Dinner By: Thom A unique characteristic ng pangalan ko, galing sya sa isang sobrang pilipinong salita. “Alon”. Lumaki ako sa madagat n...
By: Thom
A unique characteristic ng pangalan ko, galing sya sa isang sobrang pilipinong salita. “Alon”. Lumaki ako sa madagat na probinsya sa Pilipinas. Natutuwa ako sa pangalan ko dahil na din sa kakaiba nitong kahulugan. It may sound ordinary to anyone, or everyone. Pero if you’ll dig deeper, may meaning sya. And it is not just a name derived from a word, it also shows my personality. Minsan, wala talaga akong control sa mga tinatamaan. I might hit hard sometimes, and yes, I don’t feel so sorry about it. prangka akong tao, and minsan, offensive na talaga ako, pero all of it, atleast for me, eh jokes lang. for those who don’t know me well, offensive talaga. Pero sa mga close friends, we’ll just laugh it off.
“MOA”. Sagot ni Kyle.
“San dun? Wag sa mamahalin na resto ha. Fast food lang afford ko.” Tugon ko, Kuripot. Haha.
“San mo ba gusto?”
“OK na ko sa ****.” Isang fast food chain na sikat sa amerika, and struggling dito sa pilipinas dahil sa nakangiting bubuyog na magaling sumayaw. Haha. Let’s be real, entertaining yung dance moves ng mascot, even for my age.
“Don’t go too cheap. It’s as if I ever let you pay.” With a smirk, nagbook na sya ng taxi.
“I was never cheap; I have always been practical.” Oh, loko, Ilocano yata to. Haha. Akala nya yata, sya lang marunong mag-smirk. Lols.
With that, sumakay na kami ng taxi. Only child si Kyle, pero hindi sya binibilhan ng kotse, mayaman ang pamilya nya, even mga relatives. So lahi talaga nila yung mayayaman. Hindi ko lang alam kung bakit sya nagta-tyaga sa trabaho nya as waiter, ehh kaya naman nya maginvest sa isang resto na sya ang magiging boss. Pero sabi nga nya noong kami pa, invest din ng time sa experience, take it as an opportunity to learn, para may mai-apply kapag sya na mismo yung magiinvest ng capital. Crystal clear. Baka yun nga plano nya. Iba din talaga sya mag-isip. Baka ganito sila pinalaki ng pamilya nila, business-oriented. Kaya siguro sila yumaman.
Sobrang traffic, kahit malapit lang kami sa MOA, inabot parin kami ng 1 hour sa byahe. With rumbling stomach, sunod lang ako sakanya. Hello, sya ang financer, narinig nyo sya kanina diba, he never lets me pay. Kaya sya ang taya ngayon,……. ulit. Hahaha.
Nadaan kami sa Fast food na sinabi ko kanina, yung may mascot na clown. “Uy, Kyle, Dito na tayo oh.” Pinandigan ko parin naman yung sinabi ko na dun lang kami mag dinner, kasi ayoko din naman magmukang nage-expect sa libre nya. Haha. Pero syempre, pabibo lang yun. Kilala nya ko, at kilala ko din sya, hindi sya kumakain sa Fast Foods. Yung buong getting-to-know stage namin, and nung buong period ng relationship namin, once ko lang sya nakitang kumain sa Fast Food resto. At yun ay nung umuwi kami sa probinsya, pinakilala ko sya as kaibigan, pero ang totoo, ka-ibigan. Haha. Alam nyo na. pauwi kami noon, at dahil sobrang gutom, no choice sya.
Di ako pinansin ni Kyle, at nagdere-deretso lang sa may escalator papunta sa isa sa mga pinaka-gusto nyang Resto. Di naman fine-dining resto. Pero tunay na Resto, hindi yung fast stuffs ang sine-serve. Haha. As usual, beef with ampalaya, chopsuey, at buttered shrimp ang order nya. Nakatitig lang ako sa menu, pero naghihintay akong orderin nya yung gusto ko. Dalawa yun, kung kilala nya pa talaga ako. Haha. Di ko namalayan na nakatulala na pala ako sa menu, nagulat nalang ako ng tapikin nya yung menu, at napansin ko na naka-titig na pala silang dalawa sakin, si Kyle at yung Waiter. “May gusto ka pa i-dagdag?” Tanong ni Kyle.
“Ano na ba mga na-order mo?” Inulit ni kuyang Waiter yung Orders. “Wala na po, Warm water nalang.” Maikling sagot ko.
“Paki-cancel yung Beef Ampalaya.” Sabi ni Kyle. Napatingin ako sakanya. Napatingin din sya sakin. Kumakain naman ako ng Ampalaya, pero kapag ginisa lang. Itong si Kyle, Naku, Kung hindi ko pinigilan noon, vegetarian na ‘to. Basta gulay, game ‘to. Haha. Isa lang yata yung inayawan nya na putahe ng gulay. Inabraw, haha, nung nasa probinsya kami. Sinahugan kasi ng tatay ko ng inihaw na hito (milkfish). Ehh ayoko din ng inabraw kapag may sahog. Haha. Ayun, nag-motor tuloy kami papunta sa bayan para bumili ng lechon manok. “Pakidagdag yung fried chicken, and Cucumber-Lime Smoothie” dagdag ni Kyle habang nakatitig sakin, sabay ngiti. Hayop na yan, haha. Napangiti din ako. Kilala talaga ako ni Loko. Haha.
