$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

Shut Up And Dance With Me (Part 1)

Ang Baklang Martial Artist By Torchwood Agent No. 474 AUTHOR’S NOTE: Magandang araw sa inyo! Matagal-tagal rin since huli akong naka...

Ang Baklang Martial Artist

By Torchwood Agent No. 474

AUTHOR’S NOTE:

Magandang araw sa inyo! Matagal-tagal rin since huli akong nakapagsulat ng LGBTQIA + Themed na kwento. Ako ang dating sumulat ng Torchwood Files noong nasa KwentongMalilibog pa lang tayo, at balak kong tapusin ang kwentong ‘yon. Busy kasi ako that time sa college, and now, I am working na and I have extra time na ulit para magsulat. I will be happy if babasahin nyo ‘yun ulit dahil jakol-worthy ‘yun! HAHAHA!!!

Gustuhin ko mang sumulat ng continuation sa Torchwood Files ngayon, iba ang gustong sabihin ng utak ko… so I might as well write a different story. However, makakaasa kayong gagawan ko agad ng follow-up ang Torchwood Files after this. Fictional lang ang kwentong matutunghayan ninyo ngayon, but there are elements from the people based on my experiences. Let us start the new story!

Ako si Valens D. Romesempero. 25 years old na bunsong anak ng pamilya. Slim-fit na may abs. Morenong mistisuhin na 5’11’ ang tangkad. Nakatira ako sa bayan ng Filejena, Agusan del Sur. Maraming nagsasabi na mejo gwapo daw ako na boy-next-door type ang mukha at kahit papaano ay may mga nagkaka-crush sa aking mga babae at bading, pero mas gusto ko ng straight gumalaw na gay, dahil isa rin akong discreet gay. Hindi alam ng pamilya at mga kaibigan ko na isa akong gay ngunit para makasigurado na hindi ako mabu-bully ay nag-aral ako ng martial arts.

Since G7 ko ay naramdaman ko na na may kakaiba sa akin, at dahil na-gets ko kaagad na may pagka-homophobe ang mga tito ko noon, agad kong inilihim ito. Buti na lang at noong G8 ako, habang naglilibot ng channel ang lolo ko sa mother’s side, may nadaanan siyang channel na may fight scene - Ong Bak ni Tony Jaa. Nabigla ako’t pinatigil ang paglipat sa channel para lang pagmasdan ang fight scene ng pelikula. Nanlaki ang aking mga mata sa aking nakikita dahil nagugustuhan ko ito. Dahil sa Ong Bak, napagtanto ko na gusto kong matuto ng martial arts, specifically Muay Thai. Pinilit ko ang aking mga magulang na ipag-train ako, pero dahil walang kahit isang Muay Thai gym sa bayan namin kaya nagtyaga na lang muna ako sa Karate. Dito na nabuo ang pangarap kong maging isang magaling na martial artist. Kahit isa man akong closeted gay ay gusto kong tingalain din ako ng mga tao dahil sa kaastigan na meron ako. Hindi sa pagmamaliit sa mga Karate fighters pero mas gusto ko kasi ang Muay Thai; tingin ko magandang stepping stone ito para mas matuto pa ako ng MMA o Mixed Martial Arts. Buti na lang at may talent din ako sa pagsasayaw kaya hindi ako nahirapan. Parang sayaw lang din ang martial arts, pero masasaktan ka lang ng pisikal. Okay rin naman ang Karate para sa akin, at kahit papaano ay nasasali ako sa mga pa-tournament ng school o ni Mayor.

Fast forward tayo sa panahong malapit na akong magtapos ng G11. Masinsinan kong kinausap ang akong mga magulang habang naghahapunan kami. Saktong wala ang mga kapatid ko dahil sa work.

“Pang, Mang, malapit na po ang huling taon ko sa senior high. Kung kayo ang tatanungin, ano ang gusto ninyong kurso para sa akin?” Marahan kong tanong habang sumusubo ng ulam.

