$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Ang Binata sa Bintana (Part 1)

By: Lito Madalas na nakikita ni Renan ang lalaki sa tapat ng kanilang bahay tuwing hapon na nakaupo sa may bintana ng kanilang bahay. Ti...

By: Lito

Madalas na nakikita ni Renan ang lalaki sa tapat ng kanilang bahay tuwing hapon na nakaupo sa may bintana ng kanilang bahay. Tila malalim ang iniisip at parang malaki ang problemang dinadala. Hindi pa niya nakikilala ang kapitbahay dahil hindi naman niya ito nakikitang lumabas sa kanilang bahay.

Si Renan ay 3rd year college at kumukuha ng BSEEd sa isang unibersidad dito sa Baguio, hindi katangkaran, makinis at mamulamula ang balat, at may dimples sa magkabilang pisngi at kulot ang buhok pero hindi kinky. Palakaibigan kaya maraming barkada sa school man o sa kanilang lugar. Kahit saan magpunta ay siguradong may kakilala.

Samantala ang lalaki sa bintana ay si Benj, pinaikling Benjamin, isang medical transcriptionist ang kasalukuyang trabaho pero graduate ng civil engineering, hindi pa lang licensed. Tubong Manila, at dito sa Baguio naisipang pansamantalang tumira. Binili ng kanyang mga magulang ang bahay para maging bakasyunan. Nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ng magulang kaya dito muna siya pumirmi.

---------------o0o---------------

“Kuya Renan, sinong sinisilip mo diyan?” Usisa ng makulit niyang kapatid na babae na si Jenny, labing isang taong gulang at bunso sa kanilang magkakapatid.

“Ah, yung kapitbahay natin sa tapat, lagi kong nakikita na palaging dyan nakaupo sa bintana tuwing hapon. Wala kaya siyang kaibigan?”

“Oo nga kuya. Siguro ay brokenhearted o di kaya ay isa siyang gay.” sagot ng kapatid na umarte pa na parang bakla. Natawa tuloy sa kanya ang kapatid. “Pero kuya ang pogi ‘no? Crush ko siya.”

“Um! Pak!.” Isang mahinang palo sa pwet ang binigay sa kapatid. “Kabata bata eh kung ano anong kaalembongan ang nalalaman. Me pa broken brokenhearted ka pang sinasabi. Pasok ka nga sa loob.” Pagalit na sinabi sa nakababatang kapatid. Dinilaan siya nito at saka pumasok na sa loob ng bahay. “KJ kaya walang girlfriend.” Pahabol pang sabi. Napailing na lang ang kanyang ulo.

Tinignan niya uli ang binata. “Hindi lang gwapo, napakagwapo.” Sabi nito sa kanyang isipan.

---------------o0o---------------

Sa tuwinang uuwi ng bahay si Renan galing eskwelahan ay sisilipin niya ang binata kung naroon uli sa bintana. Gaya ng kanyang inaasahan ay same place, same time pa rin nakaupo doon sa bintana ang binata. Nahihiwagaan talaga siya sa binata.

Isang Sabado ng hapon ay pumaroon sa sentro si Renan. Inutusan siya ng kanyang mama para mag-grocery. May padalang listahan ang kanyang mama para sa mga bibilhin, mga de lata, toothpaste, sabon panligo at panglaba, coffee at kung ano-ano pa. Halos nabili na niyang lahat at dinouble check pa niya. Tulak ang kariton ay binabasa niya ang listahan para masiguro na walang nalimutan. Hindi niya namamalayan ay may isang kariton din na nakahimpil sa dinadaan niya kaya bumunggo ito doon.

“Ops, brad, tingin lang sa daan.” Sabi ng may tulak sa kariton na nabundol.

“Naku, sorry, sorry ho. Pasensya na ho at di ko sinasadya.” Pagpakumbaba ni Renan.

“It’s alright, no worry.” Sagot naman ng lalaking nakabundulan niya. Palagpas na sa kanya ang lalaki ng makilala niya ito. “Sandali lang, parang pamilyar ka sa akin, ‘di ba ikaw yung nasa tapat ng bahay namin, sa Gibraltar street?” tanong niya sa lalaki.

