The author updated the number of chapters. It might be confusing to you. This part is supposed to be Part 59.
Supposed to be Part 59
By: Loverboynicks
Nagulat na lamang ako nang bigla akong hawakan sa braso ni Kiel pagkatapos ay mabilis niya akong hinila palabas ng restaurant na iyon.
"Mag-usap tayo!" sabi niya saka niya ako kinaladkad hanggang sa makarating kami sa may parking area ng lugar.
Nakita ko pa na sa amin nakatingin ang mga kumakain sa loob.
"Hey! Bitawan mo si Renz!" sabi ni Jacob na nakasunod pala sa amin.
"Wag kang makikialam dito!" galit na sigaw ni Kiel sa kanya.
Lalapit pa sana si Jacob pero ako na mismo ang pumigil sa kanya.
"Hayaan mo na kami. Mag-uusap lang kami. Hintayin mo na lang ako sa loob." mahinahon ko namang pakiusap sa kanya.
Lumuwag ang pagkakahawak ni Kiel sa braso ko kasabay ng pag-aatubili ni Jacob na iwanan ako sa kamay ng lalaking ito.
Hindi nagtagal ay nagpasya na lamang siya na umalis. Nang tuluyan na itong makalayo ay naiinis akong humarap kay Kiel.
"Ano na naman ba ang problema mo?" bulong ko sa kanya.
"Tinatanong mo kung anong problema ko? Ikaw ang problema ko Renz." iritadong sagot niya.
Napapikit na lang ako saka ako sumandal sa kotse niya habang nakacross arms.
"Sino yung lalaking kasama mo?" inis na taning niya.
Sinulyapan ko siya. "Kaibigan ko. Matagal na kaming hindi nagkikita kaya naisipan namin na magkita dito ngayon." paliwanag ko.
Nagbuga ng hangin si Kiel pagkatapos ay malungkot siyang tumingin sa akin.
"Mahal mo pa ba ako?" bigla ay tanong niya.
Sinalubong ko ang mga tingin niya. Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya.
"Kahit kailan ay hindi naman nawala ang pagmamahal ko sayo. Pero hindi ako isang bagay na basta mo na lang iiwanan kapag ginusto mo pagkatapos ay babalikan mo kapag kailangan mo." naiinis kong sagot sa kanya.
Napayuko naman siya pagkatapos ay niyakap niya ako ng mahigpit. "I'm sorry! Kinailangan ko lang ayusin ang mga dapat kong ayusin kaya ako umalis. Sasabihin ko naman dapat talaga sayo ang mga plano ko kaya lang nainis ako sayo nang araw na iyon."
"Nagpaplano na ako para sa future nating dalawa pero parang hindi ka naman seryoso sa akin. I asked you to marry me pero pinagtawanan mo lang ako."
"Hindi pa rin sapat na rason iyon para basta mo na lang akong iwanan doon nang hindi man lang tayo nakakapag-usap ng maayos." sabi ko saka na ako kumalas sa pagkakayakap niya.
"Ano bang kailangan kong gawin para seryosohin mo ako? Lahat na ginawa ko para sayo Renz pero bakit parang hindi pa rin sapat?" tanong niya.
Ilang sandali ko siyang pinagmasdan bago ako sumagot. "Magsimula ka sa simula. Ligawan mo ako. Yung pormal na uri ng panliligaw. Sa bahay. Sa harapan ni Mama." sabi ko saka ko na siya iniwanan ngunit bago pa ako tuluyan na makalayo sa kanya ay nagsalita pa siya.
"Gagawin ko iyon Renz. Masiguro ko lang na sa akin ka na talaga mapupunta. Dahil sa pagkakataong ito. Hindi na ako makapapayag pa na mawala ka sa akin. Not this time." madiin niyang sabi.
Hindi ko na siya sinagot pa at naglakad na ako pabalik sa loob ng restaurant.
Nang makabalik ako sa restaurant ay inusisa ako ni Jacob ngunit nagdahilan na lang ako. Sinabi ko na pinsan ko si Kiel at may hindi lang kami napagkasunduan kaya nagagalit siya kanina.
