By: Justin I would like to share stories on your blogs. I did share stories way back 2013 in kwentong malilibog titled Tito Anton, My St...
By: Justin
I would like to share stories on your blogs. I did share stories way back 2013 in kwentong malilibog titled Tito Anton, My Stepfather- hindi ko sya natapos dahil di ko na ma open ang email ko tsaka nawala lahat ng parts na naisulat ko, sumabay pa ang sobrang busy ko sa work. I have new stories to share po.
Note: Ang mga pangalan, tauhan, lugar at pangyayari ay kathang isip lamang. Sama-sama nating damhin ang magmahal, mahalin, paglaruan, masaktan at halo halong emosyon.
Minsan ang pinakamasarap na pag ibig ay yung mga di inaasahan.
Na sa isang araw, habang naglalakad may nakabunggo, nagkatitigan at sa isang iglap lang ay may kong anong kuryente na sa sobrang lakas ng boltahe ay tila bang sasabog ang puso mo.
O di kaya habang nasa bus, punuan, siksikan, walang ma upuan at may isang taong ibibigay ang kanyang pwesto makaupo ka lamang.
Oo na hopeless romantic ako, nangangarap na isang araw matagpuan ko din ang mailap na pag ibig,
Na may ibabahagi din akong love story sa mga kaibigan kong taken na
O single lang talaga ako by choice, may nagkakagusto din naman sakin pero di ko naman gusto
O malas lang talaga ako pagdating sa love life pero masaya naman ako at yun ang importante
Ako pala si Justin Gomez, 28 years old, 5’6 ang height, 62 kilos ang weight, medium built ang pangangatawan. Sabi nila kamukha ko daw si Ariel Rivera, pero sabi lang nila dahil feeling ko wala naman talaga akong kamukhang artista. I have been single for 5 years and counting and again masaya ako.
Jus, Tagaytay tayo sa Sunday since off naman natin para makapag unwind naman. Pagyayaya ni Kristoff. Sya yung best friend ko since highschool. Si kristoff yung tipong happy go lucky, 28 years old din, mas matanda lang ng months sa akin, 5’7 ang height, moreno at medyo chubby. Hmmmmmm… titingnan ko, tugon ko naman sa kanya. Wag nang titingnan, save that date at magtagaytay tayo, sunduin kita sa inyo ng 6 am para madami pa tayong magagawa, na miss ko na din mag bulalo, pagpupumilit nya. Okay sige pag sasang ayon ko sa kanya since wala din naman akong gagawin at feeling ko need ko ng kunting break sa sobrang stressful ng trabaho.
Good Morning TL, may nagpapabigay po ng coffee for you. Pambating bungad ni Shirley isa sa agents ko. Good morning Shirley, Thank you sa coffee pero kanino galling to? Tugon ko naman sa kanya nung inaabot nya ang Starbucks Coffee Jelly which is my favorite. Kanino pa TL e di sa admirer mo si Princess, sagot naman nya na may halong kilig. Si Princess ang isa sa mga agents kong kakapasok lang sa team less than a month ago at ewan ko ba kong anong attraction ang nakita nya sakin at sobrang crush nya daw ako. Maganda si Princess, 22 years old, 5’5 ang height, maputi, dalagang pilipina kong kumilos pero laging lutang kapag coaching namin, hindi siguro maka focus sa sobrang kilig ( palagay ko lang naman kasi ganyan din ako dati nung crush ko ung taong kausap ko). Please tell Princess thank you pero next time wag na okay? Sabi ko nalang kay Shirley.
Hindi na ako ng pasalamat kay Princess personally sa Coffee dahil alam kong kakantyawan na naman sya ng mga ka teammates nya instead sinendan ko nalang sya ng thank you email. Ayaw kong ma embarrass sya sa production floor knowing how timid she is, and I don’t know anong meyron sakin at ako talaga ang napusuan nya. Sabi ni Shirley na best friend nya ay NBSB itong si Princess, madami din naman nanliligaw sa kanya pero pihikan daw sa lalaki. Alam ng mga agents ko na I’m bisexual, nagkaroon ako ng 3 girlfriend way back high school and college tas nagkaroon na din ako ng relasyon sa guy. My last relationship was 5 years ago sa kapwa ko lalaki si Peter.
Oh Kevin, bakit nandito kapa? 7 am ang out ntin mag 7.30 na, are you waiting for someone? Pagtatanong ko kay Kevin, isa ko pang agent nung nakita kong nasa station nya, nung akma akong lalabas para mag banyo. Hi TL, yes po antay kita, sagot naman nya. Bakit mo ako aantayin? Need mo ba ng kausap? May problema kaba? Sunod-sunod kong tanong sa kanya at bago pa man sya sumagot pinutol ko na muna ang kanyang sasabihin dahil sasabog na ang pantog ko. Wait mo ako, hindi ko na kaya, banyo lang ako mabilis sabay takbo sa banyo. Si Kevin yung yayamanin kong ahente, 25 years old, 5’8 and height at batak sa gym kaya sobrang ganda ng hubog ng katawan, moreno, makakapal ang kilay, matangos ang ilong at mapupula ang mga labi. Sobrang dami ang nagkakagusto sa kanya sa office mapa babae man o lalaki.