“Pasensya na ha. Kasi wala pa akong masyadong kakilala dito, pero sa Gibraltar street nga ang bahay ko, malapit sa mines view.” Tugon nito.

“Doon nga, ikaw yung laging nakaupo sa bintana. Ako si Renan, kapitbahay mo.” Pakilala niya sabay abot ng kamay para makipag shake hand.

Inabot din ng lalaki ang kamay niya. “Benj, oo ako nga ‘yon. So, ikaw pala ang sinasabing kapatid ni Jenny, yung batang babae. Nakakwentuhan ko na siya dati.”

“Sir, excuse me po” sabi na isang namimili na may kinukuha sa lugar kung saan sila naroon. “Sorry din ha, napasarap lang ang usapan” sabi sa mamimili.

“Tapos ka na bang mamili, sabay ka sa akin pauwi, may dala akong sasakyan. Babayaran ko lang ito sa cashier.” Aya nito kay Benj.

“Ganon ba! Tapos na rin ako, konti lang naman ito. Sige sunod ako sa iyo.”

Habang daan ay nagusap pa sila. “Minsan, kwentuhan tayo, pag libre tayo pareho. Nainom ka ba Renan?”

“Hmm bawal pa eh, baka makagalitan ako ni papa, siguro kung isa lang pupwede.”

“Okay, mamaya sa bahay, kahit anong oras, basta libre ka na, katok ka lang, may beer pa ako sa bahay.”

“Okay, after dinner na siguro, sa inyo ako mag tambay, wala naman pasok bukas.”

“Deal.”

---------------o0o---------------

Pagkatapos kumain ng hapunan ay nagpaalam na si Renan sa ina at nagtungo na kaagad sa kapitbahay. Nakita niya sa bintana si Benj at kinawayan ito, na agad namang bumaba para buksan ang pintuan.

“Tuloy ka, welcome sa magulo kong bahay hehehe.”

“Ang ganda pala sa loob ng bahay mo, ang cute.” Papuri ni Renan. “Kwarto mo ba ito? Dyan kasi kita nakikita na nakaupo, sa loob pala ito ng kwarto.”

“Oo. Dyan kasi sa bintana ang favorite place ko dito sa bahay, ewan ko basta gusto ko lang dyan maupo at hindi doon sa may terrace.” Tugon niya. “Doon tayo sa may terrace, may mesa at silya na doon.”

Naglabas si Benj ng dalawang beer in can at potato chips na binili kanina. Marami silang napagkwentuhan. Nagkwento si Benj tungkol sa buhay nila sa Manila, sa kanyang pamilya at maging ang kanyang trabaho. Pati kalokohan niya noong nag-aaral pa siya kasama ng barkada.

Nagkwento rin naman si Renan sa kanyang pagaaral at kung bakit ang pagtuturo ang napili niyang kurso.

Marami silang napag-usapan na kung ano ano lang tulad ng kung anong sports ang hilig, pagkain, palabas sa TV, basta kung ano na lang pumasok sa isipan at magtatanong ng kung ano ano sa bawat isa, hanggang madako sa lovelife.

“May girlfriend ka ba?” tanong ni Renan.

“Sa ngayon, wala na. Marami rami din akong naging GF lalo na noong college pa ako. Alam mo na, kahit papano ay maraming nakakakilala sa akin sa campus, kasi lagi ako isinasali sa competition, Mr ganito, Mr ganoon hehehe.”

“Talaga! Palagi sigurong panalo.”

“Hindi naman, minsan din naman akong natalo hehehe. Yabang no.”

“Naku hindi! Ang gwapo mo kasi at ang ganda pa ng katawan mo. Kaya ka ba tumira muna dito eh dahil nagbreak kayo ng GF mo.”

“Hindi naman. Nagkaroon kasi kami ng pagtatalo ng parents ko dahil sa isang karelasyon ko. Hindi sila boto at hayagan ang pagtutol nila. Minabuti ko na dito muna mag stay kesa palagi kaming magtalo.”

