The Finale By: RyanTime Habang tinatahak ko ang daang pabalik kila Luke ay nag ring ang phone ko. Si Daddy... Sinagot ko ito at d...
The Finale
By: RyanTime
Habang tinatahak ko ang daang pabalik kila Luke ay nag ring ang phone ko.
Si Daddy...
Sinagot ko ito at dahil konektado naman sa bluetooth ng sasakyan ay hindi ko na kailangan pang ilapit sa tainga ito.
"Yes Dad?"
"Kamusta ang lakad mo anak?"
"Eto Dad, pabalik ako kay Luke." Mediyo malungkot kong tugon.
"I thought magkasama kayo? Hindi pa ba kayo nagkakaayos?"
Hindi ako umimik.
"May problema ba nak?"
Hindi pa rin ako umimik. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya.
Buntong-hininga.
"Zion?"
"W-wala naman po Dad."
Napabuntong-hininga din siya. Dumaan ang ilang sandali saka siya nagsalita.
"Zion, anak. Alam kong madami akong pagkukulang sayo. Pinahirapan kita. Malaki ang kasalanan ko sayo. Hanggang ngayon nahihirapan ka nang dahil sa akin. Maiintindihan ko kung magagalit ka sa akin, hindi tama ang hadlangan ko ang kaligayahan mo. Pero sana balang araw maintindihan at mapatawad mo si Daddy."
"Daddy, okay na yon. Naintindihan naman kita. Ang tanggapin mo ako ay malaking bagay na para sa akin."
Nagtataka ako sa mga sinabi niya. Samantalang matagal naman na kaming nagkapatawaran.
"Basta anak, tandaan mo nandito lang ako sa likuran mo. Suportado kita, kaya dapat magandang balita ang sasabihin mo sa akin pag-uwi mo. Alam kong hindi pa huli ang lahat. Go get your man! Iuwi mo si Luke dito sa bahay."
Napangiti naman ako sa suportang pinapahiwatig niya. Kahit papaano ay naibsan ang lungkot na nararamdaman ko.
"Thanks Dad."
"I love you nak."
Nanibago man sa sinabi niya ay sumagot na rin ako.
"I love you too, Dad."
Hindi na rin nagtagal ay nagpaalam na ako at tuluyang pinutol ang linya.
Matagal na nung huli kong narinig si Daddy na mag 'I love you' sa akin. Nasa grade school palang ata ako nun. Kaya naninibago ako sa inaasta niya ngayon. Hanggang ngayon ba sinisisi niya parin sarili niya sa nagawa niya sa akin? Matagal naman na kaming nagkaayos.
Iwinaksi ko muna sa isipan ang tungkol sa mga sinabi niya. Ibinalik ang focus sa magiging tagpo namin ni Luke mamaya.
****
Tanging ang malamlam na ilaw na nanggagaling sa poste sa tabi ng gate ang siyang nagbibigay liwanag sa kinaroroonan namin. Sapat na upang maainag ko ang nagtatakang mukha niya na sumalubong sa akin.
Nakapantulog na ito. Magulo ang buhok at ang mga mata ay halatang nabitin mula sa pagkakahimbing.
Napansin kong wala siyang suot na wedding ring mas nabuhayan ako ng loob pero hindi parin nakampante dahil maaaring magkasama nga sila pero hindi sila kasal.
"Bakit brad? Akala ko umuwi ka na. Bakit nandito ka pa? Anong kailangan mo?" Takang tanong niya.
Ayoko na mag-aksaya ng oras para sagutin ang mga tanong niya.
Para akong humarap sa isang hukom sa isang paglilitis.
Handa ko na siyang tanungin ngunit hindi handang tanggapin kung ang isasagot niya ay taliwas sa kagustuhan ko.
Tiningnan ko siya ng seryoso.
"Si Angela't si Zion, asawa't anak mo ba talaga sila?" Walang pakundangan kong tanong.
Sinalubong niya lang ito ng nagtatakang tingin.
"Please Luke, sagutin mo ang tanong ko. Nagmamakaawa ako."
"Bakit mo itinatanong sa akin yan?" Tugon niyang may pagtataka parin sa mukha.
"Just answer me! Asawa't anak mo ba sila?" Mariin kong tanong.
Tumitig siya sa akin, palipat-lipat niyang tinitingnan ang magkabilaang mata ko.
"Hindi." Tipid na sagot.
Para akong nabunutan ng malaking tinik sa lalamunan. Napabuntong-hininga.
