$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Apoy (Part 6)

“Ah yun ba. Ganito yun bayaw. Sana sa Tagaytay na ako magpapalipas ng gabi. Ginabi na kasi ako sa Batangas. Eh hindi ko naman kabisado ang...

“Ah yun ba. Ganito yun bayaw. Sana sa Tagaytay na ako magpapalipas ng gabi. Ginabi na kasi ako sa Batangas. Eh hindi ko naman kabisado ang mga maayos at murang hotel sa Tagaytay at gabi na din kasi. Baka mahirapan akong maghanap. Kaya naman dumerestso na ako sa Manila. Gising pa si Sam ng magtext ako sa kanya at ayaw ko ng mang-istorbo sa inyo dahil malamang tulog na kayo. Kaya doon na ako nagpalipas ng gabi. Kilalang-kilala ka pala sa bahay ni Sam.” ang sabi naman ni Edward.

Parang natigilan ng magtanong pa si Lance. Parang gusto niyang paaminin ang bayaw sa kung ano talaga ang pakay ni Edward sa pagtulog kina Sam. Parang gusto din niyang tanungin kung magkatabi silang natulog ni Sam at kung may nagyaring pagtatalik sa kanilang dalawa. May lihim si Lance na dapat di malaman ni Edward kaya ayaw na niyang humaba pa ang usapan nila. Pero lingid sa kanyang kaalaman ay alam na ng kanyang bayaw ang tungkol sa kanila ni Sam.

“Sige bayaw, maliligo lang ako. Si ate pala?” ang tanong ni Edward.

“Nasa kwarto ng mga bata at tinutulungan sa kanilang assignments. Sabihan mo na lang si Elen na maghanda na ng pagkain mo. Nakakain na kasi kaming lahat.” ang sabi naman ni Lance.

“Sige bayaw pagkatapos kong maligo saka ako kakain.” ang sabi naman ni Edward bago niya tuluyang iniwan si Lance sa sala.

Kahit na may guilt feelings si Edward ay hindi nya yun pinahalata kay Lance. Ayaw nya ng gulo at malaki pa rin ang respeto niya sa bayaw nya. Matapos maligo at makakain ay nanatili na lamang siya sa kanyang silid upang hindi na sila muling magkausap ng kanyang bayaw. Simula ng gabing iyon ay talagang iniwasan niya ang makausap ng kanyang bayaw lalo ng kung silang dalawa lamang. Naging abala din siya sa pag-aasikaso ng bubuksan niyang business at sa paghahanap ng condominium unit na malilipatan niya.

Pero ang hindi niya kayang iwasan ay si Sam. Bago kasi siya umuwi kina Lance ay dumadaan pa siya kay Sam. Dahil naging madalas nga si Edward kina Sam ay nagbilin na lamang si Sam sa kanyang mga magulang at mga kasambahay na huwag iyon mababanggit kay Lance kung sakali man na tumawag ito. Iyon ang ipinagtaka ng kanyang mga magulang na may alam sa relasyon nila ni Lance. Kaya naman isang gabi ng makaalis na si Edward ay kinausap si Sam ng kanyang mga magulang.

“May problema ka ba anak?” ang tanong ng kanyang Papa.

“Wala po Pa.” ang tugon ni Sam.

“Kilala ka namin anak. Nararamdaman namin na may bumabagabag sa iyo. Kumusta na kayo ni Lance? Yung bayaw ba nya ang ipinalit mo na sa kanya?” ang mga tanong ng kanyang Mama.

“Ma, wala pong problema. Nakikipagkaibigan lang po ang bayaw ni Lance sa akin. Wala po kasi siyang ibang kaibigan dito sa Maynila.” ang sabi naman ni Sam.

“Anak, huwag mo ng itago sa amin ang problema mo. Matagal kang naglihim sa amin ng tunay mong pagkatao. Pero ng magtapat ka sa amin ay buong puso naming tinanggap iyon dahil anak ka namin at mahal ka namin. Nang dumating sa buhay mo si Lance ay mas lalo ka namin naunawaan. Ayaw sana namin maniwala na pwedeng magmahalan ang kapwa lalaki. Dahil bago namin nakilala si Lance ay puro pasakit at panloloko lamang ang nakuha mo sa mga lalaking sinabi mong mahal ka.” ang dugtong pa ng Mama ni Sam.

Hindi makapagsalita si Sam.

“Akala ko nawalan ako ng anak na lalaki. Pero sa pagkakakilala mo kay Lance ay naging dalawa na ang anak kong lalaki.” ang sabi naman ng kanyang Papa.

“Batid namin na may asawa na si Lance pero kayo na din ni Lance ang nangako sa amin na wala kayong sasaktang tao sa iyong pagkakaroon ng relasyon. Kaya naman buong puso din naming tinanggap si Lance. Kaya anak, alam namin na may problema kayo ni Lance.” ang sabi ng Mama ni Sam.

Biglang napatulo ang luha ni Sam.

“Sorry po Pa. Sorry po Ma. Pati ako naguguluhan din. Di ba sabi ko din sa inyo na kapag nagkahiwalay kami ni Lance ay doon na ako maghahanap ng babaeng pakakasalan ko upang may makasama ako sa aking pagtanda. Batid naman kasi natin na kahit baligtarin pa natin ang mundo ay hindi ko tuluyang masasarili si Lance at hindi lubusang makakapiling sa aking pagtanda. Mahal na mahal ko si Lance. Pero parang gusto ko na syang palayain ng matigil na din ang pagtataksil namin sa kanyang asawa.” ang sabi ni Sam habang tumutulo ang mga luha sa kanyang mga mata.

