By: Loverboynicks View all Flicker chapters Naramdaman ko na lamang ang paglapit sa akin ni Addy saka niya ako niyakap ng mahigpit hab...
By: Loverboynicks
Naramdaman ko na lamang ang paglapit sa akin ni Addy saka niya ako niyakap ng mahigpit habang patuloy sa pagdaloy ang mga luha ko.
"I'm sorry kung hinusgahan kita. Patawarin mo ako dahil hindi ko nasuklian ang pagmamahal mo. Hindi ko rin naappreciate ang mga efforts mo para lang maprotektahan ako." humihikbi kong sabi habang nakayakap na rin ako sa kanya.
"Hush baby! Hindi mo kasalanan okay? Basta lagi mong tandaan na kapag kailangan mo ako ay nandito lang ako palagi para sayo. Kahit pa si Kiel ang pinili mong mahalin."
Marahan akong tumango saka ako nagpasalamat sa kanya para sa lahat ng bagay na ginawa niya para sa akin.
Pagkatapos ay mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko sa kanya bago ako marahang nagmulat nang mga mata.
Ngunit hindi ko inasahan ang nakita ko.
Bumakas ang pagkabigla sa mukha ko saka ako marahan na kumalas mula sa pagkakayakap ko kay Addy.
Hinayaan naman niya ako saka siya bumaling sa tinitingnan ko mula sa likuran niya.
Doon ay nakatayo si Kiel sa di kalayuan habang naniningkit ang mga mata niya na nakatingin kay Addy na nakahawak pa rin pala sa may baywang ko.
"K-kiel?" sambit ko sa pangalan niya.
Nakita ko ang mga namumuong luha sa mga mata niya na pinipigilan niyang kumawala saka na siya mabilis na naglakad patungo sa kotse niya na nasa malapit lang.
Hahabulin ko sana siya ngunit mabilis na niyang napaharurot ang sasakyan niya papalayo sa lugar na iyon.
Muli ay napaiyak na lamang ako at naihilamos ang mga palad ko sa luhaan kong mukha.
Naramdaman ko ang paghawak sa akin ni Addy mula sa likuran saka niya ako muling niyakap ng mahigpit.
Ibinaon ko ang mukha ko sa matipunong dibdib niya saka ako tuluyan nang umiyak sa mga bisig ng lalaking unang bumiyak sa kainosentihan ko.
Sabay kaming kumain ni Addy sa isang kilalang restaurant sa bayan. Hindi na siya nagtangka pa na dalhin ako sa Cafe ni Kiel dahil baka magkagulo na naman sila.
Pagkatapos ng dinner namin ay inihatid niya ako sa tapat ng restaurant ni Kiel. Napasulyap pa ako sa kanya saka niya ako nginitian.
"Kilala ko si Kiel Renz. Nagseselos siya sa akin ngayon at alam kong hindi makabubuti sa kanya iyon kaya mas maganda siguro kung bago matapos ang gabi na ito ay magkausap na kayo."
"Sa ibang araw ko na siya kakausapin at lilinawin ko na sa kanya na wala akong masamang intensyon sa muling paglapit ko sa inyo." malumanay na sabi sa akin ni Addy.
Pinagmasdan ko lang siya at hindi ko siya sinagot. Sa nakalipas na apat na taon ay hindi nawala sa tabi ko ang lalaking ito.
Maging sa pinakamadilim na parte ng aking buhay ay hindi niya ako pinabayaan. Minahal at inalagaan niya ako sa abot ng kanyang makakaya ngunit hindi ko man lang nasuklian ng tama ang pagmamahal na iyon.
Marahil ay hindi mo talaga mapipilit ang puso na magmahal ng iba kapag kasalukuyan na itong tumitibok sa taong pinili nitong mahalin kahit pa napakalayo ng tao na ito sayo.
Pero ngayon na abot kamay ko na ulit si Kiel ay hindi ko na siya pakakawalan pa. Marahil ay magiging unfair ito para kay Addy pero hindi ko talaga magawang pilitin ang puso ko na mahalin siya.
Hindi rin tama na siya ang piliin ko dahil kahit ano pa ang mga nangyari sa pagitan naming dalawa ay hindi pa rin magbabago ang katotohanan na magpinsan kaming dalawa.
Iisang dugo pa rin ang dumadaloy sa mga ugat namin dahil magkapatid ang mga nanay namin.
Sa mata ng Diyos at sa mata ng tao ay hindi kailanman magiging tama kung ipagpapatuloy ko ang mga nasimulan namin noon ni Addy.
Mahal ko siya ngayon bilang pinsan ko at hindi na magbabago pa iyon. Mananatili pa rin kaming konektado kahit hindi man kami ang magkatuluyan.
