$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Hihintayin Pa Rin Kita (Part 9)

By: Lester Buong-buong nanumbalik sa aking alaala ang nangyari ng una kaming nagtalik ni Bob. Buti na lamang at nagbago ang aking isipa...

By: Lester

Buong-buong nanumbalik sa aking alaala ang nangyari ng una kaming nagtalik ni Bob. Buti na lamang at nagbago ang aking isipan at tinanggap ko ang alok na relasyon ni Bob. Simula ng magsama kami ay mas naging maunlad ang aming business. Mas naging malalim din ang aming relasyon. Subalit ang pagbabalik ni John ay biglang may kung anong pagsubok ang dadalhin nito sa akin at sa relasyon namin ni Bob. Heto ngayon sa aking harapan ang mga lalaking mahal na mahal ko. Si John ang unang nagpadama sa akin na pwede din mahalin ng isang tunay na lalaki ang isang tulad ko at si Bob na muling nagpatunay na pwede talaga ang ganoong pagmamahalan.

“O bakit di ka man lamang nagsasalita dyan?” ang biglang naitanong ni Bob ng mapansin ang labis na pananahimik ko habang nagkwekwentuhan sila ni John.

“Ah, eh, okey lang ako. Wag nyo akong pansinin. Medyo napagod lang ako kanina.” ang palusot ko sa dalawa.

“Kumusta ka na ba Lester?” ang tanong naman ni John.

“Okey na okey naman ako. Busy sa nasimulan nating business. Don’t worry simula ngayon bibigyan ka naming ng share sa income namin.” ang naisip ko na lamang isagot kay John.

“Di nyo na kailangang gawin yun. Salamat na lang. Pera mo naman talaga yung pinuhunan natin. Wag mo na akong bahaginan. Okey lang sa akin yun.” ang seryosong sagot ni John.

“Ikaw kumusta na ang buhay buhay?” ang tanong ko na naman kay John.

“Kakakasal ko lang this year. May inaasikaso lang akong papeles ko sa kampo namin dito sa Maynila. Pero babalik din ako kapag okey na ang lahat.” ang sagot ni John sa aking tanong na para bang nagbuhos sa akin ng napakalamig na tubig. Si John may asawa na!

“Ah ganoon ba. Buti naman at lumagay ka na sa tahimik? Eh kumusta yung heneral na…. alam mo na?” ang tanong ko muli pero halos hindi ko maituloy-tuloy kasi nag-aalala ako na baka manumbalik sa kanya ang napagdaanan nya.

“Nasawi siya sa isang bakbakan laban sa mga rebelde. Kaya nga nakapagbagong buhay ako.” ang tanging tugon ni John.

“Sige aalis na ako. Mukhang may aasikasuhin pa kayo ni Bob.” ang paalam ni John.

“Wala na kaming pupuntahan. Pauwi na rin kami.” ang tugon naman ni Bob.

“Buti pa ihatid ka na lang namin sa kampo nyo.” ang alok ko kay John.

“Wag na. May dadaanan pa kasi ako. Salamat na lamang.” ang pagtanggi ni John.

“Okey see you sometime soon. Tawagan mo lang ako sa phone.” ang sabi naman ni Bob sabay abot ng calling card kay John.

“Can we get your contact number?” ang tanong ko naman kay John.

“Sorry, wala akong celphone right now. Pero sige tatawag na lang ako kung may time pa before ako babalik sa probinsya.” ang nasabi naman ni John.

Agad na rin lumisan si John. Bumalik naman kami ni Bob sa tinutuluyan naming condominium. Ipinagbili kasi namin ang mga lumang condo units namin at bumili kami ng bagong unit na tamang tama lamang sa aming dalawa. Sa daanan hanggang marating namin ang condominium unit namin ay wala kaming imikan ni Bob. Ewan ko pero natatakot ako sa maaaring itanong sa akin ni Bob tungkol kay John. Mas lalo na kung tatanungin niya ako kung mahal ko pa si John. Kaya naman nanahimik na lamang ako para hindi mauwi sa ganoong tanungan ang magiging usapan namin.

Nang mga sumunod na araw ay napansin ni Bob ang aking pagiging balisa. Kahit anong tanong sa akin ni Bob kung ano ang bumabagabag sa akin ay hindi ko pa rin inaamin na si John ang dahilan ng pagiging balisa ko. Tiyak naman ako na alam din iyon ni Bob pero nagbubulagbulagan lamang siya o kaya gusto niyang marinig iyon mismo sa aking bibig na si John nga ang dahilan. Kahit ganoon pa man ay hindi iyon pinagmulan ng away namin ni Bob. Hanggang sa isang araw ay kinausap ako ng masinsinan ni Bob.

“I know kung bakit ka laging balisa. It’s because of John.” ang bungad sa akin ni Bob.

Hindi ako nakaimik ng sabihin iyon ni Bob.

“Don’t worry. Hindi naman ako magagalit. Just tell me. Para naman hindi ka manatiling ganyan. Naaawa na kasi ako sa iyo. Simula ng ma-meet mo syang muli ay naging ganyan ka na. What’s wrong? Di ka naman dating ganyan.” ang mga nasabi ni Bob.

“I’m afraid that you’re going to ask me that question.” ang bungad ko naman.

“Wag kang mag-alala. Ikaw pa rin naman ang mag-dedecide ng gusto mong gawin. Kung gusto mo syang balikan, okey lang sa akin. It’s your decision.” ang sabi naman ni Bob.