“Mahal na mahal mo siguro siya ano. Siguro napakaganda. Papuntahin mo dito minsan.”

“Hindi nga niya alam kung nasaan ako ngayon, kahit sa text ay wala na kaming communication. Nagpalit na kasi ako ng sim. Naisip ko na siguro ay tama ang parents ko kaya sinunod ko na lang ang gusto nila. Wala kaming formal breakup.”

Hindi na nakaimik pa si Renan. Nakaramdam siya ng awa sa bagong kaibigan. Hindi na rin siya nagtanong pa tungkol sa kanila dahil nanginginig na ang boses nito at pinipilit na hindi umiyak. Iniba na lang niya ang topic ng usapan.

“Bakit nga ba education ang kursong kinuha mo?” tanong ni Benj.

“Gusto ko kasi maturuan ang ibang katutubo sa malalayong lugar. Kokonti kasi ang guro na nais na madestino sa mga lugar na iyon. Naunawaan ko naman kung bakit. Ang totoo ay pinagtalunan din namin ng aking papa ang tungkol doon. Gusto niya kasi na sa PMA ako pumasok para maging sundalo gaya niya eh, hindi ko talaga gusto. Ang nais ko kasi ay makatulong sa aming kababayan sa ibang paraan at iyon nga ang naisip ko, ang maturuan man lang ang kabataan kahit pagbabasa at pagsusulat lang at pagbilang. Masaya na ako roon.

Humanga naman sa kanya si Benj sa kanyang prinsipyo.

“Napasarap yata ang usapan natin. Baka inaantok ka na o may gagawin ka pa sa trabaho mo. Magpaalam na rin ako. Nice meeting you Benj.”

“Same here Renan. Marami pa tayong pagsasamahan.”

---------------o0o---------------

Naging mag best friend ang magkapitbahay. Nakakapunta na rin si Benj sa bahay nina Renan. Naipakilala na rin ni Renan sa mga kaibigan at kalaro sa basketball at maging sa ilang kaklase ang binata. Pag Sabado o Linggo ay nakakasama na siya sa pag ja-jogging ni Benj. Mas lumalim pa ang kanilang pagkakaibigan.

“Alam mo, mabuti na lang at naging kaibigan kita Renan, ang sarap mong kasama. Bumalik lahat ng aking sigla, tila lahat ng problema ko ay nawala.

“Siguro dahil wala kang kapatid, nasabik ka siguro sa kapatid. Ang sarap mong maging kapatid, alam mo ba iyon. Maalalahanin ka, mabait. Na spoil nga ako sa iyo eh.” Wika naman niya.

“Eh di tawagin mo akong kuya at ikaw naman ang bunso ko, okay ba iyon sa iyo.”

“Sobrang okay kuya, apir kuya!” at malakas na pinagdikit nila ang kanilang mga palad.

“Mamimiss kita bunso kapag bumalik na ako ng Manila.”

“Bakit kuya, uuwi ka na ba sa parents mo?”

“Hindi pa naman, matatagalan pa. Nag-eenjoy pa ako kasama ka eh hehehe.” Ginulo pa niya ang buhok ni Renan. Talagang parang kapatid na bunso na ang turing sa kanya.

---------------o0o---------------

Pasipol sipol pa si Renan habang naglalakad pauwi. Nang malapit na siya sa kanila ay natanaw niya na maraming tao sa terrace nina Benj. “Ano kayang meron?” tanong niya sa sarili. Dinig na dinig niya ang masasayang tawanan sa kabilang bahay. Nakita niya si Jenny at agad na nagtanong. “Jenny, bakit madaming tao kina Benj?”

“Kuya, mga kaibigan daw at kaklase ni Kuya Benj. Tinatanong ka nga kanina kung narito ka na. Sabi ko ay hindi ka pa nakakauwi.”

