$type=carousel$hide=post$clm=6$c=20$l=0$sp=2000$src=random$b=0$do=0$hide=/search/label/Events

$show=mobile$hide=home-page-404

$hide=home-page-404-mobile

A Son's Lust (Part 12)

By: CHedeng2014 "Buti nakarating agad kayo" bungad sa kanila ni Nympha pagkarating nila sa tindahan nito. Ibinaba nito ang bin...

By: CHedeng2014

"Buti nakarating agad kayo" bungad sa kanila ni Nympha pagkarating nila sa tindahan nito. Ibinaba nito ang binabasang pocketbook at sinalubong ang dalawa.

Inabot ni Wanjo ang dalang malaking supot sa Ina matapos magmano dito. Agad naman itong inayos ni Nympha sa maliit na lamesang pagkakainan.

"Bakit parang natagalan ata kayo Lucio?" tanong nito sa asawa habang abala sa paglalagay ng pinggan.

Hindi alam ni Lucio ang isasagot dito kung bakit lampas tanghalian na sila nakarating sa bayan. Wala siyang maisip na palusot dahil okupado ang utak niya ng reaksyon ng anak niya sa lalaking tumawag dito kanina.

Nagtatanong ka kung bakit matagal kami? Kasi kinantot ko muna ang anak natin bago pumunta dito pilyong bulong ng isipan ni Lucio.

Nag-aabang pa rin sa sagot si Nympha kaya nang mapansin ni Lucio na tila natatagalan ang ama sa pagsagot dito ay siya na ang sumalo sa tanong ng Ina.

"A-ah naubos po kasi yung g-gasolina ng motor kanina I-inay. N-naghanap pa po kami ng mabibilhan" pagpapalusot ni Wanjo.

Kahit kabado dahil baka hindi kagatin ng Ina ang palusot niya ay hindi niya ito ipinahalata. Abot-abot ang pagdadasal niya sa isip na maniwala ito.

Jusko, wag naman po sana maghinala si Inay

"Ahh, sige tayo'y kumain na. Kanina pa ako nagugutom" kumbinsidong saad ni Nympha. Marami ang nakabalot na pagkain kaya inisip niyang hindi pa kumakain ang kanyang mag-ama at sasabayan na lamang siya sa tanghalian kahit malapit nang mag alas-una.

Nakahinga ng maluwag si Wanjo dahil sa tinuran ng Ina. Mabuti na lamang at di niya pinahalata ang pagkabalisa kanina habang tinatanong ang ama. Sa pag dulog sa pagkain ay napasulyap siya sa kanyang Itay na tila masama ang timpla.

Nagtaka siya dahil hindi naman ito busangot kanina bago sila tumulak papunta sa bayan. Umasim lang ang mukha nitong nang bigla na lamang siyang tawagin ni Arthur kanina. Napatanga siya sa naisip.

Naiinis ba siya kay Arthur? O di kaya ay nagseselos?

Iwinaksi niya ang ideya sa kanyang utak. Imposibleng mangyari iyon, ang magselos ang kanyang Itay sa iba dahil wala namang silang konkretong paliwanag kung ano ang namamagitan sa kanila.

Hindi pa nila napapag-usapan ang tungkol sa estado ng kanilang sitwasyon ngayon kaya hindi maaari ang iniisip niyang nagseselos ang ama sa lalaking tulad ni Arthur.

Oo at merong nangyayari sa kanila makailang beses na. Para na rin silang mag-asawa kung magromansahan pag magkasama at pinaparamdam nito sa kanya ang pagtrato nito sa isang pangkaraniwan na ginagawa ng lalaki sa isang babae.

Balang araw siguro, tatanungin ko si Itay tungkol sa amin

Sa kalagitnaan ng kanilang panananghalian ay muling sinambit ni Nympha ang usapin tungkol sa nalalapit na bakasyon ng mga bata at pagbabalik ni Wanjo sa Senior High sa susunod na semestre.

