By: Lester Nang makauwi na ako sa aming tirahan ay kumuha muna ng nurse si Bob para tumingin sa akin habang wala siya sa doon. Nang mak...
By: Lester
Nang makauwi na ako sa aming tirahan ay kumuha muna ng nurse si Bob para tumingin sa akin habang wala siya sa doon. Nang makayanan ko na ang mag-isa sa tirahan kahit naka-wheelchair ako ay nakumbinse ko na rin si Bob na paalisin na ang nurse. Makakalakad pa naman daw ako sabi ng doctor. Pero panahon lamang ang makakapagsabi kung kailan. Hindi na rin ako nag-usisa tungkol kay John. Marahil ay talagang sinadya ng tadhana na ako’y maaksidente upang sabihin sa akin na si Bob ang karapatdapat sa akin.
“Ooops, sorry at napalakas yata hataw ko.” ang sabi ni Bob sa akin.
“Ayos lang yun. Medyo mabagal pa din reflexes ko. Pero soon babalik na galing at bilis ko sa badminton.” ang sabi ko naman.
Mahigit dalawang taon din ang pagtyatyaga ko sa theraphy para muli akong makalakad ng maayos. Bumalik din ang paglalaro namin ni Bob ng badminton na madalas naming gawin bago pa ako nadisgrasya halos tatlong taon na din ang nakakaraan.
“Pahinga ka na. Sobrang pagod ka na. Baka sumakit na naman ang mga binti mo.” ang pag-aalala ni Bob sa akin.
“Sabi ko naman sa iyo na ayos lang ako. Hindi na sumasakit ang mga binti ko. Medyo mabagal lang akong kumilos. Pero parang hindi pa kayang sabayan ng mga paa ko ang isip ko.” ang sabi ko naman.
“Pero mas mabuti na din na wag mong bibiglain ang mga paa mo. Hinay-hinay lang.” ang paalala na naman nya sa akin.
“Hayaan mo kapag talagang maayos na ang mga paa mo ay magiging bionic man ka na sa dami ng bakal at turnilyong inilagay dyan sa mga paa mo.” ang biro ni Bob.
“Loko-loko! Sige na nga. Buti pa at magshower na tayo. Tapos magdinner na din tayo doon na lang sa favorite nating restaurant ng di na tayo magluto sa pag-uwi natin.” ang sabi ko naman.
Maswerte ako at nakilala ko si Bob. Siya ang kaagapay ko sa hirap na dinaanan ko mula ng maaksidente ako. Hindi siya nagsawa sa pagkalinga sa akin. Halos mag-isa din niyang itinaguyod ang aming business na kahit papaano ay napanatili niya ang magandang sales namin. Marahil kung wala si Bob sa buhay ko ay isa pa rin akong lumpo na tila wala ng pag-asa sa buhay. Dahil sa kanyang pagpu-push sa akin ay tiniis ko ang makailang operasyon sa aking mga binti at ang hirap sa aking theraphy. Pero makalipas ng mahigit dalawang taon ay nararamdaman ko na ang panunumbalik ng normal kong paglalakad.
Isang madaling araw ng Linggo ay maaga kaming gumayak ni Bob. Napilitan kasi siyang sumali sa isang Fun Run na organized ng isang military group na nakilala namin dahil sa pagsu-supply namin ng goods sa kanilang commissary. Gusto ko din sana tumakbo subalit nag-aalangan si Bob na baka di ko kayanin iyon kahit na yung sa pinakamaikling distance na 500 meters na sadyang inilalaan para sa mga bata.
“Hihintayin na lang kita sa may finish line.” ang sabi ko kay Bob bago siya tuluyang nagpunta sa starting area.
“Sige, wait mo ako ng mga isang oras ha.” ang sabi naman ni Bob.
“Ang tagal naman nun eh 5 kilometers lang naman ang tatakbuhin mo.” ang sabi ko naman.
“Eh wala na akong practice sa pagtakbo. Basta try ko mas lesser ang time ko. Bakit maiinip ka ba kung ganoon mo ako katagal hintayin sa finish line?” ang tanong ni Bob.
“Hindi syempre. Kahit abutin pa ako the whole day ay maghihintay lamang ako sa iyo.” ang sabi ko naman.
