$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Ang Laro ng Alon (Part 1)

Alonzo Buenaventura By: Thom Hopefully, this will be the last time na magta-time out ako sa hotel na ito. “fingers’ crossed”. In god’s...

Alonzo Buenaventura

By: Thom

Hopefully, this will be the last time na magta-time out ako sa hotel na ito. “fingers’ crossed”. In god’s will, maa-approve din ang visa ko. Maaga akong naka graduate ng college, at the age of 19, tapos ko na yung four-year course ko na Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management. And after that, goal ko talaga yung mga hotels na magaganda ang pangalan. Naka ilang hotel din ako ng naapplyan before. Naka-ilang attempt din ako for interview sa tatlong mga pinaka malaking hotel sa Pilipina, pero wala talaga. Buti nalang isang attempt lang ako dito sa hotel na napasukan ko. Pero inabot din ako ng 4 na buwan na pagaapply dito sa NCR bago ko makuha itong posisyon na ito.

Working in the Philippines, isa sa mga qualifications para makahanap ka ng frontline na posisyon is a good look, pleasing personality, good height, and of course, fair and even skin. Hindi naman kami lumaki sa yaman, in fact, muntik na akong maghinto sa pagaaral ko nung college dahil na din sa kawalan ng pera. Nagkasabay kasi kami ng kuya ko sa college. At hindi kaya ng magulang ko na magpa-aral ng dalawang anak sa kolehiyo. Bunso ako sa amin. Dalawa lang kaming magkapatid. Isa pa sa mga hindi magandang nangyari ay ang hindi kayanin ng kuya ko yung kursong napili nya, so nung panahon na magcocollege na ako, nag shift sya, so sabay sana kaming magiging first year college ulit. Parehas naman na public universities ang pinagaaralan namin, pero magkaiba. Buti na lamang ay nag offer yung tita ko na tutulungan kami sa gastusin sa pang-araw-araw, at ang tanging iintindihin na lamang ng aking mga magulang ay ang aming gastos sa pagaaral. Nakakahiya yun, sa totoo lang, kasi dependent na kami sa tirahan sakanila, pati ba naman yung gastos namin sa araw-araw. Pero kapit lang, sabi nga. Kapit sa patalim. Pero hindi namin pinabayaan yung looks. Pagkain ng prutas, gulay pati na rin yung pageehersisyo. Minsan, tumutulong kami sa Gawain sa bahay, at si kuya, sa bukid at isdaan.

Nakakuha din ako ng scholarship mula sa isang kompanya na nagooffer ng scholarship, hindi naman sa pagmamalaki, pero naisasama naman ako sa Dean’s List nung ako ay naka kolehiyo pero hanggang dun na lamang ang kakayanan. Haha. Buti na lamang ay tinaggap parin ako ng kompanya bilang kanilang scholar. Kapalit nito ay pagpapanatili ko sa aking mga grado. Nakakatanggap ako ng allowance mula sa kanila kada buwan, pero hindi nila sagot ang aking tuition fee kada semester. Malaking tulong ang allowance. Dahil dun, sabay kami nakapag tapos ng kolehiyo ng kuya ko.

Isa sa mga itinuro sa amin ng aming mga magulang ay wag pabayaan ang aming sarili. Isa sa mga nadiskubre ko ay ang skin care. Dahil goal ko talaga noon pa man na maging isang empleyado sa hotel bilang Front Desk Staff, inalagaan ko talaga ang aking itsura. Hindi din naman ako gwapo, pero sinigurado ko na Presentable akong tingnan sa lahat ng oras. Isa siguro yun sa mga dahilan kung bakit madali din akong nakapasok sa hotel na ito. 3 star hotel ito dito sa pilipinas, at madami-dami din kaming mga guests na mga bigatin. Nariyan ang mga artistang local, at mga politiko na kung minsan ay may kasamang hindi nila kaano-ano. (Remember, fiction lang po to). Haha. Alam nyo na.

Tiniis ko ang malayong byahe araw-araw, nakikitira ako sa aking tita sa Quezon City, pero ang trabaho ko ay sa Pasay. Nakakatipid nga ako sa renta ng bahay, pero gumagastos naman ako sa pamasahe araw-araw sa napaka layong distansya ng lugar. Not to mention the time I spent sa byahe lang. sabi nga nila, time is gold. Kaya sayang talaga yung mga golds ko na naaksaya. Pero ano pa nga ba, tiis ganda nalang.

Ayaw ng tatay ko na magtrabaho ako sa malayo, lalo na dito sa manila. Naranasan na din kasi nya kung gano kahirap ang magtrabaho dito. Pero pinilit ko din sakanya na dito ako magkakaroon ng experience na pwede kong gamitin para makuha ko yung matagal ko nang pangarap. Ang makapunta ang tumira sa Amerika. Bata pa ako, yun na talaga yung pangarap ko. Sabi nga nila, diba, Aim High, Pinoy. Pumayag naman si Papa, pero sa isang kondisyon, sa tita ko nga daw ako makikitira. Kapatid nya si Tita Anna, bunsong kapatid nya. May asawang nasa Dubai, Manager naman siya ng isang lending branch dito sa NCR. May dalawang anak na parehas na lalaki din. Nasa Elementary pa si Lemuel, at Graduating naman ng High School si Lance, kaya hindi na din ako pinapagastos ni tita sa pang araw-araw. Minsan inaabutan nya din ako ng pamasahe papasok sa trabaho, pero hindi ko na tinatanggap, pero pinilipit nya. Sabi nya, i-save ko na daw yung sweldo ko pra sa pagaapply ko.