"O Wanjo, malapit na rin naman ang bakasyon, bakit hindi ka kaya sumama sa Itay mo sa Quezon?" usal ng ginang sa anak.

"Ho?" tila binging sagot ni Wanjo sa Ina.

Inulit naman ng babae ang tanong sa anak. "Kako total meron namang iniwang bahay ang Tiyuhin mo sa Quezon, bakit hindi kayo doon magbakasyon ng mga kapatid at Itay mo?" Sinulyapan ng ginang ang asawa na sumasang-ayon sa sinabi niya.

"Di po ba kayo sasama kung sakali Inay?" balik na tanong niya sa Ina.

"Gustuhin ko man, sayang naman ang pagbebentahan ko kung sasama ako. Saka bago pa lang itong pwesto anak, sayang ang mga magiging suki ko" mahabang litanya ng babae.

"Para malibang ka rin naman kahit papaano, gumala kayo doon dahil sa susunod na semestre ay tiyak na magiging abala ka na sa pagpasok anak" pagpapatuloy nito.

May punto ang Inay niya. Bihira lang siya makagala sa malalayong lugar at baka minsan na lang niyang mararanasan pa iyon kapag nakatapos na siya ng Grade 12 at tumuntong na sa kolehiyo.

"Ayos lang po ba kay Itay?" alanganin pa siya dahil gusto niyang masiguro kung totoo ba ang pagpayag ng kanyang Inay.

Tumango ang lalaki "Ano ba namang tanong iyan anak, syempre para din naman to sa inyong magkakapatid"

Napangiti si Nympha. Kampante siyang payagan ang mga anak at asawa na magbakasyon ng hindi siya kasama. Hindi naman siya mabuburyo sa bahay dahil pinagkakaabalahan niya ang papalagong tindahan sa palengke.

"Pero bago kayo tumulak pa-Quezon, alamin mo muna sa dati mong eskwelahan kung anong proseso ng pagbabalik eskwela ha?" payo ni Nympha sa anak. "Para mabilis nang maayos ang dapat maayos pagbalik ninyo rito sa atin"

"Okey po Inay" sagot na lamang ni Wanjo bago ipinagpatuloy ang pagkain.

Naputol ang kanilang pag-uusap nang may dumating na mamimili at tumayo ang kanyang Ina para pagbentahan ito. Dahil abala ang ginang sa ginagawa ay si Wanjo na ang nagligpit ng mga ginamit sa pagkain at ibinalik ito sa supot na pinaglagyan niya kanina.

Ang kanyang Itay naman ay ipinuwesto ang upuan malapit sa bentilador para siguro magpahangin dahil hindi rin biro ang init sa katanghalian na iyon. Nang matapos sa ginagawa ay tinabihan niya ang ama.

"Anak" pagtawag ni Lucio sa kanya. Agad naman niyang binalingan ang ama.

"Ano po iyon?"

"Kelan ang balak mong pumunta sa school niyo? Para hindi na tayo magahol sa oras" ani Lucio na matamang nakatingin sa anak.

Naisip ni Wanjo na mas agapan ang pagpunta at itapat ito sa araw na may pasok ang mga kapatid para wala siyang aasikasuhin sa bahay. "Siguro sa miyerkules na lang po tayo pumunta Itay"

Tumango ang lalaki na hindi pa rin inaalis ang tingin sa anak. Nakaramdam ng bahagyang pagkailang ang binatilyo kaya naman di niya natis na tanungin ang ama.

"Ayos lang po ba kayo Itay?" nag-aalalang tanong niya dito.

Sa halip na sagutin ni Lucio ang tanong niya ay binato siya nito ng tanong pabalik. "Sino na nga uli yung tumawag sa iyo kanina sa may bungad?"

Napatigil si Wanjo, hindi inaasahan na muling tatanungin ng ama ang tungkol doon. Pero diba't sinabi ko naman na ang pangalan ni Arthur kanina? pagtatanong niya sa isipan.

