$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Brad Mahal Kita, Matagal Na (Part 16)

Black Cat By: RyanTime Zion "Brad, di ko alam na may kuya pala si Luke!" Sabi ko kay Rey sa kabilang linya. Tumawag kas...

Black Cat

By: RyanTime

Zion

"Brad, di ko alam na may kuya pala si Luke!" Sabi ko kay Rey sa kabilang linya.

Tumawag kasi ako para ibalita ang nangyari kanina.

Si Rey ang nag-iisang myembro ng Tropang M na tanging nakakaalam ng nararamdaman ko kay Luke. Matagal niya na daw kasing napapansin noon na may kakaiba sa aming dalawa. Tumibay ang hinala niya noong gabing inaya ko siyang mag-inom dahil sa selos ko. At mula noon ay hindi na nila muling nakita si Luke. Wala akong nagawa kundi aminin sa kanya lang ahat.

"Alam k--" biglang putol niyang sabi na nasundan ng mahinang murang 'shit'.

Nagtaka ako. Bakita parang pakiramdam kong may itinatago siya sa akin?

"Ha? Teka anong alam mo?"

Hindi siya nagsalita.

"Rey!" Mariin kong ulit.

Narinig kong huminga ito ng malalim.

"Brad sorry, pero sana wag mong sabihin ito kay Luke ha."

"Bakit ano bang dapat kong malaman?" Mariin kong tanong.

"Mag promise ka muna." Paninigurado niya.

"Oo, sabihin mo na. Hindi ko sasabihin sa kanya."

Naintriga talaga ako sa sasabihin niya.

"Yung lalakeng pinagselosan mo dati, yun lang naman ang kuya niya."

"Ha??!!" Bulalas ko.

Halos hindi ako makapaniwala sa nasagap ng tainga ko.

"Matagal mo na bang alam to?" Segunda kong tanong.

"Oo pare. Isang buwan mula noong nagkaaway kayo."

Ikuwento niya na si Luke mismo ang tumawag sa kanya gamit ang bagong number. Humiling daw si Luke na wag sabihin sa akin na tumawag siya.

"Puta pare, bakit hindi mo sinabi sa akin dati?!" Galit kong tanong.

"Kung sinabi ko sayo dati na kuya niya ang pinagseselosan mo kaya nagawa mo siyang pagsalitaan ng ganun. Sa tingin mo ba makakatulong yun sayo? Kung sinabi ko sayo baka lumala lang ang sitwasyon mo at mas lalo mong sirain ang buhay mo dahil sa guilt. Kaibigan kita kaya ayokong dagdagan ang isipin mo. Tsaka pare nangako ako kay Luke na hindi ko sasabihin sayo. Kaso eto, dahil sa katangahan ko nasabi ko na sayo."

"Pero bakit hindi mo sinabi sakin na may contact ka kay Luke? Puta pare, ginawa mo akong tanga. Alam na alam mong gustong-gusto ko siyang makita para makahingi ng tawad at ayusin lahat. Alam mo pala pero di mo sinasabi." Paninisi ko sa kanya.

"Pasensya na brad. Naiipit lang ako sa sitwasyon niyo. Nangako kasi ako kay Luke. Tsaka ayaw niya ring magpakita sayo."

Naintidihan ko naman si Rey. Hindi ko siya dapat sinisisi dahil kasalanan ko rin naman ang lahat. Kung may dapat mang sisihin ay sarili ko mismo.

Tama rin siyang hindi niya sinabi na mali ang taong pinagselosan ko dahil baka hindi na ako makaahon nang dahil sa guilt at dagdag pa ang katotohanang hinding-hindi na magpapakita pa si Luke.

Ngayong nalaman ko na, nakonsenya lalo ako dahil sa kagaguhan ko.

Bakit nga ba hindi ko muna siya kinumpronta?

Nasaktan ko tuloy siya ng wala naman talaga siyang kasalanan.

'Haaayyy!'

"Sige pare, may aayusin lang ako." Paalam ko.

Dahil sa nalaman ko, mas desidido na akong huwag nang patatagalin pa ito. Pupuntahan ko si Luke at hihingi ng tawad sa mga kasalanan ko. Hindi ako uuwi, hangga't hindi ko nasasabi ang lahat sa kanya.

