By: erikduard Nung bata pa ako, may mga times na sinasabihan akong bakla ng mga kalaro at pinsan ko dahil hindi ako mahilig lumabas at m...
By: erikduard
Nung bata pa ako, may mga times na sinasabihan akong bakla ng mga kalaro at pinsan ko dahil hindi ako mahilig lumabas at makipaglaro sa kanila. Kahit ang mga tito ko, minsan ay sinasabihan akong bakla dahil naglalagi ako sa bahay.
Naiilang ako dati dahil hindi pa ako sanay. Kilala ko naman ang sarili ko at alam ko naman na totoo ang sinasabi nila. Hindi ko man ipahalata sa kanila, alam kong bakla talaga ako. Kaya naman kahit lantaran kong dinedeny sa kanila dati yun, sa loob loob ko naman eh tanggap ko ang pagkatao ko.
At kahit ilang beses nila sinabi sa akin yun, hindi ako nasaktan. Tanggap lang ako ng tanggap.
Pero iba nung sinabi sa akin ni Lester yun.
“HUWAG MO KONG HAWAKAN TANG INA MONG BAKLA KA!”
Hinding hindi ko yan makakalimutan. Sa buong buhay ko, dun lang ako nasaktan na tinawag akong bakla. Parang ang baba ko. Parang ang dumi ko.
Matagal bago ko napatawad ang sarili ko. Hinayaan ko ang libog ko sa nangyari sa aming dalawa. Pero minsan, naiisip ko na kung babalikan ko ang nangyari, hindi libog ang nagdikta ng mga nangyari ng gabing yun. Mahal ko naman talaga si Lester kaya ko nagawa yun.
Pag iniisip ko din, ang buong akala ko nun eh gusto nya ang nangyari samin. Naalala ko pa ang mga ungol nya. Naalala ko pa kung pano sya nasarapan sa mga ginawa ko sa kanya. Pero naalala ko din kung pano sya tumagilid patalikod sa akin matapos nun. Nadala lang ba sya ng lungkot? Ng alak? Ng init ng katawan?
Hindi ko alam. At hindi na yun nasagot dahil matapos nya akong murahin at tawaging bakla, hindi na kami nagkausap.
Nang mahimasmasan ako, ilan beses ko syang tinawagan pero wala akong nakuhang sagot. Ilang araw at gabi akong umiyak. Pero hanggang dun lang yun.
Eventually naman, naka move on na ako. Life goes on. Wala naman ako magagawa. Madami na akong nabasa at narinig na hindi normal ang “they lived happily ever after” sa mga baklang tulad ko. Lalo na at nagmahal sa isang kaibigan.
Pero ang gabing pinagsaluhan namin ni Lester ang mas lalong nagbukas sa akin ng aking sekswalidad. Natuto ako makipag one night stand at sumubok na gawin ulit yun sa iba.
Natutunan ko ang ibig sabihin ng bottom, ng top, versa at side. Hanggang handjob at blowjob lang ang ginagawa ko. May mga halikan minsan. Pero hanggang dun lang yun. Never ako lumampas dun.
Hindi pa din ako lumalabas sa closet. Isa pa din akong tagong bakla. Hindi ko pa rin mahanap ang lakas ng loob na magladlad kahit sa mga magulang ko. Maliban sa mga paminsan minsan na nakaka trip ko, si Lester lang ang nakayanan kong sabihan nang totoong ako. Sayang lang at nawala na sya sa buhay ko at hindi na kami nagkita at nagkausap pa.
May mga araw na bigla ko syang naalala pero hanggang dun lang yun. Naputol na lahat ng communication namin. Nawalan na din ako ng balita sa kanya maliban sa alam kong asa Amerika na sya.
Mabilis din lumipas ang mga buwan at taon. Naging ganon ang takbo ng buhay ko. Maayos ang trabaho ko, komportable ang buhay, pero nag iisa maliban sa mga gabing may nakakasama na hindi naman talaga kilala.
Nag give up na din ang parents ko sa katatanong kung kelan ako mag aasawa. Siguro alam na nila ang totoo kong pagkatao. Hindi lang nila ako tinatanong.
Tuloy lang ang buhay.
