$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Rigodon de Amor (Part 1)

By: Lito Isang mini grocery store ang itinayong negosyo ng pamilya ni Sebastian Cruz o Basti sa may Katipunan malapit sa LRT. Kasosyo ni...

By: Lito

Isang mini grocery store ang itinayong negosyo ng pamilya ni Sebastian Cruz o Basti sa may Katipunan malapit sa LRT. Kasosyo niya dito ang kanyang mga magulang at dalawang kapatid na nagtatrabaho sa ibang bansa. Style 7-11 ang kanilang grocery pero mas mura ang kanilang paninda kumpara doon dahil hindi sila nagrerenta sapagkat pagaari nila ang kanilang pwesto. Si Basti ang tumatayong Manager, paminsan minsan ay kahera, stock clerk at kung ano ano pa. Siya talaga ang namamahala dito sapagkat may sariling negosyo din ang kanyang mga magulang.

27 years old na si Basti at single. No known boyfriend or girlfriend. Hindi naman siya mukhang bakla at hindi talaga mapagkakamalang bakla. Pihikan lang daw siya sa babae. Gwapo sa pangkalahatan at may height din naman.

Anim lang ang kanilang empleyado, dalawang kahera na parehong babae at apat na tagaayos ng stocks sa bodega at sa display area. Dalawang shifting. Tatlong staff, kasama ang isang kahera sa 6 to 3 shift at tatlo rin sa pangalawang shift na 12 to 9 ng gabi.

Dalawa sa empleyado niyang lalaki ay magkapatid, sina Arlo at Vince, edad 19 at 20 at si Vince ang 20. Rekomendado siya ng kanyang magulang dahil dati nilang naging kasambahay ang namatay na nilang ina, at bilang tulong ay ipinasok na lang sa kanilang grocery. Magkahiwalay sila ng shifting, at una ang bunsong si Arlo.

Dating pangangalakal ang ikinabubuhay nina Arlo. Nang mabalitaan ng mama ni Basti na namatay na ang kanilang kasambahay dati ay agad na inalam ang tinitirhan nito. Pinuntahan niya ang bahay nila at nakita ang hindi magandang kalagayan ng mga iniwang anak. Dalawang lingo na palang naililibing ang ina nina Arlo at Vince at saka lang nalaman ng ina ni Basti na matagal na silang iniwan ng kanilang ama at sumama sa ibang babae. Wala na silang balita simula ng iwan sila ng ama. Sa awa ng ina ni Basti ay pinapunta niya ang dalawa sa kanilang grocery para bigyan ng trabaho. Tamang tama naman at talagang nangangailangan si Basti ng karagdagang trabahador. Laking pasalamat ng magkapatid sa ibinigay na trabaho sa kanila. High school lang ang kanilang natapos kaya hirap silang humanap ng magandang trabaho. Sa pangqngangalakal na lang sila nabubuhay. At iyon na ang simula ng kanilang panibagong buhay.

Sa bahay na nina Basti sila pinatitira para hindi na nila kailangan pang magbyahe, pero mas pinili pa rin nila ang manirahan ng sarili sa dati nilang bahay. Hindi naman kalayuan at isang sakay lang sa jeep.

May angking kagwapohan ang magkapatid at parehong 5”6’ ang taas. Magkaiba lang sila sa pag-uugali. Masayahin si Arlo at palaging nakangiti, palakaibigan at palabiro din. Malakas ang karisma sa mga babae at kunwaring babae. Si Vince naman ay mahiyain, walang kibo at hindi pala usap. Pareho naman silang masipag at mapagkakatiwalaan.

Simula ng dumating ang dalawa ay malaki din ang ipinagbago ni Basti. Dati ay pirmi lang ito sa kanyang opisina at bababa lang kung may kailangan o may itatanong. Ngayon ay madalas na siyang tumatambay sa tindahan at sumasabay pa sa pagkain tuwing tanghalian.

Hindi naman nilalagyan ng kahulugan ng ibang empleyado ang pagbabago ng kanilang boss dahil sa pagdating ng magkapatid. Naninibago lang talaga sila. Lagi ding nitong kinakausap kundi si Arlo ay si Vince. Tuloy pag sila sila lang ay napaguusapan nila ang kanilang boss.