Dahil sa ligayang dulot ng sagot niya ay mabilis akong lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Ramdam kong nagtataka siya sa inaasta ko ngunit wala siyang pagtutol na ginawa, bagkus ay dahan-dahan niyang hinaplos ng magkabilaang palad niya ang likod ko. At dahil sa ginawa niyang iyon ay mas lalo ko pa siyang niyakap ng mahigpit.
"Are you okay?"
Ramdam ko ang pag-alala sa tanong niya.
Tumango ako.
"Hayaan mo muna akong yakapin ka, matagal ko nang gustong gawin to. Akala ko, tuluyan ka nang mawawala sa akin." Nangingilid na ang Luha ko. "Gusto rin kita Luke. Gustong-gusto kita. Please give me a chance." Pagsusumamo ko.
Dahan-dahan siyang bumitaw sa pagkakayakap ko. Marahang itinulak ng dalawang kamay niya ang balikat ko upang lumayo sa kanya. Mas lalong naging seryoso ang mukha niya.
"Anong gusto mong mangyari?" Walang buhay niyang tanong.
Hindi ko mabasa ang emosyon sa mga mata niya.
"Luke, ayoko nang aksayahin ang oras ko, ang oras natin. Ituloy na natin ang maging tayo."
Umiling-iling siya.
Kirot ba ang naaaninag ko sa mga mata niya?
"Hindi mo alam ang sinasabi mo." Sabay pag-iwas ng tingin sa akin at mabilis na papikitpikit ng mata.
Hindi kaya?..
"May mahal ka na bang iba?" Mahina kong tanong.
Umiling siya.
"Yun naman pala eh. Bakit ba ayaw mong bigyan ako ng chance? Hindi mo na ba ako mahal?" Derecho kong tiningnan ang mga mata niya.
Tumitig din siya sa mga mata ko. Papikit-pikit parin ito pero sa pagkakataong ito ay may mga luhang nangingilid sa mga mata niya. Nakangiti siya, pero ngiting may dalang pait. Ngiting nagpipigil ng kung anong damdamin.
"Hindi tayo pwede Zion. Wag mo nang aksayahin ang oras mo sa akin. Makakaalis ka na." Sabay talikod.
Pinigilan ko ng kanang kamay ang kanang braso niya. Napahinto siya ngunit hindi na muling humarap. Niyakap ko siya patalikod. Dinama ang katawan niya. Sa pagkakataong ito ay pareho na kaming tahimik na lumuluha.
"Luke, please. Huwag mong gawin sakin to. Please give me last chance. Ayoko nang balikan ang hirap na dinanas ko noong mga panahong wala ka. Araw-araw namumuhay ako sa kalungkutan. Araw-araw umaasa akong makita ka pero lagi akong bigo. Hindi ko na kakayanin kapag nawala ka pa ulit. I can't go on without you. I really can't. Please Luke. Please." Sinasabayan na ng paghikbi ang iyak ko.
Nanatili lang akong nakayakap sa kanya. Nararamdaman ko ang pagpipigil niya ng damdamin. Ramdam ko ang bawat pag bigat ng hininga niya at ang tahimik na paghihikbi.
"Hinding-hindi mangyayari ang gusto mo." Saka tuluyan siyang bumitaw sa pagkakayakap ko sa kanya.
"Makakaalis ka na." Sinabi niya yun nang nakatalikod.
"PUTANG INA NAMAN! Bakit ba? Ano bang problema? Mahal na mahal kita! Putang ina mahal na mahal kita Luke!"
Humarap siya na may puno ng kirot sa mukha niya.
"Alam ko at mahal parin kita hanggang ngayon." umiiyak siya.
"Yun naman pala! Mahal kita at mahal mo parin ako! Maging tayo na Luke puntang ina naman! Bakit mas pipiliin mong lumayo sa akin ha?!"
"Alam ko ang lahat brad, sinabi sa akin lahat ni Rey. Lahat ng pinagdaanan mo. Masaya akong malaman na mahal mo rin ako.. pero hindi talaga tayo pwedeng magsama."
"That's BULLSHIT!!! Anong silbi ng mga sinasabi mo ngayon kung mas pipiliin mo paring ipagtabuyan ako! Ipaliwanag mo sa akin brad!"
Tahimik niyang pinahid ang mga luha. Inihanda ang sarili sa sasabihin.
"Ilang reunion at get together na din ang dumaan. Nandun din ako nung mga panahon na yun. Pinagkasya ko nalang ang sarili kong tingnan ka sa malayo." Halos mangiyak-ngiyak na naman siya. Sinasabayan ng mapait na ngiti. "Masakit.. mahirap.. pero anong gagawin ko. Kailangan kong lumayo sayo."