Sa nakita kong saya sa mata niya noong muli kaming nagkita. Sigurado akong kahit papaano ay may tsansa pa akong makuha siya.

'Hintayin mo ako Luke.'

Nang makapag-ayos na ng sarili ay sinipat ko muna ang relos ko.

3:00 PM, yun ang nakasaad.

Dali-dali kong tinungo ang pinto at binuksan ito. Nang biglang...

"HOLY SHIIIIT!!!"

Isang malaking itim na pusa ang nakabalandra sa pintuan ko. Pabalikwas itong nagising dahil sa gulat. Nanlaki ang mata at matalim ang tingin na sumalubong sa akin.

Wala pa atang balak na umalis.

Tinaboy ko ito saka tuluyang umalis. Ngunit maya-maya ay muling lumingon sa akin at ginawaran ako ng matalim na tingin. Kaya sinindak ko at tuluyan nang naglaho.

'Anong ginagawa ng pusa sa motel na ito?'

Sanay naman akong makakita ng pusang itim na pagala-gala. Pero yung isang yon, kakaiba yung kilabot na dulot niya sa akin.

Naalala ko pa bigla yung kwento ni yaya tungkol sa itim na pusa. May paniniwala daw ang matatanda na kapag nakakita ka ng pusang itim, sa isang lugar na hindi mo inaasahang makikita silang pagala-gala, may ibig sabihin daw ito. Pwedeng malas, aksidente at ang pinakamalala ay may mamamatay.

Pinilit kong iwaksi sa isipan ang tungkol doon. Hindi naman talaga ako naniniwala. Lumang kasabihan na yon.

Nang marating ko ang farm ay pinapasok naman kaagad ako ng guard dahil namumukhaan niya parin ako. Pinarada ko muna sa gilid ng gusali. Saka tinawagan ang number ni Luke na hiningi ko kanina.

"Brad si Zion to. This is my number, save mo nalang." Nakangiti kong sabi kahit na sa phone ko lang siya kausap.

"Okay brad." Tugon niya.

"Nga pala nandito ako sa tabi ng opisina niyo."

"Oh bakit? Akala ko nakauwi ka na?" Taka niyang tanong.

"Nasan ka ba? Puntahan mo ako dito."

"Sige, hintayin mo ako diyan."

Saka naputol ang tawag.

Di naman nagtagal ay dumating si Luke. Lumabas ako ng kotse at sinalubong siya. Nagkamayan kami ng kamayang tropang M.

Nakatayo kami sa gilid ng kotse ko.

"Akala ko ba nakauwi ka na?" Nakangiti niyang tanong.

Syempre may naihanda akong sagot sa tanong na yan.

"May dinaanan lang akong supplier namin malapit lang din dito. Since madadaanan ko rin naman itong farm niyo pauwi, kaya dumaan na muna ako." Nakangiti ko namang tugon.

Tumango-tangi siya.

"Anong pangalan ng farm? Kilala ko lahat ng may farm dito sa buong Zambales." Wika niya.

Yun lang. Sablay.

Bigla kong inalis ang tingin sa kanya.

May alam naman talaga akong ibang farm dito sa Zambales pero malayo yon. Ilang oras din kakainin bago marating. Kung yun ang idadahilan ko, siguradong magtataka si Luke bakit ambilis kong nakabalik dito sa kanila. Kung gagawa-gawa naman ako ng pangalan ng farm, siguradong sa huli ay malalaman niyang nagsisinungaling lang talaga ako.

"Ah.." sabi kong kasabay ng paghimas ng batok.

Tumaas ang dalawang kilay niya, tila naghihintay ng sagot.

Tae, napakalamya kasi ng dahilan ko. Pinaghandaan ko pa talaga, sa lagay na yun. Kulelat din naman.

"Ah.." himas-himas parin ang ulo.

Dahil wala akong makuhang ibang dahilan.

Tumingin nalang ako sa kanya, saka ngumiting himas-himas parin ang batok.

Awkward.

"Ang totoo niyan Luke.. Gusto kitang makausap." Walang choice kundi sabihin ko na ang pakay.

"Tungkol saan? Sa nakaraan?" Derechong tanong niya.

Tumango ako.

Tumahimik naman siya at naging seryoso ang ekspresyon ng mukha. Tumagilid patalikod sa kotse ko at ang mata ay nakatuon sa malayo.