After i-serve lahat ng orders ni Kyle, kain lang kami at kwentuhan. Alam nya na naga-apply ako papuntang Amerika. Pero dahil matagal na din kaming hindi nakakapag-usap dahil sa break-up, hindi nya alam na interview ko bukas for Visa. Kinwento ko sakanya na yun yung dahilan kung bakit ako sumama sa kanya for this dinner. Para hindi ako mag-overthink sa bahay habang naka-higa. “Hindi mo parin nako-control yang pago-overthink mo.” Oo Kyle, oo, hanggang ngayon ganyan parin ako. Haha. Pero di ko sinabi sakanya yun. Sa isip ko nalang.
Mahigit isang oras din yata kaming nagku-kwentuhan at kumain. Pero tawa at kwento yung nagyari, kaya nagenjoy parin ako, di ko namalayan na medyo late na pala. Tiningnan ko yung cellphone ko, at napansin ko na may text na si Tita Anna, “OK” yung una nyang text, 10 minutes after ko magtext sakanya kanina. “Sn ka na?” yung pangalawa nyang text, 20 minutes ago. So around 7:40 pa yung text nya, 8:09pm na ngayon. Magsasalita palang sana ako kay Kyle nung mag-ring ang phone nya, di sya nag-abalang tumayo at lumayo, at sinagot ang tawag sa harap ko. “Ma,” sagot nya sa phone. Hmm at Ok lang madalas sa mga responses nya, “Eh si Papa?” Sagot nya ulit. Hanggang sa nagpaalam na sya at tinapos ang tawag, habang ako, hindi ko alam kung ano isasagot ko kay Tita.
“Nag-date daw si Mama tsaka Papa, nag-check-in sa BGC. Hayop na yan, mukang masusundan pa ko sa edad kong ‘to. Hahaha.” Sabi ni Kyle.
“Haha, ayaw mo yun, magkakaroon ka na ng kapatid, basta wag mo lang ilalaglag sa hagdan nyo. Hahaha” sagot ko. Alam ko kasi na wala syang patience sa mga bata. At ayaw nya din ng maingay.
“Wanna come over and spend the night at my place?” Tanong nya.
Napaisip ako, 2:00pm pa naman appointment ko sa Embasy bukas. Pero plano ko pa din kasi magreview and magprepare for the interview. Pero araw-araw na ko nanonood ng tips and tricks sa youtube about the interview, and naka-ilang ulit ko na din basahin yung guide na binigay ng Agency samin. Tingin ko, I’m well prepared. Pero si Tita Anna, papayag kaya?
“Interview ko bukas, diba?” Maikling sagot ko.
“It’ll help you avoid overthinking for tomorrow’s interview. Tsaka pwede naman kita pahiramin ng formal attire ko. And I can borrow mom’s car to drive you tomorrow. I have my license, since magkasama sila ni papa ngayon, for sure, nasa bahay yung car ni Mama.”
“Shit, that’s a good offer.” Sagot ko. Kaso I planned to wear my best attire bukas. Naka-ready na yun, plantsado na, naka hanger sa closet ni Lance. Pero remembering Kyle’s wardrobe, this guy owns a real deal of formal attires. Pero no. Di kailangan magmukang mayaman bukas. Ok na yung kagalang-galang lang. “I don’t plan to look extravagant for tomorrow’s interview. Pero I think can make your clothes work. Can I rummage your closet tonight para maka-pili?” Dagdag ko.
“No objections.” Tugon nya. Buti nalang same sizes kami sa lahat ng gamit, except condoms. Haha. He really needs a large one. Lols.
“Five minutes.” Tugon ko at tumayo sa kinauupuan ko at lumabas ng resto.
Tumawag ako kay Tita Anna, stating the change of plans. Alam nya kasi kung gaano ako ka-planado sa lahat, and kung gaano ako ka-specific sa mga detalye. Luckily, she said Yes, kasi kakilala nya naman si Kyle. I introduced him as a friend before, nung minsan ay naisama ko si Kyle sa birthday celebration ni Lemuel. He did behave well. Kaya ayun, hindi naman kami nabuko, and it helped to gain her trust over him. So ayun, pinapayagan nya ako minsan na maki-overnight kila Kyle with her favorite statement, “wala ka sa bahay nyo, wag kang gagawa ng mga bagay na ikasisira ng tiwala ng iba s aiyo.” Seriously, my family’s greatest treasure: Trust. Will it ever be my lethal code? Hopefully not.
Next thing I did was to call Lance. He wished me luck sa interview, and ayun. Sabi ko nga diba, kakampi ko si Lance. Cool yan, and for sure, magkkwento ako sakanya paguwi ko bukas.
Next thing I know, nasa entrance na kami ng mall, waiting for our booked taxi. Iba talaga ‘tong loko na to. Hayup. Walang problema sa pera. Sana all. Hahaha.
“The taxi should be here in a couple of minutes. Where the hell is he?” Naiirita na si loko.
“Kyle, tingnan mo, andaming mga sasakyan, may commotion na which causes traffic. Relax, he’ll be here soon, probably, stranded sya jan sa traffic na yan.”
And a white taxi stopped with the plate number indicated on Kyle’s Cellphone. “See. Chill.”
COMMENTS