Nagulat ako sa mga sinabi niya. Sa kabila ng lahat, saksi pala siya sa paghihirap ko. Pero hindi niya man lang magawang lumapit sa akin. At isa pa itong si Rey, tinuring kong mapagkakatiwalaan pero pinaglalaruan lang naman pala nila ako.
Napailing ako. Yumuko.
"Pinaglalaruan niyo lang ako." Mahina ngunit mabigat ang pagkakasabi ko. Napatikom ang mga palad.
"Hindi brad. Hindi kita pinaglalaruan."
"Eh putang-ina! Ano kasing dahilan?! Bakit mo ako pinagtutulakan gayong mahal mo parin naman ako?! Mahal kita, mahal mo ako! Dahil ba pareho tayong lalake? Wala akong pakialam kung pareho tayong lalake, gusto ko lang maging totoo sa nararamdaman ko. Mahal kita Luke. Ilang beses ko bang sasabihin sayo to?"
Gulong-gulo na ako. Mahal niya ako pero ayaw niyang maging kami. Anong dahilan niya?!
"I really can't. I'm sorry."
Nanghina na ang loob ko. Bagsak ang mga balikat tanda ng pagsuko.
"Napakalupit mo sa akin brad. Sana hindi nalang pala nangyari ang araw na to. Sana hindi ko nalang ipinaglaban ang nararamdaman ko sayo. After eight fucking years. Ito lang pala ang mapapala ko." Muling tumulo ang luha ko. "Sabagay deserve ko naman ito, kung sana naging matapang ako dati hindi mangyayari ito." Sinabi ko yon ng hindi tumitingin sa mga mata niya.
"Palaam Luke." Tuluyan kong pinahid ang mga luha sa mata ko.
Lilisan na sana ako. Pero bigla siyang nagsalita.
"Kahit naging matapang kang harapin ang noon. Hindi parin pwedeng maging tayo." Puno ng emosyon niya itong sinabi.
Napahinto ako sa paghakbang at muling humarap sa kanya na may pagtataka.
"Ano ba kasing dahilan mo?!"
Ibinaling niya sa malayo ang tingin.
"B-because of your dad."
Naguluhan ako.
"WHAT??? Anong kinalaman ni Daddy?"
Anong kinalaman ni Daddy? Samantalang siya nga itong nagtutulak sa akin para makuha ko si Luke.
"Isang taon mahigit, mula nung nangyaring paglayo ko sayo. Dahil sa sikreto naming pag-uusap ni Rey, nalaman kong mahal mo rin ako. Kaya nag-ipon ako ng lakas ng loob para puntahan ka sa bahay niyo. Para makipag-ayos sayo. Hindi ko rin kasi kayang kalimutan ka. Pumunta ako sa bahay niyo pero ang Daddy mo ang nakausap ko."
"Galit na galit siya dahil alam niya raw kung anong meron sa atin. Pinagbantaan niya akong kapag kinausap o nagpakita pa ako sayo guguluhin niya pareho ang buhay natin. Lalo na ang buhay mo. Kahit na maging tayo raw ay gagawa siya ng paraan para magkalayo tayo."
"Brad, okay lang sa akin na guluhin niya buhay ko, pero hindi ko mapapatawad ang sarili kong masira ang buhay mo nang dahil sa akin. Mahal na mahal kasi kita." Muli siyang lumuha.
"Alam ko ang pakiramdam nang mawalan ng pamilya. Pinangarap ko rin magkaroon ng isang masayang pamilya pero hindi nangyari sa akin yon. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung magkakasira-sira kayo ng pamilya mo nang dahil sa akin. Ayokong maranasan mo ang naranasan ko."
"Kaya pinili kong lumayo kahit mahirap... Kahit masakit. Kahit na ang ibig sabihin nun ay mawala ka na ng tuluyan sa akin. Wala akong choice brad." Lumalalim na ang paghinga niya na sinasabayan ng hikbi.
"Wala akong nagawa para ipaglaban kita. Mahal na mahal talaga kita. Hanggang ngayon mahal na mahal pa rin kita." Humahagulgol na siya.
"I'm sorry. Kahit gustuhin ko man ay hindi talaga pwede." Namumula na ang mga mata niya sa kakaiyak. Ramdam na ramdam ko sa bawat hikbi niya ang pagtitiis at paghihirap na dinanas ng mahabang panahon.
