tiningnan ko siya ng pailalim.
"May back-up plan na ba kayo?" Mahinahon kong tanong
Malaki ang tiwala ko sa kanila at hindi sila basta-basta lumalapit sa akin kung kaya nilang gawan ng paraan. Kaya nahinuha kong kailangan talaga nila ako.
"Yes po, kaya lang sir wala na kaming mahanap na supplier ng mangga na katulad ng ginagamit natin sa production. May nakita kaming farm na nag susuplay ng organic mangoes."
"Organic?" Tanong ko.
Pwede rin naman kaming gumamit ng organic na mangga para sa production, name-maintain naman kasi ng production team ang tamang timpla ng products namin. Kaya lang, kung organic ang gagamitin namin ay di hamak na mas mahal ito kesa sa usual.
Hindi naman sa hindi kakayanin ng kumpanya ang kumuha ng organic, for me kasi hanggat makaka less ako sa expenses, na hindi na ko-compromise ang quality ng products namin ay mas pipiliin ko yun.
Business is business, ika nga. Less expenses, more profit.
Hindi lang naman kasi isa or dalawang kilo ng mangga ang kailangan. Tonelada.
Alanganin siyang tumango.
"Wala na bang ibang way?" Paninigurado ko.
"Sinubukan na po namin ang lahat sir, wala na po talaga."
Pasinghap akong sumandal sa kinauupuan. Nag-isip.
"Patingin ng quotation."
Inabot niya sa akin ang hawak na papel. Pinasadahan ko ito ng tingin. Di hamak nga na mas mahal ito.
"Anong sabi ng supplier natin? Hanggang kailan daw sila hindi makakapag provide ng tamang orders?" Ani ko.
"This month lang naman daw po sir."
Napabuntong-hininga ako.
Sa tingin ko kailangan ko nang i-grab ito. Tutal itong buwan lang naman. Hindi naman siguro malaking kawalan, kesa ang mabawasan kami ng kliyente dahil hindi namin kayang iprovide ang kailangan nila.
Soledad's Farm.
San Marcelino, Zambales
Ang pangalan at lugar na nakasaad sa papel.
"Okay then. Go niyo na ito. The next time magkaproblema ulit, inform niyo ako earlier para I'll go fix them myself." Wika ko.
Muling ibinalik ang papel sa kanya at itinuloy ko ang ginagawa.
'San Marcelino, Zambales'
Paulit-ulit itong naglaro sa isip ko. Tila ba may liwanag na pumukaw ng utak ko.
"Ah.. Leah!!" Pahabol kong tawag sa kanya.
"Po?" Aniya na noon ay nakahawak sa door knob at akmang palabas na.
"Zambales right?"
Tumango siya.
"Give me that copy. Ako na ang bahala. Susubukan kong makipag negotiate."
Naguguluhan man ay tumango na rin ito. Inabot niya sa akin ang hawak na papel. Saka tuluyang lumabas.
Nung mapag-isa'y may kung anong naglaro sa isipan ko.
Napangiti ako.
***
Pitong taon na ang lumipas mula noong makapagbagbag-damdaming usapan namin ni mommy.
Marami na ring nagbago. Mula sa noo'y walang direksyong buhay ko, hanggang sa matinong landas na ngayo'y nilalakaran ko.
Iba na rin akong mag-isip. Mas nag-iba ang pananaw sa mga bagay-bagay.
Nabura na sa sistema ko ang dating Zion na basagulero, babaero, self-centered at hardheaded.
Dahil sa pagbabago kong iyon, tumodo lalo ang suporta nila sa akin.
Tungkol naman sa pag-amin tungkol sa pagkatao ko, hindi ko naman naramdaman na ikinakahiya nila ako, lalo na si Daddy. Alam ko noong una mahirap sa kanya ang tanggapin ito dahil may reputasyon siyang inaalagaan. Mataas ang katungkulan niya sa AFP. Naiintindihan ko naman siya. Hindi rin biro ang pinagdaanan niya. Ako nga mismo sa sarili ko, halos hindi ko matanggap dati kung ano talaga ako, ano pa kaya si Daddy. Ang mahalaga ay tuluyan niya na akong natanggap.
Noon ay ang mga kuya ko ang namamahala ng family businesses namin na Rice Mill at factory ng mga juices na gawa sa iba't ibang uri ng prutas. Si Daddy naman ay pinagsasabay ang profession at pamamalakad ng security agency.
