Story of My Life By: James Cornejo “So let’s help each other at this time of our life, because everything is placed in jeopardy. Delik...
Story of My Life
By: James Cornejo
“So let’s help each other at this time of our life, because everything is placed in jeopardy. Delikado talaga. Totoo ito, crisis talaga ito kasi walang gamot. Okay? Salamat po. Thank you for listening.”
It was March 12, 2020. Lahat tayo ay nagulantang sa pag-anunsyo ng presidente na magsisimula na ang malawakang quarantine sa ka-Luzon-an. Marami ang nalungkot dahil sa napakadaming dahilan. Isa na dito ang dahil sa trabaho.
Gusto kong sabihing dito nagsimula ang istoryang ito, ngunit hindi. Isa ito sa mga nagbigay daan sa istoryang nangyari sa buhay ng isang taong nagtatrabaho ng marangal, kumikita ng marangal pero namumuhay ng walang kadangal-dangal.
Siya si Don, short for Daniel Olivier Nile Amadeo. Dalawampu’t-siyam na taong gulang, tubong Laguna. May tangkad na 5’3, hindi kagandahan ang katawan dahil sa tiyan niyang nangunguna palagi sa tuwing siya ay maglalakad. Hindi rin ito masasabing guwapo dahil hindi naman ito kakinisan at ang buhok nito ay halos mawala na din. Sa mukha naman nito, meron itong magandang matang napaka-expressive, ilong na medyo may katangusan ngunit maliit, bibig na mamula-mula. Kung tutuusin sana ay may dating ang mukha nito ngunit dahil na rin sa kanyang buhok ay wala nang nakakapansin ng mukha nito dahil naging tampulan na agad ng tukso ang buhok neto.
Pagdating naman sa ugali, hindi naman magpapahuli si Don sa kabaitan. Kung mayroong grupo ng mga taong mapagbigay, mapagparaya, hindi makasarili ay maaari na ninyong isama si Don sa grupong ito.
Hindi rin naman ipinagkakaila ni Don na isa siyang bakla. Siya ay isang uri ng bakla na hindi nanamit at hindi pinangarap na maging babae. Kung manamit at kumilos ito ay hindi mo makikitaan ng senyales siya ay kasapi ng LGBTQ Community.
“Babalik na ako sa apartment by next week.” ang mensaheng ipinadala ni Don sa group chat nila ng mga kasamahan niya sa apartment na tinutuluyan nito.
May halos tatlong buwan din siyang hindi nakabalik sa apartment na iyon dahil sa Covid-19. Gayon pa man ay tila excited na siyang muling magtrabaho kahit na alam nitong maaari niyang makuha ang sakit na kumakalat. Hindi kasi sanay si Don na walang ginagawa at nakatambay lamang sa bahay.
“May makakasama na ba ako sa apartment?” Tanong muli nito nang mapansing walang sumagot sa kanya sa kanilang GC.
“Ako! Nando’n na ko next week!” Sagot naman ng isa sa kasali sa GC na nagngangalang Tristan.
“Nice! Pero baka magsama ako ng tropa. Para may kapalitan ako mag drive, Okay lang ba?” Tanong muli ni Don.
“Oo naman, okay lang, walang kaso.” Sagot muli ni Tristan.
“Salamat, salamat! See you next week!” Masayang pagtatapos ni Don.
Sa apartment na tinitirhan nito ay lima silang magkakasama, pare-parehas ng trabaho ngunit magkakaiba ng kumpanya. Si Don, Tristan, Romeo, Rufo at Amiel. Si Tristan ang pinaka matanda sa kanilang lima, sumunod naman ay si Don, samantalang magkakaedad naman si Romeo, Rufo at Amiel.
Sa itsura naman ay masasabi mong si Romeo ang pinaka guwapo sa kanila, may kagandahan ang katawan dahil sa araw araw nitong pagbubuhat. Magandang tindig ng katawan ang maipagmamalaki nito at dahil na rin sa ayos niyang manamit ay talaga namang masasabi mong isa itong head turner. Ito rin ang pinakamatagal na sa larangan ng kanilang trabaho kaya kahit na isa siya sa mga bata dito ay siya rin ang hinihingan ng tulong at payo ng mga kasamahan nito sa bahay.
