$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Brad Mahal Kita, Matagal Na (Part 15)

Closer By: RyanTime Zion Halos hindi ako makapaniwala sa taong nasa harapan ko. Hindi ko inaasahan na dito ko siya makikita. Si...

Closer

By: RyanTime

Zion

Halos hindi ako makapaniwala sa taong nasa harapan ko.

Hindi ko inaasahan na dito ko siya makikita.

Siya ang taong hinahanap-hanap ng buong sitema ko..

"LUKE??!!!" Bulalas ko.

"ZION?!!" Halata rin sa mukha niya ang pagkabigla.

Napalitan ng ngiti ang pagkabigla niya, inilahad ang palad upang makipagkamay sa akin.

Pero iba ang ginawa ko. Walang patumpik-tumpik, mabilis at buong pananabik ko siyang niyakap.

Mahigpit.

Ramdam kong nagulat siya. Pero wala akong pakialam.

Antagal ko nang gustong gawin ito, ang yakapin siya ng mahigpit. Wala akong pakialam kung may nakatingin sa amin.

Hindi ako kaagad bumitaw. Hindi ko mapigilan ang tuwa dahil nakita ko siya ulit. Kung pwede nga lang buong araw ko siyang yakapin ay gagawin ko.

Halos maluha ako sa tuwa, pero pinigilan ko. Para akong nakalutang sa alapaap sa mga sandaling ito. Mabilis ang tibok ng puso ko.

Halos buhatin ko siyang niyayakap dahil sa pagkasabik ko.

'Taena mahal na mahal ko talaga siya' sa isip ko.

Nahimasmasan na lang ako ng tapik-tapikin niya ang likod ko.

"Brad, di na ako makahinga.." mediyo hirap niyang sabi.

Saka ako bumitaw. Kinalma ang sarili. At muling ngumiti sa harap niya.

"Puta brad! Kamusta ka na?!!" Galak na galak kong tanong.

"Magkakilala na po pala kayo?" Nag-aalangang singit ni Donna.

Sabay kaming tumingin sa kanya at nakangiting tumango.

"Sige sir Zion, maiwan ko na po kayo kay Boss Luke." Saka tumalikod at tumungo sa golf cart.

"Eto ayos lang brad! Pucha ginulat mo ako! Bakit ka pala naparito?." wika niya.

Masigla ang ngiti niya na parang walang bakas ng hinanakit na dala ng kahapon. Mas ramdam ko ang saya sa mga mata niya na nakita akong muli.

Nagdiwang ang puso ko.

"Ikaw nga tong halos hindi ko makilala diyan. Anlaki ng pinagbago mo... So, ikaw pala may-ari ng farm nato?"

Tinanguhan niya ako habang nakangiti.

Malaki naman talaga ang pinagbago ng itsura niya. Mas naging matured pero in a good way. Mas gwapo siya ngayon at halatang hindi pinabayaan ang pagji-gym dahil mas matikas na ang tindig niya kesa noon.

Nailahad ko sa kanya ang pakay ko sa pagpunta rito. Naging maayos naman ang deal at siya pa mismo ang nagpasimunong magbigay ng magandang presyo.

Tinawagan ko si Leah para ihanda ang purchase order at makipag coordinate kay Donna. Habang tinawagan naman ni Luke si Donna upang ayusin ang order at ang pag deliver nito.

Nakapagkwentuhan na rin kami ng iilang bagay tungkol sa mga negosyo namin.

Pansin ko rin ang pagiging professional sa pamamaraan ng pagsasalita niya. Siyempre ginalingan ko ring makipag usap sa kanya, kailangan kong magpa-impress.

Nakakatuwa lang isipin na kung dati ay puro kalokohan ang pinag-uusapan namin, ngayon puro negosyo na.

Adulting 101.

"Gusto mo bang makita ang taniman ng organic mangoes?" Alok niya.

"Sure!" Excited kong sabi.

"It's a bit far from here. I'll call Donna para may masakyan ka." Sabi niya sabay dukot ng cellphone sa bulsa.

Nakaisip ako ng mas magandang paraan.

"Wait!" Pagpigil ko sa kanya. "Pwede naman akong sumakay diyan sa kabayo mo.. malaki naman yan at tingin ko kakayanin niya tayong dalawa." Suhestiyon kong nakangiti.