Ilang taon pa, natanggap ko na sa sarili ko na mag sosolo ako hanggang sa pagtanda ko. Mahirap ang sitwasyon na pinili ko. Ang maging isang tagong bakla. Dati, naiisip ko pa na kung hindi rin lang si Lester ang makakasama ko, hindi ko ata kayang magladlad. Sa edad ko na na 42, nanatili akong duwag.
Tinanggal ko na sa isip ko yun. Pati si Lester ay pinilit ko na din itago sa isipan ko. Dumating na yung mga taon na halos hindi ko na sya naiisip. Pero pag naman naalala ko sya, bumabalik yung sakit ng mga huling salita na sinabi nya sakin ng huli kami magkita. Pero, naalala ko din naman yung mahabang taon na pinagsamahan namin.
Alam ko na kahit ganon, hindi nawala yung pagmamahal ko sa kanya.
Isang sabado nang tanghali, katatapos ko lang kumain at magligpit. Iniisip ko pa kung pupunta ba ako sa isang birthday dinner nang kaibigan. Wala naman akong gagawin pero tinatamad ako. Nag mumuni muni pa ako nang magring ang intercom.
“Good afternoon sir, sa lobby po.” Bati sa akin ng guard sa lobby ng condo na tinitirhan. Napaisip pa ako kung meron ba akong pinadeliver. “Sir, may bisita po kayo. Lester daw po.” Sabi neto.
Lester? Hmm, wala naman akong kilalang Lester. Wala din ako ineexpect na bisita. “Sige, paakyatin mo na lang. Thank you.” Sabi ko na lang sa gwardya.
“Sige po sir. Salamat.”
Wala akong maisip na kilala ko na Lester.
Ilang minuto lang ang lumipas, may nag doorbell na sa unit. Sinilip ko pa sa peep hole ng pinto kung sino ang bisita pero nakatalikod ito kaya binuksan ko na lang.
“Hi Pre, kumusta?” Bungad sa akin nang taong asa pinto.
“Pre.” Yun na lang ang nasabi ko. Sa isang iglap, bumalik lahat ng ala-ala. Pati ang sakit na pilit kong itinago nang labing limang taon, bumalik din. Asa harapan ko ngayon ang taong mahal na mahal ko na pilit ko din kinalimutan.
Halos ganon pa din naman ang hitsura ni Lester. Pero mas matipuno sya ngayon. Gwapong gwapo pa din. Malakas ang dating. Amoy ko pa ang pabangong gamit nya.
“Panong? Anong?” Hindi ko matuloy kung ano ang sasabihin ko. “Pasok ka.” Sabi ko na lang.
Pumasok naman sya sa unit. Sinara ko ang pinto at pinatuloy sya. Sa sala kami naupo, sya sa isang solong upuan, ako naman sa may couch na tabi nun.
“Upo ka. Gusto mo ba nang maiinom?” Alok ko sa kanya. Sasabog ata ang utak ko. Gusto kong sampalin ang sarili ko para magising ako kung sakali man na nananaginip ako.
“Tubig na lang.” Sagot lang nya. Tumayo lang ako at kumuha ng dalawang basong tubig. Ininom ko pa muna ang akin bago nagsalin pa ng tubig sa baso ko.
Kinakabahan ako na bumalik sa sala. Inilapag ko ang dalawang baso, sa harap nya ang isa, sa akin naman ang isa. Hindi ako makapag salita. Hindi ko din sya matignan.
“Teka, buksan ko ung aircon. Medyo mainit ngayon.” Sabi ko pa, halata ang kaba sa boses ko.
Wala pa din nagsasalita samin kahit pareho na kaming naka upo. Naalala ko bigla ang huli naming pagkikita. Naalala ko ang huli nyang sinabi sakin.
“HUWAG MO KONG HAWAKAN TANG INA MONG BAKLA KA!”
Hindi sya sumigaw nun. Mahina lang ang boses nya. Pero may diin ang pagkakasabi nya nun. Parang bigla, kahit ang tanda ko na, parang gusto ko ulit maiyak.
“Kumusta ka na Pre” tanong nya sa akin.
Pre pa din ang tawag nya sa akin. Kahit ilang taon na kaming walang pag uusap parang tinawag lang nya ako na walang nagbago.
“Ah. Ayos naman ako. Eto.” Maikli kong sagot. Sobra pa din ang kaba na nararamdaman ko. “Ikaw? Kumusta ka na?” Balik na tanong ko sa kanya.