Si Amiel naman ang pinaka mataba sa kanila. Pero dahil na rin sa mala-anghel nitong mukha ay nababalewala na ang pisikal na anyo nito kaya’t marami rin ang nagkakagusto dito. Ang isang ayaw lamang dito ni Don ay ang pagiging mapang-lamang nito sa lahat ng aspeto ng bagay. (Gano’n naman yata talaga ang kailangan sa nature of work ng lima. Kailangan marunong kang mang lamang sa kapwa mo para makuha mo ang gusto ng kumpanya.)
Si Rufo naman ay bago lamang na tumitira sa apartment. Kakilala siya ni Romeo dahil dati silang magkasama sa iisang kumpanya. At dahil na nga rin magkakilala na sila at iisa ang area ng trabaho nila ay minabuti na ni Romeo na sa apartment na rin na iyon siya patirahin. Para na rin mapababa pa nila ang binabayaran dito. Si Rufo ay isang tagong bakla/bi. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maamin sa mga kasama sa bahay kung ano talaga siya, ngunit alam ni Don ang lansa ng katulad niya. Bilang respeto ay hindi naman ibinubuking ng huli si Rufo.
Si Tristan naman ay hindi mo masasabing guwapo, hindi mo rin masasabing pangit. Charismatic, yan ang pinaka malapit na deskripsyon na pwedeng maibigay sa kanya.
Sa kanilang lima, si Don, Romeo at Rufo ay wala pang asawa samanatalang si Tristan at Amiel naman ay parehas na may asawa na.
---
“Tristan, malapit na kami, mga thirty minutes nalang siguro ay nandya’n na kami ng kasama ko. Baka naman pwedeng makisuyo at makapagpaluto sayo ng umagahan.” Ang mensaheng ipinadala ni Don kay Tristan.
“Sige, pare. Ipagluto ko nalang kayo ng pancit canton dito,”
“Sige, tsong. Salamat!”
Makalipas ang ilang minuto ay agad na nga ring dumating si Don at ang kasama nito sa apartment. Naka handa na ang umagahan nila. Agad rin naman nila itong pinagsaluhan. Dahil na rin maaga silang umalis ng kasama nito sa pinanggalingin nila ay wala pang kahit na anong bukas na kainan sa daan. Marahil ay dahil na rin ito sa Covid-19 kaya’t wala pang gaanong bukas na establisyemento.
“Pano ‘yan? Saan muna kayo mag-e-area?” Panimula ni Tristan.
“Sa Sta, Cruz kami mamaya, maliligo lang ako pagkatapos kumain bago magparoon.” Sagot naman ni Don habang puno ang kanyang bibig. “Pare si Ronel pala.” Patuloy nito matapos malunok ang pagkain na nasa kanyang bibig, Nakalimutan niyang hindi pa pala niya naipapakilala ang kasama kay Tristan.
“Boyfriend mo?” Kasunod na tanong agad ni Tristan sa kausap.
Dahil sa narinig ay tila naman nabilaukan si Ronel at humagalpak ng tawa.
“Hindi, pare. Tropa, kababata lang.” Sagot naman ni Don na natatawa rin.
Si Ronel ay ang pinakapinagkakatiwalaan ni Don ng kanyang buhay. Alam nito ang kabuohan ng istorya ng buhay ni Don. Pamula sa unang babaeng natikman ni Don, hanggang sa unang boyfriend ni Don, hanggang sa pinaka huling heartache nito. May angking kagwapuhan si Ronel, ganda ng tindig, ganda ng katawan. Kung tutuusin ay halos magkahawig sila ni Romeo, ang pinagkaiba lamang nila ay nakakapagbihis ng maganda si Romeo samantalang si Ronel naman ay hanggang shorts at t-shirt lamang.
Tunay na kababata ni Ronel si Don. Kahit na apat na taon ang tanda ni Don sa una ay hindi naman naging hadlang ito para sila ay magkasundo sa napakaraming bagay. Ang biro pa nga palagi ni Ronel kapag ipinapakilala siya ni Don sa mga bagong tao sa buhay niya ay “Si Don ang nagturo sakin ng lahat ng katarantaduhang alam ko ngayon.”.