“May asawa na yung tao. Sa tingin ko ay maligaya na siya sa buhay niya ngayon. Kaya di na dapat ako mamili sa inyo.” ang nasabi ko naman kay Bob.

“John loves you so much. Alam mo ba na nagkausap kami yesterday. Gusto niyang tiyakin kung gaano kita kamahal bago siya mag-decide na bumalik na lamang sa probinsya. I was touched sa inamin niya sa akin. Ilang months ka na rin niyang sinusubaybayan. Pero nag-aalangan siyang magpakita muli sa iyo dahil sa akin. Nakita niya sa iyo na masaya ka sa aking piling. Ayaw na niyang guluhin tayo. Pero he decided that day nang magkita tayo na makausap ka para magpaalam. Wala pa siyang asawa. Nagsinungaling lamang siya para hindi na sya gumulo sa isipan mo. Mahal ka pa rin nya at ikaw talaga ang pakay niya sa pagbalik niya sa Maynila.” ang salaysay ni Bob.

“Where is he now?” ang tanong ko kay Bob.

“Nandoroon siya sa kampo nila. Naghihintay ng flight pabalik sa probinsya.” ang sagot ni Bob.

“You still have time to talk to John. Sige na puntahan mo sya.” ang dugtong pa ni Bob.

“Papaano ikaw? Mahal kita Bob. Hindi kita kayang iwan.” ang nasabi ko kay Bob.

“I know. Pero nararamdaman ko na mas mahal mo si John at mahal na mahal ka rin ni John. Siya lamang ang makakapagbigay ng inaasam mong kaligayahan at pagmamahal. Sige na puntahan mo na siya.” ang nasabi pa ni Bob.

“No. I can’t do that. Tayo ng dalawa. Tapos na sa amin ang lahat ni John.” ang nasabi ko naman.

“Lester, please sundin mo ang puso mo. Huwag kang magsisinungaling sa puso mo. I will be okay kung ano man ang magiging desisyon mo. Basta ba sa ikaliligaya mo.” ang nasabi naman ni Bob.

Hindi na ako nakapagsalita pang muli. Kinuha ko ang susi ng kotse ko at nilisan ang condo unit namin ni Bob. Habang papalayo ako kay Bob ay hindi ko siya matignan. Ayaw kong maaninag sa mukha ni Bob ang lungkot sa pagpaparaya niya sa akin. Oo mahal ko si Bob. Pero iba talaga sa aking puso si John. Halos madurog ang aking puso sa awa kay Bob sa kanyang ginawang pagpaparaya sa akin. Habang tinatahak ko naman ang daan papunta sa kampo nina John ay tinatanong ko ang aking sarili kung tama ang aking desisyon na balikan si John. Dahil sa nararamdaman kong magkahalong tuwa at lungkot at di ko namalayan ang biglang pagsingit ng bus sa harapan ng aking kotse. Iyon ang huli kong naaalala ng araw na nais kong balikan si John.

Nang magising ako ay nasa hospital na ako. Hindi ko maigalaw ang aking katawan. Medyo malabo ang aking paningin kaya hindi ko makilala ang mga taong nakapaligid sa akin.

“Lester, good to know that you’re awake na.” ang unang tinig na aking narinig.

Sa labo ng aking paningin ay hindi ko makilala kung sino ang nagsabi nun. Marahil bunga ng aking condition ay hindi ko rin nabosesan yung nagsalita kaya wala akong reaction sa kanyang sinabi.

“It’s me, Bob. Salamat sa Diyos at gising ka na.” ang nasabi ni Bob nang hindi ako mag-react sa una niyang sinabi.

Pinilit ko siyang sagutin pero hirap ako sa aking pagsasalita. Kaya naman sinabihan na lamang ako ni Bob na magpahinga lamang para mas mabilis ang aking paggaling. Muli akong nakatulog matapos ang ilang minuto kong pagkagising.

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal sa hospital. Sa tuwing nagigising ako ay hindi ko pa rin maikilos ang aking katawan at hirap pa rin sa pagsasalita. Nanumbalik na rin ang aking paningin. Sa tuwing nagigising ako ay si Bob ang laging nasa aking tabi. Hindi naging madali ang aking paggaling. Sa aksidenteng nangyari sa akin sa pagbangga ng kotse ko sa bus ay naparalyzed ang kalahati kong katawan simula baywang pababa. Akala nga ng doctor ay buong katawan ko ang paralyzed. Pero ng maka-recover ako ay unti-unti kong naigalaw ang upper body ko. Sa mga panahong iyon ng pagbuti ng aking kalagayan ay naroon sa aking tabi si Bob.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Hihintayin Pa Rin Kita (Part 9)
Hihintayin Pa Rin Kita (Part 9)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhde5OaszphMFIFAWUl06P1kN6cA5Lxp1UsjVou0tEcr-AM51VbMcODf9i8KXVju1PhzkXumA0om-vdEk9rzngPhkGAj4HthGBOb7WW9FKrjmke1bjfXzhYSVTRpcQexfWDk6ZzvKRnFNLo/s320/Hihintayin+Pa+Rin+Kita.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhde5OaszphMFIFAWUl06P1kN6cA5Lxp1UsjVou0tEcr-AM51VbMcODf9i8KXVju1PhzkXumA0om-vdEk9rzngPhkGAj4HthGBOb7WW9FKrjmke1bjfXzhYSVTRpcQexfWDk6ZzvKRnFNLo/s72-c/Hihintayin+Pa+Rin+Kita.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2020/09/hihintayin-pa-rin-kita-part-9.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2020/09/hihintayin-pa-rin-kita-part-9.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content