"Si Arthur po 'Tay, nagtatrabaho po sa may rice retail dito"

"Kaibigan mo ba iyon?" hindi alam ni Lucio kung bakit niya tinatanong ng ganoon ang anak. Wala pa kasing naipapakilalang ibang tao sa kanila ang panganay magbuhat ng tumigil ito sa pag-aaral at pumirmi na lang sa bahay.

Sinisiguro lang niya ang kalagayan ng anak dahil unang tingin pa lang niya sa lalaki kanina at sa paraan ng pagkindat nito kay Wanjo ay maloko na ang naging tingin niya rito.

Alam ko na ang mga ganong galawan, tsk, walang pinagkaiba noong kabataan ko

"Nakilala ko lang po Itay, ilang beses na rin po kasi siyang nagpapabarya dito sa tindahan" pagsagot ni Wanjo sa tanong ng kanyang Itay.

Hindi niya sinabi ang totoong ugnayan nila ni Arthur. Walang dahilan para isaliwalat niya sa ama ang nangyari sa kanila ng gwapong trabahador ilang araw na ang nakalilipas.

Naging kampante naman si Lucio sa sinabi ng kanyang anak. Ang hindi lang niya nagustuhan ay kung paano nito hagudin ng tingin ang kanyang binatilyo kanina at kindatan ito mismo sa kanyang harapan.

***

Dumating ang araw ng miyerkules at kasalukuyang pumipila si Wanjo papasok sa dati niyang eskwelahan. Kasama niya ang ama na nagpaiwan sa labas ng establisyimento at sinabing aantayin na lang siya doon.

Nang banggitin sa guwardya kung ano ang sadya niya doon ay agad na siyang pinapasok nito. Napangiti ang binatilyo nang muling masilayan ang malawak na kabuuan ng paaralan. Dahil alam naman niya ang pasilyo kung saan nakahanay ang registrar ay agad na niya iyon tinungo para matapos na ang kanyang lakad para sa araw na iyon.

Ayaw niyang pag-antayin ng matagal ang kanyang Itay sa labas. Narating na agad niya ang silid na sadya. Tumikhim siya para makuha ang atensyon ng taong abala sa kung anong ginagawa sa likod ng makapal na salamin.

"Magandang umaga po" pagbati ni Wanjo.

Umangat ang tingin ng nakayukong babae at tila masungit na humarap sa kanya. "Anong sadya?"

Lihim na napaismid si Wanjo sa kasungitan ng babae. Sa pagkakatanda niya ay hindi ito ang registrar dati na nakapwesto doon. Mabait iyon hindi tulad ng kaharap niya ngayon.

Ang sungit, magtataong lang ako eh

"Magtatanong lang po kung ano pong mga dokumento ang kailangan para sa pag-eenroll ulit sa Grade 12" malumanay na pagtatanong niya.

"Ay Iho hindi pa oras ng pag-eenroll ngayon. mag-aantay ka pa ng dalawang buwan" napa rolyo ang mata ng babaeng registrar. Malayong-malayo ang sagot sa tanong ng binatilyong kaharap.

Kahit may kasungitan ang empleyado ay hindi nagpatinag si Wanjo. "Oo nga po, ang tinatanong ko po ay yung mga requirements po para sa darating na enrolan"

Tumipa ang babaeng empleyado sa computer na naroon. "Grade?"

"Ano ho?"

"Anong grade mo Iho? Di ka kasi nakikinig ng maayos" may kalakasan na sambit nito.

"A-ah eh G-grade 12 po" may konting hiyang naramdaman si Wanjo dahil sa inaakto ng babae sa kanya.

May kinuha ang babae sa estante doon ng mga papel. Pagkakuha ay inabot niya ito sa nakatayong si Wanjo.

"Nakalagay dyan yung requirements para sa grade 12, kumpletohin mo at saka ka bumalik sa July. Siguraduhin na kumpleto ang mga dokumento bago bumalik dito para hindi na pabalik-balik pa, naiintindihan?" mahaban at striktiong bilin nito.

