$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Apoy (Part 4)

Sa mga text ni Sam kay Lance ng araw na iyon ay hindi niya nabanggit na pati sa simbahan ay magkasama sila. Kaya batid ni Sam na magtatamp...

Sa mga text ni Sam kay Lance ng araw na iyon ay hindi niya nabanggit na pati sa simbahan ay magkasama sila. Kaya batid ni Sam na magtatampo si Lance sa kanya ng banggitin ni Edward ang tungkol sa kanilang pagsisimba.

Umuwi si Sam na may bumabagabag sa kanya. Alam niyang mahal niya si Lance at ganoon din naman si Lance sa pagmamahal sa kanya. Ilang taon na nilang itinatago ang kanilang relasyon at kahit isang malaking pagtataksil iyon kay Emily ay tumagal pa din sila dahil sa kanilang pagmamahal sa isa’t isa. Pero ng araw na iyon ay may kakaiba siyang galak na naramdaman habang kasama niya si Edward. Nakuha din niyang hindi magsabi na katotohanan kay Lance. Hindi pa nya kilala ng lubusan si Edward subalit maligaya siyang nakasama niya ito sa araw na iyon.

Sa paglipas pa ng mga araw ay hindi talaga nagkaroon ng lakas ng loob si Sam na kausapin si Lance. Alam niya na may hinanakit pa din ito sa kanya dahil wala pa din siyang natatanggap na tawag o text man lamang mula dito. Tanging mga tawag at text mula kay Edward ang kanyang natatanggap. Hanggang sa dumating muli ang weekend.

“Are you free tonight?” ang text na na-receive ni Sam mula kay Edward habang naghahanda na siya sa pag-alis sa kanyang opisina.

Ayaw na sana niyang sagutin iyon. Dahil balak niyang kausapin si Lance ng gabing iyon kung maaari lamang. Subalit parang may nag-udyok sa kanya na sagutin na ang text ni Edward at tiyak na yayayain siya nito na gumimik.

“Yes, i’m free tonight.” ang text naman ni Sam.

“Just want to invite to a bar in The Fort. Never been there.” ang sumunod na text ni Edward.

“Sure.” ang maikling text ni Sam.

Nagpatuloy pa ang palitan nila ng text messages at na-set nga ang lakad nila. Nagkasundo din sila kung saang bar sila pupunta.

Sa loob ng bar na napili nila ay umorder sila ng kanilang inumin at pulutan. Masayang nagkwentuhan ang dalawa hanggang naparami na ang kanilang nainom.

“You know Sam, I like you.” ang biglang sinabi ni Edward na ikinagulat ni Sam.

“What do you mean?” ang tanong ni Sam.

“I guess I’m falling in love with you.” ang sabi pa ni Edward.

“Pare, ano bang sinasabi mo. Lasing ka na yata.” ang sabi naman ni Sam.

“Nararamdaman ko na you also like me. Pero ayaw mong sabihin yun. Kaya ako na ang nagsasabi ng nararamdaman ko sa iyo.” ang sabi pa ni Edward.

“Baka tumira ka lang ng drugs kanina kaya ganyan ang trip mo ngayon.” ang sabi naman ni Sam.

“Walang biro Sam. I think I love you. Sabi ko na nga eh. Kaya hindi nagwo-work-out ang mga relasyon ko with girls eh sa kabaro ko pala ako dapat magmahal. I also can feel that there is something going on between you and my brother in law. That’s crazy. Kawawa si ate. Ako na lang Sam ang mahalin mo.” ang pasusumamo pa ni Edward.

Hindi malaman ni Sam kung ano ang isasagot kay Edward. Aaminin ba niya ang tungkol sa kanila ni Lance o iibahin na lamang muli niya ang usapan. Subalit dama ni Sam ang sincerity ni Edward ng mga oras na iyon.

“I love your borther in law and I don’t want to break up with him. Siya ang nagtuwid sa aking landas noong wala ni isa man kaibigan ang tumutulong sa akin noong mga panahong hinahanap ko ang aking sarili. Muntik na magulo ang buhay ko nang ilang beses din akong nakipag-live-in sa kabaro ko na ang pakay lamang ay ang huthutan ako ng salapi. Minahal niya ako at tinanggap niya ako kung ano ako noon. Siya ang naging daan sa aking tuluyang pagbabago.” ang sumabulat na saloobin ni Sam.

“Pero may asawa na siya. Noon pang una ko siyang nakilala ay batid ko na pilit niyang nilalabanan ang tunay niyang pagkatao. Tulad ko at tulad mo din siya. Pero mas pinili niya ang magkaroon ng asawa at pamilya. Dapat yun na lamang ang pangtawanan niya. Mahirap ang mamangka sa dalawang ilog.” ang sabi naman ni Edward.