“Anak, kung ako ang tatanungin, gusto ko sanang mag-pulis ka or military, kasi sayang ang tangkad mo at ang pagma-martial arts mo.” Sagot ng aking ama na isang retired policeman. “Kung pwede nga sana dito ka na lang sa atin mag-pulis, or kahit mag-Educ na lang para di ka na malayo sa amin at mas natututukan ka pa namin.” Dagdag pa nito. Tumango ako at humingang malalim.

“Pang, naiintindihan ko po kayo, pero alam n’yo naman pong di ko trip ang Crim or military kasi napaka-rigid niya, at di rin ako sigurado sa Educ.” Sagot ko. Naghintay muna ako ng ilang saglit bago muling magsalita. “Gusto ko pong sa Cagayan de Oro City mag-aral at makatikim man lang ng buhay-university student. Makailang beses ko na po sinabi sa inyo ng pabiro pero di n’yo naman pinapansin.” Binigyan ko sila ng konting ngiti, umaasang papayagan nila ako.

“Anak, alam mo namang mahal sa siyudad diba?” Pagtutol ng aking ina. “Mahal din ang mga tuition sa mga schools, pwera sa mga state universities pero pahirapan makapasok doon. Paano ka mabubuhay doon?” Pagaalinlangan niya.

“Pero Mang, kaya naman po ng utak ko, at diba nga honor student din ak -”

“Anak intindihin mo naman sana kami. Alam namin na gusto mo sa isang mas magandang skwelahan pero baka di kayanin ng bulsa natin.” Mariing pagtutol ng aking ama. “Kung pwede dito ka na lang. Ano ba ang meron sa CDO ha? Yung totoo.”

“Kasi po…” Mahina kong sagot. “Chance ko na ‘to para matuto ng iba pang martial arts…”

“Sinasabi na nga ba!” Tugon ng akin isa sa aking mga nasabi. Binitawan niya ang mga kubyertos para mas maka-focus sa akin. “Anak, mahal ang buhay sa siyudad, at kung hindi ka magtitipid ay magugutom ka, tapos magdadagdag ka pa ng magiging gastusin sa allowance mo?” Maawa ka sa amin, ‘nak.” Pagmamakaawa ng aking ina.

“Sana maintindihan mo anak. Kokonti lang din ang kinikita ng mga kapatid mo at marami pa tayong utang na binabayaran. Konti lang din ang kita sa sari-sari store ng nanay mo. Kumain ka na lang diyan.” Dagdag na pangungunsensya ng aking ama.

“Hahanap ako ng paraan, Pang. Kakayanin po natin ‘to -”

Hindi ko na natapos ang sentence ko dahil pinatahimik na rin ako ng ina ko. Napayuko na lang ako sa aking upuan at sumubo na lang ulit ng ulam. Pagkatapos na pagkatapos kong kumain ay hinalikan ko ang mga magulang ko sa pisngi at nagtungo na lang sa aking kwarto.

Nakaupo ako sa kama ko habang nire-replay ang eksena sa lamesa kanina. May iilang butil ng luha na tumutulo mula sa aking mga mata. Kung papipiliin, mas gugustuhin ko pang umiyak na lang sa posibilidad na baka di ko matupad ang mga pangarap ko kesa naman umiyak dahil isa akong bakla na pwedeng pagtawanan ng mundo. Kaya kong makipaglaban ng pisikalan sa kahit kanino, pero mahirap atang tumayo kung puso at pangarap mo na ang nasasaktan. Dahan - dahan akong humiga sa kama habang yakap ang aking unan.