Sa kadahilang nagkaroon na ang mga kuya ng kanya-kanyang negosyo ay napilitan rin si Daddy na mag retire ng mas maaga sa trabaho upang mamahala ng family businesses namin.
Hindi naman tuluyang naputol ang ugnayan ng pamilya namin sa AFP dahil isa sa mga kuya ko ang sumunod sa yapak ni Daddy.
Dahil kailangan ni Dad ng kaagapay sa pamamalakad at dahil ako ang bunso at tanging wala pang sariling pamilya ay ipinasok niya ako sa Rice Mill bilang apprentice.
Noong una ay hindi naging madali ang lahat. Dumaan din ako sa maraming kapalpakan at proseso.
Habang tinutulungan si Daddy sa pamamalakad nito, ay isinabay ko naman ang pagkuha ng MBA.
Marami akong natutunan sa pag-aaral na naia-apply ko naman sa negosyo. Maging ang mga pagkakamali at kapalpakan ay nagsilbing aral upang mas maging pamilyar ako sa larangang ito. Kaya dahan-dahan man, sa huli'y nakatulong akong mapalago ito.
Hindi naman maiwasang uminit ang ulo ni Daddy sa akin paminsan-minsan nang dahil sa negosyo. Ngunit dahil din dito ay mas nagkakaroon kami ng bonding bilang mag-ama.
Hindi naman sila napahiya sa akin. Nakikita kasi nila ang pagpupursige kong maging maayos ang buhay at ang pagpupursige kong makatulong sa family.
Nang matantiya ni Daddy na handa na ako para humawak ng mas malaking negosyo, inilipat niya ako sa factory ng juices.
Kagaya noong una, nangapa rin ako ang pinagkaiba lang ay mas mabilis ko na itong nakasanayan.
Juices ang pinaka-product namin. Na ang target ay mga consumers na nasa upper and middle-class. May kamahalan kasi ang produkto namin. Kahit na ganun ay unti-unting nakilala ito dahil sa kalidad. Maraming health benefits. Mas lamang ang pagiging puro nito kesa sa mga preservatives added. Malalaking supermarket sa metropolitan at mga karatig-bayan sa Luzon ang sinusuplayan namin.
Di naman nagtagal ay tuluyan ko na itong napatakbo ng mag-isa na hindi na kailangan ng supervision ni Daddy.
Unti-unti ko na rin nilalatag ang planong kong i-expand pa ang business upang makilala sa buong Pilipinas. Magdagdag ng products kagaya ng concentrated and powdered juices, jams at iba't iba pang products na gawa sa prutas. Plano ko ring kunin ang masa sa pamamagitan ng pag produce ng abot-kayang halagang mga produkto.
Konti nalang ay maisasakatuparan ko rin ang mga plano.
Ang Tropang M, nagkikita parin kami occasionally. Kapag may birthday ang isa sa amin or may binyag ng mga anak nila at kahit anong okasyon na nag-uugnay sa aming magkakaibigan ay dumadalo ako. Nagbabakasakaling makita ko ang taong gusto kong makita.
Ang puso ko?
Siya parin ang laman nito.
Kung pagbabasehan ang dating ugali ko, mahirap paniwalaan na hindi na ako muling humanap ng iba.
Totoong nagbago na ako at ginawa ko ito para sa sarili ko. Ngunit hindi mawawala ang katotohanang malaking tulong sa pagbabago ko ang patuloy na pagmamahal ko kay Luke.
Nakakalungkot lang isipin na kailangang pagdaanan ko pa ang hirap, sakit at pangungulila na dulot ng pagkalayo namin sa isa't isa, bago ko tuluyang ma-appreciate at matagpuan ang sarili.
Walang araw na hindi ko siya namimiss.
Walang araw na hindi ko hinahanap ang presensya niya.
Ang pinagkaiba nga lang ng noon sa ngayon ay wala na yung sakit at kirot. Tanging pananabik na lamang na makita siya ang natira.
Matagal ko na ring napatawad ang sarili ko sa ginawang pananakit sa kanya.
Hanggang ngayon inaasam-asam ko paring makita, makausap, magtapat at makahingi ng tawad sa kanya.
At yan ang pinanghahawakan ko, na balang araw magkakaroon ng pagkakataong muli kaming magkita.