---------------oOo---------------

Nagtsetsek ng inbentaryo si Basti sa kanyang computer, gagawa na kasi siya ng purchase order sa iba’t ibang supplier. Pinatawag niya si Vince.

Basti: Vince, paki tignan mo nga ang bilang ng mga ito. Dito kasi sa computer ay kokonti na at ang iba ay zero na. Ang alam ko ay ka oorder lang natin ng mga iyan.

Vince: (Kinuha ang listahan. Binasa muna ng konti.) Okay po boss. Ngayon din po.

Kahera 2: Anong sabi?

Vince: Pinatsetsek lang ang bilang ng mga item na ito sa bodega at sa display. Pare, bahala ka na muna dito ha! Madami dami din kasi ito eh.

Art: Okay lang pare. Walang problema.

Mag-aalas nwebe na ay hindi pa rin tapos si Vince. Naghahanda na sa paguwi ang iba ay nagbibilang pa rin si Vince sa bodega. Bumaba na si Basti at hinanap si Vince. Itinuro naman ng kahera na nasa bedega. Agad tinungo niya ang bodega.

Basti: (Malumanay na sinabi) Vince kung hindi mo matapos ay pwede na bukas yan. Sige na at magsisiuwian na sila.

Vince: Konti na lang ito Boss. Tatapusin ko na po. Last 2 item na lang po.

Basti: Sige, ikaw ang bahala.

Kahera 2: Boss, uwi na po kami.

Basti: Na tsek na ba ninyo lahat. Secure na ba lahat.

Kahera 2: Okay na po Boss.

Basti: Sige, ingat kayo.

Vince: Tapos na po boss. Eto na po.

Basti: Nagmamadali ka ba Vince?

Vince: Hindi naman po. Bakit po?

Umakyat na sila sa office at naupo sa harap ng computer.

Basti: Marunong ka bang gumamit ng computer?

Vince: Naku Boss, hindi po. Games lang po ang alam kong gamitin.

Basti: Ganun ba. Gusto ko kasing kumuha ng makakatulong ko dito eh. Nahihirapan na akong magisa dito eh. Pati pag eencode ng inbentaryo ay ako pa ang gumagawa. Pati sa bangko at accounting ay sakop ko na eh. Nagkakamali mali na ako sa pageencode eh. Daming mali dito sa pageencode ko. Gusto ko sanang i-train ka. Gusto mo ba?

Vince: Boss baka hindi ko kayanin. Hindi po kasi talaga ako marunong ng computer.

Basti: Sasanayin naman kita eh. Huwag kang magalala. Tuturuan kita.

Vince: Kayo po ang bahala.

Basti: Sige na at baka masyado kang gabihin.

Vince: Sige po sir.

Ihinatid pa ni Basti si Vince hanggang sa exit at tinapik pa ang balikat nito.

---------------oOo---------------

Kinabukasan, pagdating ng second shift at makompleto ang mga tauhan ay nag-pahayag si Basti na mangangailangan siya ng isa o dalawa pang karagdagang trabahador. Hindi pa naman niya sinasabi ang kanyang balak patungkol kay Vince.

Basti: O! Baka may mairerekomenda kayo sa akin na walang trabaho at pwede sa ganitong klase ng trabaho. Hindi naman kelangan na college graduate. Pwede na high school graduate o nakatuntong ng kolehiyo. Basta masipag at mapagkakatiwalaan ay okay sa akin. Lalaki ha, yung pwedeng magbuhat ng mabibigat.

Si Art at ang isang kahera ay may irerekomenda daw,

Basti: Papuntahin ninyo dito. Hindi naman komo rekomendado ninyo ay tanggap na. Syempre dadaan yan sa interview ko. Aalamin ko kung talagang pasado sa akin. Tutal narito na ang second shift at lunch break ng first shift eh kain muna tayo. Nakabili na ba kayo ng ulam? Luto na ba ang sinaing Arlo?