Pumasok sa isipan ko ang naging usapan namin ni Daddy kanina sa phone. Marahil ito ang tinutukoy niya. Nakaramdam ako ng pagkainis kay Daddy pero minabuti ko munang isantabi. Saka ko nalang siya haharapin sa pag-uwi ko.
Lumapit ako at niyakap siya. Pilit kong pinapagaan ang nararamdaman niya. Gumanti naman siya ng yakap at patuloy pa rin sa pag-iyak.
"I'm sorry Luke. Tahan na. Nandito na ako, wala ng hahadlang sa pagmamahalan natin." Pabulong kong sabi habang nakayakap parin.
"P-pero paano ang daddy mo?" Atubili niyang tanong.
"Siya mismo nagsabi sa akin na iuwi kita sa bahay."
Mabilis siyang kumawala sa pagkakayakap ko.
"Anong ibig mong sabihin?" Taka niyang tanong.
Tumango ako kasabay ng pagngiti.
"Tanggap na tayo ni Daddy. Magiging father in-law mo na siya." Biro ko.
Tinulak niya ng mahina ang magkabilaang dibdib ko. Bakas sa mukha niya ang pagkabigla. Hindi niya makuhang maniwala sa sinasabi ko.
"Are you kidding?"
"Hindi ako nagbibiro." Kasabay ng ngiti.
Tumitig lang siya sa akin.
"Pero paanon..."
"Ssshhhh. Isa pa hahalikan na kita."
Sinuntok lang ako sa dibdib ng timang.
"So kailangan mo nang mamili, mamahalin mo ako o mamahalin kita? Sagot!" Pagmamando ko na may kasamang ngiti.
Tumango-tango siya. Ngumiti kasabay nang pagluha nang dahil sa tuwa. Mabilis na yumakap na pasubsob sa balikat ko.
"Putang ina naman kasi eh." Ramdam ko sa pagmumura niya ang saya.
"Yes Luke, I love you too."
Matagal din ang pagyayakapan namin. Ibinuhos niya ang luhang dulot ng galak sa balikat ko. Pinapakinggan ko lang ang bawat paghikbi niya hanggang sa mawala na ito.
"Luke." Nakayakap parin ako sa kanya.
"Hmmmm?"
"Pwede bang.."
"Ano?"
"Sabihin mong, I love you. Kahit mahina lang."
Matagal bago siya nagsalita.
"I love you."
Ang sarap sa pakiramdam na marinig yun. Napangiti ako at lalong hinigpitan ang yakap.
"Luke."
"I love you." Wika niya.
"Hindi yan.. pwede bang.."
"Ano na naman?"
"Dito na ako matulog?"
Tinulak niya ako palayo.
"Bakit? May balak kang gawin sakin ngayong gabi no?"
'Assuming naman masiyado to. Pero since ikaw nagbigay ng idea. Why not!' Sa isip ko.
"Bakit gusto mo ba?" Binigyan ko ng makahulugang tingin. Na sinalubong naman niya ng masamang tingin. "Biro lang, syempre conservative ako brad. Wala akong gagawin sayo hangga't hindi tayo kasal."
"Pakyu! Ulul!"
Nagkatawanan kami.
"Gabi na oh. Pauuwiin mo pa ba ako? Nasan na yung pagmamahal na sinasabi mo? Wala na ba?" Pagdadrama ko.
"Daming sinabi. Tara na."
Napatawa akong umakbay sa kanya at sabay na pumasok sa gate. Pero nung napagtanto kong kami na nga pala. Inilipat ko ang kamay ko sa bewang niya at mahigpit na hinawakan ang tagiliran niya kasabay ng pagkagat ko ng labi at ng mahinang pag-ungol.
"Pucha! Babaliin ko yang kamay na yan." Pagreklamo niya nang marinig niya ang ungol ko.
"Ito naman. Nagbibiro lang eh."
Pinahiram niya ako ng damit na pantulog at extrang toothbrush at tinungo ang banyong nakakabit sa kwarto niya.
Nauna na siyang humiga sa kama.
Pagkalabas ng banyo.
Nakatapis lang ako ng tuwalya at bahagya kong tinutuyo ng isa pang tuwalya ang basang buhok.
Pinagmasdan ang paligid ng kwarto ni Luke. Mediyo magulo ito pero mas maayos ito kumpara sa kwarto ko. Nagiging maayos lang naman ang kwarto ko kapag nililinis na ng katulong namin.
Napadako ang tingin ko sa Justice League collection ni Luke. Naalala kong nabanggit niyang mahilig rin siyang mangulekta nito.