Nangiti si Bob sa akin sabay yakap at binulungan ako ng mga katagang “I love you”. Matapos ang ilang stretching na pinagawa sa mga kalahok ng 5k run na kinabibilangan ni Bob ay pinaputok na ang baril na naging hudyat ng kanilang pagtakbo. Ako naman ay naglakad na ng kaunti upang magtungo sa malapit si finish line. Madami din ang mga hindi kasali sa fun run na tulad ko ay naroroon upang suportahan at abangan ang kanilang mahal sa buhay sa finish line. Subalit medyo nag-alala ako sa isang musmos na bitbit ng tila kayang ina. Nasabi ko sa aking sarili na dapat hindi nila isinasama ang ganoong bata sa ganitong pagtitipon na sobrang aga pa. Mas makabubuti sa bata na matulog na lang sana sa kanilang bahay.
“Hi. Mukhang may hinihintay din kayo dito sa finish line.” ang bungad ko ng lapitan ko ang babae na may bitbit na bata.
“Opo. Hinihintay namin si kuya, ang tatay nya.” ang sabi ng babae sa akin.
“Ganun ba. Akala ko ikaw ang nanay nya. Bakit nyo naman isinama pa dito ang bata?” ang tanong ko sa babae.
“Yaya po nya ako. Patay na din po nanay nitong bata. Nagising po kasi siya ng gumagayak na si kuya kanina. Ayaw po magpaiwan kaya napilitan po si kuya na isama na kami dito.” ang tugon ng babae sa akin.
“Ulila na pala sya sa ina. Pero mukhang swerte pa rin sya kasi mahal na mahal sya ng tatay nya.” ang sabi ko naman.
“Opo. Grabeng pag-aalaga ni kuya sa kanya. Pagdating ni kuya mula sa kanyang trabaho ay hindi na naghihiwalay ang mag-ama hanggang sa kanilang pagtulog.” ang sabi na yaya ng bata.
“Ano pala ang name nya?” ang tanong ko.
“John Lester po.” ang tugon ng yaya.
Biglang sumagi sa akin isipan si John. Bigla ko din naitanong sa aking sarili na kumusta na kaya si John at kung buhay pa kaya siya.
“Ang ganda naman na name mo. Magkatukayo pala tayo. Lester din ang name ko.” ang nasabi ko habang hawak-hawak ko na ang isang kamay ng bata.
Mukhang hindi naman natatakot ang bata kaya pinakiusapan ko ang kanyang yaya na kung pwede ko syang makarga. Sumang-ayon naman ang yaya at agad din naman nagpakarga ang bata.
“Ilang taon na si John Lester?” ang tanong ko sa yaya.
“One year old pa lang po sya.” ang tugon ng yaya.
Hindi ko maintindihan ang aking sarili. Parang ang gaan-gaan ng loob sa batang karga-karga ko. Nagpatuloy kami sa kwentuhan ng yaya ng bata kasabay ng pakikipag-usap ko din sa bata na ikinatuwa ko dahil marunong na din sumagot ang bata. Mukhang isang bibong bata si John Lester. Naputol lamang ang aming usapan ng nagsimula ng magsigawan ang ilang tao doon dahil may mga paparating na sa finish line. Malamang yun ang mga kalahok sa 10 kilometers na naunang tumakbo kaysa sa grupo nina Bob. Lumapit din naman kami sa may finish line at nasaksihan namin ang pag-cross ng dalawang kalahok dito.
“Baby, mukhang si papa mo yun ah.” ang biglang nabanggit ng yaya ni John Lester.
Tumingin ako mga paparating na kalahok. Bigla akong kinabahan dahil tila kilala ko yung isa sa kanila. Bigla kong naitanong sa aking sarili na si John ba iyon na sya rin binabanggit ng yaya ni John Lester. Mas lalo kong nakilala na si John nga iyon ng dumaan siya sa aming harapan hanggang sa makatawid sa finish line. Talon ng talon ang yaya ni John Lester sa tuwa at agad din tumakbo papunta kay John. Pangatlo si John sa 10k finihers.
Hindi ko namalayan na pati ako ay naglakad na rin patungo sa kinaroroonan ni John. Bitbit na ni John ang kanyang anak ng lapitan ko sya.