Hindi na nagtagal ay nakaalis na si Ronel at Don sa apartment at nagpatungo na sila sa Sta. Cruz. Tipikal na maghapon para kay Don ang nangyari, antay sa mga kliyente, usap, hanap ng benta, hanap ng bagong kliyente.
Nang makabalik ang dalawa sa apartment ay mag a-alas-otso na ng gabi. Halos labin-dalawang oras din silang nasa daan at halatang halata mo ang pagod sa mukha ng dalawa. Si Ronel ay pagod sa pagmamaneho samantalang si Don naman ay pagod sa utak.
“Nasan si Tristan?” Ang tanong agad ni Ronel nang mapansing walang ibang tao sa apartment kundi silang dalawa.
“Wala na ‘yon. Umuwi na sa probinsya nila.” Sagot naman ni Don. “Maliligo na muna ako. After ko, ikaw naman. Mahirap na, baka may dala pa tayong Covid dito sa bahay.” Sunod naman nito.
“Sabayan kita?” Birong tanong ni Ronel.
“Tigilan mo nga ako, Ronel!” Pakipot ni Don dito. Ngunit sa isip-isip nito ay gusto niya dahil na rin may limang buwan na rin itong hindi nakakaranas ng sex.
Hindi naman sumabay si Ronel sa pagligo. Alam naman ng dalawa na biro lamang ang sinabi ni Ronel na iyon dahil na rin alam ng isa’t-isa kung saan sila tatayo sa buhay nila.
Habang naliligo ay hindi naiwasan ni Don na gumunita ng mga pangyayari noong sila parehas pang nag-aaral.
---
“Anong pakiramdam?” Tanong ni Don kay Ronel.
Ito ang araw kung saan inamin ni Don kay Ronel na siya ay isang kasapi ng LGBTQ Community. Parahes nang may sapi ng alak ang dalawa. Ipinagtapat ni Don dito na ang dahilan ng kanilang pag-iinom ay dahil sa paghihiwalay nila ng kanyang boyfriend na wala namang kahit na anong ideya si Ronel na may karelasyon pala si Don na kapwa nila lalaki.
“Pakiramdam ng?” Tugon naman ni Don.
“Na nakikipag sex sa lalaki?” Walang ka-abog-abog na bulalas naman ni Ronel.
“Talagang pag-uusapan natin ‘yan ngayon? Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung anong nangyari samin ng boyfriend ko at bakit kami nag hiwalay?” Dismayadong sagot ni Don. “O kaya tanungin mo nalang ako bakit ako naging bading? Bakit hindi ko sinabi sayo sooner? Gano’n kaya itanong mo sakin?”
“Ay sorry, sorry.” Natatawang tugon ni Ronel dito. “O eh ano bang nangyari?”
“Wala na ako sa mood magkwento!” Pikon na sagot naman ni Ronel.
Nang gabing ‘yon ay sumuko din si Don sa kaibigan at naikwento niya lahat lahat ng nangyari at kung paano humantong na siya ay naging bakla. Wala siyang iniwang detalya kay Ronel at lahat ng sama ng loob niya sa nakaraang relasyon ay inilabas niya.
Habang nagkukwento ay hindi rin napigilan ni Don na maglabas ng emosyon. Kaya’t tumabi na si Ronel sa kanya upang hagurin ang likod nito at aluin.
“Tang inang lalaki ‘yan. Pag nakita ko ‘yan sasapakin ko talaga ‘yan!” Nabigkas ni Ronel dahil na rin sa pagkahabag sa kaibigan.
“H’wag!” Saway ni Don habang umiiyak.
“Tang ina, Don! Niloko ka na tapos ipagtatanggol mo pa!”
“Alam ko naman na ganito ang buhay na pinili ko. Kasalanan ko rin naman ‘to eh. Ako ang nagpumilit sa kanya na maging kami kahit na alam kong straight s’ya. Pumayag naman ako sa lahat ng kondisyon niya kaya kasalanan ko ‘to.” Sambit muli ni Don.
