By: Lito Nagulantang ako sa malakas na sigaw ni Mommy. Taranta akong bumangon, nag-isip kung saan ako naroon. Hinanap ko si Tito. Wala s...
By: Lito
Nagulantang ako sa malakas na sigaw ni Mommy. Taranta akong bumangon, nag-isip kung saan ako naroon. Hinanap ko si Tito. Wala siya. Patuloy sa pagtawag sa pangalan ko si Mommy.
“Peter! Ano ka ba. Hindi ba sabi ko sa iyo ay samahan mo akong mag-grocery. Wala tayong maluluto sa noche buena. Bangon ka na diyan.”
Anak ng tokwa! Akala ko ay totoo na. Nanaginip lang pala ako wheeww. Mabuti na lang. Parang totoo ang panaginip na iyon ah.
Pupungas pungas akong bumangon. Lumabas na ako ng silid. Si Mommy ay nagluluto ng almusal. “Sorry Mom, napasarap ang aking tulog. Maaga pa naman. Alas nuwebe pa lang naman. Kayo rin naman eh parang bagong gising lang din hehehe.” Wika ko na may pagbibiro pa.
“Ipagtimpla mo na nga ako ng kape, konting asukal lang. Maluluto na itong hotdog at itlog. Iniinit ko na rin ang loaf bread.
---------------oOo---------------
Sakay ng taksi ay patungo na kami ng mall kung saan kami mag-gogrocery. Nakamasid ako sa aming dinadaanan. Malapit na kami sa mall nang mapatingala ako. Nanlaki ang aking mata sa nakita ko. Hindi ako makapaniwala sa nakita kong mataas na building, ang condo na pinagdalhan sa akin ng mga kidnapper sa aking panaginip. Kinabahan ako bigla, natakot at baka magkatotoo ang aking panaginip. Madalas kami dito tumambay ng barkada sa mall na ito pero hindi ko napapansin ang condong ito.
“O! Nandito na tayo, baba na. Ano pang hinihintay mo.” Natauhan ako sa malalim na iniisip. Nagikot ikot ikot muna kami. Ibinili na ako ni Mommy ng bagong rubber shoes at ilang tshirt at pantalon na maong, tapos ay kumain ng fried chicken sa Max’s bago nag-grocery. Nawala pansamantala ang isipin ko tungkol sa condo.
---------------oOo---------------
Hanggang sa pagtulog ay dala-dala ko ang isipin tungkol sa napanaginipan kong condo. May naisip akong gawin at isasagawa ko bukas na bukas din.
Nagtungo ako sa condo Lunes ng tanghali. Nagmanman ako malapit sa lugar na iyon, baka sakaling makita ko roon si Tito. Dala ko ang isang kopya ng USB na naglalaman ng mga video at ibinalot sa christmas wrapper. Sakto may dumating na courier, at magdedeliver siguro. Nilapitan ko siya at tinanong kung magdeliver sa condong iyon. Positive kaya nakipagkasundo ako na dalhin na rin ang regalo ko kay Tito Victor.
Inabot ko ang regalo na nakapanglan kay Tito Victor. Walang unit number ng condo at sinabing itanong na lang sa gwardiya.
“Sir, hindi namin personal na dinedeliver sa room, iniiwan lang namin sa gwardya at sila na ang nagbibigay sa kinauukulan.” Sabi ng delivery boy.
“Mas mabuti dahil hindi ko alam ang unit ng kanyang condo. Malaman ko sa iyo kung nadeliver ha, maghintay lang ako sa iyo sa labas.”
Hinintay ko ang muling paglabas ng courier at sinabing okay na. Nagpasalamat na lang ako. Nagastusan din ako roon ng 200 pesos bayad sa delivery.
Hindi ko lubos na maisip na doon nga nag-stay si Tito. Dahil sa isang panaginip ay natunton ko ang tinitirhan niya. “Ano kaya ang reaksyon niya kapag natanggap na niya ang aking regalo.” Tanong ko sa aking sarili. Sayang at hindi ko na malalaman.