Naalimpungatan ako nang madaling araw. Nakatulog pala ako. Lumabas na lang ako ng kwarto para uminom ng tubig at mag-CR, at pagbalik ko sa aking kwarto ay napansin ko ang iilan sa mga Karate medals na napanalunan ko. Napangiti ako ng bahagya dahil sa pagkinang nito. Dahil din sa mga medals ko na ‘to kaya minsan ay kumikita ako mula sa mga napapanalunan kong mga pa-tournament ng local goverment namin at kahit papaano ay nakakapagbigay ako ng tulong sa mga magulang ko. Minsan din ay suma-sideline ako bilang trainor sa gym kung saan ako nagma-martial arts para mas kumita pa. Swerte kung makakatanggap ako ng tip, pero kadalasan ay hindi. Makailang beses na rin akong in-encourage na sumali sa mga mas malalaking tournament sa labas ng probinsya namin kaso parati kaming kapos, at minsan naman ay dahil sa pagiging busy sa school.

Habang pinagmamasdan ko ang mga medals ko ay bumalik sa alaala ko ang unang beses na nakipag-sparring ako sa Karate noong G8 pa ako:

“Arrrrggghhh!” Bumagsak ako sa sahig ng gym dahil sa sipang tumama sa ulo ko. Umiikot ang aking paningin habang inaayos ang aking sarili habang tumatayo.

“‘Wag mong kalimutang mag-cover habang inaatake ka ng kalaban, Valens!” Paalala ni Kuya Jops, ang ka-sparring ko na anak lang din ng Sensei, o teacher, namin. “Pag pine-pressure ka na ng kalaban, bigyan mo ng isang bira tapos alis ka kaagad sa pwesto mo para hindi ka maging punching bag. Tapos hanap ka ng opportunity kung saan open ang kalaban mo saka mo bigyan ng combo! Focus!” Dagdag paalala pa niya habang patalon-talon.

Muli kaming nag-touch gloves ng kalaban ko at naghanda sa continuation ng laban namin. Napansin kong dahan-dahan siyang lumapit kaya umatras ako ng konti. Binigyan ko siya ng fake jab at napaatras siya. Napansin ko na bukas ang kanyang tiyan kaya humakbag agad ako para ma-front kick ito, na agad naman niyang nailagan papunta sa may tagiliran ko. Agad ko siyang hinanapan ng opening at baka maka-follow-up pa ako ng atake, pero alanganin na pala ang pwesto ko kaya inayos ko sarili ko. Ngunit bago ko pa naman maayos ang postura ko ay nakita ko na na itinaas na ng kalaban ko ang kanyang paa para ako’y sipain ngunit fake lang pala ‘yun. Buti na lang at napansin ko pa na papunta na ang isang kamao niya sa may mukha ko na agad ko namang na-block. Nakita kong open ang gilid ng ulo ni kuya Jops dahil naka-extend pa ang kamay niya sa akin kaya susuntukin ko na sana ito, pero hindi ko napansin ang pa-combo niyang livershot na nakapagpababa ng cover ko sa mukha. Ang huli ko na lang nakita ay ang puting gloves ng kalaban ko na papunta sa direksyon ng mukha ko. Ang sunod kong naalala ay nasa sahig na naman ako.

“Do not forget to cover!” Ulit ng aking kalaban habang tumatayo ulit ako. Hinilot-hilot ko saglit ang aking ulo bago pumwesto para sa laban naming.

Huminga akong malalim. Hindi makakaila na magaling, malakas, at mabilis ang kalaban ko dahil mas matagal na siya sa sports na ito kesa sa akin, at may mga medalya na ito.

Lumapit ako sa kalaban para ma-jab ko siya at masipa, ngunit bago pa mangyari ‘yun ay nasipa na niya paa ko kung kaya’t nawalan ako ng balance. Akmang tatayo ulit ako ng maayos ngunit dalawang mabibilis na 45-degree kicks ang natanggap ng aking sikmura kung kaya’t napaluhod ako sa sakit.

“Focus, Valens!”

Sigaw ng isang boses sa aking likod. Paglingon ko ay ang Sensei pala namin ‘yun. Kararating lang niya galing bayan kaya agad kaming umayos ni kuya Jops para mag-bow sa kanya.

“‘Yun ang sinasabi ko sa kanya, ‘Tay. Ang ending eh nabubugbog tuloy siya!” Komento ng aking kalaban.