“Ah, okay. Salamat bunso.” Dirediretcho na siya sa silid niya at nagpalit ng damit pambahay. Naghihintay siya ng tawag at baka muli siyang hanapin ng kanyang kuya Benj. Subalit alas diyes na nang gabi ay wala pang tawag mula sa kanya. Nahihiya naman niyang itext ang kaibigan para magtanong. Hinayaan na lang niya at natulog na, na medyo may hinanakit. Sa isip niya kasi ay agad na siyang nakalimutan komo nariyan ang mga kaibigan.

Tinanghali siya ng gising kinaumagahan. Agad siyang tumanaw sa tapat pero tahimik ang kabahayan. “Ay kuya umalis na sila at mamamasyal daw.” Sabi ng bunsong kapatid.

Napailing lang siya at tinungo na ang banyo para maligo. Naisipan niyang itext ang kanyang barkada at inayang magbasket. Pagkatapos maglaro ay nagtambay pa sila sa park. Maraming tao sa mines view, Sabado kasi. Sa di kalayuan ay natanaw niya sina Benj at nagtitingin ng paninda sa banketa kasama ang mga kaibigan, nakaakbay pa siya sa isang lalaki na parang sweet na sweet sa isa’t isa. Nakaramdam siya ng parang may kumurot sa kanyang dibdib. Hindi niya maipaliwanag sa sarili ang naramdaman.

Pinagmasdan pa niyang mabuti at naghaharutan pa sila, daig pa ang magkasintahan na naglalambingan.

“Sina Benj yun ah, sabi ng kaibigang si Neil. Sinong kasama niya Benj?”

“May bisita daw dumating sabi ni Jenny, mga kaibigan at kaklase daw. Hindi ko na siya inaya maglaro dahil nga sa kanyang bisita. Hindi pa kami nagkakausap mula kagabi.” Wika niya sa kaibigan.

“Sa bahay na lang tayo tumambay, doon na rin kayo kumain.” Pag-aya ni Neil. Sumangayon naman ang lahat. Hindi naman nagpahalata ng pagkadismaya si Renan sa nakita sa kaibigang si Benj.

Hapon na nang umuwi siya sa kanila, tanaw niya na may tao na sa terrace nina Benj. Nakauwi na ang mga ito galing pamamasyal. Lumabas si Benj sa terrace at nakita siyang papasok na ng kanilang bahay. Tinawag siya nito. “Renan! Sandali lang. Tara ka muna dito, pakikilala kita sa mga kaibigan ko.”

Mabigat ang mga paa na tinungo ang pintuan ng kapitbahay. Ayaw niya sana subalit nahihiya naman siya at baka kung anong isipin ng kaibigan. Naiinis pa kasi siya sa ginawi ng kaibigan sa mines view kanina.

“Mga pards, bunso kong kapatid dito, si Renan. Siya ang kasa-kasama ko dito at nag-aaalis ng kalungkutan ko dito.” Pakilala niya sa kapitbahay. Isa-isa namang ipinakilala sa kanya ang mga kaibigan, nauna ang tatlong babae at tapos ay ang mga lalaki at pinakahuli ay “si Matt, espesyal friend ko.” Tapos ay inakbayan pa ito na tila ipinagyayabang sa kaharap na kapitbahay.

Napatitig siya sa binata na tila nahiwagaan. May gusto siyang linawin sa pagpapakilala kay Matt. Hindi naman napansin iyon ni Benj dahil nakatingin ito sa espesyal friend niya.

Hindi na rin nagtagal doon si Renan at agad na ring nagpaalam. “Nice meeting you all. Sana magenjoy kayo sa pagbisita sa bayan namin. Maiwan ko na muna kayo.” Tinanguan naman niya si Benj saka bumaba na.

---------------o0o---------------

“Espesyal friend. Bakit kaya espesyal friend ang pakilala niya sa Matt na iyon. Anong ibig sabihin niya na espesyal friend?” mga tanong na naglalaro sa kanyang isipan hanggang sa makatulog na siya, may pumatak pang luha sa gilid ng kanyang mata.

Tinanghali uli siya ng gising. Sinilip ang kapitbahay, tahimik na. Naisip niyang maagang umalis para mamasyal. Mamayang gabi kasi ay pauwi na rin sila.