---------------oOo---------------
Pauwi na ako sa amin. Naglakad na lang ako papasok sa tinitirhan namin dahil gusto kong dumaan sa bahay nina Lukas. May tao sa gate na nagwawalis. Hindi ko siya kilala. Bagong kasambahay siguro. Lumapit ako at nagtanong sa kanya.
“Magandang hapon po. Nandiyan po ba si Lukas?”
“Opo, kadarating lang po. May kailangan ba kayo.” Sagot ng Ale.
Anak ng tupa! Akala ko ay nasa America na at doon pinapunta ng magulang para makalayo sa kahihiyan.
“Kaibigan po niya ako. Pakisabi naman na hinahanap ko, si Lester kamo.” Hindi ko sinabi na ako ito dahil alam kong hindi niya ako lalabasin. Pumasok na ang Ale at siguro ay pinaalam na may naghahanap sa kanya. Sa medyo tagong pwesto ako naghintay para hindi niya ako agad na matanaw.
Binuksan niya ang gate at sinilip ang naghahanap sa kanya. “Kumusta Lukas.” Bulaga kong bati sa kanya. Namutla siya at parang nakakita ng multo. Isasara na sana niya ang gate pero napigilan ko. “Bakit parang ayaw mong makipag-usap? Umiiwas ka ba sa akin. Dati naman akong pumupunta dito ah. Para naman tayong hindi mag bestfriend at pagsasarhan mo pa ako ng gate. Hindi mo ba ako papapasukin?’
“Ano pang kailangan mo. Nakaganti ka na sa akin. Wala na tayong dapat pag-usapan pa. Makakaalis ka na.” Halos ipagtabuyan ako ni Lukas, pero hindi ako napatinag.
“Nakaganti. Ako? Nakaganti? Papano? Sabihin mo nga kung paano ako nakaganti? Mag-bestfriend tayo, itinuring kang hindi iba ni Mommy, pero anong ginawa mo? Ni hindi ka nga humingi man lang ng sorry sa kanya sa ginawa ninyong kababuyan, tapos sasabihin mo nakaganti na kami? Anong klaseng kaibigan ka? Tinalo mo ang asawa ng Mommy ko. Alam mo ba ang ginawa mong sakit sa kalooban ng aking Mommy? Winasak mo, at tapos sasabihin mo nakaganti na kami, amanos na, putang ina ka.” Isang suntok ang aking pinakawalan at tumama sa kanyang panga, Bagsak siya at nagputok ang nguso, dumaloy ang mapulang dugo.
Nakalikha ng ingay ang aking ginawa at lumabas ang Mama ni Lucas. “Anong kaguluhan ito? Lukas, Peter!” Natigilan si Tita, ang Ina ni Lukas na tita ko kung tawagin. “Nangungumusta lang po, pero sobrang bastos ng anak ninyo, ipinagtatabuyan ako at pinagsasarhan ng gate kaya nasuntok ko. Sadya ho bang bastos ang anak ninyo?” Hindi ko alam na kaya ko palang sabihin iyon. Nawalan na ako ng galang sa nakatatanda sa akin. Naging mahinahon naman si Tita.
“Peter, kung ano mang kasalanan na nagawa ng anak ko ay pinagsisisihan na niya. Marami na siyang pangaalipusta na natanggap, hindi lang sa ibang tao, maging sa aming mga magulang niya at kamag-anak. Pero pinagsisihan na niya lahat iyon. Ako na ang humihingi ng tawad sa iyo. Malaking kahihiyan ang idinulot niya sa aming pamilya at maging sa sarili niya. Hindi na siya makaharap sa ibang tao na hindi nag-aalala ng baka kung anong madinig na pangungutya. Bigyan mo naman siya ng konting pangunawa. Bata pa kayo parepareho at hindi pa alam ang lahat ng ginagawa. Hindi naman kasalanan niya lahat. May kasalanan din kaming mga magulang dahil hindi namin sila nasubaybayan. Maaring may kasalanan ka rin bilang kaibigan at higit ay ang iyong amain. Natukso siya, tao lang siya.” ang lumuluhang pahayag ni Tita.