Inaamin ko na marami rin akong naging pagkukulang kay Addy. Pero sa kaibuturan ng puso ko ay masasabi ko na minsam sa buhay ko ay minahal ko rin siya bilang isang lalaki.
Hindi man iyon kasingtibay ng pagmamahal ko para kay Kiel. Ang mahalaga ay nagawa ko pa rin siyang mahalin kahit papaano.
"Siya nga pala si Mama ay nakalaya na kahapon mula sa kulungan. Napatunayan sa korte na hindi siya ang pumatay kay Gino. Nahuli na rin ang totoong salarin na isa pala sa mga naging biktima ng selfish manipulations ng kaibigan mo."
Nagsalubong ang mga kilay ko saka ako seryosong tumingin sa kanya. Isang ngiti muli ang sumilay sa mapupulang labi niya.
"Masaya ako dahil hindi tuluyang nakulong ang Mama ko. Plano na rin siyang kunin ni Daddy Rudy. Pakakasalan daw niya ito at doon na sila maninirahan sa amerika."
Nakita ko ang kakaibang kislap sa mga mata ni Addy habang nagkukwento tungkol sa nalalapit na pagpapakasal ng mga magulang niya.
Ramdam ko ang saya na nararamdaman niya dahil sa wakas ay hindi na siya mananatiling bastardo. Magkakaroon na siya ng buo at totoong pamilya.
Ngumiti ako saka ko hinawakan ang kamay niya. Napatingin naman siya doon at nakita ko pa ang pagtaas at pagbaba ng adam's apple niya dahil sa paglunok niya.
"Masaya ako para sayo Addy. Masaya rin ako dahil nakalaya na si Tita Ruth. Hindi man kami nagkasundo sa maraming bagay dahil sa mga pagkakamali ko sa nakaraan ay hindi ko pa rin nagustuhan ang sinapit niya."
Hinigpitan ni Addy ang pagkakahawak niya sa kamay ko pagkatapos ay muli siyang ngumiti sa akin.
"Napatawad ka na ni Mama. Narealize na rin niya amg lahat ng naging pagkakamali niya. Kasalukuyan silang nagpapatawaran ngayon nina Daddy Benjie at Tita Rina sa bahay ninyo."
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. "N-nasa bahay ang Mama mo?" gulat na tanong ko.
Ngumisi si Addy. Binitawan niya ang kamay ko saka niya ginulo ang buhok ko. Pagkatapos ay marahan siyang tumango.
"Nang sabihin ko sa kanya na magtutungo ako dito ay kinulit na niya ako ng kinulit hanggang sa pumayag ako na isama siya. Idinaan ko lang siya sandali kanina sa bahay ninyo bago kita pinuntahan sa park."
Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa aming dalawa habang nasa loob pa rin kami ng kotse niya.
Masaya ako para kina Mama. Sa wakas ay natapos na rin ang napakatagal nilang alitan ng nag-iisang kapatid niya.
Dahil sa sinabi ni Addy na papakasalan ng tatay niya si Tita Ruth ay nabunutan ako ng tinik sa dibdib dahil alam ko na tuluyan nang magiging malaya si Tito Benjie at makakapiling na niya si Mama nang walang inaalala.
Pero may hindi pa rin ako alam. Tumingin ako kay Addy saka ko itinanong ang kanina ko pa gustong itanong sa kanya.
"S-sino ang totoong pumatay kay Gino?"
Sumulyap din sa akin si Addy saka siya nagbuga ng hangin. "Tauhan ko siya sa hotel." simula niya.
"Anthony Kasilag. Siya ang kasama ni Mama sa sex video na ipinakalat ni Gino."
Dahil sa narinig ko ay halos mawalan ako ng kulay sa matinding kaba na bumundol sa dibdib ko. Hindi si Gino ang naglabas ng video kundi ako mismo.
Sa totoo lang ay kinakabahan na talaga ako nang mga sandaling iyon pero hindi ko ipinahalata kay Addy.
"A-anthony." bigkas ko saka ako napatulala sa labas ng sasakyan.
"Ayon sa kanya ay tinakot siya ni Gino na ipapakalat ang video kapag hindi siya pumayag na magpagamit dito gabi gabi. Nang lumabas na ang video sa internet ay naging kalmado pa raw siya at hindi naman daw talaga niya binalak na patayin si Gino."
"Pero nang gabi bago mangyari ang krimen ay nilayasan siya ng asawa niya. Isinama ang dalawang anak nila patungo sa malayong lugar."
"Dahil sa galit niya ay sinugod daw niya silid nito si Gino upang komprontahin sa ginawa nito. Pinagtawanan lang daw siya ni Gino at sinabihan pa na imbes na habulin nito ang asawa ay ibabahay na lang niya ito sa maynila."
"Hindi pumayag si Anthony kaya nagpasya na siyang lisanin ang lugar. Pero pagtalikod daw niya ay may ipinaamoy sa kanya si Gino hanggang sa mawalan na siya ng malay."