“Ang hirap, ang sakit! Lugi ako sa ‘yo!” Reklamo ko naman habang hinuhubad ang aking mga gloves.

“Sa una lang ‘yan, Valens. Kung matututo ka kaagad ng mga proper covering, mas mapapadali laban mo.” Sagot naman ni kuya Jops habang nagsa-shadow box ng mahina.

“Hindi ata martial arts ang para sa akin?” Buntong hininga ko.

“Valens, mahirap talaga ang martial arts, lalo na sa simula, at masakit.” Sagot ng aking Sensei habang hinuhubad ang kanyang tsinelas para makapasok sa mats kung saan ako nagte-training. “Lahat ng bagay na gusto nating makuha ay mahirap talaga sa simula.” Dagdag pa nito.

“‘Wag kang mawalan ng pag-asa, Valens.” Tugon ni kuya Jops sa akin. “Ganyan din sinabi ko dati, pero nilakasan ko lang loob ko.” Dagdag pa niya habang nagste-stretching saglit.

“Ganito na lang, ako muna ang magha-handle sa ‘yo. Bibigyan kita ng mga mahihinang atake. Dapat mo silang maiwasan or ma-block lahat, at habang tumatagal ay pabilis ng pabilis ang mga ibibigay ko sa ‘yo. Kaya?” Hamon sa akin ni Sensei habang binibinat ang kanyang mga paa at binti.

Napatingin ako saglit sa Sensei ko saka humingang malalim. Inayos ko ang aking sarili habang kaharap siya. Nagpakawala ng mga maliliit at repetitive strikes si Sensei, at pabilis ito ng pabilis. On my part, nakukuha ko na ang pattern ng Sensei ko kaya madali lang para sa akin para ma-block ito. Habang bumibilis naman ang bigay ng Sensei ko ay palakas naman siya ng palakas. Buti na lang at naba-block ko ito kahit masakit. Nagugustuhan ko na ang mga nagagawa ko ng biglang nag-fake ang Sensei ko na siyang ikinagulat ko. Nagulat na lang ako ng nasa sahig na ako dahil binigla pala niya ako ng takedown!

“Akala mo ba talaga pare-parehas lang lahat ng ibinibigay ng kalaban mo sa ‘yo?” Natatawang tanong ni kuya Jops. “Walang pattern sa mga labanan, Valens! Again, focus. Clear your mind sa kahit anong pag-iisip. ‘Wag mong isipin na dapat makaganti ka using a specific set of combos. Improvise when you see an opportunity or opening. Kung masaktan, edi sige dahil parte ‘yan ng training. Pero dapat sa susunod ay makagawa ka ng paraan para hindi ka masaktan nang muli ng pangalawang beses.” Dagdag pang payo niya.

“Minsan, nakokompyansa tayo sa mga nangyayari sa buhay natin. Akala natin iisa lang ang sulusyon sa lahat ng bagay.” Tugon ng aking Sensei habang hinihila ako patayo. “Dapat matuto at gumawa tayo ng ibang techniques at diskarte sa pakikipaglaban. Dapat din ay listo tayo sa mga openings ng kalaban natin na pwede nating magamit laban sa kanila.” Nakatutok lang ako sa mga mata ng aking Sensei.

Bumalik ako sa aking ulirat. Ang totoo niyan ay nag-information overload ako sa mga pinagsasasabi ng Sensei ko at ni kuya Jops, sakatunayan ay makailang beses pa nila akong napagsabihan ng ganun hanggang sa pumapasok na siya sa kokote ko. Dahil na din sa mga paulit-ulit nilang pagpapasensya at pagpapayo sa akin ay natuto ako. Napaupo ulit ako sa aking kama habang nakatutok pa rin ako sa aking mga medalya. Isang realization ang sumagi sa aking isipan.