Sinulyapan ni Wanjo ang papel na hawak. Karamihan sa mga kailangan doon ay naitabi na niya tulad ng report card at sertipiko ng kapanganakan. Inabutan rin siya nito ng enrolment form para pipila na lang siya sa darating na July.

"Salamat po Ma'am"

***

Nakangiting lumabas si Wanjo sa gate ng paaralan. Natanaw na agad niya ang kanyang Itay na nakaupo sa hanay ng mga tindahan doon. Inantay niyang makadaan ang mga sasakyan bago tumawid papunta dito.

"Ano naayos mo na ba?" agad na bungad sa kanya ni Lucio.

Tumango ang binatilyo at nagpunas ng pawis habang umiinom sa dalang softdrinks ng ama "Opo, babalik na lang po ako sa July para maka pag-enroll na"

"Mabuti naman anak" ginulo ni Lucio ang buhok ni Wanjo at inakbayan ito. Mas lumaki naman ang ngiti ng binatilyo.

"Salamat po Itay, salamat po sa inyong dalawa ni Inay, makakapag-aral nap o ulit ako" may galak ang tinig ni Wanjo.

"Wag mong isipin iyon anak, obligasyon naman na pag-aralin kayong magkakapatid. Pasensya na nga lang at natagalan iyong sa iyo" inakbayan na ni Lucio ang anak at sabay na silang lumakad papunta sa nakaparadang motor sa harapan.

"Tara na anak, umuwi na tayo"

COMMENTS

banner

[SHORT STORIES]$type=carousel$clm=4$c=20$l=0$sp=2500$src=random$b=0$do=0$hide=archive-search-label

Name

Announcement,5,Arranged,31,Articles,14,At Work,541,Birthday Party,1,Close Friends,1419,Completed,45,English,34,Entertainment,1,Events,4,Fantasy,56,Featured,9,Fetish,16,Foreigner,17,Grand Eyeball,2,Group,8,Health,3,History,1,HIV Awareness,2,Hot,5,Iconic,1,Incest,1085,Indie Films,21,Inspiring,10,Love Story,866,Luke Conde,1,Military,12,Mini Eyeball,2,Neighbors,226,News,9,Outing,1,Series,144,Short Story,167,Speaking Out,15,Sports,17,Strangers,831,Tips,2,Under Editing,5,Updates,3,Wild Abandon,288,Young Awakening,449,
ltr
item
Mencircle: A Son's Lust (Part 12)
A Son's Lust (Part 12)
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEh_sHS6h2ATuIsUW8pDAxZ5y8dC8EDxXfmhZdPrFMeid8o1n94TBIo6dtNTzNS614_EfqRuQ4iPwdHyFganJ5t7FXJ3Xbg-_0uqNF0PtRS-oW244lp87i2vMCuBgyIfz1ZVTOUao3FilVd_Uwr5ZxEdiWsr8DPXG3lk00W2ucen-Kvm4Z-UB_yyLtQjXw/w512-h640/A%20Son's%20Lust.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEh_sHS6h2ATuIsUW8pDAxZ5y8dC8EDxXfmhZdPrFMeid8o1n94TBIo6dtNTzNS614_EfqRuQ4iPwdHyFganJ5t7FXJ3Xbg-_0uqNF0PtRS-oW244lp87i2vMCuBgyIfz1ZVTOUao3FilVd_Uwr5ZxEdiWsr8DPXG3lk00W2ucen-Kvm4Z-UB_yyLtQjXw/s72-w512-c-h640/A%20Son's%20Lust.jpg
Mencircle
https://www.mencircle.com/2022/07/a-sons-lust-part-12.html
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/
https://www.mencircle.com/2022/07/a-sons-lust-part-12.html
true
8703757858338494123
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL READ Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU CATEGORY ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow SHARE TO CONTINUE STEP 1: Share to Facebook or X (Twitter) STEP 2: Click the link on your shared post Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content