Ginaya ko rin ang pagtagilid niya at ngayon ay iisang dereksyon na ang tinutumbok ng mga mata namin. Parehong nakatingin sa malayo.

Tumikhim muna ako. Saka isinuksok ang mga kamay sa magkabilaang bulsa.

Humugot ng lakas ng loob, saka tuluyang nagsalita.

"I am really sorry about what happened before. What I did was wrong. Mali ako ng taong pinagselosan.."

Nagkatitigan kami.

Gulat ang rumihestro sa mukha niya.

Malamang nagtataka siya kung paano ko nalaman. O baka dahil nalaman niyang nagselos ako. Kung alin man sa dalawa ay hindi ko na alam.

"Tama ka nang narinig, nagselos ako. Pero hindi parin tama ang ginawa ko, hinusgahan kita without knowing the truth. Mas inuna ko ang ego kesa ang alamin ang totoo."

Pinatong niya ang kaliwang palad sa kanang balikat ko.

"Brad kalimutan na natin yun. Matagal na yun at matagal na rin kitang pinatawad." Ngumiti siya.

Pero may lungkot na dala ang ngiti niya, kitang-kita kasi ito sa mga mata niya. Parang maraming gustong sabihin ang mga ito.

"Gusto ko lang malaman mo na pinagsisihan ko na ang lahat ng yon and I am hoping na hindi pa huli ang lahat dahil--"

Naputol ang sasabihin ko dahil may dumating na isang itim na kotse at pumarada sa hindi kalayuan sa pwesto namin. Sabay kaming napatingin doon.

Bumukas ang pinto ng driver's side at lumabas ang isang napakagandang babae, napakaamo ng mukha nito. Madali itong nagtungo sa passenger's side at binuksan ang pinto. Lumabas naman ang isang cute na batang lalake, tantiya ko ay nasa limang taong gulang. Anak siguro ito nung babae.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Para bang unti-unti akong hinihigop ng kumunoy.

Hawak ng babae sa kamay ang bata at madaling naglakad patungo sa kinaroroonan namin.

"DADDY!!!!" sigaw ng batang lalake.

Nanlaki ang mata ko dahil sa gulat, lalo na nang mapansin kong si Luke ang tinutukoy nito.

Nang makalapit sila sa amin ay masayang sinalubong ni Luke ng ngiti at bumeso sa babae. Mayamaya'y binuhat ni Luke ang bata at kaagad naman itong yumakap kay Luke. Kung pagmamasdan mo sila ay mukha silang napakasayang pamilya.

Ngumiti ako na may halong kalungkutan.

"Kanina ka pa hinahanap niyan. Hindi ka daw sumabay sa aming mag lunch. Buti nalang natanggap ko ang text mo na hindi ka makakasabay sa amin. So pinatulog ko muna dahil nangako akong bibisitahin ka namin ngayon."

Ngumiti naman si Luke at binaling ang tingin sa bata.

"Did you miss me?" Tanong nito sa bata.

"I missed you daddy." Sabay halik sa pisngi ni Luke.

Napukaw naman ang attention ko nang napatingin sa akin ang babae at maging si Luke ay tumingin na rin sa akin.

"Siya nga pala. Zion this is Angela." Tukoy niya sa babae, kasabay ng pag-akbay ng kanang kamay niya sa balikat nito.

"..and Angela, this is Zion. An old friend of mine." Masayang pagpapakilala ni Luke sa amin.

'Old friend?' Sa isip ko.

Kahit nahihirapang ngumiti ay pinilit ko parin at nakipagkamay kay Angela.

"It's a pleasure meeting you, Angela." Maginoong pag bati ko sa kanya.

Inabot naman ni Angela ang kamay ko at ginawaran ako ng ngiti.

Pagkabitaw ng mga kamay namin ay saka ito nagsalita.

"I've heard great things about you Zion. Ang gwapo mo pala talaga sa personal." Masayang papuri nito sa akin."

"Thank you." Kasabay ng ngiti.

Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa ni Luke.

"Alam mo bang isinunod sayo ang pangalan nitong baby namin? His name's Zion. Zionel Lucas. Si Luke pa mismo ang nag suggest niyan. Napaka special mo talaga siguro kay Luke."