“Parang sparring lang din ‘to, pero hindi tao ang kalaban ko kundi ang hirap ng buhay. Kung nakaya kong magka-medal dahil sa pakikipaglaban sa ring, kaya ko rin naman sigurong makuha ang pangarap ko kung mag-iiba lang ako ng technique?” Kunot-noong tanong ko sa aking sarili.

Napansin ko na sa tabi ng mga medalya ko ay ang family picture namin kasama ang iba ko pang mga tito. Snap! Biglang lumabas ang ngiti sa aking bibig. Agad kong kinuha ang ballpen ko sa bag at notebook para sumulat:

GOAL: MAG-ARAL SA ISANG MAGANDANG ESKWELAHAN SA SIYUDAD AT MATUTO NG MIXED MARTIAL ARTS

PAANO ITO MAAGAWA?

1. Magkaroon ng magandang grado at baka makakuha ng scholarship.

2. Mag-ipon ng mabuti para may panggastos sa college.

3. Kausapin ang mga na-close kong tito at tita baka ma-sponsoran nila ako.

4. Humingi ng tulong kay Sensei at baka may kilala siyang mga martial artists sa CDO para matulungan ako.

5. Kapag nagkaroon ako ng mayamang client sa Karate gym ay kakapalan ko mukha ko’t baka makatulong siya sa sponsorship ko.

DURATION: 1 YEAR!

“Hindi ko alam kung magkakasya ba lahat ng ito sa isang taon, o kung gagana ba kaya ‘to. Ikaw na bahala sa laban ko, Lord.” Wika ko habang nakapikit na tinataas ang aking ulo sa langit, umaasang maririnig ito ng Panginoon.

Huminga akong malalim habang nililigpit ulit ang notebook ko. Kinakabahan sa kung ano mang pwedeng mangyari sa mga pangarap ko. Bumalik ako sa pagkakahiga ko sa kama.

Kinabukasan, pagkatapos ng klase ay nagtungo agad ako sa gym para magturo. Bandang 7 PM na kami natapos ng tinuturuan ko at umuwi agad ako sa bahay. Nadatnan kong kumakain na ang mga magulang ko habang papauwi pa lang ang iba ko pang mga kapatid.

“Kain na, anak.” Hinahawi ng ina ko ang upuan para makaupo ako sa mesa habang nagmamano naman ako sa kanilang dalawa.

“Mang, Pang…” Marahan kong pagsasalita. “Hanggang ngayon po ay nasa utak ko pa rin ang usapan natin kagabi, at naiintindihan ko po kayo. Hiling ko lang po ay pakinggan n’yo muna ang sasabihin ko bago kayo sumagot ng kahit ano.”

Huminga akong malalim, naghihintay ng sandali bago ako muling magsalita. Nakatitig lang ang mga magulang ko sa akin habang naghihintay sa susunod kong mga salita.

“Gusto ko pong malaman ninyo na tatahakin ko po ang pangarap na gusto ko - ang mag-aral sa CDO at matuto ng MMA.” Matatag kong pagsasalita. “May isang taon pa po ako para makagawa ng paraan sa pinapangarap ko. Kung kaya kong makipaglaban sa loob ng ring, makikipaglaban din po ako para sa mga pangarap ko.” Dagdag ko pa habang nakatutok sa mata ng kanyang mga magulang.

“Hindi mo ba talaga alam ang mga pinagsasasabi mo -”

“Alam ko, Pang! Hinahamon ko ang kapalaran at ang tadhana ko. May isang taon pa po ako para makagawa ng paraan.” Dahil sa apoy na nararamdaman ko sa puso ko ay hindi ko na pinatapos ang ama ko sa kanyang pagkontra. “Basbas lang po mula sa inyo ang hinihingi ko, at itataya ko po pagkalalaki ko matupad lang ang pangarap ko sa malinis na paraan!” Matapang kong tinuran. Kahit bakla ako ay may pagkalalaki pa rin naman akong tinataglay, ay talagang itataya ko iyon sa ngalan ng aking pangarap at kinabukasan!