---------------o0o---------------

Lunes, nagmamadali siyang umuwi galing school, gusto niyang kausapin ang kuya Benj niya. Natanaw niya pagpasok sa kanilang bahay na nasa bintana muli ang kaibigan. Nagpalit agad siya ng damit at agad na sumugod sa kabilang bahay. Alam niya kasi na umuwi na ang mga kaibigan niya kagabi pa. Hindi na ito kumatok at tuloy tuloy na umakyat sa sa itaas. Nagulat siya sa nadatnan, nakaupo ito sa sofa katabi si Matt at naghahalikan. Matagal na siyang naistatatwa sa pagkakatayo sa hindi inaasahang eksena, ay hindi pa rin siya napapansin ng dalawa. Tatalikod na siya ng mapansin na siya ni Benj.

“Renan!” sigaw niya, na sa kabiglaanan ay napatayong bigla na halos mahulog ang kahalikang si Matt sa sofa.

Mabilis na nakababa si Renan, may galit sa kanyang dibdib. Hindi makapaniwala sa nakita. Hinabol pa siya ni Benj ngunit hindi niya ito pinansin.

Tuloy tuloy ito sa kanyang silid, umiiyak. Buti at walang tao sa kanilang sala at nakita siyang lumuluha.

“Iyon pala ang ibig sabihin niya ng espesyal friend. Karelasyon pala niya ang lalaking iyon. Bakla ba siya? Siya kaya ang sinasabi niyang iniwan na kasintahan sa Manila na inayawan ng parents niya? Bakit ko siya iniiyakan? Ano ko ba siya? Anong nangyayari sa akin? Bakit ganun na lang ang aking galit sa nakita ko, una sa mines view, tapos ito. Bakit ako galit? Galit ako kay Matt.” Sabi ng kanyang utak.

---------------o0o---------------

Samantala, hindi mapakali si Benj. Alalang alala siya sa naging reaksyon ng kaibigan sa nakita sa kanila ni Matt. Nakailang tawag na siya ay laging “can’t be reach” ang sagot sa phone. Hindi naman niya mapuntahan sa kanilang bahay dahil baka lalong magkagulo. Palakad lakad siya sa loob ng bahay.

“Ano ka ba Benj, nakakahilo ka na. Ano bang ikinatatakot mo. Ikinahihiya mo ba ako sa kanya. Bakit ano mo ba siya? Galit na sabi ni Matt.

“Kaibigan ko siya. Magkapatid na ang turingan namin. Syempre magaalala ako sa kanya kasi wala siyang alam tungkol sa atin. Hindi siya ready sa nakita niya at siguradong iiwasan na niya ako. Anong gusto mong gawin ko!” himutok niya.

“May bukas pa naman. Bukas mo na siya kausapin, tayo, kausapin natin siya ng masinsinan.”

Buntung hininga ang isinagot nito. Padabog na sinabing “Matulog na nga tayo.”

---------------o0o---------------

Makaraan ang dalawang araw ay umalis na rin si Matt. Isang lingo pa sana siyang magstay ng Baguio dangat palagi lang silang nagtatalo nito dahil sa kaibigang si Renan. Pinagseselosan nito ang binata na kesyo may namamagitan sa kanilang dalawa at hindi magkapatid lang ang turingan. Hindi na naman niya pinigilan pa si Matt at hinayaan siyang umalis na.

Tuwing hapon ay inaabangan niya ang paguwi ni Renan, subalit hindi niya ito matyempohan. Nagtataka siya dahil palaging alas singko ng hapon kung siya ay umuwi. Nagiisip siya na pinagtataguan talaga siya ng binata. Kapag tinatanong naman niya si Jenny ay sasabihing hindi pa dumarating.

Isang lingo na ang nakalipas, isang lingo na rin siyang nakaupo sa bintana subalit wala pa ring Renan na nagpapakita sa kanya. Nakausap niya ang ina ng binata at nalaman na sa isang tiya muna ito umuuwi dahil laging ginagabi sa pag-uwi dahil sa dami ng project at nalalapit na rin ang finals.