Naawa ako kay Tita. Ina rin kasi siya, pero paano naman ang aking ina na naging tanga ng dahil sa kanila. Hindi na lang ako sumagot at tumalikod na para umalis.
“Pupuntahan talaga namin kayo sa inyong bahay para personal na humingi ng dispensa sa iyong ina at para na rin makapagpaliwanag. Pakisabi na lang sa Mommy mo.” Ang huling sinabi niya bago sila pumasok sa kanilang bahay. Tumango naman ako.
---------------oOo---------------
Napagisip-isip ko ang sinabi ng Mama ni Lukas. Tama siya. Biktima rin lang si Lukas at si Lester. Pupunta sana ako sa computer shop nila para doon buksan ang video at ipakita sa mga nagrerenta roon, subalit nagbago ang aking isip. Nagtuloy na akong umuwi sa amin.
Hinintay ko ang pagdating ni Mommy para masabihan ko sa balak ng Mama ni Lukas at para pakiusapan na maging mahinahon. Baka kasi magbunganga na naman ay nakakahiya sa kapitbahay. Baka panibagong iskandalo naman ang mangyari at matsismis na naman kami.
Dumating nga ang Mama ni Lukas kasama na rin siya at ang kanyang papa. Nakayuko lang si Lukas at hindi makatingin sa amin. Tumutulo ang luha. Lumapit siya kay Mama at humihikbi sa paghingi ng tawad.
“Mommy, napakalaking kasalanan ang nagawa ko sa iyo at maging kay Peter. Patawarin po ninyo ako. Hindi na po ako magpapaliwanag kung bakit nagawa ko ang bagay na iyon. Inaako ko po ang pagkakamali. Sana po ay mapatawad ninyo ako. Hindi ko po naisip ang magiging damdamin ninyo. Napakabait po ninyo sa akin at pinagsisisihan ko po lahat ng mga iyon. Bigyan pa po ninyo ako ng isa pang pagkakataon. Gusto ko pong ituwid ang aking pagkakamali. Natuto na po ako at magbabago na ako. Pangako ko po sa inyo at sa aking mga magulang na tuluyan na akong magbabago.”
Maging ako ay napaiyak sa mga sinabi ni Lukas. Bukal sa puso ang paghingi niya ng tawad at maging si Mommy ay hindi nagawang makapagsalita. Niyakap na lang niya si Lukas.
“Naunawaan ko kayo. Para na kitang anak Lukas, alam mo iyan. Alam ko rin ang pinagdadaanan mo sa ngayon at ayaw ko nang dagdagan pa. Humingi ka rin ng tawad sa iyong mga magulang at kaibigan at maging sa iyong sarili. Wala kang kasalanan. Iisa lang naman ang punot dulo ng gulong ito. Napakabata pa ninyo para magdusa ng ganito. Magpatawaran na lang tayo. Tama na ito, tahan na Lukas. Pinatatawad na kita kung iyan ang gusto mong marinig sa akin. Nawa ay maging leksyon sa iyo ang nangyari.”
Niyakap ni Mommy si Lukas at inalo. Nakiyakap na rin ang kanyang mga magulang at kinamayan pa nila si Mommy.
May nadinig akong humimpil na sasakyan sa aming tapat. Ilang sandali pa ay may kumatok sa aming pintuan. Pinagbuksan ko ng pinto ang kumakatok. Si Lester, kasama ang kanyang Ina. Nakayuko silang lumapit kay Mommy saka lumuhod sa paanan niya at nagmamakaawa na nanghihingi ng tawad.