“Bahala ka, anak. Sana lang ay kaawaan ka ng Panginoon diyan sa mga sinasabi mo!” Ito lang ang tanging nasambit ng aking ama.

“Bigyan po ninyo ako ng isang taon. Kung ano man ang mapapala ko, tingnan natin kung ano ang pwede nating magawa roon.” Seryoso kong pahayag sa aking mga magulang. “Hiling ko lang ay payagan at suportahan ninyo ako sa aking mga gagawing diskarte.” Dagdag ko pang mga tinuran habang nagiging kamao na ang aking mga palad.

Napatango lang ang aking ama ngunit hindi siya nakatitig sa akin. Pinagpatuloy niya ang kanyang pagsubo ng ulam habang mas hinawi pa ni nanay ang silyang uupuan ko.

“Kumain ka na lang.” Hirit ng aking ina habang kumukuha pa ng dagdag na kanin.

Agad akong umupo sa hapag kainan para kumain, at kinabukasan ay kinausap ko agad ang aking Sensei tungkol sa mga plano ko. Pagdating naman ng weekends ay iniisa-isa ko ang aking mga tito para hingan ng tulong tungkol sa mga plano ko. Lahat sila ay nagdadalawang-isip kung magagawa ko ba ang lahat ng iyon, pero nakita nila na buo ang aking loob kaya’t hinayaan nila ako.

To cut the story short for now, naawa ang Panginoon sa akin. Ito ang over-view:

Pagka-graduate ko, kahit hindi ako naging valedictorian, ay nagawa ko namang pumasok sa top 5 ng buong batch namin. Hindi ko alam kung magiging sapat ba ‘yon for a scholarship grant sa college, pero sapat na ‘yun para sponsoran ako ng dalawa kong tito ng weekly allowance at ang magiging boarding house ko sa college dahil na-impress sila sa nagawa ko, pero kulang iyon. Kung tatanungin naman ang mga naipon ko, sapat lang din talaga siya para makabayad ako ng kahit kalahating semester lang sa college.

Dahil din sa swerte at sa kabaitan ng Panginoon ay naging client ko si Mrs. Chai, Isang isang madaldal na negosyanteng Intsik na mabait at hiningan ako ng tulong na kung pwede bang sa loob ng lima at kalahating buwan ay marating niya ang timbang na 75 kgs mula sa orihinal niyang 120 kgs. Pagkaraan ng limang buwan at kalahati, at dahil na rin sa pursigido kaming dalawa ng client ko ay lumagpas siya sa timbang na 75 kg at naabot niya ang 69.8 kgs! Sa sobrang tuwa sa akin ni Mrs. Chai ay sinunggab ko agad ang pagkakataon na kung pwede ba ay tulungan niya ako na makapag-aral sa college. Dahil daw sa nagawa ko siyang papayatin, at dahil sa konting panliligaw na rin ni Sensei, nailapit niya ako sa mayor namin. Malakas ang kapit ni Mrs. Chai kay mayor dahil backer siya ito sa pagtakbo sa eleksyon kaya’t pwede niya akong tulungan na magka-scholarship at makapag-aral sa CDO. Nag-pledge rin si Mrs. Chai ng extrang pang-tuition sa akin. Sa dagdag na tulong naman ng aking Sensei ay nagawa niya akong bigyan ng contacts sa mga kasamahan niyang martial artists sa CDO.

Hindi ko aakalaing nalagpasan ko ang isang taong paghihirap para lang magka-stepping stone para sa aking mga pangarap. Isang mahigpit na yakap ang inalay sa akin ng aking mga magulang sa araw ng aking graduation.

“Ipinagmamalaki ka namin anak!” Papuri ng aking ina habang sinasabitan ako ng sampaguita.

“Patawarin mo sana kami dahil hindi kami naniwala sa ‘yo.” Isang madiing halik sa noo ang natanggap ko mula sa aking ama habang yakap-yakap ako.