“Ayos din naman.” Sagot nya. Matapos nun, kinuha nya ang baso na asa harapan nya at uminom. Dun ko napansin ang singsing na suot nya.
“Kauuwi ko lang nung makalawa.” Dagdag pa nya.
“Ah okay.” Sagot ko lang. Hindi ko alam anong sasabihin ko. Siguro pati sya eh ganon din dahil natahimik din sya.
Nang mga oras na yun, kahit na parang sasabog ang ulo ko sa kalituhan at gulat, gusto ko syang yakapin nang mahigpit. Dun ko na realize na kahit anong pilit ang ginawa ko na kalimutan sya, na miss ko pala sya ng sobra. At mahal ko pa din pala sya. Sa unang beses din, na realize ko na hindi pala ako galit sa kanya, ano man ang nangyari samin.
“Kasama mo ba family mo?” Ako na ang unang bumasag nang katahimikan.
“I have a 10 year old girl. She’s with me. Pero andon sya kina mama.” Sabi neto. “Eto sya oh.” Sabi nya sabay pakita sa akin ng picture ng isang cute na batang babae. Kahawig na kahawig nya.
“Ang cute nya.” Nasabi ko lang. “Eh yung wife mo?” Paglalakas loob ko na itanong sa kanya.
“Ahh, she passed away 3 years ago. Car accident.” Sagot naman nya.
Kahit ngayon ko lang nalaman na nagkapamilya sya at kahit ngayon lang kami nagkita, nalungkot naman ako sa sinabi nya. “Ah, sorry to hear that.” Sabi ko sa kanya.
Natahimik kami ulit.
“Gano kayo katagal dito?” Tanong ko ulit sa kanya. Sa loob loob ko, ang awkward ng usapan namin. Isang tanong isang sagot lang palitan namin. Pareho din kaming hindi makatingin sa isa’t isa.
“Ahh, baka for good na kami dito. Mahirap magpalaki ng bata ng mag isa. Although babalik balik pa din naman kami sa Amerika dahil andon ang in-laws ko. Isa pa, dun din kasi pinanganak si Abby, ung daughter ko. So kailangan din nya bumalik din dun.”
“Ah okay.” Maikling sagot ko.
Awkward silence ulit.
“Sorry Pre.” Basag naman nya sa katahimikan.
Hindi ako sumagot. Hindi ko rin kasi alam ano ang isasagot ko.
“Dapat sinagot ko mga tawag mo. Dapat hindi ko pinutol yung communication natin.” Sabi nya pa ulit.
Hindi ako makapag salita. Natatakot akong baka pag nagsalita ako, tuluyan akong maiyak. Hindi naman ako galit sa kanya. Pero nasaktan naman ako sa mga nangyari. Kahit pa alam ko na may kasalanan din ako dun.
“Natakot siguro ako nun. Masyado akong naguluhan.” Sabi nya ulit.
“Ang tagal na nun.” Nasabi ko lang.
“Fifteen years.” Sagot naman nya.
“Fifteen years.” Ulit ko sa sinabi nya. “Sorry din....sa ginawa ko.” Ako naman ang nag sorry.
“Namiss kita pre.” Sagot nya sa sinabi ko.
Para akong nabingi sa sinabi nya. Tama ba ang dinig ko. Namiss nya ako?
“Na miss din naman kita.” Hindi ko sinasadya na sabihin yun nang malakas. Pero huli na at nasabi ko na. Napatingin naman ako sa kanya at nakita kong nakatingin din sya sa akin, nakangiti. Ngumiti din naman ako.
”I guess we are both sorry.” Sabi nya. Kinuha nya ulit ang baso at uminom bago nagsalita ulit. “To be honest, hindi ko alam pano sisimulan.”
“Did you mean what you said the last time we’ve talked?” Bigla na lang yun lumabas sa bibig ko. I guess big deal talaga sakin yun. Hindi ko na nakalimutan yung mga huling salita na sinabi nya sakin.
“No.” Mabilis na sagot ni Lester.
“Ahh” nasabi ko lang.
“Hindi mo alam gaano ako kasaya nang gabing yun. Kahit naka inom ako, tandang tanda ko yung detalye nang mga ginawa natin.” Sabi naman nya.