Matapos ang tatlong taon ko sa kompanyang pinagttrabahuhan ko, nagapply ako kaagad sa isang agency kung saan matutulungan nila ako sa pagkuha ng Visa at makapagtrabaho sa Amerika. Maganda naman ang serbisyo nila, naipasa ko na lahat ng mga kailangan kong maipasa. Sabi nga nila, kapag nag-apply ka papuntang amerika, hindi pwedeng yung experience mo ehh fixed na sa minimum qualification, kailangan continuous. Kaya ayun, trabaho parin dito kahit nakakaagod na. Visa interview ko na bukas. Sabi ng mga kasabayan ko, denied daw yung visa nila. Medyo may pagka strikto daw yung mga interviewer sa embasy. Kinakabahan ako, sa totoo lang, pero lagi ko ngang sinasabi sa sarili ko, anong mangyayari sa takot kung hindi mo haharapin. Diba? We cannot live in the dark forever, not that I plan of.

Pagkatapos ko mag-out sa trabaho, deretso ako agad sa locker. As we all know, black leather shoes can get really uncomfortable, lalo after a nine-hour shift. Kaya hindi ako bumabyahe papasok at pauwi ng naka black shoes. Iniiwan ko nalang sya sa locker ko, at nagpapalit ng running shoes bago umuwi, wearing my black slacks and plain white shirt, libre naman sa laundry yung uniform namin, bawal din iuwi, kaya ayun, kuhanin ko nalang din sya bukas. Ganun lang routine ko everyday dito sa trabaho. Minsan kailangan magovertime, 10-12 hrs per shift minsan, pero kapag di naman busy, 9 hrs lang, less 1 hour for break time.

Pagkalabas ko ng hotel via employees’ triage, lakad ng konti papunta sa abangan ng jeep. Unfortunately, nandoon din nagaabang si Kyle, workmate ko pero sa ibang department. Nasa Food and Beverage Department sya, F&B Attendant, in lay-man’s term, Waiter. Unfortunately, ex ko siya. 4 months lang naging kami, pero minahal ko sya ng sobra. Kaya lang, naging demanding sya, gusto nya tumira kami ng magkasama pero hindi pwede, nangako ako sa tatay ko. At ayokong masira yung plano ko dahil lang sa pinauwi ako ng tatay ko sa probinsya dahil lumipat ako ng tirahan malayo sa tita ko. We had an argument, which led to break-up. Focus nalang sa trabaho, pero parang sya, di parin nakaka move on. Ngiti nalang, sabay kamustahan lang. Buti nalang, magkaiba kami ng byahe. Dito lang sya sa Pasay nakatira at sa QC nga ako.

“Uwi ka na?” Tanong nya.

“Oo, alam mo na, baka magtaka si tita”.

“Weekdays pa nga pala, sabay kayo ng uwi nun.”

Tanda nya parin talaga kung pano kami tumakas noon sa oras, kung gano kami ka-gahol sa oras kapag magkasama kami. “Alam mo na, baka mapa-layas ako.” Biro ko, pero cool si tita, di naman sya strikto, ayoko lang din gumawa ng ikaka-sira ng tiwala nya sakin.

“Kaya mo ba mag-excuse for dinner sakanya? Kain muna tayo.” Offer nya.

Napa-isip ako, sa totoo lang, gusto ko din muna mag-gala. Ayoko muna umuwi, kasi kapag nasa bahay ako, wala akong gagawin kundi mag-overthink para sa interview bukas. “Teka.” Maikling tugon ko.

Tumalikod ako sakanya at nagpunta sa medyo malayo. Nasa byahe pa si Tita dahil 5:25 palang ng hapon, for sure, di sya makakasagot ng tawag. Nag-text nalang ako sakanya, at nag-excuse for dinner. Tinawagan ko si Lance, Panganay na anak ni tita, at sinabi na hindi ako makaka-uwi agad. Kakampi ko si Lance, alam nya yung mga plano ko at pangarap sa buhay, nakiki-siksik ako sa kwarto nya, dahil tatlo lang yung kwarto sa bahay nila, Isa kay Tita and Tito, Isa kay bunso, at isa kay Lance. Ayos naman sa kanya. Ok din daw yun at parang hindi sya yung “kuya”, kasi may kuya din sya na nakaka-usap. Pilyo si Lance, palibhasa, gwapo talaga. Alam ko ang istorya nya, kasi open kami sa isa’t isa.

Binalikan ko si Kyle. “Saan tayo?” tugon ko. Napangiti pa ang loko.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Ang Laro ng Alon (Part 1)
Ang Laro ng Alon (Part 1)
https://blogger.googleusercontent.com/img/a/AVvXsEiVpFviMOLBTHRViGlfh9fSsSDqkb7TNm96g7ZOUlCG1zemyQYmTFEclcQa0RLT50-BPiYWgogNnzsP2jQ2vE7br7aJlfdA8dQoSAGZX6uLIZY9ivSXIZ_r2AfIy8KOlRoYnOSTujSjFFHHRe0vFhJYdOE8lJC6oMgku6st2qPNwPLYmW77Bdrk-ege9Q=s320
https://blogger.googleusercontent.com/img/a/AVvXsEiVpFviMOLBTHRViGlfh9fSsSDqkb7TNm96g7ZOUlCG1zemyQYmTFEclcQa0RLT50-BPiYWgogNnzsP2jQ2vE7br7aJlfdA8dQoSAGZX6uLIZY9ivSXIZ_r2AfIy8KOlRoYnOSTujSjFFHHRe0vFhJYdOE8lJC6oMgku6st2qPNwPLYmW77Bdrk-ege9Q=s72-c
Mencircle
https://www.mencircle.com/2022/01/ang-laro-ng-alon-part-1.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2022/01/ang-laro-ng-alon-part-1.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content