“Alam ko yun Edward. Mahal na mahal nya ang ate mo. Kaya nga kahit mahirap sa aking damdamin na ako na lamang ang nagbibigay sa tuwing may conflict sa schedule namin ng ate mo ay ayos lang sa akin. Alam ko naman na malaki ang obligasyon niya sa ate mo at sa mga anak nila. Tanggap ko iyon. Naiintindihan ko iyon.” ang sabi naman ni Sam.

“Mali eh. Mali yun. Pwede ka naman magmahal ng walang pananagutan sa buhay tulad ko. Para tuluyan ka ng lumigaya. You deserve to be happy.” ang sabi naman ni Edward.

Nagpatuloy ang pagsusumamo ni Edward at si Sam naman ay patuloy pa din ginagawan ng rason ang kanilang relasyon ni Lance. Hanggang sa magyaya ng umuwi si Sam.

“Hatid na kita.” ang alok ni Sam paglabas nila ng bar.

“No need. Nakabili na din ako ng bagong car. Yung tinignan natin na naka-display sa mall. Nangulit yung ahenteng kausap natin. Hindi tuloy ako nakatanggi. Ayos naman kasi malaking discount din ang nabigay nya at natupad din nya ang delivery kaninang umaga.” ang nabanggit ni Edward.

“Ayos ah. Pwede ka ng gumimik gabi-gabi.” ang sabi naman ni Sam.

“Pwede basta ba ikaw ang kasama ko.” ang sabi naman ni Edward.

“Mabuti pa after this car ay ayusin mo na ang business na itatayo mo.” ang suggestion ni Sam.

“Ayos na din yun. Nakausap ko na yung kaibigan ko na owner ng store ng vehicle spare parts. Magpapartner kami at kukuha kami ng mas malaki pang pwesto. Syempre dadamihan na din namin ang iaalok naming spare parts. Balak na din namin mag-direct ng importation ng spare parts at magbukas ng repair shop. Nakahanap na kami ng pwesto at mga next week sisimulan na ang renovation ng lugar. Kapag open na yun, ikaw sana ang unang client namin.” ang sabi naman ni Edward.

“No problem basta ba libre.” ang biro ni Sam.

“Ganun! Lugi kaagad. Dapat ang buena mano ay yung good customer para maganda ang pasok sa negosyo.” ang sabi naman ni Edward.

Natawa na lamang si Sam at tungkol nga sa bubuksang business ni Edward natuon ang kanilang usapan habang nakatayo sila sa parking lot.

“I have to go na. Lumalalim na ang gabi.” ang paalam na ni Sam.

“O sige. Basta pag-isipan mo yun ipinagtapat ko sa iyo kanina.” ang sabi naman Edward.

“Ang alin? Yun bang business mo?” ang biro ni Sam.

“Ikaw talaga Sam. Hahalikan kita dyan.” ang sabi naman ni Edward.

“Ooops. Bawal sa public place yun. Pero seryoso pare, please don’t tell this to your brother in law. Even about you going out with me tonight, wag mong mababanggit sa bayaw mo. Simula last Sunday hindi pa kami nagkakausap. I know nararamdaman na nya sa iyo ang kakaiba mong nararamdaman sa akin. Ayaw kong masaktan ang bayaw mo. At hindi naman dapat siya masasaktan kasi wala naman tayong relasyon.” ang pakiusap ni Sam.

“No problem. Hindi ako madamot sa pagmamahal. Kapag mahal ko ang isang tao, masaya ako na makitang masaya siya. Eh kung mas magiging masaya ka kay bayaw eh masaya na din ako para sa iyo.” ang sabi na lamang ni Edward.

Hindi nagtagal ay naghiwalay na ang dalawa ng gabing iyon.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Apoy (Part 4)
Apoy (Part 4)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhmaepsTZKbXKfGmHuPXidG_vi2VOowa8u982G8doPDbArhqO50rSi31BKE7Nv0OCfUrp0PdSJV-yhmb2H2lPkQ0YdawlI2PoWYqmlWcui_4mLUi7jTlsvkXAVER0SYAaNbEEFbigt3cV4z/s320/Apoy.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhmaepsTZKbXKfGmHuPXidG_vi2VOowa8u982G8doPDbArhqO50rSi31BKE7Nv0OCfUrp0PdSJV-yhmb2H2lPkQ0YdawlI2PoWYqmlWcui_4mLUi7jTlsvkXAVER0SYAaNbEEFbigt3cV4z/s72-c/Apoy.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2020/09/apoy-part-4.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2020/09/apoy-part-4.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content