Base sa kwento sa akin ni Mama ay hindi naman talaga kami magpinsan ni Kiel. Kaya siguro nakaramdam ako ng kakaibang feelings para sa kanya dahil hindi naman talaga kami blood related.
Sina Kuya Jordan at Addy lang talaga ang pinsan ko. Alam ko na hindi tama ang mga kamunduhan na nangyari sa pagitan namin ni Addy.
Ngunit sinisikap ko na ngayong itama ang lahat simula nang magpasya akong lumayo na sa kanya.
Sinabi ko kay Jacob na nakapag-usap na kami ng maayos ni Kiel kaya wala na siyang dapat na alalahanin pa.
Nagsisimula na kaming kumain nang ituro sa akin ni Jacob si Kiel kaya napalingon ako. Papasok na ito sa restaurant at masama ang mga tingin na ipinukol niya kay Jacob.
Sinabi ko na lang na wag na siyang pansinin ngunit ang atensyon ko naman ang nakuha niya nang batiin ito ng mga staff at tawagin na sir.
Ilang sandali pa ay pumasok na ito sa isang restricted area at doon ko na naisip na pag-aari niya ang cafe na ito.
Binilisan ko na ang pagkain. Nagtagal pa kami ni Jacob doon nang halos isang oras habang nagkukwentuhan kami ng mga bagay bagay.
Naaliw naman ako sa kanya at pansamantalang nawala sa isip ko si Kiel. Mabuti na lamang at hindi na ito lumabas pa hanggang sa makaalis kami.
Hinatid pa ako ni Jacob hanggang sa bahay. Nakita naman siya ni Mama dahil nasa bahay na ito nang makarating kami.
Hindi ko na siya pinatuloy pa sa loob dahil baka usisain ako ni Mama. Sinabi ko na lang na magkita na lamang kami ulit kapag may libreng oras kami pareho.
Nakapasok na ako sa bahay nang makita kong nakatingin sa akin si Mama at nagtatanong ang mga mata.
"Hinatid ako ni Jacob Ma. Kilala mo siya kaibigan ko siya noong highschool." sabi ko na lang.
"Saan kayo nagpunta? Mabuti naman at lumalabas ka na ng bahay ngayon. Mabuti iyan para malibang ka naman. Hindi yung lagi ka na lamang nandito nagmumukmok." sabi naman niya.
"Biglaan lang ang lakad namin. Saka lumalabas naman ako diba? Ako na nga ang namamalengke mo after ko magpapawis." biro ko sa kanya.
Mabuti na lamang at hindi niya binigyan ng ibang kahulugan ang paghatid sa akin ni Jacob.
Ngumiti naman si Mama saka siya tumayo upang yakapin ako.
"Napakalaki na talaga ng ipinagbago mo anak. Sa tingin ko masaya ka naman na kasama si Jacob pero hindi mo na ba mahihintay ang Kuya Kiel mo?" bigla ay tanong niya na ikinalingon ko sa kanya dahilan upang makalas ang pagkakayakap niya sa akin.
Tumingin ako ng seryoso sa mga mata niya saka ako nagsalita. "Hintayin? Ma wala naman siyang sinabi sa akin na babalikan niya pa ako."
Naglakad ako patungo sa kusina upang kumuha ng tubig na maiinom. Sumunod naman sa akin doon si Mama. Kumuha ako ng baso saka ko binuksan ang ref.
"Katulad lang din ng ginawa niya sa akin four years ago. Bigla na lamang siyang umalis three days after kong umalis sa bahay nila. Nagpalipas siya ng apat na taon bago nagpakita sa akin."
"Nagpakita siya na parang walang nangyari at nang muli na naman akong mahulog sa kanya ay bigla na naman niya akong iniwanan."
Masama ang loob ko dahil hindi naman ako bagay na iiwan at babalikan lang kung kailan niya gugustuhin.
Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa amin ni Mama hanggang sa makainom na ako ng tubig. Inilapag ko ang pitsel sa mesa saka ako umupo sa isang silya doon.
Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ko ang message ni Jacob.
Salamat sa pagpayag mo na makipagkita sa akin. Masaya na sana kundi lang umeksena yung epal na pinsan mo.
Love, Jacob
"Hindi mo alam kung anong hirap ang pinagdaanan ni Kiel noon matapos mo siyang layasan sa bahay nila. Hindi rin totoo ang itinanim mo sa utak mo na iniwanan ka niya tatlong araw matapos mong lisanin ang bahay nila." seryosong sabi ni Mama na ikinaangat ng tingin ko sa kanya.
Kumunot ang noo ko saka ko siya tinanong. "Anong ibig mong sabihin?"
"Nagsinungaling sayo si Addy, Renz. Hindi totoo na lumipas kaagad si Kiel patungong amerika matapos mong lisanin ang bahay nila."
"Hindi kita maintindihan." nalilito kong sagot sa kanya.
Naglakad si Mama patungo sa isa pang silya saka siya umupo doon. Hinarap niya ako saka niya ipinaliwanag ang lahat.
"Three days matapos mong lisanin ang bahay ng mga Velasco ay nagtungo dito si Kiel. Basang-basa siya sa ulan at hinahanap ka niya. Noong una ay ayaw pa niyang sabihin ang totoong pakay niya pero sa huli ay nalaman ko rin ang totoo."
"Kinabukasan ay bumalik na siya patungong maynila. Ikaapat na araw na iyon mula nang iwanan mo sila. Iyon din ang araw na napagsamantalahan siya habang lasing na lumabas sa isang bar sa maynila."
Nagsalubong naman ang kilay ko sa narinig ko. "Napagsamantalahan?" tanong ko kay Mama.
Malungkot na tumango si Mama. "Kinagabihan matapos siyang magpaalam sa akin ay naglasing siya sa isang bar at kinabukasan ay nagising na lamang siya na nakahubad sa isang hotel at napagsamantalahan na siya ng pangahas na binata na nagdala sa kanya doon."
Oh my God! Bulong ko sa sarili ko saka ako nakadama ng labis na pag-aalala para kay Kiel.
"Si Lance. Yung kapitbahay natin dito. Siya ang gumalaw kay Kiel. Dahil sa galit ni Kiel ay binugbog niya si Lance hanggang sa halos malumpo na niya ito."
"Pero kinabukasan din ay nakapagsampa kaagad ito ng kaso kay Kiel. Halos isang buwan din siyang nanatili sa kulungan hanggang sa isang araw ay nagulat na lamang kami na biglang iniurong ni Lance ang kaso."
"Nakalaya si Kiel at nalaman niya na nagkakamabutihan na kayo ni Addy. Hindi ko ma rin tinangka pang sabihin sa kanya ang nangyari sayo sa kamay ng mga kaklase mo Renz. Dahil baka pumasok na naman siya sa gulo at mapahamak na naman siya."
Tumigas ang anyo ko saka ko galit na sinulyapan si Mama. "Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin ang tungkol sa mga bagay na iyan?"
"Ma alam mo kung gaano ako nasaktan nang magalit sa akin si Kuya Kiel noon." naghihinanakit kong sabi sa kanya.
"Kagustuhan ni Kiel na wag ipaalam sayo ang mga nangyari sa kanya. Dahil ayaw ka niyang mag-alala sa kanya. Titiisin niya lahat ng problema na ibinabato ng mundo sa kanya masiguro lang niya na nasa maayos kang kalagayan. Ganyan ka niya kamahal Renz." si Mama.
"Pero bakit mo sinasabi sa akin ngayon ang mga bagay na iyan?" naiinis ko pa ring sagot.
"Dahil natatakot ako na baka dumating ang araw na makalimutan mo na si Kiel. Natatakot ako na baka makahanap ka na ng iba habang wala siya."