Hindi rin maintindihan ni Benj ang sarili kung bakit siya nagaalala sa hindi pagkibo sa kanya ni Renan. Ayaw niyang magagalit ito sa kanya. Hindi ganito ang naramdaman niya sa kasintahang si Matt. Matagal na niya itong natiis na hindi makita o makausap. Hindi naman sila magkikita kung hindi nasabi ng isang kaibigan na pupuntahan nila ito dito sa Baguio at sumama siya.

Pero kakaiba kay Renan. Hindi siya mapakali hanggat hindi siya nakapagpapaliwanag. Okay lang sa kanila na tuluyang makipaghiwalay sa kanya si Matt pero ang hindi niya kaya ay ang tuluyang magalit sa kanya si Renan at hindi na siya kausapin. Inis na inis siya sa sarili sa nagawa niya.

Ang Lalo pa siyang ikinakainis ay ang madalas na pagtawag sa kanya ni Matt. Pinaamin siyang pilit na may relasayon sila ni Renan. Dahil sa inis ay sinabi niyang may relasyon nga sila at mahal na mahal niya ang binata. Simula noon ay dumalang na ang kanyang mga tawag at bihira na ring mag text.

---------------o0o---------------

Tapos na ang klase ni Renan. Naglalakad siya palabas ng gate ng harangin siya ng isang lalaki.

“Sandali lang Renan, bunso, pwede ba kitang makausap kahit sandali.” Si Benj, nagsusumamo ang mga mata sa kaibigan. Hindi naman agad nakasagot ang binata sa pagkabigla. Hindi niya inasahan na pupuntahan siya nito sa kanilang paaralan. Inakbayan na siya nito at saka pilit na isinama sa paglalakad. Wala na siyang nagawa kundi ang sumunod. Umiiwas kasi siya na pagtinginan ng mga tao sakaling maginarte siya.

Nakarating sila sa Burnharm Park at naghanap ng lugar na hindi masyadong daanan ng mga turista. Naupo sila sa isang bench doon. “Iniiwasan mo ba ako? Bakit hindi mo sinasagot ang mga call ko at text. Bunso, nagalit ka ba sa nakita mo sa amin ni Matt? Sunod sunod na tanong ni Benj.

“Bakit naman kita iiwasan. Busy lang ako, saka nasira ang sim card ko kaya nagpalit ako ng sim, hindi ko naman memoryado ang number mo.”

“Bunso, sorry ha, hindi mo dapat nakita ang ginawa namin. Alam ko iyon ang dahilan kung bakit mo ako iniiwasan. Feel ko na iniiwasan mo talaga ako at hindi dahil busy ka. Kilala na rin kasi kita, kahit anong busy mo, isang text ko lang eh agad ka naandyan.” Wika ni Benj.

“Sorry din kuya, kasi basta na lang ako pumasok ng hindi kumakatok. Aminin ko kuya, iniwasan kita kasi, eh………. Kasi eh…..” hindi niya maituloy ang sasabihin, parang may bumara sa kanyang lalamun.

“Kasi ay ano?”

“Wala kuya, wala iyon.”

“Okay lang kung ayaw mong sabihin. Magtatampo lang naman si kuya kapag hindi mo sinabi ang dahilan.”

“Kuya, siya ba ang sinasabi mong kasintahan na hindi boto ang parents mo?” tanong ni Renan para malayo ang usapan.

“Oo bunso, siya iyon. Pero alam mo ba na sa tagal din na hindi kami nagkita at nagkausap ay parang wala na akong feelings sa kanya.

“Kung wala ka nang feeling kuya, bakit nakaipaghalikan ka pa.

“Bunso, tao lang ako, natutukso, nalilibugan, alam mo naman na iyon. Saka hindi na rin naman natuloy eh, kasi alalang alala ako sa iyo. Alam ko magagalit ka sa akin at ayaw kong mangyari iyon.”

“Kuya, huwag ka magagalit ha.”

“Ano yon. Sige, ano man iyon ay hindi ako magagalit.”

“Promise?”

“Promise.”

“Bakla ka ba?” alanganing tanong ni Renan. Napahinga ng malalim si Benj bago sumagot.