Nagulat ako sa mga narinig ko. Hindi ako makapaniwala. Sa loob ng maraming taon, iniisip ko na nagalit sya dahil pinagsamantalahan ko yung kalasingan nya at yung vulnerability nya dahil kaka break lang ng girlfriend nya nun.
“Nahiya lang ako. Natakot din ako na baka isipin mo na ganon ako...alam mo yun? Na bakla ako. Natakot akong makita mo yun. Kasi natatakot akong aminin sa sarili ko na nagkakagusto ako sa isang lalaki.”
Huh? Ano daw? Pinaprocess pa ng utak ko ang mga sinabi nya. Nagkakagusto sya sa isang lalaki? Parang sasabog ulit ang utak ko sa mga naririnig ko.
Pulang pula si Lester nang mga oras na yun. Hindi rin mapakali ang mga kamay nya. Nilalaro pa nya ang singsing na suot nya. Nakayuko lang sya at nakatingin sa mga kamay nya.
Hindi pa din ako makapagsalita. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman? Tuwa dahil hindi pala sya galit sa akin? Awa dahil sa kung asang sitwasyon man sya? Panghihinayang dahil sa maraming taon na nasayang?
“Hindi ko din maintindihan ang sarili ko. Alam ko sa sarili ko na babae ang hanap ko. Pero...” tumigil syang magsalita. Nagtaas sya nang tingin hanggang magpang abot mga mata namin.
Naawa ako sa nakita ko. Parang gulong gulo ang isip nya.
“Lester.” Nasabi ko lang ang pangalan nya. Hindi ko kasi alam ano ang dapat kong sabihin.
Ngiti lang ang sinagot nya sakin.
“Alam ko na babae ang gusto ko.” Pagpapatuloy nya. “Pero hindi ko alam kung bakit iba ang pagtingin ko sayo.” Mahina nyang sabi.
“Maraming beses na pinilit kong intindihin ang nararamdaman ko. Baka kako nalilito lang ako. Matagal na tayong magkakilala. Gusto kong isipin nung una na kapatid ang tingin ko sayo, na nalilito lang ako.” Dugtong pa nya.
Bigla ata tumigil ang pagtibok ng puso ko sa narinig ko. Labing limang taon kami hindi nagkita at nag usap tapos eto kami ngayon...at eto ang sinasabi nya. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Nahiya pa ako kasi parang ang tanda ko na para sa ganito. Nagulat na lang ako na tumutulo na pala ang luha ko.
“Sa totoo lang, parang yung nangyari nung gabing yun ang sumelyo para maintindihan ko ang nararamdaman ko. Kahit pano, medyo nakilala ko ang sarili ko.” Sabi nya ulit.
“Masaya ako sa nangyari satin nung gabing yun. Pero natakot din ako sa kung ano ang iisipin mo. Yun at una at huling beses na ginawa ko yun. Pati yung reaksyon ko kinabukasan bago ako umalis, reaksyon lang yun ng takot ko.” Pagpapatuloy nya.
“Pag dating sa Amerika, ibinuhos ko lang ang oras ko sa trabaho. Hanggang sa makilala ko si Andrea. Pinilit ko kalimutan ka pati ang nangyari satin. Natakot akong isipin na bakla ako. Minahal ko naman si Andrea. Naging masaya naman kami kasama ng anak namin. Pero hindi kita nakalimutan.”
Nakayuko pa din sya at nilalaro ulit yung singsing nya. “Madalas naiinis ako sa sarili ko kung bakit ba kasi ang duwag ko. Bakit hindi kita kayang harapin. Bakit hindi ko kayang harapin ang nararamdaman ko sayo. Nung nawala si Andrea, naisip ko na ang ikli lang ng buhay para masayang sa takot.”
“Sorry Pre. Sorry.” Umiiyak na din nyang sabi.
Hindi pa din ako makapagsalita. Parang may nakabara sa lalamunan ko.
Itinaas ko din ang mukha nya hanggang sa magtugma ang mga mata namin. Gusto ko lang naman makita ang mga mata nya. Na miss ko kasi sya. Pero nagulat ako sa sunod nyang ginawa.
Pinaprocess pa ng utak ko ang mga sinabi kaya naman laging gulat ko ng inilapit nya ang mukha nya sa akin hanggang sa magdikit ang mga labi namin.
Hindi ako naka react agad pero naramdaman ko ang dalawa nyang kamay. Ang isa ay nakahawak sa baba ko at ang isa sa hita ko.
