$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Hihintayin Pa Rin Kita (Part 11)

By: Lester Nang makatapos na si Bob sa kanyang event ay agad ko na siyang niyayang umuwi. Nagtataka man si Bob sa pagmamadali kong maka...

By: Lester

Nang makatapos na si Bob sa kanyang event ay agad ko na siyang niyayang umuwi. Nagtataka man si Bob sa pagmamadali kong makaalis sa lugar na iyon ay sinunod nya na lamang ako. Kumain muna kami ng almusal sa isang fastfood bago kami tuluyang umuwi sa aming condominium unit. Nawalan ako ng lakas ng loob ng ikwento kay Bob ang tungkol sa pagkikita namin muli ni John. Medyo naging balisa na naman ako simula ng araw na iyon. Pilit kong itinago ang aking pagkabalisa kay Bob.

“Kumusta ka na? Kayo pa rin ba ni Bob?” ang text na natanggap ko isang umaga mula kay John.

Nagpaiwan ako sa condo ng araw na iyon dahil medyo masama ang pakiramdam ko. Mag-isa lamang si Bob na nagtungo sa opisina namin at mag-isa din syang iikot sa mga client namin kung lalabas sya sa araw na iyon.

Medyo natagalan bago ko sinagot ang text ni John.

“Ayos naman ako sa piling ni Bob.” ang text ko naman sa kanya.

“Mabuti naman. Sana makapagdinner tayo nina Bob para makapagkwentuhan uli tayo.” ang text na naman ni John.

“Sure. Sige tatanungin ko si Bob kung kailan sya pwede.” ang text ko kay John.

“Sige text mo lang ako kung kailan. Sige text na lang kita later. May meeting na ako dito sa opisina.” ang text na sumunod ni John.

“Ah ok. Take care.” ang text ko kay John.

Hindi ko maipaliwanag sa aking sarili kung bakit ganoon na lamang ako kabalisa ng araw na iyon. Parang wala ako sa aking sarili. Buti na lamang at hindi ako sumama muna kay Bob. Tiyak na mahahalata niya ang aking pagkakabalisa. Kinagabihan ay muli akong nakatanggap ng text mula kay John na nagtatanong kung kailan daw ang dinner namin. Sinagot ko na ang text niya at sinabi ko na lamang na hindi pa kami nagkakausap ni Bob. Napansin pala ako ni Bob na may ka-text. Nang tanungin niya ako kung sino iyon ay sinabi ko na lamang na tila wrong send lang kaya sinabihan ko ang nagpadala na mali ang napadalhan niya ng text. Hindi naman na nag-usisa si Bob.

Talagang hindi ko maintindihan ang aking sarili na kung bakit wala akong lakas ng loob na sabihin iyon kay Bob. Araw-araw akong kinulit ni John tungkol sa dinner namin nina Bob pero hindi pa rin ako nagbigay ng schedule. Bago matapos ang linggong iyon ay medyo naawa naman ako kay John sa kakukulit. Nagpasya na lamang ako na makipagkita na mag-isa ng malaman ko din na may kakausapin si Bob na supplier namin ng fresh na isda sa Batangas na nag-invite din sa amin na magpalipas na din ng gabi sa beach house ng supplier na iyon. Dinahilan ko muli kay Bob na masama ang pakiramdam ko at ayaw kong magbyahe ng medyo malayo.

Nang gabing iyon ay nagkita kami ni John sa isang restaurant na pinili ko. Nauna akong dumating sa restaurant. Kasama ni John ang kanyang anak ng dumating siya subalit wala ang yaya ng bata. Nagpakuha ako ng high-chair para sa anak ni John. Nag-order na din kami ng aming kakainin. Nang abutin ko ang kamay ng bata ay tila gusto niyang magpakuha sa akin. Yun na nga ang ginawa ko. Kinalong ko ang anak ni John. Bigla akong nakaramdam ng kasiyahan sa pagkalong ko sa bata. Para bang kabahagi na ng buhay ko ang munting anghel sa aking kandungan.

Masaya ang naging kwentuhan namin ni John habang kami ay kumakain. Ang bibo niyang anak na si John Lester ay parang nakisama din at hindi man lang siya nag-alburoto. Kapag kinakausap namin siya ni John ay natutuwa kami sa mga sagot niya. Para tuloy naramdaman ko na tila anak ko din si John Lester. Nang matapos ang dinner namin ay nagpaalam na si John na uuwi na sila kasi mukhang inaantok na ang kanyang anak.

“Salamat sa dinner.” ang sabi ni John sa akin.

“Wala yun. Basta ikaw. Alam mo naman kung gaano........” biglang natigilan ako sa aking sasabihin.

“Oh bakit? Ako dapat kasi ang nagbayad ng dinner natin kasi ako ang nag-invite sa iyo.” ang sabi naman ni John.

“Ayos lang yun. Gastusin mo na lang yun para kay John Lester.” ang sabi ko naman.

“Pero next time ako na ang sagot.” ang sabi naman ni John.

“Sure.” ang sabi ko naman.

“Kung hindi lang inaantok na ang anak ko ay yayain pa sana kitang mamasyal.” ang nabanggit ni John.

“Meron pa namang next time.” ang nabanggit ko na lamang.

“Ano pala ang sasakyan nyo?” ang tanong ko kay John.

“Magta-taxi lang kami.” ang tugon ni John.

“Ihahatid ko na lamang kayo.” ang alok ko kay John.

“Wag na. Baka hanapin ka na ni Bob.” ang sabi naman ni John.