"Nagising na lamang siya na tanging brief na lang ang suot at nakatali ang mga kamay niya sa kama."
"Pumasok daw si Gino sa silid at pinaglaruan daw nito ang buong katawan niya in a bondage way. Pinasukan daw nito ng kung anu ano ang butas niya saka daw ginamitan ng kung anu anong aparato ang buong katawan niya."
"Dahil sa sobrang pambababoy sa kanya ni Gino ay nagdilim na raw ang paningin niya."
"Matapos magtungo ni Gino sa restaurant ng hotel para mag-almusal ay pinakawalan na niya si Anthony. Doon na sila nagtalo hanggang sa napatay niya ito."
Napapikit ako dahil sa mga nalaman ko. Bakit ba kasi kailangan pang humantong doon ang mga kalokohan ni Gino?
Nagmulat ako ng mga mata nang muli kong marinig si Addy.
"Dahil sa takot niya na baka makulong siya ay sinet-up niya si Mama para ito ang mapagbintangan. Pero hindi rin kinaya ng konsensya niya ang nagawa niya kaya sa huli ay sumuko rin siya at humingi ng tawad kay Mama."
Nakahinga ako nang maluwang nang makumpirma ko na hindi naman pala ang kalokohan ko ang naging dahilan ng pagkamatay ni Gino kundi ang mga kalokohan niya rin mismo.
Sa loob ng mga nagdaang araw ay hindi ako pinatahimik ng konsensya ko dahil sa pagkamatay niya pero wala naman pala akong kasalanan sa nangyari.
"Hindi si Gino ang naglabas ng sex video na iyon Addy. Kundi ako. Dahil sa galit ko sa kanilang dalawa ni Tita Ruth ay hindi ko naisip na may mga masasaktan akong tao."
Ilang sandali akong tinitigan ni Addy bago niya ako nginitian. "Alam ko Renz."
Napasulyap naman ako sa kanya. Nagtatanong ang mga mata.
"Bago namatay si Gino ay nakita namin ni Kiel na nilagyan niya ng lason ang iniinom mong juice nang umaga na iyon. At muntik mo na iyong mainom. Mabuti na lamang at mabilis na natabig ni Kiel ang kamay mo kaya natapon ang baso."
Akala ko ay tapos na ang mga nakakagulat na rebelasyon ni Addy pero ang dami ko pa palang hindi alam sa mga nangyari sa nakaraan.
"Sinabihan ako ni Kiel na ipaimbestigahan ang nangyari pagkatapos ay sinamahan ka niya nang umaga na iyon para bantayan ka sa maaaring mga susunod na hakbang ni Gino."
"Sumunod naman ako kay Gino upang balaan siya na tigilan ka na sa mga kalokohan niya. Inamin niya sa akin na ikaw ang totoong nagpakalat ng video at hindi raw siya titigil hangga't hindi ka niya napapatay."
"Nang mga sandaling iyon ay buo na ang pasya ko na pigilan na siya nang tuluyan sa mga kalokohan niya."
"Pinakuhanan ko ng sample ang juice na dapat ay iinumin mo at sa oras na mapatunayan ko ang hinala namin ni Kiel ay ipapadampot na namin siya sa mga pulis."
"Pero hindi pa man napapatunayan ang mga hinala namin ay natagpuan na ang bangkay ni Gino sa garden."
Halos mabaliw na ako sa mga rebelasyon na naririnig ko pero sinikap ko pa rin pakalmahin ang sarili ko.
Natapos na ang kaso at ang kailangan ko na lang sigurong gawin ay humingi ng tawad kina Tony at Tita Ruth dahil sa video na inilabas ko.
Sinabihan ko si Addy na sa bahay muna ako idaan para makausap ko nang maayos ang Mama niya. Mabilis naman siyang tumalima at inihatid ako sa bahay.
Doon ay naabutan ko na ang masayang kwentuhan nina Mama, Tito Benjie at Tita Ruth.
Kinausap ko ng sarilinan si Tita Ruth at nagulat ako dahil imbes na magalit siya sa akin ay niyakap niya lang ako ng mahigpit.
"Hindi ako galit sayo Renz. Dahil sa mga nangyari ay narealize ko ang lahat ng mga kasalanan na nagawa ko noon. Natuto akong magpatawad at dahil doon ay nagkaroon ng saysay ang buhay ko."
"Tinanggap na ako ni Rudy at natanggap ko na rin ang katotohanan na si Rina ang totoong minamahal ni Benjie."
"Kalimutan na natin ang lahat ng masasamang pangyayari sa nakaraan at magsimula tayong muli nang masaya bilang isang pamilya."
Doon na ako naiyak saka kami nagyakapan ni Tita Ruth. Nakita ko naman sina Mama at Tito Benjie na nakangiti habang nakamasid sa amin.