“Wala ‘yun, Pang. Naiintindihan ko rin naman kayo eh. Sadyang matigas lang ang ulo ko.” Biro ko habang pinapahid ang iilang butil ng luha sa aking mga mata.

“Pasalamat na lang kami at hindi ka nakinig sa amin. Mabuti na lang matigas ulo mo!” Natatawang sabi ng nanay ko.

“Hindi ka lang sa taas ng ring matibay anak, kundi pati na rin sa puso at pangarap!” Pagmamalaking sabi sa akin ng aking ama. Tinitigan niya ako sa mga mata. “Pinapahintulutan na kitang mag-aral sa CDO, basta ba siguraduhin mong magpapakatino ka at maaabot mo nga ang mga pangarap mo!” Nasasabik niyang dagdag.

Hindi na ako nakaimilk pa dahil isang mahigpit na yakap na lang ang naging tugon ko sa mga sinabi ng ama ko, at tuluyan ng bumuhos ang aking mga luha dahil sa galak.

Sobrang proud sa akin ng ama ko dahil nagawa ko ang isang imposibleng bagay. Tumatak sa akin ang papuring iyon ng aking ama kung kaya’t mas nag-alab ang aking puso na magpursiging mag-aral.

Fast forward ulit tayo, and this time, sa college. Dahil sa oportunidad na natanggap ko ay pinili kong sa Xavier University - Ateneo de Cagayan (XU) mag-aral at kumuha ng kursong Psychology. Hindi naging madali ang lahat, lalo na kung sa isang Ateneo school ka nag-aaral. Napapalibutan ako ng mga mayayaman. Buti na lang at hindi ako masiyadong nakatikim ng mga salita ng mga matatapobre sa school ko, at kung meron man ay wala na akong pake. Mas minabuti kong mag-aral na lang. Pagdating naman sa mga grado ko, sa awa ng Diyos ay nakakaya kong maging isang dean’s lister. Dahil na rin sa mga above average grades ko sa school ay mas natuwa ang mga sponsors ko sa akin. Nangako si Mrs. Chai na siya rin gagastos ng pagbo-board review ko, habang ang Sensei ko naman ay nangakong sasaluhin ang iba ko pang gastusin sa school sakaling ma-extend ako sa college, pero hanggang isang taon lang. Syempre, hindi ko hahayaang dumating sa point na ‘yun.

Naging maingat ako na hindi maging masiyadong mabisyo, pero paminsan-minsan ay nakakainom na ako. Dahil marami ang liberated at open-minded sa aming school ay mas naging open ako sa sexuality ko at inaamin ko na na isa akong gay, ‘yun ay kung may magtatanong lang sa akin. Mas minatili kong lalaki pa rin gumalaw at magsalita dahil hindi ko rin naman kasi trip ang mejo feminine na kilos. Isang masculine gay kumbaga. Kaso, hindi maiiwasang lumalambot ang kilos ko minsan, pati ang pananalita.

Pagdating naman sa isa ko pang pangarap, laking tuwa ko ng malaman kong may Mixed Martial Arts Organization pala sa XU. Agad akong sumali rito. Dahil sa Karate skills ko ay mas madali lang sa akin na makasabay sa mga kasamahan ko. Natuto rin ako ng Boxing, Judo, at Jiu Jitsu. Hindi ko sasabihing isa akong expert pero alam kong may ibubuga ako at makakaya kong ipaglaban ang sarili ko. Naging masinop din ako sa pera, para may extra ako. Paminsan-minsan ay pinapadalhan ako ng pera ng mga magulang ko pero hindi ko ‘yun ginagastos dahil iniipon ko ang mga ito in case may mga tournaments. Naipapanalo ko naman ang ilan sa kanila kung kaya’t mas nagkakapera ako.