Tiningnan niya ako na tila naninigurado sa sinabi ko. Sinalubong ko naman siya ng nangungumbinseng tingin.

'C'mon Luke, don't deprive me the chance to get closer to you.' Usal ng isip ko.

"Are you sure?" Paninigurado niya.

"Oo naman. Natatakot ka ba... na..." pinutol niya agad ang sasabihin ko.

'Na manyakin kita?' Tinuloy ko sa isip ko.

"It's not like that. Baka lang kasi mahulog ka. Mediyo maselan kasi itong si Harley." Tukoy niya sa kabayo.

'Okay lang, kung ikaw naman ang sasalo. Kahit ilang beses akong mahulog, okay na okay!' Usal ng korning isip ko. Napangiti tuloy ako.

"Okay, sige! Maglalakad na lang ako. Di naman siguro ganun kalayo yon." Saka nagsimulang humakbang sa direksyong tinutukoy niya kanina.

"Sandali! Tatawagan ko na si Donna. Malayo yon brad!" Pagpigil niya sakin.

Huminto ako at humarap sa kanya.

"Wag na, di naman na kailangan. Dalawa lang pagpipilian natin. Maglalakad ako o isasakay mo ako diyan sa kabayo mo."

'Wag ka na kasing umarte Luke. Hindi mo ba nararamdaman na gusto ko lang maka-tsansing sayo. Baka nakalimutan mo, kapag gusto ko gagawan ko ng paraan.' Pilyong usal ng isip ko.

Ibinalik niya ang phone sa bulsa. Saka tumingin sa akin.

Napangiti ako, sigurado kasi akong pasasakayin niya ako.

"Sige, kung yan ang gusto mo.." Tumalikod siya at dahandahang tumungo sa kabayo.

Halos umabot na sa magkabilaang tainga ang ngiti ko dahil sa tuwa.

"Simulan mo nang maglakad!" Dugtong niya.

Ha??!! Pucha! Akala ko nakalusot na!

"Seryoso?!! Paglalakarin mo talaga ako??! Brad naman, para namang wala tayong pinagsamahan niyan." Pagmamakaawa ko.

Nagkuware akong malungkot. Saka tumalikod at nagpatuloy ng lakad. Umaasang suyuin niya ako. Wow! Baduy ko no?

"Teka lang!!" Pahabol niya.

Napangisi ako.

Muli akong humarap na may malungkot na mukha.

Napahinga siya ng malalim sabay kibit ng balikat na tanda ng pagsuko. Na ikinatuwa ko dahil sigurado akong wala siyang choice kundi ang sumakay ako sa kanya, este sa kabayo niya.

Sinamaan niya ako ng tingin.

"Tigas ng ulo!" Reklamo niya sabay talikod patungo sa kabayo. "Halika na!" Sinabayan ng pagkaway ng pag-anyaya.

'May mas matigas pa diyan kesa sa ulo ko Luke. Kung alam mo lang. Hehe.'

Pailing-iling nalang ako sa mga kalokohang naiisip ko. Mabilis ang hakbang na sumunod sa kanya.

Pareho na kaming nakasakay at nagsimula nang maglakad si Harley.

Hawak ng kanang kamay niya ang tali habang ang kaliwang kamay ay nakapatong sa binti niya. Habang ang dalawang kamay ko naman ay nakapatong sa pagkabilaan kong binti.

Mediyo lumayo na kami sa pinanggalingan namin.

Walang imikan.

Sanay naman akong sumakay ng kabayo dahil madalas akong isama ni papa sa training camp nila dati at nakakasakay ng kabayo.

Mayamaya ay biglang nagulat si Harley, tumama sa mukha niya ang tuyong dahon ng mangga na nilipad ng hangin.

At dahil doon ay napabilis ang pagtakbo niya.

Sinamantala ko ang pagkakataon.

Mabilis akong yumakap sa kanya na tila takot mahulog. Naramdaman kong bahagya siyang nakiliti at tumutol. Pero mas hinigpitan ko hanggang sa hinayaan niya nalang ang mga kamay kong mahigpit na nakayakap sa kanya.

"Tsk tsk" dinig kong sabi niya na sinabayan niya ng pag-iling.