"Hindi ako tutol kay Jacob, Renz. Alam ko na mabuti siyang tao. Pero ayokong masaktan si Kiel kapag nalaman niya na may iba ka nang minamahal. Napakarami na niyang tiniis na hirap maipaglaban ka lang niya kaya hindi mo ako masisisi kung para sa akin ay siya ang nararapat mong mahalin ng totoo."
Hindi ako kaagad nakasagot sa mga sinabi niya. Magsasalita na sana ako ngunit naunahan na ako ni Mama.
"Hindi ka basta na lamang iniwanan ni Kiel sa Alta Tierra. Ibinilin ka niya kay Benjie kaya nagpumilit si Benjie na ihatid ka dito noong araw na iyon."
"Totoong lumipad siya pabalik sa amerika pero hindi upang layuan at saktan ka. Kundi para ayusin ang lahat ng naiwan niyang gusot doon para sa oras na balikan ka niya ay wala na kayong poproblemahin pa."
Sasagot na sana ako nang biglang tumunog ang doorbell. Sabay pa kaming napalingon ni Mama pero siya na ang nagkusa na magbukas ng gate.
Nanatili lamang akong nakaupo at nakatulala sa labas ng bintana. Sa totoo lamang ay wala naman talaga akong makikita doon kundi kadiliman ng gabi pero doon ako nakatanaw habang naglalaro sa isipan ko ang tungkol sa mga sinabi sa akin ni Mama.
Ilang sandali ang lumipas at lutang na ang isip ko habang nakatanaw pa rin ako sa labas.
Nagulat pa ako nang biglang magsalita si Mama na nasa harapan ko na pala.
"Ayusin mo yang sarili mo dahil may bisita ka." seryosong sabi niya.
Kumunot naman ang noo ko saka ko tinanong kung sino. Nagkibit balikat lang si Mama saka na siya naglakad pabalik sa sala.
"Papalabas na siya. Maupo ka muna diyan." narinig kong masigla pa niyang sabi.
Mabilis na akong tumayo saka ko tinungo ang living room ng bahay namin. Napahinto pa ako ilang hakbang mula sa nakatalikod na lalaki.
Sumalubong sa ilong ko ang napakabangong amoy ng cologne na gamit niya na hinaluan ng pamilyar na amoy ng katawan niya.
Nang marahil ay naramdaman niya ang presensya ko ay marahan siyang lumingon sa akin.
Nang makita niya ako na nakatayo sa bandang gilid ng hagdanan ay ngumiti siya. Yung ngiti na halos nagpalambot sa mga tuhod ko dahilan upang mapahawak ako sa hagdanan.
Tumayo si Kiel suot ang isang pulang longsleeve polo na tinernuhan ng hapit na pantalon na lalong nagpakita sa tikas ng kanyang tindig.
Kung noon ay gwapo na siya sa nakabagsak niyang buhok. Ngayon ay mas lalo pa siyang gumuwapo sa paningin ko dahil sa bagong hairstyle niya.
Nakabrush up iyon na ginamitan ng kung ano mang pampahid sa buhok na bumagay sa nakakapanghina ng tuhod niyang ngiti.
Sa kamay niya ay may hawak siya na isang bungkos ng mga sariwa at pulang rosas.
Marahan siyang lumapit sa akin saka niya ako ginawaran ng masuyong halik sa aking pisngi. Pagkatapos ay iniabot na niya sa akin ang hawak niyang bouquet of roses kasabay ng pagbulong ng magandang gabi.
"Good Evening Renz! Para sayo." nakangiting sabi niya.
Para namang may sariling isip ang mga kamay ko na inabot iyon saka ko sinamyo ang mga bulalak.
Nang mag-angat ako ng tingin kay Kiel ay hindi pa rin nawawala ang matatamis na ngiti niya. Halos malasing naman ako sa pinaghalong amoy ng cologne na gamit niya at ang paborito kong natural scent ng katawan niya.
Nginitian ko na rin siya saka ako nagpasalamat. Hindi ko inasahan na kikiligin ako ng ganito dahil sa simpleng pagbibigay niya lamang sa akin ng bulaklak.
COMMENTS