Nilapitan ko ito at manghang sinuyod ng mga mata ang napakaraming collection. Doble ang dami nito kumpara sa akin. Inisa-isa ko ang mga ito. Napapangiti ako dahil ang gaganda ng collection niya.
Pero napako ang mata ko sa isang pamilyar na figure ni Superman. Katulad na katulad ito ng Superman na binigay sa akin ng hindi ko man lang nakilalang tao na nagbigay. Yung sukat at style ay parehong-pareho.
"Meron ka din nito?" Mangha kong tanong habang nakatitig parin sa pigura.
Natunugan kong bumangon si Luke at tinungo ang pwesto ko. Kinuha niya ang pigura at pinagmasdan itong nakangiti.
"Oo. Paborito ko ang isang to. Ang totoo niyan pangalawa na ito sa nabili kong ganitong style. Yung una kasi pinamigay ko. Nahirapan akong maghanap nito. Limited edition kasi ito, mabuti nalang may nakita pa ako." Aliw na aliw niyang pagkakasabi.
"Bakit? Kanino mo ba binigay ang isa niyan?"
Ngumit siyang parang nahihiya.
"Sa pinakamamahal ko."
Nabigla ako. Sa pinakamamahal niya? Ako lang naman ang pinakamamahal niya.
Seryoso? Yung thank you gift sa akin ay...
"Ikaw? Ikaw ang nagbigay nun?" Halos ikaluwa ng mga mata ko.
Tumango siya at tinitigan ako.
"Oo, ikaw lang naman pinakamamahal ko, wala ng iba." Mediyo nailang siya at ibinalik sa pagkakalagay ang pigura.
Halos sumabog ang dibdib ko sa tuwa.
Seryoso ko siyang tiningnan. Hinawakan ko siya sa braso at bahagyang isinandal. Sinalubong niya naman ako ng nagtatakang tingin.
"A-anong gagawin mo." Wika niya.
"Ssshhh." Sabay tapal ng hintuturo ko sa malambot niyang labi.
Idinikit ko ang katawan ko sa kanya. Dinama ang bawat pagtibok ng puso naming dalawa. Inilapit ko ang labi ko sa tainga niya at halos pabulong na nagsalita.
"Ganyan mo ba talaga ako kamahal?" Bulong na sinadya kong maging mapang-akit sa pandinig niya.
Tumango siya.
"Hindi ko man mapantayan ang pagmamahal mo. Pero sana hayaan mo akong ibigay ang pagmamahal na kaya kong gawin para sayo..." Sinabayan ng marahang paghalik sa leeg niya.
Napaigtad siya sa sensasyong naramdaman.
"Sisimulan ko na ngayon Luke."
Lumayo ako ng bahagya upang tingnan siya ng buong pagnanasa.
Mabilis kong hinawakan ang magkabilaang braso niya at iginiya papunta sa kama. Nag-iinit na ang pakiramdam ko, gusto nang kumawala ng init na yon.
Malakas ko siyang itinulak sa malambot niyang kama. Tila'y naging tuod siya na hindi tumutol sa mga ginagawa ko sa kanya.
Mabilis akong lumapit at pumaimbabaw sa kanya. Itinukod ko ang dalawang kamay sa magkabilaang gilid niya.
"B-brad." Utal niyang sabi.
"Walang brad-brad dito.." seryosong sabi ko kasabay ng seryosong tingin.
Dahan-dahan kong inilapit ang bibig sa tainga niya.
"Call me babe.." puno ng pagnanasa at pang-aakit kong bulong.
Hindi ko na mapigilan ang pag-iinit na naramdaman.
Marahan kong inilapat ang mga labi sa labi niya.
Napasinghap siya.
Tila sinapian ako ng kung anong espiritu dahil sa pagsinghap niya.
Ang simpleng pagdampi ay naging banayad na paghahalikan. Gumaganti siya sa bawat paggalaw ng mga labi ko. Hinawakan ko ang likod ng batok niya upang mas lalo ko siyang mahalikan ng masidhi. Habang naglalaban ang mga labi namin ay mabilis namang tinanggal ng isang kamay ko ang nakatapis na tuwalya sa katawan ko at pinagpatuloy ang pag-akin ng mga labi niya. Halos hindi akong magkamayaw sa labis na sensasyong nararamdaman.
Bumitaw ako sa pag-akin ng mga labi niya.