Hindi ko man makita ang mukha niya. Pero napansin kong ngumiti siya dahil sa bahagyang paggalaw ng panga niya.

'Para-paraan lang yan bui!' Sa isip ko.

Napangiti ako.

Sapagkakadikit naming yon ay mas lalo kong naamoy ang singaw (Pheromone) ng katawan niya. Nagdulot ito ng kakaibang init sa aking pakiramdam. Halos mapapikit pa akong napasighap para lalo ko siyang maamoy. Ambango. Puta!

'Behave ka lang diyan Baby Zi.. hindi pa sa ngayon.' Saway ng utak ko kay Baby Zi na noon ay magsisimula nang magwala.

Halos suntukin na ng puso ko ang likuran niya dahil sa labis na pagkabog nito.

Ang sarap damhin ng init na nagmumula sa katawan niya.

Ito yung isa sa mga hinahanap ng sistema ko, ang mapadikit sa kanya.

Ayoko na yatang matapos ang pagkakataong ganito.

Bumalik sa pagkakalma si Harley at unti-unting naging banayad ang paglalakad.

'WTF naman Harley! Tumakbo ka pa, yung mabilis na mabilis!' Utos ng utak ko.

"Brad!. Okay na, hindi ka na mahuhulog niyan. Pwede mo nang pakawalan ang abs ko." Seryoso niyang sabi.

Pero tila wala ata akong naibaon na hiya.

"Ganun ba? Eh di patakbuhin mo pa!" Mando ko sa kanya.

"Sira ka ba?! Eh di pare-pareho tayong mahuhulog dito!" Angal niya.

'Gago! Hulog na hulog na nga! SAYO!' Siyempre sa isip ko lang yun.

No choice, bumitaw na ako sa pagkakayakap.

'Napakadamot! Upakan kaya kita gamit mga labi ko.' Reklamo ng isip ko.

Bumaba kami nang marating na namin ang destinasyon. Iginiya niya si Harley at itinali sa puno ng mangga. Agad naman itong ngumasab ng damong nakita niya roon.

Bahagyang nakaangat ang puno ng manggang yon dahil elevated ang area na pinagtaniman nito. Sa lilim ng puno na yon ay natatakpan ng hindi kakapalang damo na pwedeng-pwedeng upuan.

Marahan akong umupo na nakapatong ang kanang kamay sa kanang tuhod, habang ang kaliwa ay ginamit kong pantukod ng katawan.

Naiwan si Luke na nakatayo at nakatalikod sa akin. Sinasalaysay niya kung ilang puno ng organic mango meron sila, kung gaano kalawak ang area na pinagtataniman nito, kung ano ang systema na ginagamit nila sa pagku-cultivate nito at yung iba ay hindi ko na maintindihan dahil nakatingin lang ako sa likuran niya.

May kung anu-anong itinuturo siya. Pero hindi natinag ang mata kong nakatuon sa likuran niya.

Nakangiti akong maraming naglalaro sa isipan.

Para akong nananaginip ng gising habang pinagmamasdan siya.

Hindi ko malaman kung bakit parang wala na akong naririg sa mga sinasabi niya, habang ang mata ko naman ay masigasig na pinag-aaralan ang bawat kilos niya.

Parang bumabagal ang lahat sa paligid ko. Kahit ang pagbagsak ng dahon sa mukha ko ay hindi ko na pinapansin, huwag lang masayang ang kahit isang segundong pagmamasid ko sa kanya.

"I miss you." Walang malay na sabi ng bibig ko.

Bigla siyang bumaling ng tingin sa akin at buong pagtataka akong tiningnan.

Putik! Napalakas ko ata ng pagkakasabi.

"You're not even listening, are you?"

Alanganin akong inalis ang tingin sa kanya. Nakaramdam ako ng pagkailang.

'Puta Zion, mukha kang tanga! Mag-isip ka ng palusot!'

"Ah.. oo. Nakikinig ako. Sabi mo nga na minana mo ito sa great great grand mother ninyo." Sabi ko.

Isa din kasi yan sa mga nabanggit niya kanina bago ako nawalan ng sense of hearing.

Napailing na lang siya at marahang tumabi sa kinauupuan ko.

'Taena awkward' sa isip ko.