Nang bumitaw sya nang halik, halos habulin ko ang hininga ko. Para akong nawalan nang hangin.
“Hindi ko pa din naiintidihan ang sarili ko. Pero kaya ko nang tanggapin na nagkakagusto ako sa isang lalaki. Kung bakla na ba akong matatawag, okay lang. Pero hindi ko pa kayang ipagsigawan sa buong mundo na ganito ako.” Sabi nya nang maghiwalay ang mga labi namin.
“Pre, ako din naman. Wala naman akong ibang pinagsabihan na bakla ako. Ikaw lang ang nakaka alam. Naduduwag pa din ako magladlad. Pero sayo, nagawa kong aminin ang totoong ako.” Sa wakas, nahanap ko ang boses ko.
Pagkasabi nun, akma nyang nilapit ulit ang labi nya sa akin pero umiwas ako.
Napatingin sya sa akin at parang natauhan. “Uhmm, sorry Pre. Nadala lang ako.” Sabi nya na halatang napahiya.
“Okay lang yun.” Maikling sabi ko lang.
“Don’t get me wrong, you don’t know how elated I am to see you. And more importantly, to hear those words from you is anything I could ever imagined.” Sabi ko sa kanya.
Umayos ako ng upo. Kinakabahan pa din ako. “Siguro, natatakot lang ako. We are both new to this. Siguro I just need more time.” Pagtatapos ko.
Gusto ko yung halik ni Lester. Parang yun naman yung matagal ko nang pinapangarap kahit na pilit ko pa din syang kinalimutan. Pero andon pa din yung takot. Saka fifteen years mula nung huli kaming magkita. Hindi ko din fully maintindihan ang sarili ko. Pero alam kong takot ako. Matagal bago ko sya nakalimutan, kung masasabi ko nga na nakalimutan ko sya. Pag nasaktan ako ulit, hindi ko na alam pano pa ako makakabawi.
“I understand.” Sagot naman nya sakin. Umayos din sya ng upo. “Fifteen years is a long time. And bigla akong nawala. Hindi din maganda yung huli natin pag uusap. Pero I am sincerely asking for your forgiveness especially sa mga sinabi ko nun. Hanggang ngayon, hindi ko pa din nakakalimutan....” tinignan ko sya ng huminyo sya sa pagsasalita. Umiiyak na naman sya.
“Okay na yun. To be honest, masyado nga akong nasaktan noon. Pero matagal na yun.” Sabi ko sa kanya. Hinawakan ko ang kamay nya na nilalaro ulit ang singsing nya. Marahan ko yun pinisil.
Sa totoo lang, mas naging alive ang mga dumaan na araw. Araw-araw kaming nagkakausap sa telepono. At nakakatuwa lang isipin na bumalik na ang bestfriend ko. Ayaw ko gaanong isipin yung mga sinabi nya dahil ayaw ko pangunahan yung mga pwedeng mangyari. Tama na sa akin yung mga inamin nya yung saloobin nya. Tignan na lang namin kung ano ang pwedeng mangyari.
Ilang linggo matapos ang una namin pagkikita, nagsabi syang naghahanap na sya ng matitirhan sa Manila. Okay na din ang papasukan nyang trabaho. Ilang araw ko syang sinamahan na magtingin tingin ng mga condo units na pwede nilang tirhan ng anak nya. Na meet ko na din si Abby and okay naman sya. Magaan ang loob ko sa bata.
Isang gabi na malakas ang ulan, ibinaba ko muna sya sa service apartment na tinitirhan nya.
“Lika, baba ka muna. Masyado pang malakas ang ulan. Patigilin muna natin.” Aya nga sa akin. Dahil wala naman akong pasok eh pumayag naman ako.
Nagkukwentuhan lang kami habang nagkakape sa dining area. Kung ano ano ang mga pinagusapan namin hanggang sa mapasok ang love life.
“So wala ka talaga naging boyfriend?” Napaka kaswal ng pagkakatanong nya.
“Wala talaga. Hahaha! Wala kasing nagkamali.” Sabi ko lang sa kanya.
Natingin lang sya sakin na parang medyo naka ngisi. Nakakaloko yung ngiti nya.
“Bakit ganyan ka makatingin?” Sabi ko sa kanya na natatawa.