Para sa mas lalong mainit na kaganapan. Pwersahan kong sinira ang butones ng pantaas niyang damit-pantulog at nang matanggal ko ng tuluyan ang lahat ng telang nakatakip sa katawan niya ay pinasadahan ko ng tingin ang kahubdan niya. Napapakagat ako ng labi habang pinagmamasdan ito.
Nagtitigan kami. Apoy ang sumasalamin sa mga mata ng bawat isa.
Dahandahan kong inilapat ang nag-iinit kong katawan sa katawan niya na mas lalong nagpaalab ng apoy.
Sinimulan kong muli ang paghalik sa kanya. Mayamaya ay ibinaba ang halik sa leeg. Wala akong pinalagpas na parte ng leeg niya. Halos mabasa ito dahil sa paghalik ko.
Sinalikop ko ang mga palad niya at dahan-dahang ibinaba ang halik sa magkabilaang nipples. Halos mabaliw-baliw naman siya sa sensasyong dulot ng paghalik ko. Mas hinigpitan ko ang pag hawak sa mga palad niya dahil ramdam ko ang pagwawala niya dahil sa sarap. Pinaliguan ko ng halik ang halos buong ibabaw na parte ng katawan niya. Ang kanyang pagtutol ay naiuwi rin sa pigil na pag-ungol.
Ang bawat ungol niya ay mas lalong nagpapasidhi ng kagustuhan kong angkinin ang kabuuhan niya.
Nang magsawa ang mga labi ko kakahalik sa katawan niya ay muli ko siyang hinalikan sa mga labi.
Damang-dama ko ang init ng mga katawan namin maging ang matitigas na bagay na nag-uuntugan sa gawing ibaba namin.
Sinimulan ko ang pag-indayog ng katawan ko sa ibabaw niya habang angkin ko pa rin ang mga labi niya.
Hardcore ang gusto ko sa bawat sexcapade ko, pero sa pagkakataong ito ay mas ginusto ng sisipan kong namnamin ang bawat detalye ng ginagawa namin. Mas masarap pala kapag mahal mo ang katalik.
Dahil sa hindi maawat na kapusukan ay kusang gumalaw ang dalawang hita ko upang diktahang pabukahin ang dalawang hita niya. Kusa namang sumunod ito sa gusto kong mangyari. Halos manginig-nginig ang katawan ko nang mailapat ko ang alaga ko sa bukana niya.
Napatigil siya at nabanaag ko ang pagkabahala sa mga mata niya.
"Sshhh, i'll be gentle Luke. Okay lang ba sayo?" Mahinang banggit ko.
Nagdadalawang isip siya.
Pero..
"Mahal kita at may tiwala ako sayo." Wika niya. Saka pumanatag ang itsura niya.
Ngumiti naman ako at muli siyang hinalikan. Maya-maya ay bumitaw ako at tumayo.
Tinungo ko ang pantalon na suot ko kanina at dinukot ang bulsa. Paglabas ng kamay ko ay dala na nito ang isang box ng condom na may tatlong pirasong laman at dalawang sachet ng lube. Inihanda ko talaga ito dahil nagbabakasakali ngang makaka-score ako.
Napangiti nalang ako sa naisip. Mahigit walong taon na rin akong walang ka-sex. Exciting.
'Akalain niyo nga naman, magagamit ko talaga kayo ngayon.'
Bumalik ako sa kamang nag-iisip kung paano ang gagawin. First time kong gagawin ito kasama ang kapwa lalake.
Bahala na.
Mabilis akong pumatong sa kanya at muli siyang hinalikan. Nang maramdaman ko ang sobrang pagtigas ng alaga ay saka ko ito dinamitan. Saka pinahiram ng lube. Nilagyan ko rin ang bukana niya. Habang nilalgyan ko ito ay mas lalo akong na excite.
Tinitigan ko siya. Tila naghihintay lang siya ng susunod kong gagawin. Kusa niya namang ibinuka ang dalawang hita niya at inalay ang sarili.
Muli akong pumatong sa kanya at itinuloy ang pag halik.
"Ready ka na ba?" Bulong ko.
Umungol lang siya. Nilalaro ko pa rin kasi ang butas niya.
Muling nagtagpo ang alaga ko at ang bukana niya. Bahagya kong pinaikot-ikot ang alaga ko dito upang masanay. Saka dahan-dahang ipinasok ang pagmamahal ko sa kaloob-looban niya.
Napakalmot siya sa likuran ko dahil sa sakit. Tiningnan ko ang mukha niyang nahihirapan.
"Sorry. Wag na lang siguro." Pag-aalala ko.