“Tita, patawarin po ninyo ako, natukso po ako at kasalanan ko iyon. Kaya ko pong tanggapin ang sakit ng katawan, saktan po ninyo ako, kahit anong gawin ninyo ay tatanggapin ko ng maluwag. Ang hindi ko po kaya ay ang sakit ng aking kalooban dahil sa nagawa kong kasalanan sa inyo at kay Peter. Kasalanan ko din po ang naging ganito kaya humihingi po ako ng inyong kapatawaran.” Humahagulgol na sabi ni Lester. Tumayo naman si Mommy sa pagkakaupo at itinatayo ang mag-ina.
“Pakiusap! Tumayo na po kayo, hindi na ninyo kailangan pang lumuhod sa akin. Wala po kayong kasalanan, please lang po.” Pakiusap ni Mommy. Itinayo ni Mommy ang Mama ni Lester. Nanatiling nakaluhod si Lester kaya ako na ang nagtaas sa kanya. Nayakap tuloy niya ako at napaiyak sa aking balikat.
Maraming paliwanagan ang nangyari, wala namang naganap na sisihan. Napakita nga nila ang pagiging magulang sa kanilang anak at inunawa ang kalagayan nila at damdamin. Tanggap daw nila kung ano sila.
Hindi pa naman daw huli ang lahat para magbago, ang sinabi nina Lukas at Lester at sisimulan na nila ang pagbabago.
Nagkasundo na rin kami nina Lukas at Lester.
“Malapit na tayong magtapos, ilang buwan na lang at gagradweyt na tayo. Bumalik na kayo sa paaralan. Huwag ninyong intindihin ang sasabihin ng iba. Umiwas na lang tayo sa kanila para walang basag ulo. Ipakita natin na hindi tayo apektado ng mga nangyari. Mangako kayo.”
Nangako naman ang dalawa na babalik sa pag-aaral. Napag-usapan din nila kung ano ang dapat gawin kay Tito Victor.
“Menor de edad ang mga anak natin. Kung gusto ninyo ay pwede tayong maghain ng demanda. Malinaw naman na minolestya nila ang mga bata. Kailangan ay may maparusahan.” Ang suhestyon ni Mommy. Tumutol naman ang mga magulang nila at ayaw na raw na pagpyestahan pa ang nangyari. Hayaan na lang daw ang tadhana ang humatol.
Sa pangyararing iyon ay naging magkakaibigan ang aming mga magulang. Nagkaunawan din ang magpapamilya at wala nang kumuwestyon pa sa kasarian ng kanilang mga anak. Tutuparin daw naman nila ang pagbabago.
Masayang masaya na ang lahat. Nagpaalam na rin sila para umuwi na. Naging madrama ang gabing iyon.
---------------oOo---------------
Victor’s POV
Isang regalo ang aking natangap. Binigay sa akin kanina ng gwardya pagkakita sa akin. Isang courier daw ang nagdala. Wala naman pangalan kung saan galing.
Nagtaka ako kung paano nalaman ng sender na ito ang aking tinitirhan pansamantla. Simula kasi ng pumutok ang eskandalo ay dito na ako sa condong ito umuwi. Walang nakakaalam na mga kaibigan ko at kasamahan sa kampo na dito ako pansamantalang naninirahan. Naging palaisipan tuloy sa akin ang regalong ito.
Inalog alog ko kung anong laman. Magaan lang ito at hindi kalakihan ang kahon.
Naghubad na ako ng aking uniporme at balak kong maligo muna. Binuksan ko muna ang tv at nahiga sandali. Ipinatong ko muna sa mesita ang regalo. Nanonood ako ay wala naman sa pinapanood ang aking isipan. Iniisip ko pa rin kung sino ang maaring nagpadala sa akin ng regalo. Naligo na lang ako at wala talaga akong maisip na sinabihan ko ng aking tirahan.