Arlo: Yes Boss. Kanina pa. Tayo na at maghain. Kanina pa nga ako gutom eh.

Libre ang lunch para sa first shift at dinner naman para sa second shift, kaya kahit papano ay nakakatipid naman ang kaniyang mga tauhan.

---------------oOo---------------

Makaraan ang dalawang linggo ay may nakuha nang bagong empleyado si Basti. Isang bente uno anyos na binata na rekomendado ni Kahera 2, yung pang second shift na kahera. Maliit lang siya pero may katawan naman. Dati raw helper sa isang gym, kaya kahit papano ay nakakapag workout at gumanda naman ang katawan. Ivo ang kanyang pangalan.

Ipinahayag na rin niya na malilipat si Vince bilang office worker na siyang may responsibilidad sa inbentaryo at kasama niya na sa office. Magiging 8 – 5 ang office hours niya.

Basti: Simula ngayon ay sa opisina na magtatrabaho si Vince. Ivo, pagbutihan mo at sipagan mo. Probi ka pa at kung maganda ang pagtatrabaho mo dito ay baka ma regular ka. Okay?

Ivo: Yes Boss.

Umakyat na si Basti at kasama na si Vince.

Art: Swerte ng kapatid mo Arlo. Na promote agad.

Arlo: Deserving naman ang kapatid ko ano. Wala ngang salisalita iyon eh. Puro trabaho lang.

Kahera 2: Kahit ba sa bahay ninyo ay walang kibo lagi yang kapatid mo Arlo?

Arlo: Tahimik talaga si Kuya, pero mahigpit yan sa akin. Takot nga ako diyan pag nagalit eh. Disiplinaryan yan. Siga siga nga sa amin yan eh, lalo na ng nangangalakal pa kami. Walang inuurungan yan eh. Pero bilang kapatid ay napakabait niyan. Pag daw nagkatrabaho siya ng maganda ay papagaralin ako sa kolehiyo. Sana nga ay taasan ni Bossing ang sahod niya ano hehehe.

Art: Sigurado iyon. Pang 8 to 5 na siya. Bakit kaya hindi ikaw ang kinuha. Mas gwapo ka naman sa utol mo.

Arlo: Gago! Gagawin mo pang isyu sa amin yun. Trabaho na tayo uli.

---------------oOo---------------

Madali namang turuan si Vince. Sandali lang ay gamay na niya ang pag gamit ng computer pati na ang system na ginagamit nila sa inbentaryo. Mabilis na rin siyang mag type at kabisado na niya ang keyboard lalo na pag sa numbers. Kaya na niyang tipain kahit hindi nakatingin.

Naging parang assistant na si Vince at pati receiving ng inbentaryo ay siya na ang nag veverify, syempre may kasama pang iba, maliban kay Arlo. Hindi pwede na may relasyon ang parehong mag tsetsek.

Halos lahat ng ginagawa ni Basti ay itinuro niya kay Vince maliban sa pananalapi na tanging siya lang ang nakakaalam.

Kapag hindi masyadong busy ang dalawa ay nakakapagkwentuhan naman sila. Kahit anong topic, me mapagusapan lang.

Basti: May girlfriend ka ba ngayon Vince?

Vince: Ako? Wala po Boss. Wala naman pong magkakagusto sa isang basurero.

Basti: Uy ha. Marangal na trabaho ang pagiging basurero, saka masyado mo namang ninamaliit ang sarili mo. Sinubukan mo bang manligaw man lang?

Vince: Hindi na po Boss. Wala naman din akong ipagmamalaki sa kanila. Saka bata pa po naman ako. Eh kayo po Boss, May GF po ba kayo ngayon?

Basti: (Natigilan, napaisip) Ah eh eh. Nag break din kasi kami after 4 years na relasyon. Hindi ko alam kung bakit. Nasaktan ako kaya umiwas muna ako sa babae. Matagal na iyon. Limang taon na ang nakaraan. Pagkagraduate namin ay umalis na siya, nagpunta ng ibang bansa. Wala na kaming balita sa isa’t isa.