Akmang lalayo na ako sa kanya ay pinigilan niya ako.
"Sige lang. Titiisin ko para sayo." Bakas parin sa mukha niya ang sakit.
Nag-alala man ay inulit ko ang ginawa kanina. Hanggang sa mangalahati na itong nakapasok. Ramdam ko ang pagtitiis niya sa sakit, dahil nanginig ng bahagya ang katawan niya. Dinoble ko ang pag-iingat. Mas pinag-igihan ko pa dahil hinihikayat niya akong ituloy ito. Naramdaman ko nalang na naipasok ko na pala ang lahat.
Halos mawala ako sa ulirat dahil sa sarap.
Tumigil muna ako at pinalipas ang sakit na naramdaman niya. Mayamaya ay nagkusa na siyang pagalawin ang ibabang bahagi niya upang paligayahin ako. Saka ako sumabay. Tila sumasabay sa musika ang bawat pag-indayog namin.
Ang kaninang sakit na naramdaman ay napalitan ng sarap na naaninag ko sa mukha niya. At dahil doon ay mas lalo akong ginanahan.
Init sa init.
Laman sa laman.
Tila pinag-isa ang katawan namin.
Parehong nilalamon ng apoy ang aming mga katawan. Kasabay nang bawat pag-ulos ko ang pagmamahal at pag-iingat.
Maya-maya ay narinig ko ang pagsunod-sunod na pag-ungol niya. Mas lumalalim ang paghinga niya. Kasabay ang pagkagat ng labi at paghigpit ng mga yakap sa likod ko.
Nagtaka nalang ako nang may biglang bumulwak sa bandang tiyan ko. Mainit ito at malagkit.
Nilabasan siya? Pwede palang mangyari yun, nang hindi hinahawakan ang alaga niya?
Nagtataka man ay mas lalo kong pinaigting ang pananakop sa kanya. Pabilis ng pabilis. Halos mabaliw-baliw na ako sa sarap. Hanggang sa...
"Aaaahhhhhhhh!!"
Halos manginig ang katawan ko nang dahil sa pagsabog ng pagmamahal ko sa kaloob-looban niya. Ilang pagdiin pa ang ginawa hanggang sa manghina ako. Ramdam ko ang bawat pintig ng naghuhumindig kong kalakhan sa loob niya.
Napasalampak ang lupaypay kong katawan sa katawan niya. Magkasabay kaming hinihingal.
"I love you."
"I love you too."
Kasabay ng salita ang mga ngiti at paglalim ng mga hininga.
"Luke." Bulong ko sa kanya.
Pareho kaming hubad na nakasukob sa ilalim ng kumot. Nakaunan siya sa dibdib ko at nakayakap naman ang kanang kamay ko sa dibdib niya. Habang nilalaro ng daliri niya ang mga daliri ko.
"Sorry kanina nasaktan kita."
"Ssshh." Ani niya.
"Tutal may nangyari naman na sa atin. May aaminin ako sayo." Sambit ko.
"Ano yon?"
"Lagi akong nalilibugan sayo." Walang hiya kong sabi.
"Gagu! Malibog ka lang talaga!" Sinabayan niya ng mahinang tawa.
"Hindi.. kahit nag-uusap or nagtatawanan lang tayo. Tinitigasan ako. Ang weird no?"
"Seryoso?" Tuluyan na siyang natawa.
"Tingnan mo, tumawa ka na naman nagwawala na naman tuloy. Kapain mo pa."
"Pakyu!"
"Seyoso nga."
Gumalaw ako para idikit sa katawan niya ang matigas na bagay na tinutukoy ko.
"Gagu ka! Napakabastos mo talaga."
"Diba, sabi sayo eh. Ibang-iba ang dating mo sa akin. Nakakaadik ka." Wika ko.
Tawanan.
Katahimikan.
"Luke."
"Oh?"
"Pwedeng isa pa?"
"Tsk. Yoko masakit pa."
"Sige na. 8 years Luke. 8 years wala akong ka-sex.
"Ayoko nga."
"O sige ako naman sa ilalim mo."
Hindi ko pinag-isipang sabi. Kaya ko rin namang gawin yun. Mahal ko si Luke. Kung anong ikaliligaya niya, gagawin ko.
Napabalikwas siya sa pagkakahiga. Tumingin sa akin kasabay ang ngiting nakakaloko.
"Seryoso ka? Walang bawian!" Paninigurado niya.
"Oo." Walang gatol kong pagsabi.
Mabilis akong dumapa.
"Mag-condom ka ha."