Hindi ako humintong mangarap na makita siya. Sa tuwing may batch reunion sa dating school namin ay lagi akong naroroon, nagbabakasaling naroon siya.
Sinusubukan ko rin siyang i-stalk sa social media ngunit hindi ko makita.
Ang tanging kaya at sigurado kong magagawa, ay ang hintayin ang araw na yon.
At sana hindi pa huli.
***
"So Zion, how's the Fruc'Ows Factory?" Tukoy ni Daddy sa juice factory. Habang abala ang mga kamay sa kubyertos.
Mediyo seryoso kung magbitiw ng salita si Daddy, pero kung kilalang-kilala mo siya, alam mong yun ang normal way niya ng pakikipag-usap.
Kasalukuyan kaming nagdi-dinner. Nakaupo siya sa pinakasentro ng dining, nasa kanang bahagi naman si Mommy at sa kaliwa naman ako.
"Everything's fine naman Dad." Sinabayan ng ngiti saka sumubo ng pagkain.
Tumango naman siya.
"Almost done na rin yung ginagawa kong business plan for expansion." Dugtong ko.
"Oh yeah! About that nga pala. When do you plan to start it? Mediyo na e-excite na ako para diyan." Interesadong tanong naman ni Mommy habang nakangiti.
"By the end of the year, may nakita na rin kasi akong place na pagtatayuan ng mas malaking factory just around the area." Tugon ko kay mommy, saka binaling ang tingin kay Daddy. "By the way Dad, can you help with Tito Arman? Siya nalang ang kukunin kong contractor. Para makahingi ako ng discount sa pagpapatayo ng factory."
Si Tito Arman ay dating kasamahan ni Daddy sa work na may malaking construction business.
"Sure anak. Remind me tomorrow, para matawagan ko siya." Suporta ni Daddy.
"Uuh uuhmm" Tugon ko habang ngumunguya kasabay ng bahagyang pagtango.
"Siya nga pala, pupunta ako ng Zambales tomorrow. May imi-meet lang akong supplier. Nagkaproblema kasi yung isang supplier ko." Wika ko.
"Why do you have to do it yourself? Kaya na ng staffs mo yun anak." Giit ni Dad.
Tila alisto naman si Mommy sa pinupunto ko. Sa tuwing nababanggit ko kasi ang Zambales, otomatikong pumapasok sa isip niya ang pangalawang sadya ko.
"Ernesto!... Zambales remember?" Makahulugang sabi ni Mommy kay Daddy.
Napaisip naman si Dad, pero mayamaya ay nakuha niya na ang nais ipahiwatig ni Mommy.
"Hmmm.. I see.. My future daughter-inlaw!" Sinabayan ng mahinang tawa.
Nakitawa na rin si Mommy at kinindatan ako.
"Lalake si Luke Dad, kaya dapat son-inlaw!" Giit ko.
Binalot ng tawanan ang dining area. Yan ang laging pang-asar sa akin ni Dad. Pero nakakatuwang pakinggan na okay na okay na sa kanya ang magbiro ng mga ganyang bagay.
"Pero anak, hanggang kailan ka ba aasang makikita mo pa siya ulit?" Tanong ni mommy.
Mediyo nalungkot ako pero nakabawi din. Pinalakas ang loob.
"Tingin ko bukas na yun! Sure na ako mom!" Sinabayan ko ng excitement ang boses.
"Ilang beses mo na yang sinabi sa tuwing nagpupunta ka ng Zambales."
Sa tuwing may business agenda kasi ako sa Zambales. Lagi ko itong sinasabi sa kanila.
Naglalaan ako ng ilang oras upang patagong magmatiyag sa harap ng bahay nila. Nagbabakasakaling makita ko siya.
Nakaready na kasi ang lahat. Si Luke nalang talaga ang kulang.
Napabuntong-hininga na lang ako.
"Pumayag ka na kasing ipakilala kita doon sa anak ni General. Pogi rin yun at makisig." Singit ni Daddy.
"Kahit pinaka pogi pa yan sa buong mundo, Dad. Hindi ako interesado diyan. Si Luke lang ang gusto ko."
Hindi niya na ako tinigilan sa biro niyang tungkol sa anak ng General na yan.
"Manang-mana ka talaga sa Daddy mo. Ganyan na ganyan siya sa akin noon. Hinintay niya rin ako ng matagal." Ngiting sabi ni Mommy.
