$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Hihintayin Pa Rin Kita (Part 7)

By: Lester Nang mga sumunod na araw ay naging normal na ang aming pamumuhay. Subalit kapag hindi kami naghanap-buhay ay darating ang ar...

By: Lester

Nang mga sumunod na araw ay naging normal na ang aming pamumuhay. Subalit kapag hindi kami naghanap-buhay ay darating ang araw na mauubos din ang savings ko sa bangko. Naisip namin ni John na magnegosyo na lamang sa pamamagitan ng pangingisda. Nakabili ako ng 3 bankang pangingisda at kumuha ng mga tauhan sa pangingisda. Naging maswerte naman kami sa simula ng aming negosyo kaya ang 3 bangka ay nadagdagan pa ng 3. Naging maayos naman ang aming negosyo at pamumuhay sa nayon na iyon. Di nagtagal at nakilala na din kami ng mga tao doon sa iba naming pangalan. Dumating din ang punto na pati sa kabayanan ay nakilala ang aming pangalan dahil madami na ring mga naglalako ng isda ang kumukuha sa amin.

Hanggang sa mapansin ang aming negosyo ng mayor ng aming bayan. Dahil dito ay napilitan kaming kumuha ng business permit upang hindi na kami masita ng munisipyo. Kaya naman mga tunay naming pangalan ang naisaad namin sa mga document na kinakailangan. Ganoon pa man ay naging matiwasay pa rin ang pamumuhay namin ni John sa bayang iyon. Nakuha na rin namin ang mamasyal sa kabayanan at paminsan-minsan ay naiimbitahan sa mga kasiyahan sa kabayanan. Dahil dito nakilala namin ang mayor ng bayan at ng ilan pang pulitiko sa lugar na iyon.

Makalipas ng ilang buwan ay muling nabulabog ang aming buhay. Isang gabi ay sinugod ang aming bahay ng di kilalalang mga kalalakihan at dinukot si John ng mga iyon kasama ang aming katiwala. Nagkataon kasi na sa kabayanan ako nagpalipas ng gabi sa isang malayong kamag-anak dahil namatay ang tiyuhin ko doon. Hindi nakasama si John dahil masama ang pakiramdam nito. Pag-uwi ko kinabukasan ay hindi ko na nadatnan sina John at ang katiwala. Subalit may isang lihim na iniwan sa akin na kung ayaw ko daw sumunod kay John sa impyerno ay itikom ko na lamang ang aking bibig. Patuloy pa rin nila akong mamatyagan kaya mag-ingat daw ako sa aking mga gawain.

Kinahapunan ay may masamang balita na nakarating sa akin. Nakita ang bangkay ng katiwala namin sa may dalampasigan at may tama ito ng mga bala. Parang gumuho ang mudo ko ng mga oras na iyon. Bigla kasing pumasok sa isipan ko na baka si John ay pinatay na rin. Halos hindi ko malaman ang aking gagawin sa mga sandaling iyon. Para bang hinihintay ko na lamang na makita ang bangkay ni John sa dalampasigan.

Sa tulong ng mga tauhan ko at mga kapitbahay na rin ay naging maayos ang burol at libing ng aming katiwala. Subalit wala pa rin kaming naging balita tungkol kay John. Lumipas pa ang mga araw at naging blangko pa rin ang pulisya sa imbestigasyon nito. Gusto ko na sanang sabihin sa pulisya ang hinihinala ko kung sino ang may kagagawan sa pagkakapaslang sa aming katiwala at pagkawala ni John. Subalit nanaig pa rin ang aking takot. Takot na baka hindi lamang ako ang tapusin ng mga ito kundi ang aking kapamilya. Dumaan pa ang ilang Linggo at tila wala talagang lalabas ng mabuting balita tungkol kay John. Hanggang sa isang araw ay makatanggap ako ng liham na nagsasabing nasa mabuting kalagayan na si John subalit hindi ko na daw siya makikitang muli magpakailanman. Kaya manahimik na lang daw ako at kung hindi ay patatahimikin na nila ako ng tuluyan.