Ang tinutukoy nito ay ang usapan nila ng huling nakarelasyon na kapag may nagustuhan muli siyang babae ay hihiwalayan niya si Don at babalik sa tuwid na daan.
Wala na ngang nagawa si Ronel kundi ang aluin nalang ang kaibigang naghihinagpis. Hindi naman maintindihan ni Don kung bakit hindi man lamang siya pinandirihan ni Ronel matapos ng lahat nang nalaman nito tungkol sa kaibigan. Bagkus ay mas lalo pang naging malapit ang dalawa.
Ilang heartbreaks pa ang naranasan ni Don sa kamay ng ilang lalaki at sa tuwing ito ay mangyayari, si Ronel lamang ang sinasabihan niya ng mga pangyayari. Lagi namang handang makinig si Ronel at sa tuwing iiyak ito ay inaalo lamang siya ni Ronel hanggang sa tumahan.
“Bakit ba kasi boyfriend ka ng boyfriend? Ano ‘yan? Libog nalang?” Marahil ay dahil na rin sa bugso ng damdamin ay napalakas ang boses ni Ronel.
“Hindi ko din alam.” Sukong sagot ni Don.
“Putang ina, Don! Kung libog lang, magsabi ka lang!” Pagalit na sabi ni Ronel dito.
“Huh?” Nabiglang sambit ni Don.
Kahit na kasi lango na ang dalawa sa alak ay tila na hulasan ito sa binanggit ni Ronel. Di n’ya alam kung anong isasagot niya dito.
“Magsabi ka lang!” Pag-uulit ni Ronel dito. “Kung libog lang ang hanap mo sa lalaki, ako na, nag-vo-volunteer na ako! Makikipag sex ako sayo para hindi ka na humanap ng ibang lalaki!” Magabang dugtong pa nito.
Hindi na nakaimik si Don sa binulalas ng kaibigan. Mula sa pagkakahilig nito sa balikat ni Ronel ay umayos siya ng upo na tila ba nahihiya ito sa kanya. Kasunod nito ay ang pagkuha ni Don sa kanyang baso sabay inisang-lagok ang laman nito.
Hindi naman nakaligtas sa paningin ni Ronel na medyo nailang si Don sa ibinulalas niya. Kinuha din nito ang kanyang baso at sinabayan ang kaibigan na ubusin ang laman ng sa kanya. Matapos uminom ay hinawakan ni Ronel ang baba ng kaibigan at iniharap niya ito sa kanya.
“Seryoso ako.” Maikling sambit nito kasunod ay siniil niya ng halik ang kaibigan.
Bago pa matauhan si Don ay natagpuan na niya ang kanilang mga katawan sa kama na parehas hubo’t hubad. Nakapaibabaw sa kanya ang kaibigan habang walang batid ang pagsiil nila ng halik sa isa’t isa.
Nang magsawa ay si Don naman ang pumaibabaw dito. Muli niyang siniil ng halik ang kaibigan bago bumaba sa mga utong nito. Pinaglaruan niya ang magkabilang utong ni Ronel gamit ang dila at bibig na talaga namang nagbigay ng kakaibang sensasyon sa kaibigan.
Hinawakan ni Don ang ari ng kaibigan at sinimulan niya itong salsalin. Matapos pagsawaan ang utong ni Ronel ay tumingin si Don sa mga mata ng una na tila ba nagpapaalam sa susunod niyang gagawin. Nginitian naman siya ni Ronel na para bang sinasabing okay lang, ituloy mo.
Wala nang inaksayang panahon si Don, agad siyang bumaba sa naghuhumindig na pagkalalaki ni Ronel at dinilaan ang kahabaan nito. Nang marating ni Don ang ulo ay hinalik-halikan niya muna ito bago tuluyang isubo ang kabuohan nito.
Puro ungol ang maririnig sa apat na sulok ng kwarto. Ungol na kung ikaw mismo ang makakarinig ay mararamdaman mo ang libog na nararamdaman ng dalawang nagniniig.
“Ahh puta! Ang sarap!” Hindi napigilan ni Ronel na mapasigaw dahil sa ginagawa ni Don. Ngayon ay nakasubsob ang ulo nito sa bayag ng kaibigan. Dila dito, supsop doon. “Dahan dahan, ahhh. Puta, baka labasan agad ako!”