"Erlinda! Ibahin mo ang anak mo. Eight years sa kanya samantalang three months lang bumigay ka na agad! Hindi mo man lang ako pinahirapan" Pang-aasar ni Daddy.
Tumawa ako.
"Para sa akin matagal na yun no! Tsaka hindi mo ako masisisi! Daanin mo ba naman ako sa pakindat-kindat, ngiti-ngiti at linggo-linggo na paghatid mo ng rosas! Idagdag mo pa yang kakisigan mo! Sinong hindi bibigay, ABER??!!!"
Muling napuno ng tawanan ang hapag-kainan.
Sa tuwing si Luke ang napag-uusapan nagiging katatawanan ang eksena namin. Hindi naman ako naiinis. Maaari kasing yun ang way ng pagpapakita ng suporta nila sa akin. Malaking tulong yun upang mapagaan ang loob at maibsan ang lungkot na nararamdaman ko.
Minsan hindi ko lang talaga sukat akalain na kayang magbiro ni Dad ng mga ganyang bagay tungkol sa amin ni Luke. Samantalang dati ay halos itakwil niya na ako at patayin dahil sa kahihiyan.
Awkward nang dating. Pero iniisip ko na lang ang sinabi niya.
"Anak, wag kang magagalit kung nangbibiro si Dad ng ganito. Gusto ko lang iparamdam sayo na nagsisisi ako sa pagpapahirap sayo noon at ito ang pamamaraan ko para lang maiparamdam sayo na totoong tanggap na kita anak at proud ako sayo."
Kung kailan pa ako naging ganito, saka pa ako mas napalapit sa kanya. Samantalang dating bata pa ako, halos hindi kami magkausap at mas madalas na nakasigaw at sermon.
***
Madilim pa lang ay nakagayak na ako.
Sa tuwing may business agenda ako sa Zambales tila ba lagi akong na e-excite, kahit na madalas ay umuuwi akong bigong makita ang taong espesyal sa puso ko.
Gamit ang sariling sasakyan ay tumulak na ako. Mas maaga, mas maganda. Nang sa gayo'y magkaroon pa ako ng oras para magbakasakaling makita ko siya.
San Marcelino, Zambales
Ito ang mismong lugar nila Luke. Kaya hindi ko mapigilang sumigla nung malaman kong doon matatagpuan ang farm na tinutukoy ni Leah.
Kakasilang lang ng araw, ngunit malapit ko nang marating ang destinasyon ko. Nagpasya muna akong mag-almusal bago tumuloy. Dahil siguradong hindi pa bukas ang tanggapan ng farm na pupuntahan ko.
Hinintay kong mag alas nueve saka ako tumuloy, nang sa gayo'y masigurado kong bukas na ito.
Alas-nueva y'media ay narating ko na ang bukana ng Soledad's Farm. Napakalawak nito tantiya ko ay nasa mahigit benteng ektarya ang nasasakupan nito. Matatanaw mo na kasi ang napakahabang bakod nito mula sa highway.
Napangiti ako nang mapag-alamang ilang metro lang ay matutunton muna ang bahay nila Luke sa bandang unahan ng farm na ito.
SOLEDAD'S FARM
Yun ang nakalagay sa arko sa may ibabaw ng gate.
Habang ipinapasok ko ang sasakyan sa malaking gate ay kinumpirma ko muna sa guard kung naroon na ba ang incharge ng farm na yon. Saka tuluyang giniya papaloob at naghanap ng mapaparadahan malapit sa dalawang palapag na gusali na nagsisilbing opisina ng farm.
Nang mapasok ko ang gusali ay bumungad ang reception desk. Madali akong nagtungo rito at nagtanong sa babaeng nakapwesto roon.
"Good morning! I'm looking for Ms. Donna Santiago." Panimula ko.
Yun ang pangalan ng incharge person na ibinigay ni Leah sa akin.
Napabaling naman ang tingin niya sa akin at ngumiti.
"Good morning din sir. Ako nga si Donna Santiago." Tugon niya.
Napatango nalang ako.
"Zion, by the way. Zionel Aragon of Fruc'Ows Factory." Nakangiti sabay lahad ng palad ko.
Inabot naman niya itong nakangiti rin.
"Kayo po na pala yan Sir Zion."