Naramdaman ko namang kumilos siya. At nagmamadaling bumalik at dinambahan ako.
"Ready ka na ba?"
"Oo"
Mayamaya.
"Teka! Nakikiliti ako. Hahaha."
Nang makabawi.
"Sige na, okay na ako."
"Dahan-dahan lang ha."
"Aray. Wag diyan!"
"B@y@g ko yan brad!"
"Aray!"
"Aray! Shit! Grabe ka naman sa akin. Walang pagmamahal?"
"Aray! Luke! Masakit!
"Dahan-dahan naman!"
"Aray! Tang-ina naman! Para akong natatae!"
"Teka natatae ata ako."
"ARAAAAAAYYYYYYYY!! POTAENA KA!!!!"
***
Lumipas ang araw ay pareho na kaming paika-ikang naglakad. Ay hindi pala. Joke lang.
***
Ang gabing yun ay naging simula ng araw-araw na saya na dulot ng pagmamahalan namin.
Sadya ngang may sisikat na araw pagkatapos na pagkatapos ng ulan. Ang mahabang panahon ng paghihirap na dinaanan namin ay nagsilbing tulay tungo sa walang hanggang pagmamahalan.
Alam kong hindi lahat ng araw ay masaya. May mga pagsubok pa rin na dadating. Ngunit pareho kaming hinubog ng karanasan kaya tiyak na pareho naming malulusutan ang mga pagsubok na yan.
Napag-usapan narin namin ni Daddy ang panghihimasok niya sa buhay namin ni Luke dati. Hindi ko itinago ang inis sa kanya. Pero sinsiro naman itong humingi ng tawad at nagbigay ng totoong suporta niya sa amin. Pinatawad ko rin naman siya kaagad. Mag iinarte pa ba ako, nakuha ko na ang gusto ko.
Nalaman nalang din namin na ang kakulangan ng supply ng mangga ay siya rin ang may kagagawan. Kinuntsaba niya ang team ni Leah upang palabasin na may problema sa supply. Palihim rin pala siyang nag iimbestiga kay Luke kaya alam niyang may farm ang pamilya nito. Siya ang gumawa ng dahilan upang magkita kami ni Luke. Na noon ay akala ko'y sadyang pinahintulot ng tadhana na magkita kami. Si Daddy lang pala ang may kagagawan. Sweet no?
Si mommy naman ay todo suhestiyon na magsarili na kami ni Luke ng bahay. Pero hanggang ngayon ay wala pang pinal na desisyon kung saan talaga kami titira. Hindi rin naman magtatagal ay magsasama rin kaming dalawa. Hinayaan ko na rin munang magkaroon si Luke ng bonding sa pamilya ko.
Si Angela ay asawa ni Kuya Jared. Naging instant bestfriend ni Luke. Taga payo niya sa tuwing pinanghihinaan siya ng loob.
Si Baby Zion naman ay anak ni Kuya Jared at Angela. Naging daddy nalang din ang tawag nito kay Luke dahil masiyado itong malapit sa kanya, madalas rin kasing out of town si Kuya Jared.
Ang dating sigalot sa pagitan ng magkapatid ay tuluyan nang nawakasan. Mas naging close si Luke sa kuya niya at naging sandalan ang isa't isa. Si Kuya Jared din ang naging guide niya upang tahakin ang propesyon niya ngayon.
Isa sa mga bagay na natutunan ko ay ang..
Huwag dumipende sa sariling akala dahil ito ay maaaring ikasira ng buhay mo at pagsisihan mo pa sa huli.
Lahat ng nangyayari sa buhay natin ay may dahilan. Ang bawat paghihirap ay may kalakip na kaginhawaan. Matuto lamang tayong manalig at maghintay. Dahil ang bawat isa sa atin ay sadyang may nakalaang ligaya na tuluyang papawi sa bawat lumbay.
***
"Burat! Baka gusto mong ikwento kung paanong nangyari na nahulog ka kay Kaizer Paul." Pangungulit ko kay Rey.
Kumpleto kaming tropang M na dumalo sa binyag ng anak ni Jerome. Lahat kasi kami ninong, maging si Luke.
Biglang binaling ni Rey ang mga mata kay Kai na noon ay masayang namimili ng pagkain sa buffet. Mababanaag mo sa mga mata niya ang ningning na dulot ng totoong pagmamahal.
Ngumiti siya. Saka nagsalita habang nakatuon parin ang mga mata kay Kai.
"Well, mahabang kwento pero, ganito kasi yun...."
***WAKAS***
COMMENTS