Bahay - Skwelahan/Review Center - Martial Arts lang ang buhay ko sa loob ng limang taon sa college, kasama na ang pagbo-board review. Hindi ko aakalaing kakayanin ko pala ang lahat ng ito! Pinaghalong luha, dugo, pawis, at sakit ng katawan ang binangga ko sa loob ng maraming taon para lang makamit ito. Nakapagtapos ako ng Cum Laude,pumasa sa board exam, at mas nahasa ang aking galing sa pakikipaglaban. Malaki ang utang na loob ko sa lahat ng tumulong sa akin para makuha ang mga tinatamasa ko ngayon.

Bilang ganti, pagkatapos ng oath taking sa board exam ay minabuti kong mag-trabaho muna ng dalawang taon sa hometown ko as teacher sa isa sa mga private high schools ng lugar namin para naman makasama at makatulong ako sa aking mga mahal sa buhay bago ako lumipat ng ibang lugar para magtrabaho. Kasabay noon ang balik-training ko sa gym kung saan ako nagka-Karate dati. Pinasa ko ang lahat ng natutunan ko sa MMA sa mga bagong fighters sa gym para makapagsimula na rin silang mag-expand. Mabuti na lang at madali silang matuto.

As for my sexuality, ewan ko ba, pero parang naduduwag pa rin akong umamin. Siguro ay dahil mejo may mga nakakakilala sa akin kung kaya’t lalaki akong gumalaw at magsalita. Sinasabi ko ring lalaki ako kung nagtatanong ang mga tao. Napaghahalataan na rin kasi nilang hindi pa ako nagkaka-girlfriend. Ang tanging sagot ko lang ay “Kailangan ko pang tulungan ang pamilya ko, at maging isang magaling na MMA fighter. Pass muna sa ibang gastusin.” Taliwas aking mga galaw at sagot noong nasa CDO pa ako, siguro dahil ay mas open-minded ang mga tao doon kumpara dito sa aming bayan.

Isang “SALAMAT, LORD!” lang ang nasabi ko sa lahat ng nangyaring ito sa buhay ko. Hinding-hindi ko sasayangin ang biyaya Niya sa akin, at nangako ako sa sarili kong paglilinangin ko pa galing ko sa pakikipaglaban.

Matapos ang dalawang taon ay nagpasya na akong mag-trabaho sa Maynila para naman magamit ko ang aking pagiging psychology graduate. Hiling ko lang sana na sa pagdating ko sa Maynila ay makahanap ako ng maayos at magandang trabaho, at tirahang malapit sa isang martial arts gym. Higit sa lahat, sana makakita ako ng ka-forever ko doon, dahil wala naman akong natitipuhan sa lugar naming, although may isang nagpatibok ng puso ko noong college.

ITUTULOY…

Please do comment on my story for feedbacks and everything. Salamat po!

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: Shut Up And Dance With Me (Part 1)
Shut Up And Dance With Me (Part 1)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiZ7JkeO3mG_lXAJEhEhy21j-RpX45afMTuqHDBTBmaOGKkCm4za9zyjuhJaHm0Hr9Jd_269ZkGipNNrGe2hG7399cqQTMbkL_dKkj1Jz_KJFGtaufcM-NQuDgsSM4-qwt_GwHM7sBtFqcbGzzz1d1QqN6WJVgGSB2ERk1kRtDlhzWcM-wOV2wif-QJmg/w512-h640/Shut%20Up%20And%20Dance%20With%20Me.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEiZ7JkeO3mG_lXAJEhEhy21j-RpX45afMTuqHDBTBmaOGKkCm4za9zyjuhJaHm0Hr9Jd_269ZkGipNNrGe2hG7399cqQTMbkL_dKkj1Jz_KJFGtaufcM-NQuDgsSM4-qwt_GwHM7sBtFqcbGzzz1d1QqN6WJVgGSB2ERk1kRtDlhzWcM-wOV2wif-QJmg/s72-w512-c-h640/Shut%20Up%20And%20Dance%20With%20Me.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2022/05/shut-up-and-dance-with-me-part-1.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2022/05/shut-up-and-dance-with-me-part-1.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content