Tinapunan ko naman ng nagtatakang tingin si Luke na ngayon ay naiilang na ngumiti sa akin.

Hindi ko alam kung ano talaga ang dapat kong maramdaman. Kung masaya ba dahil pinagsamang pangalan namin ang ginamit nila sa anak nila. O malungkot dahil alam kong huling-huli na ang lahat para sakin.

"Say Hi to tito Zion." Sabi ni Angela kay baby Zion.

"Hi Tito Zion." Nanlaki ang mata at napaawang ang labi nito dahil sa pagka-amaze. "It sounds weird that I called the other person by my name." Ani nito sa cute na boses.

Nagtawanan.

Mabigat man ang loob ay sumabay na rin ako sa pagtawa nila.

Ginulo ko ang buhok ni Baby Zion. Napako ang tingin sa kanya. May pagkakahawig sila ni Luke.

Magkahalong saya at pighati ang nararamdaman ko.

Ayoko ng ganitong pakiramdam. Hindi ko kayang matagalan. Kung magtatagal pa ako dito baka tuluyan nang kumawala ang bigat ng dibdib ko.

Sa huling pagkakataon ay sinulit ng aking mga mata na pagmasdan ang mukha ni Luke.

Ang mga mata niyang laging nangungusap, ang ilong niyang dating sumasalubong sa tuwing hinahalikan ko siya at ang mga labi niyang pinangarap kong angkinin habambuhay.

Tila naging pampinta ang mga mata kong iginuguhit ang larawang iyon sa utak ko. Ito na ang huling pagkakataong masisilayan ko ang mukha niya. Tanging sa alaala ko nalang siya muling makikita.

Matapos ang sandaling kwentuhan ay nagpaalam na rin ako. Nagdahilan akong maggagabi na kaya kailangan ko nang umuwi.

Ginawaran ko sila ng mapagkunwaring ngiti saka tuluyang umalis.

Kasabay ng nabuong pag-asa na dala ng araw na ito, ay ang desisyong kailangan ko nang ilibing ang puso kong sawi.

Huli na ang lahat.

Tuluyan nang lumubog ang araw at hindi ko na nahabol ang huling byahe ng bangka papunta sa isla ng pag-asa.

Pagkalubog ng araw ay siya namang pagdating ng napakalakas na lindol na sumira sa daang matagal kong ginawa upang matunton ang daungang akin kinalalagyan ngayon.

Kung dati ay naiisip kong gagawin ko ang lahat makuha ko lang si Luke kahit may masaktan pa mang iba. Iba na ngayon, may pamilya na at mukhang masaya na siya sa piling ng mag-ina niya. Hindi ko ipagkakait sa kanya ang tunay na sayang kanyang nararanasan ngayon.

Magkaiba na ang estado ng buhay namin, hindi ko na maaaring buuhin ang pag-asang sa simula pa lang ay ako mismo ang sumira.

Papalubong na ang araw. Ilang kilometro pa ay mararating ko na ang NLEX. Halos wala na akong makitang kabahayan sa daang tinatahak ko.

Para bang anlungkot ng daanan, o sadyang malungkot lang talaga ako?

Okupado pa rin ang isipan ko. Halu-halong emosyon. Naroon yung paminsan-minsang pag-iyak. Pagtawa. Pagkainis. Galit sa sarili.

Nababaliw na ata ako.

Dahil sa wala nga ako sa sarili, ay huli ko nang napansin ang isang itim na nilalang na nakatayo sa dadaanan ko.

"SHIIIIIT!!!" Sigaw ko.

Sa pagkagulat at pagkataranta ay kaagad kong kinabig ang manibela pakanan. Dahil sa pagkataranta, sa halip na brake ay silinyador ang natapakan ko. Humarurot ang sasakyan at huli na dahil lumapat na ang nguso ng sasakyan ko sa malaking punong naroon.

"BOOOOOGGG!!"

******

*******

Mabuti nalang ay natapakan ko ang brake kaya hindi masiyadong malakas ang pagkakabangga ng kotse ko sa puno.

Napahampas ako sa manibela.

'Muntik na ako dun.'

Natulala.

'Bakit ba hanggang dito sinusundan ako ng pusang yon!'

Totoo nga ba kaya ang sinabi sakin ni yaya dati?

"Ah!! hindi totoo yun. Kasabihan lang yun." Usal ko.