“Sa tingin mo ba si Edward na yung pinapangarap mong makakasama sa habang buhay?” ang tanong ng kanyang Papa.

“Ewan ko po. Hindi ko pa sya masyadong kilala.” ang tugon ni Sam.

“Akala ko ba nagkasundo na tayo na kapag nagkahiwalay kayo ay mag-aasawa ka na lang.” ang sabi naman ng kanyang ama.

“Pa, mas lalo nyo naman akong pinahihirapang mag-decide.” ang sabi naman ni Sam.

“Hindi naman sa ganun anak. Kahit ano pa ang maging desisyon mo ay nasa tabi mo pa rin kami. Kaisa-isa ka naming anak at hanggad lang namin na masaya ka namin iiwan kapag dumating na ang panahon...” ang hindi natapos na sabihin ng kanyang ama dahil biglang sumingit si Sam.

“Pa naman. Bakit sa ganoon na ang usapan natin. Walang aalis at walang maiiwan. Matagal na matagal pa tayong magsasama.” ang sabi ni Sam sabay yapos sa kanyang ama’t ina.

“O sige anak. Hindi na namin panghihimasukan ang magiging desisyon mo. Basta alalahanin mo na kahit ano pa man ang mangyari, nandito lang kami. Worst come to worst ay itutuloy na nating ang pagpunta natin sa US. Doon na lang muna tayo titira hanggang mahanap mo ang tunay na kaligayahan.” ang sabi naman ng kanyang Mama.

“Sige Ma, promise. Papayag ako sa gusto nyo. Basta ba mangako din kayo na hindi nyo ako iiwan kahit na umabot sa isang daan ang edad nyo kahit hanggang libong taon.” ang pabirong sinabi ni Sam sabay tawa.

Nagtawanan ang tatlo at sunud-sunod na ang naging kantyawan nila. Naging medyo magaang ang pakiramdam ni Sam simula ng masabi na niya sa kanyang mga magulang ang bumabagabag sa kanya.

Isang araw ay kinausap na niya si Lance ng masinsinan.

“Ilang taon na din tayo. Pero hindi pa rin naalis sa akin ang maging guilty lalong lalo na kay Emily at sa mga anak mo. Batid ko na kapwa din tayo nahihirapan sa ating sitwasyon.” ang panimula ni Sam.

“Bakit? Di mo na ba ako mahal?” ang tanong ni Lance.

“Hindi na mawawala ang pagmamahal ko sa iyo. Pero habang tumatagal tayo eh lalong lumalalim ang sugat na maari nating maidulot kay Emily. Ayaw kong dumating ang panahon na malalaman nya ang lahat ng tungkol sa atin.” ang paliwanag ni Sam.

“Sam, mahigit anim na tao na nating naitago ito kay Emily. Ngayon ka pa ba bibigay.” ang sabi naman ni Lance.

“Yun na nga Lance. Mahigit anim na taon na tayong nagtataksil sa kanya. Papaano kung malalaki na ang mga anak mo at nalaman din nila. Ano kaya ang pwede nilang gawin sa iyo. Sa akin. Kaya sana hanggang sa wala pang nakakaalam ng ating lihim ay putulin na natin ito.” ang pagsusumamo ni Sam.

“Meron na ba akong kapalit? Si Edward ba?” ang mga tanong ni Lance.

“Walang third party na involve. Wala din kinalaman dito si Edward.” ang tugon naman ni Sam.

“Simula kasi ng makilala mo si Edward ay nagbago ka na sa akin. Madalas na din kayong magkita ni Edward.” ang sumbat ni Lance.

“Lance, please, huwag natin idawit dito si Edward. Desisyon ko ito. Basta ang alam ko ito ang tama. Kung sakali man na masaktan ako sa desisyon ko ay buong puso kong tatanggapin.” ang sabi naman ni Sam.

Pilit pa rin iniuugnay ni Lance si Edward sa desisyong iyon ni Sam. Nais mang sumigaw ni Lance sa nararamdamang sama ng loob ay hindi niya magawa dahil nasa pampublikong lugar sila. Kahit ano pa ang sabihin ni Lance ay talagang desidido na si Sam sa nais niyang hiwalayan nila ni Lance. Hindi man lubusang sang-ayon si Lance sa nais mangyari ni Sam ay napilitan na rin niya itong tanggapin. Naghiwalay sila ng gabing iyon na masama pa din ang damdamin ni Lance sa pangyayari.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: Apoy (Part 6)
Apoy (Part 6)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhmaepsTZKbXKfGmHuPXidG_vi2VOowa8u982G8doPDbArhqO50rSi31BKE7Nv0OCfUrp0PdSJV-yhmb2H2lPkQ0YdawlI2PoWYqmlWcui_4mLUi7jTlsvkXAVER0SYAaNbEEFbigt3cV4z/s320/Apoy.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhmaepsTZKbXKfGmHuPXidG_vi2VOowa8u982G8doPDbArhqO50rSi31BKE7Nv0OCfUrp0PdSJV-yhmb2H2lPkQ0YdawlI2PoWYqmlWcui_4mLUi7jTlsvkXAVER0SYAaNbEEFbigt3cV4z/s72-c/Apoy.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2020/09/apoy-part-6.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2020/09/apoy-part-6.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content