Pero instead na sumagot sya, lumapit sya sakin at hinalikan ako sa labi. Nagulat ako sa ginawa nya, pero hindi tulad ng una nya yun ginawa couple of weeks ago, nagpaubaya na ako ngayon.
Tinanggap ko ang halik nya. Naramdaman ko ang pagpasok ng dila nya sa loob ng bibig ko na agad din naman sinalubong ng dila ko. Nag espadahan ang mga dila namin, nagpalitan kami ng mga laway namin. Ang sarap. Wala na akong mahihiling pa.
Nakahawak na ang dalawa nyang mga kamay sa magkabila kong pisngi. Ang mga kamay ko naman ay asa magkabila nyang balikat.
Nagulat ako nang maramdaman ko bigla ang mga kamay nya na bumaba papunta sa hita ko.
“Pe-pre, a-anong gagawin mo?” Tanong ko sa kanya.
“Yung matagal ko na dapat na ginawa sayo. Nahiya lang ako dati kaya wala akong ginawa. Babawi ako.” Sabi nya nang nakangisi.
Itinayo nya ako at habang tuloy lang ang paghahalikan namin, isa-isa nyang hinubad lahat ng suot ko. Hubo’t hubad na ako ng tumigil sya sa paghalik sa akin at lumayo ng kaunti. Tinignan lang nya ang kahubdan ko ng may pagnanasa sa mga mata nya.
Hiyang-hiya naman ako dahil asa dining area kami ng apartment nya, hubo’t hubad sa harapan nya habang sya naman eh balot na balot pa.
Kinuha nya ang kamay ko at nagpunta kami sa kwarto. Pagdating dun, marahan nya akong itinulak sa kama. Nakatayo sya sa may paanan nun at nag umpisang maghubad. Kinakabahan ako sa pinapanood ko. At tigas na tigas na din ang alaga ko sa susunod na mangyayari.
Wala syang anumang itinira sa suot nya. Napaka gwapo pa din ni Lester kahit na tumanda na kami. He looks good for his age. Mas naging matipuno ang pangangatawan nya. At ang alaga nya, tulad ng akin, nakatayo na din at galit na galit.
Sumampa na sya ng kama at dumagan sa akin. Nagdikit ang pareho naming mainit na katawan. Pati ang mga matitigas na naming titi eh nagdikit. Agad naman nya akong hinalikan sa labi.
Hindi naman nagtagal at bumaba ang paghalik nya muka sa labi ko papunta sa dibdib ko. Naalala ko ang ginawa namin fifteen years ago. Kinakabahan ako. Pero tingin ko naman, iba na ito. Sya ang nag-initiate neto, hindi tulad dati na ako.
“Ahhhhh” ungol ko ng maramdaman ko na dinidilaan na nya ang mga utong ko. Hindi ako mapakali. Naglumikot ang dila nya sa magkabilang mga utong ko.
Halos mabaliw naman ako ng bumaba pa ang dila nya papunta sa tyan ko, hanggang sa puson ko. Nakikiliti ako pero at the same time, nalilibugan ako.
Naramdaman ko ang isang kamay nya na bilalot ang kahabaan ko. Tinignan ko sya at nakitang tinititigan ang hawak nyang matigas kong alaga. Marahan na nagtaas baba ang kamay nya dun. Lalabasan ata ako.
Gusto ko sana magsalita pero nagulat ako ng hindi na lang nya yun jinajakol at tinititigan. Nilabas nya ang dila nya at idinikit yun sa ulo ng titi ko.
“Uhhhhmm, pre.” Nasabi ko na lang. Halos magdiliryo na ako ng dahan dahan nyang ipinasok ang ulo ng titi ko sa bibig nya. Halatang hindi sya sanay dahil ilang sandali lang matapos nun, pilit na nyang isinubo ang kahabaan ko. Ilan beses pa sya na parang naduduwal at ilang beses din sumayad ang ngipin nya sa titi ko.
Nang iluwa nya ang kahabaan ko, balot un ng laway nya. Jinakol nya ulit yun ng marahan bago nagsalita. “Ang hirap pala. Haha! Pero masarap.” Sabi neto na nakatingin pa din sa kahabaan ko.
“Haha! Masasanay ka din.” Sabi ko na lang, still amused sa mga ginagawa nya.