Pero bakit parang biglang lumiwanag ang isipan ko. Bakit parang pakiramdam ko kailangan kong bumalik kay Luke.

'May sariling pamilya na nga ba si Luke? Asawa at anak niya ba talaga yun?' Tanong ng isip ko sa akin.

"Oo ata. Sweet nila tingnan eh." Tugon ko

'Pero teka, wala naman akong narinig na sinabi ni Luke na asawa niya yun. Tsaka hindi sila nag kiss sa lips dahil beso lang ang ginawa nila.'

"Pero yung bata kamukha ni Luke at Daddy ang tawag sa kanya nito. So anak niya talaga yun." Pangontra ko.

'AAAAHHHHH!! Mababaliw na ata ako!.

Kinakausap ko na ang sarili ko.

Pero sa huli ay namalayan ko nalang na minamaniobra ko na ang sasakyan at tinunton ang daang pabalik.

'Hahanapin ko ang pusa, magpapasalamat ako.. AHHH hindi! Hindi pa ako nababaliw.'

Babalikan ko si Luke upang linawin sa kanya ang lahat. Baka isang pagkakamali na naman ito kagaya nung nangyare sa nakaraan.

'Bakit ba kailangan mo pa akong pag-isipin Luke ha?! Sinusubukan mo ba talaga ang pagmamahal ko?!'

Kung sa huli ay uuwi pa rin akong luhaan. Bahala na.

Kesa naman habambuhay kong pagdusahan ang maling akala ko. Kung talagang maling akala lang ito.

Bahala na...

Kung talagang may pamilya na talaga si Luke. At least ginawa ko ang part ko.

Pinaghahawakan ko ang katiting na pag-asa. Dinalangin na sana mali lang ako ng hinala.

Ayoko nang maulit ang nangyari dati.

Maghahating-gabi na nang marating ko ang harapan ng bahay nila Luke.

Nakailang pindot din ako sa doorbell saka tuluyang may nagsalita sa likod ng gate na yon.

"Sino po sila?" Wika ng babaeng nasa likod ng gate.

Sa tingin ko ay katiwala nila Luke.

"Nandiyan po ba si Luke?"

"Si sir Lucas po? Natutulog na po sir. Sandali lang po at tatawagin ko siya."

Naiwan naman ako sa labas ng gate. Ni hindi man lang ako pinapasok ng katiwala nila. Siguro para na rin sa seguridad.

Ilang sandali ang lumipas saka tuluyan kong narinig ang boses niya.

"Sino sila?" Malakas na pagkasabi ni Luke sa kabilang panig ng gate. Hindi niya pa rin ito binubuksan.

"Brad si Zion to."

Nang matunugan niya ang boses ko ay saka tuluyang bumukas ang gate.

Nagtatakang mukha niya ang sumalubong sa akin. Nakapantulog na ito. Magulo ang buhok at ang mga mata ay halatang nabitin mula sa pagkakahimbing.

"Bakit brad? Akala ko umuwi ka na. Bakit nandito ka pa? Anong kailangan mo?" Sunud-sunod na tanong niya.

Sinalubong ko lang siya ng seyosong mukha.

"Si Angela't si baby Zi, asawa't anak mo ba sila?"

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Brad Mahal Kita, Matagal Na (Part 16)
Brad Mahal Kita, Matagal Na (Part 16)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiqUubzcS4U5P3uCWiuUcJdrj0MGrzwqegCOdBvgPFurOAUca1dQce1XtbRVTEa3amh0wVF_Tyi79EsejUAMl_sd6Lfz-bcanDGjMs_LopsrKqnpqpoSv7Jy-_l4ieyH030nKZWY1KF0i7P/s320/Brad+Mahal+Kita%252C+Matagal+Na.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiqUubzcS4U5P3uCWiuUcJdrj0MGrzwqegCOdBvgPFurOAUca1dQce1XtbRVTEa3amh0wVF_Tyi79EsejUAMl_sd6Lfz-bcanDGjMs_LopsrKqnpqpoSv7Jy-_l4ieyH030nKZWY1KF0i7P/s72-c/Brad+Mahal+Kita%252C+Matagal+Na.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2020/09/brad-mahal-kita-matagal-na-part-16.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2020/09/brad-mahal-kita-matagal-na-part-16.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content