Matapos ang iyakan namin ni Tita Ruth ay pinagpaalam na ulit ako ni Addy na may kailangan pa akong asikasuhin.
Muli ay inihatid niya ako sa tapat ng restaurant ni Kiel. Naabutan namin na papalabas na ang mga empleyado dahil gabi na rin at sarado na pala ang Cafe.
Ibinaba ni Addy ang bintana ng kotse niya saka niya tinanong ang isa sa mga tauhan ni Kiel kung nakauwi na ba ito.
"Nasa loob pa po si boss. Mainit nga po ang ulo niya nang bumalik kanina. Pinagsara kami ng maaga at nagkulong siya sa opisina niya." napapakamot na sagot ng taong tinanong niya.
"Sige. Salamat!" sabi ni Addy saka na nagpaalam ang lalaki.
Bumaling sa akin si Addy saka niya hinaplos ang kamay ko. "Puntahan mo na sa loob si Kiel." sabi niya.
Tumango naman ako saka ko na kinalas ang seatbelt. Akma ko nang bubuksan ang pintuan nang pigilan ako ni Addy.
Napabaling naman ako sa kanya at naghintay ng sasabihin niya.
"Siguro ay ito na ang huling pagkakataon ko at hindi ko na palalagpasin pa ito. May hihingin sana akong pabor sayo Renz."
"Anong pabor?" mabilis ko namang sagot.
Huminga muna ng malalim si Addy bago siya seryosong tumingin sa mga mata ko.
"Alam kong hindi na tama pero nagbabakasakali ako na sa huling pagkakataon ay maramdaman ko ang mga halik mo."
Napakurap naman ako dahil sa sinabi niya. Hindi ako nakapagsalita dahil sa pagkabigla.
Nakita ko ang unti-unting paglapit ng mukha sa akin ni Addy at napapikit pa ako nang maamoy ko ang napakabangong hininga niya dahil sobrang lapit na ng mga mukha namin.
Hindi nagtagal ay naramdaman ko na ang masuyong pagdampi ng mga labi ni Addy sa mga labi ko.
Kusang tumugon ang mga labi ko dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay hinalikan ako ni Addy nang walang halong libog. Walang halong pagnanasa.
Totoong halik na unang beses kong naranasan mula sa kanya at alam ko na huling beses na rin dahil si Kiel ang pinili ng puso ko na mahalin.
Mas lalong lumalim ang mga halik niya. Pareho na kaming nakapikit at ninanamnam ang sarap ng bawal na pagnanasa.
Napakapit na ako sa matipunong braso niya at siya naman ay hinawakan ang likod ng ulo ko upang mas lalo pang palalimin ang mga halik niya.
Halos mahigit isang minuto rin naglapat ang mga labi namin bago siya dahan-dahang kumalas.
Dumilat ako at nakita ko ang pagsilay ng mga ngiti sa gwapong mukha niya. Umaabot iyon hanggang sa mga mata niya.
"Maraming salamat Renz. Pinapalaya na kita." bulong niya saka na siya umayos ng upo sa sasakyan niya.
Napakurap naman ako saka ko pinakiramdaman ang sarili ko. Nasarapan ako sa halik niya ngunit hindi ko naramdaman ang kakaibang sparks na tanging kay Kiel ko lang nararanasan.
"G-goodbye Addy." nauutal kong sabi saka na ako lumabas ng sasakyan.
Nagkakad na ako patungo sa restaurant. Sumulyap pa ako kay Addy at nakita ko ang matatamis na ngiti niya.
"Alagaan mo si Kiel. He deserves you at sana ay wag mo siyang pababayaan. Kahit hindi ko siya totoong kapatid ay mahal ko ang gagong yun."
Natawa ako sa sinabi niya.
"Be with him. Renz! Kahit anong mangyari ay wag na wag ka nang aalis pa sa tabi niya."
Nakangiti naman akong tumango.
"Salamat! Sana makahanap ka na rin ng taong kayang suklian ang pagmamahal mo. Sorry kung hindi ako yung tao na yun."
"It's okay! Don't worry. Ayos lang ako." sabi niya.
Ilang sandali ko pa siyang pinagmasdan bago siya muling nagsalita.
"Ano pang tinutunganga mo diyan? Kanina ka pa hinihintay ng prinsipe mo sa loob. Sige ka baka kung anong kalokohan ang maisipan nun kapag hindi mo pa pinuntahan." biro niya.
Natawa naman ako saka na ako mabilis na pumasok sa restaurant. Naabutan ko pa yung guwardiya na paalis na rin.
Dahil madalas naman akong isama ni Kiel doon ay kilala na ako ng mga staff niya. Pinatuloy niya ako saka na ako naglakad patungo sa office ni Kiel.
COMMENTS