Hindi pa din nya tinitigilan ang pagtaas baba ng kamay nya sa akin kaya hinila ko sya pataas hanggang magtama ang mga mata namin. Ngumiti ako sa kanya at hinalikan ko sya sa labi. Itinulak ko sya hanggang sa ako naman ang nakadagan sa kanya.
“Turuan kita, ganito lang yan.” Sabi ko sa kanya nh nakangisi.
Ako naman ang bumaba sa kanya. Hinawakan ko ang kahabaan nya pero hindi ko muna yun isinubo. Nilaro ko din yun ng kamay ko. Hindi lang ako makapaniwala na ginagawa namin to ngayon.
Dahan dahan akong yumuko at dinilaan ang ulo ng titi nya. Nalasahan ko pa ang precum na lumalabas sa kanya. Tulad ng dati, masarap. Paunti unti, tinanggap ng bibig ko ang kahabaan nya. Hindi ko binigla at hinayaan ko muna makapag adjust ang bibig ko.
Ang laki at ang taba talaga ng titi nya. Naisip ko, bigla habang ipinapasok ko yun sa bibig ko, handa na ba akong makantot? Papayag kaya sya?
Hindi nagtagal, nakapasok na ang buo nyang kahabaan sa bibig ko. Nag umpisa na din na maglabas pasok yun at parang kinakantot na nya ang bibig ko. Nakahawak na din ang dalawa nyang kamay sa ulo ko. Ang naman, nakahawak ang isang kamay ko sa hita nya at ang isa ay naglalaro sa bayag nya.
“Ang init ng bibig mo Pre. Shit, that feels so good. Ahhhh” ungol lang ni Lester. Pero tuloy lang ako sa pagtsupa sa kanya.
Habang naglalabas pasok ang kahabaan nya sa bibig ko, pinapatama at nilalaro naman ng dila ko ang ulo nun sa bibig ko. Tuloy ang paglalaro ng kaliwa kong kamay sa bayag nya. Ang kanang kamay ko naman, jinajakol ang kahabaan nya sabay sa pagtsupa ko.
“Uhhh, pre, dahan dahan. M-matagal ng wa-walang gumagawa sakin nyan. B-baka labasan ako agad kapag hindi ka tumigil.” Narinig kong sabi nya. Halata ang nginig sa boses nya.
Tumigil naman ako dahil gusto ko pa ito magtagal. Kahit hindi ko alam kung handa ako at kahit na hindi ko alam kung papayag ba sya, gusto kong makantot nya ako.
Umakyat ulit ako at hinalikan sya. Nang maghiwalay ang mga labi namin, medyo natawa pa sya. “Langya ka pre. Ang galing mo talaga. Mas magaling ka pa kesa dati.” Sabi nya sakin.
“Haha! Madami pa tayong gagawin.” Sabi ko sa kanya sabay isang dampi sa labi nya. “Uhmm, pre, uhmm.” Hindi ko matuloy ang gusto kong sabihin. Nakapatong pa din ako sa kanya at magkadikit ang mga katawan namin.
Kumunot ang noo nya. “Ano yun?” tanong nya sa akin.
“Ahhh, curious lang ako. Ahh, gusto ko kasi masubukan. Gusto mo ba?” Tanong ko naman sa kanya.
“Masubukan ang ano?” pagtataka nya.
“Nakakahiya, pero. Hindi ko pa kasi nasubukan. Pero gusto ko sana, kung gusto mo lang naman, pasukin moko.” Medyo nahihiya kong sabi sa kanya.
“Lahat ng gusto mo, gagawin natin.” Sabi sakin ni Lester. Kinakabahan ako dahil sa laki ng alaga nya. Alam ko masakit yun sa una. Pero kung si Lester naman ang gagawa nun sakin, ayos lang.
“I love you, Pre.” Bigla kong nasabi sa kanya. Nagulat man ako sa sinabi ko, pero matagal ko na yun gusto ipaalam sa kanya.
“I love you too, Pre.” sagot nya sa akin sabay halik sa labi ko.
Nakakahiya man, pero gusto kong maiyak sa sagot nya sa akin. Sobrang saya ko nun. I can’t wait for the next things that will happen to us. Gusto ko sanang magsalita ulit para sabihin na mahal na mahal ko sya pero hinalikan nya ako ulit sa labi. Hindi na ako nakapagsalita at itinuloy na namin ang isang napakatamis na gabi.
- WAKAS -
COMMENTS