Vince: Ah. Walang closure. Pero naka move on na po kayo.

Basti: Wala. Oo naman, naka move on na. Maiwan muna kita ha. Baba lang muna ako.

---------------oOo---------------

Mga 30 minutes na ang lumipas ay hindi pa rin bumabalik si Basti. May itatanong sana si Vince. Medyo nainip na rin ito at sinilip kung nasa ibaba pa ang kanyang Boss. Malakas na tawanan ang agad na bumungad sa kanyang pandinig. Naroon si Vince at nakikipagkulitan sa kanyang mga tauhan, katabi si Arlo at tila nakaholding hands pa, masayang masaya. May kung anong bagay siyang naramdaman, parang nainis siya at binigyan ng ibang kahulugan ang nakita. Bumalik na lang siya sa opisina.

Pagbalik ni Basti sa kanyang mesa agad na siyang nagtanong tungkol sa kanyang ginagawa, walang binangit sa kasayahan nasaksihan.

---------------oOo---------------

Pagdating sa bahay ni Vince ay agad niyang hinanap si Arlo. Nadatnan niyang natutulog ito at hindi pa nakakaluto kaya siya na ang nagsaing matapos magpalit ng kasuotan.

Arlo: (pupungas pungas nang lumabas ng silid.) Kuya, dumating ka na pala. Nagsaing ka na?

Vince: Oo, akala ko eh hindi ka pa gigising eh. Bili na lang tayo ng lutong ulam.

Arlo: Oo Kuya, hindi nga ako nakadaan sa talipapa. Pasensya na kuya, nakatulog ako eh.

Vince: Sus, para yun lang. Nga pala, ang saya saya ninyo kanina ah. Ano bang pinagtatawanan ninyo.

Arlo: Ah kuya, si Boss kasi nakipaglokohan sa amin. Puro green jokes ang kinuwento. Nakakatawa naman talaga. Okay din pala siya ano kuya. Sa kwarto ninyo, nagkukuwentuhan din ba kayo?

Vince: Ah ganon ba! Eh bakit parang nakaholding hands pa kayo. Alam mo Arlo, me napapansin ako sa boss natin, parang masyadong mabait sa atin, lalo na sa iyo. Ingat ka ha, baka kung anong binabalak niya sa iyo ha.

Arlo: Si kuya ang sama ng isip. Buti nga at mabait sa atin at hindi mahigpit. Ginawa ka pa ngang assistant niya. Saka kilala nila si Nanay, matagal palang naging kasambahay nila si Nanay at siguro ay talagang mabait lang sila.

Vince: Basta, magingat ka pa rin. Bile ka na ng ulam, kahit pritong isda at gulay na lang. Yung pinabibiling pangulam natin bukas ni Boss ha, baka malimutan mo.

---------------oOo---------------

Simula noon ay naging mapagmasid na si Vince, lalong lalo na kapag si Arlo ang kausap. Wala naman siyang kakaibang napapansin sa kanyang Boss. Naghihinala kasi siya na may pagka silahista ang kanyang boss.

Isang araw ay nagpaalam si Basti na lalabas matapos kumain ng tanghalian. Ibinilin niya ang tindahan kay Vince.

Sa isang mall lang naman nagpunta si Basti at may kinatagpong isang lalaki. Matagal tagal din nagusap ang dalawa sa fastfood ng mall. Bandang alas kwatro na ng hapon ng maghiwalay si Basti at ang kausap niya.

Noon oras naman na iyon ay naglalakad si Arlo dahil bibili siya ng sapatos. Lumang luma na ang ginagamit niyang sapatos at dahil kasusuweldo lang ay pinayagan siya ng kanyang kuya na bumili na ng bagong sapatos. Tyempong nakita niya si Basti habang ihinatid papalabas ang lalaki. Nagtama ang kanilang paningin at agad naman siyang nilapitan ni Basti.

Basti: Mag sashopping ka yata Arlo.

Arlo: Bibili lang po ako ng sapatos bossing. Pudpud na pudpod na kasi ang swelas ng aking sapatos hehehe.