"Kamusta na nga pala ang tropa?" Tanong niya.

"Ayos naman brad, nagkikita-kita parin naman kami. Ikaw nga lang ang wala." Tugon kong sabay sulyap sa kanya.

"Busy lang brad." sabay tipid na ngiti.

Tumango nalang ako. Nag-iisip ng mapag-uusapan.

"After all this time, nandito ka lang pala. Kung alam ko lang.." sinadya kong putulin ang sasabihin ko.

"Kung alam mo lang? Bakit?" Seryong tanong niya sabay tingin sakin.

Nailang ako.

"Kung alam lang namin ng tropa, eh di sana dumalaw kami sayo." Palusot ko.

Gusto ko lang sana sabihin na ilang beses na akong pabalik-balik dito, kung alam ko lang na nandito lang siya, hindi na ako naghirap pa.

"Hindi naman, paalis-alis rin ako dito. Nag punta ako sa New Zealand sa Tita ko, para sa mas advance na ideas about agriculture. Minsan nasa mindanao rin ako para mag-aral ng pagku-cultivate ng pinya at saging."

"Ahh." Wika ko nalang.

Nag-isip ulit ako ng mapagkukuwentuhan namin. Ayokong sayangin ang oras na magkasama kami.

"Naalala mo pa ba si Kaizer Paul?" Tanong ko.

Sandali siyang napaisip.

"Yun ba yung nasa unahan umuupo, yung nakasalamin na matalino at madalas bullyhin ni Rey?" Tugon niya.

"Oo brad siya nga! Akalain mo, magboyfriend na ang dalawang yun ngayon!" Masigla kong sabi na sinabayan ng tawa.

Nakakapagkwentuhan rin kasi kami ni Rey. Hindi rin kaila sa tropa ang relasyon nilang dalawa ni Kai.

"Oh! Talaga?!!" Gulat niyang tugon dahil sa nalaman.

Nagkatawanan kami.

"Naalala ko yung time na pinapahiya ni Rey si Kai sa cafeteria, kaso palaban pala itong si Kai. Sa halip ay ibinuhos niya kay Rey ang dala-dala niyang mango shake. Di tuloy madrawing ang itsura ni tukmol. Banas na banas ang gago!" Sabay tawa na kwento ni Luke.

"Oo nga brad! Nakakatawa nga yon, halos mangudngod ang mukha niya sa semento dahil nadapa siya kakahabol kay Kai." Pagpatuloy ko.

Tawanan.

"Akalain mo yung aso't pusa na yun, magkakatuluyan pala sa huli." Sinabayan ko ulit ng tawa.

Napahinto ako sa pagtawa at seryosong tumingin sa kanyang na tawa pa rin nang tawa.

'Kung hindi lang talaga ako gago noon, eh di sana tayong dalawa rin.' Sa isip ko.

Para bang nabasa niya yung nasa isip ko. Otomatikong tumigil sa pagtawa at napatingin sa akin.

Nagkatitigan kami. Pero sabay ding nagbawi at nagkailangan.

Mahabang katahimikan rin ang lumipas. Walang ni isang nagsalita pa sa amin. Ramdam ko ang gap sa pagitan namin.

Mas maingay pa ang mga ibon, pag-ihip ng hangin at ang pagnguynguya ni Harley ng damo.

Siguro ito na ang tamang pagkakataon na humingi ako ng tawad sa kanya at mapag-usapan namin ang nararamdaman ko sa kanya.

"Luke." Sambit ko sabay tingin sa kanya.

"Oh brad?" Tugon niya sabay tingin sa akin.

Muli kaming nagkatitigan.

"Tungkol sa nangyari dati..." Patuloy ko.

Palipat-lipat ang tingin niya sa magkabilaang mata ko. Saka binawi ang tingin at dahan-dahang tumayo.

Ramdam kong iniwasan niyang mapag-usapan ang nakaraan.

"Brad! Tara na, mediyo umiinit na dito. Lunch time na rin. Tara treat ko!." Sabi niyang hindi tumitingin sa akin. Abala lang siyang tanggalin ang pagkakatali ni Harley at inayos ang mauupuan namin sa likuran nito.

Mediyo nalungkot ako sa ginawa niyang pag-iwas.