“Hindi bunso, pero kung ang magmahal sa kapwa mo lalaki ay kabaklaan, siguro ay oo. Sa akin lang, nagmahal ako at nagkataong sa kapwa ko pa lalaki. Hindi tama, sabi ng iba, sabi ng magulang ko at maaring yun din ang sasabihin mo, kaya lang hindi ko naman maaring turuan ang puso ko kung sino ang mamahalin. Kusa itong dumarating. Nagmahal din ako ng babae, madami nga akong nasaktan, kaya lang, hindi ko alam na magmamahal din pala ako sa kapwa ko lalaki. Naintindihan mo ba ako bunso. Matalino ka naman kaya maiintindihan mo din ako.” Mahabang paliwanag ni Benj.

“Bunso, patawarin mo ako ha. Huwag mo na akong iiwasan. Alam mo ba na hindi ako makatulog nang hindi mo ako kinakausap? Lagi kitang inaabangan sa oras ng uwian mo, kaya lang ay laging hindi ka dumadating sa oras ng uwi mo. Nahirapan ako bunso. Sinisisi ko na ang sarili ko eh. Nalaman ko sa mama mo na sa tiyahin ka muna nauwi kaya inabangan na lang kita sa school para magpaliwanag. Pasensya na bunso ha. Huwag ka na magalit sa akin.” Patuloy pa niya, yumakap pa sa binata, tumutulo ang luha.

“Kuya! Bakit ganoon? Bakit noong makita ko na nakikipagharotan ka kay Matt sa mines view, tapos pinakilala mo pa sa akin na espesyal friend mo siya, ay parang may tumusok sa dibdib ko. Mas lalong sumakit ang kalooban ko ng makita ko kayong naghahalikan. Totoo kuya, iniwasan kita, kasi akala ko espesyal ako sa iyo, naisip ko hindi naman pala, kasi may espesyal kang iba. Hindi ko naman alam bakit ako nasasaktan, bakit para akong nainggit bigla kay Matt. Umiyak din ako Kuya, iniyakan ko talaga ng ilang araw iyon. Ayaw kitang kausapin, kasi galit ako sa iyo, kasi hindi pala ako espesyal sa iyo.” Litanya ni Renan, na tuluyan ng napaiyak, humihikbi. Nayakap tuloy siya ni Benj at tinapik tapik ang likuran.

“Renan, bunso, bukod doon, may iba ka pa bang gustong sabihin sa akin, yung sasabihin mo sana kanina, gusto ko sanang madinig mula sa iyo.”

“Kuya, hindi ko alam kung anong nadarama ko sa iyo, bago lang kasi sa akin ang ganitong pakiramdam, ang alam ko lang ay gusto ko lagi kang nakikita, kaya lagi akong nakatingin sa iyong bintana para makita kita, mula pa noong una kang dumating sa bahay mo, kaya noong magkita tayo sa supermarket eh agad kitang kinausap, kinaibigan. Gusto ko ring magkasama lagi tayo, nagbibiruan, naghaharutan, naglalaro ng basketball. Basta kahit ano, basta kasama kita eh ang saya saya ko. Alam mo nagseselos talaga ako sa boyfriend mo kahit wala namang dapat ikaselos. Bakit ganito ang nadarama ko kuya?” tumulo na naman ang kanyang luha na napayupyup sa balikat ng kaibigan.

“Bunso, alam ko na hindi ka pa nagka girlfriend, mas lalo ang nagkaboyfriend, kaya maaring hindi mo pa alam ang feeling ng magmahal, yung tunay na pagmamahal. Gusto ko pag-aralan mo ang sarili mo, ang damdamin mo, pag sigurado ka na, eh huwag mo sarilinin, huwag mo itago. Ipagtapat mo ang nararamdaman mo. Ganun lang iyon, simula na iyan para malaman mo ang magmahal.”

“Kuya, ilang araw ka na rin kasing iniisip ang ganitong damdamin ko, ngayon ay sigurado na ako, mahal na yata kita kuya, kaya lang may mahal ka nang iba, kaya iniiwasan na kita. Masakit pala ang magmahal kuya kaya naisip ko na hindi na ako magmamahal kahit kelan.”