Basti: Pag sa labas, huwag mo na akong bino-boss, nakakahiya. Basti na lang, magkaibigan naman tayo di ba?

Arlo: Kayo po ang bahala bo..bo Basti hehehe. (Napakamot sa ulo, nahihiya.)

Basti: Pati ‘po’ ay alisin mo na rin. Tumatanda naman akong masyado niyan.

Arlo: Okay. Mauna na ako para makapili na ako ng sapatos at makauwi ako ng maaga.

Basti: Samahan na kita.

Nang makapili na si Arlo ay nagtungo na ito sa kahera para magbayad. Ngunit sa halip na siya ang magbayad ay ang credit card ang ibinigay ni Basti. Kumunot ang noo ni Arlo at gustong magprotesta. Naunawaan naman agad ni Basti ang ikinilos ni Arlo.

Basti: Sa akin mo na lang ibigay ang cash mo at wala akong cash na dala ngayon. Magagamit ko pa iyan ngayon, tutal, sa isang buwan pa ang bayaran niyan hehehe.

Palabas na sila ng department store ng iabot ni Arlo ang kanyang pera.

Basti: Mamaya na. Mag miryenda muna tayo.

Arlo: Boss ah eh Basti, magluluto pa ako ng hapunan namin. Saka busog pa naman ako.

Basti: Eh di mag takeout ka na lang. Tayo na.

Inakbayan ni Basti si Arlo habang naglalakad papasok sa Jollibee. Ang kamay ni Basti ay umabot pa sa dibdib ng kanyang tauhan. Habang kumakain ay nag-uusap ang dalawa.

Basti: Hindi pa nga ba nagkaka GF ang kapatid mo?

Arlo: Wala akong alam na naging GF niya. Hindi ko lang alam. Tahimik kasi iyon dati pa at hindi nagkukuwento. Pero maraming nagkaka gusto sa kanya noong high school pa kami. Meron pang bading na patay na patay sa kanya. Gwapo naman talaga si Kuya.

Basti: Sinabi mo pa. Eh ikaw, nagka GF ka na ba.

Arlo: Dati noong Grade 9 ako. Nagalit si Kuya ng malaman iyon. Hirap na hirap na nga daw kami ay mag ge-girlfriend girlfriend pa. Kaya nakipag break agad ako. Simula noon ay hindi na ako nanligaw. Mas lalo na ng namatay si Nanay.

Basti: Pareho kayog napakagwapo. Wala bang bading na nagparamdan sa inyo hehehe. Pwede mo nang hindi sagutin. Alam ko na naman ang sagot hehehe.

Arlo: Okay lang. Oo, marami. Huwag na huwag nyo lang pong masasabi kay kuya.

Basti: Walang ‘po’. Kulit nito.

Arlo: Ay sorry hehehe. Hindi pa ako sanay na walang “po” eh. Yun nga, minsan na akong pumatol sa bakla. May sakit kasi noon si Nanay at wala kaming pambili ng gamot o pagkain man lang. Kaya ayun, kapit sa patalim ika nga, nakumbinsi ako ng kaibigan ko na patulan na ang isang bakla na patay na patay sa akin. Kahit papano ay nakabili ako ng gamot ni Nanay saka pagkain. Idinahilan ko na lang na marami akong napulot na kalakal at malaki laki ang napagbentahan.

Basti: Naulit pa ba iyon dahil sa pangangailangan o dahil nagustuhan mo na rin.

Arlo: Naulit pa, mga dalawang beses. Kapos talaga at tama ka, nasasarapan din ako. Ngayon ay hindi na. Kami na lang naman ni Kuya ang iniintindi namin eh. Wala na si Nanay. Ang maganda ay hindi kami naupa ng bahay. Minana pa kasi ni nanay ang maliit la lupang kinatitirikan ng aming barong barong.

Natahimik ang dalawa. Naubusan na yata ng itatanong si Basti. Napatanga. Naglakbay ang isipan sa kawalan. Nagbalik lang sa kasalukuyan ng magsalita na uli si Arlo

Arlo: Si kuya, baka naghihintay na si Kuya. Wala naman kaming cellphone para ma itext man lang siya.