“Congratulations John.” ang bati ko sa kanya.
“Ikaw ba yan Lester?........ Ikaw nga!” ang nasabi na lamang ni John.
Tumango lamang ako. Ibinigay muna niya sa yaya ang kanyang anak at bigla nya akong niyakap. Halos buhatin nya ako ng mga sandaling iyon. Kahit pawis na pawis si John ay hindi ko na inisip iyon at napayakap na din ako sa kanya.
“Magkakilala pala kayo kuya.” ang biglang nabanggit ng yaya.
Bumitaw kami sa aming pagkayakap ng marinig namin iyon.
“Oo naman. Sya si Lester ang especial na tao sa buhay ko.” ang tugon naman ni John.
“Kumusta ka na? Kumusta na si Bob?” ang mga tanong ni John sa akin.
“Mabuti naman ako. Kaya nga ako nandito ay hinihintay ko sya sa finish line. Tumakbo sya sa 5k run.” ang tugon ko naman.
“Ganun ba. Eh ikaw, bakit hindi ka tumakbo?” ang tanong nya sa akin.
Ayaw kong sabihin sa kanya na hindi pa kaya ng mga paa ko dahil sa isang aksidente. Baka usisain pa niya kung bakit ako naaksidente. Batid ko naman na dahil sa nais ko syang makapiling kaya ako naaksidente.
“Bigla kasi akong nagkasakit kaya wala akong naging ensayo. Kaya hindi na rin ako tumakbo.” ang sabi ko na lamang.
“Mukhang third place ka ah. Congratulations.” ang dugtong ko pa.
“Oo nga eh. Sayang medyo kinapos na ako sa last 500 meters. Hindi ko nakayanang sabayan pa yung dalawang nauna.” ang sabi naman ni John.
“Nakilala mo na ba ang anak ko?” ang tanong ni John.
“Oo, kanina. Nag-alala kasi ako sa kanya kasi baby pa sya pero gising na sa ganitong oras.” ang tugon ka naman.
“Ayaw magpaiwan kaya isinama ko silang dalawa ng yaya nya. Anyway, malapit lang naman yung inuupahan kong bahay dito.” ang sabi ni John.
“Maaga din pala syang iniwan ng kanyang ina.” ang nabanggit ko.
“Mga six months sya noon ng may naligaw na bala sa bahay namin noon sa kampo na dati kong destinasyon. Napuruhan sya sa ulo na kanyang ikinasawi. Masakit pero ganoon talaga ang buhay. Dahil pangyayaring iyon ay nakumbinse ko ang mga superior ko na payagan na lang ako madestino dito sa Metro Manila.” ang kwento ni John.
“Kayang-kaya mo naman ibigay ang tamang pagmamahal sa anak mo. For sure, lalaki siyang mabait na bata.” ang sabi ko kay John.
“Pilit kong ginagawa iyon. Pero iba din syempre kung may nanay na nag-aaruga sa kanya.” ang sabi naman ni John.
“So ibig ba sabihin ay mag-aasawa kang muli?” ang tano ko sa kanya.
“Ewan ko. Pero wala pa sa isip ko iyon. Si John Lester muna ang aasikusuhin ko para lumaki siya ng maayos.” ang sabi naman ni John.
“Ang ganda ng pangalan ng anak mo.” ang sabi ko kay John.
“Syempre naman, galing yan sa names natin.” ang sabi naman ni John sabay ngiti sa akin.
Natigil lamang ang usapan namin ng lapitan na si John ng mga origanzer ng fun run. It's official na daw kasi ng 3rd place si John. Kaya naman kinuha nila ang mga detalye ng identity ni John para sa awarding cermony. Unti-unti na din dinumog si John na tila mga kasamahan niyang sundalo na kakatapos lamang sa pagtakbo upang batiin siya. Kahit gusto ko siyang makausap pa ay lumakad na akong papalayo sa kinaroroonan ni John. Bago pa man ako tuluyang nakalayo ay biglang tumakbo papalapit sa akin si John. Pilit niyang hiningi ang numero ng cellphone ko. Kinuha ko din ang numero ng cellphone nya. Agad na din ako nagpaalam sa kanya.
COMMENTS