Ini-expect niya naman ang pagdating ko dahil natimbrehan na ito ng staff ko.
Iginiya niya ako sa opisina niya at pinaupo sa harapan ng mesa.
Nagbakasakali akong magtanong ulit baka may regular na mangga pa silang available.
Ngunit wala na raw talaga, tanging organic lang ang kaya nilang i-provide.
Sinubukan kong makipag negotiate kung maaari ay bawasan nila ng konti ang presyo kada kilo.
"I'm sorry po sir, hindi kasi ako allowed magbigay ng discount. Kung may binibigyan man po kami, dahil po yun sa instruction ng mga boss ko."
Tumango lang ako.
"Pero tamang-tama po sir nandito po yung isa sa mga boss ko. Pwede niyo naman po siyang kausapin, kung gusto niyo."
"Talaga?" Nabuhayan ako ng pag-asa.
Ganito talaga ang ugali ko pagdating sa negosyo. Hangga't may pagkakataong makatipid ay susunggaban ko.
Pagkalabas namin ng opisina ay isinuot ko ang shades na dala-dala ko. Mag-aalas dyis na kasi ng umaga kaya mediyo mataas na ang tirik ng araw.
Sumakay kami sa golf car na naroon. Nabanggit kasi ni Donna na mediyo may kalayuan daw ang kinaroroonan ng boss niya.
Siya din mismo ang nagmaneho nito.
Habang nasa daan ay binabaybay namin ang napakalawak na lupain na may napakaraming nakahilerang malulusog na puno ng mangga.
Nagtanung-tanong ako habang nasa byahe.
Napag-alaman kong hindi lang mangga ang produkto nila. May kalamansi, dalanghita, langka, lansones at marami pang iba. Nagtanong rin ako ng konting idea about sa pag ku-cultivate ng organic fruits.
Maya-maya lang ay itinuro ni Donna ang tinutukoy niyang boss. Mediyo malayo nga pero abot naman namin ng tanaw.
Nakasakay ito sa kabayo. Nakasuot ng puting polo na may mahabang manggas na pinaresan ng maong na pants.
Animo'y abala ito sa pag su-supervise ng mga tauhan sa farm.
Papalapit na kami ay abala pa rin ito. Kasalukuyang nakatalikod sa amin. Na noon ay nakasakay pa rin sa kabayo at natatakpan ng lilim ng punong mangga.
Hininto ni Donna ang pagmamaneho at bumaba kami. Tumungo kami sa parteng naliliman ng puno. May naabutan kaming dalawang tao na noo'y abala rin sa paglilinis ng puno ng mga mangga.
"Sir Zion, dumito po muna kayo at pupuntahan ko lang si boss."
Tumango lang ako. Nakipag-usap sa mga tauhan na nag ta-trabaho roon.
Nagtanung-tanong ng kung anu-anong bagay tungkol sa farm.
Maya-maya ay nilingon ko si Donna na noo'y pabalik na kasama ang boss niya. Mga limampong metro ang layo nila sa kinatatayuan ko.
Nakababa na ito sa kabayo. Ngayon ay hawak-hawak na nito ang tali na malapit sa nguso ng kabayo at kasabay na ni Donna na naglalakad.
Habang papalapit na sila ng papalapit. Tila nama'y hindi ako mapakali.
Ibinaba ko ng bahagya ang suot kong shades upang mas maaninag ito.
Matangkad na halos kasing tangkad ko. Maganda rin ang tindig nito.
Ilang metro nalang ang agwat nila sa akin at halos pareho kaming nakakunot ang noo na pilit inaaninag ang isa't isa. Pilit ko kasing kinikilala ang isang to.
Pamilyar siya sa akin.
Habang papalapit sila ng papalapit, pabilis ng pabilis naman ang tibok ng puso ko.
Ngayon ay dalawang dipa na lang ang agwat sa akin. Na estatwa ako. Mabilis na nag-rigodon ang dibdib ko.
Tinanggal ko nang tuluyan ang salamin sa mata habang nakaawang ang bibig.
Halos hindi ako makapaniwala dahil..
Ang pamilyar na mukha na nasa harapan ko ngayon ay walang iba kundi..
Ang taong hinahanap-hanap ng buong sistema ko.
"LUKE??!!!"
"ZION?!!!"
***
"Meeehhhhhhh!!!" sabi nung kabayong hawak niya. Epal ampota!
COMMENTS