Dahil sa liham na iyon ay nagpasya na akong bumalik sa Maynila. Upang haraping ang panibagong bukas sa aking buhay. Hindi na muli akong nagtrabaho sa isang kumpanya. Sa tulong ng pinagkakatiwalaan kong tauhan ay napatakbo pa rin ang negosyo ko sa probinsya. Napalaki ko pa iyon ng makakuha ako ng mga supermarket sa Metro Manila na pwede akong mag-supply ng fresh fish at iba pang produktong dagat. Si John naman ay nanatili na lamang isang magandang alaala ng nakaraan na pinapangarap ko pa rin na balang araw ay magkikita kaming muli.

“Bob, nakuha mo na ba yung tseke na bayad sa previous delivery natin?” ang tanong ko kay Bob ng lumapit siya sa akin habang nagmamasid ako sa mga tauhan ng supermarket na abala sa pag-aayos ng bagong deliver na mga isda.

“Yap, Lester, I have it na. Halika ka na at uwi na tayo. Tutal last delivery na natin ito.” ang tugon ni Bob.

“Tara na.” ang nasabi ko naman.

Biglang may napansin akong isang familiar na tao na papalapit sa amin ni Bob. Bago pa man siya nakalapit sa amin ay namukhaan ko na siya.

“John, ikaw ba yan?” ang bigla kong naitanong.

“Kumusta ka na Lester?” ang tanong naman ng taong lumapit sa amin.

“Ikaw nga John. Salamat sa Diyos at nagkita pa rin tayo.” ang tuwang tuwang nasabi ko.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at niyakap ko siya ng mahigpit.

Naramdaman ko rin ang pagyakap ni John. Hindi ako makapaniwala na yakap-yakap ko muli ang taong minahal ko ng higit pa sa buhay ko. Subalit ang galak na nararamdaman ko ng mga sandaling iyon ay bahagyang naudlot ng maalala ko na nakatingin sa amin si Bob. Agad akong bumitiw sa pagkakayakap kay John. Hindi ko tuloy malaman ang gagawin sa mga oras na iyon. Si Bob ang bago kong mahal na nagbigay muli ng sigla sa aking buhay mula ng mawala si John. Alam ni Bob ang tungkol kay John. Kung papaano kami nagkakakilala at kung anu-ano ang aming pinagdaanan hanggang sa magkahiwalay kami.

“Hi John. I’m Bob. So ikaw pala si John na madalas maikwento ni Lester.” si Bob na ang nagpakilala sa kanyang sarili kay John ng mapansin niya akong hindi makapagsalita sa mga sandaling iyon.

“Oo ako nga.” ang tugon naman ni John at sabay iniabot ang kanyang kanang kamay kay Bob.

“More than three years na rin pala noong huli kaming magkita ni Lester.” ang dugtong pa ni John.

“May restaurant yata sa labas ng supermarket. We could order some drinks there.” ang paanyaya ni Bob.

“Mabuti pa nga.” ang nasabi ko na lamang.

Tinungo namin ang isang restaurant at umorder kami ng inumin. Kahit ayaw umorder ni John ay ikinuha na lamang namin siya ng kanyang inumin at makakain dahil alam ko naman kung ano ang kanyang paborito. Sa mga oras na iyon ay hindi ko pa nakuhang makipagkwentuhan kay John. Tanging si Bob ang naglakas ng loob na makipagkwentuhan kay John. Naikwento tuloy ni Bob kung papaano kami nagkakilala.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Hihintayin Pa Rin Kita (Part 7)
Hihintayin Pa Rin Kita (Part 7)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhde5OaszphMFIFAWUl06P1kN6cA5Lxp1UsjVou0tEcr-AM51VbMcODf9i8KXVju1PhzkXumA0om-vdEk9rzngPhkGAj4HthGBOb7WW9FKrjmke1bjfXzhYSVTRpcQexfWDk6ZzvKRnFNLo/s320/Hihintayin+Pa+Rin+Kita.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhde5OaszphMFIFAWUl06P1kN6cA5Lxp1UsjVou0tEcr-AM51VbMcODf9i8KXVju1PhzkXumA0om-vdEk9rzngPhkGAj4HthGBOb7WW9FKrjmke1bjfXzhYSVTRpcQexfWDk6ZzvKRnFNLo/s72-c/Hihintayin+Pa+Rin+Kita.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2020/09/hihintayin-pa-rin-kita-part-7.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2020/09/hihintayin-pa-rin-kita-part-7.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content