Pagbalik ko ng station, tinawag ko si Kevin para lumapit. Anong problema mo Kevin? May kasalanan kana namang ginawa sa mga calls mo ano? Kaswal kong pagtatanong sa kanya, since kilala ko naman na lahat ng agents ko kaya very normal nalang ung mga ganitong conversations. Grabe ka naman TL, porke ba nag stay at gusto kita antayin may kasalanan agad? Tugon nya naman na may kasamang matamis na mga ngiti. Naku Kevin wag mo akong titigan ng ganyan, marupok ako! nasabi ko sa sarili. Bakit gusto mo nga ako makausap? Anong meyron?pagtatanong ko ulet sa kanya. Inaantay nga kita TL, ihahatid kita sa inyo- saad nya. Nagulat ako na medyo na caught off guard, bakit mo ako ihahatid? Siguro may request kang leave anu? Kelan yan? Sabi ko sa kanya. Wala TL, sige wait nalang kita sa lobby para matapos kana sa mga ginagawa mo, tugon nya sabay alis. Naiwan akong blanko sa station ko, half of me is happy kasi si Kevin yung pantasya ng lahat ihahatid ako, pero half of me ay naguguluhan at nagtatanong kong bakit? Tinapos ko na mga deliverables ko for the week since its weekend and we are at Saturday and Sunday off madami akong kailangan tapusin at na accomplish ko naman lahat.
Dumeretcho kami ng parking, pinagbuksan nya ako ng pinto ng kotse nya, napaka gentleman naman neto, sa loob loob ko lang. Thank you- sabi ko sa kanya. Pina andar nya ang sasakyan at ilang minuto din kaming tahimik nung ako na nag umpisa ng conversations. Anu nga Kevin, anu gusto mo sabihin at kailangan mo pa talaga ako ihatid? Pambungad ko sa nakakabinging katahimikan. Ang bango ng kotse nya at malinis in all fairness. Wala naman TL I just feel driving you home today, wala naman magagalit di ba? sagot nya. Syempre wala naman pero im just wondering why? Hehe, sabi ko naman, but anyways thank you sabay ngiti sa kanya. Ngumiti din sya and for holy moly’s sake sobrang cute nya ngumiti, at may dimples sya sa magkabilang pisngi. Grabe, kong pwedi lang di na matapos ang araw na to, okay na ako mabuhol buhol sa traffic basta sya ang kasama. Sa isip isip ko. Kalmahin mo ang sarili mo Justin, remember agent mo sya, work ethics please, sabi naman ng mapanirang alter ego ko.
Since matraffic TL why don’t we eat lunch nalang muna? Pagyayaya nya. Sa Makati ang office namin and sa karangalan Village Pasig ako nakatira while si kevin ay nasa Vista verde Subdivision Cainta lang kaya madadaanan naman talaga ung apartment ko pauwi sa kanila. Kunyareng nag iisip ako pero sa totoo lang yes naman kaagad talaga ang isasagot ko makasama lang sya, heto kana naman self, discipline Justin , discipline. I’m sorry , Kevin I had to get home before 12 kasi may family matters akong kailangan gawin, maybe next time- tugon ko sa kanya, napansin kong medyo nalungkot ang rehistro ng maamong nyang mukha. Ahhh, okay TL , next time- sabi naman nya ng nakatingin sakin ng nakangiti tapos ibinaling ang tingin sa kalsada. Kong alam mo lang Kevin, gustong gusto ko , gusto ko pa nga gumala tayo kahit saan basta ikaw ang kasama, sa likod ng nanlalandi kong pag iisip. After a few while, we finally reached home. Nag pasalamat ako sa kanya bago ako bumaba ng sasakyan, hinawakan nya yung kamay ko pero nagkunyari akong kukunin ang phone ko sa bulsa para lang makawala sa hawak nya kasi grabe iba ang kuryente para akong matusta. Sinara ko na ung pintuan ng kotse kasi di ko na kaya ang nararamdaman ko sa ahente ko sabay lakad papuntang apartment. Di ko na sya nilingon, pumasok ako ng apartment at dumiretcho sa aking kwarto.
I was exhausted for some reason, baka dahil sa sobrang kilig ko sa ahente ko kaya after kong mag shower, nahiga sa kama ay nakatulog ako. Nagising nalang ako sa tunog ng phone ko. Si Kristoff tumatawag. Heyy bes, 6 am nandyan na ako, prepare ka maaga ayaw kong mag antay, bungad nya nung sinagot ko ang telepono. Kanina pa ako text ng text at tawag ang totoo napagod? Kahit sila tita sabi tulog na tulog ka di ka pa nga daw kumakain, dugtong pa nya. Napagod ako bes dami deliverables, nakatulog agad ako, sagot ko naman sa kanya. Oo na, bukas 5 am gising na ako, o sige na babangon na ako at kakain 7pm na pala, pahinga kana din, sabi ko naman sa kanya sabay Bye! Marami nga akong messages galing sa best friend kong feeling naman iindianin ko sya bukas e pupunta naman sya ng bahay, as if naman matakasan ko siya. May messages din galing kay Kevin, I am happy today TL dahil nakasama kita kahit saglet lang, sayang at di kita nakasama mag lunch pero next time(smiley face). Weird naman netong agent ko sa loob loob ko lang. Lumabas na ako ng kwarto dumiretcho ng kusina at kumain.
Itutuloy…..
COMMENTS