“Di ba ang sabi ko nga eh nasa Batangas sya ngayong gabi. Wala akong kasama sa condo ngayon.” ang sabi ko naman.

“Di ba malapit lang ang condo nyo dito?” ang tanong ni John.

Natatandaan pala ni John kung nasaan ang condo unit namin ni Bob.

“Oo. Mga ten minutes lang nandoon na tayo.” ang sabi ko naman.

“Buti pala at nabanggit mo yan. May mga nabili ako noong nakaraang pasko na mga laruan ng bata na dapat pangregalo ko. Meron din mga damit na panlalaki. Eh yung pagbibigyan kong batang inaanak ko ay nagmigrate na pala sa US at yung iba naman eh hindi ko din nakita noong nakaraang pasko. Kaya hindi ko na naibigay ang mga iyon. Mukhang pwede naman gamitin ni John Lester. Buti pa ay daanan muna natin.” ang dugtong ko pa.

“Nakakahiya naman sa iyo. Pwede mo naman ipadala yun sa US ah.” ang sabi ko naman.

“Padalhan ko na lang sya ng pera kaysa ipa-door-to-door ko pa yung mga laruan at mga damit. Malaki kaya yung toy car na nabili ko. Mas expensive yata yung charges kung ipapadala ko pa.” ang sabi ko naman.

“Ganun ba. Sige na nga para naman magkaroon ng magagandang laruan ang anak ko.” ang pagpayag ni John na kunin ang nais kung ibigay sa anak nya.

Makalipas ng ilang minutong pagmamaneho ko ay narating na din namin ang condo unit namin ni Bob. Pagbaba namin sa kotse ay noon ko napansin na tulog na pala si John Lester. Maingat syang binuhat ni John papunta sa loob ng condo unit namin.

“Kukuha lang ako ng kumot at unan para maihiga mo si John Lester dito sa sopa.” ang mahinang pagkakasabi ko kay John matapos kong buksan ang mga aircon.

Iniayos ko ang kumot at unan sa sopa at inihiga naman ni John ang kanyang anak. Tila napakahimbing na ang tulog ni John Lester at hindi nagising ng bitiwan na sya ng kanyang ama. Pumasok ako sa bakanteng bedroom upang kunin ang mga laruan. Sumunod naman sa akin si John.

“Tulungan na kitang magbuhat.” ang alok ni John.

Iniaabot ko ang toy car kay John at ako na ang nagbuhat ng mga maliliit pang laruan.

“Tiyak matutuwa si John Lester kapag nakita nya ang mga bagong laruan nya. Sandali lang gigisingin ko sya.” ang biglang nasabi ni John dahil sa galak na nararamdaman ng mga sandaling iyon.

“Wag mo ng istorbohin ang pagtulog ng bata. Mukhang himbing na himbing ang anak mo. Tiyak naman matutuwa sya sa paggising nya.” ang sabi ko naman.

“Sandali lang yung mga nabili kong damit na pambata na kaysa kay John Lester ay kukunin ko lang sa kwarto namin ni Bob.” ang paalam ko kay John.

Hindi ko namalayan na sumunod pala sa akin si John. Medyo nabigla ako ng marinig ko syang nagsalita mula sa aking likuran habang kinukuha ko sa loob ng cabinet ang mga damit na ibibigay ko kay John Lester.

“Salamat Lester. Hindi ka pa rin nagbabago. Talagang napakabuti mong tao.” ang nabanggit ni John.

Medyo nga nabigla ako ng malaman ko na nasa likuran ko pala si John. Bigla akong napaharap sa kanya habang hawak-hawak ang unang damit panlalaki na nakita ko sa loob ng cabinet.

“Ito pa pala ang para kay John Lester. Wait lang meron pa dito. Hahanapin ko lang.” ang sabi ko na lamang sabay talikod muli kay John.

Mas nabigla ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.

“Sayang at hindi na natin naipagpatuloy ang ating nasimulan.” ang sabi ni John habang tahan-tahan niya ang aking isang kamay.

Tila biglang nag-fashback sa aking isipan ang masasayang araw namin noon ni John. Parang hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya lalo na ng magkatitigan ang aming mga mata. Hindi ko napigilan ang sarili ko at bigla ko siyang niyapos ng mahigpit. Niyakap din ako ni John ng mahigpit.

“Alam mo ba na hindi ko pa rin naramdaman sa iba ang pagmamahal tulad ng ipinadama mo sa akin noon. Hanap-hanap ko pa rin ang iyong pagmamahal.” ang binulong sa akin ni John.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Hihintayin Pa Rin Kita (Part 11)
Hihintayin Pa Rin Kita (Part 11)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhde5OaszphMFIFAWUl06P1kN6cA5Lxp1UsjVou0tEcr-AM51VbMcODf9i8KXVju1PhzkXumA0om-vdEk9rzngPhkGAj4HthGBOb7WW9FKrjmke1bjfXzhYSVTRpcQexfWDk6ZzvKRnFNLo/s320/Hihintayin+Pa+Rin+Kita.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhde5OaszphMFIFAWUl06P1kN6cA5Lxp1UsjVou0tEcr-AM51VbMcODf9i8KXVju1PhzkXumA0om-vdEk9rzngPhkGAj4HthGBOb7WW9FKrjmke1bjfXzhYSVTRpcQexfWDk6ZzvKRnFNLo/s72-c/Hihintayin+Pa+Rin+Kita.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2020/09/hihintayin-pa-rin-kita-part-11.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2020/09/hihintayin-pa-rin-kita-part-11.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content