Pero hindi ako susuko. Dadating ang panahon na mapag-uusapan namin ito.

Ngayon pa ba kung kailan alam ko na kung saan siya matatagpuan?

'Hindi ako susuko Luke. Handa akong maghintay.'

Tumayo ako saka tumungo sa kanila ni Harley.

Nang marating namin ang opisina ay sinabihan niya akong iwan ko muna ang kotse ko at sumakay sa kotse niya.

Akala ko doon kami sa bahay nila kakain ngunit dinala niya ako sa isang restaurant na hindi naman kalayuan. Mukhang masarap naman ang mga pagkain doon.

Nagkakapagkwentuhan naman kami, pero sadya naming iniiwasan ang mga bagay na nakakapagpaalala sa nangyari sa amin sa nakaraan.

Naikwento niyang Soledad Ocampo ang pangalan ng great great grand mother niya. Na siya namang pinanggalingan ng pangalan ng farm. Wala na raw parehong parents niya at sila na lang ng kuya niya ang natitira. Maging ang lola nila, na apo ni Soledad ay pumanaw na noong nakaraang dalawang taon. Nag-iisa lang ang anak nito at yun ang daddy nila. Kaya silang dalawa ng kuya niya ang nakapagmana ng ari-arian. Bukod pa sa negosyo na iniwan ng daddy nila.

Dalawa sila ng kuya niya ang namamalakad ng farm at kasalukuyang naka out of town ito para sa isang business trip regarding sa pag e-export ng mga products nila.

Nakaramdam ako ng guilt dahil sa mga nalaman ko. Naturingan akong bestfriend ni Luke, pero ni isa sa mga sinabi niya ay hindi ko nalaman noon. Ni hindi ko nga alam na may Kuya pala si Luke.

Ganun pala ako ka self-centered noon. Puro sarili lang ang iniintindi.

Gusto ko sanang itanong kung kamusta na ang puso niya. Kaso hindi pa sapat ang lakas ng loob ko. Lalo na ipinaramdam niya kaninang hindi siya kumportableng pag-usapan ang mga ganung bagay.

Matapos kaming nananghalian ay nagpaalam na siyang uuwi. Ganun din naman ako. Pero bago siya makaalis ay tinanong ko kung pwede ko ba siyang dalawin ulit. Umoo naman siya.

Habang nasa daan pauwi ay bigla kong kinabig pabalik ang sasakyan ko. Naisipan kong magrenta nalang muna ng malapit na hotel sa bayan na malapit sa kanila. Tutal may mga gamit naman ako sa sasakyan na sadya kong dinadala para sa mga emergency na lakad.

Tinawagan ko si Daddy para ipaalam ang sitwasyon. Binilin ko rin na siya muna ang bahala sa negosyo. Nag-aalangan pa siya nung una, pero bago matapos ang usapan ay pumayag na rin ito.

Narating ko ang bayan at hindi naman ito kalayuan kila Luke. Tanging motel lang ang nakita kong pwedeng pagrentahan.

Naligo muna ako para ma-refresh. Balak ko kasing bumalik kila Luke.

Palalagpasin ko pa ba? Samantalang ito na yung pinakahihintay ko.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1084,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,445,
ltr
item
Mencircle: Brad Mahal Kita, Matagal Na (Part 15)
Brad Mahal Kita, Matagal Na (Part 15)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiqUubzcS4U5P3uCWiuUcJdrj0MGrzwqegCOdBvgPFurOAUca1dQce1XtbRVTEa3amh0wVF_Tyi79EsejUAMl_sd6Lfz-bcanDGjMs_LopsrKqnpqpoSv7Jy-_l4ieyH030nKZWY1KF0i7P/s320/Brad+Mahal+Kita%252C+Matagal+Na.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiqUubzcS4U5P3uCWiuUcJdrj0MGrzwqegCOdBvgPFurOAUca1dQce1XtbRVTEa3amh0wVF_Tyi79EsejUAMl_sd6Lfz-bcanDGjMs_LopsrKqnpqpoSv7Jy-_l4ieyH030nKZWY1KF0i7P/s72-c/Brad+Mahal+Kita%252C+Matagal+Na.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2020/09/brad-mahal-kita-matagal-na-part-15.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2020/09/brad-mahal-kita-matagal-na-part-15.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content