Basti: Sandali lang. Hinihintay ko lang ang ating takeout. Ayan na pala.

Basti: (Inabot ang supot kay Arlo.) Pang dinner ninyo. Saka eto yung pera. Regalo ko na lang sa iyo iyang sapatos. Huwag mo na lang sabihin sa kuya mo na bigay ko iyan pati ang chicken. Ipunin mo yan para sa pag-aaral mo kung sakaling maisipan mong mag-aral uli.

Arlo: Nakakahiya naman.

Basti: Huwag ka nang mahiya. Kahit papano ay pasasalamat iyan dahil naalagaan ako ng nanay mo kahit sandali lang. Sige na, ihatid na kita sa sakayan ng tricycle. Kung ihahatid kita sa inyo ay baka kung anong isipin ng kuya mo.

Pagkahatid ni Basti kay Arlo ay nagbalik na siya sa tindahan. Maraming nabili at pila sa kahera. Nagmadali na siya para makatulong kung kinakailangan.

---------------oOo---------------

Habang wala masyadong tao at kumpleto ang mga tauhan ng grocery ay may sinabi si Basti.

Basti: Sino nga pala sa inyo ang wala pang cellphone?

Halos lahat naman ay may cellphone na maliban sa magkapatid na Arlo at Vince.

Basti: Kung gayon, lahat pala kayo ay may cellphone na at sina Arlo at Vince na lang ang wala. At dahil sila na lang ang wala ay ibibili ko silang dalawa ng cellphone.

Hiyawan ang mga empleyado. Ang daya daya daw. Biglang wala na lang silang cellphone ang isinisigaw.

Basti: Sandali, sinabi ko, ibibili ko pero hindi ko sinabing libre. Huhulugan ninyo sa halagang kaya ninyo. Ano ako, mayaman hehehe. Kala ninyo eh libre ano hehehe.

Naging interesado ang mga empleyado at tinanong kung anong modelo.

Basti: Hindi naman yung mamahalin masyado na iphone iphone. Yung halagang 10 to 15k lang at huhulugan sa loob ng tatlong taon, salary deduction. Tatagal ba kayo dito ng tatlong taon?

Kahera 1: Opo naman bossing, ako nga eh naka tatlong taon na at pioneer ako dito hehehe.

Basti: So, lahat kayo gusto. Sige mamili na kayo. Eto ang mga brochure, mamili na kayo. Pero sana ay parepareho na lang ng klase para madaling bumili. Syempre, kekelanganin ninyo ng internet, ang internet ko sa bahay ang gagamitin ninyo at hindi yung dito sa tindahan. Okay na?

Tuwang tuwa ang mga empleyado. Kahit na may bayad eh magaan naman ang hulog.

---------------oOo---------------

Nagkasabay sa CR si Arlo at si Basti.

Arlo: Salamat. Alam kong dahil sa akin kaya naisipan mo na ibili kami ng CP. Maraming salamat talaga. Napakabait mo talaga.

Basti: Maliit na bagay. Saka hindi libre iyon no. Babayaran naman eh.

Arlo: Kahit na. Hindi namin kayang bilhin ng cash iyon.

Basti: Bukas, pagkatapos ng shift mo ay samahan mo ako ha. Tayong dalawa ang bibili. Pakisabi na sa isang brand na lang para hindi mahirap mamili.

Arlo: Okay po bossing. Nasa office tayo kaya boss uli hehehe.

Nag thumbs up lang si Basti at sabay na silang lumabas. Nakita naman sila ni Vince na sabay lumabas ng CR. Nag-iba ang timpla niya. Nainis. Hindi lang ipinahalata ng magkasalubong sila ni Basti at ng kanyang kapatid.

---------------oOo---------------

Makaraan ang dalawang araw ay may bago na silang CP.

Basti: Sa bahay na dutdutin ha. Huwag dito. Yung number ninyo ay kelangan meron dito sa office ha. Ibigay ninyo sa kahera 2.

Tuwang tuwa ang mga empleyado. Sobrang excited na magamit na ito agad.