Pagkapaligo ay tinawagan ko ang gwardya at tinanong kung sino ang nagdala ng regalo. Hindi naman alam ng gwardya dahil hindi siya ang nakatangap at yung daw ka relyebo niya. Nagtatalo ang aking isipan kung bubuksan na ito o hahayaan muna dahil baka talagang hindi ito para sa akin, pero pangalan ko naman ang nakalagay, wala nga lang number ng aking unit. Binuksan ko na lang para hindi na ako mag-isip pa. Makapal ang papel na nakabalot, balot na balot talaga. Isang USB lang pala. Nagtaka ako at bakit ako bibigyan ng USB. Naalala ko ang USB na nawawala ni Lukas.
Hindi ko napansin na may nakasulat pala sa isang maliit na papel na huling balot ng USB. “May kopya rin nito sa kampo ninyo.”
Gusto kong magmura, sumigaw dahil sa USB na ito. Sinisi ko si Lukas kung bakit niya binidyohan ang ginawa namin. Gusto kong mambugbog. Nanlumo akong bigla. Para masiguro na ito nga ang USB ay kinuha ko ang aking laptop at pinlay ito. Ito nga ang nawawalang usb ni Lukas at apat na video at mga larawan namin ang laman. Binrowse ko ang video at lalong sumulak ang aking galit.
Naisipan kong maginom. May ilang bote pa naman ako ng brandy kaya magisa akong uminom. Habang umiinom ay naisip ko ang aking nakaraan simula sa training hanggang sa makilala ko ang aking asawa at si Peter. May masaya at malungkot pero ang pinakatumatak sa aking isipan ay ang mga pinagdaanan kong kamunduhan. Marami sa mga kasamahan ko ang nakatalik ko noong training pa namin hanggang sa unti unti ko nang nagugustuhan ang pakikipagtalik sa kapwa ko lalaki. Hindi ko tuloy naisip na mag-asawa kaagad.
Nang makilala ko si Honey ay noon ko lang naramdaman ang magmahal ng babae. Minahal ko talaga siya kaya agad kong pinakasalan. Ngunit talagang kahit saan ay nay tukso. Nakilala ko ang kanyang anak na si Peter. Isang batang bata at gwapong lalaki na pumukaw uli sa aking tinatagong damdamin.
Iba ang tingin niya sa akin sa aming unang pagkikita. Alam ko iyon sa mga titig niya sa akin lalo na sa aking gitnang bahagi. Naramdaman kong may inililihim din siyang pagkatao, tulad ko.
Noong una ay hindi ko masyadong binigyan ng pansin ang kanyang kilos lalo na kung kami lang dalawa ang nasa bahay. Subalit sa pagdaan ng mga araw ay tila ako ang nahuhuli niya sa bitag. Unti unti akong nagkakagusto sa kanya hanggang sa dumating sa punto na gusto ko na siyang ikama. Gusto ko siyang laging nakikita. Mas nasabik pa yata ako na makita siya kaysa sa kanyang ina na aking asawa.
Gumawa ako ng paraan para maisakatuparan ang aking balak. Inaya ko siyang uminom na hiningi ko naman ang pahintulot sa kanyang ina at nangyari ang hindi dapat na nangyari.
Ngunit naging gahaman ako. Pinagnasahan ko rin ang kanyang kaibigan na si Lukas at nagawa ko rin tuksuhin ang batang iyon at sa mismong higaan pa ni Peter ko ginawa ang pangmomolestya at katabi pa siya.
Maging ang isa pa niyang kaibigan na si Lester ay akin din pinakialaman. At doon na nagsimula ang lahat ng kaguluhan ng mabungaran kami nang aking asawa sa mahalay na posisyon.
Napakasama ko na palang tao. Marami na akong naging biktima. Dapat ko na sigurong pagbayaran ang lahat ng iyon, hindi lang sa kanila, sa lahat ng ginawan ko ng kahayukan.
Nakatulugan ko na ang aking pagmumunimuni, lasing na lasing,
COMMENTS