Napangiti lamang si Don at tinigilan niya ang ginagawa sa kaibigan. Umakyat siya at pumaibabaw muli kay Ronel habang tila sinasamba ang katawan nito at dinidilaan ang lahat ng madadaanan ng kanyang bibig paakyat sa leeg ng una.
“Masarap ba?” Malademonyong bulong ni Don kay Ronel.
“Tang ina, hindi ko akalain ganito kasarap pala ‘to.” Halos mapatid ang hininga ni Ronel habang binibigkas ito.
“Gusto mo ng mas masarap?” Malanding bulong muli ni Don dito.
Muli ay ngumiti ang kaibigan nito bago muling naglapat ang kanilang mga labi. Halata mo sa pamamaraan ng paghalik ni Ronel ay nilamon na talaga ito ng libog.
Habang patuloy ang paghahalikan ng dalawa ay tila ba may inaabot si Don sa kanyang side table. Nang makuha niya ang kinukuha ay siya na rin ang pumutol sa paghahalikan nila.
“A-anong ginagawa mo?” Pagtataka ni Ronel.
“Basta, masasarapan ka dito.” Pamisteryosong tugon ni Don.
“Pwede bang wala na n’yan?” Tanong muli ni Ronel sa kaibigan.
Umiling lang si Don sabay suot ng condom sa kaibigan gamit ang bibig. Walang nagawa si Ronel kundi ang mapasinghap sa ginawa ni Don sa kanyang ari. Pinahiran din ni Ronel ang kahabaan ni Don ng lubricant bago tuluyang ayusin ang sarili at itutok ito sa kanyang butas.
Unti-unti, inilubog ni Don ang sarili sa ari ni Ronel. Nang maipasok na niya ang kabuuhan ng ari ng kaibigan ay pinatagal niyang napasok lamang ito at hindi gumalaw. Marahil ay medyo nasaktan siya dahil hindi rin siya sanay sa ganun kalaking ari. Doon niya napatunayan na ang mga huli niyang naging boyfriend ay hindi kalakihan ang ari.
Nang masanay ang butas nito ay unti-unti na siyang umindayog sa ibabaw ng kaibigan. Kitang-kita niya kung paano pumikit si Ronel na senyales na ito ay nasasarapan sa kanyang ginagawa. Maya’t-maya pa ay pabilis na siya ng pabilis sa pag-indayag na akala mo ay kinakabayo niya ang kaibigan.
Hindi na nakapagpigil pa si Ronel, talagang binalot na ito ng libog dahil bigla niyang itinulak si Don at pumaibabaw dito nang hindi natatanggal ang ari sa butas ng kaibigan.
“Ahh puta! Ang sarap neto!” Sambit ni Ronel habang iniiyot ang kaibigan. “Pamula ngayon akin lang ‘to.” Dugtong pa nito na parang asong ulol sabay siil muli ng halik sa kaibigan.
Bumilis ng bumilis ang pagkadyot ni Ronel sa butas ni Don. Maya’t-maya pa ay naramdaman na ni Don na tila ba lumalaki lalo ang ari ni Ronel sa loob niya na senyales na ito ay lalabasan na. Kinabig ni Don ang batok ni Ronel sabay muling siil sa mga labi nito. Ilang indayog pa ay naramdaman na ni Ronel na pumuputok na siya sa loob ng kaibigan.
Ibinagsak nalang ni Ronel ang kanyang katawan sa ibabaw ni Don nang marating na nito ang rurok ng kanyang libog. Maya’t-maya pa ay umalis na ito sa ibabaw ni Don at nagpahinga sa tabi nito.
Sabay na ring nakatulog ang dalawa na kapwa hubo’t hubad ang katawan.
---
“Don! Patapos ka na ba? Taeng-tae na ko!” Sigaw ni Ronel sa kabila ng pintuan ng CR sa apartment.
Doon lamang natapos ang pagmumuni-muni ni Don sa nangyari may pitong taon na ang nakakaraan. “Patapos na!”
Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na rin siya sa CR.
COMMENTS