“Huwag, bunso, kapag nabigo ka sa una tanggapin mo ng maluwag sa puso mo, ganun talaga, sa pag-ibig may talo at may panalo, hindi palaging talo at hindi rin palaging panalo. Mas mabuti na subukan mong magmahal kesa hindi ka nagmahal kelan man. Saka bunso, paano naman ako. Paano naman ang pagmamahal ko kung hindi ka na magmamahal. Hindi mo ba ako mahihintay?”

“Kuya, anong ibig mong sabihin.”

“Bunso, kasi may nararamdaman na rin ako sa iyo, noon pa. Hindi ko lang masabi sa iyo kasi nag-aalala ako na hindi mo magugustuhan at magalit ka lang sa akin. Ayaw kong mangyari iyon, kaya sinarili ko na lang. Yung kay Matt, kaya ko sinabing espesyal friend ay ayaw ko lang na mapahiya siya sa ibang kaibigan ko, alam kasi nila ang relasyon namin dati at tanggap nila iyon.”

“Hindi ko alam na nasasaktan kita habang nakikipagharutan ako kay Matt, hindi ko naman kasi alam na naroon ka sa mines view noong time na iyon. Yung halikan? Napaliwanag ko na naman sa iyo na natukso lang ako. Yung espesyal friend? OO, espesyal pa rin naman siya sa akin dahil may pinagsamahan naman kami, pero hindi na tulad dati kasi mayroon na akong very espesyal friend, at ikaw iyon bunso.”

“Alam mo ba, noong time na makita mo kami sa ganoong sitwasyon at bigla kang tumalikod, ay natakot talaga ako, Hindi talaga ako mapakali at nahalata iyon ni Matt. Nagtalo kami at inamin ko sa kanya na ikaw na ang mahal ko at hindi na siya. Noong gabi ding iyon ay nakipaghiwalay na ako sa kanya. Hindi siya agad pumayag, ayaw makipaghiwalay sa akin, pero sadyang buo na sa aking loob na kausapin ka para humingi ng tawad at ipagtapat sa iyo ang damamin ko. Pag-kaalis ni Matt ay lagi akong nakaabang sa iyo sa paguwi mo at mabuti na lang eh nasabi ng mama mo na hindi ka muna umuuwi kaya ayun, inabangan kita sa school ninyo”

Hinawakan niya ang balikat ni Renan, tumingin siya sa kanyang mga mata saka sinabing “Bunso, mahal kita, I Love you, gusto kitang maging boyfriend, ngunit kung hindi ka pa ready ay maghihintay ako, lligawan kita. Bunso mahal mo rin ba ako?”

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Ang Binata sa Bintana (Part 1)
Ang Binata sa Bintana (Part 1)
https://blogger.googleusercontent.com/img/a/AVvXsEi52g0F9kgoqGchaP4f4ghZy3CPD7uf38MHxLVw6VOotJ8c9mYwN6j-QASvCHCDeIjeabCQWwvZgTa5do9s12qge7y_aBgw72LfX4-B2JL8tUPhtAs5k9i0Y2UUrSAaymdIC6WChhLxfE3ULvLHvlqJ7ErhuPmGizkPCKOwGSZazsvcAi5CI0AyRpyN1g=s320
https://blogger.googleusercontent.com/img/a/AVvXsEi52g0F9kgoqGchaP4f4ghZy3CPD7uf38MHxLVw6VOotJ8c9mYwN6j-QASvCHCDeIjeabCQWwvZgTa5do9s12qge7y_aBgw72LfX4-B2JL8tUPhtAs5k9i0Y2UUrSAaymdIC6WChhLxfE3ULvLHvlqJ7ErhuPmGizkPCKOwGSZazsvcAi5CI0AyRpyN1g=s72-c
Mencircle
https://www.mencircle.com/2022/03/ang-binata-sa-bintana-part-1.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2022/03/ang-binata-sa-bintana-part-1.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content