Sa office ay parang walang kasiglasigla naman si Vince ng ibigay sa kanya ang kanyang CP. Napansin ito ni Basti.

Basti: May problema ba Vince?

Vince: Wala po Boss.

Basti: Eh bakit parang hindi ka masaya. Ayaw mo ba ng CP. Hindi ba mas maganda na may CP kayo pareho para nababantayan mo ang kapatid mo at alam mo kung saan napunta?

Vince: Hindi po sa ganoon Boss. Gusto ko po sanang magipon siya para may pang enroll siya sa susunod na pasukan. Eh dahil sa may huhulugan pa kami ay hindi kami makakaipon agad.

Basti: Saan mo ba gustong papag-aralin si Arlo, sa private university ba?

Vince: Hindi naman Boss. Sa state university lang. Hindi naman niya kaya sa UP. Siguro sa PUP na lang po.

Basti: Alam na ba ni Arlo ang balak mo?

Vince: Napagusapan na po namin.

Basti: Nakakuha na ba siya ng application?

Vince: Hindi pa po boss. Hindi kasi namin alam kung kelan. May exam pa rin daw eh.

Basti: Ah Okay. Sige baka makatulong ang kaibigan ko. Magtatanong ako sa kanya. May kakilala siya na doon nagtatrabaho.

Vince: Naku salamat ng marami.

Basti: Tungkol sa trabaho niya dito eh mapaguusapan natin iyan. Saka na natin problemahin kapag nadyan na.

Sa sobrang tuwa ni Vince ay nayakap niya si Basti. Niyakap din naman siya ni Basti at hindi nila namalayan na may dalawang mata na nakamasid sa kanila. Si Arlo, hindi agad tumuloy dahil sa nakita sa dalawa. Nang bumitiw na ang dalawa ay saka lumapit si Arlo.

Arlo: Kuya, paki tingin naman ng presyo nito. Walang nagaapear eh. Bagong stock ito eh.

Vince: (Sinilip ni Vince sa computer.) Wala pa ngang nakalagay na Presyo. Bossing magkano ang selling price natin nito.

Basti: Gawin mong 25% mark up plus VAT.

Vince: Okay na. May nabili na ba?

Arlo: Oo eh. Sige po bossing. Salamat. Salamat kuya.

Parang natulala si Arlo. Iniisip ang nasaksihan. Maraming tanong ang nabuo sa kanyang isipan. Isa na rito ay kung may relasyon ang kanyang kuya at ang kanilang Boss. Naisip rin niya na sa kanya nagpakita ng kabaitan ang kanilang Boss at ang akala nga niya ay nagkakagusto sa kanya ito. Sa katunayan ay parang bibigay na nga ito sa kanya.

Kahera 1: Arlo ano sabi, Paki bilis.

Arlo: (Nagulat, nagising sa pagmumuni muni.” Hah! Okay na. Punch mo na lang.

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Rigodon de Amor (Part 1)
Rigodon de Amor (Part 1)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEi4NR9qXUOoLH4UvcDa3PwIk50jdeq_ZeN1kLQyANVbQnUxG04wNzZnkk57-oFraQLBqOlvRUq_z_hflsRLh3foIKBusD_-eBEz8YoRN4rQTPcLZWudCF0sN86oENTb31a2VHw7xWOJPlM3c3iYPPkSBlzLmVYO8aFxJU8-kwGNc6PN_0XQ6KVy6s5E6g/s400/Rigodon%20de%20Amor.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEi4NR9qXUOoLH4UvcDa3PwIk50jdeq_ZeN1kLQyANVbQnUxG04wNzZnkk57-oFraQLBqOlvRUq_z_hflsRLh3foIKBusD_-eBEz8YoRN4rQTPcLZWudCF0sN86oENTb31a2VHw7xWOJPlM3c3iYPPkSBlzLmVYO8aFxJU8-kwGNc6PN_0XQ6KVy6s5E6g/s72-c/Rigodon%20de%20Amor.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2022/05/rigodon-de-amor-part-1.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2022/05/rigodon-de-amor-part-1.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content